A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 23

2.4K 25 0
By Ae_december


IRIS

Masakit ang aking ulo at parang may naka-dagan ata sa akin. Pag-dilat ko nang aking mga mata. Mukha ni Hector agad ang aking nakita. Nasa anyong tao na siya at umuusok pa nga ang buo niyang katawan. Bigla kong na-alala ang nangyari kanina. Yung nagkaroon nang malakas na pagsabog.

Hanggang ngayon nga may naririnig pa rin akong tunog sa aking tenga. Yung dib-dib ko hindi na nawala ang pag-kabog pero nag sink-in agad sa akin na buhay pa pala ako.

"Hector!" tawag ko. Tinapik ko ang kanyang pisngi. "Gumising ka,"

Gumalaw siya at umalis sa pagkakadagan sa akin. Napa-higa siya sa lupa. Bumangon ako at napansing napuruhan ata siya. Niligtas niya kasi ako mula sa pag-sabog kanina.

Nagulat ako nang may tumayo malapit sa amin. Yung kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan ang malinaw kong nakikita. May suot siyang armor na wasak at katulad ito ng kay Hector. Na-alala kong may kasama nga pala siya. Nakatayo lang ito na parang wala sa sarili.

"Hector, gumising ka," mausok ang paligid namin at may kadiliman. Naging amoy sunog na kable ang hangin ngunit napaka-tahimik.

Nagugulat ako sa pagbangon nang iba pang kasama ni Hector kasi tumutunog yung kuryente sa suot nila.

Mas lalo akong napa-atras nang biglang bumangon si Hector na akala mo binabangungot. "Si...nasaan si kapitan?" bulalas nalang niya.

Tumayo siya at naglakad nang wala sa sarili. Hindi niya ata napansing tao na ang kanyang itsura at naka-suot nalang siya nang ordinaryong damit.

"Ililigtas ko si kapitan!" wala na siya sa sarili.

Tumayo na rin ako, yung tinutukoy ba niyang kapitan yung palaging sumasagip sa amin kanina.

"Wala na siya Erier," wika nang isang babae. May kasama pala silang babae. Ang tangkad niya at mukhang modelo. Wasak na rin ang armor niya kaya yung mukhang tao nalang ang aking nakikita. May kuryente ring dumadaloy sa buo niyang katawan. "Nagsakriprisyo siya para sa atin,"

"Hindi totoo yan," garalgal ang boses ni Hector. "Hahanapin ko siya,"

"Tumahimik ka!" natakot ako sa boses nang isang lalake. Mahaba ang buhok nito at mukhang may-edad na.

Hinawakan niya sa kwelyo si Hector. "Nagsakripisyo siya dahil sa iyo. Sa mga kapalpakan mo!"

"HINDEE, hindi totoo yan," bumulalas si Hector.

Tinulak siya nang lalakeng mahaba ang buhok. Napa-upo siya sa lupa habang bumubulalas nang pag-iyak. Bigla akong na-awa sa kanya, namatay yung tinutukoy niyang kapitan. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Bigla nalang pumasok sa isip ko si Albert. Nanginig ang buo kong katawan dahil ang pagkaka-alam ko, naiwan siya sa loob nang bahay. Hindi ko maisip na sumabog ang bahay. Napa-iyak na rin ako habang yakap si Hector.

"Kapitan," dinig kong sabi nang isa pa nilang kasamang lalake. "Pakinggan niyo,"

Nakinig na rin ako ng di-oras at dahil sa sobrang katahimikan ay may maririnig ka nga talaga. Mga tunog ba yun nang hayop? Palakas ito nang palakas.

"Erier! Tumakbo kayo nang babaeng tao," utos nang long hair sa amin.

Lumapit sa amin yung babaeng kasama niya at itinayo siya. Napa-tayo na rin ako.

"Lumayo kayo rito," humihikbi siya sa pagsasalita. "Kami na ang bahala,"

Napatalon ako sa takot dahil naging malinaw na yung mga tunog na parang sa tigre at pinagsamang oso, basta nakakatakot ang tinig. Mula sa makapal na usok sa di kalayuan namin, may mga gumagalaw na imahe. Nang mapansin ko ang kanilang buntot, confirm na mga halimaw ito. Naging tambol na naman ang dibdib ko.

"TAKBO," galit na sigaw nung long hair. Naramdaman ko nalang na hinablot ni Hector ang aking kamay at kinaladkad ako palayo sa kanyang mga kasama.

