A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 27

2.4K 26 2
By Ae_december


IRIS

"Saan mo dinala ang pamilya ko? Pati na si Albert," bulalas ko kay Crey.

Kahit nakakatakot ang kanyang mga mata ay hindi na ako nagpadaig pa. Kailangan ko nang masanay at harapin ang katotohanan nang aking sitwasyon ngayon.

"Sabihin na nating may pag-gagamitan ako sa kanila," ngumisi ang animal. Naglakad siya paikot sa akin. "Para sa mga binabalak ko, subject zero,"

"Hindi ako si subject zero," pagtataray ko. "Iris ang pangalan ko,"

"Ay! Oo nga pala. Dapat mo nang malaman ang katotohanan kung bakit kita kailangan,"

Nilingon ko siyang kunot ang noo. "Pwes! gusto kong malaman," matapang kong sagot.

"Nasa iyo ang marka. Diyan sa likod mo," nanlaki ang aking mga mata, marka?

Yung madalas na nangangati yung aking likod na akala ko pa nga may bungang araw ako, may marka pala yun. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ilang beses kong binura ang ala-ala mo kaya hindi mo alam na matagal ko nang nilagay yan," humarap siya sa akin na nakapamulsa. Umatras ako. "Ikaw ang kauna-unahang subject para palawakin ang hybrid project namin. Ang subject zero. Ang mother of a new race. Ayaw mo ba nun magiging reyna ka,"

Pag-eeksperimentuhan nila ako, yun ang ibig sabihin nun. Gagawin nila akong hayop. Hindi ko ito kayang tanggapin kung kaya't napaluha nalang ako sa harap niya.

"Pero hindi magtatagal ang pagiging reyna mo kasi papatayin ka rin namin, subject zero," Pumikit ang aking mga mata habang patuloy ang pag-agos nang aking mga luha. Nilapit niya pa ang kanyang mukha na nag-anyong halimaw na kasabay nang pagbabago ng kanyang boses. "Marami pa ang mga babaeng taong pwedeng maging bagong kandidata. Yung mga babae mong kaibigan sina Mira at May, pwede!"

Ngayon mga kaibigan ko naman ang nanganganib.

"Mga hayop kayo!" bumulalas ako habang muling nag-halo ang aking emosyon. "Hayop kayo! Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak ninyo,"

"Tsk tsk tsk! Yun naman ang silbi ninyong mga tao sa amin. Uunahan ko na ang kaibigan mong ungas na si Hector, hindi mo ba alam. Pareho kami nang binabalak sa iyo."

Mas lalo akong nanghina, kaya ba naging malapit siya sa akin. Ngayon malinaw na ang lahat sa isip ko. Dumating silang dalawa sa aking buhay dahil may binabalak silang masama sa akin. Kung ano man iyon ay para ito sa aking ikaka-pahamak, nang mga mahal ko sa buhay pati na rin sa sangkatauhan. Bakit sa dinami-dami nang mga tao sa mundo ako pa talaga ang napili nila.

Nabuo tuloy ang takot ko kay Hector. Mas lalo na sa impaktong nasa harapan ko. Alam ba ito nila Marinagua? Sabi nila pinoprotektahan daw nila kaming mga tao pero ano ang ibig sabihin nito. Naguguluhan tuloy ako, kasi hindi ko na alam kung sino ang dapat bang paniwalaan pa sa kanila.

Susugurin ko sana si Crey ngunit bigla nalang bumuka ang sahig na aking kinatatayuan. Tumili ako nang ubod lakas, nahulog ako at bumagsak sa isa pang sahig, may basement pala ang bahay. Balakang ko ang unang tumama, pagbagsak, at ang sakit lang. Pero mas okay na yun kaysa naman sa ulo ko ang mauna.

Tili ako nang tili dahil sa pagka-bigla habang walang tigil sa pag-iyak. Nabalian ata ako ng buto sa binti ko. Ngunit hindi ko na maramdaman yung sakit dahil halo-halo na ang aking emosyon.

Nag-sara ang itaas at nagdilim ang paligid, na sinundan nang pag-liwanag. Nasa loob ako nang isang pabilog na kwarto. Wala akong nakikitang gamit maliban nalang sa mga maliliit na korteng bilog na naka-ukit sa konkretong sahig. Salamin ang kalahati nang pader na nasa aking harapan at konkreto naman ang kalahati. Dimlight ang ilaw at may kadiliman din sa labas nang glass wall kaya nakikita ko ang aking repleksyon mula sa salamin. Mukha na talaga akong haggard magmula pa kanina.

