Alpha Omega

By mahriyumm

10.3M 475K 244K

◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. Th... More

Strangely New
Welcome Back Boys
Still Changing
Love and Letters
Dangerous Woman
Back on Land
Tidal Problem
Mass Betrayal
What is Air
Land Ho
Sudden News
The Price
Keys
Reflection
Blue-Eyed Divine
Not Just a Witch
The Sorceress
Fire and Smoke
Bloodline
Aunt
Butterflies
Secrecy
Seht's Death
Desperate Measure
A Vision from Hell
Punishments
Scars
Funerals
The 350 Children
Departure
Oh No!
Attacked
A Confession
Calm before the Storm
The Two Fathers
Release the Kraken
Cetus the Sea Monster
Purple Eyes
The Third Prophecy
Journey
SC: Reminisce
Spirit of Elpis
Saved by Death
The Leviathans
Missing Two
Founding Father
Blood of War
Pierced
Revived
Breaking Point
Never Wished
Permanent
The Plan
Affected
Independent
Introduction
Facing Death
Finding Out
Vengeance
Take Off
Live like Legends
Through It All
Stronghold
Split
Fallen
String of Light
Insignia
Promise of the Twelve
Book Note
Epilogue I - The Mistake
Epilogue II - Alpha Omegas
AO: PLAYLIST
4th Book

Prayers

138K 5.7K 1.7K
By mahriyumm

Thea's POV

Lumabas ako ng ceremonial hall at dumiretso sa mechanical room ng Academy. Wala si Bo kaya binuksan ko ang hidden chamber.

Kung bakit nandito ang larawan namin ni mama hanggang ngayon, ay wala pa rin akong ideya.

Basta ang alam ko lang, office ito ni Theosese noon. Dahil nandito ang mga papeles kung saan nakalagay ang pangalan niya.

Saka. May natagpuan rin akong cut-out na picture ng lola ko. Kinuha ko ito saka tinignan. Sa likod ay may nakasulat.

'Senior Matilda Yvenne Reyes of the Beta Class, Daughter of Iaso.'

Bumagsak ako sa upuan at napabuntong-hininga. Ano ba talaga ang koneksyon ng Theosese na 'yan sa pamilya ko?

Napatingin ako sa clay figure ni Pandora sa harap ko. Sa tabi nito ay ang nakabuklat na libro. Nakasulat doon ang kwento ni Pandora.

Kinuha ko ito at binasa ang nilalaman. Pangatlong beses ko ng binasa ito pero wala talaga.

'Titan Prometheus was once assigned the task of creating the race of man but he stole fire from heaven causing Zeus to be angered. He commanded Hephaestus to create the first woman, Pandora which the other gods endowed with the gifts of beauty and cunning. She was given to Prometheus' younger brother, Epimetheus to become his bride. Then Zeus gave Pandora a jar as a wedding gift only for her to open releasing the evil spirits that are to plague mankind. Only Elpis or Hope, remained behind, a single blessing to ease mankind's sufferings.'

Sinubsob ko ang mukha ko sa libro. "Ugh."

Sinara ko ang libro at ibabalik sana ito sa bookshelf nang nahulog ang isang papel na nakaipit mula dito. Pinulot ko ito at nakita ang ilang patak ng natuyong dugo.

'Her name is Adelphine.'

Binasa ko ang nakasulat.

Tinitigan ko lang ang papel nang pumasok sa utak ko ang isang ideya.

Kinuha ko lahat ng libro na nasa bookshelf at tinignan kung may nakaipit pa na mga papel.

Isang oras ang ginulgol ko at ang daming mga papel sa paanan ko ngayon. Halos lahat ay magkapareho ng handwriting kaya alam kong isang tao lang ang nagsulat ng mga ito.

"Thea?" narinig ko ang boses ni Seht kaya napahinto ako.

Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng entrance. Halatang nagtaka siya kung bakit niya ako nakita na ganito at nandito.

"teka.. paano ka nakapasok eh nilock ko yung-" puta. Nakalimutan ko nga palang ilock yung pinto.

"Is this why the doors were locked for the past few days?" tanong niya. Nagbuntong-hininga siya bago tuluyang pumasok.

"S-sorry..." yumuko ako. "Eh kasi business ko lang 'to saka... alam ko namang marami kayong ginagawa." pagpapaliwanag ko.

Inangat niya ang ulo ko saka binigyan ako ng nakakaintinding ngiti. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa repleksyon ng kandila sa mga mata niya. Mas lumiwanag ang mga ito dahil sa apoy.

"Your business is my business." giit niya bago ginulo ang buhok ko.

"Sige na nga." sagot ko. "Pulutin mo muna yang mga papel na'yan."

"So... umm..." nagkamot siya ng ulo. "mind telling me what's up?"

Inayos ko muna ang mga papel bago sinagot ang katanungan niya. Napabuntong-hininga ako nang makitang nag-aantay siya sa susunod na sasabihin ko.

"Naalala mo si Theosese? Yung demigod na anak ni Hephaestus?" tinanguan niya ako.

"Office niya ito dati... at dito ko rin nakita ang litrato namin ni mama.. kaya pakiramdam ko may iba pa kaming konekyon aside sa half-brother ko siya." giit ko.

Natagalan siya sa pagsagot.

Bumaba ang mga mata ko sa mga sulat na nakalapag sa mesa.

"at ang mga sulat na'to.. galing sa lola ko." dagdag ko.

Kaano-ano ba sila ni Theosese?

May kumatok sa labas kaya napalingon ako.

"It's me. Pinapatawag na naman ako. I'll be back and see if I can help. Bye." nagmadali siyang lumabas sa secret room.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Umupo ako.

Akala ko ba si Cesia lang ang may magulong nakaraan dito. Pati ako nalilito na sa sarili ko.

Isa-isa kong binasa ang mga sulat.

'T, magkita tayo sa hall. ~M'

'T, I have read your book. Ang galing mo. Nice handwriting too! ~M'

'T, Thank you for accompanying me in the clinic ~'

'T, maraming pasyente dahil sa boar hunt. Can you help me here? ~M'

Lahat ng nababasa ko ay may T at M na nakalagay. Halata naman siguro na initials yun ng dalawang tao. Theosese and Matilda.

Normal lang naman yung mga sulat na nandito eh. Malapit ko ng maubos lahat ng mga papel at dalawa nalang ang natira.

'T, sana patawarin mo'ko sa nagawa ko. I will leave the Academy for Good. I am sorry. Sorry... ~M'

Kumunot ang noo ko. Naiiba ang sulat na'to. Tinignan ko ang mga sulat na nakakalat. Kinuha ko ang mga sulat na mas seryoso ang content.

'T, I'm sorry... ~M'

'T, patawarin mo na ako please ~M'

'T, tulungan mo ako ~M'

'T, Iniwan niya ako.. Natatakot ako.. ~M'

'T, wag mo akong puntahan ~M'

PUTANGINA. BA'T AKO NATATAKOT PARA SA KANYA.

"Dapat kasi naka order to base sa panahon ng pagkasulat eh!" ginulo ko ang buhok ko.

Nakarinig ulit ako ng mga katok.

Inilagay ko sa loob ng maliit na box ang mga sulat saka lumabas ng silid.

Hinintay ko munang maglock yung gumagalaw na pader bago buksan ang pinto ng mechanical room. Natagpuan ko si Bo na namumula ang mukha.

"Gagong bartender na yon!" mabibigat na mga hakbang ang ginamit niya papunta sa gitna ng room.

Hula ko nakainom na naman to at nakakita ng away.

Tinago ko ang kahon sa likod ko saka siya pinuntahan.

"Bo.. may alam ka bang demigod na pwedeng makaano... yung nadedetermine niya kung kailan nagawa yung isang bagay.. ganun.."

Siningkitan niya ako ng mata kaya nakaramdam ako ng kaba.

Mayamaya'y, umiling siya.

"Walang gano'n." sagot niya. Buti naman at hindi siya nagtaka kung bakit tinanong ko 'yun.

Tumango nalang ako at nagpaalam. Lalabas na sana ako nang tinawag niya ang pangalan ko kaya nilingon ko siya.

"Sa likod ng mall ay may mga temples na itinayo para sa primordial Gods. You can ask for Chronos' help if he hears you... but it rarely happens hmm..." nagisip-isip siya.

Chronos. Ang personification of Time. Minsan namimix sila ni Cronus na ama ng Gods. But still, iba pa rin sila. Kapangyarihan ng time ang meron si Cronus pero si Chronos, ay ang time. Siya ang literal na Father Time.

"Sige. Yan nalang ang gagawin ko. Salamat!!!" kumaway ako bago sinara ang pinto.

Tumakbo kaagad ako papunta sa nasabing lugar.

Napatigil ako nang makita ang mga temples. Kasinglaki lang ito ng mga kwarto at gawa sa marbles pero ang gaganda pa rin tignan.

Hinanap ko ang temple na dedicated kay Chronos.

"An Alpha?"

nakita ko ang isang estudyante na papalapit sa gawi ko. Tinignan ko ang pin niya na may letrang 'C'

"What are you doing here?" tanong niya. "I'm Marcus by the way, the oracle in charge of the Primordial deities." saka niya inabot ang kamay niya na tinanggap ko.

"Oracle in charge of the primordial deities?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Yeah. I interpret the messages from the primordial Gods... which... rarely happens.. I mean wala pa naman akong nakukuhang ni isang mensahe galing sa kanila since I was assigned." tinignan niya ang mga temples.

Tingin niya palang, makikita mo na kung gaano kahalaga sa kanya ang mga temples na'to.

"So.." binalik niya ang atensyon niya sa'kin. "Did you come here to pray?"

"Eh ikaw?" binalik ko ang tanong sa kanya. Napakalinis ng lugar na'to at halatang di gaano karami ang pumupunta dito.
Wala nga akong nakikitang marka ng mga sapatos sa daan papunta dito.

"Yeah.. every single day. Lalo na kay Chronos.. knowing the situation... time stopping months ago thingy..." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

Tumango ako.

"So if you wanna pray, I can lead you to which temple you wanna go." pagbibigay-alam niya dahilan na mapangiti ako.

"Chronos." sagot ko.

"Ah... nasa pinakalikuran ang temple niya. The oldest... and the largest one around."

Sinundan ko siya and at the same time, nag enjoy ako kasi nagsilbi rin siyang tour guide. Pinakilala niya sa'kin ang mga primordial Gods. Kinuwento niya ang mga kuwento nila.

Tumigil kami sa harap ng temple na kasinglaki ng isang bahay. Sabay rin kaming pumasok sa loob at nakita ko ang lifesize statue ng isang lalaki sa gitna at gawa pa ito sa ginto.

"Right, nakalimutan ko. I have to go get some flowers to offer for Hemera. Alam mo naman siguro kung nasan ang temple niya. Iwan muna kita ah?"

"Sige..." tinanguan ko siya.

Ilang segundo ang lumipas at natagpuan ko ang sarili ko na nakatitig sa statue.

'Chronos... ikaw nalang ang natatanging pag-asa ko please... pakitulungan naman ako oh. Paki arrange in chronological order 'tong mga sulat ng lola ko...'

Tinignan ko ang maliit na box.

'Nandito ang napakaimportanteng bagay mula sa nakaraan ko.. sana naman kaawaan mo ako KASI TANGINA NAMAN! WALA AKONG TULOG. KITA MO BA 'TONG EYEBAGS KO?! OH DIBA? SIGE NA! MAAWA KA NAMAN SA DEMIGOD NA 'TO.'

Napagtanto kong sinisigawan ko na pala ang isang primordial God kaya napailing ako.

Bigla kong naalala sina Trev at Cesia. Ewan pero ngayong nagdadasal ako, naalala ko ang mga taong nangangailangan ng tulong mula sa Gods.

"Alam kong wala kayong pakialam sa nangyayari sa'min pero.. may mga kaibigan kasi ako na nasa mortal realms ngayon... walang makakatulong sa kanila na deities kasi nga busy sila... eh kayo lang ang natitirang deities na alam kong hindi busy..."

Napabuntong-hininga na naman ako. Saka ko pinikit ang mga mata ko at yumuko.

"Ibibigay ko ang kung anong kapalit na hihingin niyo. Tulungan niyo lang kami sa laban namin."

Binuksan ko ang mga mata ko at iniwan ang kahon na naglalaman ng sulat sa paanan ng statue bago lumabas.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
1.1K 275 44
Freesia Mandeville has a habit of writing and doodling anywhere in Collins High School. May it be on the walls, chairs, and even on the comfort room'...
22.2K 1.2K 10
VOLUME 3 Back from the start, but not as a team. What are they suppose to do FIRST? Continue playing the game and collect the pieces? Or fix their bo...
177K 13.1K 106
Luanne Ignacio finds the biggest plot twist of her 2025 when she meets the baseball varsity team's cleanup, Lucas Gomez-who claims to be "not interes...