A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 13

2.5K 29 0
By Ae_december


ERIER

Laglag ang aking balikat habang binabagtas ang main entrance door nang bahay. Hindi na ako nagtagal pa doon dahil napahiya talaga ako. Hindi ata umubra ang ginawa kong style sa goal ko na "make her fall in-love". May mali ba sa ginawa ko? Huminga nalang ako nang malalimBigla nalang nagsalubong ang aking mga kilay nang ma-alala ang asungot na lalakeng yun. Kasalanan niya ito, eh. Bigla nalang sumulpot doon at sinira ang aking diskarte.

Dinilaan ko pa ang aking labi at muntik masuka. Nalalasahan ko pa kasi yung tinatawag nilang fishball na pagkain nila. Bawal talaga sa amin ang pagkain nang mga tao ngunit pinilit ko talagang gawin iyon para lang ma-motivate si Iris nang husto.

Pagtapak ko sa sala, kusang nagbukas ang ilaw. Bigla nalang akong napatalon sa gulat. "Ay kalabaw!" may bumulaga kasi sa akin.

Present pala ang lahat sa bahay, suot ang kani-kanilang human shell. 

"Ginagago mo kaming lahat!" intro agad ni kapitan Okron.

Sumugod ba naman sa akin at bigla pa akong kinuwelyuhan. Tinulak ko naman siya. Hinampas naman niya ang kanyang braso at umilaw ang kanyang kaliwang kamay. Susugod pa sana siya sa akin, ngunit.

"Itigil niyo yan," pumagitna si kapitan Zegyr sa amin. 

Nagtiim ang aking bagang. Hindi na nga maganda ang mood ko, dadagdagan pa nang kupal na to.

"Bakit mo pinatay ang komunikasyon Erier?" singit ni Avara.

Hindi ako sumagot at nawalan ako nang ganang sagutin. Na bad trip kasi ako bigla. 

Nilagay ni kapitan Zegyr ang kanyang kanang kamay sa aking balikat. "Nauunawaan kita Erier," mahinahon niyang sambit. "Pero huwag mong sarilihin ang misyon. Kailangan ka naming protektahan, kapag manganib ang buhay mo,"

Protektahan? O saktan sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Ayokong maging pabigat kapitan. Nakakahiya sa inyong lahat," sa sarkastikong tono nang aking pananalita. 

"Erier," lumapit si Avara na ang itsura ay maihahalintulad sa mga babaeng taong napapanuod ko sa kanilang movies at series. Matangkad, seksi at sopistikada. "Seryoso ang misyon. We're not doing games here. Naka-usap namin ang council kanina at nagtatanong tungkol sa status nito. Hindi namin alam kung papaano kami magpapaliwanag dahil every part of this god damn mission, depends on you,"

Nagsalita si kapitan Okron na noo'y nasa harap na nang sliding door. May pa-long hair, long hair pang nalalaman, di naman bagay sa kanya. "Gugustuhin mo mang tumakas sa misyong ito – hahanapin ka pa rin nang planeta natin at paparusahan. Wala na kaming pake-alam pa kung mamatay ka,"

Kumuyom muli ang aking mga palad kasabay nang pagti-tiim nang bagang.

"Ma'am Avara," putol nila Sok at Alta na sumulpot nalang galing sa basement ng bahay.

Hindi ko sinasadyang mabaling ang aking paningin kay Alta. Yung itsura nang kanyang mukha parang gusto niyang mag-sorry at i-comfort ako. At ang napansin ko pa, yung suot niya parang may katulad. Ganyan yung madalas suotin ni Iris, lalong lalo na nung una kaming nagkakilala.

Hindi ko maiwasang mapa-ngiti nang palihim at medyo naguguluhan pa din at the same time. Tama ba na sundin ko ang suhestyon niya? Hindi pala ganoon kadali yung napapanood ko sa mga movies at series nila. 

Lumapit sa kanila si Avara at kina-usap sila nang masinsinan.

"Erier," nabaling ang aking paningin kay kapitan Zegyr. "Kaya mo yan," isang malawak na ngiti ang binigay niya sa akin.

