"THE MESSAGE OF LOVE" 💏

By wellaboopdoop

30 0 0

Isang babae ang nakilala ko sa isang nayon. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko para sa kanya. Isa akon... More

Bad Letter but Good News

First Job

12 0 0
By wellaboopdoop

Isang babae ang nakilala ko sa isang nayon. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko para sa kanya. Isa akong mensahero ng "Philippine Padala" kung saan nagbabahay-bahay ako para ibigay ang sulat na nanggaling sa iba't ibang parte ng mundo. Akalain mo nga naman sa simpleng ngiti at pagabot ng sulat makikilala ko ang babaeng mamahalin ko hanggang wakas.

------------------------♡♡♡♡♡♡----------------------
Bago pumasok si Julius sa kanyang trabaho inasikaso nya muna ang kanyang inang may sakit na hika, pinagluto nya ito ng almusala at pinagbilin sa pinsan na huwag pababayaang basa ang likod ng ina dahil sa kundisyon nito. Madalas kasi itong pumunta sa likod ng bahay para magtanim ng mga halaman kahit tirik na tirik ang araw. Pagkasabi niyon agad na kinuha ni Julius ang bag at sumakay sa bisekleta para pumunta sa Philippine Padala kung saan duon sya magtatrabaho ngayong araw. "Chiling si mama wag mong pababayaang basa yung likod kabisado mo naman yan kapag naisipang magtanim ng halaman magtatanim" Pasigaw na sabi ni Julius habang inaayos ang kanyang kohelyo at handa na para sumakay ng bisekleta. "Oo naman kuya ako pa ba e' kabisado kuna itong si untie Lumeng, basta ako na bahala dito dapat maaga ka ngayon sa trabaho mo first day mo e' Pagganting tugon ng pinsan sa kanya. Ginantihan naman ito ni Julius ng ngiti at kumaway nalang sa pinsang nakasilip sa bintana. Malakas ang loob ni Julius na nagpipidal ng bisekleta habang sumisipol sa daan papunta sa bayan ng Barbara para pumasok sa trabaho. Malaki ang kompanyang pinasukan nya ngayon dahil ito marahil ang malaking bagsakan ng mga sulat sa buong lalawigan. Unang araw nya sa trabaho ngayon kahit mahirap at malayo ang kompanya mas pinili parin nyang magpidal ng bisekleta kasya gumamit ng motorsiklo. "O pre andyan na pala si pareng Julius e' nakatulog kaba ng maganda pareng Julius, balita ko dami mong chicks kagabi sa inyo. Pagbibiro ni Mark ang bagong kaibigan ni Julius na kasabayan nyang nagapply ng trabaho sa kompanya at si Kelvin na tinapik ang braso para sumakay sa kantiyawan. "Mga ungas kayong dalawa pare iniwan nyo ako sa inuman hindi ko alam na nakauwi na kayo kagabi buti nalang andun yung mga pinsan ko para tulungan akong humiga sa sopa" Pagsita nito sa mga kaibigan, dahil naginuman ito nang nakapasa sila sa job interview ng kompanya, kaya nagpainom itong si Mark para daw sa tagumpay nilang tatlo na kahit minsahero ang naging trabaho nila at medyo may kababaan ang sahod atlis nakakatulong naman daw sa mga magulang na umaasa sa kanila. "Alam mo pare hindi ka namin iniwan kagabi ikaw ang plakda tapos kung sino sinong pangalan ng babae yung binabanggit mo, tapos yun nakatulog ka kaya akala mo iniwan ka namin" Natatawang sabi ni Kelvin. Halata namang nagisip din si Julius kung totoo nga ba ang mga sinasabi ng mga kaibigan nito sa kanya. Hindi narin kasi nya namalayan na nakatulog sya kaya ang naramdaman nalang nya ay ang pagbuhat sa kanya ng mga pinsang sumalo din sa kanilang inuman. Mga ilang sandali pa ng tawanan lumabas sa isang glass door ang babaeng kulot ang buhok at nakasalamin ng bilog. "Anong kasiyahan ang nagaganap dito? Kayaga aga ng mga biruan nyo ang dami nyo pang mga sulat na ipapadala dapat ngayon palang hinahanda nyo na yang mga balat nyo dahil mamaya tirik na ang araw. Paninita ng babaeng parang amo kung magsalita sa kanila. Hindi naman agad nakakibo ang tatlo at nakatitig lang sa babaeng nakatayo pagkatapos ay tumalikod na sa kanila. "Sino ba yung babaeng bibe nayon pare hanep ang laki ng puwet Sh*t" Pangising puna ni Mark sa puwet ni Miss Dunol ang kanilang magiging head sa Philippine Padala. Hindi narin naiwasang sumabad ni Kelvin dahil halatang natatawa rin ito sa pagkakasabi ni Mark sa puwet ni Miss dunol. "Ano ba kayo mga pare! Hindi nyo ba alam na yang si Miss Dunol ang magiging head natin dito dahil sa kanya tayo kukuha ng mga impormation para sa mga lokasyon natin" Pagbubunyag ni Kelvin sa dalawang kaibigan. Napangiti lang si Julius at nagsalita narin. "Kaya pala kung magsalita sya satin parang kilalang kilala nya tayo" sabi ni Julius na nakasandal sa pader ng gusali. "A oo pare kasi pinakilala na tayo ni Miss Gonie sa kanya pagkayari ng interview natin kahapon, pinakita pa nga ni Miss Gonie yung mga picture natin e" hahaha. Tawang tawang ibinahagi ni kelvin dahil mukhang gulat na gulat itong dalawa sa mga narinig sa kaibigan na kilala na pala sila ng magiging boss nila samantalang sila'y hindi pa kilala kung sino nga ba ito sa trabaho nila.

