Eighteen Days to Love You

Por patriciaxo

26.3K 1.1K 185

An heiress who ran away to chase her freedom and an average boy who is chasing his dreams -- what will happen... Mais

Prologue
Chapter One.
Chapter Two.
Chapter Three.
Chapter Four.
Chapter Five.
Chapter Six.
Chapter Seven.
Chapter Eight.
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve.
Chapter Thirteen.
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Epilogue

Chapter Eighteen.

1K 41 5
Por patriciaxo

Days went by quickly as Matteo and I maintained a professional relationship. He is right. Nandito siya para magtrabaho and I have to respect that. Kahit ayaw kong pagsilbihan niya ako.

We even have this monotonous routine wherein he will drive me to work and he will wait in the car until I am done for the day. But not today.

"Ma'am, saan po tayo?" pormal niyang tanong nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"We'll go to my farm," I instructed. "In Nueva Ecija."

"Po?" paninigurado niya.

"We will stay there for two days," dagdag ko.

"Pero wala akong dalang gam—"

"Don't worry about that," I assured him as I took out the aviator shades from my handbag. "I had everything prepared. So, stop talking and drive," I added before finally wearing my shades.

"Drive," pag-ulit ko at umiling lang siya. "I'm serious. It's a business matter."

He slowly nodded before starting the engine. He looks a little pissed that this is all too sudden but I have to make this work. Ilang linggo na niya akong hindi kinakausap, I cannot bear his cold treatment anymore. We need to talk. But we cannot do that if I am always under the scrutinizing eyes of the people back home.

"Ano'ng sinabi mo? Bakit pumayag sila na ako lang ang kasama mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"Wala namang alam sina Mommy't Daddy na ikaw 'yong kasama ko sa Ilocos. All they know is that I need a driver," sagot ko.

"Paano 'yong mga kapatid mo? Alam nila..."

"They won't say a thing. Kuya Vino and I are not on speaking terms. Si Ate Vea, kinausap ko na. I got this," I further explained. "Isa pa, wala naman tayong gagawing masama."

"Okay," tango niya. "Saan tayo sa Nueva Ecija, Ma'am?"

"Nilagay ko sa app 'yong address, just follow that," turo ko sa phone na nakalagay sa dashboard stand. "Will you drop the ma'am, please?"

"Nasa trabaho pa rin naman ako," he stubbornly said.

"Sino bang masusunod? Ako o ikaw?" I retorted. "Matteo, it's just me."

"'Yon nga 'yong problema," ngiti niya pero alam kong sarcastic 'yon.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil ikaw si Vynnice Zaldivar," mahina niyang sabi bago niya ibinalik ang tingin sa daan.

"It's still me..." pilit ko pero hindi na siya nagsalita pa.

Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe kaya natulog na lang ako rather than bear with the awkward silence.

"You've reached your destination," rinig kong sabi ng automated female voice na galing sa navigation app. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at inalis ang suot kong shades. Madilim na sa labas, ginabi na kami sa daan.

"Vynnice!" salubong sa akin ni Nanay Liza nang bumababa ako mula sa sasakyan. She is the caretaker of my farm. She maintains it and handles all the workers. "Kanina ka pa namin hinintay. Ginabi ka yata."

"Nanay! Nako, kumusta po? Pasensya na ngayon lang po ako nakabalik," ngiti ko pagkatapos kong yumakap sa kanya. "Galing po kasi ako sa trabaho kaya ginabi na ako.

"Mabuti naman ang lagay ko," sagot niya bago niya hinawakan ang kamay ko. "Ikaw, kumusta? Hinanap ka ng mommy mo rito noong umalis ka."

"Kailangan ko lang pong hanapin ang sarili ko, 'Nay," pag-amin ko bago ako bumaling sa direksyon ni Matteo. Nasa tabi siya ng sasakyan at nanunuod sa amin kaya tinawag ko siya para lumapit. "May gusto po akong ipakilala sa inyo."

