Luminous Academy: The Intelle...

By goluckycharm

4.6M 35K 11.8K

Lucy Cardova's not an ordinary girl, that's what she thought she was. With her knowledge and intellect, neith... More

Luminous Academy: The Intellectual
Trailer
Mensahe
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
𝕴𝖒𝖕𝖔𝖗𝖙𝖆𝖓𝖙 𝕹𝖔𝖙𝖊

Kabanata 3

80.7K 3.2K 954
By goluckycharm


Kabanata 3.


"Too deep." Usal ko habang nakatingin pa rin sa kalaliman ng ilog. Napa-iling na lang ako dahil sa iniisip ko. Bakit naman ako tatalon diyan? Hindi pa naman gan'on kakitid ang utak ko para magpakamatay.

Narinig ko ang serena ng bombero kaya napalingon ako. Dumaan ito sa tapat ko, at sa tingin ko'y papunta 'yon ng bahay. Sinasabi ko naman, kahit may umapila pa'ng mga bombero, wala na rin silang maisasalba pa'ng mga ari-arian nila.

Sinandal ko na lang muli ang magkabilang braso ko sa railings ng tulay habang hawak-hawak ang gold ring pendant ng necklace ko. Binigay 'to sa'kin ng ama ko noong bata pa ako. Sinabi niyang pag-aari raw ito ng ina ko. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataon upang makilala siya, dahil namatay siya noong ipinapanganak ako.

Napatingin ako sa relo ko, maggagabi na pala. Inangat ko ang tingin ko upang tanawin ang bilog na buwan mula sa malayo, mukha itong mapayapa't tahimik. Sana'y ganiyan din ka payapa't tahimik ang buhay ko. Humaplos sa pisngi ko ang malamig na simoy ng hangin kung kaya'y napapikit na lamang ako upang damahin ito.

"Lucy!" Nabasag ang katahimikan nang marinig ko ang sigaw ni Lily. Nakita ko siyang papalakad sa gawi ko, magkasalubong ang kilay niya't mabibigat ang bawat hakbang na tinatahak niya papalapit sa'kin. Mukha siyang galit na galit.

Nang makarating siya sa harap ko, mabilis niyang hinila ang buhok ko kaya napasinghal ako.

"Bitawan mo'ko ano ba!" Imbis bitawan niya ako, mas lalo niyang diniinan ang pagkakahila sa buhok ko. Dahil punong-puno na rin ako sa babaeng 'to, hinila ko rin ang buhok niya kaya napadaing ito.

"Bitawan mo ako! Ang isang walang kwentang 'gaya mo ay walang karapatan para--" napatigil siya sa pagsasalita nang isandal ko siya sa railings ng tulay.

"Walang karapatan? Sino ba ang anak sa labas sa ating dalawa? Hindi ba ikaw? Sa tingin mo, saan kayo pupulutin kung hindi kayo tinanggap ni dad?" Tumawa ako ng mapang-asar. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya sa sinabi ko. The truth hurts right?

"Matalino ako, bobo ka. Sino ang walang kwenta sa ating dalawa?" Dag-dag ko. Iniinsulto ko siya. Bakit? Siya lang ba ang may karapatang insultuhin ako? Sa lahat ng kawalangyaan at kahihiyan na dinulot niya sa'kin, kulang na kulang pa 'tong ginagawa ko.

"Lahat ng meron ka ay sa'kin. Pakatandaan mo yan Lily." Nakangisi itong tumingin sa'kin, tila ba hindi ito nasasaktan sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.

"Merong dalawang bagay na wala ka. Wala kang boyfriend at mga kaibigan." Sa pagkakataong ito, ako naman ang napangisi dahil sa sinabi niya. Talaga ba?

"Yung pinagmamalaki mo'ng boyfriend na si Zed, akala mo ba mahal ka talaga niya? Sa pagkakatanda ko, nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Melanie noong October 13. Byernes ang araw na 'yon, at 3:38 ng hapon. Mahigit dalawang buwan ka ng tanga Lily," Diniinan niya ang pagkakahila sa buhok ko. Nakita ko rin ang muling pagtagis ng bagang niya dahil sa labis na galit sa mga binitawan kong salita.

"Isa pa, mga kaibigan? 'Wag ka'ng nagpatawa. May kaibigan ka lang naman kasi binibili mo ang oras nila gamit ang pera." Para itong sinampal sa mga sinabi ko. Natawa ako ng bahagya. May mga kaibigan siya dahil nililibre niya sa kahit ano ma'ng bagay ang mga ito. Binibili niya ang oras nila upang makisama sa kaniya. How pathetic.

