12 Gifts of Christmas: The Gi...

By xoxoxxbelle

40.3K 1.1K 74

"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." ... More

1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12

2

3.9K 103 0
By xoxoxxbelle

"I THOUGHT you'd be here."

Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Landis at nginitian si Emily. Nasa Casa Carillo siya nang umagang iyon kung saan naroon ang kanyang opisina. Partner na siya sa ipinatayong kompanya ng kaibigang si Jem na isang architect at developer. Nagkakilala sila dahil sa kanilang mga therapist, naging grief buddies. Nang malaman ni Jem na nagtapos siya ng civil engineering at lisensyado, madalas na nitong kunin ang kanyang serbisyo hanggang sa alukin siya nitong maging partner. Hindi siya makatanggi dahil nakita kaagad niya ang napakagandang oportunidad. Mabilis ang paglago ng kanilang kompanya. Pumasok siya kahit na holiday upang matapos na ang ilang trabaho na nakabinbin. Wala rin naman siyang ibang gagawin.

"Come in and have a sit," nakangiting sabi ni Landis kay Emily. Tumayo siya at hinagkan ang dalaga bago inalalayang makaupo sa isa sa mga visitor's chair. Tinungo niya ang personal ref na nasa gilid ng silid at naglabas ng maiinom mula roon. "What can I do for you today?" aniya matapos niyang makabalik sa upuan sa likod ng desk. Hindi nagmamaliw ang ngiti sa kanyang mga labi. It had always felt good to see Emily. She reminded him so much of happy memories. Si Emily ang kanyang nakasama sa paglago, sa kasiyahan at sa pagdadalamhati. He once thought he would marry this woman, grow old with her. He once firmly believed she was it for him.

"December one na bukas," ani Emily sa tinig na bahagyang nag-aalangan.

Tumango si Landis. "Yeah, I know. Pasko na."

"Baka nawaglit sa isipan mo--"

"You're going on a trip tomorrow," pagtatapos ni Landis sa sinasabi ni Emily. Noong Setyembre pa lang ay binanggit na nito ang tungkol sa nakaplano nitong pag-alis ng bansa. Kasama ni Emily si Paul, ang nobyo nito ng dalawang taon. Iyon ang unang pagkakataon na bibiyahe ng ibang bansa ang dalawa na magkasama. Noong una ay nagulat siya nang itinaon ng magkasintahan ang pag-alis ng bansa sa buwan ng Disyembre. Pagkatapos ay nais niyang magalit kay Paul. Inakala ni Landis na naiintindihan ng nobyo ni Emily ang sitwasyon. Ngunit kaagad din nabura ang nakaambang galit nang sabihin ni Emily na ito ang may gustong umalis ng Disyembre. Ninais magalit ni Landis kay Emily.

Hindi niya ipinakita ang totoong nararamdamdam, gayunpaman. Ipinakita niyang okay lang, walang kaso sa kanya kahit na mawawala si Emily sa buong buwan ng Disyembre. Ngunit paglaon ay nakapag-isip-isip din siya. Inilagay niya ang sarili sa sitwasyon ni Emily. His ex-girlfriend was trying to have a new life. She was starting over again. They had moved on a long time ago but starting over had been another struggle. Emily was more than ready. She found Paul. She found another love and a perfect guy. Nakita ni Landis na mahal na mahal din ni Paul si Emily. He had been patient and kind.

Naintindihan ni Paul ang pinagdaanan ni Emily at na parte si Landis sa buhay ng nobya. Tinanggap nito ang role ni Landis sa buhay ni Emily. Nabatid ni Landis na wala siyang tutol kung nais nang magsimula ng bagong buhay ni Emily kasama si Paul. Magiging masaya siya na kaya nang magsimula ng pamilya ni Emily. Kanyang nabatid na hindi por que wala sa bansa ay hindi na aalalahanin ni Emily si Olivia, ang kanilang namayapang anak. Saan mang panig ng mundo sila naroon, anumang buwan, patuloy nilang aalalahanin at mamahalin si Olivia.