"Magandang gabi ho," bati ni Matteo. "Ako po si Matteo, ang bagong dri—"

"Kaibigan ko siya, 'Nay," duktong ko bago pa matapos ni Matteo ang sasabihin niya. "Kinuha siya ni EJ na driver ko pero magkaibigan talaga kami. Siya po ang tumulong sa akin noong umalis ako."

"Tawagin mo na lang akong Nanay Liza," pakilala naman niya kay Matteo. "Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob. Inihanda ko na ang hapunan. Pati ang mga gamit at kwarto ninyo."

"Salamat po," sabay naming sabi ni Matteo bago kami sumunod sa kanya.

Hinayaan kaming kumain ng tahimik ni Nanay Liza dahil alam niya raw na pagod kami sa biyahe. Hinayaan ko na rin siyang magpahinga pagkatapos niya kaming ihatid sa kwarto. Dalawang rooms ang inihanda niya para sa amin: mine and Ate Vea's old room that belongs to solely to me now, and the opposite room that used to be Kuya Vino's.

"Clean yourself up and rest. It was a long drive," habol ko kay Matteo bago siya pumasok sa kwarto. "And uhm... I brought your reviewers. Sorry, nakialam ako. Here..." sabi ko pa at inalabas ko sa bag ko ang mga booklets at worksheets na ginagamit niya.

"Salamat..." matipid niyang ngiti bago niya kinuha ang mga hawak kong gamit.

"No problem," I assured him. "Maaga tayo bukas. So get some rest, okay? Good night, Matteo."

"Good night..." balik niya. "...Vynn."

I gave him a smile before he closed his door. It is an improvement that he is calling me again by that nickname. Gustung-gusto ko siyang makausap ng normal but he is not letting me do that. I just want us to be okay again.

"Vynnice..." rinig kong tawag ni Nanay Liza sa akin bago ko maisara ang pinto ng kwarto ko.

"Nanay, bakit ho gising pa kayo?" tanong ko at muli kong nilakihan ang bukas ng pinto. "Pasok po kayo."

"Vynnice, anak... may gusto lang akong itanong," sabi niya nang umupo kami sa kama ko.

"Ano po 'yon?"

"Ano ba ang totoong dahil kung bakit ka naparito?" diretsong tanong niya.

"Lagi naman ako'ng sumasadya rito, 'Nay," dahilan ko.

"Anak, hindi sa nakikialam ako, pero hindi mo ugaling pumunta rito lalo pa't wala sa schedule mo," balik niya sa akin. "May kinalaman ba 'to kay Matteo?"

"'Nay..."

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling?" tawa niya at may pag-aalala niya akong hinaplos sa ulo. "Vynnice, alam ko 'yong mga tinginan niyo ni Matteo. Itinatago niyo pareho pero ako, naiintindihan ko."

"Magkaibigan lang po kami..."

"Hindi nagsisinungaling ang mga mata, Vynnice," ngiti niya bago niya hinawakan ang daliri kong may suot na singsing. "Ililihim ko kung ano man ang nalalaman ko, anak. Pero alam mong hindi magiging madali."

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin, matagal ko nang nararamdaman. Pero ayaw kong tanggapin. Hindi dahil mali si Matteo para sa akin pero alam kong magiging mas mahirap lang para sa kanya.

Marahas ang mundo na ginagalawan ko at hindi ko siya gustong masaktan ng mga taong nakapaligid sa akin dahil lang sa tingin nila, hindi siya karapat-dapat para sa akin.

This is the only way I know how I can protect him. Kahit alam kong masasaktan ako.

* * *

"Pupunta tayo sa Gabaldon after breakfast," I instructed Matteo while eating. "Long drive ba 'yon, 'Nay? Matagal ko nang gustong pumunta ro'n."

"Dadating kayo ro'n ng tanghali," sagot ni Nanay Liza. "Mag-t-trek ba kayo papunta sa falls?"

"Gusto ko po sana," sabi ko naman bago ako bumaling kay Matteo. "Magbaon ka ng damit."

"Sasamahan lang kita. Hindi naman ako mamamasyal," sagot niya kaya siningkitan ko siya ng mga mata.

