Diary ng Panget

By ThatBoyIsMine

2.4M 15.9K 5.5K

dear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akon... More

Diary ng Panget
1.The first Day
2.New friend?
3.WAFWAF
4.Disappointed
hello sayo :))
4.2 Disappointed part two!
5.The who?
6.new friend again :)
Chapter 7
8.OMG
9. OMG part 2
Chapter 10
Chapter 10.1
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
CHAPTER 15 (MAY EXTRA STORY)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (UNTIL AN)
Chapter 21
Chapter 22
Lets Have a Game
Chapter 23
As promise (Merry Christmas)
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author : if you love me you'll read this (you can hate me now)
Chapter 40
Broken
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44.1
Chapter 44.2
Chapter 44.3
Chapter 45
Game
The Reason
Chapter 46
Chapter 47
Diary Ng Panget?
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Please
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Reason
Update
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71

Chapter 67

1.2K 21 11
By ThatBoyIsMine

Chapter 67

"Date me" sabi niya kay Kuya OJ

Nabigla kaming dalawa ni kuya Reid, pero si Kuya OJ parang wala man lang narinig. Nagtataka siguro kayo bakit narinig namin kahit may kalayuan sila samin? Diba naka Loud speaker yung phone call kanina? Until now hindi pa binababa ni kuya OJ yung phone.

Iniwan ni Kuya OJ si EJ don tapos pumunta samin

"Reid napano kayo? May nangyare ba?" tanong agad ni kuya OJ nung nasa harap na namin siya

Hindi maalis yung tingin ko kay EJ na nakatayo lang kung saan siya iniwan ni kuya OJ, sinundan niya ng tingin si kuya OJ papunta samin tapos ngumiti siya, yung ngiti niya may kasamang luha, tapos yung Box na dala niya nahulog ulit this time hindi na niya pinulot naglakad nalang siya paalis, sh*t umiiyak siya? Nagpunas siya ng mukha niya habang naglalakad.
Tapos tinaas niya yung kamay above ng ulo niya at nag form ng fist tapos yung tatlong daliri niya in-unfold niya napara bang nagsignal ng go? Bakit???

"CJ ano ba?!" Sigaw ni kuya OJ doon ko lang siya tinignan

"Walang nangyare" sabi ko tapos tumakbo ako para habulin si EJ

"Reid!" Narinig kong sinigawan ni kuya OJ si kuya Reid bahala na sila doon

Naaawa ako kay EJ kasi kahit sandali ko palang siyang nakikilala alam kong strong yung personality niya, kanina nga lang na pinagtanggol niya ako sa prof namin diba? Tapos makikita mo siyang umiyak? Ni hindi nga siya kumurap nung sinigawan siya ni Mrs. Santiago, nasaktan siguro siya una narinig niyang may date si kuya OJ tapos nariject pa siya nung inaya niya ng date, sobrang nakakabilib din siya ang lakas ng loob niya at nakakapagtapat siya ng ganon.

"EJ sandali" sigaw ko

Sobrang bilis niyang maglakad samantalang hirap na hirap ako sa suot kong high heels

"Okay ka lang?" Sabi ko ng maabutan ko siya

Tumango lang siya at ngumiti sakin pero obvious naman na hindi siya, basa pa yung mga pilik mata niya mula sa pag-iyak at yung mukha niya may putik dahil nabasa ng mga luha niya yung lupa sa kamay niya kaninang nagpunas siguro siya

"Pasensya kana kay kuya OJ ganon talaga yon" sabi ko sa kanya tapos tumulo yung luha niya

"Napuwing lang ako dahil sa lupa sa kamay ko, nawawala kasi yung panyo ko" sabi niya tapos nag punas ulit siya ng mukha pero mas dumudumi lang yung mukha niya

"Ah yung panyo mo..." sabi ko tapos hindi ko mahanap tumingin ako sa pinanggalingan ko nasa likod na pala namin sina kuya OJ at kuya Reid

"Baby" si kuya Reid

Tumigil sa pagpupunas si EJ pero hindi siya humaharap sa mga kuya ko

"Blacky yung mga bulaklak mo" sabi ni kuya OJ na hawak yung mga bulaklak na dala ni EJ

