Once Upon A Time In High Scho...

By miko__akihiro

65.1K 1.1K 16

"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is sta... More

1
2
4
5
6
7
8
9
10
Author's Note

3

4.9K 94 0
By miko__akihiro

TINITIGAN ni Celine ang mukha ni James sa music album nito. Meron siyang kopya niyon dahil umabot ang mga kopya niyon sa mga Filipino stores sa Amerika.

Pagkagising niya nang umagang iyon ay ito kaagad ang naisip niya. Naalala rin niya ang album nito kaya kaagad niyang hinanap iyon sa mga gamit niya.

Napakaguwapo nito sa larawan nito sa cover ng album nito. Wala itong suot na eyeglasses. Nakangiti ito nang bahagya sa picture habang nakapamulsang nakatayo at nakasandal sa tabi ng piano sa tabi ng ilog. The scenery was very calm.

Nakasuot ito ng plain na kulay-abong Amerikana. May bowtie ito. Itim ang kulay ng slacks nito. The album was entitled "Once Upon A Time" and subtitled "Original Compositions of James Erik Escañan."

Nagulat at namangha siya nang una niyang nakita ang album na iyon noong isang taon. Nang mabasa niya ang pangalan ni James doon, hindi niya akalaing ito iyon. Hindi siya makapaniwala pero totoong ito iyon.

He looked very handsome. Noong high school ay guwapo rin ito pero hindi katulad ng nasa picture. Hindi dahil photogenic ito kaya guwapo ito sa picture. Kung ano ang itsura nito sa picture ay ganoon din sa personal. Tulad na lamang ng kuha nito sa yearbook nila.

May kahabaan ang buhok nito noong high school at nakasalamin ito dahil malabo ang mga mata nito. Hindi mo masasabing guwapo ito kung hindi mo titingnan nang mabuti.

Pero sa picture nito sa album nitong iyon ay may kahabaan pa rin ang buhok nito pero may nilalagay na roon na kung ano upang mas maayos pa iyong tingnan. Nasanay siyang nakasuot ito ng salamin. Pero may salamin man o wala, guwapo pa rin ito. Dahil siguradung-sigurado siya na taglay pa rin nito ang pinakamagandang kayumangging mga mata na gustung-gusto niyang muling mapagmasdan.

Binuksan niya ang CD case at kinuha mula roon ang disc. Isinalang niya iyon sa CD player ng cassette na nasa itaas ng mini-cabinet sa kuwarto niya. Tumugtog ang unang composition sa album na pinamagatang "High School Romance." Ilang beses na niyang napakinggan iyon kaya alam niyang masaya ang unang parte niyon pero ang kasunod ay malungkot na.

Nang nakita at napakinggan niya ang album na iyon ay marami siyang na-realize.


JAMES was telling his high school love story in his composition entitled "High School Romance." His happy-at-first and sad-at-the-end love story.

With Celine.

Hindi nga lang niya alam kung matatawag ngang love story iyon dahil siya lang naman ang in love sa babaeng mahal niya at hindi nito alam na mahal niya ito.

Kasalukuyan niyang pinapakinggan ang komposisyon niyang iyon mula sa album niya habang iniisip si Celine. Hindi talaga niya alam kung bakit mula kahapon nang maalala niya uli ito ay tuluy-tuloy na iyon hanggang nang araw na iyon. Segu-segundo na lang ay laman ito ng isip niya. Paano ba siya makaka-concentrate sa mga gagawin niya?

Celine was such a big destruction. But most of the time, she was his biggest inspiration.

Hindi talaga niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip ang babaeng iyon.

Bakit ba niya pinapakinggan ang musikang iyon? Naaalala lang niya si Celine. Dapat kalimutan na niya si Celine. Hindi niya maiisip si Celine kung hindi niya ito iisipin. Pero sa tuwina ay pilit talagang sumisiksik ang magandang mukha at matamis na ngiti ni Celine sa isip niya, pilit na sumisiksik sa alaala niya ang masasayang araw nila nito.

Tulad ngayon.

Mula kahapon.

Sana nga mamaya ay wala na sa isip niya si Celine.

Celine, Celine, Celine! Bakit ba puro na lang siya Celine?

Dinampot niya ang remote at pinatay ang component. Tinungga niya ang kalahating-tasa pa niyang kape, naligo, at nagbihis upang tumungo sa PBS para ihatid ang music para sa bagong teleserye ng istasyon.