"Magbaon ka ng damit," mariing pag-ulit ko at tumango na lang siya. Napailing naman at napangiti lang si Nanay Liza na nanunuod lang sa amin.

Pagkatapos kumain, naligo na kami ni Matteo at nagbihis para umalis. Nagpaalam kami kay Nanay Liza na pinabaunan kami ng pagkain dahil baka raw gabi na kami makabalik.

"May magandang falls do'n," kuwento ko kay Matteo. "Matagal ko nang gustong pumunta ro'n pero wala lang akong kasama."

"Ba't hindi mo isama si EJ?"

"I never asked him," sagot ko. "Ayaw rin naman niya. Madudumihan siya at papawisan."

"Ako ba gusto ko?" seryoso niyang sabi at tumawa naman ako.

"Gusto kitang kasama," mahina kong sabi pagkatapos kong ibaling ang tingin ko sa labas ng bintana. "Bawal ba?" tanong ko pa. Umirap siya at nanatiling tahimik. Ngumiti naman ako.

"Sungit!" irap ko rin at nakita kong patago siyang ngumiti bago muling sumeryoso.

Hindi ko na muna siya kinulit hanggang sa makarating kami sa Gabaldon. Kailangan ko rin kasing tapusin 'yong mga trabahong naiwan sa office.

Nang dumating kami sa Gabaldon, kumain muna kami ng lunch at naghanda na para sa trekking papunta sa falls. Medyo matagal din yatang lakaran ang kailangang gawin at mabato ang daan kaya nagpalit din kami ni Matteo ng running shoes bago maglakad paakyat ng falls.

"Magdala ka ng tubig mo," paalala niya bago kami nagsimulang maglakad.

Sinubukan kong kausapin siya habang naglalakad kami sa mabato at maputik na daan pero mukhang ayaw niya naman akong kausap. Ang iikli ng mga sagot niya, minsan tatango lang o kaya magpapaalala na mag-ingat ako dahil baka madulas ako o madapa. Inaalalayan niya rin ako sa mga rock formations na inaagusan ng tubig dahil madulas pero masungit pa rin siya.

"Pagod na ako," humihingal kong sabi bago ako uminom ng tubig. "Gusto mo?" I offered at itinaas niya naman ang bote na hawak niya.

"Mayro'n ako," sabi niya pa bago niya itinuro ang sign na nakalagay sa puno. "Malapit na tayo. Kaunti na lang."

Muli kaming naglakad at naririnig na namin ang lagaslas ng tubig mula sa falls. Ilang oras din ang nilakad naming kaya medyo masakit na ang paa ko.

"Kumusta pala sina Lola Baby?" tanong ko habang pilit akong gumagawa ng mapag-uusapan namin.

"Mabuti naman. Naoperahan na siya," kuwento niya. "Si David nag-a-aral mabuti. May medal siya sa Math. Salamat daw sa'yo," proud niya pang sabi.

"That's good to hear!" masaya kong sabi. "I'm sure your parents would be so proud if they were here," dire-diretso kong sabi at nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"I'm sorry. Nabanggit lang sa akin ni Lola Baby noong minsan," paliwanag ko. Nasabi kasi sa akin ng lola niya noon na matagal nang wala ang mga magulang nila. His dad was an engineer who died in a construction site. Their mom shortly followed, she died after giving birth to David.

"Okay lang," ngiti niya. "Tanggap naman namin ni Dave na matagal na silang wala. Nand'yan naman si Lola."

"Nand'yan ka rin naman para sa kanila," sabi ko pa. "You're a great guy, Matteo. Any girl will be lucky to be loved by you."

"Do you feel lucky?" tanong niya and I got caught off guard by his question. Ngumiti lang siya bago siya naunang maglakad na parang wala lang ang sinabi.

"W-what?" nauutal kong tanong bago ako tumakbo para habulin siya. Tumama ako sa likod niya nang bigla siyang huminto sa paglalakad at nagtaka naman ako kung bakit siya natigilan.

