My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 40

2.8K 44 0
By twinklingberyl


Amethyst's POV

Lutang ako hanggang sa matapos ng tuluyan ang play. Papunta na kaming dalawa ngayon sa backstage at feeling ko sobrang awkward ng atmosphere. Sinalubong naman kami nila Ms. Zalora at ng ibang casts at niyakap nila kami kaya medyo nalayo sa akin si unggoy.

"Hoy! Punyeta kayong dalawa! Binigla niyo kami sa kissing scene ah!" daldal ni Trish, badtrip lang.

"Infairness sa kissing scene niyo ah, ang daming na-shock. Pero pucha highlight yun ng play!" segunda naman ni Carl.

"Wala yun sa script sa pagkakaalam ko. What's the meaning of that, dude?" nakangising tanong ni Cullen sa pinsang unggoy.

Ano 'to? Puro kissing scene na lang ba pag-uusapan namin? Hindi ba sila marunong makiramdam na sobrang awkward na para sa part ko?

"Well... bigla ko na lang kasi naramdaman na gusto kong halikan si Amethyst." sagot ni Cloud na siyang nakapag-painit ng dugo ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin bago ako nag-walk out. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin yun sa harap ng mga classmates namin?

Gigil na gigil akong dumiretso sa dressing room at doon padabog na naupo sa harap ng salamin. Tinatawag nila ako kanina nung nag-walk out ako pero di ko na sila nilingon. Naiinis ako at parang ayokong makita ang pagmumukha ng Cloud Montero na yun! Hindi dahil sa awkward ako kundi dahil sa naiinis talaga ako sa kanya. Ano yun, hahalikan niya lang ako kung kelan niya gusto? Ang kapal huh!

"Amethyst—"

"What are you doing here? Get out! I don't want to see your face anymore!" sigaw ko ng makita ko siyang pumasok. Pero imbes na lumabas ay isinara lang niya ang pinto saka ni-lock.

"Amethyst, let's talk." he started.

"Why did you do that? Why did you kissed me?" inis na tanong ko at sa sobrang inis ko ay di ko na napigilang umiyak. The hell. "Pinaglalaruan mo ba 'ko Cloud? Siguro iniisip mo na nagustuhan ko yung ginawa mo kasi alam mong gusto kita? Ganun ba kadesperada ang tingin mo sa akin?"

"N-no. It's not like that Amethyst."

"Then tell me!" sigaw ko sa kanya, "O baka naman...pinapaasa mo lang ako kasi nag-eenjoy kang may nagkakagusto sayo? Sa tingin mo ba kina-guwapo mo 'yang pagpapaasa mo?"

"Can you please listen to me first?"

"Bakit di mo na lang kasi ako diretsahin? Ano? Sabihin mo yung totoo! Siguro iniisip mong uto-uto ako? Ano, Cloud? Sumagot ka!" inis na inis pa ring tanong ko sa kanya at lalo lang akong nakaramdam ng matinding inis ng di siya sumagot at yumuko lang sa harap ko, "See? Wala kang masabi dahil tama ako? What the heck Cloud! Kung iniisip mong—"

"I LOVE YOU! I'VE FALLEN INLOVE WITH YOU AMETHYST! SATISFIED?!" he shouted annoyed, "Damn."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at feeling ko na talagang huminto ang ikot ng mundo dahil sa mga sinabi niya. Shit. Bakit ganito ang tibok ng puso ko.

"K-kalokohan," I said stuttering ng bumalik ako sa katinuan.

"See? Tatanong tanong ka tapos di ka maniniwala?" inis na sabi niya sa akin.

"Pwede ba Cloud. Tama na ang joke please."

"Do you think I'm joking?"

"Bakit, hindi ba? Tss. Sinong niloko mo?"

"Wala akong niloloko, Amethyst. Ikaw lang 'tong ayaw maniwala sa akin."

"That easy? You think I will believe you that quick? What about Aileen then?"

"What about her?" he asked confused.

"Nung mga nakaraang araw si Aileen pa yung laman niyan," I pointed his chest, "Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo na 'ko? Ginagago mo ba 'ko?" sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Paano mo nalamang si Aileen pa ang laman nito?" he pointed his chest, "Amethyst listen... denying my feelings for you was the biggest mistake I've ever done. Napakatanga ko para i-deny sa sarili kong mahal na pala kita at nasasaktan na kita. Oo, gago nga siguro talaga ako kasi hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maamin sa sarili ko 'yun. Masyado akong nagbulag-bulagan. But please...believe me. Ikaw na 'yung tinitibok nito e." he stated and pointed his chest again.