***

Parang hindi ko maramdaman ang pagod dahil wala kaming tigil sa pagtakbo ni Hector. Pawisang-pawisan ako kahit malamig ang gabi. Kung ano-ano na nga ang sumasabit sa aking paa at binti pero hindi ako nasasaktan. Tumakbo kaming dalawa nang tumakbo kung hanggang saan kami dalhin nang aming mga paa. Hanggang sa unti-unti na akong nakakarinig ng mga tunog. May humahabol na pala sa amin.

Bigla kaming nadulas nang hindi namin mapansing pababa pala ang lupa. Nabitawan ako ni Hector. Mabuti na lamang mababa lang ito at hindi isang bangin.

Alisto akong bumangon at napansin ko ang isang naka-usling bato malapit sa amin. Hinablot ko ang kanyang kamay at inaya siyang magtago roon. Nilagay ko pa ang aking daliri sa labi senyales na huwag siyang maingay. Tumango lang siya nang walang buhay. Naapektuhan ata siya doon sa namatay niyang kasamahan.

Ako naman pinilit kong isantabi ang takot. Nakalimutan ko pansamantala si Albert. Gusto ko pa talagang mabuhay. Kung kaya kong tumakas gagawin ko. Na-alala ko ang aking pamilya kung kaya't kailangan ko namang mabuhay para sa kanila.

Nagtago kami sa ilalim nang naka-usling bato na may puno sa itaas kung kaya't natatakpan nang makakapal na ugat ang pinagtataguan namin. Kahit madilim ang paligid, maliwanag naman ang buwan. May makikita ka pa ring imahe. Malakas ang boses nila pati na yabag nang mga paa. May tunog din nang napuputol na sanga kaya pakiramdam ko naririyan na sila sa tabi-tabi.

"May na-aamoy akong dugo nang tao," dinig ko.

Nagtaka ako kasi boses nang isang lalakeng tao. Nag-anyong tao na naman ba sila? Yumakap ako nang mahigpit kay Hector. Ang init nang katawan niya, para siyang may lagnat.

Nagulat nalang ako nang bigla ba naman siyang magpumiglas. Inangat niya ang kanyang braso at nakita ko ang takot sa kanyang mukha. May alupihan palang gumagapang. Tumili ba naman siya na parang beki. Naloka tuloy ako.

Tinabig ko ang alupihan kaso narinig na nila kami eh! Kaya no choice. Kinaladkad ko siya palabas sa naka-usling bato at kumaripas na naman kami nang takbo. Napalingon ako sa aking likuran at tama nga, nag-anyo silang tao. Apat ang humahabol sa amin at naloka ako dahil mga hubo't hubad pa sila. Mabuti na lamang medyo malayo-layo sila at nasa kaliwang direksyon namin.

"Ano ka ba Hector! Alupihan lang yun,"

"Nakakatakot kasi ang itsura niya," napa-hampas nalang ako sa aking noo.

Lumingon ako at napansing nagbagong anyo na talaga ang apat na lalake na bumalik na muli sa pagiging halimaw. Nanginginig ang aking katawan sa takot. Ano kaya ang nangyari sa armor ni Hector? Naka suot na kasi siya ng gray turtle neck at maong na pantalon. Ang init nang panahon ngayon hindi ba siya pinagpapawisan? Pero yun nga ang napansin ko, hindi nga siya pinagpapawisan talaga. At yung amoy niya parang rubber. Pero na-alala ko nga palang hindi ito ang totoo niyang itsura.

"Wala ka bang gadget na pwedeng magpabilis nang takbo natin?" hinihingal kong tanong.

"Maraming naka-harang sa paligid natin, hindi gagana ang speed skill ko,"

Ngunit bigla siyang huminto at binitawan ang aking kamay. "Pwede ko silang patigilin sa pagtakbo,"

Naglakad siya patungo sa direksyon nang mga paparating na halimaw. Hinampas niya ang kanyang kaliwang braso. Nanlaki ang aking mga mata kasi nagliwanag ang dalawa niyang kamay.

