A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 24

2.4K 25 0
By Ae_december

ERIER

Alisto akong bumangon at nakita kong mausok na ang buong paligid. Hinanap ko kaagad si Iris. Sino ang may gawa nun?

"Mga pake-alamero! Sugurin sila," bulalas ni Crey.

Nakatayo siya ilang metro ang layo sa akin at nakaturo sa madilim na dalampasigan. Nang sinundan ko ito nang tingin. Nagliliwanag ang dagat sa di-kalayuan namin. Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi dahil alam ko na ang ibig sabihin non, naririto na ang mga Nommos. Sumagot sila sa aking distress call.

Pero bakit pati kami nadamay ata? Sino ba yung nagpasabog sa amin? Ang sakit lang nung pagtalsik ko. Nag-alala tuloy ako sa kalagayan ni Iris dahil tao siya. Tumakbo ako patungo sa kanya nang makita ko na siyang nakahandusay sa buhanginan.

Isa isa nang nag-anyong halimaw ang mga natitirang tauhan ni Crey at sumugod silang lahat sa dagat na nagliliwanag pa ang mga braso. Nag-zoom ang aking paningin at nakita sina Marinagua kasama si sir Pasipiko na naka-sakay sa kanilang war vehicle.

Hinablot ni sir Pasipiko ang trident na hawak ni Marinagua. At mukhang nag-sorry pa ata si Marinagua sa kanyang ama. Umiling muna nang ulo si sir Pasipiko sabay taas nang hawak na trident. Nagdulot ito nang kidlat na gumuhit mula sa madilim na kalangitan. Kasunod nito, sumugod ang isang batalyong Nommos patungo sa amin.

Huminga ako nang malalim sabay baling nang paningin sa mukha ni Iris. Naka-pikit ang kanyang mga mata at may nakita akong dugo sa kanyang noo. Itinapat ko ang aking kaliwang palad sa kanyang mukha at nagliwanag ito. Gagawa sana ako nang force field na babalot sa buo niyang katawan pero bigla nalang siyang umubo.

Doon ako naka-hinga ako ng maluwag, hindi siya napuruhan, salamat naman. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Pinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya at inangat ang kanyang ulo. Pinatong ko ito sa aking hita.

"Hector," nanghihina siya ngunit makikita pa rin sa kanyang mukha ang kagustuhan niyang mabuhay. "Anong nangyari?"

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko. Pinipilit niyang bumangon. "Tatakas tayo. May tumutulong sa atin ngayon,"

Nagulat ako ng magkaroon ng malakas na kulog at sunod sunod na kidlat na halos hindi mo na maaninag ang mga bituin pati na ang buwan. Nabalutan nang puting hamog ang dagat, hindi ko na makita kung ano ang nangyayari sa aming paligid. Umaalingawngaw ang tunog nang mga lazer beams. At pati ata ang tubig sa dagat nagkaroon din nang tunog.

Kinarga ko nalang si Iris dahil mukhang hindi na niya kaya pang maglakad. Unti-unti ring nababalutan nang makapal na hamog etong kinalalagyan namin. Hindi ko na tuloy alam kung saang direksyon ba ako tutungo.

Bigla nalang lumitaw ang mga mapupulang mata mula sa hamog. Sumulpot mula sa hangin ang isang buntot at hinampas kami nito nang ubod lakas. Tumilapon kaming dalawa ni Iris. Nabitawan ko siya. Nagpa gulong-gulong ako patungo sa tubig dagat ngunit mabilis pa rin akong bumangon at hinanap siya.

Sumulpot bigla si Crey sa aking harapan at hinablot ang aking leeg gamit ang kaliwa niyang kamay. Napa-luhod ako at halos tumirik ang aking mga mata sa sakit. Inangat niya ako nang mas mataas. Mas matangkad siya kapag nasa anyo siyang halimaw kung kaya't hindi na sumasayad ang aking mga paa sa buhanginan. Hindi ako makahinga at kahit anong pagpupumiglas ang aking gawin hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking leeg. Na kahit naka-human shell ako naramdaman ko pa rin ang matinding pananakit. Hindi ko na rin magawang hampasin ang aking braso dahil unti-unti na akong nanghihina.