Di ako sumagot at umupo lang ako muli sa may tapat ng salamin. I covered my face with my own two hands while crying. Masisisi ba niya 'ko kung hirap akong maniwala? Nagulat ako ng bigla niya 'kong yakapin mula sa likod at isinubsob ang mukha niya sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko sa salamin ang posisyon namin.

"I wouldn't do that fuckin' kissing scene in front of everyone if I don't love you. You know me very well, right? Does my fuckin' heartbeats not enough? Listen to it Amethyst, those heart beats will tell you everything because those heart beats can't lie." he seriously stated.

Dahan-dahan kong isinara ang mga mata ko ng marinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. "I love you too, Cloud." bigla na lang lumabas sa bibig ko at naramdaman ko ang biglang paghigpit ng yakap niya pagkatapos kong sabihin iyon kaya lalo kong narinig ang malakas na 'tibok ng puso niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako sa kanya. He put the strands of my hair at the back of my ear before he cupped my face while I am just staring at him. He wiped my tears using his thumb then he kissed me on my forehead down to my nose, "Can I?" he asked.

"You already kissed me. As if you're accepting no as an answer," I said smiling.

"You know me very well," he mumbled before he owned my lips. I kissed him back because why not? He's the man I love, "Thank you," he whispered smiling before he hugged me tightly. Feeling ko sasabog kami pareho sa sobrang lakas ng tibok ng puso namin. God, is this even real? Nangyayari po ba talaga 'to? Hindi naman po siguro ito panaginip, diba po?

"C'mmon, let's tell them." parang excited na sabi niya.

"Tell them, what?" nagtatakang tanong ko.

I was startled when he suddenly grabbed my hand and he intertwined our fingers, "This." he answered smiling saka niya ako iginiya patungong pintuan.

"Aray naman dude!" reklamo ni Cullen ng buksan namin ang pinto. Sabay sabay silang nagsiayos ng tayo at nagpatay malisya when they saw us. Napailing na lang ako at bahagyang natawa, mga chismoso't chismosa talaga.

"Hoy, kayo! Ano 'yang holding hands na 'yan, huh? Tapos na ho yung play baka nakakalimutan niyo." patutsada agad ni Trish ng mapansin ang magkahawak naming kamay ni Cloud.

"Ah, ito ba?" nakangising tanong ni Cloud na itinaas pa ang magkahawak naming kamay, "From now on, I will never let go of this hand." he added sabay tingin sa akin.

"Siraulo." I whispered rolling my eyes on him pero ang hirap magpigil ng ngiti.

"Oh bakit? Sinisiguro ko sa'yo, entrance lang sa mall ang makakapaghiwalay sa atin."

"Paano naman 'pag may kailangan mag-CR sa ating dalawa?" mapang asar na tanong ko sa kanya.

"Siyempre...hindi pa rin tayo maghihiwalay—aray! Joke lang naman e." natatawang banat niya ng kurutin ko siya sa tagiliran.

"Corny mo."

"Kilig ka naman?"

"Di kaya, duh."

"Ehem, ehem." sabay sabay na tikhim nung tatlo kaya nahinto kami sa harutan at binalingan sila, "Exit na ba kami? Mukhang nakakaistorbo yata kami sa inyo." nakangiwing sabi ni Trish.

"Puwede bang diretsahin niyo na kami kung para saan 'yang holding hands niyo at yung ipinakita niyo sa amin ilang minuto pa lang ang nakararaan? Gusto naming sa inyo mismo manggaling e." sabat naman ni Carl.

"Dude, c'mmon! Bakit ba nagho-holding hands ang isang babae at lalake?" tanong ni Cloud na di maalis alis ang ngiti sa mukha.

"Kasi... kasi trip nila?"

"Siraulo! Ikaw lang ang may trip na ganun dahil babaero ka! Kami na ni Amethyst, okay na?"

"F-for real?" nauutal na tanong nila ng sabay sabay.

"Ay? Gulat na gulat? Hindi ba't ito naman ang gusto niyo?" singit ko ng natatawa.