"Hindi totoo ang sinasabi mo!" Hinila niya ng tuluyan ang buhok ko't ako na naman ang isinandal sa railings ng tulay. Nakita kong namumula-mula na ang mga mata niya, at parang ano ma'ng oras ay maiiyak na siya sa galit at inis.

"Nararamdaman mo na ba? Ganiyang-ganiyan ang nararamdaman ko sa tuwing iniinsulto mo'ko. Yung pakiramdam na gustong-gusto mo'ng gumanti sa isang tao sa kahit ano ma'ng paraan." Malumanay kong wika. I heard her hissed.

"Kaya mo ba sinunog ang bahay? Para makapaghiganti sa'min ha!?" Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagtatalsikan ng laway niya sa mukha ko. Pikit mata ko itong pinunasan bago imulat ang mga mata ko.

"Ganiyan ba kakitid ang utak mo? Sa bagay, hindi naman pala makitid ang utak mo. Nakalimutan kong wala ka naman pala talagang utak." Napasinghap ito sa sinabi ko. Binitawan niya ang buhok ko at biglang hinablot ang kwintas sa leeg ko.

"Ibalik mo 'yan!" Tinulak ko siya. Isang ngisi ang iginanti niya sa'kin. Tinapat niya ang kwintas palabas sa railings ng tulay. Nagtagis ang bagang ko sa ginawa niya, 'wag na 'wag lang siyang magtatangkang ihulog 'yan dahil hindi ko alam ano'ng magagawa ko sa kaniya.

"'Wag na 'wag mo'ng ihuhulog yan Lily, hindi ko alam anong magagawa ko sa'yo." Ngumisi na naman siya kaya naiyukom ko ang kamay ko.

"See? Nasa loob ang kulo mo Lucy. Stop acting like a saint!" I literally rolled my eyes at her.

"You turned me into this, so shut up." Hinakbang ko ang mga paa ko't sinubukang agawin ang kwintas sa kamay niya. Nailayo niya ang braso niya sa railings ng tulay, kaya hindi ko ito naagaw sa kaniya.

Tumakbo siya papuntang gitna ng kalsada kaya napasandal ako railings ng tulay. Pakiramdam ko'y nagbabalak siyang ihagis ito, at hindi nga ako nagkamali. Walang pag-aalinlangan niya itong inamba at tinapon sa kaliwang gawi ko. Malayo ito, pero tinakbo ko pa rin ito upang saluhin. Umakyat ako sa unang bahagdan ng railings, tinukod ko ang kaliwang kamay ko, at ginawang pang-abot ng kwintas ang kanang kamay ko.

Maaabot ko na sana ito nang may tumulak sa'kin. Nadulas ang kamay ko sa railings at dumausdos ang katawan ko pababa. Sinubukan ko pa'ng kumapit sa pinakahuling bahagdan nito, ngunit kinapos ako. Parang bumagal ang takbo ng oras nang mahulog ako, dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Inangat ko ang tingin ko upang tanawin si Lily na nagsisisigaw, balisang-balisa ang mukha nito't ilang beses napapatakip ang bibig sa bigla at takot.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang buwan. What a wonderful sight of death under the wondering moon. Panigurado naman kasing masama ang pagkakabagsak ko lalo na't nagmula ako sa mataas na lugar. Hindi man ako mamatay sa lunod, paniguradong mamamatay ako sa mga batong nakatago sa ilalim ng ilog na 'to. Kung hindi mababagok ang ulo ko,malamang mabubugbog ang katawan ko.

Siguro'y ganito nga kung nasa bingit ka na ng kamatayan. Wala ka ng ibang magagawa kun'di ang magdasal na sana'y mabuhay ka pa't mailigtas ng Diyos. Kung tinakda na ang iyong kamatayan, mangyayari't-mangyayari 'yon sa ayaw at sa gusto mo. Wala rin naman akong pinagsisihan sa buhay ko. Kung mamatay man ako, wala na akong magagawa kun'di ang tanggapin ang kapalaran ko.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagkatapos ng ilang sandali, tumama ang napakalamig na tubig sa balat ko. Sa lakas ng pagkakabalugsok ko'y mabilis ang pagkakalubog ko pababa sa kalaliman ng ilog. Ang nakakapagtaka lang, walang kahit anong bato akong nararamdaman. Sa katunayan nga'y nakakakalma ang pagdampi ng tubig sa balat ko.

