Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XXXIV.

122K 5.5K 2K
By CloudMeadows

Month of November was one hell of a month. Very hectic least to say pero at least may update na! Enjoy!

Gemma

Everything went back to normal. Para bang walang krimen na nangyari sa sobrang normal ng gabing ito. Ni isa sa amin na employee, wala man lang naglakas loob na pag-usapan yung nangyari o di kaya parang may pumipigil sa kanila. Nagkibit balikat nalang ako saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Miss padagdag naman ng ice sa drinks ko."

"Sure ma'am."

"Thanks."

Alas nuebe palang ng gabi pero bakit pakunti nang pakunti ang mga customers dito? Mukhang lahat yata sila isa isang lumalabas na ng club? Anong meron?

"Girl, bilisan mo diyan kailangan mong mag mop diyan at baka uminit ng ulo ni boss."

"Huh? Anong meron?"

"May biglang reservation sa buong club. Hindi naman makatanggi si boss dahil malaki laki rin yung bayad at isa pa papunta na dito yung mag dedesign ng venue dahil mamayang 10 na magsisimula yung event kaya bilisan mo diyan girl." Umalis na rin agad siya at todo walis at mop sa kabilang banda habang naiwan akong nakanganga.

Pero sumunod nalang din ako bago pa ako mapagalitan.

Halos hingalin na ako sa kakalinis at mahigit kalahating oras na rin ang lumipas. Mantakin mo ba naman ang lawak lawak ng lugar na ito tapos ilang floors ang meron, paniguradong hihingalin ka pero sobrang sungit ng boss namin kaya todo linis kami.

Totoo nga yung sinabi ni Olivia, yung katrabaho ko, may dumating na dito para mag set up ng mga anik anik sa lugar at pagkalipas ng eksaktong isang oras, napanganga ako sa paligid. Hindi mo mamantakin na nagawa lamang ito sa isang oras at kani-kanina lang may mga customers. Uupo sana ako pero sumigaw na naman yung boss namin at naatasan akong tumulong sa paggawa ng drinks.

Hindi pa ako masyadong nakaka kalahati sa ginagawa ko nang tawagin ulit ni boss yung pangalan ko.

"Ms. Andréz!"

"Yes, sir?"

"You will be one of the servers later." Sabay abot sa akin ng bagong uniform.

"Pero sir-"

"Dale can't come today so you will replace her instead, no buts. Clear?"

"Yes sir." May choice pa ba ako? Dali dali akong pumunta sa locker room at doon nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ay agad na bumungad sa akin ang iba't ibang hindi pamilyar na mukha. Ganun kabilis? Agad akong kumuha ng tray at pumunta sa staff room para makiusisa sa mga ibanh staff.

"Ano bang meron ngayon?"

"May artista ba at bongga ang reservation?"

"Sino-sino yung mga nasa labas aber?"

"Guys? Uhm narinig ko lang 'to sa boss natin kanina pero hindi ako sure. Yung party ngayon...pasimuno daw ni Luc Hamilton? Kilala niyo na siya? Siya lang naman yung napakasikat na model na nakakalaglag matres at isa pa napamisteryoso niya hanggang ngayon pero may sabi sabi na babaero daw siya. Naalala niyo yung interview niya noon? May nabanggit siyang 'wife' kaya inaakala ng lahat na may asawa ma siya pero ngayon ay naguguluhan sila dahil wala naman silang nakuhang ebidensya at iba't ibang babae ang nahuhuling kasama niya."

"Ay bakla, chismosa ka rin no? Pero kung hindi ko naman masisisi kung ganon siya kagwapo. Oh my gad sana siya nga ang dumating ngayong gabi!"

Nabitawan ko yung hawak kong tray na naglikha ng ingay dito sa room kaya naman lahat sila ay napatingin sa akin. Medyo nabigla ako sa narinig ko at bigla na namang bumilis yung kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan na naman ako ng malamig na hindi ko maintindihan.

"Sorry."

"Ay girl? Bakit ganyan ang uniform mo? Hindi ba dapat nakatoka ka sa--O-M-G! Kung isa ka sa server ngayon ibig sabihin pwede mong makita nang mas personalan si bebe ko!"

"Bebe? Eww ang jologs mo naman. Ako nalang Gemma, palit tayo para naman maka score ako kay babe."

"Babe? Ang chaka, sobrang gamit na yan. Ako! Ako nalang Ge-" Napatikom ang bibig nilang lahat nang biglang pumasok si sir dito na naka kunot noo.