PINAGBUKSAN ni Celine ang kumatok sa kuwarto niyang si Gwen.

"You're listening to his album," pahayag nito nang makapasok sa kuwarto niya. May kopya rin ito ng album na iyon. Ito ang nag-inform sa kanya na kilala nang pianist si James sa Pilipinas. Tinatanong din niya rito kung ano na ang mga nangyayari kay James. At masaya siya sa mga success na dumarating kay James.

"What can I do? I'm addicted to his music." As much as I'm addicted to him now. Maybe.

"Si James ba ang dahilan kung bakit ka bumalik?"

Tumango siya. "I missed him, Gwen," diretsahang sabi niya.

"What about Third?"

"He's my ex-boyfriend. And I'm so stupid. Bakit ang tanga ko?" naiiyak na sabi niya.

"Dahil crush na crush mo si Third at patay na patay ka sa kanya noon? Dahil siya ang una mong minahal? Dahil huli mo na na-realize ang tunay na nararamdaman mo para kay James." Gwen's last sentence was a statement, not a question.

Tumulo na ang kanina pa nangingilid niyang mga luha. "Itatama ko ang katangahan ko, Gwen." Lumapit siya sa umiyak din niyang kaibigan at niyakap ito.

Niyakap din siya nito. "Hindi ka tanga. Totoong mahal mo si Third noon. Pero nawala ang pagmamahal mong iyon sa kanya dahil huli mo na na-realize na hindi siya ang lalaking gusto mong makasama habang-buhay."

"Dahil si James na ang mahal ko. Mahal ko si James. Mahal ko siya," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"I know, I know." Inalo siya ni Gwen para tumahan siya.

Dahan-dahan siyang tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.

"Ang aga-aga nating nag-drama," ani Gwen. "Ikaw kasi," pabirong paninisi nito sa kanya.

"Pasensiya ka na. Salamat at ikaw ang kaibigan ko. Napakabait mo sa 'kin," nakangiting wika niya.

"Nambola ka pa."

Pinahid niya ang mga luha niya at kumalas dito. "Puwede bang um-absent ka muna ngayon sa trabaho mo?"

"Ha? Bakit?"

"Puwede mo ba akong samahan sa TV network na sinasabi mo?" Naikuwento sa kanya ni Gwen na nagko-compose si James ng background music para sa mga teleserye sa isang TV station at nagko-compose ng mga kanta para sa mga singers ng recording company na nasa pamamahala din ng network.

Tila nag-isip pa ito.

"Please?" pakiusap niya.

"Hindi ba sabi mo mabait ako? Paninindigan ko na lang 'yon."

Sabay silang nagkatawanan.


"YOU HAVE to congratulate me, James," masayang sabi sa kanya ni Celine nang magkita sila nito sa mini-park ng school.

"Bakit?" tanong ni James kahit nahuhulaan na niya ang dahilan kung bakit gusto nitong i-congratulate niya ito.

"Third asked me just almost an hour ago kung okay lang na ligawan niya ako."

Nagkamali siya ng hula niya pero doon din naman ang punta niyon. Sasagutin nito ang Third na iyon at magiging magnobyo ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya? Matagal na nitong hinihintay na ligawan ito ng Third na iyon.

Kumalat sa buong school na break na sina Third at Lizzy. Pero walang linaw kung si Third ang nakipaghiwalay o si Lizzy o ang mga ito mismo ang nagdesisyong maghiwalay.

Sa isang taon at ilang buwang pagiging magkaibigan nila ni Celine ay marami na itong naikuwento sa kanya. Marami-rami na rin siyang naikuwento rito. Naipakilala siya nito sa mga magulang nito at naipakilala rin niya ito sa ate niya. Magkatabi lamang ang mga bayan nila at sa bayan ng mga ito ang kilala at malawak na pribadong eskuwelahan na pinapasukan nila.

He already knew she had a big crush on Third since fifth grade. Isa rin ito sa mga nayayabangan sa Third na iyon pero wala raw itong magawa dahil natatabunan ng malaking pagkagusto nito kay Third ang kayabangan ng huli. She said Third was so irrisistible for her. At mahal nito si Third. That explained everything.

Siya naman ay walang ibang naging crush kundi si Celine lang. Pero hindi niya nasabi iyon dito. At hindi na niya magagawang sabihin iyon dahil magkakaroon na ito ng nobyo. Para ano pang sasabihin niya ang sekreto niyang iyon dito? Wala nang dahilan. Wala nang kuwenta ang damdamin niyang iyon para dito.

