Once Upon A Time In High Scho...

miko__akihiro

65.1K 1.1K 16

"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is sta... Еще

1
2
3
4
6
7
8
9
10
Author's Note

5

4.5K 94 0
miko__akihiro

TATLONG linggo nang ipinapalabas ang pelikulang iyon pero hindi pa iyon napapanood ni James. Kaya nandoon siya sa sinehan para panoorin ang romance-drama na iyon.

Siya ang nag-compose ng mga background music para doon. At isa sa mga iyon ay naririnig niya sa pinakaumpisa ng pelikula.

"Let's go," narinig niyang sabi ng lalaki sa tabi niya, sa kanyang kanan.

"Honey, mamaya na," tanggi naman ng babaeng katabi nito. Halatang magnobyo ang dalawa.

"Napanood mo na rin naman 'yang pelikula noong isang linggo, pati noong isa pang linggo. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Gusto ko kasing pakinggan 'yong mga music ng pelikula. Wala kasi ang mga 'yon sa unang album ni James Erik. Sige na, honey, pagbigyan mo na ako," malambing na sabi ng babae.

"Ano pa'ng magagawa ko?" pagsuko ng lalaki.

"Kailan kasi magkakaroon ng kasunod na album ang guwapong composer na 'yon?"

"Nagseselos na ako sa James Erik na 'yan, ha."

"Ano ka ba, honey? I just love his music. Masarap pakinggan. Nakaka-inspire."

Napangiti siya sa sinabi ng babae. Hindi lang iyon ang pagkakataong narinig niya ang komentong iyon. Hindi lang ang babaeng iyon ang nagsabi niyon. Sikat na nga talaga siya siguro. Ayaw niyang sumikat noong una. Gusto lang niyang tumugtog at makilala ang mga musika niya at hindi ang siya ang makilala. Pero hindi naman yata puwede iyon dahil siya ang nasa likod ng mga musikang iyon.

Kaya mula ngayon ay sasamantalahin na niya ang pagkakataon. Tatanggapin na niya ang ano mang offer na ibibigay sa kanya.

Umalis ang nakaupo sa kaliwa niya. Pero mayamaya ay naramdaman niyang may umupo uli sa bakanteng upuan. Nawili siya sa panonood kaya hindi niya nagawang lumingon.

"'Care for a bite?" Boses iyon ng babae. At kanina lang ay parang narinig niya ang boses na iyon. Nakita niya ang iniaabot nitong popcorn.

Nang nilingon niya ito ay nakita niya si Celine. Ito pala ang pumalit sa nakaupo kanina sa kaliwa niya. Hindi niya ipinahalata ang kanyang pagkagulat.

"C-Celine, ikaw pala."

"Kaya pala parang may nag-uutos sa akin na panoorin ang pelikulang ito. Hindi lang pala pangalan mo ang makikita ko sa opening credits kundi ikaw mismo," nakangiting sabi nito. "You made great music."

"Thank you." Muli siyang tumingin sa big screen.

"Ayaw mo ng popcorn?"

Bumaba ang tingin niya sa iniaabot uli nitong pagkain. Pinilit niya ang sariling huwag lumingon. "No, thanks."

"Kung ayaw mo, di huwag," narinig niyang bulong nito.

Hindi niya ito pinansin. Pero sa loob-loob niya ay natatawa siya rito.


SUPLADO! Ganyan ka na por que kilala ka na at guwapo? ani Celine sa isip niya. Nakatutok siya sa pelikula pero wala ang konsentrasyon niya roon.

Tumingin siya rito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa palabas. Magsasalita na sana siya pero hindi niya maibuka ang bibig niya. Huli na niya napansin na puno na ang bibig niya ng popcorn. Subo lang pala siya nang subo nang hindi iyon nginunguya at nilulunok.

Hindi niya inasahang titingin ito sa kanya. Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya.

"O, bakit nagtatakip ka riyan? Are you laughing at me? Nakakatawa ba ang itsura ko?"

Umiling-iling siya. Pilit niyang nginunguya ang pumupuno sa bibig niya pero hindi niya magawa. Paano ba ito?

"Napa'no ka ba talaga? Bakit hindi ka na makapagsalita riyan?" takang tanong nito. Tila may pag-alala sa tono ng boses nito kahit na pasuplado ang pagkakasabi nito niyon.

Tatayo na sana siya upang tumungo sa restroom nang bigla siyang napaduwal.

