Paper Stars (Self-Published)

Bởi iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... Xem Thêm

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 2

3.1K 93 7
Bởi iamsayaallego

KABANATA 2




Habang nilalakad namin ang kahabaan ng corridors papunta sa study room ni Dice, pansin ko ang pagtigil ng mga staffs, who are all men by the way. Panay ang titig nila sa akin at pagbubulung-bulungan ng mga ito.

No surprise there though. Walang babaeng pinapapasok sa loob ng main house dahil lahat ng babae sa pamilyang ito ay pawang mga pinakasalan lamang.

There are two ways for a woman to earn a name, you either marry the man or be born into it. Oh, of course, in my case, I was sort of adopted into it.

Nasa harapan na kami ng isang Japanese style sliding doors nang maramdaman ko ang paghawak ni Gene sa aking kamay. Tiningala ko siya dahil doon and I saw his restless looks as he eyed the door worriedly.

Pinisil ko nang marahan ang kanyang kamay na nagpalingon sa kanya sa aking direksyon.

"I'll be fine." I reassured him.

Tinanguhan niya ako bago binitawan ang aking kamay para mabuksan ang pintuang nasa pagitan namin at ng kanyang ama.

The doors opened smoothly. Ang malamig na singaw ng air condition na may kasamang amoy ng peppermint ang sumalubong sa amin. The room was large for a study. Unang-unang kukuha ng iyong pansin sa loob nito ay ang mga collection na armory ng may-ari. Pansin rin ang dalawang kulay na namamayagpag sa bawat sulok nito - Blue and Silver - mga kulay na nagrerepresenta sa branch line ng pamilya.

The study was dimly lighted at nakapokus ang mga ilaw sa harapan kung saan naroroon ang isang malapad ngunit mababang mesa. Kaharap nito ay may dalawang cushions kung saan kami uupo ni Gene. Sa likod ng lamesang iyon nakaupo ang bulto ni Dice.

At 42, he has already made a name sa hospitability business. He owned several 5-star hotels, resorts and restaurants all over the world under the "☓" Cross banner. Kagaya noong family crest nila na nakalatag sa pader na nasa likod niya ngayon. All branch families use this banner whereas the main line uses the original "†" Cross.

I unconsciously held the thick cross pendant on my neck as I lingered on the woven blue and silver design.

Napapitlag na lang ako when I noticed Dice's cold stare on me. Nakaupo na pala si Gene sa isa sa mga cushions and I was too preoccupied about the room to see this. Agad kong tinungo ang katabing cushion at pormal na umupo roon, my hands on my knees at nakadungo ang ulo. Careful not to have an eye contact lalo na kapag hindi ka kinakausap.

Dinig ko ang malakas na pagtikhim ni Dice mula sa aking kinauupuan. Alam kong nakatingin pa rin siya dahil ramdam ko ito sa ulo ko.

"Chichiue, we have come here to answer your call for an audience. To what do we owe this honor?" Panimula ni Gene sa isang pormal na pananalita.

I took a side glace at him and saw his serious expression while facing his father. Muli ko na lang ibinalik ang paningin ko sa aking mga kamay.

"Nothing of significance, really, kung ang pagbabasehan ko ay kung sino ang dahilan kung bakit kailangan kong mag-alala ng ganito." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Dice nang sabihin niya iyon, alam kong ako ang pinatatamaan niya.

"Oh, then, para saan pa ang pagpapatawag sa amin if you find your objective insignificant?" Sagot ni Gene sa kanyang ama.

Mabilis ko siyang nilingon pagkasabi niya noon pero nanatili lang na stoic ang expression niya.

"Bakit? Bawal ba ang ipatawag ang anak ko whenever I need to see his stupid face?" Napakuyom ng kanyang kamao ang katabi ko sa sinabi ng ama.

Dice continued when Gene didn't say anything.

