Watty Writer's Guild Writing...

Autorstwa WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... Więcej

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Battler #8: 17 years

48 13 2
Autorstwa WWG_FAMILY

Description: Anong pipiliin mo ang iniisip ng iba o ang pagkakaibigan? Ang damdamin mo o ang kasiyahan ng lahat? Pano mo gustong matapos ang labimpitong taon?

Why: Dahil gusto ko.

How: Inisip, nakailang bago ng plot, nakailang bago ng mismong storya kaso bumagsak ako dito.

~*~

Celine's POV

Nandito kami ngayon sa isang resort para sa pagdadausan ng debut ko.

"Hay nako nasaan na ba si bes?" Ang usapan kase ng tropa ay 8am.

"Sis, alam mo naman si Faye, yung Otw nun meaning kakagising niya lang." sabi ni Carl habang naglalakad papunta sa akin.

"Sus! E ikaw nga rin 30 minutes late."

"Ah, eh ayos na yun at least hindi 1 hour." Sabay peace sign, lumakad na lang ako papasok sa lobby at umupo sa sofa.

"Sis, baba ko lang gamit ko dito, sayang yung view kung hindi maipopost sa Instagram." Sabay lakad na paalis.

"Tss! Sige iwan mo ko, ganyan kayo e. Kapag ikaw lang talaga napagdiskitahan ng mga babae diyan ah, ewan ko lang kung di ka mandiri."

Napatigil ito sa paglakad. "Yak! No way, I mean duh, mas maganda ako sa kanila."

Tinawanan ko na lang siya, sigurado naman akong pagiinterisan siya dito, hindi kase siya mukhang bakla.

Sa paglibot ng mata ko sa paligid, nakita ko ang ganda nito, ang asul na tubig, nakakaginhawang simoy ng hangin at alon.

"Ay adik!" nagulat ako sa biglang pag-ring ng cellphone ko.

"Hoy Drake! Asan ka na ba? Anung oras na oh! Grabe naman ya –"

"Kasama ko si Faye, papunta na kami diyan." Napatigil ako.

"Oy! Cel nandiyan ka pa ba?" nabalik ako sa reyalidad, hindi na pala siya sa akin.

"O-oo, sige ingat kayo ah, tyaka bilisan niyo! Yari kayo sakin pinaghihintay niyo ko." Pabiro kong sambit, tapos inend call ko na.

Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa. Masasaktan dahil matagal na kaming tapos o matutuwa dahil alam ko namang mabuting tao si bes at mahal nila ang isa't isa.

"Aray!" lokong bakla to!

"Oh ano nabalik ka sa ulirat mo gurl? Kanina pa ko nandito te!"

"Anu naman kung kanina ka pa nandito? Dapat na ba kong batukan!" sigaw ko sa kanya habang hinihilot ang ulo ko.

"Kase naman kanina pa kita tinatanong kung bakit ang lalim ng pagbuntong hininga mo? Wala man lang chika te!" biglang irap ni bakla, kainis, panira ng moment.

"Wala, masyado lang akong nakatutok sa view." Pansin ko ang pagbaba ng boses ko, tumingin na lang ako sa malayo at pinipigil ang pag-iyak.

"Ayos lang yan gurl..." hinawakan ako nito sa kamay at tumabi sa akin.

"Isipin mo na lang mas magandang buo ang friendship natin kesa nagaaway-away sa iisang lalaki." Tinignan ko siya na nakangiti sa akin, tumango na lang ako at ngumiti.

Oo mas maayos na to, mas ayaw kong mawalan ng dalawang importanteng tao sa buhay ko.

"Awit! Sweet naman!" narinig ko ang asar ni Drake at malakas na tawa ni Faye.

"Sabi na nga ba bes, type ka niyan e, galawang bakla lang yan para makapuntos sayo!" narinig ko pa ang tuloy-tuloy nilang pagtawa.

"Yak! Di kami talo no!" sabay naming pagkontra.

"Ma'am, sir, pakihinaan na lang po yung boses ng onti." Paglapit ng isang empleyado sa amin.

Napatingin kami sa paligid masyado ngang tahimik at halatang kami lang ang maingay. Nagkatitigan kaming lahat, sabay pigil ng tawa. Takip bibig para di masyadong rinig.

