BINHI (Munting Handog - Book...

By AngHulingBaylan

28.9K 1.4K 188

Matapos ang sampong taon ay nagbabalik si DJ sa probinsiya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi upang magb... More

Dedication
Prologo
1. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 1)
2. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 2)
3. Bagong Alaga
4. Bilanggo
5. Ang Dalagang Maggugulay
6. Ate at Bunso
7. Mahiwagang Paru-paro
8. Ang Batang Halaman sa Palengke
9. Ang Kuwento ni Mang Goryo
11. Pinagtagpong Muli
12. Ang Puno at ang Singsing
13. Ang Manliligaw
14. Kasunduan
15. Maglako ng Gulay
16. Dayo sa Kaharian
17. Sa Kaingin ng mga Sitaw
18. Weird Guests
19. Pagtakas
20. Ang Oguima at Tahamaling at Talahiang
21. Sleeptalk
22. Ang Tibsukan
23. Pagbabati
24. Ang Doktor
25. Dalawang Dayo
26. Ang Supot ng Ginintuang Pulbos at ang Balahibo
27. Ang Lihim na Lagusan
28. Daruanak
29. Kapalit
30. Sirena, Serena
31. Ang Aghoy at Lewenri
32. Saminsadi

10. Ang Tinig sa Ilalim ng Tubig

865 45 7
By AngHulingBaylan

Napaangat ng ulo si DJ nang maamoy ang mabangong aroma ng inihaw na isda na tinangay nang marahang gapyo ng hanging-dagat sa kanyang dako. Nakaupo siya sa buhanginan ng dalampasigang sakop ng resort. Sumidhi tuloy ang pagkalam ng kanyang sikmura na kanina pa niya tinitiis.

Ang planong magluluto ng ulam para sa guests ay nauwi sa ihaw-ihaw. Bago pa man sila nakauwi ay hiniling na pala ng mga ito sa kanyang Ate Eda na gusto nilang makatikim ng sariwang inihaw na isda. Suwerte naman at habang nasa boating sila ay nadaanan naman sila ng kaibigang mangingisda ni Papang na siyang nagbigay rito ng isdang inuwi nila kanina.

Nilingon niya si Mamang, na nang mga sandaling iyon ay abala sa pagbaliktad ng mga hiniwang laman ng isda sa portable grill na ipinuwesto nila sa ilalim ng mababang niyog. Nasa tabi niya si Marietta na siya namang nagpapahid ng home-made sauce sa mga ito. Hindi nila alintana ang makapal na usok na palikaw-likaw na gumuguhit ng daan patungong langit.

Sa katabing kubo ay makikita sila Papang, Mang Lito at ang mag-asawang guests na magiliw na naghahalakhakan sa birong binitawan ng driver. Sa kawayang hapag na nasa pagitan nila, nagkalat ang paper plate na wala nang laman liban sa mga buto ng isdang pinulutan nila habang tinatagay ang gallon ng tuba na nangangalahati na ang laman.

Napaayos siya ng upo nang matanaw na papalapit sa kanyang kinaroroonan ang kanyang Ate Eda. Wala sa sariling napatingala siya sa madilim na kalangitan.

“Ang ganda nila di ba? Alam mo ba kung bakit mas pinili kong manatili rito kaysa manirahan sa lungsod kasama sina Mama at Papa?” inabutan siya nito ng paper plate na naglalaman ng dalawang hiwa ng inihaw na isda at isang dakot ng kanin bago naupo sa kanyang tabi. “Dahil walang kasing tingkad ang ningning ng mga bituin rito sa amin.”

Kumurot siya ng laman sa ulam na inihaw, biglang nakaramdam ng panlilit dahil para siyang dayo sa lugar ng kanyang nakatatandang kapatid.

“Noong maliit pa ako, sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong makatakas sa bahay, madalas akong nakatambay rito sa dalampasigan at nakatanaw lamang sa mga bituin sa langit,” pagpapatuloy nito. “Manghang-mangha kasi ako sa taglay nilang liwanag. Kung iyong iisipin, napakalayo nila subali’t nakararating rito ang kabigha-bighani nilang ningning.” Nangingimi itong tumawa nang mahina. “Ini-imagine ko pa noon na sana may dumaang bulalakaw upang makahiling ako.”

Napatigil si DJ sa pagnguya. Bakit bigla-bigla na lang nagkukuwento ang kanyang ate nang ganito? “You actually believe in shooting stars?” napatanong na rin siya.

Lumingon sa kanya ang nakatatandang kapatid. Sa kadiliman, naaaninag niya ang mumunting repleksiyon ng mga tala sa mga mata nito.

“Wala naman sigurong masama kung maniwala, ‘di ba? Alam mo kung ano ang hinihiling ko?”