"I'm so happy for you best friend! Single no more, owrayt!" masiglang sabi ni Trish kaya tinawanan na lang namin siya and since kini-claim nga niyang siya daw ang Presidente ng fanclub ng loveteam namin ay agad niyang ipinagkalat sa lahat ang tungkol sa amin ni Cloud kasama sila Carl at Cullen.

Bigla naman nag-ring ang phone ko that's why I excused myself to them for a while para sagutin iyon, "Hello?" I answered.

{Hello, anak? It's me, your Mom. Napanood namin 'yung play ninyo and we're so proud of you.}

"T-thanks mom. Pakisabi din po kay Dad na thank you and...miss ko na po kayo."

{We missed you too, hija. Wala ka pa rin bang balak umuwi sa bahay natin? We're just waiting for you to come back home.}

"I'll think about it mom."

{We will wait hija. Just take care of yourself always, okay?}

"Opo."

{I love you.}

"I love you too, mom. Bye po." I said before I ended the call.

Bumalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako naglayas sa amin. Sa sobrang tuwa na nararamdaman ko ngayon, nakalimutan kong mayroon pa pala akong problema. Problemang hindi ko alam kung paano maso-solusyunan dahil 'yung ginawa namin solusyon ni Trish ay failed. Consistent ang parents ko at alam kong pag bumalik ako sa bahay ay ipiplit na naman nila sa akin ang pagpapakasal.

Napatingin ako kay Carl who looks happy talking with Trish. Alam na kaya niyang ako ang future wife niya? Napailing ako. Obvious namang hindi pa kasi kung alam niya e di sana he already confronted me about it. Trish is truly my bestfriend dahil sa araw araw na magkasama sila, hindi niya talaga sinabi kay Carl ang tungkol doon.

Ibinaling ko naman ang atensiyon ko kay Cloud na masayang nakikipag asaran sa pinsan niyang si Cullen. Masaya ako, sobrang saya ko pa nga e as in nag uumapaw, 'yung tipong walang mapaglagyan. Hello? Ikaw kaya mahalin pabalik ng taong mahal mo? Pero...what if malaman niyang naka-arranged marriage ako sa bestfriend niya? Napapikit ako ng mariin at napabuntung-hininga. Ayokong saktan siya. Mahal na mahal ko si Cloud. Alam kong walang lihim ang hindi nabubunyag but for now, go with the flow na lang ako.

"May problema ba?" biglang tanong ni Cloud na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.

"Wala, masaya lang ako." I answered smiling then I hugged him.

"Parang di naman halata."

"Tss. Hindi pa ba sapat 'yung sabihin ko sa'yong mahal na mahal na mahal kita?"

"Kinikilig ako Amethyst," aniya. Kahit di ko siya nakikita dahil nga nakayakap ako sa kanya, alam kong nakangiti siya ng bonggang bongga. Pustahan nakakagat labi pa 'yan.

"Tss, bading." pang-aasar ko.

"Hinahamon mo 'ko ah. Parang gusto mo ata ng isa pang kissing scene e, ano?" he whispered at biglang nagtayuan ang balahibo ko dahil pakiramdam ko ay inaakit niya ako. Omg, marupok lang akong babae at mabilis matukso. Joke.

"HEY! GET A ROOM LOVE BIRDS!" pang-aasar nila Cullen kaya mabilis akong humiwalay kay Cloud pero hinatak niya lang ako pabalik at niyakap ulit.

"Hayaan mo sila, inggit lang 'yang mga 'yan." natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako.

************

Tahimik lang ako buong biyahe ng ihatid ako ni Cloud sa unit ko. Alam kong nawi-weirduhan na siya sa akin dahil panay ang sulyap niya habang nagda-drive.

"Kanina ka pa tahimik ah. May nangyari ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" sunud-sunod niyang tanong ng makarating kami sa tapat ng unit ko.

"E kasi..." hindi ko alam kung bakit nahihiya akong ituloy 'yung sasabihin ko at ang malala pa, nahihiya rin akong tingnan siya. Napakamot na lang ako sa batok ko and I bit my lower lip.

"Damn, can you please stop acting cute Amethyst? It makes me want to kiss you right now."

Kinuot ko siya sa tagiliran dahil sa kalokohan niya na tinawanan lang niya, "Baliw ka talaga," nasagot ko lang.

"Ano nga kasi 'yon? What keeps on bothering you? Tayo naman na diba? No need to be secretive."

"Iyon na nga e. Tayo na...agad-agad."

"Then?"

