HAMBRE ENTRIES

By UBgames

1.1K 29 26

Here are the entries of all of the members of HAMBRE TRIBE More

Challenge #1 Entries
ENTRY #1: THE REAL WINNER by pretty_engineer
ENTRY #2: ISLA NG KARIMLAN by Mr_JCA
ENTRY #3: POOR HER, POOR ME by JustPlainlyMe
ENTRY #4: UNDOING by InterfratorW
Challenge #2 Entries
ENTRY #1: DWENDENG GREEN [Semi-erotic + Fairy Tale] by pretty_engineer
ENTRY #2: SAKIT NG BANSA [Zombie + Medieval] by Mr_JCA
ENTRY #3: OUR NEXT LIFE [Serial Killer + Fan Fiction] by JustPlainlyMe

ENTRY #5: THE BIRTHDAY PARTY by Chenie8

87 3 4
By UBgames

"Beth, pinayagan ka ba ng parents mong pumunta sa birthday party ko?" Pambungad na tanong sa 'kin ni Gemel.

"Ano kasi... Pinayagan naman ako kaso kailangan daw na kasama ko si Alex. Okay lang ba 'yun sa'yo, Bestfriend?" Nakita kong naging malungkot ang mukha ni Gemel. Hindi pa siguro niya kayang makita si Alex, lalo na't kakahiwalay lang nila last month.

"To be honest, ayoko talaga siyang makita. Pero kung 'yun lang talaga ang paraan para makapunta ka sa party ko. Sige, okay lang sa 'kin." Mapait na ngiti ang pumakawala sa bibig niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang sinapit nilang break-up. Ewan ko nga ba sa kanila, pabigla-bigla naman kasi e. Tinatanong ko si Gemel, pero mukha namang hindi pa niya kayang pag-usapan ang tungkol dun. Ganun din naman si Alex, kapag tinatanong, ngiti lang ang isasagot. Hay naku, ewan ko sa kanilang dalawa.

Niyakap ko na lang si Gemel at dahan-dahan na hinagod ang likod niya. "Salamat Gemel, ewan ko nga ba kay Mommy kung bakit ang laki lang ng tiwala niya sa gagong 'yun." Para namang natawa si Gemel sa pagsabi ko na gago si Alex. Ang bestfriend ko talaga, bitter.

-----

"Beth, kailangan ba talaga na kasama ako? H'wag ka na kayang pumunta?" Pagmamaktol ng katabi ko ngayon.

"Naku, hindi pwede. Naka-oo na ako kay Gemel e. Sorry talaga Alex ha? Naabala pa kita. Si Mommy kasi e, 'di pa 'ko pinayagang pumunta dun mag-isa."

"H'wag kang magsorry, Beth. Ano lang kasi.... may laro kami sa mga kabarkada ko mama-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pinaki-usapan ko na lang siya ng pinakiusapan. Sana uubra 'tong 'Please, Alex' sa kanya ngayon. Wala pa naman sa mood 'to kanina.

"Osige na nga. Psalamat ka mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong prinsesa." Ngiti niyang sabi sa 'kin.

"'Yun oh, salamat Alex. The best ka talaga." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Sanay na naman kami sa mga ganito e. Simula bata ganito na kami maglambingan. "Para talaga kitang Kuya. Kung Kuya Alex na lang kaya ang itawag ko sa'yo?" Sabi  ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya.

May tumawag sa'kin mula sa likuran. Lumingon ako at nakita si Gemel na nakangiting nakatayo kasama ang ibang invited sa party.

Sa resort nila Gemel gaganapin ang party. Para makapunta doon ay kailangan mo munang sumakay sa bangka ng mahigit isang oras. Dalawang motor na bangka ang nakahanda. Kaya hinati ang grupo sa dalawa.

Kasama ko sa bangka sina Alex, Gemel, David - ex ni Gemel, at si Junie na kababata naman ni Gemel. Si Junie ang nagpatakbo sa motor na bangka namin.

'Yung mga malalapit naman naming kaibigan na sina Jane, Cathlyn, Noelyn at Lalaine ang nakasakay sa kabilang bangka. Si Justin, ang lalaking pinag-aral naman sa mga magulang ni Gemel, ang nagpapatakbo sa kanilang motor na bangka.