Nabatid ni Landis na hindi naging madali para kay Emily na umalis sa buwan ng kamatayan ng kanilang anak. Hindi niya kailangang mas pahirapan pa ang ina ng kanyang anak. He just had to let her be happy. Christmas gift na niya ang bagay na iyon kina Emily at Paul.

"Huwag mong kalilimutan ang mga pasalubong ko," ang nakangiting bilin ni Landis. "Take a lot of pictures at inggitin mo ako."

Napangiti nang maluwang at matamis si Emily. Bumadya ang relief sa mukha nito. May mababakas pang kaunting guilt sa mga mata nito ngunit sisikapin ni Landis na burahin iyon.

"I know I shouldn't--"

"You should. You deserve this trip. You deserve to be happy. Olivia would want you to go."

Kaagad pinamasaan ng mga mata si Emily pagkarinig ng pangalan ng kanilang anak. "Hindi niya iisipin na--"

"Hindi kailanman iisipin ni Olivia na iniwanan mo siya. You'd take her. I know. Everyone knows she's in your heart. Always."

May akma sanang sasabihin si Emily ngunit puno ng pag-aalangan ang mukha nito kaya inunahan na naman ito ni Landis.

"Ako na ang bahala sa mga nakakaalala pa. Ako na ang bahala sa lahat at wala ka nang dapat na aalalahanin pa. Just have fun. When Paul asks you to marry him, just say yes. Halos dalawang taon ka niyang sinuyo bago ka mapasagot. Dalawang taon na kayong magkasama. It's okay. Alam kong sinabi ko na iyon dati pero uulitin ko pa rin. It's okay, Ems."

Natuyo na ang mga luha sa mga mata ni Emily at nanumbalik ang magandang ngiti sa mukha nito. "Puwede bang hayaan mo naman akong magsalita? Patapusin mo naman ako sa mga sinasabi ko. Hindi mo alam ang lahat, Landis."

Nakangiting tumango si Landis. "Go. Say something."

"A part of me is reluctant to go but it's time, you know. I've always wanted to go visit other places. Tama ka sa sinabi mong nasa puso ko lang si Olivia at kasama ko siya saan man ako magpunta kaya hindi ako dapat nagi-guilty sa pag-alis ko. I'm not leaving her. I'm sure you really understood. I'm even certain you'd hit someone who would call me a bad mother for not being present on my daughter's death anniversary. Siguro lang, mas mapapalagay ako kung aalis ka rin para sa isang espesyal na paglalakbay. Siguro, talagang hindi na ako magi-guilty kung mayroon ka na ring Paul."

Banayad na natawa si Landis. "I'm straight, Ems. Ipapaalala ko lang kung medyo nakakalimutan mo na. I don't need a Paul."

"A Paula then. You know what I really mean, Landis. You also need someone. Ibabalik ko sa 'yo ang sinabi mo, it's okay. Olivia would want you to be happy."

Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Landis at walang anumang sinabi. Nais sana niyang sabihin na naging mapalad si Emily na natagpuan ang isang Paul. May mga pagkakataon na naiinggit siya, kailangan niya iyong aminin kahit man lang sa kanyang sarili. Hindi lang niya sigurado kung kasingpalad siya ni Emily. He tried. He was still trying. Hindi pa lang marahil dumarating ang tamang panahon para sa kanya. Wala pa ang tamang 'Paula.'

Napabuntong-hininga si Emily matapos pagmasdan ang mukha ni Landis. They had known each other for so long, she could tell what had been going through his mind at the moment. "There is someone out there for you, Landis. Magmamaktol at magrereklamo ako sa kinauukulan kung pagkakaitan ka ng isa pang pagkakataon. When the time is right, she'd walk in your life. She'd be everything I wasn't."

"Yeah. Maybe. Maybe not."