May humintong itim sasakyan sa harap namin  tapos sumakay lang si EJ don ng hindi tumitingin tapos naiwan kaming tatlo don

"Anong gagawin ko dito?" Sabi kuya OJ sa hawak niyang black box na may bulaklak

Lumapit ako para kunin sana yung box kaya lang may nakita akong Black na papel tapos may nakasulat sa gold hindi ko mabasa dahil korean yung sulat

"Para sayo yan kuya OJ" sabi ko naalala ko kasi yung sinabi ni EJ na una niyang nakita si kuya OJ kumakanta siya ng korean

"And EJ yung pangalan niya hindi Blacky" sabi ko na naiinis sa kanya

"Bakit ba sinusungitan mo ko?" Tanong niya sakin

"Hindi naman kita sinusungitan eh, ikaw nga tong kanina pang sigaw ng sigaw" sabi ko

"Ewan ko sayo" sabi ni kuya OJ

"Palagay mo baby okay lang si EJ?" Tanong ni kuya Reid

"Hindi siya okay kuya umiiyak siya" sabi ko nalungkot ako ng maalala ko yung mukha niya yung mga mata niya kanina sobrang lungkot

"Bakit naman umiyak si Blacky ang weird talaga nung babaeng yon" sabi naman ni kuya OJ

"EJ nga kasi yung pangalan niya! And the girl you called weirdo happens to be the same girl who helped me!" Sabi ko this time na iinis nako, I get it, ganyan talaga si kuya OJ ni hindi nga ako nagrereklamo pag tinatawag niya akong panget everytime, pero di ko alam bat naiinis ako sa pag tawag nyang Blacky kay EJ.

"Bakit ba nagagalit ka sakin?" Kuya OJ

"Bakit ang innsensitive mo?" sabi ko

"Yeah whatever" sabi niya at umalis na

"Baby tara na baka kanina pa naghihintay sila Neil" sabi ni kuya Reid tapos sinundan ko na siya sa parking lot

"Paano mo ba nakasama si EJ baby?" Tanong ni kuya Reid kanina pa kasi nababalot ng katahimikan sa sasakyan

"Nasalubong ko siya kaninang papunta ako sa faculty kuya tapos may tinanong siya sakin, diko naman alam na susunod siya sa faculty. Pinagtanggol niya ko kuya kanina sobrang hiya ko sa faculty umiiyak na nga ako dahil sinigawsigawan ako ng prof tapos ayon kuya inayos niya yung problema ko" sabi ko

"Inoffer niya din yung panyo niya sakin kasi nga umiyak ako, tapos nung siya na yung umiyak wala na siyang panyo" sabi ko, speaking of which nasan na yung panyo?

"Ano naman tinanong niya sayo?"

"Kung nasa school ba raw si kuya OJ, alam mo ba kuya galing pa siyang Manila, nagbakasakali lang siya na makita si kuya OJ dito ngayon ni hindi nga niya alam pangalan ni kuya OJ eh" sabi ko

"Gusto niya si OJ" Siya

"Obvious naman kuya, tapos ganon pa si kuya OJ kawawa si EJ" sabi ko

"Oo nga" yon yang yung nasagot niya

Tinignan ko siya

"Kuya Reid tapatin mo nga ako, na love at first sight ka ba kay EJ" sabi ko

*booooogggssshh ( sound ng humalik sa dashboard)

"Awwwww, kuya Reid naman!" sabi ko habang hawak ang ulo, bigla kasi niyang prineno ang sasakyan

"Sorry baby, umayos ka kasi ng upo at mag seatbelt ka" sabi niya ng hindi man lang tumitingin sakin

"I'll take that as a yes" sabi ko jusko si kuya Reid gusto si EJ si EJ naman gusto si kuya OJ ano bayan ang gulo kasi nyan?

