The Rockstar's Downfall (Dang...

By kaizerKKYOS

189K 8.3K 1.1K

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs Si Timmy ay isang avid fan ng napakasikat na boyband group na Nirvana Redux kung saan pa... More

Prologue
TRD - 01
TRD - 03
TRD - 04
TRD - 05
Introducing Portrayers
TRD - 06
TRD - 07
TRD - 08
TRD - 09
TRD - 10
TRD - 11
TRD - 12
TRD - 13
TRD - 14
TRD - 15
TRD - 16
TRD - 17
TRD - 18
TRD - 19
TRD - 20
TRD - 21
TRD - 22
TRD - 23
TRD - 24
TRD - 25
TRD - 26
TRD - 27
TRD - 28
TRD - 29
TRD - 30
TRD - 31
TRD - 32
TRD - 33
TRD - 34
TRD - 35
TRD - 36
TRD - 37
TRD - 38
TRD - 39
TRD - 40
TRD - 41
TRD - 42
TRD - 43
TRD - 44
TRD - 45
TRD - 46
TRD - 47
TRD - 48
TRD - 49
TRD - 50
Epilogue

TRD - 02

7.1K 324 29
By kaizerKKYOS

Timmy's Point of View.

Walang nang paligoy-ligoy kong sinimulan ang trabaho ko dito. Inilagay ko muna sa locker ko ang dala kong bag at tumungo na sa labas kung saan kumakain ang mga customer. Nasanay na ang mga mata ko sa mga magagarang taong nakikita ko gabi-gabi na animo'y parang ginto. Saan ka pa? Benta mo na bes. Yayaman ka pa.

May maliit na stage 'tong restau-bar na tinatrabahuhan ko kung saan nagpeperform lagi si Natalie. Singer siya dito. Basta yun lang muna masasabi ko.

Lumapit ako sa isang table kung saan nakaupo ang isang babae at lalaki. Syempre, hindi ko na kailangang sabihin na mayaman sila. Common sense na agad-agad. Agad-agad na!

Mukhang magjowa ata? Magkaholding-hands kasi ang mga loka-loka. Hay naku! Lolokohin ka lang ng lalaking yan girl. Sa hitsura pa lang mukhang marami nang babae. For sure, di na yan virgin. Marami na yang natusok.

Ang sakit naman sa mata ng kamay nila. Ang sarap lang putulin. Kaso baka makulong ako. I'm just a commoner yet beautiful. Maganda lang ako pero walang pera.

"What is your order ma'am and sir?" syempre kailangan formal ang tindig. Share ko lang, dito talaga ako sa trabaho ko natutong mag'englishining spokening dollar. Puro ba naman imported kausap mo. Ewan ko lang kung hindi dumugo ang ilong mo kaka'english. So much for that! Kitams! I told yah'.

Unang sumagot yung babae na may hawak-hawak na menu. Prente itong nakaupo habang nakadekwatro. Gusto ko yung red dress niya. Gusto kong punitin kung gusto niya lang naman ipaglantaran ang hita niyang hindi naman kakinisan.

"A Quinoa Salad and Albarragena Jamon Ibericode Bellota." ang sakit talaga sa brain ng mga spelling ng mga pagkain dito. Ang hirap pa basahin. Ipapagood-time ko talaga ang nag-isip ng mga pangalan ng pagkain na yan. Pwede namang kagaya na lang ng Adobong Manok o kaya naman Beef Steak. Easy as that! Pinapahirapan pa kaming mga waiter eh. Sakit talaga sa bangs. Di kinakaya ng pawers ko.

"How about your order sir?"

Halos mahulog na ata ang suot kong panty nang ngumiti ito sa akin. Bakit ngayon ko lang ata napansin na ang pogi pala nito? Bulag ka Timmy. Humihina na ang raydar mo! Konting alog sa utak para naman magising kahiy konti.

"Uhmm... Excuse me." nabalik ako sa wisyu nang magsalita ito. Naku ha! Tulala ka na naman diyan. Basta may pogi talaga. Diyan ka talaga magaling. Ang lumandi.

