Meeting My Future Husband [on...

By assyle_eiram

2.7K 80 23

Book 2 of Wanted: My WIFE, Her Mom. Kwento ni Krisha Lauren na bumalik sa Pinas para makita at makasama ang k... More

Meeting My Future Husband [one-shot]

2.7K 80 23
By assyle_eiram

Meeting My Future Husband

          Hindi naman ako tanga, ayaw ko lang talagang sabihin at ipaalam sa kanya. Baka kasi hindi niya ako tanggapin. Okay lang sa’kin kung hanggang tingin na lang ako. Ang mahalaga nakikita kong masaya siya.

***

          Nagsimulang umikot ang mundo ko nang makita ko siya sa personal. Akala ko noon, sa mga pictures ko lang siya makikita. Mas lalo yatang nahulog ang loob ko sa kanya nang makita ko siya.

Umuwi ako dito sa Pilipinas para makilala pa ng lubusan ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Nakakahiya man sabihin, oo, na-inlove ako sa kanya thru pictures. Hindi ko kasi alam eh. Bigla na lang tumibok ‘tong puso ko nang makatanggap ako ng picture niya.

Sabi ng parents ko, isang sikat na artista daw dito si Chino. Medyo hindi ako updated sa kanya kasi nga sa America ako nakatira at umuwi lang ako dito sa Pilipinas para sa kanya.

          “Excuse me. Pwede magtanong kung saan ‘tong hotel na ‘to?” tanong ko sa isang babaeng katabi ko dito sa train.

Dito ako pinanganak sa Pinas, kaya lang lumipat kami when I was ten. Tumira ako sa America for another 10 years, means I’m already 20.

          “Ah, mga three stations pa mula dito tapos makikita mo na ‘yang hotel na ‘yan,” sagot naman niya.

          “Thank you!” masayang sabi ko.

Dahil nga wala na kaming bahay dito, naisipan kong tumuloy na lang sa isang hotel. Wala rin naman kasi akong kaibigan dito. Ang loner ko, ‘di ba? Haha.

Habang hinihintay kong huminto sa nasabing station ang train, nilabas at tiningnan ko muna ‘yung mga pictures sa’kin ni Chino.

          “Makikita na kita!” sabi ko pa habang nangingiting mag-isa.

          “Miss, fan ka din niya?” tanong ng babaeng pinagtanungan ko kanina.

          “Ah, hindi. Ako ‘yung--“ napahinto ako at napaisip. Ano nga ba ako para kay Chino? Pareho kaya kami ng nararamdaman? “Ah, oo. Fan niya ako.” ‘Yun na lang ang sinagot ko at sakto namang huminto na ang train sa station na sinabi nu’ng babae.

          “Wait for me Chino!” bulong ko at halos pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid dahil napaka-wide ng ngiti ko. Hahaha.

Naglakad na ako para hanapin ‘yung hotel na tutuluyan ko. Nagtanong-tanong na rin ako. Hindi naman daw siya malayo sa station na pinagbabaan ko kaya nilakad ko na lang talaga siya.

Nag-e-enjoy naman ako sa paglalakad. Na-miss ko rin kasi ‘tong Pinas. Medyo mainit pero okay lang. Hindi kasi ganito kainit sa America eh.

Habang naglalakad ako, pa-sway-sway pa ang mga kamay ko dahil nga sa excitement. Hindi ko nga rin matago ang kilig ko eh. Halos kasi lahat ng madadaanan kong stalls may posters o pictures ni Chino. Artista nga talaga siya.

          “OMG!! Si Chino ba ‘yun?!”

          “CHINO!!!”

          “GOSH! Ang gwapo niya!!” Rinig kong mga sigawan ng babae at halos manlaki naman ang tenga ko sa mga sinabi nila. Chino daw?? Sinundan ko ‘yung mga babaeng nagkakagulo. Nilabas ko na rin ang DSLR ko para makuhanan ko siya. Parang fan lang talaga? Hahaha.

          “Chino,” bulong ko with full of excitement.

Nang makalapit ako sa crowd, hindi na ako nakipagsiksikan at nakisali pa sa mga babaeng nagkakagulo. Hindi naman kasi ako fan, ‘di ba? Kaya medyo lumayo lang ako ng konti at tumuntong sa isang bakanteng upuan.

          “It’s really him,” sabi ko at natulala pa ako sa kanya.

Can’t even imagine na siya ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Nakita na rin kita sa wakas, Chino.

Habang busy siya sa kakakaway sa mga fans niya ako naman todo picture lang sa pwesto ko ngayon, hoping na maligaw ang mata niya sa’kin. Makikita naman niya ako eh, kasi nga nakatuntong ako sa isang upuan.

          “Miss, upuan ko ‘yang tinutuntungan mo,” rinig kong may sumita sa’kin pero hindi ko siya pinansin. Busy ako eh, bakit ba? Hahaha.

Nakakainis. Hindi ka manlang ba titingin ditto, Chino? Tumingin ka please! Please! Kahit one second lang! Chino please, look at me.

Kakadasal ko sa isip ko, nabitawan ko ang DSLR ko. Buti na lang nakasabit siya sa leeg ko. Ang dahilan ng pagkahulog nito ay ang pagtingin ni Chino sa’kin.