Ilang sandali pa inubos muna ni Mark ang sigarilyo at pumasok na sila sa loob ng gusali para pumunta sa opisina ni Miss Dunol. Nilibot naman ni Julius ang kanyang mga mata sa kalakihan ng gusaling pinagbabagsakan ng mga sulat, sa kaliwang bahagi ng animoy bodega nakakalat sa sahig ang mga sulat na nagmula pa sa iba't ibang parte ng mundo _tansya nya sa kanyang isip. Hindi nila ito napuntahan nuong interview dahil pinaderetso sila ni Miss Gonie sa opisina ni Miss Dunol. Laking pasasalamat parin nya dahil kahit "High school lang ang natapos ay nakatanggap parin ng trabaho katulad nito. Napabuga nang hininga si Julius ng gulatin ito ni Mark. "Hoy! Pare titig na titig ka dyan sa mga sulat ah' kulang nalang ikaw na ang magbasa nyan" At tawang tawa nanaman na kantiyawan nila ni Kelvin. "Mga ungas kayo! Lagi nyo akong pinagtitripan tara na nga duon sa loob ng opisina ni Miss Dunol baka mamura tayo nun kapag tinanghali tayo sa pagpapadala ng mga sulat." Sabay suntok sa braso ni Kelvin na tawang tawa parin sa mga kautuan.

