Vicerylle || To Hopianity and...

By hopianity

24.5K 503 41

More

Vicerylle || To Hopianity and Beyond
Something That We're Not
When I Met You
When Princess meet his Prince
Realization, Acceptance, Forgiveness and Love
I LOVE YOU
Till We Meet Again
Who you love
MOA
KUYA
...

The Bucketlist

1.6K 55 4
By hopianity

Naglalakad lakad ngayon si Vice sa tabi ng dagat hawak ang kanyang camera, andito sila ngayon para sa isang wedding na gaganapin sa makalawa. At kung itatanong nyo kung bakit sya may dalang camera yun ay dahil gusto nya, bakit ba? (joke) yun ay dahil isa sya sa pinakamagaling at sikat na photographer ngayon. Tinitingnan nya ang paligid ngayon at kinukuhanan ang lahat ng makikitang maganda. Kuha dito, Kuha doon.  Bigla naman syang napatigil sa pagkuha ng pictures at napanganga "Wow! Ang ganda..." sambit nya at napatingin kung saan banda nya kinuhanan ang litratong nakapagpanganga sa kanya, isa itong napakagandang babae na nakaupo sa sand at pinagmamasdan ang dagat, nang makita nya tinitigan nya ito sabay balik ng tingin sa picture sa camera tapos balik ulit kung nasaan ang ang magandang babae  "pero bakit ang lungkot" nagtataka at medyo malungkot nyang tanong sa sarili. Gustong gusto nyang lapitan ito pero di nya magawa dahil hindi naman nya alam kung ano ang sasabihin dito at isa pa nahihiya sya. Nagstay lang sya sa pwesto nya at walang ginawa kundi titigan at kumuha ng pictures ng babae. Maya maya'y tumayo na ang babae at naglakad papalayo, habang naglalakad ito ay may nalaglag na maliit na notebook mula sa bag nya at nakita naman ito ni Vice. Ngayon may dahilan na sya para lumapit dito agad syang tumakbo at pinulot ang notebook at nagmadaling maglakad para maabutan ang babae. "Miss!" sabi nya pero hindi ata ito narinig ng babae "Miss! Miss! Sandali lang" paguulit ni Vice at napalingon naman na dito ang babae, tiningnan lang naman ng babae si Vice na parang nagtatanong kung bakit sya nito tinatawag nagets naman yun ni Vice kaya itinaas nya yung notebook "Ah .. nakita ko kasi nahulog mo." sabay abot ng notebook sa babae na kinuha naman nito agad. "Sige salamat ah."  magsasalita pa lang ulit si Vice ay agad na tumakbo ang babae.

---

"Bestie, baka naman matunaw na yang camera mo kakatitig jan." sabi ni Billy na isa ring photographer at bestfriend nito. Mula kasi nung nakita nya yung babae hanggang sa pagbalik nya sa hotel na pinase-stay-an nila ay wala syang ginawa kundi titigan yung picture nito sa camera nya. "Huuuuy!" sigaw ni Billy ng hindi sya pansinin ni Vice. "Ang ganda nya bestie, ang ganda ganda." sabi ni Vice na nakatitig pa rin sa picture sa camera. Na-curious naman si Billy sa sinabi nito kaya kinuha nya yung camera from Vice para makita kung maganda nga. "Huy akin na yan!" sigaw ni Vice na napatayo sa kinauupuan nya at inaagaw ang camera kay Billy. "Wow! Ang ganda nga nya.... kaso eh bakit parang malungkot?" tanong ni Billy. Nalungkot naman muli ang mukha ni Vice "Yun nga yung kanina ko pa iniisip eh, nakakapagtakang sa ganda nyang yun malungkot sya." sabi ni Vice dito. "Mukhang interesado ka sa kanya bestie ah?" sabi ni Billy at nagsmirk dito. "Hindi ah, nagtataka lang talaga ako kasi nung nilapitan ko sya bigla syang tumakbo palayo." Vice said. "Eh baka napangitan sayo o kaya natakot." Nakatikim naman ng suntok sa braso si Billy dahil sa sinabi nya. "Gago!" Vice said after suntukin si Billy. 

---

Ngayon na ang wedding kung saan sila Vice, Billy at iba pa nilang kasamahan ang photographers.  Kasal ito nina Vhong at Anne na classmates nila noong college kaya naman agad agad silang pumayag na maging mga photographers nito. ".... Vhong, you may now kiss your bride" and they kissed after the Priest said that at nagpalakpakan naman ang mga tao. Napatigil naman ulit si Vice sa pag take ng pictures ng may nakita na naman sya through his camera, yung babaeng nakuhanan nya ng picture, nasa isang sulok umiiyak at nakikipalakpak sa bagong kasal na sila Vhong at Anne. Hindi na mapigilan ni Vice, hindi nya alam kung bakit pero gustong gusto nya na talagang lapitan ito. "Bestie, reception na diba?" tumango naman si Billy as an answer then bumalik sa pagtake ng picture. "Bestie, saglit lang ha? May pupuntahan lang ako saglit babalik din ako agad kita tayo sa reception." palingon pa lang si Billy dito para tanungin kung saan pupunta pero paglingon nito wala na si Vice.  "Sira ulo talaga." bulong ni Billy sa sarili. 

---

"Uhm" Vice said and offered his white handkerchief to the girl who's crying right now. Napatingin naman ang babae kay Vice, nagtaka man kinuha pa rin nya yung panyo. "Thank you." maikling sabi nito. "Bakit andito ka lang sa isang sulok? Nasa reception na sila oh." nahihiyang tanong ni Vice. (Hindi naman ako invited eh, saka wala akong driver tinatamad ako. pero joke lang ulit. hehe) Umiling iling naman yung babae "Hindi, hindi. Hindi ko sila kilala." sabi nito. "Ahhhh.." yun lang ang nasabi ni Vice pero sa isip nya nagtataka sya kung bakit naiyak ito, nagulat na lamang sya ng sagutin ng babae ang tanong sa isip nya. "Natutuwa lang ako sa kanila kaya naiyak ako." tumango tango naman si Vice dito. "Sige alis na ko salamat." sabi ng babae at agad na naglakad palayo. Agad naman humabol si Vice para pigilan ito, "Sandali." sabi ni Vice na ngayon ay nakahawak sa braso ng babae, humarap naman yung babae pero yumuko agad. "Padalawang beses na kasi kitang nakikita... uhm.. okay lang bang malaman ang pangalan mo?" nahihiyang tanong ni Vice. Matagal bago may magsalita. "Karylle. Sige bye" mabilis na umalis ang babae at kakamadali nito nahulog na naman ang maliit na notebook nito na lagi nyang dala siguro. Pinulot ito ni Vice para isauli ulit pero agad na nakalayo si Karylle. Tiningnan naman ni Vice ang mini notebook, angels ang cover nito. "Karylle.. Karylle pala ang name mo. Ang ganda din, kasing ganda nya ang mga anghel dito sa notebook nya." nakangiting sabi nya. 