"Hindi mo man lang ako... alam mo 'yon, n-niligawan. Feeling ko kasi easy to get ako." I answered stuttering habang nakayuko.

Nagtataka naman akong nag-angat ng tingin sa kanya ng marinig ko siyang natawa sa sinabi ko. Nagseryoso naman siya bigla ng samaan ko siya ng tingin atsaka bumuntung-hininga. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at tinitigan ako habnag hawak ang dalawa kong kamay, "Huwag na huwag mong iisiping easy to get ka, okay? Hindi ka ganun, sadyang mahal mo lang talaga ako. Yes, we're already in a relationship but I promise...araw-araw kitang liligawan and I will treat you like a princess. I can be your slave, love. You're a prize, Amethyst—more than a jackpot prize." he stated which made my heart fluttered, "Alam kong kinikilig ka kaya sige na. 'Wag mo ng pigilan. You can do everything to me starting today because I am officially yours," he added with a playful smile.

"Tss. Yabang."

"At ikaw, no more Jace na okay?"

"Pero—"

"So mas mahal mo siya kaysa sa akin?"

"Hindi naman sa ganun but—"

"No more buts my girl. He likes you a lot. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero kasi...ah basta! Nagseselos ako!" sumimangot pa siya ng sabihin niya iyon kaya ako naman ang natawa dahil sa inasal niya. Naiinis ako sa kakyutan niya, "Sige na pasok na tayo para—"

"A-anong pasok na tayo? Unit ko 'to baka nakakalimutan mo?"

"Alam ko. Magluluto lang ako para sa dinner natin then I'll go home. Alam ko kasing gutom na ang prinsesa ko e." nakangising sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Ewan ko sa'yo." nasagot ko na lang sa sobrang kilig saka ako nagpatiunang pumasok.

Dumiretso ako ng kuwarto at nag-lock ng pinto. Maliligo muna ako dahil feeling ko ang sticky ko na, eew. Sinigurado ko namang naka-lock 'yung pinto ng kuwarto ko bago ako pumasok ng shower room. Mahirap na, lalake pa rin 'yun si unggoy no. Anong malay ko baka may tinatagong kamanyakan pala 'yon sa katawan. Joke lang! Mahal ko naman 'yon, naninigurado lang ako.

After ko mag-shower ay isinuot ko ang spaghetti strap ko na damit na medyo fitted at short shorts. Ganito lang suotan ko kapag nasa loob lang ako ng bahay. Lumabas ako ng kuwarto pagkatapos ko magbihis at naabutan kong busy si Cloud sa kitchen habang ako naman ay busy sa pagpupunas ng basa kong buhok.

"Love, matagal pa ba 'yan? Nagugutom na ako," sabi ko ng naka-pout dahilan para lingunin niya ako. Nagtaka naman ako ng mapalunok siya at hindi pa rin binabawi ang mga titig niya, "W-why? Madumi pa rin ba ang mukha ko?" I asked.

Nagulat naman ako ng dali-dali siyang lumapit sa akin at itinulak ako pabalik ng kuwarto ko.

"Teka, ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kanya.

"Magpalit ka." matipid niyang sagot without looking at me.

"Eh? Magpalit ng alin?"

" 'Y-yang suot mo."

"Why? Ano bang mali sa suot ko? E ganito naman talaga sinusuot ko kapag nandito ako sa bahay."

"Ah basta. Mag-pajama ka o mag-palda ng hanggang talampakan basta magpalit ka."

"Ang o.a mo, tss." inis ko pang sabi sa kanya bago ko padabog na isinara ang pinto ng kuwarto ko.

Humarap ako sa salamin para titigan ang sarili ko at doon ko lang na-realized na sobrang iksi pala talaga ng suot kong short at hapit na hapit sa akin 'yong spaghetti strap kong damit. Kainis, di talaga ako nag-iisip aish. Mamaya isipin niya na inaakit ko siya.

Mabilis akong nagpalit ng sweat shirt at pajama saka ako lumabas ng kuwarto. Muli akong dumiretso sa kitchen at naabutan ko siya doon na busy na ulit sa pagluluto. Nakaharap siya sa stove kaya 'di niya alam na pinagmamasdan ko 'yung ginagawa niya. Ewan ko ba bakit natutuwa akong pagmasdan siyang may suot na apron habang busy sa pagluluto ng dinner namin. Lakas maka-'mag asawa' feels e.