Napailing siya sa tanong nito. Dahil lumaki siya sa lungsod, ang paniniwalang maaari kang humiling sa mga bulalakaw ay hindi kapani-paniwala para sa kanya. Mas tumatak sa kanya ang tagpong maaari kang humiling bago hipan ang apoy ng kandilang nakatarak sa isang birthday cake.

“Maniniwala ka bang hiniling ko na sana ay magkaroon rin ako ng kapatid na makalalaro?” turan nito sa kanya. Tumingala ito sa langit, may ngiting sumilay sa mga labi nito. “And it did came true. In the most magical way.”

Naumid ang kanyang dila. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sa mga sinabi nito. Naalala niya, isang beses na sumapit ang kanyang kaarawan, ay hiniling rin niyang sana ay magkaroon rin siya ng kapatid. Nguni’t kalaunan ay nasanay na rin siya sa isiping unico hijo siya ng mga magulang, kaya nang malaman niyang mayroon nga siyang nakatatandang kapatid, nahirapan siyang tanggapin ito.

“Good for you,” mahina niyang sambit, na sana ay hindi na lang niya sinabi dahil naging tunog bastos ito, kahit na sa kanya. “And for everyone,” bawi niya.

“For everyone,” sang-ayon ng kanyang ate. “Nga pala, naikuwento ni Marietta ang nangyari sa iyo sa palengke kanina.” Huminto ito na parang hinihintay ang kumento niya. “Sana ay hindi ka natakot sa na-experience mo. Hindi ko masasabing normal ito, pero… sa maniwala ka man o hindi, minsan ay may nangyayari talaga sa atin na mahirap ipaliwanag. Huwag ka sanang ma-creept out, okay?”

Napatango siya. Subali’t may munting hinilang sumibol sa kanyang isip nang marinig ang katagang ‘atin’. May bigat ang pagkakabigkas nito rito.

Tumayo na ito matapos guluhin ang kanyang buhok. “Kumain ka na. Masarap iyan. Titingnan ko muna ang guests natin, mukhang nagkakasiyahan sila roon.”

Nilingon niya ito habang naglalakad palayo. Muli siyang napaisip kung ano ba ang ibig sabihin nito sa mga tinuran.

Ilang saglit pa ay huminto ito at muling humarap sa kanya. “Muntik ko nang makalimutang banggitin, samahan mo naman si Mamang bukas kay Aling Feli. Kukuha lang kayo ng mga buring gagamitin niyang panghabi. Ayos lang ba?”

“Sure. Walang problema… ate,” agad niyang tugon.

“Salamat bunsoy,” ngumiti ito sa kanya at tuluyan nang lumakad palayo.

Binalikan niya ang kanyang pagkain. Naubos na pala niya ang isang piraso ng inihaw na laman. Tama ang kanyang ate, iba ang lasa ng sariwang isda kumpara sa nabibili nila sa grocery store sa siyudad.

Habang tahimik siyang kumakain, nakatunghay lamang siya sa mga tala. Napakatahimik nang gabi. Parang nasasanay na rin siya sa katahimikan nitong tila may dalang kapayapaan. Nagambala lamang siya sa kanyang pagmumuni-muni nang dumampi sa kanyang binti ang isang mabalahibong bagay. Sa kadiliman, biglang lumitaw ang kanyang alaga. Ang asul nitong mga mata ay waring nagliliwanag. Ngumiyaw ito sa kanya na para bang sinasabi nitong kanina pa siya nito hinahanap bago muling ikiniskis ang ulo nito sa kanyang binti.

Inilapag niya sa buhangin ang hawak na paper plate. “Oo na, hindi kita nakalimutan,” natatawa niyang sabi rito. “Sa ‘yo na lang itong natitirang ulam, huwag ka na magtampo.”

Masiglang ngumiyaw ang kanyang alaga saka lumapit sa pagkain. Inamoy-amoy muna nito ang hiwa ng inihaw na isda, na wari bang nagdududa pa ito. Nang makasigurong ligtas ang pagkain ay matakaw nitong sinunggaban ang inihaw.

Magiliw itong pinagmasdan ni DJ habang sarap na sarap sa pagkain. Marahil ay kanina pa ito nagpipigil ng gutom dahil sa hindi niya pagkain ng tanghalian. Hindi bale, kukuha na lang ulit siya nang mangangata mamaya kapag nakaramdam ulit siya ng pangangalam ng tiyan.

Habang siya ay nanonood, bigla niyang naisipang maligo sa dagat. Hindi naman siguro masama kung i-enjoy rin niya ang kagandahan ng gabi. Nilingon niya ang mga matatanda sa kubo na patuloy pa rin sa halakhakan at maingay na kuwentuhan. Hindi na siya magpapaalam, saglit lang rin naman siya.