Lumapit siya sa isang punong kahoy at walang ka abog-abog niya itong binunot sa lupa. Napa-atras ako, ang galing may super-power siya at para na siya talagang isang super hero. Binuhat niya ang puno at hinagis nang ubod lakas sa mga paparating na halimaw. Maraming puno ang natumba sa harap nila kung kaya't napatigil sila at naharangan nito. Hinablot niyang muli ang aking mga kamay at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

***

ERIER

Ngayon nauunawaan ko na ang kung ano ang ibig sabihin nang ginawa ni kapitan. Dapat pala kusa akong lumayo sa grupo na hindi ko na ipina-alam pa sa kanya. Yung naisin kong protektahan silang lahat laban sa mga halimaw ay nagdulot pa nang kapahamakan. Kahit anong sisi ko sa aking sarili wala na akong magagawa pa ngayon. Palpak na kung palpak. Eto nalang siguro ang maari kong gawing tama, ang iligtas at protektahan si Iris. Yung din naman ang huling sinabi ni kapitan sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maunawaan yung ibig niyang sabihin na nakapag-higanti na raw siya.

"Humingi ka nang tulong sa mga kasamahan mo," wika ni Iris.

"Hindi ko sila ma-trace," nagkaroon nang imahe ang aking mga mata pero wala talaga akong ma-detect na energy presence nila. "Nawala na sila sa atin,"

Napansin kong bumabagal na si Iris sa pagtakbo. Tumigil ako at binuhat siya na ikinagulat pa niya at pagkatapos nun, akong mag-isa nalang ang nagpatuloy sa pagtakbo.

"Nakikita ko na sila. Hinahabol pa rin nila tayo," mangiyak-ngiyak na ang kanyang boses. Nakatingin kasi siya sa likuran ko.

Binilisan ko pa ang pagtakbo kaso bigla nalang may lumabas na salita sa mga mata ko. Alisto tuloy akong huminto at saka siya binaba. Hindi na kasi mga puno ang natatanaw namin kundi dagat na. Kumikinang ito mula sa liwanag nang buwan.

"Bangin na to Hector," bulalas ni Iris.

Kumunot ang aking noo. Nilagay ko ang kaliwa kong kamay sa aking sentido at nag-isip. Nabaling ang paningin ko sa sing-sing na nakapulupot sa aking daliri, alam ko na. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil lumalakas na ang maraming ingay na nagmumula sa kagubatan.

Binuhat kong muli si Iris na muli na naman niyang ikinagulat. Hinampas ko ang aking kaliwang braso at huminga nang malalim. Gamit ang buo kong pwersa, tumalon ako sa bangin habang buhat si Iris. Tumili siya ng tumili. Bumagsak kami sa dagat at lumubog kami saglit sa tubig.

At pag-ahon namin sa tubig. "Marinagua!" itinaas ko ang sing-sing sa aking palad at umilaw ito. "Nasa dagat kami ngayon! Kailangan namin ang tulong niyo,"

Hindi na naman ako makahinga at naisip kong hindi nga pala ako sana'y sa tubig. Nagpupumiglas ako at unti-unting lumulubog. Naramdaman ko nalang ang braso ni Iris na pumulupot sa aking dib-dib.

"Wag kang masyadong magalaw," bulalas niya. "Ano ba yan! Hindi ka pa pala marunong lumangoy,"

Sinunod ko naman ang sinabi niya. "Pasensya na may lason kasi ang tubig sa planeta namin kaya di ko to natutunan, "

Wala naman kasing ganito kalaking anyong tubig sa planeta namin. Puro lawa at ilog lang meroon kami. Unti-unti niya akong hinahatak at bumilib ako sa kanya dahil mahusay siyang lumangoy. Kaso may bigla nalang humawak sa aking binti sa ilalim nang tubig. Hinatak ako nito pa-ilalim. Nakita kong ganito rin ang nangyari kay Iris.

***

IRIS

Parang mawawala ako sa aking sarili nang mahuli kami nang apat na halimaw. Ang mas kinagulat ko, dumating si Crey na nakasakay sa isang lumulutang na platform. Nabuhay pa siya sa lakas nung pagsabog ng bahay. Nagkatinginan kaming dalawa ni Hector na parehong naka-luhod at basang-basa sa tubig. Bumaba siya sa sinasakyan niya at naglakad patungo sa akin.

"Ang galing naman," naka-pamewang ang animal. Nag-anyo pa siyang tao at naka-suot nang long-sleeve na may pulang necktie. "Nahuli ko kayong dalawa,"

"Ehem! Boss nahuli namin," napalingon ako sa halimaw na nagsabi nun. Naiintindihan ko siya kahit sa kanyang boses halimaw.