Sa sobrang tuwa ko dahil sa mga naiisip ko ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod, "Sorry na love. Promise, hindi na ako magsusuot ng ganun." malambing na sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Aba, dapat lang. Lalake ako Amethyst and you know... I have my needs too." malokong sagot niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ang sabihin mo manyak ka lang talaga. Ako pa talaga ang mag-a-adjust para sa'yo ah? Tss."

"Seryoso ako sa sinabi ko pero pinipigilan ko lang dahil nirerespeto kita kasi mahal na mahal kita kaya sana naman makipag-cooperate ka. Huwag mo naman akong akitin love dahil isa lamang akong marupok na nilalang."

"Hindi kita inaakit no, ang kapal mo talaga!" aalis na sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero hinawakan niya ang mga kamay ko atsaka niya 'ko hinarap. Ipinulupot niya ang mga kamay ko sa bewang niya and then he cupped my face.

"Alam mo ba kung anong feeling ko ngayon?" biglang tanong niya.

"Ano?"

"Feeling ko...mag-asawa na tayo."

"Tss, gaya-gaya." I said then rolled my eyes.

"So...ganun din pala ang iniisip mo?" ngiting ngiti na tanong niya na para bang kilig na kilig kaya tumango lang ako, "Aish, Amethyst! Ano? Pakasal na tayo?"

"Alam mo..."

"Ano?" tanong niya na hindi pa rin maalis ang mga ngiti.

"Ang landi natin. Kain na tayo, nagugutom na 'ko e." natatawang sagot ko sa kanya kaya bigla siyang nag-pout. Bading talaga.

**********

Months have already passed and Cloud never fail to make me fall inlove for him everyday. He makes me smile and never fail to prove that he really loves me. Kahit palagi ko siyang inaaway, siya pa itong palaging sumusuyo sa akin. Tinupad niya rin ang pangako niyang araw araw niya akong liligawan. So, ganito pala ang feeling mahalin ng isang Cloud Montero?

"Love, matagal ka pa ba diyan? Male-late na tayo." he shouted asking while knocking the door of my room.

"Nandiyan na po, excited ka naman masyado love. Miss mo na agad ako?" I teased pagkalabas ko ng kuwarto.

"Nagpaganda ka na naman kaya ang tagal tagal mo. Sinabi ko naman na sa'yong hindi mo na kailangan mag-ayos ng sobra diba? Kahit basahan pa ang suot mo at puno ng grasa 'yang mukha mo, para sa akin ikaw pa rin ang pinakamaganda."

"Alam ko naman 'yon love matagal na pero...papasok kasi si Jace ngayon. I need to be the prettiest in front of my crush, diba?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nakakatuwa kasi siyang asarin dahil pikon masyado lalo na kapag nagseselos. Ang cute cute niya, kainis.

"Ah ganun?" nakapamewang niyang tanong. Ayan, galit na siya hahaha, "Oh sige alis na muna ako," dagdag niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa first love ko, kay AILEEN." nang-iinis na sagot niya na siyang nakapagpawala ng malokong ngiti ko.

"Go! Magsama kayong dalawa!" sobrang inis na sabi ko saka ako padabog na lumabas. I heard him chuckled when he followed me. Gago talaga.

Hindi ako umiimik buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa school. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at kinuha ang gamit ko pero 'di ko pa rin siya pinapansin. First love pala ah, tss.

"Love, galit ka pa rin ba?" inosenteng tanong niya. Naglalakad na kami sa ground ngayon, "Ui love...pansinin mo naman ako," pangungulit niya pero hindi pa rin ako umiimik at patuloy lang ako sa paglalakad, "Love naman e. Joke lang naman 'yon, mas mahal naman kita siyempre."

"Pero kagaya nga ng sabi mo kanina, she's still your first love." naiiyak ng sagot ko sa kanya. OA na kung OA pero nasaktan ako dun e. Naisip ko kasi 'yung kasabihan na first love never dies. Paano kung mahal pa nga niya si Aileen?

Tuluyang bumagsak ang mga luha dahil sa naisip ko iyon. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hatakin palapit sa kanya atsaka ako niyakap ng mahigpit. Wow, gumawa na naman ng eksena ang unggoy. Nasa gitna pa kami ng ground at ang daming nakatingin sa amin.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at marahang pinunasan ang mga luha ko, "Oo nga...si Aileen ang first love ko pero ikaw naman 'yung true love ko. May doubt ka pa rin ba sa nararamdaman ko sa'yo? Gusto mo ba pakasal na tayo ngayon para masiguro mong iyung-iyo ako. Ano?" nagtaas baba pa siya ng kilay niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Tss."