Kahit papaano, muling naka-recover ang aking ego. Salamat talaga at nariyan palagi si kapitan na bukod tanging naniniwala sa akin. Na-alala ko tuloy si sir. Pasipiko at yung bago kong natutunan, yung tungkol sa salitang ama. Ngayon, maikukumpara ko na rin siya bilang isang ama.

"Kapitan!" lapit muli ni Avara sa amin. "Sok had detected an unverified energy source, malapit lang dito,"

Nabaling ang atensyon namin ni kapitan sa kanila. Si Sok ang may kaalaman tungkol sa machinery namin. Hawak niya ang isang technology na sumasagap nang iba't ibang uri nang energy source. 

Hindi ko maiwasang magsalubong ang aking mga kilay. Alam ko na kasi kung kaninong energy source iyon. Naririto na ang mga Alpha-Draconians ngayon.

"Naka-usap na natin si Erier dito. Bumalik na tayo nang Ieverin." Wika ni kapitan Zegyr.

Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol dito kaso umiral ang aking pride. Kung ano man ang binabalak nang mga halimaw na iyon sa akin, ako na ang bahalang tumuklas nito. Mahigpit kong sinabi sa aking sarili na hinding hindi ako hihingi nang tulong sa kanilang lahat.

Napansin kong nakatingin si Avara sa aking mga kamay. At sa direksyon ito nang suot kong sing-sing na binigay ni Marinagua. Baka naman eto yung energy na tinutukoy nila. Itinago ko nalang ang aking kamay sa aking likod. 

Iniwan nila akong lahat nang hindi nagpapa-alam. Nagtungo sila nang basement dahil naroroon ang teleporter namin pa-akyat sa Ieverin. At nang mawala na ang lahat sa aking paningin, kina-usap ko si Marinagua gamit ang sing-sing. Makikipagkita ako sa kanya. Napagdesisyunan kong sumama sa kanya doon sa sinasabi niyang Alien Convention.

***

Pumayag si Marinagua na isama ako sa lugar kung nasaan ang alien organization. Pinatay kong muli ang aking mga communication devices. Dala ang kanyang sasakyan, binaybay namin ang kailaliman nang tinatawag nilang Pacific Ocean. Sa isang isolated island pala nakatayo ang headquarter nang organization na iyon. Na lingid sa kaalaman nang sangkatauhan dahil may naka-paloob sa isla na isang teknolohiyang mahirap ma-detect nang radar system na gawa nang mga tao.

Pumasok kami sa isang lagusan na nasa ilalim nang karagatan at lumitaw sa loob nang isang kweba. At sa kwebang iyon naka-kalat ang iba't ibang klaseng water vehicles na pag-aari nang iba't ibang alien races.

Tumapak kami sa isang floating platform pag-labas nang sasakyan. May nakita pa akong sign board na may nakalagay na VIP access. Isang robot ang lumapit sa amin at nag-assist kay Marinagua na makalabas ng sasakyan. Kinarga siya nito dahil wala naman siyang kakayahang maglakad sa lupa.

"May ipapakilala ako sa iyo Erier, dalian natin,"excited niyang sabi.

Narating namin ang pinaka-sentro nang kweba at natanaw ang isang malaking hugis platitong bagay na naka-angat nang bahagya sa lupa. Umiilaw ang ilalim nito na kulay neon blue. Sumampa kami rito na ikinataranta ko pa dahil bigla itong bahagyang gumalaw. Unti unti siyang umaangat na para palang isang elevator. Napa-lingon ako pa-itaas at napa-nganga sa pagkamangha. 

Welcome to la Islas de las Agua's, boses na bigla nalang umalingawngaw sa paligid. At habang kami'y umaakyat, may binigay si Marinagua sa akin na isang wireless earphone.

"Suotin mo yan!" wika niya. Me nilagay din siya nito sa kanyang tenga. "Kailangan mo yan...kasi dito, we spoke one language para magka-intindihan ang lahat,"

Nang mailagay ko ito sa aking tenga, may narinig pa akong static noise. Saka naman tumigil ang sinasakyan namin sa tapat nang higanteng metallic door na ten meters ata ang taas. Otomatiko din itong nag-slide para bumukas.

Nanlaki ang aking mga mata. "Whoa!" bumaha kasi ang kulay puting liwanag.