"Maglaan ka kaya ng panahon? What you're doing is awesome at alam ng lahat na kailangan ng mundo ng maraming katulad mo, pero hindi rin masama kung uunahin mo ang sarili mo paminsan-minsan. Ibinigay mo na ang halos lahat sa ibang mas nangangailangan. May mga pagkakataon na hindi masamang magmaramot sa mga mumunting bagay, Landis."

"Magpa-Pasko na, walang karapatan ang sinuman na magmaramot. Bukas, magsisimula na ang pinakamasayang buwan sa buong taon."

Napailing-iling si Emily. "Parehong-pareho kayong talaga ni Olivia."

"We love Christmas!" ang masaya at masiglang bulalas ni Landis. Disyembre ang pinaka sa lahat ng buwan para sa kanya. Pinakaabala, pinakamalungkot, at pinakamasaya.

"We do love Christmas," ani Emily. "Ito ang unang Pasko sa loob ng maraming taon na hindi tayo magkakasama sa araw ng Pasko." Inilabas ni Emily ang isang nakabalot na regalo mula sa bag. "Kaya ibibigay ko na ang regalo ko para sa 'yo ngayon." Inilapag nito ang regalo sa desk.

"I don't have anything for you yet," tugon ni Landis na napapangiwi. Bakit hindi niya kaagad naalala na aalis si Emily at kailangan ay maagang bilhan ng regalo para sa Pasko?

"It's okay. Alam kong isang linggo bago ang Pasko pa ang schedule mo para mag-shopping. Pagbalik ko na lang saka ko kukunin sa 'yo ang regalo ko."

Sabay silang napatayo at nagyakap. "Mag-iingat ka," banayad na bilin ni Landis. "Have fun."

"You also have fun here," ganti ni Emily habang tinatapik-tapik ang likuran ni Landis. "I hope you find someone special to be with this special holiday."

Natawa na lang si Landis. Nahihirapan siyang maniwala o umasa kahit na kaunti lang sa sinabing iyon ni Emily. He would be too busy. Ngunit hindi na niya kinontra ang dating nobya na naging matalik na niyang kaibigan sa mga nakalipas na taon. Hahaba lamang ang usapan at ayaw na niyang patuloy na mapaalalahanan na mag-isa siya sa buhay.

Pag-alis ni Emily ay pumasok naman sa opisina ni Landis si Kevin, ang nagsisilbing assistant nila ni Jem. Masipag at matiyagang working student ang binata kaya sinamahan siya nito sa opisina para sa kaunting extra income. "Kuya Lan, mails mo po."

Tinanggap niya ang ilang envelope na iniabot nito sa kanya. Halos wala sa loob na inisa-isa niya iyon. Pinaghiwalay niya ang urgent at hindi gaanong urgent. Nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang isang kakaibang envelope. Kulay pula iyon at may mumunting dekorasyon ng pam-Pasko. Ang hula niya card ang laman niyon. Ang aga naman.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Landis nang mabasa ang pangalan ng sender. Kapagkuwan ay gumuhit ang isang magandang ngiti sa kanyang mga labi habang napapailing-iling. Handmade Christmas card. Tipikal na tipikal para kay Sir Kristofer Magdiwang na magbigay niyon. Binibigyan nito ang lahat ng mga estudyante nito ng handmade Christmas cards pagsapit ng Disyembre.

Matagal na silang hindi nagkikita ng dating guro. Minsan ay nagkakausap sila sa Facebook ngunit hindi sila nagkikita. Masasabing malapit siya sa guro. Noong huling taon ng high school, kay Sir Kristofer sila unang lumapit ni Emily. Tinulungan sila ng guro na kausapin ang kanilang mga magulang.

Binuksan ni Landis ang pulang sobre. Hindi siya nagkamali, isang handmade Christmas card nga ang nasa loob niyon. Ngunit hindi lang Christmas card ang natanggap ni Landis. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may kalakip na tseke sa card. Nalaglag siya sa kanyang kinauupuan nang makita ang nakalagay sa amount.

