"Anne! Bilisan mo naman!" Sigaw ni Marvic habang patakbo sila patungo sa elevator.
"Teka lang!" Sinundan naman siya ni Anne.
Habang paakyat ang elevator ay kabadong kabado si Marvic. Napauna naman ni Anne yun kaya kInausap niya ito.
"Ayos ka lang? Kabadong kabado ka ha?" Umpisa niya
"Malamang galit na si Sir. Mapapagalitan na naman ako" sagot niya. Ng tumunog ang elevator lalong siyang kinabahan.
"Asan si Marvic?!!!" Bumungad kaagad sa kanila ang isang boses na galit na galit na.
"S-sir!" Tawag pansin niya. Inirapan naman siya ni Vhong, sign yun na sumunod siya sa loob.
"Dito ka lang ha. Kakausapin ko lang si Sir" tumango si Anne.
* * *
"Nasan na yung pinapahanap kong seretary? " kalmadong tanong ni Vhong habang nakatingin sa glass window ng opisina niya.
"Nasa labas na po. Napa-pirmahan ko na rin po yung kontrata" tugon ni Marvic.
"Papasukin mo na" tumango si Marvic at tinawag na si Anne.
"Goodluck" bulong sa kanya ni Marvic at lumabas na
"Ikaw ba ang kinuhang secretary ni Marvic?" Tanong niya.
"Opo." Humarap si Vhong kay Anne.
Pareho silang nagulat ng makita nilang ang isa't isa.
Nanigas naman sa kinatatayuan niya si Anne. Pero agad rin siyang naka-bawi.
"Ikaw?!"
"Ikaw?!"
Sabay nilang tanong sa isa't isa.
"Ayoko na. Hindi na ko na tatanggapin itong trabahong ito" sigaw ni Anne at akmang lalabas na.
"Tsk. Tanga ka ba?! Hindi ka pwede umalis dito! Pinirmahan mo yung kontrata at pagbinali mo yun, kakasuhan kita" naka-ngiti ngunit nagpipigil na galit ni Vhong. " saka, tatanggi ka pa ba?! 50k a month with Gsis PhilHealth, Sss at PAG-IBIG pa yun" pinagdiinan niya talaga ang salitan pag-ibig.
"Grrr! Fine! Nasan ang table ko?!" Iritable niyang tanong sa amo.
"Wow! Ikaw pa galit ha."sarcastic na saad ni Vhong.
"Hoy! Ferdi! Tinanong kita ng maayos" nagulat si Vhong sa binitawang salita ni Anne. Yun kasi ang tawag ni Anne sa kanya dati pag galit na ito sa kanya.
Maski si Anne ay nagulat rin sa sinabi niya. Napuyoko na lang siya.
"Tanungin ko si Marvic..get out" malamig na saad ni Vhong, sumunod na lang si Anne.
"Na-sample-na ka?" Tanong ni Marvic.
"Oo. Ba't di mo sinabi sa akin na si Vhong pala ang boss dito?" Naiinis na tanong niya kay Marvic
"Bakit? Anong masama don?" Nagtatakang tanong ni Marvic sa kaibigan.
"Nevermind. Nasan yung table ko?" Tinuro ni Marvic ang table niya. Katabi lang pala ng opisina ni Vhong, kitang kita pala niya si Vhong dahil puro salamin ang naka-paligid sa opisina ni Vhong.
* * *
Tatlong araw na ang nakaraan mula ng magsimulang magtrabaho si Anne kay Vhong. At sa loob ng tatlong araw na yun, walang araw na hindi sila nagsisigawan o nag aaway.
Namangha nga ang mga ka-empliyado ni Anne dahil siya lang ang may ganang sumagot sagot kay Vhong.Bukod sa mga kaibigan nito.
"Anneee!!" Sigaw ni Vhong mula sa loob ng opisina niya.
"Huy! Anne, tawag ka. Bilisan mo baka mapagalitan ka pa" Paalala ni Marvic. Walang kagana ganang tumayo si Anne at pumunta sa loob ng opisina ng amo.
"Bakit?" Walang kagana ganang tanong niya.
"Tsk. Ako ang boss dito kaya ayusin mo ang pagsagot sagot sa akin" Vhong
"Bakit po?...BOSS"
"Anong oras ang susunod kong meeting?" Tinignan naman ni Anne ang planner niya.
"11:30, Makati" simpleng sagot niya.
"Anong oras na?" Tanong ni Vhong
"Diba may relo ka" sinamaan naman ng tingin ni Vhong si Anne. " 9:47"
"Lumabas kana" agad naman na sumunod si Anne sa utos ng amo.
Samantalang naiwan naman si Vhong na nakangiti.
"Tsk. Wala paring pinagbago..." Bulong niya sa sarili niya habang umiiling iling.
"Hi Guysss.." Bati ng tatlong lalake sa mga empleyado.
