Bagay Ka sa Langit

By Eloraamour

14.1K 226 49

May isang matalinong tao ang minsang nagsulat ng aklat. Ang totoo, sya ang pinakamatalinong tao na nabuhay s... More

Hello, Stranger
Bagay ba Tayo?
Are You Ready to Jump?
Oops I did it Again..
We should fly!
Never Neglect the Basics
Saan Daw?
Awestruck Moment ni Juan
The Garden Thrill
Gaano Ka Nya Kamahal
The King is Searching

Do You Have What it Takes?

1.4K 24 9
By Eloraamour

 “For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. John. 3:16

            Abswelto naman na pala e, edi lahat ng tao sa langit na pupunta? 

           

            Ang sabi sa verse “..that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” Kailangan mong manalig kay Jesus Christ.  Kailangan mong paniwalaan ang ginawa Nya doon sa krus para sa iyo.  Oo ganun nga, it takes faith! 

            May isang traveller ang pagod at uhaw na uhaw na pumasok sa isang restaurant.  Doon, ay binigyan sya ng isang basong puno ng malamig na tubig.  Tanong:  Sapat na ba na alam nyang may isang basong puno ng malamig na tubig para mapawi ang uhaw nya?  Tititigan na lang ba nya yun?  Hindi nya na ba iinumin?   Syempre hindi! Kailangan nyang inumin ‘yon para mapatid ang uhaw nya.  Ganun din sa case natin with Jesus.  It’s not enough that we know He is the Saviour and He died for our sin.  We have to believe it; we have to put our faith in Him. 

                       

“Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe stands condemned already because he has not believed in the name of God’s one and only Son.”  Jn. 3:18

            Hindi natin kayang bayaran ang ating mga kasalanan, pero binayaran yun ni Jesus doon sa krus para iligtas tayo.  Ngayon kung hindi ito pagtitiwalaan ng tao, mamatay sya sa kanyang  mga kasalanan. Maraming tao ang nahihirapang maniwala dito.  Nahihirapan silang isipin na yun lang ang kailangang gawin at maliligtas na sila.  Parang yung mga Pharisee noong panahon ni Jesus.  Ayaw nilang maniwala kay Jesus.  Nagtiwala sila sa sarili nilang kabutihan para maligtas they were trusting in their obedience for their justification.  Sumusunod sila sa mga kautusan na: Wag mong gagawin yun, wag kang hahawak nyan, wag kang magsusuot ng ganon, wag kang kakain ng ganito at marami pang kautusan na kailangan daw sundin upang tanggapin sa langit.  Akala nila mababayaran ng mabuti nilang gawa ang mga kasalanan, akala nila maliligtas sila ng mabuting gawa, akala lang nila yun. Sabi sa Bible:

For it is by grace you have been saved, through faith — and this not from yourselves, it is the gift of God not by works, so that no-one can boast.  Ephesians 2:8-9

            Isipin mo kung by works edi tama nga yung sabi sa verse na we will boast. Sigurado ipagyayabang naten ang mga mabubuti nating gawa at hahamakin ang mga walang maipagmalaking mabuting ginawa.  Just like the Pharisees they treated with contempt those who weren’t obeying the way they were.  Sabi ni Jesus hindi ganyan, maipapatawad sa inyo ang inyong kasalanan at maliligtas kung mananalig kayo sa Diyos hindi sa mabubuting kaya nyong gawin.  Sabi sa Bible dumating si Jesus hindi para i-abolish ang Kautusan kundi para ito ay tuparin.  At natupad na Nya kaya nga sabi nya,  “It is finished.”  Natupad na nya yung mga kondisyon ng Kautusan para tayo naman ay magkaroon na ng relasyon sa Diyos na unconditional.  Our guilt has been atoned for, the law has been fulfilled.  Pinalaya na tayo ni Jesus!  Bayad na, we just have to believe. 

                May mga sektang lumalabas ngayon na nagsasabi na kailangan daw magpa bautismo ang isang tao para sya ay maligtas.  Hindi ganon ang nakasulat sa Bible.  We are saved because of what Jesus did on the cross.  Not because of what we did but because of what Jesus did.  Kung totoo iyon, paano yung kausap ni Jesus na kriminal doon sa krus?  Hindi ba ang kriminal na iyon ay ipinako sa krus kasama ni Jesus dahil sya ay nagkasala?  Pero nanalig sya kay Jesus at ito ang sabi ni Jesus sa kanya: “ I tell you the truth, today you will be with me in paradise.” Lk. 23:43 So naligtas ang kriminal na iyon kahit hindi sya na bautismuhan, naligtas sya kahit hindi nya nagawa yung mga sakramento daw na dapat gawin, naligtas sya kahit hindi pa sya nakakapag donate sa simbahan o anu mang mabuting gawa.  Wala sya ng lahat ng yon, wala syang ibang ginawa kundi manalig kay Jesus at sya ay naligtas.  Praise the Lord!