"Anong yes yes pinagsasabi mo, hindi ako na love at first sight don no! Paano naman ako malolove at first sight sa taong yon eh hindi naman yon ang unang beses ko siyang nakita diba nga sa American Pie, tapos nung Ball pa" sabi ni kuya Reid

"Pero ngayon ang unang beses na nakita mo siya ng malapitan at nakausap" sabi ko

"Naku baby ano bang pumasok sa isip mo at naisip mo yan?" Sabi niya ng tumatawa tawa pa

"Eh bakit na speechless ka kanina, tapos kung makatingin ka sakanyan konti nalang matunaw siya yung din kamay niya ayaw mong bitawan?" Pagpapaalala ko sakanya

"Baby I'm trippin' wala lang yon" sabi niya

"Naku kuya sana nga wala lang, si kuya OJ ang gusto niya, kung magugustuhan mo si EJ eh para ka naring naghukay ng sarili mong libingan" sabi ko

"Oo na Baby ang dami mong alam, para namang may experience ka sa love!" Sabi niya

"Ano palang meron at kailangan kong 'magpaganda'" sabi ko in-emphasis ko talaga yung magpaganda eh

"Basta Baby surprise" sabi niya ng naka ngiti

"Sayang hindi tayo kumpleto" sabi niya tapos nawala yung ngiti niya

"Bakit naman hindi? Sinong wala?" Tanong ko

"Si OJ"

"Hala bakit hindi siya pupunta? Dahil ba tinawag ko siyang insensitive?" Bigla akong naguilty ng maalala ko

"Baby nakalimutan mo na? May date nga yung tao" sabi ni Kuya Reid

"Date? Sino?" Tanong ko

"Hindi rin namin alam eh, akala ko nga si EJ eh pero hindi pala" sabi ni kuya Reid tapos huminto kami sa bahay nila Kuya Neil

Pagbaba namin ng sasakyan blinind fold ako ni kuya Reid

"Ano bayan bakit may ganito pa kuya?" Reklamo ko

"Syempre paano ka masusurprise kung makikita mo agad?" Siya

"Paano ako masusurprise kung hindi ko makikita? Magkanda dapa dapa pako neto eh" Sagot ko pabalik

"Naku baby wag kanang mag reklamo at tara na iguguide kita kaya wag kang mag-alala" sabi niya sakin tapos inalalayan na niya ako sa paglalakad

"Dahan dahan baby medyo pababa yung aapakan mo" sabi niya, sinunud ko naman siya

"Ayan na konti nalang baby malapit na" sabi niya tapos huminto na kami

"Pwede ko naba tanggalin to?" Sabi ko

"Sandali lang baby wag excited" sabi niya tapos naramdaman ko siya sa likod ko at tinatanggal yung blind fold ko

"Ready kana?" Tanong pa niya

"Bilis na kuya!" Sabi ko excited nako ano ba yung sinasabi niyang surprise sakin

"Happy Valentines Baby!!!" Sabay sabay na sigaw ang sumalubong sakin nung pagkatanggal ng blindfold tapos may parang sumabog at yung confetti lumilipad tapos tinignan ko yung mga kuya ko

"O bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ni kuya Kelvin

"Sobrang saya ko lang kuya, namiss ko kayong sobra" sabi ko pero ang totoo naiyak talaga ako sa effort

Nasa may pool area kami tapos nagkalat yung white and red na balloons, meron sa floor meron sa pool, tapos meron ding petals, yung ilaw dito is yung liwanag mula sa Christmas lights at mga kandila may mga kung ano ano pang nakasabet

"Grabe kayo kuya" sabi ko habang umiiyak padin tapos nilapitan ko sila at niyakap

"Sobrang thank you" sabi ko habang umiiyak padin

"Baby tahan na"

"Oo nga baby papanget ka niyan eh"

"Sorry namiss ko lang kayo ng sobra" sabi ko after silang yakapin

"Namiss ka din namin baby" sabi ni kuya Ivan

"Sorry din baby at hindi kami nag pakita sayo ng matagal nag ready kasi kami" sabi ni kuya Paul tapos parang tinuro niya yung inayos nila

"Hindi niyo naman kailangan gawin to kuya eh, makasama ko lang kayo sobrang saya ko na" sabi ko habang nagpupunas ng luha gamit panyo ni EJ, binalik ni kuya Reid sakin nakita daw niya na nahulog ko nung hinabol ko si EJ