"Huy—oh my gosh..." mangha kong sabi nang makita kong narating na namin ang Gabaldon falls.

"Ang ganda," sabi niya pa at nagtama ang mga tingin namin bago siya umiwas.

"Let's swim," aya ko at mabilis kong hinubad ang shirt na suot ko. Napatitig siya sa akin at sa suot kong maroon bikini top. "Like what you see?" tukso ko sa kanya.

"Hindi, ah!" depensa niya bago niya hinubad ang shirt na suot niya. Mabilis siyang tumalon pababa sa falls at sumigaw nang bumagsak siya sa tubig. "WOOO! Tara na!"

"I'm coming!" tawa ko at tumalon din ako habang bumabagsak ang tubig mula sa falls. Mabuti na lang at kami lang ang tao rito ngayon, we can do whatever we want.

Sabay kaming tumawa ni Matteo nang buhatin niya ako para i-angat sa tubig. Nakayakap ako sa kanya at hawak niya naman ang baywang ko. Napatitig kami sa isa't isa nang humupa ang tawanan namin at napalunok siya.

"Mali 'to..." mahina niyang sabi at ibinaba niya ang tingin sa mga labi ko.

"Then for once, I don't want to be right..." I whispered and he finally kissed me. It was a slow kiss, a careful one. And God, I know how wrong this is because I am already engaged but it feels so right that I am here and he is holding me in his arms.

"Gusto kita, Vynnice..." he admitted after breaking our kiss.

"Gusto rin kita," pag-amin ko. ""Maybe that's why it felt safe when you first held me. Because you are my missing piece, Matteo. Kaya ayokong driver kita. Dahil mas mahirap lang..."

"Dahil hindi tayo pwede, 'di ba?" malungkot niyang sabi at marahan akong tumango. "Naiintindihan ko. Kaya nga ako umiwas. Dahil alam naman nating hindi pwede."

"Matteo..."

"Bumalik na tayo para hindi tayo gabihin sa daan," sabi niya pa bago siya lumangoy palayo sa akin.

Tahimik kaming naglakad ni Matteo pabalik sa sasakyan. This time, it is a different type of quiet. It is with the weight of our honesty and love, knowing that we cannot fight for this.

Nagpalit lang kami ng damit pagkatapos naming makarating sa sasakyan bago kami muling sumakay para bumalik sa farm. Seryoso ang mukha niya habang nag-da-drive at nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Don't do that," saway niya sa akin.

"I'm sorry," mahina kong sabi bago ako napayuko.

"Sorry... para saan? Nagsisisi ka ba?" tanong niya bago ako mabilis na binalingan ng tingin. "Kasi ako, kahit mali, wala akong pinagsisisihan, Vynnice."

"It's not that. I don't regret us," diretso kong sabi. "I don't regret anything about us."

"Tayo? Ano ba tayo?"

"Masaya..."

"Hindi sapat na dahilan 'yon para ipaglaban mo ako, tama? Pero ako, kaya kong lumaban para sa atin. Kahit husgahan ako ng mga tao sa paligid mo, ipaglalaban kita."

"You don't understand..."

"Hindi nga siguro. Dahil ang alam ko lang, hindi ako sapat para ipaglaban," malungkot niyang sabi at muli niya akong binalingan ng tingin. "Sagutin mo na 'yang phone mo. Mukhang importante."

"I'm sorry," muli kong sabi bago ko sinagot ang tawag. "Po?! Bakit? Shit!"

"May nangyari ba?" nag-a-alalang tanong ni Matteo nang magsimula akong mataranta.

"Nandito silang lahat—my family andEJ's," kinakabahan kong sabi at frustrated kong pinasadahan ng ilangdaliri ang buhok ko. "They already know. Kilala ka na nila."

Continuar a ler

Também vai Gostar

1.1M 32.7K 42
Samantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relati...
939K 24.6K 42
The past made him regret everything he did to her. And now, he's ready to choose her over everything. | BOOK #2 OF WHEN TRILOGY
353K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...