Medyo maalon ang dagat at makulimlim ang ulap sa pagbyahe namin. Mga kalahating oras pa kami sa laot nang makita kong malapit na pala kaming makarating sa isla. "Akala ko ba mga isang oras ang byahe papunta doon sa resort ninyo, Gemel? E malapit na tayo o." Turo ko doon sa isla.

Napatawa si Gemel sa sinabi ko. "Hindi, bestfriend. Sa susunod na isla pa 'yung resort namin." Napatango naman ako sa sagot niya.

Maya-maya pa ay narinig kong tumili si Jane sa kabilang bangka. Napatingin ako sa kanya at nakita siyang natataranta. Ganun din ang iba niyang kasama sa bangka.

Huminto muna kami para itanong sa kanila kung ano ang problema. Kalma namang sinabi ni Justin na may butas ang bangka nila.

"Ano? May butas? Paano na 'yan? Hindi ako marunong lumangoy." Natatarantang sabi ni Jane.

"Kalma lang kayo d'yan." Utos ni Junie at sumunod naman sila. "Malaki ba 'yung butas, Justin?" Kalmado niyang tanong.

"Hindi naman siya masyadong malaki."

"Osige, ganito gawin natin. Lagyan mo muna ng tela 'yang butas para 'di masyadong pumasok 'yung tubig. Hintay muna kayo dito, itatawid ko muna sila sa isla para mabalikan ko kayo." Pagpapaliwanag ni Junie.

"E isama mo na lang ako d'yan" Agad na sabi ni Jane.

"Ako rin." Sunod naman na sabi ni Noelyn.

"Hindi pwede, baka kasi hindi kayanin ng bangka 'yung bigat. Hintay na lang kayo dito, malapit lang din naman dito 'yung isla." Pagkatapos nun ay agad na pinaandar ni Junie 'yung bangka patungo sa isla.

Hindi pa kami masyadong nakaabot sa isla ay tumalon na kami. Nilangoy na lang namin 'yung 30 meters ata na layo sa isla. Kailangan na kasing balikan ni Junie sila bago pa malunod ang kanilang bangka.

 Ala sais na ng hapon pero nandito pa rin kami sa isla. 'Yung isang bangka ay tuluyan ng nalunod habang 'yung isa naman ay naubusan na ng gasolina. Nakalimutan kasi ni Justin na dalhin 'yung extrang gasolina.

Kaya heto kami ngayon sa isla nagbabasakali na may mapadaan na bangka. Hindi kasi kami makacontact sa parents ni Gemel dahil sa walang signal.

Sa unang gabi namin ay gumawa kami ng apoy para mainitan at kumain sa dala naming biscuit at junkfoods. 'Yung dala-dala naming pagkain at tubig ay sapat lang sa dalawang araw kaya kailangan  na namin na matulog ng maaga para may sapat na lakas bukas sa paghahanap ng makakain at maiinom.

Napamulat ang aking mata sa biglang pagsigaw ni Jane. Natataranta siyang tumungo palapit sa'kin.

"Anong nangyari sa'yo?" Nagtataka kong tanong.

"Si Lalaine... si La-Lalaine." Bigla siyang napaluhod at humagulgol ng iyak.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat. "Sabihin mo sa 'kin. Anong nangyari kay Lalaine?" Madiin kong tanong.

"Wala na si Lalaine. Wala na siya. May.... may pumatay sa kanya." Napatulala ako sa kanyang sinabi. Nanlamig ang buong katawan ko at tumaas ang aking mga balahibo.

"Kasalanan ko 'to. Sabi kasi niya sa 'kin kagabi na iihi muna siya. Ngayon ko lang siya naalala, hindi pala siya nakabalik mula pa kagabi. Dapat sinamahan ko na lang siyang umihi." Sabi sa 'kin ni Jane na umiiyak. Bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot.

Nilibot ko ang aking paningin at naalala ang iba naming kasamahan. "Nasaan 'yung iba, Jane?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa aking tanong. "Naghahanap sila ng makakain natin. Pa-paano na 'to? Baka may mangyaring masama sa kanila."

