A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... Еще

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 20

2.5K 25 0
Ae_december


ERIER

Malawak pa ang aking ngiti pagkarating ko nang bahay. Ngayon hindi ko na kailangan pang magpanggap kay Iris. Kilala na niya kung sino ako.

Binuksan ko ang main door at naglakad sa loob. Bigla nalang sumalubong ang isang lazer beam patungo sa akin. Alisto akong tumambling para maiwasan ito. Tumama ito sa bookcase malapit sa sofa at sumabog.

Niligoy ko ang aking paningin sa paligid at hinanap kung sino ang may gawa nito. Nakita ko si kapitan Okron na pasugod sa akin.

"Inutil ka talaga!" galit na galit ang kanyang mukha.

Hinampas ko ang aking braso at nilabas ang force field. Sunod-sunod niya akong pinatamaan nang lazer beams na halos umusok ang buong sala.

"Wala kang kwentang Xyle-ver," bulalas niya habang nagpapatama sa akin ng wala sa sarili. "Tama nga ang mga impormasyong narinig ko mula sa iyo. Palpak ka at walang pakinabang. Hindi ko malubos maisip kung papaano ka naging isang guro. Sana sa isang kapaki-pakinabang na Xyle-ver nalang ini-atang ang misyong ito. Hindi sa isang tanga at bobong katulad mo,"

Nag-pintig ang tenga ko sa sinabi ni kupal. Inalis ko ang force field at tumambling palayo sa kanya. Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Sumigaw ako at ako naman ang sunod na sumugod. Tumalon ako at dinambahan siya.

Bumagsak kami pareho sa may sofa na natumba dahil sa bigat namin. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Anong karapatan niyang husgahan ako ng ganon-ganon nalang. Hindi niya naman alam ang nararamdaman ko kung bakit ako umayaw sa misyon.

Sinuntok ko siya sa mukha. Gumanti siya at nagpa-gulong gulong kami sa sahig. Puma-ilalim siya sa akin at sinakal ko, ganoon din ang ginawa niya.

"Isa kang tray...traydor!" pilit niyang wika. Hindi na siya halos makahinga. "Pagba-bayaran mo ang gin...ginawa mong ito sa planeta natin,"

"Sa...sabihin mo na ang lahat," nagpupuyos kong wika. Pati ako nahihirapan na rin sa pag-hinga. Kapwa naming hinihigpitan ang mga sakal namin sa isa't isa. "Hindi niyo ako mapi...mapipigilan,"

Binitawan niya ang aking leeg at alisto niyang hinampas ang kanyang braso. Ubod lakas niya akong hinawi. Nabitawan ko siya at lumipad ako patungong ding-ding. Natamaan ko ang telebisyon. Napa-ngiwi ako sa sakit. Kahit pareho kaming naka-human shell may sakit pa rin kaming nararamdaman.

Dail-dali kong hinampas ang aking braso at lumipad patungo sa kanya, muli ko siyang sinunggaban paharap. Bigla nalang kaming tumilapon patungo sa sliding door. Nabasag ang salamin at bumagsak kaming magkahiwalay sa verandah. Pinilit kong tumayo, nakita ko sa loob si kapitan Zegyr at Mamir na nakatayo.

"Mamir awatin mo si Okron," wika ni kapitan.

Susugod muli sana si Okron pero mabilis itong na-awat ni Mamir.

Lumapit sa akin si kapitan Zegyr at hinablot ako sa braso. "Tumayo ka!"

Napilitan akong tumayo, naka-kuyom ang aking palad.

"Nakakahiya kayong dalawa!" bulalas ni kapitan. Umilaw ang naka-kuyom na kamao ni Okron. Itinaas ni kapitan Zegyr ang kanyang kamay na umiilaw din. "Isa pa Okron,"

Nawala ang ilaw sa kamao ni Okron at ibinaba ito, naka-kapit sa kanya si Mamir. Galit niya itong tinulak palayo sa kanya at naglakad siya papasok sa loob. Hinarangan siya ni Avara at may sinabi ito na nagpatigil sa kanya.

"I'm sorry kapitan. Siya kasi ang nagsimula," wika ko.

Binitawan ako ni kapitan Zegyr. Naglakad siya sa loob at umupo sa stool. "Bago mo sana inilabas ang galit mo Okron, pinakinggan mo muna sana siya,"

Para akong estatwang naka-tayo sa verandah. Tinapik-tapik ako ni Mamir sa braso.

"Kapitan," protesta ni Okron. "Kinukunsinti mo ba siya? Ako ang lider nang misyong ito. Responsibilidad ko ang lahat na maaring mangyari sa misyon,"

Itinaas ni kapitan Zegyr ang kanyang dalawang kamay. "Alam ko...nauunawaan kita. Kung responsibilidad mo ito – sana marami kapang inalam na iba pang bagay bukod sa misyon lamang,"

Napatingin si Okron kay kapitan Zegyr na kunot ang noo. Alam ba niyang pinoprotektahan ko ang grupo kaya ko iniwan ang misyon. Nawalan ako nang gana pagkatapos nito. Kung ano man ang mangyari sa grupong ito wala na akong pake-alam pa. Sila din naman ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Pagod na ako sa mga pang-aalipusta nila sa akin.