Narating namin ang isang napakaluwag na kwarto. Ang kisame niya sobrang taas at isang dome. May hangin sa loob pero walang bintana. Napaka-liwanag dahil puti ang nangingibabaw na kulay. Nakita ko ang napaka-raming iba't ibang uri nang mga alien race. Pakalat-kalat sila sa loob. Kanya-kanya sila nang lakad sa bawat parte nang maluwag na lugar na iyon.

May nakita akong mga naka-konektang bridgeway sa bawat gilid nang ding-ding sa taas ko. May escalator na patungo sa isang mezzanine floor na pabilog pa rin ang korte. Na-alala ko tuloy ang mga civic building sa aming planeta kung kaya't hindi ako magkamayaw nang tingin sa buong paligid. At seriously? Ganito karami ang mga alien race na naririto sa Earth.

"Bestie! "nawala ako sa focus dahil sa pagsulpot nang isang boses babae.

Napatingin ako kay Marinagua. "Oh! My gosh sabi ko na nga ba nauna ka pa eh,"

Isang pandak na babaeng tao ang tumakbo palapit sa amin at yumakap sa kanya ng mahigpit. Kutis porselana ang kanyang balat. Yung mukha niya sobrang amo at ang liit. Yung buhok niya nakaka-aliw, rainbow colors na hanggang sa likod. Ang cute niyang tignan sa itsura niya. Naka-suot siya nang overall na space suit at metallic orange.

Bumaling sa akin nang tingin si Marinagua na naka-akbay sa babae. "Erier meet my super bestie! Si Chamie! Isa siyang Plejaren alien,"

Namangha ako sa kanyang presensya. So alien pala siya pero bakit mukhang tao, o baka human shell niya rin iyan. Nasorpresa ako nang lumapit siya sa akin at pikit matang nilagay ang dalawa niyang kamay sa aking sentido. Hindi ako makagalaw lalo na nang mag-liwanag ang buo niyang katawan. Nakadama ako nang warm tingling sensation.

Nawala ang liwanag at dumilat ang kanyang mga mata. "Oh my gosh bestie! Mabait nga siya. nararamdaman ko ang sincerity at positive energy na dumadaloy sa kanyang puso. Nice to meet you, cutie," ngiting wika ni Chamie.

"Ako nga pala si Erier. Isa akong Xyle-ver at nagmula ako sa planetang Xyleveria. Ikinagagalak kitang makilala,"

"See bestie, "wika ni Marinagua.

Ang sweet ng smile ni Chamie sa akin. "Naroroon na sila sa chamber bestie...tara na," aya niya.

Tumalikod ito at naglakad pasulong. Umabante din si Marinagua sakay nang robot at nakatingin sa akin na sinesenyasan akong sumunod. Sinundan ko silang dalawa habang paligoy-ligoy pa rin ako nang tingin sa buong paligid. May nakaka-salubong akong mga alien race na napapa-tingin sa akin, ngini-ngitian ko naman sila at binabati.

May tumigil sa aking harap na dalawang aliens na kasing tangkad ko rin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang pa at nagbulungan. Mukha rin silang mga tao. Yung balat nila maputi rin pero maputla. Yung buhok nila kulay blonde na hanggang bewang at aalon-alon. Pareho silang naka-all white na over-all body suit. Kundi pa dahil sa naka-umbok na dibdib nung isa, hindi ko talaga makikilala ko kung sino ang babae at lalake. Perfectly identical kasi sila at kulang nalang pak-pak sa likod.

"Bago ka no?" wika nung girl na yung boses monotone pero sopistikado yung tunog.

"Ah...eh...oo ako si Erier isa akong Xyle-ver kinagagalak ko kayong makilala,"

Nagkatinginan yung dalawang alien na hindi man lang sumagot. Nag-roll pa nang eyes yung isa. Parehas silang naka-halukipkip.

"I'm Beau and siya ang kuya ko si Fehr," sagot nang girl.

"Tara na sis! Mahalaga ang time sa mga magagandang tulad natin," dagdag nung boy. Naka-taas ang isa niyang kilay.