"Good Morning, Sirs" ngumiti na lang sila at tinungo ang silid ni Vhong
"Hi Anne" Billy
"Hi Anne"
"Hi A--" Vice
"Anne?!!" Nagtatakang tanong nilang Tatlo. Napatigil tuloy sila sa paglalakad ng makita si Anne.
"H-hi?" Nahihiyang bati ni Anne.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay sabay na tanong nilang tatlo kay Anne.
"Dito ako nagtatrabaho.."mahinang sagot niya.
"Ahh.. sige, mamaya nalang. Bye" paalam nila kay Anne at pumasok na sa opisina ni Vhong
"Vhong! Si Anne? Ayos na kayo?!" Panimula ni Vice.
"Wag kang maingay. Alam mo naman kitang kita tayo dito oh" tapik sa kanya ni Billy. Dahil na palingon si Anne
"Tsk. Biglan lang yan. Hindi ko alam na siya pala ang kukunin ni Marvic bilang sekretarya ko" sagot niya habang di nililingon ang mga kaibigan.
"Nako! Baka mamaya nagpapalusot ka lang. Baka di ka nakaka-move on hahaha" pangaasar ni Billy habang kumukuha ng beer sa mini ref ni Vhong sa opisina. Iniaabot niya
"Tsk. Sayo yan? " tanong ni Vhong
"Hahaha Hindi. Friends naman tayo e" Billy
"Mabalik nga tayo. Bakit nandito si Anne?" Jhong
"Napaliwanag ko na kanina. Di ko na kailangan ulitin pa." Malamigna sagot niya.
Tinignan naman nila Vice si Anne na kasalukuyang kinakausap ni Marvic.
"Ang ganda pa rin ni Anne no. " Puro ni Vice kay Anne. " kaya noon, ingit na ingit ako sa kanya kasi ang ganda ganda niya. Nung nagpaulan ata ng Kagandahan si Lorn nasa Dam, iniintay bumaksak ang kagandahan. Samantalang ako, di ako tinirahan ng kagandahan.." Vice
"Na-Bakla ka naman! Susumbong kita kay K" puna ni Jhong.
"Wala si Misis e. hahaha Kuya, sensya na ha." Tapik ni Vice kay Vhong.
"Pwede ba! Tigilan mo na yan. Pasalamat ka at asawa ka ng kapatid ko, kundi, tsk. Hayy! Ewan ko na lang sayo...saka wag mo akong tAtawaging 'Kuya' masmatanada ka sa akin no" Saad ni Vhong at inirapan si Vice.
"Tumigil nga kayong dalawa! ..Nakapag-usap na ba kayo tungkol sa nangyari 5 years ago?" Billy.
"Psh. ba't naman namin kailangan pag-usapan yun" Sagot ni Vhong
"Tanungin mo siya kung bakit niya nagawa sayo yun" suggestion ni Jhong
"Ako pa ang gagawa ng first move?.. Hindi na. Ayos na ako ngayon sa buhay ko. di ko na kailangan ng explanation niya" Saad niya habang pinagmamasdan ang dalaga mula sa labas ng opisina niya.
"Sympre, kailangan mo ng explanation niya. Ikaw yung iniwan e... saka, ikaw ang lalaki, ikaw ang kailangan sumuyo sa kanya. Ganon naman kayo dati diba? Siya ang mali, pero ikaw ang gumagawa ng paraan para magkaayos kayo" Vice.
"Dati yun. Iba na ngayon. Mas mature na ako. Saka, hindi lahat ng oras, lalaki ang sumusuyo sa babae." Vhong
"Kausapin mo na siya. Malay mo.. mahal ka pa niya at ma-iayos niyo ang relasyon niyo...Alam namin na mahal mo pa siya, Vhong" Jhong
"Haaayy!! Masaya kana ba sa ganyan? Nakikipaglaro sa babae, walang matinong relasyon, walang ma-ipakilalang matinong girlfriend sa mga kaibagan mo, laging nakakatikim ng sampal... Ayaw mo bang magkapamilya?" Billy.
Matagal bago siya sumagot..
"Masaya na ako sa ganto. Hindi na ako papayag na masaktan pa ulit. Hindi na ako papayag na umiyak ulit ng dahil sa babae... Hindi ko na nakikita ang sarili ko sa future na magkakapamilya ako... kung kailangan kong tumandang binata para hindi masaktan, ayos na ako dun." Saad ni Vhong habang serysong nakatingin sa mga kaibigan.
"Ewan ko sayo. Halika na! umalis na tayo." Yaya ni Billy kila Vice at Jhong.
Tinapik muna ni Vice ang balikat ni Vhong bago umalis.
* * *
"Thank God! Makaka-uwi na rin ako!" Sabi ni Anne habang nag iinat.
"Anne! Una na ako ha" tumango na lang siya kaya iniwan na siya ni Marvic.