"Erier," singit ni Avara. "You're free to go, but we strip off all of your convenience. Magse self-destruct itong bahay at wala ka nang matitirahan pa rito. You're on your own,"

Hindi ako makapag-salita. Expect ko na ganito nga ang mangyayari, at least ma-ilalayo ko silang lahat sa kapahamakan.

"Erier," wika ni kapitan Zegyr. "May dapat ka bang ipaliwanag sa amin? Nag-inspeksyon ako sa kotse, may mga sira ito. May hindi ba magandang nangyari sa iyo?"

Lahat nang mga mata nila naka-pokus na sa akin. Kung sasabihin ko ba ang totoo malulutas ba namin ito. Pero mas lalo ko lang silang ma-ilalapit sa kapahamakan. Magsasalita na sana ako ng bigla nalang may lumitaw na dalawang liwanag sa sofa. Nabaling ang aming atensyon lahat dahil 3d hologram pala ito nila Sok at Alta.

"Kapitan, nawawala ang subject," wika ni Alta. "Hindi na namin ma trace ang kanyang kina-roroonan,"

"May nagtanggal nang marka niya," dugtong ni Sok habang may kinakalikot na aparato. "May dumukot ata sa kanyang alien race din. May na-detect kaming unverified energy sources mula rito bago siya mawala sa ating tracking system,"

Bumilis ang pintig ng aking dibdib. Sinasabi ko na nga ba. "Nasa panganib si Iris kapitan! Kailangan ko siyang iligtas," napa-bulalas ako.

***

Nagmamadali kaming umakyat nang Ieverin. Bago mawala ang marka ni Iris, na-trace pa nang memory nito ang lugar kung saan siya huling dinala.

Nagkaroon tuloy kami nang isang pag-pupulong kung pa-paano namin pupuntahan ang lugar na iyon. Balak naming sagipin si Iris. Napilitan pang sumama sa amin si kapitan Okron dahil nirerespeto raw niya si kapitan Zegyr. Bukod tanging si Alta lang ang maiiwan at magbabantay sa Ieverin. Lahat kami ay bababa at hahanapin siya. Ngayon ko lang nalaman na hindi talaga nila alam na mga Alpha-Draconian ang may gawa ng kaguluhan ito. Pwera nalang kay kapitan Zegyr na mukhang hindi nagulat sa mga impormasyong isinawalat ko sa kanila.

Masyado kaming nagpaka-kumportable sa misyon na hindi namin alam na may ganito palang panganib na naghihintay sa amin. At ngayon, ililigtas namin si Iris, malalaman nang mga halimaw na hindi ako nag-iisa. Sana lang na kami lang ang malaman nila dahil kapag natunton nila ang aming spaceship, magiging susi ito upang malaman nila ang kinaroroonan nang aming planeta.

Nagsimula na kaming maghanda matapos ang maikling pagpupulong. Bukod sa human shell ay may sinuot din kaming armor. Balak sana naming dalhin ang isang aerial vehicle ngunit hindi kami pinayagan ni kapitan Zegyr. Kailangan daw namin mag-ingat dahil madaling ma-detect ang energy source nang sasakyang iyon. Lalong lalo na ang mecha robot na pinaka-importanteng weapon namin.

"Sila ay mga Alpha-Draconian," paliwanag ko sa kanila. "Mas malakas sila kaysa sa atin...mga halimaw ang turing ko sa kanila,"

Nagulat ako nang dugtungan ako ni kapitan Zegyr. "Pero wala silang laban kung armado tayo. Mas advance ang ating artillery kaysa sa kanila,"

"Kapitan, pano niyo ito nalaman?"

"Hindi ikaw ang unang subject nang misyong ito," sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata. "Mas nauna ako sa iyo. Nakalaban ko na rin sila noon pa,"

Ayon kay kapitan Zegyr, marami raw ang nagbuwis ng buhay sa naunang misyon at kasama na rito ang babaeng tao. Naging espesyal kasi ang taong iyon sa puso niya kung kaya't nasaktan siya sa pagkawala nito.

Naka-takas daw sila rito sa Earth dahil mayroong tumulong sa kanila noon na isang pulutong nang mga alien race. At sa isip ko, ang Alien Convention ba ito? Sa tinagal-tagal na nakasama ko si kapitan Zegyr sa paglalakbay naming ito, na madalas kaming mag-usap, ngayon niya lang ito sinabi sa akin. Gusto niyang maghiganti sa mga Alpha-Draconian kung kaya't nang malaman niyang magsasagawang muli nang panibagong misyon sa planetang ito ay nagprisinta siyang maging piloto namin.