Agad naman bumalik si Vice sa reception after non. "Huy bestie, san ka ba galing ha? Saka bakit ganan kalaki ngiti mo ha?" tanong ni Billy dito agad ng mapansin ang kakaibang ngiti ng kaibigan. "Bestie nakita ko sya ulit. Alam ko na pangalan nya." nakangiti pa ring sabi nito na parang nagde-daydream pa. "Talaga? O anong pangalan nya?" tanong ni Billy. "Karylle... Ang ganda diba?" sabi ni Vice na napatingin sa langit at ngiting ngiti. "Ay tinamaan na to." yun na lang ang nasabi ni Billy.

---

It's the day para bumalik na ulit sila sa Manila. Kakatok na sana si Billy sa pinto ng magbukas na ito ng kusa. "Oh bestie buti naman gising ka na. Oh ano ayos na ba mga gamit mo? Uuwi na tayo maya maya." Billy said. "Ah bestie, ano kasi.. Una na lang kayo umuwi may kailangan pa kasi akong puntahan." Vice said. "Si Karylle?" sabi ni Billy at napatango na lang si Vice. Itinaas nya yung mini notebook para ipakita dito. "Nalaglag na naman kasi nya kahapon e hindi ko na naibalik dahil sa trabaho natin. I'm sure hinahanap na nya to eh." paliwanag ni Vice. Napahinga naman ni Billy dito at umokay na lang. 

---

Nagiikot ikot si Karylle sa may tabi ng dagat na parang may hinahanap ng makita sya ni Vice. "Ito ba ang hinahanap mo?" itinaas ni Vice ang mini notebook na hawak nya, kinuha naman ito agad ni K sa kanya na ikinagulat ni Vice. Nahiya naman si Karylle kaya napayuko ito "Sorry. It's just really important to me." mahinang sabi nito. "Okay lang. Don't worry hindi ko binasa yan." napa-sigh in relief naman si Karylle dito. "Thank you ulit ah. Padalawang beses na to. Thank you." Karylle said. "Welcome" nakangiting sabi ni Vice dito. Magpapaalam na sana si Karylle dito ng bigla itong nagsalita "Ah wait. Karylle, okay lang bang yayain kitang maglunch?" Vice asked. Matagal na naman bago nakasagot si Karylle. Ayaw nya sana pero makulit si Vice at sinabi pang pambawi na lang dahil twice na nyang binalik sa kanya yung mini notebook nya kaya pumayag na ito. 

Habang kumakain sila ay walang ibang ginawa si Vice kundi ang titigan si Karylle na ikinailang nito. "May dumi ba ko sa mukha? May amos?" tanong ni Karylle dito. Umiling iling naman sa Vice, "Hindi, wala." sabi nito. "Kung wala eh bakit tingin ka ng tingin sakin?" tanong ulit ni Karylle, kaya natauhan naman si Vice. "Ay sorry sorry. Naiilang ka ba? Sorry. Hindi ko lang mapigilan yung sarili ko... Ang ganda ganda mo kasi, para kang angel." Vice said directly na nakapagpablushed sa mukha ni Karylle kaya napayuko ito. "Salamat" maikling sabi ni Karylle at nagpatuloy muli sa pagkain. 

"Thank you sa lunch ahm--" napaisip si Karylle ng marealized nya na hindi pa pala nya alam ang pangalan ng kasama nya. Natawa naman dito si Vice "Vice. Vice ang pangalan ko." natatawa pa rin nyang sabi. "Sorry nakakahiya, mas nauna pa yung lunch kesa itanong ko ang pangalan mo." nahihiyang sabi ni Karylle. Actually, bukod sa pagtingin tingin ni Vice sa kanya ay wala naman na syang naitanong, tahimik lang sila dahil wala rin namang ginawa si Vice kundi ang titigan ito minsan magtatanong si Vice at sasagutin lang naman nya ng pagkaigsi igsi.  "Thank you ulit Vice. Sige ha mauna na ko." paalam ni Karylle. "Ah Karylle okay lang ba kung maglakad lakad muna tayo? Saglit lang promise." Vice said while smiling.  Wala naman ng nagawa si Karylle kundi ang sumama dito. 

"Taga dito ka ba?" tanong ni Vice kay Karylle habang naglalakad sila. "No. Taga Manila ako, I'm just here for a vacation." Karylle answered. "Ako din taga Manila." pagshare ni Vice. "So kelan uwi mo?" tanong pa ni Vice. "I don't know yet." sabi ni Karylle. "Bakit?" tanong naman muli ni Vice pero hindi na sumagot si Karylle. "Oh sorry." pagpapaumanhin ni Vice ng marealized na sumosobra na pala sya kakatanong. "Ikaw kelan uwi mo sa Manila? Diba tapos na yung kasal, isa ka sa photographers dun diba?" tanong ni Karylle, finally humahaba na ang sinasabi nya at nagtatanong na sya. "Ah yeah. Di ko pa din alam kung kelan ako uuwi eh." sabi ni Vice at hindi naman na muli nagtanong pa si Karylle. "Ah, Karylle okay lang ba hatid na kita?" tanong ni Vice dito. Pumayag na lang din ulit si Karylle dahil alam naman na nyang mangungulit lang ito until mapa-oo sya. 

"So dito ka pala nagse-stay." sabi ni Vice ng makarating sa 2nd floor ng hotel kung saan nagse-stay si Karylle. "Dito din ako sa hotel na to pero sa 3rd floor ako" nakangiti nyang sabi, hindi naman umiik si Karylle. "Sige pasok ka na, salamat ah" sabi ni Vice. Nagthank you din naman si Karylle at saka pumasok sa loob.