Sinilip niya si Vhong na kasalukuyang nakatutok sa laptop niya na.
Pinagmasdan niya ito.
"Wala pa rin siyang pagbabago.. mas gumwapo siya" nakaniting puri niya sa binata.
Nakaramdam siya ng konting pag sisi ng makita niya ulit si Vhong.
"Hayyy.. Kung hindi ko kaya siya tinalikuran noon.. Siguro, marami na kaming anak.. Mahilig yan e hehe" napa iling nalang siya sa inisip niya.
Hindi niya na malayan na nasa harap na niya ang boss niya.
"Ms. Curtis, Nabinge ka na ba?" masungit na tanong ni Vhong sa kanya.
"H-ha?"
"Sabi ko, hindi ka pa pwedeng umuwi ngayon. Mago-overtime tayo. Sumunod ka sa loob, dalin mo yung mga paper ni Mr. Raymundo " magrereklamo pa sana siya kaso pumasok na si Vhong sa opisina niya.
Sumunod na lang si Anne kahit na labag sa loob niya. Itinext na lang niya ang mama niya para hindi iti mag alala sa kanya.
"Review-hin mo yang profile ni Mr Raymundo.. Saka itong kay Mr Lim" iniabot niya ang pitong pahinang papel kay Anne
"L-lahat ito?"
"May reklamo?"
"W-wala!"
Naupo na siya sa mini set ni Vhong at nag umpisa na sa pagbabasa. Wala pa siya s kalahati ng first page, naghihikab na siya.
Panaka-nakang tumitingin si Vhong kay Anne. Napapa-iling na lang siya sa t'wing na kikita niya itong nag-hihikab.
"Basahin mo mabuti yan, ikaw ang ipapa-meet ko sa kay Mr. Raymundo. Pag hindi niya tinggap ang offer natin, ibig sabihin hindi niya nagustuhan yung presentation mo...malaking client si Mr Raymundo, pagnakawala yan, ikaw ang sisisihin ko." Napatingin naman ng masama si Anne sa kanya.
"Ba't ako?! ikaw ang gustong ako yung magpresent sa kanya, tapos paghindi na gustuhan, ako sisisihin? dapat ikaw!"sagot ni Anne
"Ayus-ayusin mo yung pag-sagot sa akin ha." Nanahimik na lang si Anne at itunuloy na lang ang pagbabasa.
Binalik na lang ni Vhong ang tingin niya sa laptop niya. Hindi naman siya nagta-trabaho e, naglalaro lang siya ng Flappy Bird, ini-mute niya lang para hindi marinig ni Anne, pag nalaman kasi Ni Anne na naglalaro lang siya, sigurado, Magagalit na naman sa kanya ang dalaga.
* * *
Magaala-una na ng madaling araw ng pagpasyahan ni Vhong na pauwiin na si Anne. Pa-pikit pikit na kasi ang mata ni Anne kaya pinauwi na siya ni Vhong.
"Umuwi kana." Pag-gising niya dito. Nakadukdok na kasi siya sa lamesa.
"Ha?" minulat ni Anne ang mata niya.
"Umuwi kana" agad naman inayos ni Anne ang sarili niya at ang gamit niya.
"Uwi na ako" paalam niya kay Vhong. Tinanungan lang siya ni Vhong kaya lumaba na siya.
Habang naghihintay siya ng Taxi papunta sa terminal ng jeep, may tumabi sa kanya ng di ka-gwapuhang dalawang lalaki. Malaki ang katawan at mukhang mahilig sa away ang dalawa,Bigla siya kinabahan. Nagsisimula na siya magdasal na may dumating na sana ng taxi. Silang tatlo lang ang tao sa kalsadang iyon, walang ring dumadaan na sasakyan kaya lalo siyang natakot.
Lingid sa kaalam niya ay palihim siyang tinitignan ni Vhong mula sa sasakyan niya. Binabantayan niya rin ang kilos ng dalawang lalaki.
"M-miss, pwede bang mag tanong?" tanong ng isang lalaki kay Anne.
"A-ano yun?" kinakabahan na tanong ni Anne.
"San ba may hotel dito?" Lalaking lalaki ang boses nito, akala mo tuloy naghahamon ng away.
"H-ha? d-dun ata sa H-heaveny H-hotel, dun sa kabilang kanto" Nagaalangan niyang sagot
"Ahh.. ganun ba! Salamat. Inaantok na kasi yung jowa ko e. ayaw naman niyag umuwi sa kanila" napanganga na lang siya ng marinig niyang
"Walang anuman" umalis na ang dalawang lalaki kaya naghinatay ulit siya ng Taxi.
Nagulat na lang si Vhong ng lumapit at kausapin ang isa sa mga lalaki na kasama ni Anne sa paghihintay ng taxi, pababa na sana siya sa sasakyan niya ng umalis ang mga ito. Binatayan niya na lang si Anne hanggang makasakay ito ng taxi.