"Bitawan mo siya!" dinig ko na lang bigla.

Lumitaw si Marinagua mula sa tubig at sinaksak niya si Crey sa binti nito gamit ang isang matulis na kabibe. Umalingawngaw ang mala-halimaw na boses.

Nabitawan niya ako at bumagsak sa buhangin. Nagulat ako nang sipain ni Crey si Marinagua nang ubod lakas. Tumilapon siya nang mahigit isandaang metro mula sa akin.

Gusto ko siyang tulungan ngunit naubos ang lahat nang aking lakas mula sa natamo kong sakal. Iika-ika namang naglakad si Crey na bigla nalang tumalsik nang may sumambulat na lazer beam at tumama sa kanya mula sa makapal na hamog. Tumilapon din siya palayo sa akin.

Bumangon ako at pilit na tumayo, muli kong hinanap si Iris. Hindi ko na siya makita dahil nagmistulan nang ulap ang hamog sa paligid dahil sa kapal nito.

"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko!" bulalas nang isang boses at kilala ko iyon.

"Sir Pasipiko?" natanaw ko siya sa di kalayuan.

Nakatindig siya habang yung buntot niya nagliliwanag. Papaano niya nagawang makatayo sa lupa? Nag-kulay puti ang kanyang mga mata bakas ang matinding galit. Naka-taas ang kanyang kaliwang kamay na may hawak na trident. May liwanag din ito na pinalilibutan nang mga dumadaloy na kuryente. Nakahiga naman sa tapat niya si Crey. Napukaw ko ang atensyon ni sir Pasipiko saglit at muling bumaling kay Crey. Ngayon ko nasaksihan ang ipinamalas niyang tapang. Nakakatakot pala ang itsura niya kapag nagagalit.

Natigilan ako nang may marinig akong kakaibang ingay. Tumingin ako sa may kalangitan kasi doon ito nagmumula. Tunog ito nang makina. Nang mag zoom muli ang aking paningin, may nakita akong mga lumilipad na bagay. Nag-scan ang aking mga mata at ito pala ay tinatawag na helicopter isang uri nang sasakyan ng mga tao sa himpapawid.

"Mga tao! Umatras tayo," bulalas ni Pasipiko.

Nabaling ang paningin ko sa kanya habang unti-unting bumibigat ang aking pag-hinga. Doon ko palang kasi naramdaman ang mas masidhing sakit nang aking buong katawan kung kelan ako kumalma. Nagdilim ang aking paningin pati na ang aking diwa. Ang huling nakita ko nalang ay lumapit si sir Pasipiko sa akin at naramdamang sinalo niya ako nang kanyang mga bisig.

"Hanapin niyo ang anak ko at ang babaeng tao," utos niya. Hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.

***

Kahit nawalan ako nang malay ay nananatili pa rin dilat ang aking mga mata. Nawawalan lang ako nang paningin kung kaya't nang muling magbalik ang aking diwa. Nagbalik na rin ang aking paningin na unti unti nang nagliliwanag. 

Ang una kong napansin nang magbalik ang aking paningin ay ang kakaibang paligid. Doon ko naramdaman na lumulutang pala ako at may mga naka-suportang sea sponge sa aking mga binti at braso. 

Sinubukan kong ikutin ang aking paningin ngunit naramdaman ko pa rin ang panghihina. Masakit pa rin ang aking leeg.

"Erier," sulpot nang isang boses. Nasa di-kalayuan ko pala si tita Culasa na nagmamadaling lumapit sa akin. "Wag ka munang gumalaw. Hindi maghihilom ang sugat mo nang mabilis,"

May mga nagliliwanag na square patches na naka-kalat sa buo kong katawan. Kapag nasugatan ang human shell, may chance pa rin na mapuruhan ang totoo kong katawan. Tinatakpan nang mga patches ang mga nabutas sa aking human shell kung saan naroroon ang totoo kong sugat.

"Si...Iris at Marinagua?" tanong ko sa kanya. Pinahid ni tita Culasa ang kanyang mata nang kaliwa niyang kamay na akala mo kagagaling lang sa pag-iyak.