"So let's acknowledge the elephant in the room, shall we? Bakit pa ba tayo magpapaliguy-liguy pa when we all know kung bakit tayo nandirito ngayon?"

I held on to my knees tighter. Alam ko na kung anong kasunod nito.

"Kurozawa Ayana." Tawag nito sa aking Japanese name.

"Hai." I answered.

"In two days time, the headmaster will begin living here. I don't know if this stupid of a son has already told you that the elders have decided to let you stay in this house until the headmaster decides to move back to the main family estate in Japan."

Napalunok ako sa narinig. I want to ask why pero alam kong hindi ko pa oras magsalita. At marahil wala rin akong karapatang tanungin ang mga desisyon ng mga matatanda.

"The residents of this house have already accepted the fact that we have to share the same space and air with the cursed one..."

"Chichiue!" Kaagad na protesta ng katabi ko. Napakuyom na lang ako ng palad to stop myself from reacting negatively.

"What?Am I not merely stating a fact? Kung hindi mo pa nababasa ang charts ng kompanya, it's already taking a dip! And it's all because of her!" Hindi ko na siya kailangang tignan upang malamang nakaturo ang hintuturo niya sa akin.

I bit the sides of my mouth, pretended I was somewhere else and thought of happy things.

"What are you saying? Matagal ng nag-di-dip ang kompanya natin and it's because of the world economy, not her!" Halos tumaas na ang boses nito.

"Have you seen the charts, Yuujin? Our company started to take the dip exactly twelve years ago. And we both know exactly what happened on that same year!" Tumaas na rin ang tono ni Dice.

"You can't blame Aya for that just because she was born on that year. Anong kasalanan ng bata doon? Tinawagan niya ang world bank and told them to seal all their vaults para magipit ang market? See how preposterous that sounds? Come on!" Muli akong sumilip sa aking katabi at nakitang namumula na ito sa galit. May kung anong kumurot muli sa puso ko seeing how he defended me.

"Preposterous!? Her coming to this world as a 'she' is what preposterous is! Kaya tayo minamalas kasi nabuhay ang dapat sana ay patay! So long as SHE'S living, we're doomed! CURSED!" Nakita ko sa gilid ng aking mata ang agarang pag-angat ng isang paa ni Gene sa cushion.

Happy place. I'm in my happy place.

"Don't talk about my daughter like that!" Galit nitong sigaw.

Napaangat ako ng tingin sa katabi ko sa sinabi nito. Kita ko rin sa gilid ng mata ko ang cool na cool pa ring Dice na nakatanaw na ngayon sa akin.

"Oh, for goodness' sake, Yuujin! She isn't your daughter! No reason to defend her! She's nothing but the daughter of a witch!"

To hear him call my mother a 'witch', hindi ko napigilang mapatayo at mapaharap sa kaniya nang wala sa oras. Pansin ko naman sa gilid ng aking paningin ang pagkakabigla ni Gene sa aking reaksyon.

"I..." I started to say. I want so much as to tell him off for regarding the woman who gave birth to me a witch. But as I stared at his hateful expression, I knew nothing I say could affect him anymore. So I hid my clenched fists and stopped myself from saying any more.

"You what?" Malamig na usal ni Dice. Nakataas ang kanyang isang kilay. Hinahamon akong magsambit ng iba pang salita upang sa gayon ay mapatunayan niyang mababa talaga ang lebel ko.

Hindi na ako umimik at muling dumungo upang mag-iwas ng tingin. Dahan-dahan na rin akong umupo without making another noise.

"Mabuti naman at alam mo kung anong posisyon mo sa pag-uusap na ito." Malamig pa rin nitong sabi.

"Chichiue!" Mabilis na saway ni Gene.

Muli ko na lang ikinuyom ang aking mga palad to stop myself from reacting violently.

I am better than this. I am better than them. Just turn the other cheek, Aya. Turn the other cheek.