Nanlaki ang aking mga mata nang mula sa labas nang glass wall ay may sumulpot na helera ng mga higanteng tubo na mukhang pamilyar na sa akin. Maliwanag ang loob nito na may lamang tubig na kulay neon blue. Bawat isang tubo, nakalagay ang aking buong pamilya kasama na si Albert. Pinilit kong tumayo at iika-ikang tumakbo patungo sa glass wall. Hinahampas ko nang aking kamao ang salamin ngunit matibay ito, iyak ako nang iyak. Mga walanghiya sila dahil wala silang isang salita. 

May bahagi nang kwarto ang bigla nalang nagkaroon nang liwanag. Isang glass wall ulit at malapit ito sa mga naka-helerang tubo. May mga tao sa loob nito na tila kinulong din nila at ang ikina-sorpresa ko, pamilyar ang kanilang mga mukha. Nakatayo sila at nakatingin sa aking kinaroroonan, may humahampas din sa salamin. Ang mga kasamahan ni Hector. Napa-tili ako nang kuryentehin silang lahat sa loob, sabay-sabay silang bumagsak. Ano ang gagawin ko ngayon. Tao lang ako, wala akong kalaban-laban sa mga halimaw na to.

Napansin kong hindi lang pala si Albert at buong kong pamilya ang naroroon. Marami rin kasing mga canister ang isa isa nang inilalagay sa loob nang kwarto. At sa mga tubong iyon nakita ko si mayora pati na si ninong na isang konsehal, anong ginawa nila sa kanila? Ibig sabihin nito naghahasik na pala sila nang lagim sa buong bayan namin. Bigla ko ring na-alala yung sinabi ni Melvin dati na naririto na raw sila sa San Francisco. Tama pala siya. At dapat pala akong naniwala sa kanya.

Sana mailigtas ko silang lahat, kung pwede nga lang. Sana bigyan ako nang superpowers nang mga nakilala kong aliens. Gusto ko silang iligtas, sana may tumulong sa amin. Sinub-sob ko ang aking ulo sa salamin at tumawang mag-isa. Nababaliw na ata ako sa nangyayari sa akin. Magpakamatay nalang kaya ako. Para hindi nila ako mapakinabangan pa, tutal papatayin na rin lang din nila kaming lahat. Tama! Magpapakamatay ako, yun lang ang tanging paraan para hindi sila magtagumpay sa mga binabalak nila.

Mula sa kanang parte ng silid malapit sa mga canister, lumitaw ang anim na mga alien. Yung mga pandak at may malalaking ulo. Palapit sila sa kinaroroonan ko at napa-atras ako sa aking kinatatayuan. Maliliit lang ang mga ito at mukhang kaya kong protektahan ang aking sarili laban sa kanila.

Napansin kong may aparatong mag-isang umaandar sa tabi nila na mukhang maliit na higaan. Sumusunod ito sa kanila at bigla ko nalang tuloy na-alala yung sinabi ni Crey. Na ngayon nila gagawin ang eksperimento. Na kakatayin nila akong parang hayop. Hinde! Hindi ito pwedeng mangyari. Kailangan kong umisip ng paraan kung papaano ko wawakasan ang aking buhay.

***

ERIER

Nakabalik ako nang bahay na maligalig ang pag-iisip para kay Iris. Nagmamadali akong tumakbo patungong garahe kung nasaan ang teleporter at nagmamadali akong tumapak doon. Hinampas ko ang aking braso at isang saglit pa umakyat ako nang Ieverin.

Nagbalik anyo ako sa pagiging Xyle-ver. Na-sorpresa ko pa si Alta nang makita niya ako. "Erier! Bakit ka umakyat? Sina kapitan Okron?"

"Alam ko na kung saan sila dinala pero may babalikan muna ako,"

"Sinong babalikan mo?"

"Si Iris, may bago silang hide out at alam kong doon din nila dinala ang iba nating kasama,"

"Anong gagawin mo ngayon?"

"Kung kinakailangang makipag-laban ako...gagawin ko...mailigtas ko lang silang lahat,"

Nagtungo ako sa isang kulay puting ding-ding at nag-swipe nang aking kamay. Lumabas mula roon ang 3d hologram nang mecha robot, eto ang gagamitin ko ngayon.

"Alam mo ba ang passcode nito?" tanong ko kay Alta. Wala akong ideya kung papaano ito paganahin ngunit wala na talaga akong choice, bahala na, tutal na-introduce naman ito sa amin nung training.

"Erier may protocol tayo. Hindi mo siya pwedeng gamitin hangga't hindi namemeligro ang Ieverin," paliwanag ni Alta.

