PLAYBOY MEETS KARMA

By RejoiceTamad

65.7K 1.4K 192

• Kai Wu • One reason that I became a different person. One guy who can't commit but I gave myself into... More

Description
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
ISGSS IS BACK!

Chapter 03

5.5K 176 11
By RejoiceTamad

CHAPTER 3:

NIL's POV

Kinaugmagahan alas syete palang nagisng na ako kaya matapos kong maligo at mag-agahan e sumunod ako sa sa barkada sa race track. Kung hindi niyo itatanong ditto ang tambayan namin since member si Andrei, ang boyfriend ni Chinee sa club dito at may libre siyang snack at wifi tapos nakiki-avail kami.

"Tapos na ba ang photoshoot?" bungad ni Chinee habang palapit ako sa table nila. Hindi naman ako pinansin ni Donut at Pong since busy silang kumakalikot sa phone nila.

"Hindi pa aalis din ako bago mag nine" umupo ako sa isang upuan at tinapik si Donut

"Oh anong meron?" tinanong ko silang dalawa pero inirapan lang ako.

"Wag mong sturbuhin busy yang mga yan kakastalk sa idol nila" sabi ni Chinee

"Sino yung playboy?"

"Sino pa nga ba?"

Napai-iling nalang ako at kinuha ang camera ko saka nanguha ng picture sa paligid.

"So . . ." napatingin ako kay Pong nang magsalita siya "Saan ka galing kahapon?" tanong niya habang siniset aside yung cellphone

"May photoshoot nga si Ate diba?"

"Teka anong photoshoot?" nag spark naman ang mata ni Donut sa sinabi ko "Galing si Kai dito kahapon at umalis siya dahil may photoshoot. Kayo ba ang photographer ng shoot niya?"

Yes. Pero kung sasabihin ko hindi ako titigilan ng dalawang to at ang masama pa baka sumasa sa shoot.

"Hanggang ngayon ba siya pa rin ang topic? Chin sabihin mo nga anong araw ba na magkasama tayo na hindi topic ng dalawang to ang playboy na yun?"

"Siguro nung may may stranger na humalik kay Kai in public at walang ibang pinag-usapan ang dalawang to kung paano patayin ang babaeng yun" sagot ni Chinee kaya tinaasan ko ng kilay yung dalawa.

"Hindi pa ba kayo nagsasawa?"

"Girl, alam mo ba yang sinasabi mo?" tanong ni Pong na hindi makapaniwala "Si Kaizer Wu ang pinaguusapan natin o mas kilala sa tawag na Kai. Three letter name that alos symbolizes sa three letter words na 'player 'seducer' at 'heartbreaker'. Gets mo sinasabi ko?"

"Oo, na walang kwenta ang lalaking yun"

"Boba ka talaga!" binatukan ako ni Pong "Ang ibig naming sabihin e hot siya! Drag racer si Kai, model at mayaman kaya ang pagiging playboy niya hindi big deal kasi bagay naman sa kanya!"

"Tomo!" dagdag naman ni Donut "At mas lalo pa siyang nagiging 'wanted' sa mga kababaihan dahil sa ten days rule niya. Halos lahat ng babae ngayon isinisisksik ang sarili sa kanya at ang goal e painlabin siya para masira ang rule na yun pero wala girl! Ni isa walang nagtagumpay"

"Utang na loob anong kina hot nun? Mahangin, manyakis at arogante tapos hot? Sabihin niyo abnormal at galing labas ng mental"

"Wow kung makapagsalita ka parang kilala mo e ni mukha nga niya hindi mo kilala"

"O baka naman kayo nga ang photographer sa shoot niya kahapon at nakilala mo siya" sabi ni Pong

"Aminin mo!"

"Hindi ah." Medyo defensive kong sabi pero hindi naman ata nila nahalata "Sasabihin ko naman kung maging photographer ng companya nila e"

"Mas mabuti ng malinaw kasi pagnalaman naming nagsisinungaling ka FO talaga tayo!"

FO= Friendship Over

"Maiba naman tayo, hiwalay na ba kayo ni KR?" tanong ni Chinee

"Bakit naman kami maghihiwalay?"

"At bakit hindi e pareho naman nating alam kung ano lang ang habol sayo ng boyfriend mong yun!" sabat ni Pong

"Pong naman . . ."

"Oh bakit totoo naman. Diba Donut nakita mo si KR last week sa mall?"

"Yes muntik ko nang makalimutan sabihin sayo! Nakita ko siya sa mall at kasama niya yung classmate

natin nung highschool"

"Sino si Aila?"

"Isang malaking check! Alam nating simula pa noon malandi yung Ailang yun"

"Don, kaibigan ko si Aila"

"Alam mo friend hindi lahat ng ahas nasa gubat. Yung iba nasa friend list mo lang"

"Hindi magagawa sa'kin ni KR yun. Mahal niya ako"

"E kung e hampas ko sa batok mo yang mahal na sinasabi mo?!" pagmamaldita ni Pong

"Ang morbid niyo naman!"