"As I've said before, dito ka titira for the duration of the headmaster's stay. Pero hindi ibig sabihin niyan ay payag na kaming pakalat-kalat ka na lang sa mansion. Para sa ikabubuti ng lahat, if possible, keep yourself invisible to anyone in here."

"Chichiue, enough!" Protesta na naman ni Gene.

"You'll have your food be brought to you in your room. You'll have your own entertainment sa loob ng kwarto - TV, internet, books and whatever," he began to enumerate the "rules" na sa akin lang effective.

"You're not allowed to stay anywhere in this house kung saan makikita ka namin. You're not allowed to talk to anyone unless being called to a meeting - not to the elders, to your cousins or to the staffs," pagpapatuloy pa nito.

"Chichiue!" Narinig kong protesta muli ni Gene yet once again fell in deaf ears as Dice continued.

"Well, unless your self-acclaimed father will accompany you that is," I glanced at Gene sideways. Kita ko agad na nakaigting ang kanyang panga at mabilis ang paghinga na tila kanina pa nagpupuyos sa galit.

"Do you have anything you want to say, Yuujin?" Sumulyap sa akin si Gene na tila humihingi ng permisong magsalita.

He was about to stand to most probably tell Dice whatever is on his mind right now. I know he's angry but this is my battle. I won't let him get in the way and become a collateral damage. Hindi ko hahayaang mangyari sa kanya iyon. Umaasa sina Mimi at ang kambal sa kanya.

Mabilis kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa kanyang binabalak. I gazed at him and saw confusion in his eyes. Iniling ko na lang ang ulo ko so he would get my message. Bumagsak naman ang mga bigong mata nito sa sahig. Nang naramdaman kong hindi na siya magpoprotesta ay hinayaan ko siyang ayusin ang kanyang pagkakaupo.

"Wala?" Ibinalik ko ang paningin ko sa nakakuyom kong kamay and returned to my happy place.

"Good! Mabuti at nagkakaintindihan tayo kung ganoon. I'm not expecting anything from you, Kurozawa Ayana, but I do hope that you already know how to behave in respect to that name you're carrying. Don't you put that name to shame, wakarimashita?" Nagtiim bagang na lang ako and tahimik na tumango. Ramdam ko uli ang mabibigat na paghinga ng aking katabi.

"Oh right, I forgot. You already did!" He let out a sarcastic laugh before continuing, "When you have our name permanently written next to yours, you already did," Dice added with finality.

"That is enough, Chichiue!" Hindi natiis ni Gene ang muling pagprotesta, "Anak ko ang iniinsulto niyo! Yes, she's maybe adopted. But she's MY adopted! Insultuhin niyo ang pangalan niya, para niyo na ring ininsulto ang pangalan niyo! She's under our family banner after all!" Asik nito sa kanyang amang ilang sandaling natahimik.

"Yes... of course," pabulong nitong sabi, "And that's the most unfortunate part of all," malamig nitong sabi at mas lalo kung idinungo ang aking ulo.

Think happy thoughts, Aya. Happy thoughts!

"That does it. We're out of here," napaangat ako ng tingin nang maramdaman ang paggalaw ni Gene. Napadungaw siya sa akin and maybe saw something in my eyes kaya biglang lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Yes, go. Bago pa tuluyang masira ang gabi ko," I couldn't help but glance at Dice's tired form.

I put my hands together, fingers beside each other before I slowly slid them to the floor and bowed deeply in front of my uncle.

"Thank you for having us, Master Daisuke," I said.

"I am not thankful at all," maanghang nitong sagot bago ako hinila ni Gene palayo sa nasusuklam na mga titig ng kanyang ama.

Nasa harap na kami ngayon ng aking tutuluyang silid. Wala pa ring umimik sa aming dalawa.

Finally, I heard Gene cleared his throat.

"I'm sorry for my father, Aya. The words he said..."

Nag-angat ako ng tingin at bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. I gave him a small smile.