Nang makasigurong walang nakatingin sa kanya ay mabilis niyang hinubad ang suot na sando at tsinelas. Ipinatong niya sa ibabaw ng mga ito ang cell phone at inaayos ang tirintas ng suot na board shorts.

“Bantayan mo ang gamit ko ha,” hinimas-himas niya ang ulo ng alaga. “Mabilis lang ‘to.”

Tumingala naman ito sa kanya at ngumiyaw na tila ba ayaw nito paisturbo.

Nagpigil siya ng tawa at patakbong nilundag ang natitirang distansiya ng tubig. Maligamgam ito sa balat. Tamang-tama lang para makapag-relax siya; para mawaglit sa kanyang isipan ang insidente sa palengke. Nilublob niya ang sarili hanggang leeg, ang bawat galaw niya ay naglilikha ng malaasul na liwanag sa tubig, na dagli ring naglalaho. Bioluminescent phytoplankton, naalala niyang iyon ang tawag rito. Kahit papaano ay may natutuhan rin pala siya sa kanilang Science subject noon.

Ikinumpas-kumpas niya ang mga kamay upang mapagliwanag  muli ang mga ito, pilit hinagilap sa kanyang hinagap kung ano ang sanhi ng pagliliwanag ng mga ito sa tuwing nabubulabog ang tubig, subali’t waring nabaon na niya sa limot ang detalyeng iyon.

Nawili siya sa paglalaro ng tubig nang mapansin niyang isang gatuldok na liwanag ang hindi kaagad naglaho. Sa kanyang pagtataka ay dinakot niya ito nang parehong mga kamay ngunit lumusot lamang ito sa kanyang mga daliri. Tila alikabok itong dahan-dahang lumubog at tinangay ng agos.

Sinundan niya ito ng tingin, nakaramdam ng panghihinayang, nang biglang sumikdo-sikdo ang liwanag nitong taglay at lumaki upang humugis bilang isang munting isda.

An enchanted fish? anas ng isipan niya. So much for having an extraordinary day!

Hindi siya nagdalawang-isip na sisirin ito upang hulihin. Ngunit gaano man ito kaliit ay bumawi naman ito sa liksi. Sa tuwing lalapit ang mga kamay niya rito, mabilis itong nakalalayo sa kanyang abot, na para bang tinutuya lamang siya nito. Ang hindi niya namamalayan ay palayo siya nang palayo sa dalampasigan. Marunong siyang lumangoy, ngunit hindi siya ganoon kagaling. Huli na nang mahinuha niyang malalim na ang tubig at hindi na abot ng kanyang mga paa ang buhangin.

Agad siyang kinabahan. Lumangoy siya pabalik, sinisikap na iangat ang ulo upang manatiling nakalutang, subali’t nakararamdam na siya ng pagod. Tila kay layo ng dalampasigan gaano man niya pag-igihan ang paglangoy. Waring tinatangay siya ng agos palayo sa pampang.

Napatitig siya sa di kalayuan, sa liwanag ng kubo kung saan giliw na giliw na nakikipagkuwentuhan ang mga matatandang hindi alintana kung ano na ang nangyari sa kanya. Ramdam niya ang panic na unti-unting kumakalat sa buo niyang katawan. Malulunod ba siya? Ito na ba ang kanyang katapusan? Lalo lamang siyang natakot sa mga isipin.

Sinubukan niyang ipadyak ang mga paang nanghihina na at ikampay ang mga brasong pagod nguni’t wala na siyang lakas. Naglakbay sa langit ang kanyang mga paningin. Tanging sila lamang ang saksi kung ano man ang mangyari sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling lumubog. Yayakapin na lamang niya ang kamatayan nang maluwag ang dibdib. Anu’t ano pa man ay wala na ring puproblemahin ang kanyang mga magulang. Mawala man siya ay nahanap naman nila ang nawawalang anak na siyang pupuno sa kanyang paglisan.

Nalungkot siya nang maalala ang sinabi ng nakatatandang kapatid kanina. Sana pala ay niyakap niya ito.

Muli siyang dumilat, ninais na makita ang kutitap ng mga tala, subali’t lumubog na siya nang malalim. Ibinuga niya ang huling hininga at tinanaw ang mga bulang nilikha niyon. Pagkatapos ay unti-unti na siyang nilukob nang kadiliman.

Bago siya nawalan ng malay, may narinig pa siyang tinig. Tinig ng isang babae. Matimyas at mala-anghel.

“Dumilat ka Jacobo. Hindi ka pa maaaring mamatay. May tungkulin ka pang dapat gampanan.”

Continue Reading

You'll Also Like

397K 31.3K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
17.6K 1.7K 200
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...
707K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...