Naramdaman kong namula ang mukha ko kasabay ng paghihina ng buong katawan ko. He remains looking at me. Wala akong ibang ginawa kundi mag-bow to send a greeting to him. Pagka-angat ng ulo ko, hindi na siya nakatingin pero hindi naman ako nalungkot, naging masaya pa nga ako kasi nakita na niya ako eh. Hahaha.

          “Miss, pwede umalis ka na diyan?” suway ng isang matandang lalaki sa’kin.

          “Sorry po!” nakangiti kong sabi at natigilan naman si manong habang nakatingin sa’kin. “Thanks sa upuan mo manong!” masigla kong sabi at naglakad na ulit.

Good thing, isang bag lang ang dala ko. Hehe. Sabi kasi nila daddy mag-shopping na lang daw ako ng mga gagamitin ko dito. I’ll be staying here for one month lang. Nag-aaral pa kasi ako sa America eh, pero babalik ako dito pagka-graduate ko.

          “Found it!” sabi ko nang makita ko na ang hotel na tutuluyan ko. Buti na lang hindi na ako pinahirapan ni Lord na maghanap. Thank you Lord! Thank you din kasi nakita ko si Chino kahit kakadating ko lang dito. Hehe.

          “Miss Krisha Lauren, Mr. Kean’s daughter?” tanong ng isang lalaki ng mukhang receptionist.

          “Yes? I’m Krisha Lauren and my daddy is Kean Arish,” nakangiti kong sagot pero nagtataka pa rin ako kung bakit nila kilala ang daddy ko? Hmmm.

          “We’ll take you to your room,” magalang niyang sabi.

          “Ano ka ba, kuya! Drop the formality. Hindi naman ako anak ng president. Hahaha,” pinalo ko pa si kuyang gwapo sa braso. Haha. Hyper ako eh.

Habang naglalakad kami, naisipan kong itanong kung bakit niya kilala ang daddy ko saka bakit parang nakakatanggap ako ng special treatment?

          “Tumawag po kasi ang daddy niyo at nagpa-reserve na ng isang room para sayo,” sagot niya hanggang sa makapasok na kami ng elevator.

          “Ganu’n ba? Daddy ko talaga napaka-overprotective. Tsk.”

Nagpaiwan na ako kay kuyang gwapo sa room ko. Sabi niya pa, ipatawag ko na lang siya kung may kailangan ako.

By the way wala pa pala akong formal introduction. Nauna pa kwento ko kaysa sa pagpapakilala ko. Haha. Sorry naman, excited ako eh.

Ako nga pala si Krisha Lauren Morrison, 20 year-old. Only daughter ako ng gwapo kong tatay na si Kean Arish Morrison pero ‘yung kinikilala kong mommy ay hindi ko talaga mommy, si tita Kurstin. My real mommy died while giving birth to me. Sad story, right? Pero hindi naman hinayaan ni daddy na sisihin ko ang sarili ko sa pagkawala ni mommy.

Nakakatuwang isipin na 16 year-old pa lang ang daddy ko nang ipanganak ako. Hindi siguro nakapagpigil, dala ng pagmamahal niya sa mommy ko. Hehe. Pero kasal naman na sila ni tita Kurstin, si tita kasi ang tumayong mommy ko simula pa noong 1 year-old pa lang ako. Ang maganda du’n, first love pala ni daddy si tita. Hihi. Basahin niyo na nga lang ‘yung kwento nila para maintindihan niyo ang kwento nila daddy.

Kinuha ko ‘yung DSLR ko at naupo sa kama. Inisa-isa ko ‘yung pictures ni Chino na pinaghirapan ko kanina lang. Ipapa-print ko ‘tong lahat.

“Gwapo mo talaga!” sabi ko at hinawakan ko pa ang mukha niya kahit nasa screen lang ng camera.

I’m too in love with this guy. Thirteen ako noong ipakilala siya sa’kin nila daddy pero thru picture lang din. Nasa America na kasi kami noon kaya hindi ko na siya nakilala personally. Sabi nila daddy, Chino will be my future husband. Anak siya ni tita Star at tito Tyron. Kaibigan sila ni daddy noong mga highschool palang sila at napagkasunduan na kaming dalawang anak nila ang magkakatuluyan. Nainggit si tito Tyron kay daddy kaya naman nabuntis din niya agad si tita Star. Haha. Kaya naman mas matanda ako ng isang taon kay Chino.

Hindi ko naman maitatanggi kasi unang kita ko palang sa picture ni Chino, minahal ko na siya. Bata pa ako noon, hindi ko alam ang tunay na meaning ng salitang ‘LOVE’ pero habang lumalaki ako nakikilala ko si Chino, du’n ko palang nasabing in-love ako sa kanya.

Hindi ko nga ring nagawang magpaligaw sa iba dahil alam ko si Chino lang ang para sa’kin at ganu’n din siya sa’kin. Maraming gustong manligaw sa’kin sa America pero ni-isa sa kanila hindi ko binigyan ng chance. Ayaw ko naman kasing mgapaasa dahil sa una palang si Chino na talaga at siya lang, wala ng iba.

***

          Three days na ang nakalipas. Nagpunta ako sa isang computer shop para ipa-print ‘yung mga pictures ni Chino sa camera ko. Napuno na kasi ‘yung memory card eh, puro si Chino lang naman ang laman. Hahaha. Hindi naman ako adik sa kanya, ‘no?

          “Thank you ate!” masayang sabi ko nang iabot sa’kin ‘yung mga pictures.