"Seryoso ako. Pakakasalan talaga kita ora mismo kapag ginusto mo."

"Siraulo." nasagot ko na lang habang natatawa.

"So, bati na tayo?"

"Oo na. Alam ko kasing 'di mo 'ko titigilan."

"Oo, 'di talaga kita titigilan kahit anong mangyari. 'Tsaka alam ko namang hindi mo 'ko matitiis kasi mahal na mahal mo 'ko diba? Patay na patay ka pa nga sa akin e."

"Wow, 'yung confidence level mo 'di ko na ma-reach."

"Sa'yo lang naman ako ganito e. Kaya ikaw 'wag na 'wag mo na akong pagseselosin ah? Nasasaktan rin kaya ako."

"Oo na. Sorry na din love, hehe 'di na mauulit promise." kumabit ako sa braso niya at nag-puppy eyes. Ako naman itong nanunuyo ngayon but I was startled when he gave me a peck on my lips kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. Natawa na lang din ako at magkahawak kamay na kaming naglakad papunta sa room.

**********

Chemistry ang subject namin ngayon at may activity agad na pinagawa si Ma'am pero by partners. Unfortunately, hindi si Cloud ang partner ko at kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana e si Jace pa ang nakapartner ko.

From: Mahal kong Unggoy

I am watching you.

Mabilis akong tumingin sa puwesto nila ng partner niyang si Cullen ng mabasa ko ang text niyang iyon. Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya tinanguan ko siya at nginitian ng pagkatamis-tamis.

"I love you." I mouthed.

Natawa naman ako ng bigla siyang hampasin ni Cullen ng module dahil hindi ito nakikinig sa mga pinagsasabi niya at nasa akin lang ang atensiyon na akala mo naman e kakainin ako ni Jace ng buo.

"Napaka-seloso pa rin," biglang usal ni Jace kaya nalipat ang atensiyon ko sa kanya, "Parang na-miss kong buwisitin ngayon si Cloud," bulong pa niya at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinaplos ng marahan ang buhok ko.

"J-Jace..." I uttered. Ano bang ginagawa niya? Gusto niya bang maging tropa ng maaga si San Pedro?

Pero mas lalo akong nabigla ng ilapit niya ng sobra ang mukha niya sa akin at bumulong, "One...Two—"

Napasinghap ako ng may humatak sa akin palayo kay Jace. 'Wag na kayong magtaka, isa lang naman ang gagawa nun. Oo si Cloud.

Natatawang tumayo si Jace ng nakapamulsa, "Hindi man lang umabot sa three 'yung countdown ko," he said laughing.

"Stop flirting with my girl dude." sobrang seryoso na sabi ni Cloud sabay hatak sa akin palabas ng room.

"I missed you too, dude! Pfft!" narinig ko pang pahabol ni Jace.

Ano kayang natira ni Jace ngayon at naisip niyang buwisitin 'tong si Cloud na para ng dragon na bubuga na ng apoy anytime. Buti na lang nasa faculty si Ma'am at tapos na kami ni Jace sa activity kung hindi malamang, panibagong eksena na naman.

Dumiretso kami sa pinakadulo ng hallway malapit sa may fire exit kung saan walang tao. Isinandal ako ni Cloud sa pader at ikinulong sa mga braso niya. Napalunok pa 'ko ng titigan niya ako ng sobrang seryoso. I think he's turning into monster any minute from now.

"L-love...binibiro ka lang naman ni Jace e. K-kahit ako nabigla sa...s-sa ginawa niya." I explained stuttering. Hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagkakaganito dahil sa dami ng lalakeng lumalapit sa akin, kay Jace siya pinaka nagseselos.

"Nababaliw na 'ko ng dahil sa'yo, Amethyst. Hindi ko alam kung paano kita itatago, ayokong may ibang humahawak sa'yo." aniya. He looked so frustrated.

"Tss. Paranoid ka lang. Alam mo namang sa'yo lang ako diba?" I assured him pero for the nth time ay napalunok na naman ako dahil sa mga titig niyang nanlalamon ng buo. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napasinghap pa 'ko ng bigla niya akong halikan sa leeg at habang tumatagal ay nararamdaman kong para siyang bampirang sinisipsip ang dugo ko dahil sa padiin ng padiin niyang halik.