"Gusto namin gawin to baby" sabi ni Kuya Neil tapos inabot niya sakin yung bouquet ng red roses

"Sobrang thank you talaga kuya" sabi ko ulit sa kanila

Jusko sobrang blessed ko sa kanila wala na akong mahihiling pa, hindi ko lubos maisip ano bang nagawa ako at bibigyan ako ng ganitong mga kuya ni Lord sobrang nagpapasalamat ako kay Lord at pinakilala niya sakin ang mga kuya kong ito, nakakalungkot lang na wala si Kuya OJ pero kung ang dahilan naman niya ay para makasama ang taong gusto niya, okay narin ang mahalaga masaya siya, magpapasorry nalang ako, tinawag ko siyang insensitive dahil sa inis ko, may mali rin ako.

"Tara Baby upo na tayo medyo nalate kayo eh gutom na tuloy kami" sabi ni kuya Ez tapos tumawa sila

Merong isang malaking table kasya kaming lahat tapos nung naka upo na lahat sobrang noticeable nung isang vacant seat halos lahat ata naka tingin don pero walang nag sasalita about don, tapos may lumabas na ate at kuya may dalang plato na may kasamang pagkain.

"Ano bang nangyare at nalate kayo?" Tanong ni kuya Kelvin

"Nakita namin si Kuya OJ at EJ sa school" sabi ko habang iniikot ang pasta sa fork ko

"Paano? Akala ko ba until 12 kalang baby?" Si kuya Neil

"Nagtext kasi professor ko may pag-uusapan daw kami kaya bumalik ako ng school" sabi ko tapos sinubo ko yung pasta

"Tapos baby anong nangyare?" Si kuya Paul

"Pag dating ko ng school nakita ko si EJ tinanong niya ako kung alam ko ba daw nasaan si kuya OJ" sabi ko tapos sumubo ulit

"Tapos?" Si kuya Ivan

"May nangyare sa faculty pero tinulungan ako ni EJ kaya okay na" sabi ko

"Anong nangyare?" Kuya kelvin

"Hayaan niyo kaya muna siyang maka kain?" Si kuya Reid

"Oo nga naman, hindi siya makakain ng maayos oh" sabi ni Kuya Neil tapos nginitian niya ako ngumiti din ako

Hindi na muna nag tanong ang mga kuya ko habang kumakain sila yung nagkwento sakin bakit naging busy sila ngayong Feb, bakit hindi sila nagpakita sakin

"Sana sinabi niyo nalang kuya, maiintindihan ko naman tsaka sana nung araw na nag luto ako pumunta kayo, I mean di na bago na madaming may gusto sa inyo sa school araw-araw naman ganon eh papasok ako pinapatay ako sa tingin ng mga fans niyo pero natakot bako? Hindi bakit ako matatakot eh hindi naman nila ako sinasaktan, if may balak talaga silang saktan ako matagal na nilang ginawa yon" sabi ko sa kanila

"Pero kahit na gusto ka nga kasi naming isurprise kaya hindi kami nagpapakita" sabi ni kuya Kelvin

"Inabot kayo ng 2 weeks para sa surprise nato? Pero pag gusto niyo one day lang tapos agad yung surprise niyo" sabi ko

"Nagtatampo ka parin ba?" Sabi ni kuya Ivan na natatawa pa ata

"Oo kuya sobra! Okay na eh tapos ng marinig ko reason niyo na para sakin para sakin, nek nek niyo sabihin niyo ayaw niyo lang akong makita kasi may mga date kayo no?" Sabi ko actually joke lang lambing ko lang to sa kanila

"Oo baby meron kaming date!" Sabi ni kuya Kelvin

"Sabi na eh, ginawa pakong dahilan!" Sabi ko tho medyo nabigla ako so may date nga sila?