          “Miss, fan ka ba ni Chino?” tanong pa ni ate bago ako tumalikod.

          “Ah, eh? Parang ganu’n na nga po. Hehe,” tapos nag-V sign pa ako, pa-cute lang.

          “Ang swerte naman pala ni Chino. May fan siyang katulad mo. Alam mo maganda ka at cute. Model ka ba?” Nagulat naman ako sa sinabi ni ate kaya napakamot na lang ako ng ulo.

          “Hehe. Si Ate naman nambola pa. Hayaan niyo po dito ako ulit magpapa-print!” Baka kasi inuuto lang ako. Hahaha.

          “Hindi ako nambobola. Totoo naman eh. Ang cute nga nang mapupula mong pisngi. Halatang natural na natural ‘yang mukha mo.”

          “Hahaha. Ate naman eh! Sige po. Salamat po. Mauna na po ako,” sabi ko at tuluyan na akong lumabas ng shop.

          “Can’t wait to see you again Chino!” sabi ko habang tinitingnan ko isa-isa ang pictures niya. Para akong timang na naglalakad mag-isa habang kinikilig. Hihi. ‘Di ko kasi matago ‘yung pagkakilig ko eh. Nababaliw na yata ako?

          “Ay, Shemas!” gulat na sigaw ko nang may lalaking nakabangga sa’kin. Nahulog tuloy ‘yung mga pictures na hawak ko. Kainis naman! Ni-hindi manlang ako tinulungan. Ganito na ba mga lalaki ngayon dito sa Pinas? Hmp. Isa-isa kong pinulot ang mga pictures at pinunasan pa dahil sa duming nadikit sa mga ito. Nang mapulot ko na lahat, inilagay ko na ito sa bag ko. Baka kasi mahulog na naman at baka sa tubig na bumagsak. Tss.

I wore my sunglasses while walking. Ang init kasi eh. Tsaka nakakasilaw ang sinag ng araw. Hindi ko naman trip titigan ang araw.

Sumakay lang ako ng taxi para makarating sa isang mall. Mamimili na ako ng mga damit ko. ‘Yung tipong hindi ko na kakailanganing maglaba sa loob ng isang buwan. Haha. Joke lang. Hindi ko naman kailangan ng maraming damit kasi simple lang naman ako magdamit. Ngayon nga, naka-tee at shorts lang ako.

Nang huminto na ang taxi sa harap ng mall, syempre nagbayad muna ako bago bumaba. Hehe. Tumingin muna ako sa paligid at pinagmasdan ko muna ang labas ng mall. Isang kinagulat ko naman ay ang isang malaking tarpaulin sa main entrance ng mall. Nakalagay du’n na may mall tour ngayon dito si Chino! Omigosh! Soulmate talaga kami.

Dahil nga 4pm na rin, baka malapit nang mag-start ‘yun at baka nandito na siya. Dali-dali na akong pumasok sa mall at dumiretso sa entertainment plaza, malamang kasi du’n gaganapin ‘yun, ‘di ba? Sa America kasi may ganito din eh.

Nang makarating ako sa harap ng entertainment plaza. Hinanap agad ng mata ko si Chino. Hindi na ako makapasok sa loob kasi punong-puno na. Wala na ring ticket para makapasok. Kainis!

Umakyat na lang ako sa 2nd floor at du’n ako nakahanap ng magandang pwesto. Inihanda ko na rin ang camera ko. Haha. Girl scout yata ‘to! Dahil lang naman kay Chino kaya may camera ako eh. Sa kanya ko lang gagamitin ‘to at binili ko ‘to bago ako umuwi dito sa Pinas.

Nagsimula nang maghiyawan ‘yung mga fans kaya ako naman tutok na tutok na dito sa taas. Nang lumabas na si Chino from backstage, nagtilian na lahat ng tao. Grabe lang, sakit sa tenga. Syempre hindi na ako nakisali sa kanila. Haha. Nakakahiya kaya. Sa isip na lang ako sumisigaw, sana marinig niya.

          “Did you guys wait me?” tanong niya sa mga tao sa baba.

          “Ako ba hinihintay mo?” bulong ko naman.

          “So, I am gonna sing a song but not my song. Maiba lang. Haha.”

Tumawa siya? Ramdam kong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ‘yung tawa niya. Ngayon ko lang narinig ‘yun!

          “This song is for you, guys,” sabi niya at nagsigawan na naman ‘yung tao.

‘Yung puso ko nalaglag yata sa baba? Teka, makapa nga. Nandito pa pala, ang bilis ng tibok. Ganito pa talaga ang feeling kapag gusto mo ‘yung taong nakikita mo? Actually, hindi naman gusto eh, mahal ko siya. Ang ganda ng boses niya. Ang ganda rin ng napili niyang kanta, You and Me by Life House.

Feeling ko tuloy para sa’kin ‘yung kanta niya. Hay. Sana nga para sa’kin, ang sarap kasing pakinggan. Hindi nga maalis ang mga mata ko sa kanya eh.

Ang isang kinagulat ko ay nang tumingin siya sa taas at saktong-saktong nagtama ang mga tingin namin. Kasabay ng pagtingin niya ang pag-wave ng kamay niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya naman napatalikod ako. ‘Yung tibok naman ng puso ko mas mabilis pa sa kabayong nasa gitna ng karera.