"C-Cloud..." tawag ko sa kanya pero hindi siya natinag. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko pwedeng ipahalata sa kanyang ginugusto ng katawan ko ang ginagawa niya. Fvck, we're not even in the right place to do this. Kinilabutan ako sa naiisip ko. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? "C-Cloud, what are you doing?" lakas loob na muling tanong ko. Ni hindi ko siya maitulak dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas at nanlalambot ang tuhod ko. Nakakapanghina ang ginagawa niya.

Para akong nabunutan ng tinik ng huminto siya sa ginagawa niya pero muling bumalik ang kaba ko ng salubungin ko ang mga titig niya, "I am just marking my territory." he gritted his teeth after he said that before he owned my lips. Pareho kaming naghahabol ng hininga after a minute at hindi pa rin nawawala ang mga titig niyang pamatay, "I told you already na iba ako magselos. Isang lapit pa ni Jace sa'yo, mamarkahan ko 'yang buong katawan mo." dagdag niya at doon sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.

"A-anong ginawa mo?" tanong ko kahit pakiramdam ko alam ko na kung anong ginawa niya.

He didn't answer my question instead, he just gave me his playful smile.

"Give me your phone," I demanded. Nagtataka man siya ay inabot niya pa rin sa akin ang cellphone niya. Nasasalaminan ang phone niya because of the screen protector at 'yon ang ginawa ko para malaman kung tama ang hinala ko sa ginawa niya sa leeg ko and hell! I was right! Nilagyan niya ako ng kissmark! "Damn you pervert!" inis kong sigaw sa kanya.

"Don't worry Love, hanggang diyan lang muna ang gagawin ko. The rest will happen right after we got married. Huwag mo lang akong pagseselosin ulit kasi baka mapaaga." he said smiling sabay wink.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hinawakan niya lang ako sa kamay at hahatakin na sana ako pabalik sa room namin pero pinigilan ko siya, "Sa tingin mo makakapasok ako ng ganito? How am I going to hide this?" I asked annoyed pointing the kissmark he did on my neck.

Natatawa siyang hinarap akong muli. Tinanggal niya ang ponytail ko at ipinatong ang buhok ko sa balikat dahilan para matabunan ang leeg ko. Galing, ang bilis talagang gumana ng utak nito kapag nakagawa ng kalokohan.

"I love you so much, Love." he suddenly whispered 'tsaka ako hinalikan sa noo. Sus, pampalubag loob pero infairness nawala 'yung inis ko bigla buwiset talaga. Dinadaan ako sa pagpapakilig.

Pagkabalik namin sa loob ng room ay nakayuko lang akong dumiretso sa upuan ko. Ni hindi ko maigalaw ang ulo ko. Feeling ko kasi kaunting galaw ko ay may makakakita ng ginawang kagaguhan ni Cloud. Lecheng 'yon talaga.

"Amethyst, nagsabunutan ba kayo ni Cloud? Ang gulo ng buhok, akin na ayusin ko—"

"No!" mabilis kong inilayo ang sarili ko kay Trish nung akmang hahawakan na niya ang buhok ko.

"Aayusin ko lang naman e. Ang arte mo talaga, ginto 'te?"

"K-kaya ko na ang sarili ko. And besides, baka kasi magulo 'yung pagkaka-curl no," palusot ko.

"Okay fine. Saan ba kayo galing ni Cloud at bakit ganyan hitsura mo? Para kayong may ginawang kababalaghan."

"Sira ka talaga."

"Joke lang. Nag-away ba kayo? Nakita ko 'yung ginawa ni Jace kanina at 'yung eksena nila ni Cloud. My gosh, anong feeling ng pinag-aagawan?"

"Anong pinag-aagawan sinasabi mo diyan? Pinagtripan lang ni Jace si Cloud at alam mo naman kung gaano kaseloso 'yung unggoy na 'yun 'diba? Kulang na lang itago ako sa bulsa niya."

"Pero mahal mo?"

"Siyempre, tinatanong pa ba 'yan?" natatawang sagot ko.

"Ay, shet kilig!" nakangisi pang sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko. Napaka-supportive talaga ng gaga, pero infairness muntik na 'ko kanina ah.

***********

"Wala bang clue kung saan tayo pupunta mamaya?" he asked while driving.