"Ms. Andréz!"

"Sir?"

"Ano pang ginagawa mo dito? Dapat nasa labas ka na at nag s-serve ng drinks! At kayo!" Itinuro niya yung iba na hindi makaangat ng tingin.

"Do your jobs if you don't want to get fired, understood?"

"Yes sir."

"Good, magsikilos na kayo. Huwag na huwag kayong gagawa ng bagay na ikakahiya ng pangalan ko. Naiintindihan niyo ba?"

"Opo sir."

Tumango lang siya bago umalis. Nagsigalaw galaw na rin kami at lumabas naman ako para masimulan ko na yung trabaho ko kahit sa totoo lang ay nanginginig ang tuhod ko sa kaba. Pagkatapos nang gabing iyon ay ito na naman ang unang gabi na magkikita ulit kami kung magkikita man pero ipinagdadasal ko na na sana huwag magtagpo ang landas namin ngayon kahit na malabo dahil nasa iisang lugar lang naman kami.

Nagsimula na akong mag serve ng mga drinks at mukhang alam ko na kung anong ganap ngayon. Isa itong celebration party para sa isang shoot yata. Namumukhaan ko kasi yung isang sikat na photographer na nakita ko rin noong nag photoshoot sina Luc sa Palawan.

Luc.

Hangga't maaari ayokong isipin siya maski ang pangalan niya pero hindi ko pa rin maiwasan na mapalingon lingon sa paligid. So far hindi ko siya nakikita at nakahinga ako nang maluwag. Nagpatuloy lang ako sa pag serve ng mga drinks at pagkain hanggang sa medyo padami na nang padami ang tao dito. Bumalik ulit ako sa receiving area para kunin yung ibang i-sserve na pagkain at kanina pa ako inuusisa, kasama yung isang kasama ko na server na mukhang naiirita na, kung nakita na raw ba namin siya pero pareho kaming hindi nakasagot nung naglikha ng ingay ang iba naming kasamahan.

"Andiyan na siya! Bes bakat yung abs! Ang sexy at yummy ate huhu!"

"Gaga paano kapag nahuli ka ni boss?"

"Yung hormones ko mga amiga! Hindi na ma-control!"

"Chill mga bessy kung ayaw ninyong masisante."

"Pero...omaygash! Gemma, eto yung phone ko! 23456 ang password, kunin mo ng litrato si fafa Hamilton ha?"

"Back to work!" Nagitla kami sa boses ni boss at nahulog sa sahig yung phone sa sobrang taranta at bigla ng katrabaho ko. Binigyan ko nalang siya ng nakakaawang tingin at umalis na. At hindi nga sila nagkakamali. Hindi nagtagal, agad na nahagilap siya ng mga mata ko dahil na rin sa tangkad niya. Binawi ko agad ang tingin ko at sinenyasan ko yung isa kong kasama na siya nalang bahala na mag serve sa main guest at ako naman ang nag asikaso sa mga iba.

Habang abala ako sa pag serve, bigla akong natigilan. Pakiramdam ko may nanonood sa bawat kilos ko kaya naman bahagya akong napalingon sa direksyon niya at hindi nga ako nagkakamali. Nakasandal siya sa counter habang umiinom at taimtim na pinapanood ang bawat kilos ko. Bigla akong nataranta kaya naman agad ko ring binawi ang tingin ko. Paulit ulit akong napamura sa isipan ko hanggang sa kinakailangan kong bumalik sa receiving area para kumuha ice at lemonades.

Ginagawa ko ang makakaya ko para hindi tumingin sa direksyon niya nang bigla nalang ako tawagin ni boss.

"Ms. Andréz!"

"Sir?"

"Tinatawag ka ni Mr. Hamilton. Ayus-ayusin mo ang pagkilos mo at huwag na huwag mo akong ipapahiya." Mahina niya bulong habang nakangiti para hindi halatang nambibintang siya lalo na't maraming tao sa paligid.

"S-Sir?"

"Maliwanag ba?" Idiniinin niya pagkakasabi niya kaya napatango ako. Double crap.

Wala na bang mas imamalas 'tong araw na 'to? O talagang nananadya lang talaga siya? Napalingon ako sa kinaroroonan niya pero hindi na siya nakatingin sa akin at abala sa pag inom.

Kahit mabigat sa paa, dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.