"Yes sir?" inayos ko muna ang pagkakatayo ko kasi mukha na akong tanga dito. Stand straight and don't forget your posture. Kailangan pretty ka lang.

"I want some Charcoal-Grilled Beef Serloin Steak and two Frozen Haute Strawberry Ice Cream." syempre sulat naman ang lola niyo habang nagsasalita si kuya mong pogi.

"How about for drinks sir?"

"Just give us a bottle of Chateau Margaux." isang uri yun ng wine mga beks, para sa mga hindi nakakaalam. Hindi basta-bastang wine! Kaya na atang mahulugan ang pang-limang taong upa sa apartment ko. Ganern kamahal!

Binasa ko muna yung mga pagkaing trip nilang kainin sa buhay bago ako pumunta sa kitchen area.

Stand-by muna ako habang hinihintay ang order nila. Sumulyap-sulyap sa mga taong kumakain. Iniisip na sana naging mayaman na lang ako. Para naman kahit papa'no makakain ako sa mga high class na mga restaurant. Para naman maging customer naman ako kahit minsan.

Lakas ko mangarap 'no?

Ano ba namang magagawa ko? Ito na ang binigay na buhay sa akin ng Diyos. Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Na mahirap lang ako. Swerte ko na lang kapag yumaman tayo. Kaso mukhang imposible atang mangyari yun.

"Sinong tinitingnan mo diyan?" napatingin ako sa taong nasa gilid ko. Nakasuot ito ng puting v-neck t-shirt at itim na pantalon. Mukhang out na ata ng isang 'to?

"Ikaw pala yan Jherome? Out mo na?" isa sa mga chef dito itong lalaking katabi ko. Masasabi kong magaling siyang magluto. Dapat lang kasi chef siya 'no! Anong silbi ng pagiging chef niya kung hindi siya masarap. Masarap magluto! Di pa nga tapos magsalita yung tao.

"Yeah. I'm about to go nang makita kitang nakatayo dito. Sino bang tinitingnan mo diyan? Bakit parang tulala ka ata?"

"Puyat lang ako. Tsaka wala akong tinitingnang gwapo."

"Wala akong sinabing gwapo." nang-aasar niyang sagot. Sinimangutan ko lang siya sa inasal niya. Napapikit ako nang guluhin niya ang buhok ko na kalahating oras kong inayos sa harap ng salamin.

"Hindi ka na talaga nagbago Tim. Sige! Mauna na ako sayo. May date pa kasi ako." kumaway ito sa akin at nagsimula nang maglakad papunta sa fire exit. Nginitian ko na lang ito at tumingin sa kitchen.

Ngayon ko lang napansin. Pogi din pala ang lalaking yun.

Lumipas pa ang limang minuto nang makuha ko na ang order nila at dinala ito sa table. Sinunod ko pa ang iba at hinuli na ang wine.

Tumuntong ang hatinggabi at mangilan-ngilan na lamang ang mga customer. Pero hindi yun ang problema ko. Inaantok na ako! Halos makipaglabanan na ako sa talukap ng mga mata ko na huwag tuluyang pumikit at baka mamaya sumemplang na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Masira pa ang beauty ko.

Mukha na ba akong nakainom sa hitsura ko? Hindi naman siguro. Mukha lang akong tanga. Emeged! Di na ata keri ng power ko.

"Waiter please." napaangat agad ako nang ulo at pumunta sa table kung saan nakaupo ang isang lalaki. Nakangiti ko itong tinanong at agad namang sinabi ang order niya.

"Is there something wrong?" Nakakahiya ka. Lagi ka na lang nakatulala kapag may nakikita kang pogi. Bawas-bawasan mo yang malandi mong hormones.

"Nothing sir."

"You look sleepy."

"Normal lang po siguro yun." napanganga ako nang mahina siyang tumawa. Kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin. Emeged! Ang cute niya ngumiti.

"Don't mind me. You just look cute with that expression."

Hanudaw bes? Cute daw si ako? Compliment yun Tim. Compliment! Parang kinilig naman ata ng sobra yung matres ko doon?