"Okay tama na yan, seryoso na tayo." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

"Pumunta na muna tayo sa mga rooms natin para mag-ayos, pagkatapos maghanap na tayo ng makakain."

Naglakad na kaming lahat, magkasama kami ni Faye sa kwarto katapat naman nito ang kwarto nila Drake. Nag-ayos na kami ng gamit at nagbihis.

"Bes tara na, gutom na ko e, alam mo naman paggising diretso ligo, tapos biyahe ng mal—"

"Oo na, di ko alam kung kinokonsensya mo ko dahil masyadong maaga at malayo yung pagdarausan ng debut ko e. Tara na nga. " nagmake-face na lang siya, kinatok na namin sila Carl.

"Love, mauna na kami ni bes ah, bilisan niyo na." sabi ni Faye. Kaya ko to, di na ako magpapa-apekto.

"So anu bes! Yiee excited nako mamaya! Debut mo na..." masiglang sabi nito sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko, "maraming foods! Yes!"

"Grabe pagkain talaga habol, palamunin lang ata talaga kita e." pagbiro ko, tumawa na lang ako habang siya nakapout.

Natatawa talaga ako sa kaniya, ang takaw-takaw niya, laging pagkain ang nagpapagaan ng loob niya. Hahanapan niya ako ng pagkain kahit nandiyan naman si Drake para ilibre siya, kung anu kami dati, walang nagbago.

Pero sana nga totoo lahat...

Nandito ako sa isang resort, para sa pagdarausan ng debut ko. Pero isang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon naghihintay pa rin ako para sa araw na iyon.

Paikot-ikot sa pasilyo habang pinagmamasdan ang ibang tao. Samantalang ako, tanging imahinasyon ko na lang ang nagpapagana sa isa sanang magandang alaala.

Nilamon ako ng galit, ng importansya sa sarili, ng selos.

Hindi ko natanggap na pinagpalit ako sa isang kaibigan, hindi ko kayang humarap kasama ang ex ko na kaharutan ang bestfriend ko. Habang ako, mga bulungan ng iba ang naririnig, nakakababa ng respeto, bakit bestfriend ko pa? Bakit nakakaya nilang humarap sa akin ng parang walang nagbago!

Kahit si Carl, sa kanila pumanig ng hindi ko matanggap ang sitwasyon. Anong klase silang kaibigan! Hindi nila ako iniintindi.

Kaya bago pa man mangyare ang inaasam kong masaya at maganda sanang debut...

Sa abandunadong bahay namin, pinapunta ko sila, sabi ko dito ko gustong mag-pictorial para sa debut ko...

Flashback

Gamit ang baril na nakaturo kay Carl at panaksak na nakatutok sa leeg ni Faye, hindi maintindihang emosyon ang nararamdaman ni Drake habang nakatali sa upuan.

"Celine! Maawa ka ako na lang! Wag sila!" pagmamakaawa ni Drake. Natutuwa ako sa naririnig at nakikita ko.

Napangisi ako. "Hindi ka sapat! Mas sasaya ako kung sama-sama kayong mamamatay!" sinabayan ko ito ng nakakalokong tawa.

"C-celine, p-pag-usapan natin to please." Takot na sabi ni Carl.

"B-be—"

"Wag mo kong matawag na bes!"

"Aah!"

"FAYE!" sigaw ng dalawa, matapos kong hiwaan sa pisngi si Faye!

"CELINE TAMA NA, BITAWAN MO SI FAYE!"

Lalong nag-alab ang galit ko, "ganoon nyo ba kamahal si Faye? Bakit napaka-espesyal niya sa inyo!" nag-crack ang boses ko sa parting iyon.

"Hindi ba ako importante sa inyo? Kaya hindi niyo na ako inisip!"

"M-mahal ka namin Celine, magkakaibigan tayo dito pakiu—"

Gusto ko ako lang, ako lang ang mahalaga.

"CARL!" paiyak na sigaw ni Faye. Hindi ito makakilos pagkat maari ko siyang patayin anu mang oras.