---

Kinaumagahan maaga naman gumising si Vice. Naligo, nagbihis at agad na lumabas ng room nya. He went to the 2nd floor kung saan ang room ni Karylle, kumatok sya 7 times bago sya pagbuksan ng pinto. "Oh Vice, what are you doing here?" Gulat na sabi nya ng makitang si Vice ang nasa pinto. Hindi naman nakasagot agad si Vice dahil busy ito sa pagtitig sa kanya paano ba naman naka bathrobe lang sya at may nakapulupot na towel sa buhok nya. Nahiya naman at nagtago agad sa likod ng door si Karylle ng mapansin ito. Napabalik naman sa ulirat si Vice "Ah sorry. Yayayain sana kita magbreakfast kung okay lang? Wala kasi akong kasabay." nahihiyang sabi ni Vice. "Uhm, okay. Wait here, bihis lang ako." tumango naman si Vice at saka isinara ulit ni Karylle ang pinto. 

After 30 mins, lumabas naman na si Karylle ng room. Sabay silang nagbreakfast after that naglakad lakad ulit sila sa may beach, nauuna si Karylle maglakad na parang may isinusulat sa mini notebook nya habang si Vice naman pasimpleng kumukuha ng litrato ni Karylle. "Hey, stop taking pictures of me." suway ni Karylle ng mapansin na kinukuhanan sya ng picture ni Vice. Natawa naman ng konti si Vice don "Sorry. Ang ganda mo kasi talaga eh." sabi ni Vice at patuloy ang pagtake ng pictures. "Stop na sabi Vice." pagmamaktol ni Karylle. Nacute-an naman don si Vice "Okay okay. I'll stop na pero last harap ka naman and smile please?" Vice said. Umiling naman si Karylle at nagpatuloy sa paglakad. After non sabay din silang naglunch tapos naggala gala ulit tapos sabay din silang nagdinner hanggang sa ihatid ni Vice si Karylle sa room neto. "Thanks for today Karylle. Sobra akong happy. Hope we're friends na?" nakangiting sabi ni Vice and offered his hand for a handshake. Para naman nagisip saglit si Karylle bago sumagot dito, inabot nya ang kanyang kamay para makipaghandshake dito sabay sabing "Friends." Napa YES! naman dito si Vice at nahiya ng maalalang kaharap pa nga pala nya si Karylle, natawa naman ng mahina si Karylle na nakita nya kaya napangiti pa lalo sya. "Friends na tayo ha? Wala ng bawian yan. So sabay ulit tayong magbreakfast tomorrow?" tanong ni Vice at tumango lang naman si Karylle bilang sagot. 

---

Kinabukasan sabay nga silang nagbreakfast, sabay din silang naglunch and also dinner. Buong araw magkasama na naman sila and now nakaupo sila sa sand sa tabi ng dagat, nilalanghap ang sariwang hangin. "So naisip mo na ba kung kelan ka uuwi ng Manila?" tanong ni Vice na nakatingin kay Karylle. "Hmmm. Hindi pa eh. Ikaw ba kelan ka uuwi?" sabi ni Karylle na hindi pa rin tumitingin kay Vice. "Kung kelan ka uuwi." Mabilis na sagot ni Vice kaya napatingin si Karylle dito. "Ha?" sabi ni Karylle. "Sabi ko uuwi ako kung kelan ka uuwi. Sabay tayo." nakangiting sabi ni Vice. "Vice, hindi mo naman ako kelangan hintayin, kaya ko magisa." sagot naman ni Karylle. "I know. Pero gusto kitang samahan dito. Masama ba yun??" hindi naman na sumagot si Karylle.

---

It's been 2 weeks ng maging friends sila. Nagimprove naman yung katahimikan ni Karylle, dumadaldal na sya, tumatawa na din sya at nakikipagasaran lahat yun ay dahil nakilala nya si Vice. 

"Hoy bestie kelan mo balak umuwi dito ha? Hinahanap ka na ng mga clients natin dito noh!" sabi ni Billy sa kabilang linya. "Sorry na bestie, hinihintay ko lang si Karylle basta malapit na." sagot ni Vice. "Ayan. Puro ka Karylle dyan kinakalimutan mo na may trabaho ka dito." Billy said. "Bestie... Iba tong nararamdaman ko eh. Iba, napalakas ata yung tama ko eh." seryosong sabi ni Vice. "Halata nga! Ang tanong sinabi mo na ba?" tanong ni Billy. "Hindi pa eh baka kasi mabigla tapos di maniwala." Vice said. "Loko-loko! Sabihin mo na hangga't maaga noh mamaya makalayo pa yan." advice naman ni Billy. "Oh sya sige na bestie, mag dinner pa kami ni Karylle eh. Bye!" 

---

After their dinner naglakad lakad muli sila malapit sa may dagat. While walking kinuha ni Vice ang right hand ni K at hinawakan ito ng mahigpit. Nagulat man si Karylle ay hinayaan nya na lamang ito. "Thank you." biglang sabi ni Vice, she gave him a questioning look naman. "Thank you kasi pumayag kang makipag friends, thank you kasi pumapayag kang samahan kita everyday. Thank you sa lahat and I'm so happy as in sobra." Vice said with all sincerity. "Mas thank you sayo noh kasi palagi mo kong sinasamahan, napapasaya mo naman ako at higit sa lahat pinagtyatyagaan mo ko kahit hindi naman na dapat." K said and gave him a sad smile na napansin ni Vice. "Hey, don't say that." suway ni Vice at hinarap si K then hinawakan na both hands. "Karylle, tumingin ka sakin." at tumingin naman dito si Karylle kahit nahihiya ng konti. "Makinig ka ha. Ikaw ang pinaka maganda, pinakamabait at pinaka masayang kasama na tao. You're special to me, Karylle. Importante ka sakin. Nung una pa lang kitang makita, dun pa nga yun oh." itinuro nya kung saan nya ito unang nakita. "Dun. Nakaupo ka na parang malalim ang iniisip, tinitigan lang kita non tapos nagkaroon ng chance para makalapit ako sayo dahil nalaglag yung mini notebook mo, yun nga lang bigla ka agad umalis nun eh, simula non hanggang paguwi ko picture mo lang na nasa camera ko ang tinitingnan ko. Karylle, ibang iba sa lahat tong nararamdaman ko sayo eh. Alam mo yun, ang lakas ng tama! Karylle, alam kong mabilis pero hindi ko na kayang patagalin pa eh kung okay lang sayo pwede ba kitang ligawan?" Napakalas naman ang kamay nya sa pagkakahawak ni Vice at napaatras, umiling iling na naman sya at parang naiiyak. "No Vice. Hindi pwede, sorry." at tumakbo si Karylle ng mabilis. Hindi naman nakakilos agad si Vice pero ng bumalik sa katinuan ay hinabol nya si Karylle. Hinanap hanap nya ito, sa hotel room nito, sa mga cafe at restaurant na pinupuntahan nila at kung saan saan pa pero hindi nya nakita si Karylle.