Pagkatapos ay hiningi ko na ang order niya. Hindi ako magkandamayaw sa pagsusulat ng order niya dahil sa kinikilig pa yung matres ko.

"Thank you po." nagbow ako dito bago ito talikuran. Kailangan mahinhin lang. Baka makahalata siyang malandi kang tunay. Namumula na ata ako sa kilig.

I can't take this anymore.

Dating gawi ako ulit. Standing ovation dito sa may tabi habang naghihintay na may magtawag na customer. Bilang na bilang na lang ang mga kumakain dahil madaling araw na. Pero ayos lang! Nagising ata yung mga sleeping hormones ko kasi nawala na lang yung antok ko.

Thanks to kuyang pogi. Hay naku! Titig na titig lang ako dito habang kumakain siya. Ang sexy niya lang kumain.

"Buhay parang life." mahaba akong napabuntong hininga. Feeling ko tuloy habang nakatingin ako sa kanya may mga pusong nakalutang sa paligid niya. Paano ba naman kasi?

Napaangat ako ng ulo nang may isang bagay ang pumasok sa isip ko.

"Teka... Parang namumukhaan ko siya?" oo! Pamilyar ang mukha niya sa akin pero di ko maalala kung saan ko siya nakita dati. Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Saan nga ba? Nakita ko na siya eh. Pero di ko talaga maalala.

Bahala na nga! Basta yun na yun. Kahit kailan talaga hindi nakikisama 'tong utak ko. Matagal nang nagmalfunction mga bes. Di na gumagana ng maayos.

Beauty lang meron ako, walang brain. Accept the truth na lang. Hindi ka matalino. Marunong ka lang mag-isip pero palpak naman palagi. Ganun lang yun!

Mag-aalasais na ng umaga ako nakapag-out. Ito ako ngayon! Bangag. Nagmukha na naman akong zombie. Hirap talaga maging cute kahit kailan.

Naghintay na ako ng jeep na masasakyan pauwi. Di rin nagtagal ay nakasakay na ako. Konting idlip ko lang at pagkagising ay sakto lang akong nakababa sa kanto ng barangay namin.

Konting lakad na lang at makakapagpahinga na ako. Huwag ko lang talaga makita yung Fred na yun. Baka masapak ko lang yun lalo na wala pa akong tulog.

Matiwasay na sana akong nakaakyat sa fourth floor nitong apartment kung saan ang kwarto ko pero sa tapat mismo ng kwarto ko ay natanaw ko si Fred.

Prenteng nakatayo.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong dito. Matching with taas dalawang kilay pa. Imbes na sagutin niya ako ay may inabot siya sa aking isang rosas at chocolate bar.

Tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita. Syempre nagtaka ang lola niya kung para saan yun.

"Ano naman yan?"

"Basta kunin mo na lang. Dami pang tanong eh." may saltik na ata 'tong isang 'to? Tumingin ako sa tinitingnan niya sa bandang gilid pero wala naman akong nakitang tao. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? Ang creepy niya ah.

"Akin na nga." kinuha ko yun at humakbang na papasok sana sa pinto nang bigla niyang harangan ang daan.

"Umalis ka nga dyan. Inaantok na ako. Baka masapak pa kita diyan ng wala sa oras eh." hindi lang ito kumibo at tumingin sa mukha ko. Nacurious naman ako at hinawakan ang mukha ko. Sa paraan kasi ng titig niya, parang may mali sa mukha ko. Masyado na bang malaki ang eyebag ko?

"Di mo man lang ba papansinin?"

"Ang ano? Wala namang kapan---" napatigil ako sa pagsasalita nang marealize ko ang gusto niyang ipahiwatig.

Infairness kay Fred ah. Pormadong-pormado ang gago. Ibang-iba sa Fred na araw-araw kong nakikita at nambubuwisit sa buhay ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin mula baba-pataas. Bagong sapatos. Maong na pantalon na mukha bago rin. White polo shirt na bago din. At bagong gupit ang loka-loka. Pero ang higit na umagaw ng atensyon ko ay yung nakabakat sa pantalon niya. Charot lang! Pero seriously, sobrang bango niyang tingnan ngayon. Ibang-iba sa amoy niya dati. Parang laging pinapaligo ang alak sa buong katawan.