Susubukan ko sana'ng imulat ang mga mata ko, ngunit unti-unti akong nauubusan ng hininga. Marunong ako lumangoy, kaya kong sumisid ng malaliman, pero ang palaging problema ko ay ang pagkakaroon ng konting hininga sa ilalim ng tubig. Naging lupaypay ang katawan ko't tuluyan na akong lumubog pababa. Nakakapagtaka lang na kahit halos wala na akong malay, nakakaramdam pa rin ako sa paligid ko.

Matapos ang ilang sandali, naramdaman ko na lang na may humila sa kamay ko. Hindi ko man alam kung sino ito, alam kong dapat akong magpasalamat sa kaniya sa oras ng pagmulat ng mga mata ko. Hindi nagtagal, tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paningin ko't hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa'kin.

Naigalaw ko na lang ang daliri ko nang maramdaman kong may maliliit na kamay na tumatapik sa pisngi ko. Nangunot ang noo ko nang makaamoy ako ng isang usok na napakasakit sa ilong. Naimulat ko ang mga mata ko, at pagkatapos no'n ay nakarinig ako ng sigaw mula sa isang bata.

"Ina! Gising na po siya!" Tila ba tuwang-tuwa ito nang makitang gising na ako. Kinusot ko ang mga mata ko dahil nanlalabo ang paningin ko. Nang maging malinaw na ang lahat sa'kin, nakita ko ang isang batang babae na may mahabang kulay abong buhok. Maganda ito, ngunit napakadungis ng hitsura.

Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Kakaiba ang kasuotan na meron siya. Para itong isang tela na pinagtagpi-tagpi upang maging damit. Nang ilibot ko naman ang paningin ko sa kalooban ng bahay, hindi ito gaano kalaki. Ang mga haligi't bintana nito ay gawa sa kahoy at amakan na taliwis ng mga kawayan.

Nawala ang nakakasakit-ilong na usok, at may isang babaeng biglang pumasok mula sa pinto. Tulad ng batang babae na kaharap ko, kulay abo rin ang buhok niya, at may parehas silang kakaiba ngunit madungis na kasuotan. Sa tingin ko'y siya ang ina ng batang 'to.

"Maayos lang ba ang lagay mo estranghera?" Imbis na sagutin ang tanong niya, iba ang lumabas sa bibig ko.

"Where am I?" Sabay-sabay na nagkatinginan ang mag-ina dahil sa tinanong ko. Nagtaka naman ako. Bakit kung makatingin sila'y parang may sinabi akong mali?

"Ikaw ba'y isang Maharlika?" Nangunot ang noo ko. Maharlika? Hindi ba't kabilang 'yon sa estado ng pamumuhay sa lipunan noong sinaunang panahon?

Bahagya akong umiling dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Lumapit sa'kin ang bata't pinasidhan ako ng tingin na para ba'ng sinusuri ang buong pagkatao ko.

"Kung gayon ay isa ka'ng Malaya?" Mas lalong nangunot ang noo ko. Isang malaya? Hindi ba sila malaya?

"Sino kayo't nasaan ako?" Naitanong ko. Lumapit ang bata sa ina niya't hinawakan ang kamay nito. Nakatingin lang silang dalawa sa'kin.

"Ako si Martina, siya naman ang nag-iisa kong anak na si Sapphira. Kami ay pawang mga alipin lamang, at ikaw ay nasa lugar ng Luminous, estranghera." Nagulumihan ako sa sinabi niya. Pawang mga alipin lamang? Luminous? Saang bahagi ng Maynila 'to?

"Sorry pero hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Nasaan ba ako? Luminous? Saang parte ng Maynila 'to?" Sa pagkakataong 'to, sila naman ang napakunot noo.

"Maynila? Matagal na kaming naninirahan dito ngunit walang lugar na Maynila rito." Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman ito. Madalas sumakit ang ulo ko tuwing umaga.

"Ina, hindi kaya'y nabagok ang ulo niya't nakalimot?" Rinig kong bulong ng bata sa ina niya. Malabo 'yan Sapphira, hinding-hindi ako makakalimot buong buhay ko. Mas lalong hindi nabagok ang ulo ko dahil naaalala ko pa lahat ng nangyari sa'kin.

Napatingin ako sa labas, papasikat na ang araw. Napatingin ako sa relo ko, nangunot na lang ang noo ko nang makitang hindi gumagalaw ang kamay ng orasan. Nakatigil ito mismo sa oras ng pagkahulog ko sa tulay. Alas-otso ng gabi't, dalawapu't limang minuto. Waterproof ang relo ko kaya malabong masira ito.