"Eh baby syempre ikaw naman talaga" si kuya Paul

"Sus mga masikreto na kayo no! May date lang kayo kinalimutan niyo na ko, paano pa pag kayo na?" Sabi ko

"Naku baby ang cute mong magtampo, pero wag ka na mag selos" sabi ni kuya Neil tapos niyakap ako katabi ko lang siya

"Selos ka dyan kuya Neil sino bang nagsabing nagseselos ako pssshhh" sabi ko tapos kumawala ako sa hug

"Wag ka nang magselos baby sige bukas na bukas mag ddate tayo" sabi ni kuya neil

Tapos tumawa lahat sila

"Anong nakakatawa?" Inis na sabi ko

"Ikaw!" Sabay sabay na sabi nila sakin

"Bwiset bahala nga kayo, basta bago maging kayo ng mga nililigawan niyo pakilala niyo muna sakin!" Sabi ko minsan talaga makapal mukha ko no? Bakit naman nila kailangan pang pakilala sakin ano ba nila ko? Hayyyyy

"Nililigawan?" Tanong ng nag-iisang one word man

"Oo sabi niyo may mga date kayo kaya busy kayo" sabi ko

"Naku baby! Ikaw yung date namin!" Sabi naman ni kuya Reid

"Ha?" Diko magets

"Ikaw yung sinasabi naming date namin baby kaya wag ka nang mag tampo" sabi ni kuya Neil

"So wala kayong kadate na iba?"

"Wala nga ang kulet ikaw lang! Pero si OJ may date daw" sabi bi Kuya Paul

"Speaking sino daw date niya?" Curious na tanong ko

"Hindi rin namin alam eh" kuya Ez

"Sana si EJ nalang dinate niya" sabi ko na nalungkot pa nang maalala ko yung mukha ni EJ. Tapos may isang taong nasamid sa sinabi ko si kuya Reid

Tinignan ko lang si kuya Reid tapos siya pinanlakihan lang ako ng mata

After naming kumain eh pumunta kami sa may pool area hindi naman kami mag sswimming pero naisip ko lang na masarap mag kwentuhan dito at mag babad ng paa habang umiinom ng wine, kaya umupo ako, natetemp nga akong sumakay sa inflated na swan eh 😂

"So anong nangyare sa faculty?" Tanong ni kuya Paul ng naka pwesto na ang lahat

"Pinatawag ako ng prof ko sabi may pag-uusapan daw kami, tapos pagdating ko sa school nakita ko si EJ tinanong niya ako kung nasaan ba daw si kuya OJ tapos sinabi ko nasa school pa at iniwan ko na dahil tawag ng tawag prof ko minamadali ako, pag dating ko ng faculty nalaman kong nawawala ang test paper ko, sabi ni ma'am di daw ako nag exam, tinanong ako anong gagawin kung isi-zero naba ako o ano, syempre ako sinabi ko na nag exam ako that day at nagpass ako ng paper, diko alam bakit pero bigla akong sinigawan ni Ma'am syempre nahiya nako sa faculty kuya ang daming prof tapos naiyak nako, biglang pumasok si EJ sa faculty pinagtanggol ako sa prof ko tapos sinuggest nung isang prof na iretake ko nalang daw yung test para matapos na, hindi pumayag si EJ kasi daw hindi ko na kasalanan na nawala yung test paper ko at responsibilidad daw ng prof o ng proctor na ingatan ang mag papers, syempre ako umiiyak lang kasi baka ibagsak ako, sabi naman ni EJ pag daw bumagsak ako eh we'll take legal action" kwento ko

"Sinong prof yan?!" Galit na tanong ni kuya Neil

"Bakit?" Tanong ko

"Ireport mo Baby!" Sabi niya na parang galit pa

"Wag na siguro kuya okay nadin naman" sabi

"No, irereport mo siya sa pagsigaw niya sayo at binantaan kapang isi-zero dahil na wala ang paper mo" sabi niya

"Wag na kuya, okay na talaga pag bumagsak nalang siguro ako" pag bibiro ko

"Bakit ba ang bait mo?" Naiinis na tanong niya sakin?

"Bakit ba ang gwapo mo?" Pag didivert ko alam ko na weakness niya eh

"Gwapo pala ah" yan ang last kong narinig bago may tumulak sakin sa pool

"Kuya Reid!" Sigaw ko sakanyan jusko buti nalang binaba ko yung wine ko.