     Hindi ka gagawing member ng God’s family ng pagpapabautismo; ang pananalig lang kay Jesus ang nakakagawa non.  Ang bautismo ay pagpapakita lang na ikaw ay parte na ng God’s family.  Gaya ng wedding ring, it is a visible reminder of an inward commitment made in your heart.  It signifies your inclusion in God’s family.  Sa pagpapa bautismo, ina- announce mo sa buong mundo na “ Ako ay hindi nahihiyang maging bahagi ng pamilya ng Diyos!”  It is a declaration of your faith.  It shows that you share Christ’s burial and resurrection, it symbolizes your death to your old life, and announces your new life in Christ.  Ito ay napakasayang celebration ng inclusion mo sa family of God.    

     Masasabi natin na ang pagpapabautismo ay bilang pagsunod natin sa utos ng Diyos.  Kahit si Jesus ay sumunod din dito.  Tayo bilang mga nananalig sa Kanya ay dapat ding sumunod.  Kung ikaw ay bago pa lamang na Kristiyano, mahalaga na sumunod ka rin sa utos na ito.  Sa panahon ng New Testament ang mga taong nanalig kay Jesus Christ ay agad nilang binabautismuhan.  Hindi nila ito ipinagpapaliban.   

            Meron namang religion na nagsasabi na para maligtas daw ay kailangan sumapi o maging myembro ka dapat ng iglesia nila.  Ano ba ang iglesia? Ang iglesia o church ay tao o grupo ng mga taong nananalig kay Jesus Christ.  Hindi ito yung mismong church building at hindi rin ito limitado sa iisang denomination lang.  Ikaw ay iglesia kung ikaw ay nananalig na si Jesus ang Kristo ang Anak ng Diyos na namatay dahil sa iyong kasalanan at muling nabuhay upang ikaw ay iligtas. In short, ikaw ang iglesia o  ang church. Tao ang church.  Pano nangyari yun?  Basahin natin sa Bible:

“To the church of God in Corinth, to those sanctified in Christ Jesus and called to be holy, together with all those everywhere who call on the name of our Lord Jesus Christ - their Lord and ours:" 1 Corinthians 1:2

“Don’t you know that you yourselves are God’s temple and that God’s Spirit lives in you? 1Corintians.” 3:16

            So kung pinapanahanan ka ng Banal na Spiritu ng Diyos ikaw ay templo, ikaw ay iglesia, ang church.  Basa pa tayo:

“ to Apphia our sister, to Archippus our fellow-soldier and to the church that meets in your home:  Philemon. 2

            Kung ang church ay yung building papaanong nagkasya yun dun sa bahay?

            Sabi nila hindi ka daw makakapasok sa kaharian ng langit kung hindi ka magiging myembro ng iglesya nila dahil sila lang ang tunay na iglesia.  Ang lagay e sila lang ang pwedeng manalig kay Jesus at sila lang ang maliligtas at sila lang ang dapat tawaging church?  As in sila lang?! Walang nasabing ganon sa Bible.  Hindi ang particular na denomination o samahan ang makakapagligtas sa tao.  The Word of God says:

“Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God —“   Jn. 1:12

            Hindi ang pagpasok ng tao sa isang particular na denomination o samahan ang makakapagligtas.  Sabi sa Bible ang tao ang kailangang magpapasok kay Jesus.  Kapag pinapasok mo o tinanggap mo si Jesus sa buhay mo at nanalig ka sa kanya, tatawagin kang anak ng Diyos at dahil don ay  maibibilang ka na sa Kanyang iglesya. Yun! yun talaga yon. ^___^

Ang sabi ni Jesus:

            I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.  John. 14:6   

            Si Jesus ang daan patungo sa kaligtasan.  Hindi tayo maliligtas ng relihiyon o ng particular na sekta, hindi tayo kayang iligtas ng mabubuting gawa.  Ang pananalig kay Kristo lamang ang makapagliligtas sa atin.

           

            Salvation is found in no-one else, for there is no other name under heaven given to men by which we must be saved.” Acts. 4:12

           

            Believe in the name of Jesus Christ and you will be saved.  All it takes is Faith in the Son of God. 

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
46.1K 1K 12
Francine dela Luz lived her life afraid of feeling happy. Para sa kaniya, may kapalit ang kasiyahan. Buhat ng mga naranasan niyang trahedya sa buhay...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...