          “What day is it and in what month? This clock never seemed so alive~”

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta, humarap na ulit ako pero sa mga tao sa baba na siya nakatingin. Nakilala na kaya niya ako? Or should I say kilala niya kaya ako?

Hindi ko na hinintay na matapos pa ang mall tour niya. Kailangan ko pa kasing mamili ng damit eh. Kaya naman naglakad na ako papunta sa mga boutique. Pumasok ako sa Primadonna, dito kasi ako madalas bumili ng heels at magaganda rin naman ang mga damit dito.

          “I’ll get this, this, and that,” sabi ko at shoot, nabili ko na. Hehe.

Pumasok naman ako sa Oxygen, although mahal talaga dito, the best naman ang mga damit. Pwede na ba akong endorser o model? Hahaha.

Pagkatapos kong mamili ng mga damit, naisipan ko munang dumaan sa Starbucks, magkakape lang. Hehe.

          “Choco latte please,” order ko. Mahilig kasi ako sa may choco, gusto ko kasi ng chocolates!

          “Miss, isang choco latte, ASAP.” Napatingin naman ako sa umorder pareho kasi kami eh.

Nang mabigay na sa’kin ‘yung order ko, tumalikod na ako para makaupo. Pero ang pinagtataka ko, kung bakit nawala na ang ibang tao dito sa loob at parang sarado na ang Starbucks? Hindi, nasa loob pa ako eh, tapos ‘di ba may customer pa?

          “Chino, choco latte lang ba?” tanong ulit nu’ng umorder kanina.

Teka, teka. Did I hear it right? CHINO? CHINO DAW? Napatingin ako sa paligid at, OMG! Chino is seating in a corner of this place! Destiny talaga kami! Nangangatog pa akong naupo sa upuan ko. Hindi naman ako nagpapahalata tinitingnan ko siya. Hindi ko agad inubos ‘yung choco latte ko para pwede pa akong magtagal dito.

Gusto rin niya ang choco latte? What a coincidence! Napapangiti na lang ako mag-isa dahil sa mga naiisip ko. Knowing na, *ehem* fiancé *ehem* ko ‘tong kasama ko sa loob ng Starbucks at parang sa’min lang ‘tong lugar na ‘to.

Pansin ko rin na nagkakagulo ang mga tao sa labas. Siguro ‘yung mga fans niya, panay na ang mura sa’kin? Kasi naman, ‘di ba, ang swerte-swerte kong tao. Pero sorry sila, hindi ako fan ni Chino. *Ehem* fiancé *ehem* niya nga ako. Hihi. ‘Ba ‘yan, kinikilig pa ako. Hmp! Krisha, behave!

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at agad ko namang kinuha ito sa bag ko. Tumatawag si tita Kurstin!

          “Hello, tita?” sagot ko.

          “Baby, are you doing fine there? Have you met him na?” tanong ni tita.

          “I’m doing fine tita and yes, already saw him na pero hindi pa niya ako nakikita,” sabi ko at napatingin ako kay Chino na nakatingin na pala sa’kin.

          “Do you want us to tell tita Star na nand’yan ka na?”

          “No tita. That’s a big no! I can do it by myself, okay? Where’s daddy? Tell him, I miss him so much!” medyo nailang na ako kasi tinitingnan ako ni Chino.

          “Your daddy’s at work. Okay, I’ll tell him. Ingat ka diyan ha! Be a good girl. I love you, baby.”

          “Yes tita. I love you too.” Sabay lagay ko ng phone sa bag at dali-dali akong tumayo, nailang na talaga ako kay Chino.

Sa sobrang madali ko, nahulog ‘yung bag ko at pati ‘yung mga pictures ni Chino, nagkalat na. Nakakahiya!

          “OMG!” bulong ko at mabilis na pinulot ang mga ito.

Kakapulot ko, isang kamay ang nagmagandang loob na tulungan ako. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino. Nanlaki naman ang dalawang mata ko nang makita ko ang isang anghel na sobrang lapit sa’kin habang tinutulungan ako.

          “Chino,” sabi ko at ngumiti lang siya.

          “So, you’re my fan?” tiningnan niya ako sandali at inabot sa’kin ‘yung mga pictures niya.

          “Actually…” Shems, alangan namang sabihin ko sa kanya agad na fiancé niya ako. Tsk.

          “Thanks! Thanks!” sabi ko at mabilis na akong lumabas ng Starbucks.

Hindi ko na rin inintindi ‘yung mga bulungan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam, basta bigla na lang ako nakaramdam ng nerbyos. Dahil ba ngayon lang ako nakalapit na ganu’n sa kanya? Grabe pala talaga ang feeling kapag nalapit ka sa taong mahal mo.

Pagkalabas ko ng mall, pumara na agad ako ng taxi at nagpahatid na sa hotel. Tsaka marami na rin akong bitbit baka maparami pa lalo kapag nagtagal pa ako sa mall. Ang mahalaga nakita ko siya ulit.

Pagkadating ko sa kwarto ko, agad kong inayos ang mga pinamili ko at tiningnan ulit ‘yung mga pictures ni Chino. Hehe. By the way, hindi ko pala nilalabas lahat ng pictures ni Chino. Meron akong mga pictures niya simula ng 10 year-old pa lang siya hanggang sa mag-19 na siya.

          “Hala, nasaan ‘yung picture na ‘yun?!” taranta kong tanong habang hinahanap ‘yung picture ni Chino when he was 12. Ang cute pa naman niya du’n! ‘Di pwedeng mawala ‘yun!