"Ah awwww yung mata ko" sabi ko dahil naka contacts pala ako

"Baby napano ka okay ka lang?" Tanong ni kuya Neil

"Reid tignan mo yung ginawa mo!" Galit si kuya Neil

"Edi sundan mo" sabi naman ni Kuya Ivan tapos tinulak din si kuya Neil

Tapos nag si talunan na sila

Jusko may balak pala silang mag swimming sana nag sabi sila para nakapagpalit man lang kami sila naka polo pa at pants ako naman naka dress hayyyy

"Baby magpalit ka muna" sabi ni Kuya Neil na nasa harap ko at naramdaman kong hawak niya yung dress ko at ang pula niya dahil sa wine?

"Sana naisip niyo yan bago nag swimming, wag na" sabi ko tapos binasa siya sa mukha hahahaha

"Tumataas yung dress mo e" sabi niya

"Totoo?" Nanlaking matang tanong ko

"Oo" sabi niya

"Nakita mo?" Tanong ko

"Ano ang nakita?" Biglang bumulaga samin si kuya Reid

"Wala kuya" sabi ko tapos hinawakan ko din yung dress ko at dahan dahang umalis

"Uy baby san ka pupunta?" Sabi ni kuya Reid tapos ayon nilumod siya ni Kuya Neil

"San ka pupunta baby?" Tanong ni kuya Ivan sakin naka upo siya don sa may hagdan sa pool

"Magpapalit kuya, kayo din magpalit na muna ang poporma nating magswimming eh, ako na kukuha ng damit niyo" sabi ko tapos umahon na sh*t ang lamig

"Baby oh" binalot agad ako ng robe ni Kuya Paul

"Thank you kuya" sabi ko

Tapos pumasok nako ng bahay nila kuya Neil

"Naku ate sobrang sorry magbabasa ako" sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni kuya Neil

"Naku ma'am okay lang po yon basta dahan dahan lang po kayo baka madulas kayo" sabi ni ate grace sakin habang pinipunasan yung dinaanan ko

"Thank you ate" sabi ko ng nasa kwarto nako ni kuya Neil hindi man naka lock yung kwarto niya eh

Pagpasok ko kumuha agad ako ng twalya at robe just in case na kulang ang nasa baba tapos humanap ako ng short at tshirt pang swimming wala akong swimsuit eh tapos kinuha ko din mga damit ang mga kuya ko. Nag palit nako bago ako bumaba, pag dating ko sa pool area walang hiya mga naka short na ang mga kuya ko jusko my poor eyes.

"Ano bayan mag damit naman kayo!" Bulyaw ko kasi naman boxer shorts suot ng iba, enebe 🙈

Tapos binaba ko yung dala ko sa may upuan

"Bakit baby ayaw mo ba ng suot namin?" Si kuya Reid na umahon pa talaga sa pool na akala mo super model sh*t naka boxers din

"Ah.... eh.... kuya" buset nayan wala akong masabi bakit ba? Lagi ko naman silang nakikitang naka topless okaya tapis ng twalya pero iba ngayon eh naka shorts lang sila at ang liit pa 🙈

"O bakit dika makapagsalita?" Sabi niya tapos lumapit sakin sobrang lapit tapos biglang parang may inabot sa may likod ko jusme muntik ko ng mahalikan ang chest niya

Twalya pala yung kinuha niya at nag punas siya ng chest niya pababa sa abs
Sh*t napalunok nalang ako

"Ummm!!!" Sabi ni kuya Neil matapos niya sapukin si kuya Reid

"Aray ko bakit nanaman ba?" Reklamo ni kuya Reid

Tapos pasimpli kong tinignan kung si kuya Neil din ba naka boxers lang topless na kasi eh haha pero hindi naka short siya na hanggang tuhod pshhhh KJ hahaha

"Ummm isa kapa eh, titingin pa" sabi niya sabay pitik sa noo ko

"Titingin ka dyan, wala naman akong makikita no" pagbibiro ko tapos matic na namula siya