Mabilis akong tumayo't tumakbo palabas ng kubong 'yon. Napasinghap ako nang mapansin kong wala akong sapin sa paa, saan napunta ang suot-suot kong sapatos? Napatigil ako upang tingnan ang damit ko, naka-P.E uniform pa rin ako. Tuluyan na akong lumabas ng kubo, at nagulantang na lang ako sa nakita ko.

May mga kubo rin sa di kalayuan, maputik ang lugar at puno ito ng mga bata't matatanda na madudungis ang mukha. Natanaw ko mula sa malayo ang isang ilog, kaya walang pag-aalinlangan ako'ng tumakbo papunta roon.

Bakit walang tulay? Nasaan ako?

Binuksan ko ang maliit na zipper ng jogging pants ko't tiningnan kung anong oras na sa phone ko. Gaya ng relo ko'y waterproof din ito kaya malabong masira. Nakagat ko ang labi ko nang makita kong nakatigil din ang oras sa mismong 8:25 pm. Ano ba'ng nangyayari?

Napasinghap ako nang may makita akong isdang tumalon mula sa tubig. Hindi ito pangkaraniwang isda dahil kulay asul ang kulay nito, bukod doon, may pakpak ito malapit sa hasang niya. Nang mapatingala naman ako'y napaupo ako sa gulat dahil nakakita ako ng isang dragon. Pinikit ko ang mga mata ko't sinampal na rin ang sarili ko dahil baka sakaling panaginip lang lahat ng 'to.

Ngunit sa pagmulat ko ng mga mata ko, gano'n pa rin at wala man lang nagbago. Ito ba yung sinasabi nilang namatay ka sa kasalukuyan, at mabubuhay ka sa nakaraan? Teka, hindi naman ako namatay! Buhay nga ako 'di ba? Tumakbo ako pabalik ng kubo, nakasalubong ko si Sapphira kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat habang inaalog.

"Sabihin mo, nasa anong panahon ako? Panahon ng mga kastila? Hapon? Ano!" Nagtataka ang mukha nito sa sinabi ko. Bahagya siyang umiling saka tumitig sa mga mata ko.

"Paumanhin po ngunit wala akong maintindihan sa inyong sinasabi." Bakit masyado siyang pormal magsalita? Dumating ang ina nito kaya agad ko siyang nabitawan sa balikat.

Napahilamos na lang ako ng buhok. Gulong-gulo na ang utak ko kakaisip kung anong nangyayari dito. Paanong napunta ako sa lugar na 'to? Hiniling ko man na sana magbago ang buhay ko, hindi ko naman inibig na ganito. Pakiramdam ko'y nasa isang lugar ako ng mga engkanto.

"Estranghera, wala ka ba'ng kahit anong naaalala kung sino ka?" Napatigil ako sa kakagulo ng buhok ko upang tunghayin siya at sagutin ang naging tanong niya.

"Ako si Lucy Cardova." Napakurap naman ito sa sinabi ko.

"Kung gayon ay hindi ka isang alipin." Napataas ang kilay ko. Pati ba naman dito ay pinag-iisipang isa akong alipin?

"Ang mga aliping 'gaya namin ay walang apilyido." Kanina pa ako nalilito sa sinasabi niya. Alipin, Malaya, at Maharlika? Napakamot na lang ako ng noo dahil wala talaga akong alam sa mga sinasabi niya.

"Pangalan ko lang ang alam ko. Wala na akong maalala pa." Pagdadahilan ko na lang. Nagtataka man ay napatango na lamang ito. Ginayak nila ako muli papasok ng maliit nilang bahay.

Kung paanong kalmado pa rin ako sa sitwasyon ko'y hindi ko alam. Ngunit sana'y panaginip lamang lahat ng 'to, sapagkat palagay ko'y mababaliw na ako kung hindi ko pa malaman kung paano at bakit ako napadpad dito. Sumasakit na naman ang ulo ko kaya agad akong napahawak dito.

What am I doing here, and what kind of place is this?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

112K 2.3K 14
Para sa mga nabitin sa Book 1. Hihi! *U* Sana magustuhan niyoo! B O O K 1: A G a n g s t e r H i d d e n I n A P r i n c e s s ~ N O C O M P i...
36K 2K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
744K 35.7K 79
GIFTED SERIES #5 Everything has come to an end. To the book, 'The Gifteds', where it all started. It's now against them and to the one who gave them...
212K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...