"TUMIGIL KAYO!" galit na bulalas ni Crey.

Kinabahan ako kasi nagkulay dugo ang kanyang mata. Nagkaroon siya nang aura-soma na kulay pula. Kahit yung mga tauhan niyang halimaw umatras. Apat ang nag-anyong halimaw habang anim ang nasa anyong tao. Na mukhang mga Pilipino talaga at mukhang mga goons sa pelikula.

Naglakad si Crey patungo sa aking harapan. Napalunok ako nang hawakan niya ang aking baba at i-angat ito patungo sa kanya. Huwag kang magpadaig sa takot Iris, bulong ko sa aking sarili. Kahit anong gwapo niya sa anyo niyang tao ngayon ay halimaw na ang tingin ko sa kanya.

"Buhay ang labidab mong si Albert,"

Parang nag-echo ang pangalan ni Albert sa aking isipan. Siya ang may pakana nang lahat nang ito. Dinukot niya siguro ito at pinagmukhang nagpakamatay. Ilang buwan akong nag-dusa sa akala kong iyon, na lahat na-apektuhan sa akin. Lalong-lalo na ang relasyon ko sa buong pamilya. Hindi ko siya mapapatawad.

Dinuraan ko siya sa mukha. Napa-pikit siya nang mata. Sinampal niya ako ng ubod lakas sa aking mukha, at ang sakit lang. Nabuwal ako sa aking pagkaka-luhod sa buhanginan.

Inangat ko ang aking ulo at nakita si Hector na nag-wawala dahil sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ito nang dalawang halimaw kung kaya't hindi siya maka-galaw. Naglakad si Crey sa kanyang harap at sinuntok siya sa mukha nang ubod lakas. Nabuwal din siya sa pagkaka-luhod.

Pinagtatadyakan siya ni Crey. "Hawak ko ang mga walang kwenta mong tauhan ungas ka!"

"Hector!" bulalas ko.

Lumingon sa akin si Crey at ngumisi. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niyang iyon, lalong-lalo na't nakikita niyang ako ang nasasaktan sa kanyang ginagawa. Bumangon ako kaso bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking buhok. Napa-ngiwi ako sa sakit dahil nasasambunutan ako.

Inilapit niyang muli ang kanyang mukha. "Pinilit kong magbago sa iyo nang mga panahong iyon," mahina niyang wika. "Pero binalewala mo ako. Hindi ko gustong saktan ka sa mga mithiin ko,"

Mithiin? May kailangan siya sa akin.

"Ikaw ang magbibigay katuparan nang mga misyon ko sa buhay,"

"Patayin mo na ako ngayon din," bulalas ko. "Patayin mo ako! Halimaw ka. Wala kang pinag-kaiba sa mga hayop. Mas minamahal pa ang mga hayop dito sa mundo kaysa sa mga katulad niyo,"

Nang masambit ko iyon. Nawala ang takot sa puso ko ng tuluyan. Binitawan niya ako at bumagsak na naman ako sa buhanginan. Gumapang ako patungo kay Hector na halos manghina sa suntok at tadyak na kanyang natamo. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Okay ka lang ba?"

Nagulat ako nang sumigaw si Crey at nabaling ang tingin namin sa kanya. Naka-lagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang batok. Para siyang baliw na sumisigaw. Bumaling siya nang tingin sa aming dalawa. Itinaas niya ang kanyang braso na umilaw din katulad nang kay Hector.

"Bo – boss! Huwag mong gawin yan – " nagtaka ako nang awatin siya nang isa niyang tauhan.

"TUMIGIL KA!" napa-atras ang tauhan niyang nasa anyong tao. "Gusto mong ikaw ang durugin ko nito!"

Nagkaroon siya nang armas sa kanyang braso. Bigla nalang sumabog ang kinalagayan namin at tumalsik kaming lahat sa buhanginan. Yun nga lang hindi siya ang may gawa noon.

Continue Reading

You'll Also Like

ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

252K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
96.1K 1.7K 51
(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag...
3.2K 58 63
ang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa h...
4.8K 136 44
Ang Magical Crystal ay binubuo ng 4 na elemento.. Ang Mystic Land, Breeze Aiross, Flame Mistress at ang Aqua Crystal. Tanging ang Prinsesa lang nang...