"Hahahaha wala daw nakita"sabi ni kuya Reid tumatawa ang lahat sa biro ko

"Alam mo baby if I were you hindi nako magbibiro ng ganyan" sabi ni kuya Neil na para bang nanghahamon

"Bakit kuya napipikon kanaba?" Tanong ko na nangiinis pa talaga

"Hindi tumigil ka nalang" sabi niya

"O hindi naman pala eh, tsaka bakit ka maiinis eh WALA naman kasi talaga akong nakita" sabi ko na natatawa at nakatingin pa sa may ibaba niya, at tinaasan ng kilay

"Ah wala pala ah" sabi niya sabay baba ng shorts niya

Asdfghjkl lintik na yan nagulat naman ako akala ko talaga makikita ko

"Gusto mo namang makita" sabi ni kuya Reid sakin at para bang sinasakal ako

Pero tumawa lang lahat sila kasi wala naman akong nakita paghubad ni kuya Neil ng shorts niya may boxer shorts pa siya sa loob mas maliit sa suot niyang short jusko ano bayan hindi ba sila nilalamig at parang naka brief lang sila?

"Hindi naman ako against na naka brief lang kayo, pero hindi ba kayo nahihiya sakin babae padin naman ako oh?" Sabi ko kasi totoo naman hello aarte paba ako kung ang gaganda ng katawan ng mga kuya ko at nasanay nadin naman ako na topless ngayon nga lang naka boxer shorts 😂

"Baby nag sswimming kasi kaya ayos lang na ganito, kahit ikaw pwede ka mag swimsuit at makakasigurado ka na walang malisya lahat satin besides we respect you and alam mong parang kapatid na ang turing namin sayo, but if you're uncomfortable susuot namin yang dala mong mga damit" sabi ni kuya Ivan , uy ang haba ng sinabi niya! Hahaha

"Hindi kuya okay lang hahaha kayo naman, kayo lang inaalala ko baka lamigin kayo, pero ayaw niyo okay lang din sus wala din naman malisya sakin" sabi ko weh CJ yung totoo? Concern ka o gustong gusto mo lang nakikita silang ganyan ikaw talaga maka ninja moves ka ah!

"Naku baby akong bahala sayo" sabi ni kuya Reid tapos nasabalikat na niya ko na parang sako ng bigas

"Wahhhh kuya Reid ibaba moko" sabi ko with matching hampas sa likod niya

"As you wish" sabi niya tapos tumalon siya sa pool

" ackk ackk ackk " *sorry inuubo siya 😂

"Reid Christopher!" Sigaw ni kuya Neil tapos tumalon agad para lapitan ako

"Okay ka png baby?" Tanong niya agad pag lapit niya sakin

"*ahem ahem okay nako kuya" sabi ko after kong mailabas ang nainom kong tubig, dahil naka baligtad ako sa likod ni kuya Reid pumasok sa ilong ako ang tubig at may nainom din ako

"Uy sorry baby okay ka lang?" Tanong ni kuya Reid

"Okay lang kuya, di pa naman kayo umihi sa pool diba?" Pagbibiro ko para mawala yung pag-aalala sa mukha ni kuya Reid

"Naku ikaw talaga baby" sabi niya tapos lumapit sakin at niyakap ako

"Bitawan mo nga siya" utos ni kuya Neil

"Ayoko nga" sabi ni kuya Reid

"One"

"Two" pang-aasar pa ni kuya Reid

Tapos si kuya Neil pinandilatan niya si kuya Ried, naku mga kuya ko talaga

"Naku kuya Neil na-inggit kapa dyan eh halika na sali kana dito" sabi ko tapos kumawala ako sa yakap para maka sali siya

"Uyyy mga kuya halina kayo dito ginagawa niyo dyan, malamig dyan!" Sigaw ko sa mga naglalaro ng baraha, kailan pa sila nagstart mag laro?

Tapos ayon isa-isa na silang nagtalunan at sumali sa group hug namin, sayang wala si kuya OJ, kamusta kaya ang date non?

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
33.4K 1K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
611K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
86.5K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...