Medyo malapit na ako nang bigla siyang umalis kaya napakunot noo ako. Kaso hindi ko rin alam kung anong sumapi sa akin at sinundan ko pa rin siya. Ipinagsiksikan ko pa yung katawan ko para lang masundan siya hanggang sa napansin ko na papunta sa DJ na yung daan na tinatahak namin. May binulong siya dito at tumango tango naman yung DJ at saka biglang nag iba yung tugtog. Bigla nalang naging wild yung atmosphere at pati na rin yung mga tao sa dance floor.

Napatingin ako kay Luc na hindi ko namalayan na nasa isa sa mga couch sa pinakasulok dito sa club. Medyo madilim sa parteng iyon kaso hindi ko pa rin alam kung bakit doon agad dumako ang mga mata ko. Naka prente siya ng upo habang umiinom ng alak. I saw how his 2 fingers raised signalling me to come over. His gaze were sharp and dominant. Hindi ko alam pero napasunod ako at lumapit sa kinaroroonan niya.

Act professional...act professional...act professional.

Andito na ako sa harapan niya at hindi ako makapaniwala. Nananaginip pa rin ba ako? Gusto ko sanang sabihing oo kaso yung mga titig niya ang nagsasabing hindi. Katulad pa rin ito nung araw na iyon, hindi ko na makitaan ng emosyon ang mga mata niya.

It was your fault, Gemma.

I sighed at iniwas ko yung tingin ko. Hindi ko alam kung handa ba akong harapin siya ngayong gabi pero hindi ko siya kailangan iwasan dahil nagtatrabaho ako ngayon. No personal involved, just work. Tama.

"Good evening sir, how may I help you?" Napangiwi ako nang bahagya. Ang plastic pakinggan.

"10 shots of whiskey." I sighed in relief, akala ko kung ano na pero 10 shots? May balak ba siyang magpakalasing?

Gusto kong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko.

"O-Okay sir." Aalis na sana ako pero muli siyang nagsalita.

"No, make it a bottle." Tumango ako kahit na nag-aalanganin. For work yan ang palagi kong iniisip pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit may balak yata siyang magpakalasing.

Pagkatapos kong kunin yung order, nagdagdag na rin ako ng yelo, chasers at extra na shotting glass saka bumalik sa table kung nasasaan siya. He was busy typing something sa cellphone niya at tumigil lang siya nang maramdaman niya ang presensya ko.

"Here you go sir." Hindi ko alam kung narinig niya yung sinabi ko dahil ang hina lang ng pagkakasambit ko at ang lakas ng music dito.

"Thanks." Nanlaki nang bahagya ang mata ko. Akala ko susungitan niya lang ako. This is not what I expected.

"M-May kailangan pa ba kayo sir?" Tanong ko habang tumutungga na siya ng alak. He stop at what he was doing and smirk slightly.

"You." He tapped the seat next to him. Ano? Tama ba ako ng rinig? Nakatayo lang ako na hindi alam ang gagawin hanggang sa mukhang naiinip na siya.

"You sit here."

"Sir," Kailangan ko pa rin maging pormal. "Hindi po pwede, may trabaho po ako at kailangang asikasuhin." Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi sumagot pero laking gulat ko nang may senyasan siya mula sa likod ko at nakita ko yung boss ko na papalapit dito sa pwesto namin. Oh crap. Napatingin ako kay Luc at nagmamakaawa mula sa titig na huwag niyang papuntahin dito yung boss ko. May plano ba siyang magreklamo para mapaalis ako dito? O di kaya ipapahiya niya ako sa harapan ng boss ko?

"Luc..." Mukhang nakalimutan ko na siguro na server ako dito at nawala yung pormalidad. Bigla siyang napatingin sa akin pagkasabi na pagkasabi ko palang ng pangalan niya kaso huli na, nakalapit na yung boss ko. Double crap.

"Good evening Mr. Hamilton, what can I help you? May problema ba tayo dito?" Ngingiti-ngiting sabi ng boss ko kaso pinanlalakihan niya ako ng mata sa tuwing napapatingin siya sa direksyon ko.

"Yeah." Crap.

Mas sumama tuloy yung tingin sa akin ng boss ko.

"Pasensya na po sir, pagsasabihan ko nalang itong si Ms. Andréz, hayaan niyo magpapatawag nalang ako ng iba para sila na ang mag serve sa inyo."

"She won't sit beside me."

"Pardon?"

"Do I have to f*cking repeat myself, Mr. Go?"

Naramdaman kong nag tense si boss sa tabi ko kaya naman kahit na nag aalinlangan ay dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo medyo malayo sa tabi niya.

"Closer babe." Bulong niya pero narinig ko pero hindi ako nakagalaw agad hanggang sa may naramdaman akong kamay na pumulupot sa bewang ko. Hindi pa ako nakaka recover sa nangyari nang balingan niya ang boss ko.

"Yeah, I might need your help Mr. Go. Serve this pretty lady a nice evening fruit beverage, strictly no liquor added." Napanganga kaming pareho pero agad din siyang kumilos. Ngumiti pa siya bago umalis ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Naramdaman ko yung kamay ni Luc na bumababa mula sa bewang ko papunta sa hita ko at bago kung saan pa ito pumunta ay agad ko na itong pinigilan.

"Luc."

"Hmm? I miss you saying my name."

"Lasing ka na."

"Say my name."

"Luc..."

At dahil mas malakas siya kaysa sa akin ay binawi niya ang kanyang kamay at ibinalik ito sa bewang ko hanggang sa naramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko.

"I miss your scent."

"...your voice."

"...your eyes."

"...your lips."

"...everything."

"I miss you."

He kept on murmuring against my neck at parang bata na sobrang higpit makayakap sa bewang ko. Mukhang nakainom na yata siya bago pa siya nakapunta dito at lalo na ngayon paubos na lahat ng inorder niyang alak, hindi na ako nagtaka kung bakit ganito siya kalasing ngayon.

Hinayaan ko lang siyang magsalita hanggang sa wala na akong naririnig, akala ko nakatulog na siya kaso hindi pala. Bigla siyang napatayo ng maayos nang maramdaman niyang papalapit si boss dala dala yung order.

"Here you go, sir."

"Good. Now get lost."

What the? Ako nalang yung humingi ng paumanhin sa boss ko sa pamamagitan ng tingin. Mukhang magkakaroon kami ng mahaba-habang usapan pagkatapos nito.

"Luc, bitawan mo ako."

"I'm sorry."

Natigilan na naman ako.

"I'm sorry I kissed her. I'm sorry I hurt you. I'm sorry I said those awful things to you." He is murmuring again hanggang sa sorry nalang ang naririnig ko.

"Luc hindi mo kailangang mag sorry, wala kang ginawang mali at isa pa..." Huminga ako ng malalim. "Wala na tayo. At sa ginagawa mo ngayon, mali na. Luc, please naman, huwag mo na akong pahirapan."

"Is this all about Nicca? Nicca this, Nicca that, bullsh*t. She wants me back but I want you. I need you. Please come back."

Umiling ako.

I can't.

Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa bewang ko pero hindi ko kaya hanggang sa mukhang napansin kami ng mga bouncer dito at lumapit sila dito sa kinaroroonan namin. Buti nakang sobrang ingay ng paligid at walang nakakapansin sa sitwasyon namin dito.

At buti nalang din hindi gumawa ng eskandalo si Luc at kusa niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sa bewang ko bago pa man gumawa ng hakbang ang mga bouncer dito. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at prenteng sumandal sa couch habang ako naman ay napatayo.

"Chill." He smirked. Halatang lasing na siya pero hindi ko alam kung nasa katinuan pa ba.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ayokong pumayag sa sinasabi niya. Lasing lang siya at baka sinasabi niya lamang ang mga bagay na iyon dahil sa kalasingan.

"Malinis akong kausap. I'll move out but I want to talk to her."

Hindi niya inantay na um-oo yung mga bouncer at tumayo, halatang hakata kung gaano siya katangkad dahil pati yung mga malalaking bouncer ay nakatingala sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin dala dala yung fruit drink na hindi ko ginalaw.

Malapit na siya sa akin at ang buong akala ko ay lalampasan niya lang ako kaso tumigil sa tabi ko at medyo inilapit niya yung labi niya sa tenga ko.

"If you think you're selfish, Gemma Andréz, then you're wrong. I'm much more worst."

"Anong ibig mong sabihin?"

"You signed over a fake annulment paper, which means, you're still mine."

He handed me the fruit beverage at dahil sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya ay hindi ko nagawang umangal nang nakawan niya ako ng isang napakabilis na halik.

"Finish your drink, baby."

And he left.

Napatingin ako sa inumin na nasa kamay ko at mas nabigla ako sa nakita.

My ring....

END OF CHAPTER 34.


Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
7.6K 634 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| 鉁匔omplete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
3M 123K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
21.6M 442K 78
The LeFevre Mafia Series: Marcus LeFevre's story 1st installment of the LeFevre Mafia series. All LeFevre stories are interconnected. PUBLISHED UNDE...