"Basta, surprise ko yun sa'yo. Palagi na lang kasi ikaw ang nagsu-surpise e. This time, ako naman and I'm sure na matutuwa ka." I answered smiling.

"I don't know what to feel, Love. This is the first time na nagyaya ka ng date. Nae-excite ako na kinakabahan."

"Basta ite-text na lang kita kung saan. Doon na lang tayo magkita."

Hinatid na niya ako sa unit ko at umalis rin siya agad para mag-prepare sa date namin maya-maya. Pagkaalis niya ay nag-shower agad ako at namili ng isusuot. Sinukat ko isa-isa ang damit ko at humarap sa salamin. Gosh, ang hirap mamili. You know why? Lahat kasi bagay sa akin! Damn, ang hirap talaga maging maganda.

After I put my make up on, tadaah! Isa na akong dyosa! Ay, wait. Dyosa na pala talaga ako since birth. So ayun, after my preparations I went to the exclusive restaurant kung saan kami magkikita ni Cloud at kung saan naghihintay sila mommy at daddy. Yes, iyon ang ang surprise ko kay Cloud. Ipapakilala ko na siya sa parents ko and I can't wait to see his reaction. Kahit hindi niya sinasabi, alam kong gusto niyang makilala at makilala siya ng parents ko. About his parents naman, ako na ang nagsabing huwag na muna. Nakakapagtaka nga 'yon e kasi sinang-ayunan niya agad. Well anyway, bukod kasi sa kinakabahan ako e gusto ko munang makilala siya ng parents ko. 'Tsaka hindi ko pa naso-solve 'yung problema ko. Para na rin iurong nila 'yung pinaplano nilang arranged marriage because I can't imagine my future without Cloud. Ang corny pero totoo 'yon.

"Hija, anak...Oh my gosh, I missed you so much...I missed you my princess," sinalubong agad ako ni mommy ng yakap at halik pagkakitang pagkakita niya sa akin.

"I missed you too, mom." I said.

"You look pretty, hija. You really are my daughter."

"Of course, mom," I joked. After that, kinakabahan akong lumapit kay dad na seryosong nakaupo lang, "D-dad," I mumbled 'tsaka ako yumuko para bumeso sa kanya.

"I missed you...my princess," biglang sabi ni dad kaya napaluha ako ng wala sa oras. Tears of joy, ano ba!

Umupo na ako sa harap nila at 'yung bakanteng upuan sa tabi ko ay para kay Cloud. Damn, I am struggling to hide this too much excitement I'm feeling right now.

"May hinihintay pa ba tayo, hija?" mom asked.

"Ah, yes mom. Parating na rin po siya," sagot ko ng nakangiti as if on cue biglang bumukas ang glass door ng restaurant at pumasok si Cloud so I raised my hand para makita niya 'ko, "Love, here!" tawag ko sa kanya.

Naglalakad siya ng nakangiti palapit sa table namin pero tila naestatwa siya at nawala ang mga matatamis niyang ngiti ng lingunin siya nila mommy at daddy.

Tumayo ako at todo ngiting lumapit sa kanya at kumabit sa braso niya para pormal siyang ipakilala sa parents ko, "Mom, Dad... I want you to meet—"

"Mr. Cloud Montero," dad cut me off.

"Cloud, hijo! Long time, no see. How's your parents? It's been a while since the last time we met,"masiglang bati sa kanya ni mommy na para bang tuwang tuwa siya makita si Cloud.

"G-good evening po, Mr. and Mrs. Tuazon," nauutal na bati ni Cloud sa kanila.

Teka, anong nangyayari?

"Wait, you already know each other?" nagatatakang tanong ko sa kanila.

"L-love...I-I'll explain everything to you," mukhang worried na sagot ni Cloud sa akin.

"Cloud Montero is your future husband. Siya 'yung gusto naming ipakilala sa'yo noon pa," dad stated and he's already smiling like he won a lottery.

"F-future husband?" di makapaniwalang tanong ko.

"A-Amethyst..." halos pabulong na tawag sa akin ni Cloud pero blangko na ang ekspresiyon ko ng balingan ko siya.



~~~~~

Author's Note: Hey, guys! Sorry nag hiatus ako for almost half a year. Something unexpected happened but now I'm back! Sorry for this super duper late update! Thank you sa mga naghintay at mga nangulit na mag-update ako hahaha, here it is! I'll post later the chapter 41, pambawi hahaha. Lavyaaah~

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 575 22
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
86K 3.9K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...