Kaagad na hinawakan siya nito sa balikat. "O-okay ka lang ba?" Parang lalong nag-aalala ang tinig nito.

Iniluwa niya ang laman ng bibig niya sa lagayan ng popcorn na hindi pa nauubos. Hinimas-himas nito ang likod niya.

"Huwag ka kasing subo lang nang subo," anito.

Nang nailuwa na niya lahat ay uminom siya ng tubig mula sa plastic bottle ng mineral water na binili niya kanina kasama ng popcorn. Nang tingnan niya ito ay parang gusto nitong matawa sa kanya pero halatang pinipigilan lang nito.

"Tumawa ka hangga't gusto mo, 'no. Wala akong pakialam," pagtataray niya rito. Pinalis niya ang kamay nitong nasa balikat niya at tumayo.

"Where are you going?"

Tiningnan niya ito nang masama bago tinalikuran at naglakad palabas. Saka siya natawa sa sarili niya. Napangiti siya dahil hindi siya pinabayaan ni James.

Nasa labas na siya ng sinehan nang may humawak sa palapulsuhan niya. She guessed it was James. Pinalis niya ang ngiti niya. Nang lumingon siya ay nalaman niyang hindi siya nagkamali.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Wala kang pakialam. Tutal, binalewala mo naman ako nang nagkita uli tayo kanina after many years."

Natawa ito. "'Yon ba ang ikinasasama ng loob mo?"

Ano ba ang nasabi ko? "Bitawan mo nga ako." Iwinaslik niya ang kamay niya upang mabitawan nito. Nang nabitawan siya nito ay mabilis siyang naglakad palayo.

Inasahan niyang susundan siya nito pero nakarating na siya ng elevator ay hindi niya nakita ni anino nito. Nakapasok na siya sa elevator nang nakita niya itong mabilis na tumatakbo patungo sa kanya. Bago sumara ang elevator ay nakapasok ito. Narinig niya ang sunud-sunod nitong paghinga kasabay ng pagtaas-baba ng dibdib nito.

Iniwas niya ang tingin dito nang tanggalin nito ang ilang butones ng polo nito. Siguro ay sumikip ang paghinga nito sa ginawa nitong pagtakbo. Pero tinitingnan-tingnan niya ito sa gilid ng mga mata niya. Nakita niya ang gitna ng dibdib nito.

"Ang bilis mong nawala, ah. Hiningal ako sa kahahanap sa 'yo."

"Bakit mo ako sinundan?"

Huminga ito nang malalim. "Ano ba ang gusto mong gawin ko? Humingi ng tawad sa 'yo? Okay, I'm—"

"I'm not asking for your apology." I'm the one who should apologize.

Natahimik ito. "A-ayaw mo na bang manood?" pag-iba nito sa usapan.

"N-nawalan ako ng gana." Ang totoo ay nahihiya siya rito.

"Nang dahil sa 'kin? O ako mismo ang nakakawalang-gana? Tama ka, nakakawalang-gana nga ako. Kaya nga bigla mo na lang akong hindi pinansin noon, hindi ba?"

Nang tingnan niya ito ay seryoso ito. "That's why I'm not asking for your apology. Dahil ako ang dapat na humingi ng tawad."

"No. Kalimutan na natin 'yon. Hindi na rin naman importante 'yon. Tama lang ang ginawa mo. Ayaw ko ring mag-away kayo ni Third nang dahil sa 'kin."

"Third and I are—" Hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil bumukas ang elevator.

"See you around, Celine," anito nang makalabas sila ng elevator. Tumalikod na ito at humakbang palayo habang ibinabalik ang pagkakabutones ng polo nito.

Sinundan niya ito. May naalala siyang okasyon na may kinalaman ito. "James, wait."

Huminto ito at nilingon siya. "Yes?"

"J-James..."

"May sasabihin ka ba?"

"James... ah... ad—" Hindi na naman niya naituloy ang sasabihin nang tumunog ang cell phone nito.

Kinuha nito ang cell phone nito sa bulsa ng pantalon nito. "Excuse me," anito sa kanya pagkatapos tingnan ang LCD ng cell phone nito.

"S-sige, next time na lang," aniya rito nang akmang ilalagay na nito sa tainga nito ang cell phone nito.

"Okay. Take care," anito at tumalikod. Naglakad ito habang kinakausap ang tumawag dito.

Ingat ka rin, aniya sa sarili habang sinusundan ito ng tingin. And advance happy birthday, piping pagbati niya rito.