KAAGAD NARAMDAMAN ni Maeve na may tao sa loob ng kanyang apartment. Hindi niya inalis ang eye mask sa kanyang mga mata. Hindi rin siya nakaramdam ng anumang kaba o takot. Malamang na si Hannah, ang kanyang sister-in-law, lamang ang pumasok sa loob ng bahay. May sariling susi ang kanyang hipag. Si Hannah lamang ang tanging tao na pinapayagan niyang guluhin ang tahimik niyang mundo. Si Hannah ang tanging may pasensiya sa kanya. Ang hipag ang katangi-tanging tao na pilit pa rin siyang iniintindi.

Hinayaan ni Maeve ang sariling tangayin uli ng antok. Kabisado na niya ang routine ni Hannah. Alam niyang hindi nito titigilan ang kanyang apartment hanggang sa hindi nangingintab sa linis. She was a clean freak. Ang sabi nito ay paglilinis ang paraan nito ng relaxation.

Paglipas ng halos dalawang oras ay muling nagising si Maeve. Mas maganda na ang kanyang pakiramdam kaysa kanina. Hindi na gaanong mahapdi ang kanyang mga mata. Iyon ang unang mahaba-habang tulog niya sa nakalipas na apatnapung-walong oras. Paglabas niya ng kuwarto ay kaagad niyang nakita si Hannah sa sala at abala sa panonood ng pelikula sa laptop nito. Hindi nito narinig ang pagbukas ng silid dahil may nakapasak na ear phones sa mga tainga nito.

Walang telebisyon si Maeve. Hindi siya naengganyong bumili kahit na madalas siyang kulitin ni Hannah dahil alam naman niyang hindi niya magagamit. Hindi niya kailangan.

Nagtungo muna si Maeve sa kusina at naglabas ng maiinom bago sinamahan si Hannah sa sala. Hindi nakaligtas sa kanyang pansin na puno na ng mga pagkain ang kanyang ref. Nawala na ang mga leftovers na hindi niya maalala kung gaano na katagal nakaimbak doon. Malinis at mabango rin ang ref. Hindi niya kailangang buksan ang mga pantry upang malaman na maging ang mga iyon ay puno ng pagkain. Mas malinis at maaliwalas ang kanyang bahay.

Inalis ni Hannah ang earphones at isinara ang laptop nang maramdaman ang kanyang pag-upo sa tabi nito. Matamang pinagmasdan ni Hannah ang kanyang mukha. Pinigilan niya ang sarili na mapangiwi at hinintay na lang ang lecture ni Hannah.

"Mas payat ka ngayon kaysa noong huling beses kitang nakita," kaagad na puna ni Hannah. "You have not been eating properly." Nagpakawala ng buntong-hininga ang kanyang hipag. "Hindi na ako gaanong nagulat. Iginiit mong magtungo lang ako rito minsan sa dalawang linggo."

Kung si Hannah ang masusunod, nais nitong manirahan na sa kanyang bahay upang maalagaan at maasikaso ang bawat pangangailangan ni Maeve. Like her brother, Hannah was a caretaker. Tanging si Hannah na lamang ang nagmamalasakit kay Maeve.

"Ilang beses ko nang sinabi na kumain ka nang maayos. Naiintindihan ko na madalas mong makalimutan ang pagkain. You're busy torturing and mutilating people in your books. Pero sana ay mas magkaroon ka ng conscious effort, Maeve. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ito."

Umiling si Maeve. "I don't get sick." Totoo iyon at hindi lang basta sinabi upang payapain si Hannah. Isa siya sa mga taong hindi maipaliwanag ang immune system. Mula pagkabata ay payat na siya ngunit hindi siya kailanman naging sakitin. Mabibilang ang pagkakataon na nakadama siya ng hindi maganda sa kanyang katawan. She was strong. She had always been tough and strong.

Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Hannah. "Oo na, wonder woman ka. Pero darating din ang panahon na rurupok ang katawan mo dahil hindi ka kumakain nang tama. Darating ang araw na maiinis na ang bituka mo sa 'yo dahil hindi mo nilalamnan."

Natatawang napapailing si Maeve. Nailalarawan niya sa kanyang isipan ang sinasabi ni Hannah. Kaya minsan ay kinasasabikan din niya ang pagbisita sa kanya ng hipag. Napapatawa siya nito. Napapasaya kahit na paano.

"Seriously, eat properly, Maeve. Take good care of your body. Matulog ka nang maayos. Huwag mong masyadong karerin ang pagpatay ng mga tao sa nobela mo. Matulog ka nang tama--tamang oras at tamang haba. Nag-aalala akong talaga sa 'yo."

Hindi lang alam ni Hannah kung gaano kahalaga kay Maeve ang pag-aalala at pagmamalasakit na iyon. Sumasapat na iyon sa mga sandaling pakiramdam niya ay ganap siyang nag-iisa sa mundo. Kahit na paano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan sa tuwing maaalala niya na mayroon pang Hannah.

Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan siya pagmamalasakitan ng hipag? Hannah was a romantic. Hindi nito binabasa ang mga nobela ni Maeve sa kadahilanang hindi siya nagsusulat ng romance. She wrote horror novels. Gruesome and psychologically disturbing. Walang kilig at ibang-iba ang depinisyon niya ng happy ever after sa happy ever after ni Hannah. Hanggang ngayon ay hindi malaman ni Hannah kung paanong ang isang katulad ni Maeve ay nakapagsusulat nang ganoon. Nagsimula ang kanyang career bilang manunulat pagkatapos mamatay ng ama ni David.

Isa sa mga araw na ito, makakatagpo si Hannah ng lalaking mamahalin, lalaking magbibigay ng "happy ever after" na pakiramdam. Matutuon na roon ang halos buong atensiyon ni Hannah. Naniniwala si Maeve na hindi naman siya kalilimutan ng kanyang hipag, ngunit alam niyang mag-iiba na ang mga prayoridad nito na dapat lang naman.

Nakakamangha nga na nagtagal ang dalaga sa pag-aalaga sa kanya.

"I'm okay, Hannah. You don't have to worry," wika ni Maeve. Ganoon palagi ang kanyang linya kapag pinagsasabihan na siya ni Hannah.

"Hindi ko maiwasan kahit na madalas kong sabihin sa sarili ko na isa kang matatag na babae na kayang lampasan ang kahit na ano. Bakit hindi ka naman lumabas paminsan-minsan? Gusto mo bang mag-mall ngayon? Shopping?"

Umiiling na si Maeve hindi pa man natatapos si Hannah sa sinasabi. Wala siyang ganang lumabas at mamili. Hindi niya kailanman kinahiligan ang pag-iikot o pagtambay sa mall. Basta nasa kanya ang mga basic niyang pangangailangan, wala na siyang reklamo. Food, shelter, clothing. She had all those. Hindi na niya kailangan ng luho sa katawan. Hindi siya kailanman nagkaroon niyon. Hindi siya nagkaroon ng karapatan at kakayahan noon; wala siyang ganang i-exploit ang karapatan na iyon ngayon.

Muling napabuntong-hininga si Hannah. "What do you do with all your money? Your latest book had been on the bestseller's list for ten weeks." Napailing-iling ang kanyang hipag.

"Alam mo kung ano ang ginagawa ko sa pera. You invested them." Isang accountant at financial adviser si Hannah. She handled her money. Hindi naman na niya kailangang palaguin pa ang kanyang pera, ngunit pinagbigyan pa rin niya si Hannah sa gusto. Isang challenge para kay Hannah ang pagpapalago ng kanyang pera.

"Na kung hindi ko gagawin ay ipapamigay mo lahat," ani Hannah matapos itirik ang mga mata sa kisame. "Ikaw lang yata ang tanging tao na hindi masaya sa pagkakaroon ng limpak-limpak na salapi."