"Pero ang buong pangkat ang namemeligro Alta,"

"Naka-base ang passcode sa protocol,"

Nahampas ko tuloy ang ding ding sa inis ko at nahawi ang mga 3d holograms. "Na-program nila para sa sasakyan natin pero hindi nila nagawang I-program para sa atin. Mas mahalaga pa pala ang sasakyang ito kaysa sa buhay natin,"

Hindi maka-imik si Alta.

"Magpasabog kaya ako rito sa loob!" galit kong bulalas.

"Huminahon ka Erier! Kung gagawin mo yun hindi na tayo makakabalik nang planeta natin,"

Wala na nga kaming komunikasyon sa kanila kaya ngayon papaano na namin susuungin ang mga problemang ito dahil pinabayaan na nila kami. Kaming dalawa nalang ni Alta ang sumu-suong ngayon. Ang laki nang responsibilidad namin.

Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat. "May isa pang sasakyan na ma-aari mong magamit – aksidenteng nasabi ni Sok ang passcode nito sa akin...pero kailangan muna nating pag-aralan yung vehicle," nagkaroon ako nang kaunting pag-asa sa sinabi niyang iyon.

Pinuntahan namin ang vehicle station. Dito ginawa ang sasakyan kong Aston Martin bago ito ibaba sa lupa. Naka-tabi sa kaliwang gilid ang Isang maliit na spaceship na korteng hipon, ito ang aming tipikal na war vehicle. May kapasidad itong gumawa nang force field at magpatama nang laser beam. Ngunit malakas naman ang ibinubugang energy source kung kaya't mabilis kang ma-dedetect nang kalaban. Pero hindi na mahalaga iyon, marami akong ililigtas. At para ko sila mailigtas, kailangan ko nang masasakyang higit na may malaking kapasidad sa pakikipaglaban. Malaki ang maitutulong nito sa akin.

Pinag-aralan ko ang mga impormasyon ukol sa sasakyang ito habang sinusubukan naman ni Alta na ma-alala ang passcode. Nagtagumpay naman siya at na-unlock ito. Mabilis ko naman itong natutunan kung papaano ito paganahin.

Nagtungo rin kami sa isa pang station at muli akong nagbihis nang bagong armor. Mabuti na lang talaga nakapag-produce kami nang maraming ganito bago kami magtungo rito sa Earth. Sinuot ko muna ang aking human shell bago ang armor for extra layer of protection.

Sumampa ako sa sasakyan. Kinakabahan pa kami ni Alta dahil kailangan mawala pansamantala sa invisible mode ang Ieverin para mailabas ang sasakyang ito.

Sa sandaling mawala ang invisible mode nito ay nadetect na nang mga kalaban ang kinaroroonan nang spaceship namin. Ngunit mahihirapan naman silang hanapin ang kinalalagyan namin kaya kung mabilis namin itong gagawin ay ma-aagapan iyon.

Nakalabas ako nang Ieverin at pina-harurot nang matulin ang sasakyan patungo sa lugar kung saan huli kong nakita ang kuta nang mga kalaban. At habang nasa ere palang ay nag-activate na ako nang invisible mode. Natatanaw ko na ang bahay sa di-kalayuan na bukod tanging nagliliwanag sa gitna nang kakahuyan.

Ngunit napahinto ako dahil na-detect nang higante nilang spacecraft ang aking sinasakyan. Ito yung nagpapakawala nang pulang lazer beam sa lupa kanina na nag-scan pala sa buong paligid.

Nagdadalawang isip tuloy ako, susugod na ba ako? Patamaan ko na kaya ang paligid nang bahay sa ibaba. At dahil nga sa kagustuhan kong mailigtas si Iris ay hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa.

Humarurot ako nang lipad at bumaba nang bahagya sa ere para makalapit sa bahay. Ngunit hindi ko inaasahang magpapalabas na naman muli nang pulang liwanag ang spaceship sa itaas. At nahagip na naman akong muli. Biglang sumambulat ang napaka-raming lazer beams patungo sa akin. Na akala ko uubra ang invisible mode nitong sinasakyan ko, yun pala, wa epek.

Alisto kong pina-gana ang force field at sinalag ito. May lumabas sa ilalim ng higanteng spacecraft na lumipad patungo sa akin. Apat na maliliit na spaceship iyon at ngayon patungo ito sa akin. Hinabol nila ako na sinabayan pa nila nang pagpapaulan nang maraming lazer beams sa akin. Napilitan akong umatras at lumipad nang ibang direksyon. Batid ko na talagang mapapalaban ako nang di-oras sa mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
58.3K 1.4K 22
A girl with a special ability. At first she didn't believe that she had an ability. At the academy,she knows that she had a responsibility to be done...
5.5K 277 35
Their lives will start to change when they ACCIDENTALLY bump to EACH OTHER. The Quest of their Lives will start to face the TWIST and UNEXPECTED TURN...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

253K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...