"Sana naman wala. Maghihintay na lang tayo dito sa kanila para makatingin din tayo 'pag may papalapit na bangka."

Hindi nagtagal ay bumalik na rin sila. 'Yung una kong nakita ay sina Gemel, David at Alex na may dala-dalang saging at buko.

Tumakbo ako patungo sa kanila at niyakap si Gemel ng mahigpit. "Mabuti naman at ligtas kayo. 'Yung iba? Nasaan na sina Junie?"

"Okay ka lang, Beth? Ano ba 'yang mga ikinababahala mo? Mamaya dadating na rin sila, nauna lang kami dahil sa may kinuha pa silang buko. 'Di pa kasi ito sapat para sa'tin e. Hindi pa natin alam kung hanggang kailan tayo dito sa isla." Kalma niyang pagpapaliwanag.

"Gemel, David, Alex, 'yan ang ikinababahala ko. Makakaalis pa kaya tayo dito sa isla ng buhay?" Naluluha kong sabi sa kanila.

"Anong... anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong sa 'kin ni Gemel.

Magsasalita na sana ako nang sumigaw si Jane mula sa likuran. "Junie!"

Napatingin ako sa likuran nina Gemel at nakita si Junie na duguang napaluhod sa buhangin. Kasa-kasama niya ngayon si Justin na nanlulumo.

Agad akong tumako patungo sa kinatatayuan nila. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin sina Noelyn at Cathlyn pero wala akong nakita kahit anino man lang. Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Pa-patay na sila. Guys, patay na sina Noelyn at Cathlyn." Malungkot na balita sa 'min ni Junie.

"Patay na rin si Lalaine." Balita ko naman sa kanila.

Ipinaliwanag ni Jane ang pagkamatay ni Lalaine. Ganun din si Junie sa pagkamatay nina Noelyn. Umalis muna raw 'yung dalawa dahil sa kukuha muna sila ng saging.

"Nang pinuntahan na namin sila ay may ilang saksak na sila sa kanilang katawan. Nilapitan ko sila pero wala na talaga silang malay." Naiiyak na kwento ni Junie.

"Ang ibig niyong sabihin ay may mamamatay tao sa isla na ito?" 'Di makapaniwalang sabi ni David.

"Ganun na nga." Sagot naman ni Justin.

"No, hindi 'yan pwede. Bakit niya tayo papatayin? May kasalanan ba tayo sa kanya?" Galit na tumingin si Jane kay Gemel. "Kasalanan mo 'to Gemel e. Kung hindi dahil sa letcheng birthday party mo. Hindi sana mangyayari sa 'tin ito."

"Jane, ano ba? Wala na tayong magagawa. Nandito na tayo sa isla. Ang mabuti na lang nating gawin ay gumawa ng  oars para sa bangka. 'Di kasi sapat ang gasulina natin para makaabot doon sa isla nila Gemel." Hinanap ko 'yung bangka pero wala akong makita. "Teka, nasaan 'yung bangka?"

Napatingin din sila sa kinilalagyan nung bangka pero wala na ito.

"Sinong hayop na tao ang gumawa sa'tin nito?" Naiiyak na tanong ni Jane.

"Kung may ibang tao dito sa isla. Ibig sabihin may bahay siya dito kundi mga gamit." Sabi ni Alex na parang nag-aalala na rin.

"Kung ganun, kailangan lang natin siyang maunahan. Hahanapin natin 'yung bahay, medyo maliit lang naman 'tong isla kaya hindi siguro tayo aabot ng isang araw 'pag maghihiwalay tayo."

"Hindi tayo dapat maghiwalay. Kakaunti na lang tayo, tsaka hindi natin kabisado ang isla na 'to." Pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Guys, tama si Beth." Pagsang-ayun naman ni Alex.

"Pero 'pag magkahiwalay tayo mas mapapadali ang ating paghahanap. Kailangan, as soon as possible mahanap na natin siya dahil kaunti na lang ang pagkain natin. Natangay niya pati 'yung mga pagkain at gamit sa bangka." Pagpapaliwanag naman ni Gemel.