Hala, ‘di kaya napulot ni Chino kanina? Pero bakit hindi niya binalik?! Alam na kaya niya? Kainis naman oh!

Isang linggo na ang nakalipas simula nu’ng huli kaming magkita ni Chino. Medyo naging busy na rin ako kasi may mga inuutos sila daddy. Two weeks na lang pala ang natitira sa’kin, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakausap ni Chino.

Hindi nga niya alam na ako ‘yung fiancé niya eh. Kasi kung alam niya, eh ‘di sana nakilala niya agad ako. Nakakainis naman, bakit hindi niya ako kilala? Nasasaktan tuloy ako. Para na ring sinabi kong ako lang ang nagmamahal sa’ming dalawa. Naiiyak ako pero kailangan kong pigilin dahil kailangan ko ring lumabas ng hotel. Hindi ko naman sasayangin ang pag-stay ko dito sa Pinas, ‘no. Kailangan ko ring mag-enjoy kahit papaano.

Nagpunta ako sa mall kung saan ko nakita si Chino last week. Pero ang swerte ko talaga kasi nandito na naman siya for a mall tour. Mabenta yata siya dito. Siya na.

Habang naglalakad ako isang kumpulan ang nakapukaw ng atensyon ko. Nagkakagulong mga babae sa loob at labas ng Penshoppe.

          “Ate, anong meron du’n?” lakas-loob kong tanong sa isang babae na nakiki-usyoso rin.

          “Si Chino! Hihi.” ‘Yan kinikilig pa siya. Hahaha.

Dahil nga si Chino daw, nilabas ko na ulit ang mahiwagang camera ko. Lumapit pa ako ng konti, at shoot, kita ko na siya. Hehe. Galing ko rin eh, ‘no? Mukha akong stalker. Gandang stalker ko naman. Joke.

Tuloy lang ako sa pagkuha ng stolen shots sa kanya, kahit na natutulak na ako ng ibang babae. Wapakels, fiancé naman ako ng pinagkakaguluhan niyo eh. Bleh.

          “Isa na lang,” bulong ko. Isang picture na lang, aalis na ako. Haha. Pagka-shot ko ng huling picture, tiningnan ko ito at guess what kung ano ang nakuhanan ko. OMG lang talaga!!

          “Chino,” nakangiti kong sabi at napatingin ako ulit sa loob ng Penshoppe, wala na si Chino.

Nakuhanan ko si Chino na nakatingin sa camera ko at naka-V sign pa. Tumalon na naman ang puso ko sa tuwa. ‘Di kaya, nakilala na niya ako? Sana nga, Chino. Tatalikod na sana ako nang isang braso ang pumigil sa’kin.

          “Sin---“ Napatigil ako at pati ang mundo ko ay tumigil nang masilayan ko na naman si Chino nang malapitan.

Oo, siya nga ang nakahawak sa braso ko ngayon at nakatingin lang siya sa mga mata ko.

          “Ikaw ‘yung babae, last week, ‘di ba?” nakangiti niyang tanong.

OMG! Naalala niya pa ako! Pwede kong bang sabihin na, ako rin ang fiancé niya? Para matapos na ‘to. Atat na ako eh.

          “Ah, y-yes.” Nautal pa ako. Tsk.

          “Haha. Tara,” sabay hila niya sa’kin.

Hala, ‘yung puso ko nakikisabay. Hmp. Namumula na rin ang mukha ko. Kamatis na ako! Kinikilig na naman ako. Knowing na hatak-hatak ako ni Chino sa harap ng maraming tao? Huhu. Kill me now.

Nang matauhan ako ay nasa loob ng kami ng Starbucks at sumenyas lang siya na maupo ako kaya naman umupo na ako sa harap niya.

          “Anong gusto mo?” tanong niya na parang close kami.

          “Ah, eh, c-choco latte…”

          “Really? Pareho pala tayo ng gusto. Hehe.” Ang wide ng ngiti niya, dahil du’n lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Umorder na ‘yung manager niya at nanatili lang siyang nakatitig sa’kin. Ako naman ‘tong si gaga, nakayuko lang dahil nahihiya ako.

          “What’s your name?” tanong niya.

          “Call me Lauren,” nakangiti kong sagot at parang natulala siya at napatingin sa labi ko. OMG! Bakit niya tinitingnan ang labi ko?! “May problema ba?” tanong ko at umiling lang siya.

          “Ah, wala. Ang ganda kasi ng ngiti mo eh. You’re really beautiful.” Nag-init ang mukha ko sa mga sinabi niya at hindi na ako nakapagsalita. “Nakita na rin kita noon eh, nu’ng may fan meeting ako malapit sa station ng train. Ikaw ‘yun, ‘di ba?” plain niyang tanong pero ‘yung ngiti hindi naaalis sa mukha niya.

          “A-ako nga,” sagot ko naman na medyo kinakabahan pa. Nang mai-serve na sa’min ‘yung order namin. No one dared to speak, sobrang tahimik na naming dalawa.

          “Ah Chino, may sasa—“

          “Chino, we have to go.” Epal naman ‘yung manager niya. Hmp. Sasabihin ko na ngang ako ‘yung fiancé niya eh.

          “Sorry, kailangan na naming umalis. Magkita na lang ulit tayo dito, this Saturday, 3pm. Okay?”