Napalingon ako kaynila Marinagua at Chamie. Na huminto pala at mga naka-halukipkip din. Nakataas ang mga kilay nila at nagkakatinginan din sa isa't isa.

"Friends mo sila?" tanong nung girl. Nagkatinginan sila nung boy at nagtawanan nang nakaka-insulto. "Sumama ka kaya sa amin. Dapat magsasa-sama ka sa mga tulad namin. Hindi sa mga chakang tulad nila at FREAKS!" 

"Ahem...excuse me! Erier may sinadya tayo rito," singit ni Marinagua na parang nagtataray ang boses. Hinaltak niya ako palayo kaynila Beau at Fehr. At yung robot na sakay niya umusad nang mabilis. Nakalad-kad tuloy ako.

"Tara na! Importante ang sinadya natin dito at hindi pumatol sa mga epal," ang taray na talaga nang kanyang boses.

Inirapan lang kami nang dalawang aliens na parehong tumalikod sa amin. Nag flip pa nang hair yung Beau.

"Huwag ka ngang magsa-sasama sa mga yan," sambit ni Chamie.

Nagtaka ako. "Ba...bakit?"

"Mga feelingero yan," singit ni Marinagua. "At bully, kinakaibigan ka nila para me lait-laitin sila,"

Na-triggered ako sa sinabi ni Marinagua. Kaya pala ganoon kung magsalita. Hanggang dito ba naman me mga ganyan pa ring klaseng mga nilalang. Mabuti nalang at hinila nila ako palayo sa kanila. Pinoprotektahan ko na ang pride ko ngayon. Ang hirap kaya kapag puro negatibo nalang ang maririnig mo sa iyong paligid.

***

Nauwi kami sa isang kwarto na pabilog kasi walang kanto yung mga ding-ding. May higanteng aquarium sa pinaka-gitna niya at ang ganda pagmasdan. Sumasayaw kasi yung kulay asul na tubig sa bawat dingding, sahig at kisame. Mas kita ito dahil halos kulay puti lang ang buong kwarto. 

Narating namin ang lounge area at sumalubong kaagad sa akin ang dalawang nilalang na naka-upo sa bawat mga sofa roon. Inaantay na pala kami nito. Sabay sabay na nabaling ang paningin nang dalawang alien.

"Erier," wika ni Chamie. "Pinapakilala ko sayo si sir Ezeros. Isa siyang Lyran,"

Tumayo ang isang matangkad na nilalang at malugod na nakipagkamay sa akin. Lalake siya na may matipunong katawan ngunit ang kanyang ulo ay katulad nang isang hayop na tinatawag nilang leon dito sa mundo. 

"Ikinagagalak ko po kayong makilala," wika ko.

"Ako din hijo! Ikinagagalak kong makilala ang isang uri mo," sagot ni Ezeros. Yung boses niya parang kulog na malumanay. 

"Si sir Eke, isang Arcturian," dagdag naman ni Marinagua.

Lumapit sa akin ang isang kulay blue na alien nang tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa sofa. Parang katulad ko rin siya sa anyong Xyle-ver ko. Malapad ang noo at walang buhok. Yung mata nga lang niya korteng dahon at kulay dark blue lahat. Hindi ma-alis alis ang tingin niya sa akin na mukha pa atang manghang-mangha.

"Ma-upo kayo," sambit ni Ezeros.

Sabay-sabay kaming umupo sa sofa. Nakatingin pa rin sa akin yung Eke, ano bang problema nito.

"Hindi kasi ako makapaniwala," bigla niyang sagot, hala nababasa niya ang iniisip ko.

Napalingon ang lahat sa akin nang bigla nalang akong nangisay. Naramdaman ko ang labis na pananakit nang aking ulo na akala mo may mga kamay na gusto itong pisain. Nanlabo ang aking paningin at nagkulay puti nalang ang aking paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

252K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
96.1K 1.7K 51
(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag...
58.3K 1.4K 22
A girl with a special ability. At first she didn't believe that she had an ability. At the academy,she knows that she had a responsibility to be done...
1.1K 51 41
Paano kung Sa kabila ng Masaya at Masaganang buhay ng Mga Immortal ay magiging Masirable at Babagsak ang Mundo ang mga immortal dahil lang sa lihim n...