Pagkarating sa opisina ni Miss Dunol umupo silang tatlo sa Sopa at halata sa mga mukhang nahihiya pa dahil bago pa sila sa kanilang mga trabaho. Ilang sandali pa nilapirot ni Miss Dunol ang sigarilyo sa ashtrey at nagsalita. "Kayong tatlo mga bagong tauhan ko dito sa P,P (PHILIPPINE PADALA) ikaw ba si Mark? Pagtatanong ng ginang sa binata. "Opo ako po si Mark" "ok ang trabaho mo ay magsalansan ng mga sulat sa kabinet na iyon at itinuro ni Miss Dunol ang kabinet na nadaanan nila kanina pagpasok sa opisina, magulo ito at animoy kinalaykay ng maraming tao sa dibisiryo. "At ikaw si? "Kelvin po ma'am! Pagpapakilala ni Kelvin na ngingisi ngisi sa ginang. Inirapan lang ito ni Miss Dunol at ipinaliwanag kung anong magiging trabaho nito. "Nakita mo ba ang counter area sa pasukang iyon duon kita iaa-sign at kailangan mo lang gawin ay tumanggap ng mga ipapadala at magbigay ng mga resibo sa kleyente, naiintindihan mo ba? Dugtong na tanong pa nito sa Binata. "Opo ma'am" sagot nalang ni Kelvin na halatang natigilan dahil sa nakakatakot na pagpapaliwanag ng ginang. "Madali lang naman ang mga trabaho dito, since nakapasa kayo sa job interview nyo dapat nyong matutunan kung papaano makitungo sa mga kasamahan ninyo at ang gusto ko sa isang trabahador na katulad nyo ay masipag at maaasahan anumang oras na kailangan ko". Habang paikot ikot na lumalakad sa kanilang harapan si Miss Dunol ipinaliwanag nya iyon at naputol ang pagpapaliwanag ng mapansin nya si Julius na nakatingin sa litrato sa gilid ng kinauupuan nito. Marahil ay asawa ni Miss Dunol ang kasama nya sa litrato. "Ikaw binata anong pangalan mo? Pagtatanong ulit ng ginang kay Julius. Nagulat nanaman ito ng tapikin sya ni Kelvin na katabi lang nya halos. "A-a, Julius po ma'am! "Ok gwapo ka at maganda ang bulto ng iyong katawan nais kong gawin kang mensahero ng (P,P) gusto kong mapadami pa ang nagpapadala sa atin ng sulat ng sa gayon hindi bumagsak ang kompanyang ito". Muntik na kasi itong mabangkrap nuong nakaraang taon dahil sa lumabas na teknolohiyang "Cellphone" kung tawagin ng iba. "Ah' wala pong problema ma'am ito nga po o' nakahanda na yung bag ko para sa mga sulat". Pagbibirong tugon ni Julius sa ginang na halatang napangiti, dahil naramdaman ni Miss Dunol ang pagka-excite nito sa trabaho. "At isa pa Julius, hindi ka gagamit ng bisekleta para magbahay bahay, tirik ang araw sa tanghali at kailangan mo gumamit ng motorsiklo para mabilis nating maipadala ang mga sulat, naiintindihan mo ba? Sarkastikong tanong nito. "O-opo ma'am masusunod po. Agad naman bumalik sa kinauupuaang front desk si Miss Dunol at nagsindi ulit ng sigarilyo. Sa sandaling katahimikan nagbulungan ang dalawa niyang kaibigan samantalang si Julius ay nakatitig sa labas ng opisina ni Miss Dunol at malayo ang tingin. "Bweno mga hijo! Makakapagumpisa na kayo sa trabaho nyo at patuturuan ko kayo ng mga gagawin ninyo kay Sheryl isa sya sa pinakamatagal kunang trabahador dito sa kompanya ko. Agad namang tinawagan ni Miss Dunol si Sheryl para asikasuhin ang bagong trabahador. "Ok boys get up! At umpisahan nyo na ang pagtatrabaho, duon nalang ninyo hintayin sa counter si Sheryl at lalabas yun. Pagputol ni Miss Dunol sa katahimikan ng tatlo.