"Hindi kayang bilhin ng pera ang kaligayahan, Hannah."

"I know. At alam ko rin na hindi kayang ibsan ng salapi ang kalungkutan at pangungulila. Alam ko rin na nakakapagbigay kahit na paano ng ligaya at sense of purpose ang pagbibigay sa iba. Pero may hangganan ang pagtulong. Minsan ay kailangan mo ring isipin ang sarili mo, ang hinaharap. Aminin na natin, napakahalaga ng pera sa buhay ng tao. Sometimes, it can buy happiness."

"So you want me to go shopping? See if my happiness is in store and I can afford it?"

Nakangiting tumango si Hannah. "Malay mo rin naman. Spend some money on yourself. You're a girl. I'm sure may gusto kang bag o sapatos..."

Umiling si Maeve. "Why can't you just be a girl?" Iyon ang madalas sabihin sa kanya ni David. Hindi raw niya gusto ang karaniwang gusto ng mga babae. Hindi niya kailangan ng mga sapatos dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay. Madalas siyang nakayapak. Hindi rin niya kailangan ng mga damit sa kaparehong dahilan. Komportable ang mga lumang T-shirt ni David. Mayroon din siyang matibay na satchel bag na iniregalo rin sa kanya ni David. She got everything that she needed.

"December na po bukas, in case hindi pa po nagagawi ang mga mata ninyo sa kalendaryo. Time for shopping and gift giving. Kung ayaw mong mag-shopping para sa sarili mo, ipag-shopping mo 'ko."

Alam ni Maeve na nais lang siyang palabasin ng apartment ni Hannah. "Bibigyan na lang kita ng pera at ipag-shopping mo ang sarili mo. Baka hindi mo magustuhan ang ibigay ko sa 'yo, sayang lang ang pinambili at effort."

Marahas na napabuga ng hangin si Hannah. "You get it but you pretend you don't."

Ngumiti lang si Maeve.

"Siya, bahala ka sa buhay mo. Huwag kang lumabas kung ayaw mo. Bago ko makalimutan, mail mo. Ito lang ang katangi-tanging personal. Ako na ang bahala doon sa mga bill mo."

"I can pay those bills online, you know," tugon ni Maeve habang tinatanggap ang isang pulang envelope.

"Kung maaalala mo. Ilang beses ka na bang naputulan bago ko inako ang pagbabayad sa kuryente, tubig, Internet, at phone bills mo?"

Madalas talaga niyang makalimutan ang mga bagay na iyon noon. Minsan ay nagugulat na lang siya kapag biglang nagdidilim ang paligid. Nakalimutan niyang magbayad ng kuryente. Dati, si David ang nakakaalala ng mga ganoong bagay. Ang asawa rin ang madalas na magbayad.

Bahagyang nangunot ang noo ni Maeve nang mabasa ang pangalan ng sender ng hawak na envelope. "Galing kay Sir Magdiwang." Kilala ni Hannah si Sir Kristofer Magdiwang dahil pareho lang sila ng high school na pinasukan. Dalawang taon lang ang tanda ni Maeve kay Hannah. Naging adviser din nito noong high school si Sir Magdiwang.

"Nabasa ko nga. Huhulaan ko kung ano ang laman. Handmade Christmas card."

Napangiti si Maeve habang binubuksan ang pulang envelope. Pamoso ang Christmas cards ni Sir Magdiwang na ibinibigay nito sa mga estudyante nito tuwing Disyembre. Si Sir Magdiwang mismo ang gumagawa ng mga card. Hindi rin generic na mensahe ang nakalagay sa card. Nalaman ni Maeve noon na kilala pala siya ng guro dahil sa personal na mensahe sa card. Nakikita pala siya nito. Ikinagulat niya ang encouragement sa mensahe ng card. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata nang mabasa ang ilang mga papuri. Tanging si Sir Magdiwang lamang ang nakapansin ng mga bagay na sinikap niyang itago. Noong mga panahong iyon, tanging si Sir Magdiwang lamang yata ang nakakita sa kanya maliban kay David.