Kinaumagahan maaga pa lang pumunta na agad si Vice sa room ni K para i-check kung nandoon na ito. At tama sya andun nga sya dahil pagkadating nya sa room ay biglang nagbukas ang pinto nagulat naman sya ng makitang bihis na bihis si Karylle, may hawak na maleta at mukhang nagmamadali. "Karylle..." sabi nito. Hindi naman sumagot si Karylle dahil sya din mismo ay nagulat pagkakita nya kay Vice. "Aalis ka na? Bakit?" hindi naman sumagot si Karylle. "Kung dahil ito sa sinabi ko kagabi, wag naman. Ano bang nangyari, sabihin mo naman sakin oh." sabi ni Vice na nakatitig sa mga mata ni Karylle. "Vice, hindi pwede. Hindi ka pwedeng magkagusto sakin." tugon ni Karylle. "Bakit hindi pwede? Karylle, hindi ko naman kontrolado tong nararamdaman ko. Mahal kita. " Vice said. "No. Hindi mo ko naiintindihan. Hindi pwede Vice, hindi." umiiling na sabi ni Karylle. "Paano ko maiintindihan kung ayaw mo naman ipaintindi sakin!" hindi na napigilan ni Vice, napasigaw na sya at konti na lang ay iiyak na ito. "Karylle, mahal kita!" ulit ni Vice. "Hindi pwede Vice, hindi pwede." mahinang sagot ni Karylle. "Bakit nga hindi!!" sigaw na tanong ni Vice na niyuyugyog ang braso ni Karylle. "Bakit hindi, sumagot ka!" sabi pa ni Vice na umiiyak. Hindi na rin naman napigilan ni Karylle ang sarili kaya napasigaw na rin sya "Hindi pwede dahil may sakit ako Vice! MAMAMATAY NA KO!" sigaw ni Karylle na ngayon ay umiiyak na rin. "I have brain cancer Vice, stage 4. Anytime pwede akong mawala kaya hindi ka pwedeng ma-inlove sakin. Hindi! Now please let me go!" at kinuha nya ang maleta nya at agad naglakad palayo. Tulala at hindi gumagalaw sa kinatatayuan nya si Vice dahil sa pagkagulat sa mga narinig nya. Si Karylle may cancer? Yung taong mahal nya may cancer pala at anytime pwedeng mamatay. Masakit para sa kanya pero narealized nya din agad na mas masakit na mawala ang taong mahal nya na wala sya sa tabi nito kaya agad syang tumakbo para habulin si Karylle. Naabutan nyang palabas na ng hotel si Karylle. "Karylle, don't leave. Hayaan mong mahalin kita please?" sabi ni Vice na ngayo'y nakayakap sa likod ni Karylle para pigilan itong umalis. Iniharap nya si Karylle sa kanya hinawakan sa magkabilang balikat at tiningnan sa mata, "I love you. At kahit pa sinabi mong may sakit ka, I still love you. Nagulat ako oo, pero hindi ibig sabihin non nawala yung love ko for you. Hindi nga nabawasan e, mas nadagdagan pa. So please be my girlfriend." agad naman tumulo ang mga luha ni Karylle at napayakap ng mahigpit kay Vice. "I love you, Vice."

---

It's their first day of being together, nasa favorite cafe nila sila ngayon taking their breakfast. Karylle is busy writing again on her mini notebook while si Vice naman ay busy sa pagtake ng pictures kay Karylle. "Vice! Tama na yan." suway ni Karylle na hindi tumitingin at busy pa rin sa mini notebook nya. "Tingin ka muna kasi sige na... smile" at tumingin naman si K at nagsmile sa camera. "Now, stop." mabilis na sabi ni Karylle. "Sungit. Ang ganda ganda mo kaya oh tingnan mo." pinakita nya ito pero di naman tiningnan ni Karylle dahil busy pa rin sya sa mini notebook nya, dahil dito nainis naman si Vice kaya hinablot nya yung notebook from Karylle. "Gotcha!" tuwang sabi ni Vice ng makuha nya yung notebook. "Vice! That's mine. Give it back." pagmamaktol ni Karylle. "Ano ba kasing laman nito?" hindi naman pinansin ito ni Karylle at sumimangot kaya walang nagawa si Vice kundi ang ibalik yung notebook kay Karylle.  "Eto na po ibabalik na. Ano ba kasing nakalagay dyan at halos di mo na ko pansinin?" tanong ni Vice. "Uhm, it's my bucketlist." sabi ni Karylle. "Bucketlist?" tanong ni Vice. "Bucketlist. Yung mga gusto kong maachieve sa life." sagot ni Karylle at binigay na kay Vice yung notebook. 

"Hmmm. Sumakay sa airplane, checked. Stay at the beach, checked. To witness a beautiful wedding, checked. To have a friend, checked. Drink coffee with someone, checked. To have a boyfriend, checked." Napangiti naman don si Vice, "So ako ba ang first boyfriend mo?" he smirked and she blushed. Tumango tango sya na nahihiya. "Ang cute mo!" sabi ni Vice sa nahihiyang girlfriend nya.