Habang nagbibidahan sa harapan ng counter ang tatlo may lumapit na babaeng maganda sa kanilang harapan nakatakong ito at hapit na hapit ang paldang suot na halata ang ganda ng hubog ng katawan, deretso din ang buhok nito na kulay berde ang kulay. Maganda rin ang pustura at sa tingin ng tatlo ay nasa 23 anyos lang ito dahil sa makinis na mukha at maputi. Natigilan nga ang tatlo at nabitawan pa ni Kelvin ang hawak na papel dahil sa magandang babae na nasa kanilang harapan. "Ow kayo pala ang bagong trabahador dito sa (P,P) nice to meet you guys, by the way ako nga pala si Sheryl ang assistant ni Miss Dunol". Nakipagkamay ito sa kanila at halatang natutuwa ito sa kanilang tatlo. "Ah' ako nga pala si Kelvin Manasilas" pagpapakilala ng binata sa dalaga. Ginantihan lang ito ng ngiti ni Sheryl at hinarap naman si Julius na nakangiti lang sa kanya. Sandaling naputol ang kamayan ng magsalita si Mark at pinaalalang may trabaho sila ngayong araw. "Guys tama na muna ang kamayan at may trabaho pa tayo ngayon wala pang lunch break" agad namang binitawan ni Sheryl ang kamay ni Kelvin na ayaw bumitaw. Natatawa naman si Julius dahil sa pagkainis ni Kelvin kay Mark na halatang nagkagusto kay Sheryl. Hindi naman nagaksaya pa ng oras si Sheryl at nagumpisa nang ipaliwanag sa kanilang tatlo ang gagawin. "Ok ganito ang gagawin mo Mr. Mark Santiago, kailangan mo lang ayusin ang mga bultong sulat na iyon sa kabinet at pagsunod sunurin ang lokasyon nito nang sa ganon hindi malito ang mensahero sa pagkuha nito" agad namang inasikaso ni Mark ang mga sulat at pinagsasalansan sa tamang kinalalagyan nito. Humarap naman si Sheryl kay Kelvin at sinamahan ito sa loob ng counter para ituro ang pagreresibo sa mga kleyente. "At ikaw naman Kelvin Manasilas ganito ang gagawin mo, kailangan mo lang ilista sa papel na ito ang pangalan, address, at pirma ng nagpadala at tanggapin ang perang iaabot nito ganun narin ang sulat" pagpapaliwanag ni Sheryl kay Kelvin na titig na titig sa kanya. Pagkatapos nang pagpapaliwanag kay Kekvin tinungo naman ni Sheryl ang tingin kay Julius na kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa ni Mark. "Oy ikaw Julius Villa Flore! Basag nito sa tinititigan ni Julius. "A- yes po ma'am? At marahang huminga ng malalim si Julius. "Nakikita mo ba ang motorsiklong iyon sa labas? Yuon ang gagamitin mo sa paghahatid ng sulat gets mo! At tinuro pa ni Sheryl ang mottor na kulay berde ang upuan na may malaking kahon sa likod. Sa ganoong paraan mabilis na naintindihan ni Julius ang sinasabi ni Sheryl at nagumpisa naring magayos ng mga ipapadala si Julius para ilagay sa kahong nasa likod ng Motorsiklo.

Umalis na ang babae at wala na silang oras pa para magbidahan kaya minabuti nalang ni Julius na gawin ang trabaho bago makita ni Miss Dunol na nagbibidahan pa sila. Pagkayaring ilagay ang mga sulat sa kahong bahagi ng mottor mabilis na nagtungo si Julius sa opisina ni Miss Dunol para magpaalam sa ginang na magpapadala na ito ng mga sulat sa Bayan ng Barbara. "Ma'am! Basag nito sa katahimikan ng opisina ni Miss Dunol. Magpapaalam po sana akong lalakad na para magpadala  ng sulat" Sumangayon naman ang ginang at lumabas narin ang binata para lisanin ang gusali.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 1.1K 31
Hindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...
395K 8.2K 17
Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko sa hindi inaasahang pag-ibig. Hindi ko in...
648 13 10
Alam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag...
11.1K 62 17
Yung sobrang hindi ko alam ang isusulat ko dito kasi nasa prologue ko. Ang daming nakakita_ wala namang bumabasa! Pansinin niyo naman po itong istory...
Wattpad App - Unlock exclusive features