"Wala iyon," I quickly said as I opened the doors para makapasok na. Hindi na siya pumasok at nanatili sa kanyang kinatatayuan.

"I have already prepared myself sa kanilang maaanghang na salita sa America pa lang kaya hindi ko na ikinagulat iyon. Don't worry too much about it, Gene. I'm fine," I continued bago ko siya nginitian to assure him that I was indeed fine.

Ngumiti rin siya ng isang malungkot na ngiti.

"Hindi mo kailangang sanayin ang sarili mo sa kanilang masasakit na salita. If I could have done something about this, mas magiging masaya sana ang buhay mo. But I'm a failure of a father. Ni hindi nga kita naipagtanggol nang maayos sa sarili kong ama," nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad habang sinasabi ang mga ito.

Umiling ako.

"You've done enough, Gene. When you decided to take me as your daughter, you've done more than enough. Sadya lang talagang sarado ang isipan at puso nila sa akin. And that's not your fault. Hindi mo makokontrol ang mga ito. No one can. I guess I'd just have to live with it and hope that one day they will accept me. But for now, I'm happy that I have someone like you on my side," mahaba kong sabi.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng luha ng aking kausap.

"You're happy to have me? As your Daddy, my sweet, precious, brave, beautiful daughter?"

And... that killed the moment.

"Daddy's so happy too! Daddy's very happy!" Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata as I stared at his stupid face.

"O, sige na at matutulog na ako," sabi ko na lang para huminto lang siya sa kanyang kabaliwan.

He robbed his eyes with the sleeves of his shirt at tumango-tango.

"Sleep well tonight, my beautiful daughter. Tomorrow, ipapasyal ka namin ni Mimi sa buong estate. How about it?" Nakangiti na nitong sabi.

Namilog ang mga mata ko sa narinig.

"I can see Mimi tomorrow?" Masigla kong tanong.

Masigla niya rin akong tinanguhan bilang sagot.

"And the twins?" I excitedly asked. Gusto ko nang makita iyong kambal and play with them!

"And the twins," kaagad na sagot nito. Napatili ako sa saya but stopped myself when I saw some staffs na nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.

Tinawanan lang ni Gene ang aking reaksyon, not caring for the staffs.

"I almost forgot that you're only just twelve years old. Kung umasta ka kasi parang kaedad lang kita," anitong tumatawa pa rin sabay gulo ng aking buhok.

Agad ko iyong pinalis at kunot noo ko siyang tinitigan.

"I AM twelve years old. Masyado ka lang kasing isip bata kaya naisip mong parang magkasing edad lang tayo," napaawang ang bibig niya sa sinabi ko, "Matutulog na ako. Umuwi ka na," at bago pa siya makapagreak ay isinara ko na ang mga pinto sa pagitan namin.

Ilang sandali ay narinig ko ang marahang pagkatok nito.

"Matulog ka nang mabuti, maganda kong anak. Susunduin ka ni Daddy bukas at pareho nating susuotin iyong 'I love my Daddy/Daughter' shirts habang pinapasyal ang buong estate, okay?" Napangiti na lang ako sa kabaliwan nito.

"Aya? My beautiful daughter? Tulog ka na ba?" I rolled my eyes at the door pero hindi na ako umimik.

"Sleep well, Princess," ang huli nitong sinabi bago ko narinig ang kanyang papalayong mga hakbang.

Princess...

I slid down to the floor at isinandal ang ulo sa matigas na pintuan. Wala na ang bakas ng ngiti sa aking mukha as I eyed the wholeness of the room.

I'm alone yet again.

"You're not alone and will never be again. I'm always with you, my Princess..." I hugged my knees at the memory.

Well, you're wrong Rekka. I am alone... still. I am alone.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
Paper Planes Bởi Saya Allego

Tiểu Thuyết Chung

85.2K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
1.4M 59.8K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
170K 8.9K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...