"Ginagamot na sila pareho," inangat niya ang kanyang ulo pa-itaas habang umiiling. "Nakaka-awa ang pamangkin ko – hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya,"

"I'm sorry tita Culasa," lumungkot ang aking boses. Kung hindi lang talaga nasira ang aking armor ay na-iligtas ko pa sana silang dalawa. "Hindi ko sila na-protektahan,"

Umangat ang isa niyang galamay at pumatong sa aking balikat. "Huwag kang mag-alala, gagaling silang dalawa."

"Si sir Pasipiko?"

"Binabantayan silang dalawa,"

Bigla ko nalang na-isip yung sinabi sa akin ni Crey nang tinatadyakan niya ako sa tiyan. Hawak daw nila ang grupo, nadakip silang lahat. Kailangan ko silang iligtas. Na-alala ko rin ang Alien Convention. Sila ang makakatulong sa akin. Hindi ko kayang kalabanin ang mga halimaw na nag-iisa lang dahil malalakas talaga sila. 

Kailangan kong pumunta nang isla Agua sa lalong madaling panahon upang humingi nang tulong, magbibigay ako ng impormasyon. Kung bakit kasi hindi ko kinuwento sa mga leader ang totoong nangyari, nag-sisisi tuloy ako.

"Kailangan kong umalis dito tita Culasa," wika ko sa kanya. "Dinukot nila ang aking mga kasama, kailangan ko silang iligtas,"

"Papaano mo gagawin yun?"

"Hihingi ako nang tulong sa Alien Convention,"

"Sasama ako," sulpot nang isa pang boses.

Natahimik kaming dalawa ni tita Culasa. Nasa pintuan nang kwarto si Marinagua na mukhang nagpumilit lang magtungo rito.

"Si...Iris?" nag-aalala kong wika. Lumutang siya malapit sa akin at mangiyak-ngiyak siyang niyakap ni tita Culasa.

"Masyadong malala ang natamo niyang sugat," paliwanag niya. "And besides isa siyang tao. Mahihina sila kaysa sa atin kaya nga pinoprotektahan natin ang kagaya nila,"

"Kausapin natin sina Gaeia – may binigay siya sa akin at pwede ko siyang maka-usap sa pamamagitan nito. Inform ko siya na tutungo tayo roon,"

Tumango si Marinagua. "Sabi ni daddy...buhay pa si Crey. Hindi niya ito napatay dahil biglang sumulpot ang mga tao,"

Huminga ako nang malalim.

"Mag-iingat kayong dalawa," singit ni tita Culasa.

Lihim niya kaming dinala sa vehicle station nang headquarter. Kasalukuyang may nagaganap na pagpupulong ang kanilang pangkat. Pinagbawalan pala ni sir Pasipiko na lumabas muna si Marinagua ngunit may importante kasi kaming sasadyain. Kung kaya't wala na kaming pake-alam pa kung magalit pa siya.

Nakipag-kita ang tatlong namumuno sa amin, pagkarating namin sa isla. Muli kaming nag-pulong sa pabilog na kwarto. Naroroon din si Chamie na nalaman din pala ang nangyari. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa aming dalawa ni Marinagua, pagkarating palang namin doon.

"Ipagpaumanhin ninyo at hindi ko ito sinabi kaagad sa inyo," paliwanag ko sa tatlong leader.

"Na-uunawaan ka namin," sambit ni sir Ezeros. "Nalaman mo na din na tuso nga sila. Dahil hindi mo alam na ang taong inakala mong si Crey ay isa palang halimaw,"

"Ang tunay na pangalan ni Crey ay Kraxx," singit ni Eke. Tumayo siya at tumalikod sa amin. Naglakad siya patungo sa isang ding-ding. Hinawi niya ang kanyang kaliwang kamay at nagkaroon nang 3d projection sa ding-ding na iyon. Lumitaw mula roon ang anyong halimaw ni Crey.

"Siya ay isang substitute leader. Wala si Draggo rito sa Earth. At ayon sa intelligence report namin, may iba siyang misyon, hindi lang namin alam kung ano ito," kumuyom ang aking palad.

"Hindi namin alam kung ano ang pakay niya sa babaeng taong, kaibigan mo," dagdag ni Gaeia.