"ADVANCE happy birthday, James Erik," bati ng tumawag sa kanya. "Iyan talaga ang dahilan kung bakit ako tumawag."

Oo nga pala, magtu-twenty-six na siya apat na araw mula ngayon. Nakalimutan niya ang sarili niyang birthday. Kung hindi pa nito sinabi ay hindi niya maaalala.

"Thanks, Queenie," pagpapasalamat niya sa kausap niyang fiancee ni Aaron.

Noong nakaraang taon ay kasama niya sina Queenie at Aaron sa pag-celebrate ng birthday niya sa bahay ng mga magulang niya sa Las Piñas.

"So, saan tayo magse-celebrate?" tanong nito.

"Kayo na ang bahala ni Aaron."

"Bumawi ka na lang sa kasal namin."

"Oo nga," natatawang sang-ayon niya.

Naisip na naman niya si Celine. Malapit na ang birthday niya nang nakita niya ito uli. Hindi pa man sumapit ang kaarawan niya ay may regalo na siyang natanggap. At iyon ang pinakamagandang regalo niya sa nalalapit niyang kaarawan.

"Oo nga pala, Celine's here," masayang pag-imporma niya kay Queenie.

"Talaga? I want to meet her," sabi nito. Sa mga bago niyang kaibigan, ito lang ang nakakaalam niyon. Maging si Aaron ay walang alam tungkol kay Celine.

"Pero baka matagalan bago ko siya makita uli," medyo malungkot na pahayag niya.

"But why?"

"Hindi ko kasi kinuha ang contact number niya."

"Torpe ka pa rin hanggang ngayon."

"Queenie naman. Huwag mo namang ipaalala sa akin ang kahinaan kong 'yan."

"At least palakuwento ka na ngayon at hindi na madaling maubusan ng sasabihin."

"Kailangan ko 'yon para sa mga matatanong kong estudyante." Natawa ito sa sinabi niya. "Mabuti pa kayo ni Aaron, wala nang problema," dugtong niya.

"Abnormal ang walang problema, 'no. Normal kami kaya meron."

Natawa siya. "But as long as you have each other, malulutas ang lahat nang 'yon. As long as you have each other, wala kayong maiisip na problema. Hindi ninyo masyadong maiisip ang problema dahil alam n'yong malalampasan n'yo 'yon."

"Tumpak!" natatawang sang-ayon nito. "But I'm sure you will have her."

"Imposible na 'yon. But I don't know kung sila pa ng boyfriend niya." They were talking about Celine again.

"Eh, di tanungin mo siya. Huwag mong sabihing nahihiya ka?"

"Gusto ko siyang kausapin. Sana makita ko uli siya."


"GINABI ka na yata?" salubong na tanong sa kanya ni Gwen pagdating niya sa kanilang bahay.

Ngumiti siya. "Nanood ako ng sine at gumala sa mall maghapon." Biglang napalis ang kanyang ngiti.

"O, bakit bigla kang naging malungkot?"

"Dahil mag-isa lang ako. Pero masaya pa rin ako kahit papaano. I saw him," masayang pagbabalita niya. "Nakita ko si James sa sinehan."

"Nakita ka rin niya?"

"Nag-usap kami. Pero sandali lang." Ikinuwento niya sa kaibigan kung ano ang napag-usapan nila ng lalaki.

"Okay na pala kayo."

"Hindi ko alam. Parang may tampo pa rin siya sa 'kin."

Sandali itong natahimik. "Tapatin mo nga ako, Celine, nalilito ka lang ba sa nararamdaman mo?" Biglang nag-iba ang tono ng pananalita nito, tila nang-uusig.

"What do you mean, Gwen?" nalilitong tanong niya.

"Hindi mo ba talaga kayang kausapin si Third o hindi mo lang kayang sabihin sa kanya na may iba kang mahal dahil ang totoo ay mahal mo pa rin siya?" direstsahang tanong nito.

"Bakit napunta kay Third ang usapan? At paano mo nasabi 'yan? Hindi mo alam ang nararamdaman ko, Gwen." Naglakad siya paakyat sa silid niya.

Sumunod ito sa kanya. "Physical attraction lang ba ang nararamdaman mo kay James kaya mo nasabing mahal mo siya? Mahal mo ba siya dahil gumuwapo na siya ngayon? Pagmamahal ba 'yan o paghanga lang?"

Nasa gitna na siya ng staircase nang mapatigil siya at nilingon ito. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Gwen? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na wala na akong nararamdaman kay Third? Kakausapin ko siya kung iyan ang gusto mo. Sasabihin ko sa kanya na hindi ko na siya mahal. Na si James ang mahal ko."