"Hindi ko na hahayaang mamatay ang subject Erier. Lalaban ako sa kanilang muli," wika ni kapitan Zegyr.

"Tutal nadawit na tayong lahat sa sitwasyong ito. Tayo nang makipag-digma. Ilabas ninyo ang mga natutunan sa training," singit ni kapitan Okron. Nagtaka ako dahil naging kalmado na siya.

Mukhang mapapasabak na talaga kaming lahat nito at wala nang atrasan pa. Kahit kotse lang ang aming naging sasakyan ay nagawa pa rin namin marating ang lugar na iyon.

***

Nauwi kami sa isang masukal na kakahuyan. Nag-blend ang kulay ng suot naming itim na armor dahil gabi na. Na-trace na namin ang lokasyon at base sa memory nang tracking device, dito huling nakita si Iris.

Binagtas namin ang kakahuyang iyon hanggang marating namin ang pinaka gitna nito. Tumambad sa amin ang isang lumang bahay na tinatawag nilang mansyon. Nagsimula kaming mag watak-watak sa paligid nito. Nagtago kami sa mga malalaking punong kahoy na nakakalat. Tahimik ang lugar na halos lagaslas lang nang mga dahon mula sa mga puno ang malinaw kong naririnig. Nag-uusap kami thru telepath receiver. Katabi ko sina kapitan Zegyr at Mamir habang magkasama sina Okron, Avara at Sok.

Maglalakad sana ako pasulong nang pigilan ako ni kapitan Zegyr. May tinuro siya sa itaas at sinundan ko namin ito ng tingin. Bigla kasing bumulaga ang maliwanag na ilaw mula sa himpapawid na sinundan pa nang malakas na ihip ng hangin.

Isang sasakyan pala nang mga Alpha-Draconian ang dumating at unti-unting lumalapag sa lupa. Mukha itong isang pangkaraniwang sasakyang panghimpapawid lamang. Na halos walang pinag-kaiba sa mga sasakyan nang mga tao yung disenyo, may dalawang pakpak sa gilid at may buntot. Maipag-mamalaki pa rin talaga ang teknolohiya namin sa larangan nang pakikidigma. Kahit malalakas na uri sila nang alien race, may panlaban naman pala kami.

Paglapag nang sasakyan, namatay ang mga ilaw na nakapaligid dito. Umilaw ang ibabang bahagi nito na naka-angat anim na metro mula sa lupa. Bumaba ang pinto na naging isang hagdanan. May usok pa akong nakikita pagbaba nang pinto hanggang sa may lumitaw na mga halimaw.

Nagkatinginan kami nila kapitan Zegyr at Mamir. Tumango kami sa isa't isa kahit may takip kaming armor sa ulo. Nagulat pa ako dahil may bit-bit ang dalawang halimaw na tig-iisang tao. Pasan nila ito sa kanilang mga balikat at mukhang walang malay ang mga iyon. Nag-scan ang aking monitor sa helmet at kinumpirmang babae ang hawak nila, pero hindi ito si Iris. Nang mag-zoom ang monitor ko, nakumpirma kong matandang babae pala ang kanilang hawak. Yung isa naman matandang lalake. Sino sila? Nasaan si Iris?

May isa muling bumaba at ngayon isa naman itong tao, na medyo naguluhan pa ako. Bakit may tao silang kasama? Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mukha nito. Nag-zoom muli ang monitor at nakilala ko siya ng mabuti. Si Crey iyon, yung kupal na umaaligid kay Iris. Bakit niya kasama ang mga halimaw na ito? Nakikipag-usap pa siya sa kanila hindi ko nga lang naririnig.

Iniwan siya nang mga halimaw habang panay ang ikot nang tingin sa buong paligid. Mas lalo akong nagulat dahil bigla nalang siyang nagpalit anyo. Isang Alpha-Draconian si Crey at may kakayahan siyang mag-anyong tao.

Doon ako na-sorpresa, natanso ako nang walanghiya lalong lalo na si Iris. Ngayon ko na-realize, parehas pala kaming alien na nagpapanggap sa harap niya. Mas lalo pa tuloy akong naguluhan. Ano ang kailangan niya kay Iris? Bakit niya dinukot ito? Ano din ang kailangan niya sa akin? Muli siyang lumingon sa paligid bago pumasok sa loob nang malaking bahay.

Продолжить чтение

Вам также понравится

ZOMBREAK Angge

Научная фантастика

252K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
302K 5.5K 59
She is a princess who once lived in Ice Land, because of war she was lost and lived in the human world. When she turns 16 she found out that she pos...
RUN FOR YOUR LIFE Ice Bear is Cool

Научная фантастика

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
Taste of Sky (EL Girls Series #1) VentreCanard

Научная фантастика

56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...