          “Ah. Ha?” Ano nga ulit ‘yung sinabi niya?

          “See you!” paalam niya at umalis na nga sila ng manager niya.

Ano daw? Magkita kami ulit sa Saturday? Ano ba ‘yun? Date ba ‘yun o ano? Hindi pa rin ako makapaniwala, inaya niya akong makipagkita sa kanya. Hihihi.

***

          Saturday na, nagsuot lang ako ng isang pink na dress at white doll shoes. Syempre, pinaghandaan ko ‘to eh. Saka kailangang maganda ako sa harap ni Chino.

          “Tsk,” sabi ko. Kasi naman 30 minutes na siyang late. Joke lang ba ‘yung pakikipagkita niya sa’kin? Hmp!

          “Lauren?” pamilyar na boses ang tumawag sa likod ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Tumayo ako at hinarap ko siyang nakangiti.

          “You’re so pretty,” sabi niya at umupo na siya sa harap ko. Umupo na rin ako kahit na medyo inis ako hindi ko na lang pinahalata.

Take note, naka-disguise ngayon si Chino. Meaning, ako lang talaga ang pinunta niya dito. Hihihi. Kilig na naman!

          “Sorry ha? Ang hirap kasing tumakas eh. Umorder ka na ba?” tanong niya pero nakangiti pa rin siya.

Natapos ang araw namin ni Chino na puro kwentuhan lang. Hindi ko pa rin masabi sa kanya na ako ang fiancé niya. Baka kasi magbago ang tingin niya sa’kin eh. Baka hindi na niya ako kausapin? Natatakot naman ako.

Binalik na rin sa’kin ni Chino ‘yung picture niya na nawala sa’kin. Nagtataka nga raw siya kung bakit meron ako nu’n, kasi mukhang hard copy daw ‘yun, ang sabi ko na lang aksidenteng napunta sa’kin.

Ang saya niyang kausap. Hindi kami naubusan ng paguusapan. Lagi lang siyang nakangiti at ang sweet niyang makipag-usap. Ganu’n rin kaya siya sa ibang babae?

Inalok ako ni Chino na ihahatid niya raw ako pauwi pero tumanggi na ako. Inaya niya kasi ako ulit magkita eh. Sa Tuesday naman daw, same time, same place. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako inaayang lumabas. Hindi ko rin alam kung date ba ang itatawag ko du’n. Sabi niya kasi natutuwa daw siya sa’kin at parang matagal na daw niya akong kilala. Marami nga siyang naikwento eh, parang close kami kung mag-usap. Hindi na rin ako naiilang sa kanya at nagbubukas na rin ako ng topic.

Nasasaktan ako kasi hindi man lang niya nabanggit kung may fiancé or girlfriend siya.

***

          “Ikaw naman ang late ngayon ha!” pang-aasar niya na sinakyan ko na lang dahil nga late ako.

          “You’re getting prettier and prettier. Anong sikreto mo?” tanong pa niya.

          “Haha. Sikreto ka d’yan!”

Habang nag-uusap kami lalo lang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ang sweet niya kasi eh. Parang super friendly niya. As in ‘yung ngiti sa mukha niya hindi nawawala kaya naman nag-e-enjoy ako lalo.

          “Alam mo bang ngayon lang ako naging ganito. ‘Yung tipong tatakas pa para makipagkita. Haha. Aish, nakakahiya,” nagtakip pa siya ng mukha niya kaya naman kinilig na naman ako.

          “Haha. You mean first time mong makipagkita sa isang fan?” Aray sa word na ‘FAN’.

          “Oo eh. Iba rin kasi ang feeling ko sayo and I can’t call you a fan. Maybe something special than that.” Lalo pang nagwala ang puso ko nang dahil sa sinabi niya.

Ganu’n lang din ang nangyari sa buong hapon namin puro kwentuhan lang at tawanan. Pumayag na rin akong magpahatid kasi ginabi na rin kami at inaya na naman niya akong lumabas, next week. Marami daw kasi siyang schedule kaya hindi pwedeng palagi kaming magkita.

Hindi naman sa pag-a-assume, pero nararamdaman ko na may gusto na siya sa’kin. May feelings na rin siya para sa’kin.

Hinintay ko lang na dumating ang ‘NEXT WEEK’ niya. Lagi lang akong nasa hotel at hindi na ako masyadong naglalalabas. Hindi ko na nga rin naalala na malapit na rin akong umuwi eh. Hindi ko rin naman nasabi sa kanya na, 1 month lang ako dito.

Kailangang masabi ko na sa kanya ang totoo, pati ‘tong nararamdaman ko, dapat na niya ‘tong malaman.

***

          Nandito na kami ngayon ni Chino sa Starbucks, dito naman kami laging nagkikita eh. Sasabihin ko na rin pala sa kanya na malapit na akong umalis pati siguro ‘yung tungkol sa’min sasabihin ko na.

          “May sasabihin pala ako sayo,” sabi niya.

Nagulat naman ako kasi pareho kaming may sasabihin sa isa’t isa. Nanatili lang akong natahimik at tumango na lang.

          “Alam mo bang…” Napahinto siya at tumitig sa mga mata ko.

“I’ve fallen for you.”

Pagkasabi niya nu’n, ramdam kong natuwa ang puso ko kasabay ng pagmula ng mukha ko. Siguro ito na rin ‘yung time na dapat na rin niyang malaman ang tungkol sa’min. Handa na akong sabihin sa kanya.