Natahimik ito. Bahagya itong yumuko.

"Ano ba ang sinabi niya sa 'yo?"

"Naaawa ako sa kanya. Mahal na mahal ka niya pero ikaw, hindi mo na talaga siya mahal." May nababasa siyang lungkot sa mga mata nito.

"I think, ikaw ang may dapat na sabihin sa akin, Gwen. Are you—"

Mabilis na nag-angat ito ng tingin. "Yes, Celine. Matagal na. Matagal ko nang gusto si Third," naiiyak na pag-amin nito. "Matagal ko na siyang mahal. Pero ikaw ang mahal niya." Naiintindihan na niya ito. Kaya pala sinisigurado talaga nito kung mahal pa niya si Third.

Niyakap niya ito. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na mahal mo pala ang playboy na 'yon?"

Niyakap din siya nito. "Dahil ayokong guluhin kayo noon. At wala naman siyang gusto sa akin. Hindi naman niya ako pinapansin." Suminghot ito, halatang umiiyak.

"Hindi ko alam na matagal ka na palang nagseselos ka pala sa akin, Gwen. Magaling ka palang magtago. I'm sorry."

"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na ikaw ang minahal niya. Tama lang ang ginawa ko. Dahil wala naman talaga siyang gusto sa akin."

"You are really a good friend. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinong kaibigan."

Kumalas ito sa kanya. "Kaibigan kita. Hindi lang dahil malaki ang utang na loob ko kay Tito Celio at kay Tita Lyn at sa 'yo. Itinuring n'yo na akong miyembro ng pamilya ninyo. Itinuring akong anak ng mga magulang mo. Itinuring mo akong kapatid mo."

"Dahil mabait ka."

Lalo itong umiyak. "Maraming salamat."

"Hindi pa rin ba nagbabago ang pagmamahal mo sa kanya kahit na alam mong ilang beses na niya akong sinaktan?"

"I don't know. Basta ang alam ko, my heart still beats for him. Kahit naiisip ko lang siya."

"Mahal mo nga siya. Hindi ko siya sinisiraan sa 'yo pero baka gawin din niya sa 'yo ang ginawa niya sa akin at sa iba pang babae. But you said, wala kang nababalitaan na nagka-girlfriend siya mula noong umalis ako. Baka nga nagbago na siya. Pero hindi ko na siya mahal. Para sa akin, huli na ang pagbabago niya."

Tumangu-tango lang ito. "May sasabihin pa pala ako sa 'yo. Ako ang nagsabi kay Third na uuwi ka. Kaya inabangan ka niya sa airport. Nagkikita kami pero ikaw ang pinag-uusapan namin, ikaw ang tinatanong niya sa akin." Iyon na siguro ang gusto nitong sabihin na hindi nito masabi sa kanya. Napansin niya kasi ito noong isang araw na tila may gusto itong sabihin sa kanya. At siguro rin ay matagal na nitong gustong sabihin iyon sa kanya. Lalo na ang katotohanang matagal na nitong gusto kay Third.

"Kaya pala ilang beses mo na akong kinukumbinsing umuwi. Kaya pala nilalakad mo siya sa akin. Kahit na nasasaktan ka, alam ko."

"I'm sorry. Mahal ko siya kaya gusto ko siyang maging masaya."

"Patawarin mo rin ako. But don't worry. Kakausapin ko talaga si Third dahil may isa pa akong sasabihin sa kanya."

Ngumiti ito habang pinapahid ang mga luha. "Huwag na. Hindi ba nakakahiya iyon?"

"Mas maganda na iyong alam niya. Makabawi man lang ako sa 'yo dahil nasaktan ka rin nang dahil sa akin."

"Huwag mo nang isipin 'yon. Hindi ko na rin iniisip 'yon."

"Naalala ko ang sinabi mo sa akin tungkol sa sekreto ni James. Crush pala ako ng lalaking 'yon, hindi sinabi sa akin. Siguro kung nasabi niya iyon sa akin noon, baka noon pa nagbago ang isip ko."

Продолжить чтение

Вам также понравится

67.9K 498 4
I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grands...
75.4K 1K 10
Pangalawa ang WTYH sa story ko. Itinuturing ko itong 'fruit' ng workshop ko sa PHR. Hihi. I was really inspired at that time. Marami akong natutunan...
August and Apple Reynald

Подростковая литература

1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
57.3K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...