"Ang dami pa ah.. Okay. Simulan natin dito. Terms of endearment. So anong gusto mo?" tanong ni Vice kay Karylle na nagkibit balikat lang naman. Nagisip isip naman si Vice. "Let's go Babe!" sabi ni Vice at hinila si Karylle palabas ng cafe. "Wait anong sabi mo?" tanong ni Karylle sa kanya. "Sabi ko let's go babe kasi madami pa tong nasa bucketlist mo oh." malambing na sabi ni Vice at nagwink. Napangiti at kinilig naman si Karylle dito "Okay babe."  

---

Watch the sunset with my love.

"Ayaaan na babe!" excited na sabi ni Karylle. Nakaupo sila sa sand, magkayakap habang hinihintay ang sunset. "Babe, I'll take a picture of you with the sunset smile ka dali" sabi ni Vice at nagpose naman si Karylle, after non nagpicture naman sila together. 

"Watch the sunset with my love, checked!" 

Learn how to swim.

"So kaya pala hindi kita nakikitang magswimming kasi hindi ka marunong ha." pangaasar pa ni Vice. "Sige lang babe, mangasar ka pa." asar na sabi naman ni Karylle. "Bihis ka, tuturuan kitang magswim. I'll wait for you at the beach okay?" nakangiting sabi ni Vice.

Paglapit naman ni Karylle ay napanganga si Vice. "Babe, yung bibig mo." sabi ni Karylle na ni-close yung mouth ni Vice. "WOW! Sexy mo babe!" sabi ni Vice sabay higit sa bewang nito. "Tara na!" sabi ni Vice. Tinuruan naman nito si Karylle magswimming na agad natutunan ni Karylle, "Omg babe, I can swim na!" tuwang tuwang sabi ni Karylle at napayakap sa kanyang boyfriend. "Thank you." 

"Learn how to swim, checked!" 

Sing in the videoke bar

They went to this videoke bar na pinakamalapit sa hotel nila at doon kumanta ng kumanta si Karylle. Masayang masaya sya, maganda din naman kasi ang boses nya nahihiya lang sya noon dahil hindi nya kaya magisa. Habang enjoy na enjoy sya sa pagkanta bigla nya nilapitan si Vice at hinila palapit sa kanya, "Duet tayo." hiling ni Karylle. "Pero babe, hindi kasing ganda ng boses mo ang boses ko." Vice said. "Sige na please" sabi ni Karylle na nagpapacute. "Matatanggihan ba naman kita." sabi ni Vice sabay kuha ng mic and they sing together "Grow Old with you"

"Sing in the Videoke bar, checked!"

Dance in the rain with my love.

They are now eating dinner at the restaurant ng biglang umulan. Nagliwanag naman ang mukha ni Vice ng maalala ang nasa bucketlist ni Karylle, tumigil sya sa pagkain, tinawag ang waiter for the bill at saka naglabas ng pera from his wallet. Nagtaka naman dito si Karylle na hindi pa tapos sa pagkain nya, "Are we leaving?" tanong ni Karylle. "Ah yes babe, let's go." Vice said then hold K's hand palabas ng restaurant. "Vice umuulan!" sigaw ni Karylle. "I know and it's time. Tara" at hinila ni Vice si Karylle para maligo sa ulan. Tuwang tuwa silang dalawa na parang mga bata. "May I dance with you?" Vice said in a super manly voice and inoffer ang kamay nya. Karylle accepted it naman and they dance in the rain kahit walang tugtog. "I love you." sabi ni Vice habang sumasayaw sila ng magkayakap. "I love you too."

"Dance in the rain with my love, checked!" 

Matulog sa tabi ng dagat.

Now, is their 1st monthsary at naisip ni Vice na gawin ang isa sa mga nasa bucketlist ng girlfriend nya. "Vice, ano ba to? bakit kelangan naka blindfold pa?" tanong ni Karylle. "Eh kasi nga surprise. Eto na andito na tayo. Ready?" tumango naman si Karylle then tinanggal na ni Vice yung blindfold. "Surprise!" Hindi naman agad nakapagsalita si Karylle sa sobrang saya. "You like it?" Umiling iling naman si Karylle "I love it! Wow!" sabi ni Karylle. Nasa tabi sila ng dagat ngayon, may nakalatag na kumot na may mga candle sa tabi, nagkalat din ang rose petals, may wine and food then may music. Sa tabi naman ay may tent para tulugan nila. "Thank you babe" Karylle said then yumakap kay Vice and kissed his cheek. "I love you so much. Happy 1st monthsary babe." Vice said. "Happy 1st monthsary, I love you babe." Karylle said. They shared dinner with love and laughter tapos natulog sila dun sa may tent.

"Matulog sa tabi ng dagat, checked!" 

---

After a week ng monthsary nila bigla na lang nahimatay si Karylle, agad agad naman syang dinala ni Vice sa ospital. It's about her brain cancer, malala na talaga ang kanyang lagay. Nagtaka naman si Vice dito dahil palagi naman masigla si Karylle at walang iniinda na sakit. "Maybe she look so healthy and normal pero ang totoo unti unti ng bumibigay ang kanyang katawan, nanlalagas na ang kanyang buhok." sabi ng doctor kay Vice. Natigil naman ang paguusap ng dalawa ng tawagin ni Karylle ang boyfriend nya. "Iwan ko muna kayo." sabi ng doctor. "Babe, how are you feeling?" tanong ni Vice dito na may pagaalala. "Babe, iuwi mo na ko. Let's go back to Manila." nanghihinang sabi ni Karylle at tumango naman si Vice dito bilang sagot.

Stay with my Mom and Dad. 