          “Ah, Chin—“

          “Sana nga---“ Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi dahil biglang may nag-play na kanta.

          “Ha?” nagtatakang sagot ko.

          “Ah. Sabi ko sana ikaw na lang ‘yung babaeng nirereto sa’kin ng mga magulang ko,” natuwa ako sa sinabi niya na halos ‘yung ngiti ko umabot na hanggang sa tenga ko.

Pero nawala lahat ng tuwang naramdaman ko at halos madurog ang puso ko sa mga susunod na bagay na sinabi niya.

          “Kaso ayaw ko naman du’n eh. Ni-pictures nga niya hindi ko tiningnan. Alam mo ‘yung feeling ng ipinagpipilitan ka sa taong ayaw mo naman? Hindi ko siya gusto at lalong hindi ko siya mahal. Never ko siyang mamahalin.”

Gusto nang lumabas ng mga luha ko pero pinigilan ko lang. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Tagos yata sa puso ko ‘yung mga nalaman ko. Tapos ‘yung kanta, sumakto pa sa eksena, Thank You for the Broken Heart by J. Rice.

          “Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin ma-imagine na ipapakasal ako du’n sa babae na ‘yun. Eh, hindi ko nga siya kilala. Galit ako sa kanya kasi pumayag siya sa gusto ng magulang namin. Alam mo ba—Okay ka lang?” tanong niya na parang nag-aalala sa’kin.

G*go ba ’to?! Mukha ba akong okay pagkatapos niyang sabihin sa’kin ‘yung mga ‘yon?! Sabagay, wala naman siyang idea na ako ‘yung babaeng kinukwento niya eh. Ang sakit lang talaga. Maling-mali ang desisyon kong umuwi dito!

          “Alis na ako. Salamat ha?” Kailangan ko nang umalis dahil pati ‘yung kanta ay nakikisabay sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa pero isang bagay ang narinig ko..

          “Hihintayin ulit kita dito. Thursday, 3pm!” sigaw niya at tuluyan na akong umalis.

          Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi ko na rin sinabi kila daddy ang nangyari dahil baka magalit pa sila kay Chino. Ang tanga ko naman kasi eh. Sino bang nagsabing mahalin ko siya? Ako naman ‘tong si gaga, umasa na mahal niya rin ako. Tanga mo, Krisha!

***

          Hindi kayo maniniwala kapag sinabi kong naghihintay ako ngayon sa kanya dito sa lugar kung saan lalo akong na-in love sa kanya at sa lugar kung saan nasaktan ako ng sobra.

          “You came!” sabi niya at sabay upo sa harap ko.

I didn’t say a word. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko. Ngayon ko na kasi sasabihin na ako ‘yung babaeng pinaka-ayaw niya pero sinabihan niya ng ‘I’ve fallen for you’.

          “May sasabihin lang ako, hindi naman ako magtatagal,” sabi ko habang nagpipigil ng luha.

          “Talaga? Ano ‘yun?” parang excited pa siya. Oo, matutuwa ka sa sasabihin ko!

          “Bukas na ang alis ko. Hindi ko kasi nasabi sayo na 1 month lang ako dito. At bukas na nga ang flight ko,” seryoso kong sabi.

          “WHAT? Bakit ang bilis? Hindi ba pwedeng mag-stay ka pa? Hindi ko kayang mawala ka.” Lalo akong nanggigil sa sinabi niya kaya naman napakagat na lang ako sa labi ko.

          “Ayaw ko nang mag-stay dito eh. Nagsawa na ako. Akala ko kasi magiging maayos ang lahat kapag nag-stay ako dito.”

          “Ha? May problema ka ba? Anong problema? Family problem ba?” Kita ko sa mga mata niyang curious at nag-aalala siya pero hindi ako pwedeng magpadala sa mga ganu’ng arte niya.

          “Ikaw,” maikling sagot ko. Halatang nagtaka siya sa sinabi ko.

          “Ikaw ang problema ko. Ako lang naman kasi ‘yung BABAENG PINAKA-AYAW mo! Ako lang naman ‘yung babaeng gustong ipakasal sayo eh! Ako lang naman ‘yun, Chino! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nang malaman kong ayaw mo sa’kin?!” Nanatili lang siyang takang-taka sa mga sinasabi ko.

          “Ako si Krisha Lauren Morrison, Chino! Ako lang naman ‘yung babaeng nagmahal sayo ng todo. Mahal kita noon pa, Chino,” sabi ko at tuluyan ng nagwala ang mga taksil kong luha.

          “What?”

          “Matagal na kitang mahal, Chino. Umasa akong ganu’n ka rin, pero nagkamali ako.” Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko, wala na akong pake sa mga taong nakakakita sa’kin.

          “All this time Lauren? All this time, hindi mo sinabi sa’kin? All this time niloloko mo lang ako? Nagpanggap kang fan ko? I’m so disappointed.” Nasaktan ng sobra ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Ako? Nagpanggap? Niloko ko siya? Bullshit! Hindi lang ako nagkaroon ng panahon para masabi ko sa kanya. Nakakag*go lang!

          “What did you say?” tanong ko pero imbis na sagutin niya ‘yung tanong ko, tumayo siya and left me dumbfounded.

          “Ganu’n na lang ‘yun, Chino? Porke’t nalaman mo na ako ‘yung babaeng ayaw mo, hindi mo na paninindigan ‘yung sinabi mong mahal mo na ako. G*go ka Chino!” sabi ko sarili ko.