"May punto si Gemel, guys. Sige, ganito na lang. Sino dito ang sang-ayun kay Beth." Itinaas ni Alex at Jane ang kanilang kamay. "Sorry Beth, pero ang plano ni Gemel ang masusunod."

Hinati kami sa dalawa. Kasama ko sina Gemel at Alex habang sina Justin, David, Jane at Junie naman ang magkasama.

"Yung usapan natin ha? 'Pag malapit ng gumabi maglakad na kayo papunta dito. Kahit wala kayong balita, balik pa rin kayo para safe. Walang iwanan, guys. Kaya natin 'to." Seryosong sabi ni Gemel.

"Beth, pwede ba kitang makausap?" Bulong ni Alex sabay hila sa 'kin.

"Ano ba ang pag-uusapan natin, Alex?" Nagtataka kong tanong.

"Nakita ko si Gemel at si Justin na seryosong nag-uusap kanina. Kung nagpaplano sila, bakit hindi nila tayo sinama sa pagpaplano? Sa tingin ko, may kinalaman silang dalawa sa lahat ng ito."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Ano? Hinding-hindi 'yan magagawa ni Gemel sa'tin. Bakit ka ba ganyan mag-isip ha? Tayo na nga lang ang magkakasama, paghihinalaan mo pa sila. Tsaka, bakit naman tayo papatayin ni Gemel?"

"Beth, mag-isip ka nga ng mabuti. Siya ang dahilan kung bakit tayo napunta dito. Tsaka, 'yung mga invited sa party niya. Sila lahat mga karibal niya. Si Noelyn, mas talented. Si Jane at Lalaine, mas sikat. Si Cathlyn, naman karibal niya sa akademiya at ikaw ka-" Naputol ang pagsasalita ni Alex nang tinawag kami ni Gemel.

"Oh, para kayong nakakita ng mulot."

"A wala 'to. Sige, maghahanap na tayo para 'di tayo maabutang ng gabi." Niyakap ko si Gemel. Sana 'di totoo ang hinala ni Alex. "Mahal na mahal kita, bestfriend." Kumalas ako sa yakap at ningitian siya.

Napatingin muna siya kay Alex bago sa 'kin sabay sabi ng. "Mahal din kita, bestfriend."

Seryoso kaming naglakad sa may kakahuyan nang biglang napahinto si Gemel habang nakatuon ang tingin niya sa may kanang bahagi.

"D'yan lang kayo." Marahan siyang lumakad patungo sa tinititigan niya kanina.

Nakita kong biglang gumalaw 'yung dahon. Humakbang ako para sundan si Gemel nang biglang hinawakan ni Alex ang bisig ko. Napatingin ako sa kanya. "Bitawan mo 'ko Alex. Baka may masamang mangyari kay Gemel."

Binitawan niya ang pagkakahawak sa'kin at humakbang ako ulit. Saktong pagtingin ko kay Gemel ay siya ring pagsaksak nung lalaking nakabonet sa kanya.

"Gemel!" Napasigaw ako sa gulat. Tumingin 'yung killer sa 'min na may hawak-hawak na dugoang kutselyo.

Napaluha ako sa aking nakita. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Tatakbo ba ako kay Gemel para tulungan siya o tatakbo na lang paalis. Pero bago pa ako makapagdesisyon ay agad na akong hinila ni Alex paalis dun sa lugar.

Gaya ng napag-usapan namin kanina ay bumalik kami dun bago gumabi. Natagpuan namin sina Junie at Justin na nakapanlumong nakaupo sa buhangin.

"Nasaan sina Jane?" Naiiyak kong tanong sa kanila.

"Wala na sila." Matipid namang sagot ni Justin.

Tumayo 'yung dalawa at naglakad-lakad.

Napaupo ako sa buhangin at umiyak nang umiyak. Umupo si Alex sa tabi ko at nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Sorry Alex, nasama pa kita dito." Nagsisisi kong sabi sa kanya habang tuloy pa rin ang agos ng mga luha ko.

"Mabuti na nga 'yun e. Kung mamatay man ako dito ngayon, ikaw ang huli kong makakasama."