They're back in Manila. Hinatid ni Vice si Karylle pauwi sa kanila. "Ma.. Pa.." tawag ng nanghihinang si Karylle pagkapasok na pagkapasok nya sa bahay nila. Agad naman napalingon ang mag-asawa dito "Anak!" sabay nilang sabi at lumapit agad dito para yakapin si Karylle. "Buti naman umuwi ka na, pinagalala mo kami alam mo ba yun." her Mom said. "Hindi ka tumatawag, kahit mga tawag at text namin hindi mo sinasagot." her Dad said. "Sorry, Ma.. Pa. I just need to be alone. Nandito na naman po ako eh." sabi ni Karylle. Napansin naman ng Papa nya na may tao sa labas ng pinto, naalala naman ni Karylle na kasama nga pala nya si Vice. "Ah Ma, Pa. Si Vice po... boyfriend ko." pagpapakilala ni Karylle sa mga magulang nya. Agad naman lumapit si Vice sa mga magulang ni Karylle para mag hi at magmano. Nagulat man ay pinapasok nila si Vice sa bahay, sabay sabay silang nagdinner. "So gaano na kayo katagal at paano kayo nagkakilala?" tanong ng Papa ni Karylle kay Vice. "Ah, more than 1month pa lang po kami ng anak nyo. Nagkakilala po kami sa beach kung saan sya nagstay, andun po ako for work pero nung nakita ko sya  nagstay po ako doon para makilala pa sya. Napalakas po ata tama ko sa anak nyo eh" sabi nya na natawa sa huli nyang sinabi. Natawa din naman ang Papa ni Karylle. "Aprub si Vice!" 

"Uwi na po ako Tito, Tita. Salamat po sa masarap na dinner." paalam ni Vice sa mga ito. "Sige iho magiingat ka." sabi ng Mama ni Karylle. Lumapit naman si Vice kay Karylle at hinawakan ang mga kamay nito, "Babalik ako bukas ha? Alagaan mo sarili mo okay? I love you." Vice said and kissed K's forehead. "I love you too. Ingat ka."

---

Everyday pumupunta si Vice sa bahay nila Karylle. Binibisita, inaalagaan. Palagi din itong kasama sa bawat chemo therapy at check up ni Karylle. Hindi nya iniwan ang girlfriend nya, hindi ito sumuko at nawalan ng pagasa na gagaling si Karylle kaya naman kahit pagod na pagod na si Karylle ay pinipilit nyang labanan ang sakit nya para kay Vice. Mahimbing na natutulog si Karylle ng biglang mag ring ang cellphone ni Vice, agad agad naman syang pumunta sa CR at saka sinagot ang tawag "Hello bestie, napatawag ka? May problema ba dyan sa trabaho?" tanong ni Vice. "Hindi wala bestie. Gusto lang kita kamustahin." sagot naman ni Billy. Napahinga naman ng malalim si Vice, "Okay naman ako pero si Karylle... bestie nanghihina na sya eh." Vice said sadly. "Bestie, diba sabi mo nga strong si Karylle? Kaya nya yan basta wag lang kayong susuko okay?" tumango naman si Vice at parang may naiisip "Bestie, pwede mo ba kong tulungan?"

---

Gumising si Karylle na inaasahan na si Vice sa tabi nya pero wala ito. She went down stairs pero kahit ang Mama at Papa nya e wala dito.  May narinig naman syang tugtog mula sa garden kaya agad itong pumunta don, pag dating nya sa garden there's Vice standing and singing "Grow Old With You" the song na kinanta nilang sabay sa videoke bar noon. Sa likod naman ay may isang malaking screen kung saan lumalabas yung mga pictures nya noong una silang magkita, hanggang sa maging friends sila, naging maggirlfriend at boyfriend pati na rin yung mga pictures nya na naachieved lahat ng nasa bucketlist nya. Nagulat si Karylle dahil hindi nya alam na lahat pala ito ay nakuhanan nya ng pictures. Natapos na ang kanta ni Vice, "Ana Karylle Tatlonghari, babe... Madami dami na tayong pinagdaan, madaming hirap pero mas madami naman yung saya natin sa tuwing magkasama tayo. Babe, alam mo namang mahal na mahal na mahal kita diba?" Tumango naman si Karylle dito. Kinuha ni Vice ang isang maliit na box sa bulsa nya at saka luuhod ito sa harapan ni Karylle. "Mahal kita higit pa sa buhay ko. Gusto ko sanang tuparin ang natitirang mga wish mo sa bucketlist mo, Ana Karylle Tatlonghari, will you marry me?" Bigla naman lumabas ang Mama at Papa ni Karylle na kanina pa nakatago sa gilid at si Billy na nagoperate ng mga pictures. "Yes na yan! Yes na!" sigaw nung tatlo. Napatawa naman dito si Karylle. "Yes. Ofcourse I will marry you." Agad na isinuot ni Vice ang diamond ring at hinalikan ito sa labi. "Thank you babe, I love you! I promise to take care of you."

---

To be married. A beach wedding.

Today is their wedding day. Sa beach kung saan sila unang nagkita at nagkakilala. Their families and friends are all there to witness their wedding. Naglalakad na ngayon si Karylle sa aisle kasama ang Mama at Papa nya while walking naiisip nya ang mga nangyari sa kanila ni Vice before "Before nanonood lang ako ng mga weddings, sino bang magsasabi na ako na ang ikakasal ngayon at sa tao pang nagbigay ng panyo sa akin dahil sa pagiyak ko nung pinanonood kong ikasal yung client nya." Nakatitig lang naman si Vice sa naglalakad na si Karylle, his eyes is just for Karylle, his Karylle. Nakangiti sya na naiiyak habang nakatingin sa mapapangasawa nya "Dati kinukuhanan ko lang ng mga pictures ang mga ganitong event, sino bang magsasabing ako na ang kinukuhanan ng picture dahil ikakasal na ko.. ikakasal na ko sa pinakamagandang babae na nahuli ng camera ko." 

"Vice, you may now kiss your bride."

"To be married. A beach wedding, checked!"

---

Magkatabi na silang nakahiga ngayon sa kama, magkayakap at todo ang ngiti. "Mahal na mahal kita." sabi ni Vice. "Mahal na Mahal din kita." sagot naman ni Karylle. Hinalikan naman ni Vice si Karylle sa noo at natulog na silang dalawa. 

They spend their first week of being a husband and wife by chilling at the beach, watching the sunset together, drinking coffee at their favorite cafe, holding hands while walking, staying at home pag sobrang naghihina si Karylle pero masaya pa din kasi magkasama sila at solong solo nila ang isa't isa.