Pinilit niyang ngumiti. "Congratulations."

"Thanks." Niyakap siya nito pero bago pa siya gumanti ay kumalas na ito sa kanya.

Kinagabihan niyon ay hindi siya nakatulog. Selos na selos siya sa Third na iyon. At sa unang pagkakataon ay nagalit siya sa sarili niya. Sa pagiging mahiyain niya. Sa pagiging hindi niya maporma. Sa pagiging hindi niya pansinin. Sa pagiging ordinaryo niya. Sa pagiging torpe niya.

Sana ay ipinagsigawan niya sa buong mundo na magaling siyang mag-piano. Sana noon pa siya nakilala sa larangang iyon. Sana ay matagal na siyang nakilala ni Celine. Sana ay noon pa niya sinabi kay Celine na gusto niya ito. Na mahal niya ito.

Bakit ba wala siyang lakas nang loob? Bakit ba ang hina-hina niya? Kahit ang iparamdam man lang kay Celine na mahal niya ito ay hindi niya magawa. Kahit man lang sa pamamagitan ng sulat, kahit sa pagpaparinig o pagpapasaring o pagpapalipad-hangin ay wala. Palagi siyang nauunahan ng walanghiyang hiya at buwisit na katorpehan.

Kung kailan siya tila nagkaroon ng lakas para sabihin ang nararamdaman niya kay Celine ay huli na. Ngayon pang may nanliligaw na rito ngayong malapit na silang magtapos sa high school. At wala siyang laban sa nanliligaw rito dahil noon pa nito gusto ang Third na iyon.

Isang buwan bago sumapit ang graduation ay parang sinaksak nang todo ang puso niya nang kumalat sa buong campus na sinagot na raw ni Celine si Third.

Kaya pala ilang araw na niya itong hindi nakikita. Baka kung saan-saan na ito pumupunta kasama ang Third na iyon.

Naglalakad siya patungo sa music room nang may nakabangga siya.

"Ouch!" sabi ng nakabangga niyang dalagita.

Si Celine!

Nagkatinginan sila nito.

"Pare naman, apat na nga 'yang mga mata mo, 'di mo pa rin makita ang dinadaanan mo!" sabi ng binatilyong kasama nito na walang iba kundi si Third.

Humingi siya ng pasensiya kay Celine nang hindi binabanggit ang pangalan nito. Hindi siya kilala ni Third. Hindi rin niya kilala ang iba pang ugali ng mayabang na binatilyo kaya makabubuting umakto siya na parang hindi niya kilala si Celine. Baka kung ano pa ang maisip ni Third.

Pinatawad naman siya ni Celine. Hindi rin nito binaggit ang pangalan niya.

"Sa uli-uli, tumingin ka sa dinadaanan mo! Ayokong binabangga lang ng kung sino itong girlfriend ko!" sabi pa ni Third.

Nagulat siya. Totoo nga ang balita. Boyfriend na nga ni Celine si Third. At tama siya, doon din pupunta ang lahat. Magiging magnobyo ang mga ito at nangyari na nga.

Wala na talaga siyang pag-asa sa dalagita. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya.

Noon pa lang niya nakita si Third sa malapitan. Mas guwapo ito sa kanya, mas matangkad, at mas maganda ang katawan.

"Tama na, Third! Hayaan mo na siya. 'Di naman niya sinasadya, eh," saway ni Celine sa boyfriend nito. "Sige na, tumuloy ka na," sabi nito sa kanya.

Sumaya siya kahit papaano dahil ipinagtanggol siya nito. Hindi naman talaga niya iyon sinasadya.

"S-salamat," sabi niya kay Celine at nagpatuloy sa paglalakad.

"Goddamn. I can't believe it. Ipinagtanggol mo pa siya kaysa sa 'kin?" narinig pa niyang sabi ni Third kay Celine habang papalayo siya.

"Third, nag-sorry na 'yong tao. 'Di na 'yon mauulit, okay?" sabi naman ni Celine.

Hindi na niya narinig ang mga sumunod na usapan ng mga ito. Tila nagtatalo ang mga ito ngunit nang lumingon siya ay nakita niyang niyayakap ng mga ito ang isa't isa.

Ang masayang tagpong iyon sa pagitan ng mga ito ay isa sa masasakit na eksenang nakita niya.

Ang una ay noong nakita niyang namatay ang mga magulang niya sa mismong harap niya. Naikuwento na niya iyon kay Celine.