"C-carl! L-lumaban ka please!" ramdam ko ang sakit sa bawat pag-iyak ni Faye, habang ako natutuwang nakahandusay at sabog ang ulo ni Carl.

Binaril ko pa siya ng ilang beses, grabeng saya ang nararamdaman ko.

"HAHAHAH!" nakita kong nakatulala na lang si Drake.

"Ano Drake? Ito ang pinatunguhan ng kalandian niyo!"

"P-patayin mo na lang kami..." malamig nitong sabi, "ayokong mabuhay habang naaalala na nagbago na ang kaibigan at dati kong minahal!" pasigaw at madiin nitong sabi.

Ngumisi lang ako, hindi ako apektado sa sinabi niya.

"Hindi minamadali ang ganyang bagay, gusto kong maglaro tayo." Maldita kong tugon.

Tinulak ko si Faye papunta sa direksyon ni Drake. Palakad na ito papunta kay Drake.

"Hep! Wala pa kong instructions, nagmamagaling ka e!" tumigil ito at nanginginig na sa takot.

"So ganito..." habang ikinasa ko na ang baril, "bawat bilang ko ng tatlo ipuputok ko tong baril ng hindi tumitingin sa inyo."

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Drake, "hayop ka!"

Tinawanan ko lang siya.

"My darling Faye, para naman mas sumaya ako, kailangan mong patakasin si Drake sa pagkakatali."

Bulong ko dito habang nilalaro ang kutsilyo sa mukha niya, ni hindi na ito makatingin sa akin, naiinis ako sa mukha niya, masyadong paawa.

"Ahh!"

Naririnig ko ang bawat paghikbi niya matapos ko siyang sugatan sa pisngi at napaupo pa ito. Ibinulsa ko muna ang kutsilyo.

"Tayo! isa, dalawa..." agad itong tumakbo kay Drake!

"ARAY!"

"Drake!"

"ISA! DALAWA! TATLO!"

"T-tama na!" nangiginig na sigaw ni Celine.

"ISA! DALAWA..." nagmamadali itong tanggalin sa pagkakatali si Drake, kahit na may tama na rin siya sa balikat.

"Sige lang! pinapasaya niyo ako!" ipinikit ko muli ang mata ko at nagbilang.

"ISA! TATLO!" wala na kong narinig mula sa kanila. Iminulat ko ang mata ko.

Nakita kong may tama si Faye sa likod habang kayakap si Drake. Walang malay, duguan.

"AHH!" naitapon ko ang baril ko dahil sa galit na nararamdaman ko, naiinis akong makita sila! Naiinis akong namatay silang magkasama!

Habang nilalamon ako ng galit ko naramdaman kong tumutulo ang luha ko.

Ang hirap sa aking tanggapin na kahit sa huli ramdam ko ang pagmamahalan nila. Ang sakit-sakit!

Patuloy lang ang pagluha ko, galit na galit ang puso ko, lahat ng bagay hindi ko matanggap!

End of flashback

Habang naglalakad sa isang pasilyo, napatingin ako sa salamin, ni hindi ko na matitigan ang sarili ko. Bawat araw nararamdaman ko ang takot at galit.

Pinapaalala ng bawat dugo sa damit at kamay ko ang kasalanang ginawa ko. Napatingin ako sa leeg ko na bakas ang pagkakatali ng lubid. Simbolo ng galit ko sa sarili ko matapos kong mapagtantong mali ako, simbolo ng takot ko sa sarili ko, kaya nagawa ko na lang wakasan ang buhay ko upang makalimot. Sinayang ko ang labimpitong taon sa ganitong paraan, bakit ko nagawa iyon? Bakit ako nagkaganito?

Napayuko na lang ako at napaiyak, ang hirap, gusto ko ng magpahinga, gusto ko ng makalimot.

Ngunit hindi ako pinagpapahinga ng mga alaala, kaya hanggang ngayon paikot-ikot ako sa resort na ito, hindi ako dito namatay, ngunit dito dinala ang kaluluwa ko. Marahil ipinararanas sa akin na kung hindi lang sana ako nakagawa ng maling desisyon, magkakaroon sana ako ng masayang alaala sa lugar na ito.

Written by: QueenDollybird

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

7.5K 443 27
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
7.4M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
357K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
48.4K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...