It's midnight, magkatabi at magkayakap lang sila habang nakahiga. "Babe.." tawag ni Vice kay Karylle. "Yes babe?" sabi ni Karylle at tumingin dito. "Ah ano kasi eh... uhm, nevermind. Tulog na lang tayo." sabi na lang ni Vice dito nang hindi masabi ang gusto nyang sabihin. "Vice, tell it na. Ano ba yun?" pangungulit ni Karylle. "Wala lang yun." he said. Bumitaw naman sa yakap si Karylle  "Magagalit ako sayo pag hindi mo sinabi." Wala naman nagawa ni Vice. Umupo sya sa kama at napahinga na lang ito ng malalim. Bumangon din naman si Karylle sa pagkakahiga at umupo katapat ni Vice then held Vice's hands. "Go." sabi ni Karylle. "Kasi.. diba I told you na tutuparin natin lahat ng nasa bucketlist mo? Ahh.. naisip ko lang kasi lahat naman natupad na diba... ah.. maliban na lang sa isa." Wala namang reaksyon si Karylle na nakatingin kay Vice, nakikinig lang ito sa mga sinasabi ng asawa sa kanya. Napayuko naman si Vice "uhm.. Do you think.. do you think... I mean pwede--" he was cut off ng bigla na lang syang halikan ni Karylle, it was not that long pero hindi rin mabilis, tama lang. Nagulat lang si Vice sa ginawa nito at hindi na makapagsalita, "Ang bagal mo kasi eh." sabi ni Karylle na medyo nahihiya pero nakangiti. Napa smile naman din si Vice sa sinabi nito kaya agad nyang hinawakan ang mukha ng kanyang asawa, tinitigan ang mukha habang hinahaplos nito ang bawat parte ng mukha nito "Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. I love you." sabi ni Vice and then they lips collided. From slow kiss, to a passionate kiss, to a needy one then to aggresive but full of love kiss. Unti unting bumaba ang mga halik ni Vice dito. What happened next was history.....

"Thank you Vice for tonight, for loving me, for taking care of me, for helping me to achieved all my dreams. I love you Vice." Karylle said while still catching her breath.

"Thank you too, and I will never get tired of loving and taking care of you. I love you forever." Vice said.

"Goodnight Vice."

"Goodnight Babe." he kissed K's forehead then they went to sleep hugging each other tight.

---

Naunang magising si Vice, tumingin sya sa mukha ng katabi nya. He is smiling while staring at her beautiful wife kahit namumutla ito dahil sa sakit nya, but his smile didn't last ng hawakan nito ang mukha ng kanyang asawa. Malamig. Kinabahan agad sya kaya he tried to wake her up. "Babe.. babe gising ka na." Vice said habang niyuyugyog ng slight yung shoulder ni Karylle pero di pa rin ito gumigising. Vice put his head on Karylle's chest, agad agad tumulo ang mga luha nya and niyakap ng mahigpit si Karylle. NO HEARTBEAT.

---

A week after Karylle's burial, Vice went back to the beach. It's midnight and Vice siting in the sand sa may dagat, nakaupo sya sa pwesto kung saan una nyang nakita si Karylle. He's looking at Karylle's mini notebook na hawak nya ngayon. "Made love..." he whisper tapos chineck-an ito. After that tumingin sya sa taas, "Babe, natapos natin. Tingnan mo oh lahat ng nakasulat dito sa bucketlist may check na.  Ang galing noh? Ang saya saya mo siguro..." he said and smile sadly. "pero bakit ganon? ang hiling ko lang naman makasama ka pa ng matagal pero bakit kinuha ka nya agad? Ang bilis... Ang bilis bilis naman." hindi na nya mapigilan he's now crying. "Para na kong mababaliw babe, paano na ko ngayong wala ka? Paano na ko? Daya daya mo naman eh." sabi pa nya and pinunasan ang luha nya using his hands. "Pero alam ko naman masaya ka na dyan, kasi dyan wala ka ng nararamdamang sakit, hindi ka na nahihirapan. Karylle, miss na miss na kita at mahal na mahal na mahal pa rin kita." He stood up pero nahulog yung mini notebook ni Karylle kaya pinulot nya ito, nakita naman nyang may nakasulat sa likod... "THANK YOU ;)" yun ang nakasulat and napasmile naman dun si Vice, nilipat nya yung page pabalik at may nakita pa syang nakasulat. Umupo ulit sya then binasa ito.

"I've met someone today, binalik nya sakin tong mini notebook ko nahulog pala kasi ayun kinuha ko naman agad yung notebook ko from him and nagthank you sabay alis. Umalis ako agad kasi natatakot ako, natatakot ako baka mainlove ako eh nakita ko ang gwapo pa naman nya. hihi :) Day passed and nagkita na naman kami now his offering his handkerchief kasi nakita nya kong umiiyak. Nakakahiya! He's nice kaso kailangan ko talagang umiwas eh. On the third day, I'm searching for my notebook nawawala na naman kasi ulit and there sya na naman pala ulit ang nakapulot, kinuha ko ulit ito agad para makaalis na pero pinigilan nya ko, niyaya nya kong maglunch ayoko nga sana eh kaso nakakahiya na sakanya. Days passed tinanong nya kung pwede daw ba kaming maging friends kaya napaisip ako. I said yes, wala naman sigurong masama dun friends lang naman saka alam ko namang mangungulit lang sya ng mangungulit hanggang sa pumayag ako. We became close to each other, binalik nya yung mga ngiti ko, pag kasama ko sya hindi ko naiisip yung mga problema ko. Mahal ko na ata sya? That night also nalaman ko na mahal din pala nya ko, ang saya saya ko kasi pareho pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa kaso bigla kong naalala hindi nga pala pwede kaya tinakbuhan ko sya. Balak ko ng umuwi ngayon pero naabutan ko syang nasa tapat ng door. Nagalit sya kasi bakit daw hindi nya ko pwede mahalin I told him, I'm sick and I'm dying. Nakita ko yung gulat sa mukha nya kaya umalis na ko, pero paglabas ko ng hotel biglang may yumakap sakin, sya pala yun napasmile naman ako he told me walang nagbago mahal pa rin nya ko na ikinatuwa ko kaya inamin ko na din sa kanya na mahal ko sya. Naging kami, masaya. Ang sarap sa feeling na may minamahal ka at may nagmamahal sayo. Bawat araw na kasama ko sya masaya ako. He's helping me also sa pagtupad ng nasa bucketlist ko. Ako na ata ang pinaka maswerteng tao sa mundo ngayon kasi may boyfriend akong ginagawa ang lahat for me kahit na eto ako mahina at malapit ng mawala. Habang magkasama kami nakaramdam ako ng hilo at bigla na lang akong nahimatay, dinala nya ko sa ospital. Narinig ko silang naguusap ng doctor, sabi ni doc mahina na talaga ako nararamdaman ko na rin naman eh but I tried to ignored it kasi ayokong magworry sya sakin, ayokong maging pabigat sa kanya so I told him na umuwi na kami sa Manila. Inuwi nya ko, araw araw binibisita nya ko walang araw na nawala sya sa tabi ko naisip ko kahit may sakit ako ang swerte swerte ko pa rin pala talaga dahil andito ang boyfriend ko at mas naramdaman ko pa ang saya ng magpropose sya sakin. Siguro nga may nagawa pa rin talaga akong mabuti sa mundo para maramdaman lahat ng to. Nagulat pa nga ako ng ang daming nyang pictures ko hindi ko alam na bawat araw pala na magkasama kami ay kinukuhanan nya. Ang sweet ng boyfriend ko noh? Sobrang nakakakilig nga eh :) Ngayon kasal na kami grabe ang saya ko akala ko kasi hindi ko mararanasan lahat to eh pero lahat natupad dahil sa kanya. 