Christmas card nga ang laman ng envelope. Ngunit nang buksan niya ay nalaglag ang isang kapiraso ng nakatuping papel. Kunot ang noo na pinagmasdan niya ang papel na kalakip ng card. Tseke. Tumikwas ang isang kilay ni Maeve nang mabasa ang nakalagay sa amount.

Sinilip ni Hannah ang kanyang tinitingnan. Napasinghap ang hipag nang mabasa rin ang amount. "T-totoo ba 'yan?"

Nakatikwas pa rin ang isang kilay na nilingon ni Maeve si Hannah. "You're the accountant. Hindi ito ang unang pagkakataon ka na nakakita ka ng tsekeng may nakasulat na malaking halaga."

Namimilog ang mga mata na tumingin si Hannah kay Maeve. "Milyon pa rin 'yan, Maeve. Isang milyon. At ibinigay lang sa 'yo."

Ibinigay ni Maeve kay Hannah ang tseke na waring hindi malaki ang halagang nakasulat. "O, bahala ka na riyan." Tumayo na siya at akmang babalik sa loob ng silid ngunit maagap na hinawakan ni Hannah ang kanyang braso.

"Teka, hindi ka ba curious kung bakit pinadalhan ka ng tseke ni Sir Magdiwang?"

Nagkibit ng balikat si Maeve. Siyempre ay curious siya. Sa kanyang pagkakaalam ay hindi naman milyonaryo si Sir Magdiwang. Bakit siya nito binibigyan ng pera? Bakit ganoon kalaki? Kung pagtutuunan niya ng pansin talaga, mas marami pang tanong siyang mabubuo sa isipan. Siguro ay mas magiging interesado siya. Ngunit may ibang mga bagay siyang nais mas pahalagahan. Nais na niyang bumalik sa loob ng kanyang silid at humarap sa computer upang subukan kung may magandang epekto ang kanyang pagtulog. She was stuck. She had killed a character and she had been stuck ever since. Dalawang gabi siyang hindi natulog at pinilit ang sariling umusad ngunit hindi talaga siya makagalaw-galaw. Wala siyang maisulat. Wala siyang maisip.

Ang nobelang tinatapos muna ang nais pagtuunan ng pansin ni Maeve. Ayaw niyang abalahin ang sarili sa ibang bagay dahil ayaw na niyang pahalagahan ang ibang bagay. She was good at compartmentalization. Talento raw maituturing ang kakayahan na iyon, ang sabi sa kanya minsan ni David. Hindi raw lahat ng tao ay kayang isantabi ang ibang mga bagay at pagtuunan ng pansin ang isang bagay lamang.

"May nakasulat sa card," ani Hannah. Ang hipag na ang nagbasa ng mensahe sa Christmas card para sa kanya. "Iniimbitahan ka niya sa bahay niya bukas para sa isang agahan. Narito ang address at direksiyon."

Umiiling na si Maeve hindi pa man natatapos si Hannah sa sinasabi. Nais na sana niyang magtungo sa silid ngunit ayaw siyang pakawalan ng hipag. "Hindi ako interesado. Ayokong lumabas at magpunta sa bahay ng iba. Kailangan kong magsulat. I have a deadline." Bahagya siyang nagsinungaling sa kanyang huling pangungusap. May deadline siya, totoo iyon, ngunit matagal pa kung tutuusin. Bahagya niyang ipinag-aalala ang pagka-stuck niya sa gitnang bahagi ng nobela. It had never happened to her before. Alam niya palagi ang susunod. Malinaw palagi ang kahihinatnan ng kuwento. Alam niya naman kung paano tatapusin ang nobela, hindi niya lang alam kung paano makakarating sa dulo. Parang kailangan niya ng tulay upang makatawid ngunit hindi niya alam kung paano magsisimulang buuin ang tulay na iyon.