***

          Nandito na ako ngayon sa airport at hinihintay na lang ang pagtawag sa’ming mga pasahero. Wala, suko na ako. Sinuko ko na ang pagmamahal ko kay Chino. Babalik ako sa America na hindi ko na siya mahal. Kakalimutan ko na siya. Malamang naman, madali lang niya akong makakalimutan eh. Sino ba ako sa buhay niya? Walang‘yang puso ‘to, mali ang minahal. Ang dami kong sinayang para sa taong ‘yun, tapos ito lang mapapala ko? Life is so unfair!

Narinig kong tinawag na ang flight namin. Kaya naman inayos ko na ang sarili ko at nag-ready na. Hatak-hatak ko na ang maleta ko. itatapon ko na rin sana ‘yung mga gamit na binili ko dito eh. Kaya lang hindi naman nang dahil lang kay Chino eh, sasayangin ko ‘tong mga ‘to.

Napahinto ako sandali sa at pinagmasdan ko muna ang pligid at sinabi ang mga katagang…

“I’m going home and I’ll move on.”

Naglakad na akong muli. Sa paglalakad kong iyon, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nakakaramdam pa rin ako ng sakit. First love, first heartache.

          “Ouch. Ano---“ Nagulat ako dahil isang pamilyar na kamay ang humila at yumakap sa’kin.

I know this smell. I know this body who’s hugging me. I missed him.

          “Where do you think you’re going?” tanong niya pero nakayakap pa rin siya sa’kin. “Aalis ka na lang nang hindi mo pa nalalaman ‘tong nararamdam ko. That sounds so unfair.” Lalo pa akong naiyak sa mga salitang binitawan niya.

          “Hindi mo naman ako hinintay kahapon. Bumalik ako. Hindi ko kasi kinayang iwanan ka eh. Nasaktan kasi ako. Pero bago pa ako makalayo, naisip ko agad na ‘Iiwanan ko lang du’n ‘yung taong mahal ko?’ Kaso pagbalik ko wala ka na.” Nanatili lang akong tahimik at pinakinggan siya.

          “Sorry Krisha Lauren. Sorry for being rude to you. Hindi ko kasi alam eh. I’m sorry kung hindi ko pinakinggan sila mommy. I’m really sorry.”

          “Chino.”

“Mahal kita Lauren. Mahal na mahal kita.”

Parang bigla akong nakaramdam ng tuwa at ‘yung sakit na nararamdaman ko bigla na lang nawala.

          “Please, forgive me. Hindi ko sinasadyang saktan ka. I’m sorry,” sabi pa niya at hinarap niya ako sa kanya.

          “Don’t cry. It hurts me. Alam na rin nila mommy na nagkita na tayo. Sinabi ko na rin sa kanila na, ikaw na ang papakasalan ko.” Pinunasan niya ang mga luha ko using his both thumbs.

          “All I can say is, please give me another chance to make it right. I love you Lauren. I do love you.”

Gustong-gusto kong sumagot ng mahal ko rin siya pero ayaw bumukas ng bibig ko parang may pumipigil sa’kin.

          “I love you Krisha Lauren Morrison.” Then he slowly kisses my lips.

Dahil sa halik na ‘yon. Natauhan na talaga ako at gumaan na ang pakiramdam ko. Feeling ko nananaginip lang ako.

          “I love you. Please stay.”

          “Mahal din kita Chino. Mahal na mahal.” Pagkasabi ko nu’n, agad na niya akong niyakap. “But still, I have to leave,” nalulungkot na sabi ko.

Kailangan kong umalis dahil sa pag-aaral ko. Kailangan ding malaman nila daddy ang nangyari sa’kin dito.

          “W-why? Hindi ba pwedeng dito ka na lang?” sabi niya between our hugs.

          “I have to finish my studies. I have to tell dad everything.”

          “Pero kailan ka babalik?” Ramdam kong malungkot siya ngayon kaya pati ako nakaramdam na rin ng lungkot.

          “I’ll be back soon. You’re going to wait for me, right?” I asked and looked at his eyes.

          “I will definitely wait for you, Lauren.”

Tinawag na ulit yung mga pasahero dahil aalis na ang eroplano. Kaya naman niyakap na lang ako ulit ni Chino.

          “I’ll be waiting, baby. I love you,” he said as he kissed me passionately and I kissed him back.

          “I love you,” I said and broke the hug. Naglakad na ako habang unti-unting binitawan ni Chino ang mga kamay ko.

I saw him smile kaya naman hindi na ako nalungkot sa pag-alis na gagawin ko kasi alam ko hihintayin niya ako.

Pero bago pa ako makalayo isang bagay ang pumasok sa isip ko na alam kong hindi ko pagsisihan. Tumakbo ako pabalik kay Chino and I claimed his lips with mine. Niyakap niya ako na parang namiss niya agad ako.

          “I’m not leaving anymore. I will stay here for you. I love you, Chino.”

          “Balak naman talaga kitang pigilan eh. Inunahan mo lang ako. I love you, my future wife.” Muli na namang nagkaroon ng mga paru-paro sa aking tiyan dala ng sobrang pagka-sweet ni Chino.

“I love you, and I finally met you, my future husband.”

Continue Reading

You'll Also Like

84.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
63M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
7.9K 397 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...