Watty Writer's Guild Writing...

By WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... More

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Battler #3: The demon Inside me

78 12 0
By WWG_FAMILY

Description: Saan kaya aabot ang galit mo kapag inapi ka at tinapakan ng ibang tao? Magagawa mo bang tumahimik nalang sa isang tabi o pairalin ang demonyong gustong kumawala sa iyo?

Why: gusto ko lang isulat ito, wala akong maisip. Ito lang ang nakayanan ng powers ko! Hahaha, nasa mental block level kasi talaga ako ngayon eh. So pasensya na.

How: nag-type lang ako nang nag-type hanggang sa pumasok ang storyang ito sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga idea hanggang sa na buo ito.

--

Isang engrandeng pasabog ang iginawad ko sa mga taong nang-api, at nagpasakit sa buhay ko. Kung noon ay isa lang akong estudianteng tatahimik lang sa isang tabi matapos i-bully nila, pwes! Ngayon iba na.

Hila-hila ko ngayon sa magkabilang kamay ang paa ng dalawang babaeng naliligo na ng kanilang sariling dugo. Lahat ng mga tao ngayon na nandirito sa hallway ay naugat sa mga kinatatayoan nila habang nakatotok ang mga mata sa akin. Ramdam ko ang takot sa kanilang mga mata dahilan kung bakit ako napangiti ng kaunti.

Parang nabingi ako sa katahimikan na ipinokol nila sa akin, tanging pagsipol lang ng hangin ang aking naririnig kasabay ng mga malalakas na kalabog ng mga dibdib ng bawat isa.

Napatingin ako sa isang babae na tatakas sana subalit nabigo siya nang buong pwersa kong sinipa ang likod niya. Agad na nabagok ang kaniyang ulo sa pader at nawalan ng malay.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong binabaliktad ako!" sabi ko matapos kong bitawan ang dalawang babae na kanina'y hila ko.

Inisa-isa kong tinitigan ang bawat mata ng mga estudiante. Gusto kong matawa sa mga nagmamakaawang mukha nila ngayon sa akin. Akala ko ba matapang sila? Diba nga binu-bully nila ako noon? Sinisipa, binubogbog kahit na wala naman akong ginagawang masama?

Alam kong naiinis sila sa akin dahil nag-top one ako sawakas sa klase pero hindi naman sapat na ganoon nalang ang ituring nila sa akin. Alam kong pinangarap rin nila ang posisyon ko ngayon pero hindi ko naman alam na natapakan ko pala ang pride nila. Kung sanay nag-aral pa silang mabuti katulad ko ay hindi sana babaliktad ang mundo namin.

"Gwendolyn, wala naman kaming ginawang masama sa iyo, hindi naman kami kasali sa mga taong nambully sa iyo pero bakit mo kami dinadam---" hindi na natapos pa ang sasabihin ng babae nang agad ko siyang paghahampasin ng pinulot kong tubo.

Napasigaw ang mga babaeng kasama niya subalit natigil rin nang agad ko rin itong pinaghahampas.

Nagpipipigil na ang mga studianteng nandirito na gumawa ng ingay, nakatakip na ang mga kamay nila sa kanilang labi habang nag-uunahan sa pagdaosdos ang mga luhang kumakawala sa kanilang mga mata. Takot na madamay, takot na mamatay.

Wala akong sinasalto paglumabas na ang demonyong mayroon ako. Kung ano ang ikina-anghel ng mukha ko ay siya namang kabaliktaran ng ugali ko.

Labis-labis na ang pagtitimpi na ibinigay ko sa kanila, kung pisikal lang na pambu-bully ay makakayanan ko pa pero ang idamay ang pamilya ko ay hindi ko na matitiis pa.

Oo, lahi kaming masakitin. Oo, wala akong ama dahil pumanaw na siya at Isa lang kaming dukha na dumadagdag lang sa populasyon ng mga mahihirap na nakatayo sa lupa ng pilipinas. Pero please naman, respeto lang ang hinihingi namin. Hindi naman namin ginusto na maging ganito kami, na maging ganito ang buhay namin. Basta ba mahirap ay wala nang karapatan na mag-top one sa klase? At araw-araw nalang nilang ibu-bully?

Toyo na nga lang ang baon kong pagkain, ay tinatapon pa, pinaglalaroan, at pinagtatawanan. Natutulog lang ako na kumakalam ang tiyan dahil pinagiiponan ko ang pagpapagamot ng nanay ko, lahat ng lakas ko ay napupunta lang sa kaniya.

Gusto ko sanang makita sa huling pagkakataon ang nanay ko o makausap man lang sa cellphone pero hindi nila iyon ibinigay. Sahalip ay tinapakan pa nila ang napalot ko lang na cellphone habang tumatawag si inay sa akin, sinabi nilang kriminal ang ama ko, at ikinulong pa nila ako sa stock room. Napakahalaga ng pamilya ko, napakahalaga ng nanay ko para sa akin. Kami nalang dalawa ang magkaramay sa buhay subalit ngayon ay hindi na namin matutupad ang pangarap naming dalawa na magkasama dahil wala na siya.

Gusto kong pagpapatayin ang mga taong nakikita ko, gusto kong ibuhos sa kanila ang sama ng loob ko sa mundo pero hindi ko magawa.

Bigla akong nataohan nang matuon ang atensiyon ko sa walang buhay na katawan ni inay, agad na nagsilabasan ang mga luha ko at hindi ko napigilan ang sarili ko. "Inaaaaaay!" bulalas ko.

Walang humpay ang pighating nararamdaman ko sa mga oras na iyon, pero nagpapasalamat parin ako na si inay ang naging ina ko.

Kung hindi lang ako ipinalaki ni inay na isang mabuting tao, ay matagal ko nang nagawa ang mga bagay na makakasama sa akin. Kung hindi ako tinuroan ni anay na magpatawad at huwag maghigante sa mga tao, ay tiyak nasa-maling lugar na ako ngayon. Kung sinunud ko ang demonyong nasa akin ay hindi ako magiging successful sa buhay at nakakulong nalang ako ngayon sa mga kasalanang walang kapantay na kapatawaran.

Dahil katulad nga ng sinabi ni inay sa akin noong nabubuhay pa siya. "Huwag mong hayaang kontrolin ka ng demonyong nasa iyo, lahat tayo may tinatagong kasamaan at nasasaiyo lang kung ito ay iyong mapipigilan at mapagtatatagumpayan."

Kaya ang tangi ko nalang hinihiling ngayon ay sana maghilom na ang sakit na nararamdaman ko, at isasaisip ko nalang ang paghihiganteng binabalak ko. Dahil magagawa ko silang patayin sa isip ko pero hindi ko iyon magagawa sa totoong senaryo.

Ayokong maghigante sa mga taong nanakit sa akin, mawala man ang pride ko sa sarili ay okay lang. Dahil ayoko na maging katulad nila, ayokong maging isa sa kanila, na iminumwestra at inaapakan ang dignidad ng iba.


Written by: Jaycematic

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 31.8K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
466K 705 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
6.6K 426 25
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
1.1M 46.6K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...