"Pupunta ka," ang mariing sabi ni Hannah. "It's the least you can do. This is a very nice gesture. Ihahatid kita sa address na ito bukas."

"May nakalagay ba riyan na kailangan ko talagang pumunta?"

"Wala naman."

"Iyon naman pala."

Pinandilatan ni Hannah si Maeve. "Binigyan ka ng tseke na may nakalagay na isang milyong piso at hindi ka man lang mag-aabala na puntahan ang matanda? Kailan mo ba huling nakita si Sir Magdiwang?"

Hindi na kailangang mag-isip ni Maeve. "Noong libing ni David."

Bahagyang ikinagulat ni Hannah ang kanyang naging sagot. Hindi na gaanong pinagtakhan ni Maeve ang reaksiyon na iyon. Inakala ng lahat na wala siyang nakikita, walang naririnig. She was catatonic. Kahit na anong paghahanda ang ginawa niya noon, kahit na paano siya inihanda ni David sa nakatakdang mangyari, waring nagunaw pa rin ang kanyang mundo nang mawala ang kanyang asawa. Gayunpaman, alam ni Maeve kung sino-sino ang mga nakipaglibing. Hindi siya gumagalaw at nagsasalita; ipinaubaya niya kay Hannah ang pag-estima sa mga nakikiramay, ngunit kilala niya kung sino-sino ang mga naroon.

"Alam mo naman siguro na malapit si David kay Sir Magdiwang," wika ni Hannah. "Tinulungan ni Sir si David na makakuha ng scholarship sa magandang university. Si Sir din ang nagbigay ng magandang recommendation para makapagtrabaho si David habang nag-aaral. Can you just visit the old man for David?"

Hindi kaagad nakatugon si Maeve at matamang nag-isip. Nakalimutan niya ang bagay na iyon. Madalas sabihin ni David sa kanya na malaki ang utang-na-loob nito kay Sir Magdiwang. Naalala niya na minsan din ay binigyan siya ni Sir Magdiwang ng admission forms sa ilang kolehiyo at ilang paraan kung paano makakakuha ng scholarship. Hindi niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang mga form. Noon pa man ay realist na siya. Alam niya noong panahong iyon na kahit na paanong pagsusumikap ang kanyang gawin ay hindi siya makapag-aaral ng kolehiyo.

"Pupunta ka," sabi na naman ni Hannah. Base sa ekspresyon ng mukha ng hipag, alam ni Maeve na hindi ito papayag na hindi siya pumunta. Hindi siya nito titigilan.

"Gusto mo lang malaman kung paano nagkaroon ng milyones si Sir Magdiwang."

Napangisi si Hannah habang tumatango-tango. "At bakit niya basta-basta ipinamimigay ang milyones na iyon. At bakit sa 'yo, na milyonaryo na, at hindi sa akin?"

Aaminin ni Maeve na mas napukaw ang kanyang interes dahil sa sinabi ng hipag. "Pupunta ako hindi dahil sa milyon. Ibabalik ko ang tseke niya, hindi ko kailangan." Baka iniisip pa rin ni Sir Magdiwang na siya pa rin ang dating Maeve na nangangailangan ng pampinansiyal na tulong. "At dahil malaki ang utang-na-loob sa kanya ni David."

Mas nanginang ang mga mata ni Hannah, waring nasabik. "Sa wakas ay makakakita ka na ng ibang tao."

Continue Reading

You'll Also Like

57.1K 1.8K 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi naka...
10.8K 294 23
[I don't believe i n love Sequel] What would you do if one day, you wake up without remembering who you are and what happened to you? How will you...
94.8K 3.2K 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoo...
86.4K 2.1K 13
Ikaw Pa Rin By Chelary "Gusto mo na layuan kita pero heto at lumalapit ka naman ngayon." Unang kita pa lang ni Syra kay Ash Salcedo-ang biyaya ng Di...