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila sa Maynila. Nang akmang buhatin na ng mga magnanakaw ang piano sa sala ng kanilang bahay ay pinigilan ang mga ito ng Papa niya. Ayon sa Papa niya, kunin na ng mga ito ang lahat ng kayamanan nila, huwag lang ang piano na iyon.

Walang-awang binaril ng isa sa apat na magnanakaw ang kanyang ama. Sinugod ng mama niya ang magnanakaw na iyon at binaril din ang kanyang ina. Pagkatapos niyon ay kumaripas ng takbo ang mga magnanakaw na hindi makilala dahil naka-bonnet ang mga ito na tanging mga mata lamang ang nakikita. Pero kilala ang gang na iyon at marami nang nabiktima. Nahuli naman ang mga ito habang nakaburol pa ang papa niya. Habang-buhay na pagkakulong ang naging sentensiya sa mga ito.

Malungkot na malungkot at iyak sila nang iyak ng ate niya na graduating pa lang noon sa college at siya ay nasa grade five pa lamang. Siyam na taon ang pagitan nila ng ate niya. Hindi naman sila pinabayaan ng tito nilang kapatid ng papa nila.

Ibinenta ng ate niya ang piano ng Papa nila pagkatapos mailibing ang kanilang mga magulang. Ayaw man niya ay hindi rin niya masisisi ang ate niya sapagkat dahil sa piano na iyon ay namatay ang kanilang mga magulang.

Hanggang sa nagkatrabaho ang ate niya. Nag-asawa ito sa edad na twenty-four. Pagkatapos ng kasal ng mga ito ay isinama siya ng ate niya nang lumipat ito sa probinsiya ng asawa nito sa Cebu. Ang lalaki na raw kasi ang mamamahala ng lupain ng mga magulang nito.

Kaya lumipat siya ng school at sa eskuwelahang iyon niya nakilala si Celine. Nagkaroon siya ng crush sa unang pagkakataon. At ang crush na iyon ay unti-unting naging love. Now, she was his first love.

Pero iba ang mahal nito at masakit iyon para sa kanya.

Mula nang naging boyfriend nito si Third ay madalang na silang nakakapag-usap ni Celine hanggang sa unti-unting hindi na sila nagkikita at nag-uusap nito kahit nasa iisang lugar lang sila. Pagkatapos ng graduation ay kaagad na tumungo siya sa Maynila dala-dala ang sugatan niyang puso. Sa Maynila siya nag-aral ng Music.

Mula noon ay hindi na niya alam kung ano ang nangyari kay Celine.

Pinindot ni James ang Stop button ng CD player ng kotse niya nang inihinto niya ang sasakyan sa malawak na parking lot ng PBS. Habang patungo siya sa istasyon ay sumagi sa kanyang alaala ang malulungkot na parte ng buhay niya.

Bumaba na siya ng kotse at pumasok sa main entrance ng PBS. Sumakay siya ng elevator paakyat sa floor kung saan naroroon ang editing room ng mga TV show. Pagdating doon ay binigay niya sa musical director ang CD na naglalaman ng instrumental na gagamitin para sa bagong teleserye.

Nakipag-usap muna siya sa musical director at sa mga staff doon bago nagpaalam na umalis. Wala siyang gagawin kaya magre-relax na lang muna siya. Balak niyang tumungo sa mga music stores o record bars at manood ng sine. Tuesdays, Thursdays, at Saturdays lang ang klase niya sa university kung saan siya nagtuturo at Wednesday nang araw na iyon kaya wala siyang klase.

Papasok na siya sa kotse niya nang nahagip ng mga mata niya ang lumabas mula sa kotseng katabi ng sasakyan niya. Na-shock siya nang namataan niya ang babaeng iyon.

Namilog din ang mga mata nito. Ilang segundo silang parehong natigilan nang narinig niyang nagsalita ito. "J-James?" tawag nito sa kanya.

Kilala siya nito. Namamalikmata lang ba siya? O kamukha lang ito ng babaeng kilalang-kilala niya?

Tama kaya ang hinala niyang si Celine ito?

But the truth was he knew and he was sure that she was Celine.

Continue Reading

You'll Also Like

57.3K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
69K 1.4K 12
"Mahirap ngang lunukin ang pride, pero mas mahirap kung mawawala nang tuluyan sa 'yo ang taong mahal mo." Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at maya...
101K 2.1K 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya...