A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 21

2.5K 27 0
By Ae_december


IRIS

Ang sakit nang likod ko pati na ang aking kasu-kasuan. Nasaan ba ako? Nahihilo pa rin ako. Yung amoy ng matapang na kemikal nasa ilong ko pa rin kasi.

Bumangon ako at napansing, naka-higa na naman pala ako sa isang kama. Pero ibang kwarto naman ngayon. Madilim at may kalamigan kahit pinag-papawisan ang aking kili-kili. May sinag nang liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana sa kaliwang parte ng dingding. Yung liwanag nang buwan iyon. Anong oras na kaya?

"Gising ka na pala," napatalon ako sa boses na bigla ko nalang narinig, napalingap ako ng ulo.

Sa parteng malapit sa may sinag mula sa bintana ay may nakita akong puting leather shoes sa sahig. Gumalaw ito, may tao palang naka-upo sa madilim na parte. Naka-dikwatro pa siya. Binabantayan ba niya ako?

"Sino ka?" binaba ko ang aking mga paa sa sahig. "Nasaan ako?"

Lalapitan ko sana siya ngunit tumayo siya sa kanyang kina-uupuan. Napa-atras ako sa kama, inangat ko muli ang mga paa ko pabalik sa kutson hanggang mapasandal ako sa dingding. Mula sa sinag nang liwanag, unti-unti kong nakikita ang kanyang kabuuan.

At nang lumapit pa siya nang kaunti nakita ko ang kanyang mukha. "Crey," medyo naguluhan pa ako.

"Tama Iris ako nga," naka-ngisi siya sa akin. Nawala na yung sugat sa kanyang mukha. "Tsk tsk tsk! Ikaw kasi, ang arte mo, hindi ka naman kagandahan. Gusto mo pa talagang idaan sa santong paspasan ang lahat,"

Uminit bigla ang ulo ko sa sinabi niya, ewan ko ba. "Anong santong paspasan yang pinag-sasabi mo!"

Hindi siya sumagot at para siyang timang na natawa lang. Naka-pamewang pa siya. Kanina lang halos maawa ako sa kanya dahil bugbog sarado siya ngunit ngayon, hindi ko maintindihan ang bago niyang drama.

Nakiramdam ako dahil hindi na siya kumikibo. Kung may dumukot sa akin ngayon ngunit nandito siya. Hindi kaya gawa gawa lang niya yung kanina na kunwari binugbog siya dahil dinukot ang aking pamilya. Na-alala kong umakyat siya ng ligaw minsa tapos pinahiya ko. Hindi kaya, tama si nanay sa sinabi niyang kung ano ang pwede niyang gawin.

Mula sa inis nagbago ang nararamdaman ko sa kaba. Baka hindi totoong dinukot ang pamilya ko. O baka siya ang dumukot sa kanila at pinalabas lang na ibang grupo nang tao. May gusto siya sa akin ngunit bakit kailangang humantong sa ganito.

"Anong ginawa mo sa pamilya ko?" bulalas ko. Nauunawaan ko na kasi kung bakit naririto ako kasama siya. Padabog akong lumapit sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at sampalin sa mukha. "Sa tingin mo ba makukuha mo ang loob ko,"

Parang gusto ko ring i-flip ang hair ko. Hindi kasi ako maka-paniwalang sinabi ko ito sa suitor kong gwapo at may kaya pa sa buhay. Oo na, tanggap ko nang hindi talaga ako kagandahan. Pero sa totoo lang, wala akong katiting na nararamdaman sa kanya kahit siya pa si Richard Gomez o Aga Muhlach. Aaanhin ko ang lahat nang yan kung hindi ko naman siya mahal. Si Albert lang ang totoong nilalaman nang puso ko, ang una at huling lalakeng pakamamahalin ko habang buhay.

"Matibay ka talaga," Tumaas ang balahibo ko sa boses niya. Nagbago kasi ito nang timbre, parang nasasapian na nang demonyo. "Ngayon wala ka nang magagawa pa. Mapapasa-akin ka sa ayaw mo at sa gusto,"

Napa-atras akong muli. Nanginig pa sa takot ang buo kong katawan sa aking nakita. Unti-unti kasing may nangyayari sa kanya na hindi ko maintindihan. Nagbabago ang itsura nang kanyang katawan. Lumalaki siya na yung suot niya napupunit. Halos lumuwa ang aking mga mata sa sobrang kilabot. Natulala ata ako.

Kay bilis nang mga pangyayari hindi ko na nasundan pa kung papaano siya nagbagong anyo. Basta naging isa na siyang halimaw sa harap ko. Yung mga taong buwayang kumidnap sa akin dati, ganoon ang naging itsura niya. Mas mukha siyang nakakatakot sa mga iyon. 

Tumili nalang ako nang ubod lakas habang bumulalas naman siya sa akin nang nakakatakot. Na parang buwayang nag beast mode. Na-blangko tuloy ang aking utak na parang lahat ata ng energy ko hinigop palabas sa katawan ko. Bumagsak ako sa kutson at nawalan nang malay.

***

ERIER

Nagka hiwa-hiwalay na kaming anim sa paligid nang malaking bahay. Nagtago kami sa mga naglalakihang puno na bumabalot sa buong kakahuyan. Ang plano, kailangan mahanap namin si Iris nang hindi nila kami mahuhuli. Pero kapag nahuli kami, prepare for battle.

"Kung dinala ko ang mecha robot kapitan. Sandali lang ang rescue mission na ito," sambit ni Mamir.

"Mas madali nila tayong makikita," paliwanag ni kapitan Zegyr. "Malakas ang binubugang energy nang mecha natin. Magtungo ka na run." Turo niya sa isang puno nang balete. "Ikaw Erier sa kaliwa ko,"

Sumunod kaming dalawa ni Mamir. May mga imaheng gumagabay sa aming paningin kaya nakikita naming nang malinaw ang paligid. Nasa di kalayuan ko sina Avara, Sok at kapitan Okron na naghiwa-hiwalay na rin. Hindi ko pwedeng hampasin ang braso ko dahil magliliwanag ito at madali nila kaming mahuhuli. May ma-detect mang energy ang mga Alpha-Draconian sa mga oras na ito ay napaka-baba nito na akala mo isang milya ang layo namin mula sa kanila.

Napunta ako sa punong nasa may pinaka-malapit na parte nang malaking bahay, ang main door nito. At ayon sa paningin kong naging isa nang scanning machine, ang bahay na iyon ay tinatawag nilang "bahay-na-bato" isang tipikal na estilo nang malalaking bahay dito. Sa harap nang bahay naka-parada ang tatlong puting SUV pati na yung maliit nilang spaceship. Napansin kong wala namang nagbabantay kung kaya't naisipan ko nang magtungong mag-isa rito. 

Kumaripas ako nang takbo at nagtago sa isang SUV. Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan. Natanaw ko ang lima kong kasama na lahat nakatago sa mga naglalakihang puno sa paligid.

"Ako muna ang papasok kapitan," wika ko sa telepath receiver.

Dahan-dahan akong umakyat sa porch stair patungong main door. Napa-lunok pa ako, bakit kaya walang nagbabantay dito? Nakakapag-taka lang. Ganoon ba sila ka-confident na walang sino man ang nakaka-alam nang lugar na ito. At bakit hindi ito alam nang Alien Convention ngayon? Gusto ko sanang ipag-bigay alam ito kay Marinagua kaso napag isip-isip kong kaya naman siguro namin ang misyong ito. Kahit ako nga lang, magagawa ko itong mag-isa. Hindi naman sa pagmamayabang, ayoko rin kasi madamay ang grupo. 

Pala-isipan pa rin sa akin ngayon kung ano ang kailangan nila kay Iris. Dapat ako ang dinukot nila dahil gagawin nila akong pa-in at wala siyang kinalaman dito. At dapat ginawa na ito ni Crey noon pa, sa una palang naming pagkikita. Bigla ko nalang na-alala ang pagmumukha nito. Hindi ko alam kung ano ang pina-plano nang kupal na iyon kung bakit nag-krus ang landas namin at ngayon dinamay pa niya si Iris.

Hinawakan ko ang door knocker nang pinto na isang bilog na bakal. Paghawak ko, biglang sumambulat ang isang electrical charges. Sa lakas nito tumilapon ako mula sa main door at tumama sa isang SUV.

Nagliwanag ang paligid nang bahay at lumitaw ang isang pulang lazer barrier. May lumitaw din na maraming liwanag sa paligid na naging mga imahe.

"Kapitan! Back-up," alsito kong tawag sa kanila nang maka-tayo ako.

Naging Alpha-Draconian ang mga imaheng iyon.

***

IRIS

Nang magising akong muli dahil hinimatay na naman ako as usual, naka-tali na ako sa isang upuan. Para tuloy akong nasa silya elektrika. May tali din ang mga braso ko pati na binti. May takip pa ang aking bibig. Kahit anong pilit kong pag-pupumiglas, hindi talaga ako makagalaw.

Inikot ko ang aking mga mata sa paligid, nasaan na naman ba ako? May naririnig akong mga ingay pero hindi ko alam kung saan. May kaluwagan ang kwarto at yung ilaw may kalabuan, hindi ko nga makita yung ding-ding. May mga kakaibang bagay na nakapaligid sa akin. Kurdon siya na kulay itim na akala ko pa nga higanteng bulate kasi gumagalaw siya na parang may hinihigop. May mga makina at monitor, computer ba ito? Ngayon lang kasi ako nakakita nang ganoong bagay. May mga liwanag din akong nakikita na mukhang pamilyar na sa akin at dahil nakita ko na ang mga ito noong kasama ko si Hector na isa palang alien.

At speaking of Hector, bigla nalang siyang pumasok sa aking isipan. Nasaan kaya siya? iligtas niya sana ako. Ngayong natanggap ko na sa aking sarili na totoo nga sila, medyo nabawasan na ang kaba ko sa dibdib. Ang kailangan ko lang ngayon ay makatakas dito. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwalang isang halimaw si Crey na nagpapanggap lang na tao. Kaya pala nilang gawin iyon. 

Muli kong na-alala yung kwentuhan nang mga taong bayan tungkol sa mga nangunguwa nang mga tao sa bayan namin. Totoo pala ang mga iyon. At hindi kagagawan nang mga aswang iyon kundi mga halimaw na kayang magpanggap na tao. Naisip ko pa nga, mga alien din ba sila. Kasi meroon din silang bagay na katulad nang kay Hector. Yung mga nagliliwanag na bagay sa braso nila.

May mga yabag akong narinig na nagpabalik diwa sa akin. Nan-laki muli ang aking mga mata nang sumulpot si Crey na isa ng ganap na halimaw. May kasama siyang apat na kakaibang nilalang na sa tingin ko, alien din. Para silang mga bata sa liit. Payat yung katawan nila samantalang parang lobo sa laki yung kanilang ulo. Yung mata nila ang laki din at kulay itim na itim. Tumayo ang balahibo ko nang matitigan ko ito kaya binaling ko nalang ang aking paningin sa sahig.

"Nasira ang mga plano ko," wika ni Crey. Mala-demonyo na ang kanyang boses. "Okay lang iyon, hawak naman kita ngayon."

Lakas loob akong tumitig sa kanyang mukha, ano kaya ang gagawin niya sa akin?

"Hindi ako maka-paniwalang nag mukha akong gago dahil lang sa iyo," Dagdag niya. Itinaas niya ang kanyang hintuturong may matalas na kuko at may sinenyas sa apat na kakaibang aliens.

Lumayo ang apat sa amin at may kinuhang malaking bagay na kasing taas ng aparador. Pabilog ito at kulay itim na makintab. May maliliit na kurdon na naka-kabit sa ibabang bahagi.

"I'm sure kilala mo siya Iris," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Crey.

Inikot ng apat na aliens ang mala-aparador na bagay at lumitaw ang salaming parte nito. At mula doon nakita ko ang isang lalakeng tao na lumulutang sa kulay na neon blue na tubig. Bigla akong nagwala at nagpupumiglas. Tumili pa ako kahit na may takip ako sa aking bibig. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Si Albert ang lalakeng iyon, naka-puting t-shirt siya at blue na short. Naka-pikit ang kanyang mga mata, anong ginawa nila sa kanya? Buhay pa ba siya? Nasagot ang tanong kong makita siyang muli. Pero papaano siya napunta rito? Ano ba talaga ang balak nang halimaw na ito sa kanya lalong-lalo na sa akin? Naalala ko yung liham niya sa akin. Si Crey pala ang tinutukoy niya. Sa kanila pala ako dapat mag-ingat.

Nagsalita ang isang alien kay Crey sa lengwaheng hindi ko maintindihan.

"Isilid ninyo sa canister ang babaeng ito," wika ni Crey na naka-titig pa rin sa akin. Umaagos ang luha ko sa mata habang nakatingin kay Albert. Canister pala ang tawag nila sa bagay na iyon at ngayon, pati ako ilalagay dito, "Isakay sa spaceship at dalhin sa mothership. Tatapusin natin ang eksperimento sa lalong madaling panahon,"

Eksperimento? Ngayon ko rin lang naisip na naiintindihan ko ang sinasabi niya kahit mukha na siyang halimaw. Dadalhin ako sa kanilang spaceship, pero bakit? Dadalhin din ba nila ako sa kanilang planeta.

Lumapit ang apat na pandak na aliens sa akin. Pinalibutan nila ako at inangat nila ang kanilang mga palad. May ilaw na lumabas mula rito at kumabog na naman ang aking dibdib na para bang gustong tumalon nang puso ko palabas nang aking katawan at iwan na akong mag-isa rito.

Naka-pamewang si Crey habang pinapanuod niya ako. "Kung pumayag ka lang na magpakasal sa akin Iris. Hindi sana mauuwi sa ganito – "

Naputol ang sinasabi niya nang biglang sumabog ang kisame. Napa-pikit ako nang mata. Natigilan ang apat na aliens.

"PUTANG INAA!" nakakatakot na bulalas ni Crey. Nabagsakan pala siya nang semento mula sa kisame, pero malakas siyang nakabangon.

Napatingala ako sa itaas, nagkaroon ito nang butas. Nasa-basement pala ako. May dalawang nilalang sa itaas na kulay itim ang itsura. Tumalon si Crey nang ubod taas patungo rito. Nagulat pa ako dahil nagtalsikan ang mga semento sa kanyang paligid. Na ang ilan sa mga pitak napunta pa sa akin.

Bumalik sa dating pwesto ang apat na aliens at muling inangat ang kanilang kaliwang palad. Nagliwanag na naman itong muli. Muli na naman akong nagpupumiglas habang panay hanap nang aking paningin sa kinalalagyan ni Albert. At nang makita ko siya, salamat naman at hindi siya nabagsakan nang kisame.

May narinig akong pagsabog sa itaas, lumingon ako at nakita ang maraming liwanag. Dumadagundong na tuloy sa kinalalagyan ko. May bumabagsak na rin na mga bitak sa aking kinaroroonan. Gusto kong makawala sa kina-uupuan ko ngunit papaano ko naman gagawin yun.

Unti-unti na akong nababalutan nang kakaibang liwanag na nagmumula sa kamay nang apat na aliens. Biglang natanggal ang mga tali sa aking binti at braso pero hindi pa rin ako makagalaw. May kakaibang pwersang kumokontrol sa akin na kusa akong napa-tayo. Nagsimula ring lumabo ang aking paningin na halos hindi ko na maaninag si Albert. Parang gusto kong matulog. Kaso bigla akong nagising nang sumabog ang aking kinalalagyan.

Tumilapon ako nang ilang metro. Masakit yung pagbagsak ko sa sahig ngunit mabilis pa rin akong nakabangon. Nakaka-galaw na ako nang maayos dahil nawala na yung pwersang kumokontrol sa akin. May gas-gas na ang braso ko pero keri lang. Tinanggal ko nalang ang takip sa aking bibig at masking tape lang pala yun. Mga high-tech na alien tapos tape lang pala ang ginawang takip sa bibig ko.

Nakahandusay na sa di kalayuan ang apat na aliens. Wasak ang upuan. Tumayo ako at hinanap ang canister na kinalalagyan ni Albert. Lalapitan ko sana ito kaso may humablot nang aking kanang braso. Tumili ako at pinaghahampas ko siya nang aking kaliwang kamay. Para siyang si shaider, makintab yung kanyang suot na kakaibang bakal.

"Iris si Erier...este...Hector ito," natigilan ako, tama ba ako nang naririnig.

Nagbagong anyo yung ulo niya, may takip pala siya sa mukha. Lumitaw ang mukha ni Hector at nasorpresa ako. Siya pala iyon, tama nga niligtas niya ako.

Napa-bulalas ako nang pag-iyak at niyakap ko siya nang mahigpit. "Salamat at dumating ka,"

May sumabog na namang muli, mas lalo akong napayakap sa kanya.

"Tumakas na tayo rito," sambit ni niya. Naging aligaga tuloy ako. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Albert. "Bahala na sila kapitan diyan,"

Nabaling ako sa kanya, kapitan? May kasama siya. May bumabagsak sa canister pero hindi ito nasisira, safe pa rin si Albert.

Pero hindi ko pa rin alam kung buhay ba siya roon. "Ililigtas ko siya," turo ko kay Albert kahit hindi ako sigurado rito.

"Wala na tayong panahon diyan Iris," sambit ni Hector. "Tara na!"

Natakot ako sa bulalas nang isang halimaw na biglang sumulpot, mala-kulog kasi ito. Na-blanko na naman ang utak ko at ang blood vessel ko bumilis na naman ang palpitation. Nagulat ako nang binaril ni Hector ang halimaw at tumilapon ito. Wala ako sa sariling yumakap muli sa kanya. Tumalon siya nang ubod taas karga ako. Nakarating kami sa unang palapag nang bahay at tumakbo patungo sa wasak na ding-ding. Kaso bago kami makarating dito may dalawang halimaw naman na humarang sa aming daraanan.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
56.3K 1.6K 24
Lalaki sa Lalaki pwede kaya? Hindi naman sa tunay na lalaki siya? Nagpapanggap lang para sa pangarap ng kakambal niya. Pwede kayang mainlove ang lala...
32.7M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
303K 21.8K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...