Ngayon! Ibang-iba hitsura ang niya. Buti naman nagmukhang tao na siya kahit papa'no.

"Saan lakad natin? Buti naman nagmukha ka nang tao."

"Tsk. Pogi naman talaga ako dati pa ah. Grabe ka naman sa akin babes." sunimangutan ako nito at nagkamot sa batok niya. Akala niya madadala niya ako sa mga paganyan-ganyan niya. Nagmumukha lang siyang batang inagawan ng sampalok. Ansabe?

"Tumabi ka na nga diyan." wala na siyang nagawa kundi ang gumilid. Kinuha ko ang susi ng pinto sa bag ko at agad na itong binuksan.

"Thank you pala dito." huling sabi ko bago ko isara ang pinto. Ayun! Nakasimangot pa rin siya.

Di ko alam kung kanino nagmana ang lalaking yun. Hindi naman ganun ang ugali ni Aling Martha. Mas lalo naman yung tatay niyang sumakabilang-bahay na dahil nagsawa na daw sa bunganga ng asawa niyang malakas pa sa megaphone.

Pabulagta akong humiga sa mumunti kong kama at madiing ipinikit ang mata ko. Gusto ko muna ng katahimikan.

Isang katahimikang walang pagmomonologue...

Napaigtad ako sa kama ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa. Napalaki ng sobra ang mata ko nang mabasa ko kung ano ang nakasulat sa screen nito.

Buy-buy ng ticket concert ng asawa ko.

Tuluyan na nga akong napatayo sa pagkakahiga. Pasado alas-dose na ng tanghali pagtingin ko sa orasan. Sinukbit ko ang tuwalya sa balikat ko at pumasok na sa cr.

This is it! Makakabili na ako ng concert ticket ng asawa ko. At isa lang ang ibig sabihin nun, makikita ko na ng personal si fafa Klein. Emeged talaga!

Nagmamadali kong kinuha ang garapon kung saan nakalagay ang ipon ko. Nilagay ko ito sa bag ko at nagbihis na. Basta magmukha lang akong pretty ayos na yun. Keribels na!

Konting lagay lang ng powder at perfume, ready to go na ako. Dating gawi lang ako. Lakad-takbo kong tinahak ang daan pababa na mukhang payapang-payapa sa sobrang katahimikan.
Baka kumakain ang mga tao ng tao. Nagkakainan sila!

Medyo haggard na ako nang makarating sa destination ko. Naipit kasi sa matinding traffic ang lola niyo. Dagdag mo pa ang halos kalahating kilong baryang nasa bag ko. Charot! Masyadong exaggerated mga bes. Keri lang!

Pumasok na ako at halos malula ako sa bumungad sa akin. Hindi ko mabilang kung ilang tao ang nandito ngayon sa sobrang dami. Halo-halo! Karamihan mga babae. Meron ding mga bakla. Tomboy. Paboy. Paminta. At marami pang tinga. Basta yun na yun. Laban na!

I'm praying na sana makarating pa ako ng buhay sa pinakaunahan nitong pila. Abot atang Mars 'to sa sobrang haba. Di ko masight yung pinakadulo.

Para kay fafa Klein kakayanin ko ang mga pagsubok sa relasyon namin basta magkasama lang kami. Walang iwanan. Kahit mangarag na ang beauty ko, ayos lang. Sa ngalan ng asawa ko.

This is it! Pansit!

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Awii says: Anong masasabi niyo kay Tim? Trip niyo ba siya sa storya?

Ang tanong trip ka ba niya?!

Continue Reading

You'll Also Like

200K 7.5K 33
Isang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong m...
681 68 7
Kinasusuklaman niya ito, and that's the only thing that he remembered. Kaya naman labis pa niyang kinasuklaman ang lalaki when he knew that they have...
1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
6.6K 382 52
Oslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appear...