Ahm.. Hi Vice! Alam kong mababasa mo to. I just wanna say thank you, super thank you for everything. For accepting me kahit alam mong may sakit ako, sa pagaalaga at pagtyatyaga mo sakin, thank you kasi palagi kang andyan for me, hindi ka nawala sa tabi ko. Thank you din kasi kahit pagod na pagod ka na you remain strong pa rin for me. Thank you for bring joy to my life, ikaw ang rainbow sa buhay ko kasi binigyan mo ng kulay ito. Thank you for marrying me... for loving me unconditionally. Thank you so much babe, ikaw ang katuparan sa mga pangarap ko. You made my remaining days here so wonderful and meaningful. Hinding hindi ko to makakalimutan lahat.

I LOVE YOU. I LOVE YOU SO MUCH! And kahit mawala man ako sa mundong to always remember na MAHAL NA MAHAL KITA... IKAW LANG AT WALA NG IBA PA."


Para sa nagrequest at nagtyatyagang magbasa nito. :)

Thankies!!! <3

Continue Reading

You'll Also Like

945K 107K 58
แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€€ แ€™แ€ฑแ€ฌแ€„แ€ทแ€บแ€›แ€ฒแ€ท แ€แ€…แ€บแ€•แ€„แ€บแ€แ€Šแ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Cactus...แ‹ KTH & JJK
32.9K 5.1K 36
"แž แž„แŸ’แžŸแž˜แŸ‚แž“แž‘แŸ?โ€‹แžแŸ’แžšแžนแž˜แžแŸ‚แž˜แžฝแž™แž”แŸ‰แž”แŸ’แžšแžทแž…แž—แŸ’แž“แŸ‚แž€แž™แžพแž„แž“แžนแž„แž’แŸ’แžœแžพแžขแŸ„แž™แž แž„แŸ’แžŸแž˜แžฝแž™แž“แŸ„แŸ‡แž”แžถแž€แŸ‹แžŸแŸ’แž›แžถแž” แž แžพแž™แž แž„แŸ’แžŸแžŠแŸแžŸแŸ’แžšแžŸแŸ‹แžŸแŸ’แžขแžถแžแž“แŸ„แŸ‡แžแŸ’แžšแžผแžœแžŸแŸ’แžแžทแžแž€แŸ’แž“แžปแž„แž€แž˜แŸ’แž˜แžŸแžทแž‘แŸ’แž’แž™แžพแž„แž˜แŸ’แž“แžถแž€แŸ‹แž‚แžแŸ‹"แž‡แžปแž„แž แŸ’แž‚แžปแž€ "แž™แžพแž„แžŠแžนแž„แž–แžธแžขแŸ’แžœแžธแž‘...
174K 16.5K 91
๐Ÿ“๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ‘ แ€˜แ€šแ€บแ€›แ€Šแ€บแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏแ€กแ€แ€ปแ€…แ€บแ€†แ€ฏแ€ถแ€ธแ€œแ€ฒ๐Ÿ“๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ‘ ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃแ€›แ€พแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€€แ€ปแ€”แ€บแ€ท...แ€›แ€ฒแ€›แ€ฒ แ€€แ€ผแ€ฎแ€ธแ€–แ€ผแ€ฑแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€…แ€™แ€บแ€ธแ€•แ€ซ...แ€˜แ€šแ€บแ€›แ€Šแ€บแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏ แ€กแ€แ€ปแ€…แ€บแ€†แ€ฏแ€ถแ€ธ แ€œแ€ฒแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฌ...โœจโœจโœจ ๐Ÿ“๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ‘ แ€˜แ€šแ€นแ€›แ€Šแ€นแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏ...
230K 22.9K 70
แžŠแŸ„แž™แžŸแžถแžšแžแŸ‚แž‚แžปแŸ†แž“แŸ†แž”แžถแž“แž’แŸ’แžœแžพแžขแŸ„แž™แž€แŸ’แž˜แŸแž„แž”แŸ’แžšแžปแžŸแžŠแŸ‚แž›แž˜แžถแž“แž”แŸแŸ‡แžŠแžผแž„แž”แžšแžทแžŸแžปแž‘แŸ’แž’แžŸแŸ’แžšแžŸแŸ‹แžŸแŸ’แžขแžถแžแž”แŸ’แžšแŸ‚แž€แŸ’แž›แžถแž™แž‡แžถแž€แŸ’แž˜แŸแž„แž–แžนแžŸแž–แžปแž›แž–แŸ„แž–แŸแž‰แžŠแŸ„แž™แž›แŸ’แž”แžทแž…แž€แž›แŸ‹ แž‚แŸแž แŸŠแžถแž“แž’แŸ’แžœแžพแž‚แŸ’แžšแž”แŸ‹แž™แŸ‰แžถแž„แžŸแžผแž˜แŸ’แž”แžธแžแŸ‚แž“แžถแž˜แž‡แžถแž”แŸ’แžšแž–แž“แŸ’แž’แž…แžปแž„แž”แžปแžšแžŸแž…...