"E kasi ang tanga mo na manhid pa! Sinasayang mo yang ganda mo dahil sa KR na yun. Para sa babaeng katulad mo hindi pa bilang ang lalaking pwedeng pumatol sayo"

"Actually Pong malapit ng maubos. Tignan mo ang hitsura niyan parang nasa sala lang at nanuod ng tv"

"May point siya. Hindi mo ba alam kung ilang milyong panget sa mundo ang gustong maako yang katawan mo? Nil Princesa kapag tumingin ka sa salamin wag ka namang pumikit, tignan mo oh ang ganda ng kutis mo, maganda ka, sexy tapos susuotan mo lang ng sapatos at tshirt? E yang buhok mo ba sinashampoo mo?"

"Oy grabe ka naman!"

"Matuto ka kasing mag ayos! Kung naka sleeveless ka may jacket naman. Kung hindi ka naka ponytail may sombrero at isa pa yang sapatos mo! Kung ayaw mong mag heel mag doll shoes ka hindi yung araw araw parang gusto mong mag jogging" panglalait ni Donut

"At okay lang naman na nakashorts ka kasi bagay sayo pero nakakasawa na girl. Kung kay Sarah Geronimo pa gusto namin ng Nil version 2.O"

"Ewan ko sa inyo" tumayo ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko "Aalis na ako may photoshoot pa kami ni ate"

Hindi ko na sila hinihtay na magsalita at naglakad na ako palayo. Sa lahat ng bagay sa buhay ko yung tungkol sa amin ni KR ang ayaw kong pagusapan dahil alam ko kung saan lang yun mapupunta.

Sheez bakit ba kasi hindi nila matanggap na okay kaming dalawa?

Umalis na ako ng race track at pumunta ng kompanya. Pagdating ko sa studio andun na si ate at yung ibang models na nag m-make up. At since hindi pa nagsisimula I decided na lumabas muna at tumambay sa corridor building.

"You're here again"

Para namang gusto kong maiyak nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Na naman hindi niya ba ako titigialn? Palibhasa playboy.

"Ano na namang kelangan mo?"

"Sa tono mo parang ang laki ng kasalanan ko sayo ah"

"Nakalimutan ko bang sabihin sayo na ayaw kong makitang kasama ka?"

"No, actually fresh na fresh pa isip ko yung sinabi mo sa'kin kahapon"

"Pwes umalis ka ngayon sa harap ko kasi nababanas ako sa mukha mo"

"Most of the girl would actually want to look at me"

"Ha! Ha! Next time paki remind ako na magdala ng baby wipes para ma mabawasan natin yang make-up sa mukha mo ang kapal kasi e"

"Feisty, nice" rinig kong bulong niya

"At alam mo bang may boyfriend na ako?"

"Ngayon alam ko na"

"Pilosopo" inirapan ko siya "Kaya kung ano mang player moves ang pinaplano mong gamitin sa'kin wag ka nang umasa dahil tantiya ko hindi yan tatalab."

"Really?" he leaned closer.

"Sorry wa epek e" hinawakan ko ang noo niya at tinulak siya. "Diyan ka na!"

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik ng studio. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway naririnig ko ang footsteps niya na sumusunod sa'kin. Pilit ko yung binabalewala since alam ko kelangan niya ring bumalik sa studio pero naiirita ako kaya hinarap ko siya at pareho kaming napatigil sa paglalakad.

"Sige na ikaw na mauna" sabi ko saka ako tumayo sa gilid para bigyan siya ng daan. "Go"

Nagsimula siyang maglakad ulit at hinintay ko siyang makadaan kaso pagdating niya sa harap ko bigla siyang huminto.

"You said you have a boyfriend"

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

Ang lakas ng tama ng lalaking to ano bang nakain niya?

"Oh ngayon?"

"Can you tell him sorry for me?"

"Bakit?"

"Kasi may balak akong halikan ang girlfriend niya"

"Edi halikan mo anong paki--"

Biglang nanlaki ang mata ko nang ma realize ko ang sinabi niya.

Wait. Ano daw?!

"Teka anong ibig mong--"

At sa isang iglap bigla niya akong hinalikan.

-----------

---KAi on media---

All readres of PP, the story will be updated this weekend :)\

SPREAD lovies :) thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

163K 2K 11
Karya terbaharu TICERSHAM, Mengisahkan kehidupan para isteri yang tabah menghadapi onak ranjau yang mencabar dalam menjalani hidup berkeluarga dalam...
28.5K 553 56
"They call her shark She bites" A bad mistake and an altercation with the police gets jo dalton sent to a camp for troubled youth. The only problem...
55.4K 2.3K 15
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *・゚゚・*:.。..。.:*゚:*:✼✿  🪄 "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
1.2M 110K 57
RATHORE In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emoti...