"Kamusta si Pasipiko?" tanong ni Ezeros kay Marinagua.

"Okay lang po," huminga si Marinagua ng malalim. "Marami rin po ang namatay sa mga ka-uri ko,"

Nagkatinginan ang tatlong namumuno.

"Na-inform na namin ang halos lahat ng mga leader ng alien race at mamaya magkakaroon kami ng pag-pupulong," wika ni Gaeia.

"Hawak nila ang mga kasama ko." singit ko na rin. Hinawakan ni Marinagua ang aking kamay. "Hihingi ako nang tulong sa inyo para ma-iligtas sila,"

"Huwag kang mag-alala, tutulong kami. Pero kailangan muna naming makuha ang opinyon nang bawat leader nang mga alien race na kasapi nang organisasyon." Wika ni Eke.

"Salamat po sa inyo." Napa-lunok ako. Ayoko sana itong sabihin pero iba na kasi ang sitwasyon ko ngayon. "May misyon kasi kami kung bakit kami naririto sa mundo at si Iris ang napili naming subject,"

Natahimik ang lahat sa kwarto.

"Batas nang alien convention na bawal gamitin ang mga tao sa hindi magandang hangarin," wika muli ni Gaeia.

Napayuko ako. "Alam ko, pero ngayon hindi na ito matutuloy magmula ng magbago ang aming sitwasyon,"

"So totoo ang haka-haka noon na may isang alien race na nagtungo rito sa mundo at nagsagawa nang ipinagbabawal na eksperimento," singit ni Eke. Napa-tingin ako sa kanya. Si kapitan Zegyr iyon.

"It was a total failure. Nakalaban din nila ang Alpha-Draconian, nagkaroon nang ambush pero may nakaligtas sa kanila. Hindi namin sila natulungan dahil wala kaming ka-alam alam sa mga pangyayaring iyon,"

Sino yung tumulong kaynila kapitan? Na-alala ko siya kung kaya't napa-hagulgol nalang ako ng pag-iyak.

"Patawarin niyo kami," lumuhod ako ng wala sa sarili sa harap ng tatlong leader. "Wala kaming ideya tungkol sa existence nang organisasyong ito dito sa mundo. Ni hindi rin namin alam na maraming alien race ang nag-eexist dito,"

"Tumayo ka hijo!" wika ni Gaeia sa aking isipan. "Nararamdaman kong wala kang kinalaman tungkol dito,"

"Alam nang alien convention ang existence nang inyong planeta," lumapit sa akin si Eke. "But nirespeto namin ang desisyon nang inyong gobyerno na maging isa kayong hermit world, isang mundong devoid of any knowledge tungkol sa existence nang lahat nang alien race."

"Kung alam lang namin na nanganib ang mga ka-uri mo dati, pwede namin silang tulungan pero nagtungo kayo rito dala ang teknolohiyang mahirap kayong ma-detect. Ang planeta niyo na rin ang nagpahamak sa mga dati mong ka-uri noon,"

Doon ako nasaktan, sa sinabi nilang katotohanan. Na kilala nila kami pero sila, hindi namin kilala. Kung nasaklolohan lang sana nila sina kapitan Zegyr noon ay naligtas sana yung babaeng subject na nag-inflict ng trauma sa kanya. Sinadya siguro ni kapitan na mag sacrifice bilang kapalit sa buhay na nawala sa dating misyon. Ano ang nasa isip ng aming gobyerno at gumawa nang ganitong ideya na may dulot palang risk sa amin? Bakit nila nilihim ang pangyayaring ito noon? Nararamdaman kong may mali at may itinatago talaga sila sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
302K 5.5K 59
She is a princess who once lived in Ice Land, because of war she was lost and lived in the human world. When she turns 16 she found out that she pos...
1.1K 51 41
Paano kung Sa kabila ng Masaya at Masaganang buhay ng Mga Immortal ay magiging Masirable at Babagsak ang Mundo ang mga immortal dahil lang sa lihim n...
4.8K 136 44
Ang Magical Crystal ay binubuo ng 4 na elemento.. Ang Mystic Land, Breeze Aiross, Flame Mistress at ang Aqua Crystal. Tanging ang Prinsesa lang nang...