 Seryoso niyang sabi sa 'kin. Hinawakan niya ang baba ko at ihinarap ang mukha ko sa mukha niya. "Mahal kita, Beth." Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang matamis na halik.

"Ang kapal ng mukha niyo. Nagawa niyo pa talagang maghalikan." Napatayo kami ni Alex sabay harap dun sa sumigaw.

Nakita ko si Gemel na galit na galit. Lalapit na sana ako para yakapin siya at magpaliwanag nang makita ko ang kutselyo na hawak-hawak niya sa kanyang kanang kamay.

"Masarap bang humalik si Alex, Beth?"

"Gemel, pwede ba. Wala na tayo tsaka 'di ba, patay ka na. Paano ka-"

"Paano ako nabuhay?" Humagalpak ng tawa si Gemel. "Tanga lang, hahaha. Planado 'to lahat, Alex." Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa paligid. Natulala kami ni Alex sa aming narinig.

"Alex, ang sakit. Bakit sa bestfriend ko pa?" Nakita kong tumulo ang luha ni Gemel.

"Gemel, sorry." Humakbang ako palapit sa kanya. "Gemel, pwede naman 'tong pag-usapan e. Kaya bitawan mo na 'yang kutselyo. Mahal mo naman ako, 'di ba?'

"Oo, mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. Ayoko ng umiyak at ayoko ng masaktan. Gusto kong makita kang duguan sa harapan ko." Napatigil ako sa paglalakad. "Tutal nasimulan na namin 'to nina Justin at Junie. Itutuloy na lang namin ito. Ready ka na bang mamatay, Beth?" Nilalaro na ngayon ni Beth ang kutselyo niya gamit ang kanyang daliri.

"Gemel, ako na lang ang patayin mo. Ako naman ang dahilan kung bakit mo papatayin si Beth, 'di ba?." Humarang si Alex sa 'kin. "D'yan ka lang sa likuran ko."

"Wow, knight in shining armor lang ang dating a. So sweet, sana ganyan ka rin sa 'kin, no?" Nahihibang niyang sabi kay Alex. Pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin. "Paano ba 'yan, Beth? Say goodbye to your prince charming." Humakbang si Gemel patungo sa'min nang umaksyon si Justin na paluin si Gemel ng kahoy sa ulo. Hindi umabot kay Gemel 'yung kahoy dahil sa humarang si Junie.

"Junie!" Gulat na sigaw ni Justin.

Lumuhod si Justin para hawakan ang ulo ni Junie. Pero bago pa niya mahawakan si Junie ay sinaksak na siya ni Gemel sa tiyan ng dalawang beses.

Agad na lumapit si Alex kay Gemel. Kinuha niya 'yung malaking bato sa gilid saka hinampas si Gemel sa ulo. Napahiga si Gemel sa buhangin sabay daloy ng dugo mula sa kanyang ulo.

Ang bilis ng pangyayari. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Bigla na lang nabalik ang diwa ko nang niyugyog ni Alex ang magkabila kong balikat.

"Gemel, okay ka lang?" Tumango naman ako bilang tugon.

"Alex" Mahinang tawag ni Justin. Agad kaming oumunta sa kaniya at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Nandoon sa likuran ang bangka. Libutin niyo na lang ang isla para madali niyo itong ma-" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa binawian na siya ng buhay.

"Tayo na Gemel." Sabi ni Alex sa'kin.

Tumingin muna ako sa bangkay nina Junie at Gemel bago umalis.

Tapos na rin ang lahat. Hindi ko inakala na aabot pala sa ganito ang pagkagalit ni Gemel sa 'kin. Pero wala na rin naman akong magagawa e. Nangyari na ang lahat. Hindi ko na maibabalik ang buhay nila.

Continue Reading

You'll Also Like

446K 18.3K 51
Mint Fuentes, a certified homophobic. People of equal gender loving each other disgusts the hell out of her. She believes that woman are for man, an...
2.8M 3.3K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
6.5K 243 35
(If you like or love reading INTERSEX stories, here its is I'm writing again, thankyou for voting to my previous stories guys, hope you like this too...
116K 6.5K 144
Ang sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang d...
Wattpad App - Unlock exclusive features