Fairies: The Last Mission (Bo...

By NotebooksAndPens

15.8K 442 1

Ito ang kanilang huling hakbang patungo sa matagal ng inaasam na kaligayahan. More

* * *
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Epilogue
Bonus Chapter

Twenty-One

198 7 0
By NotebooksAndPens

“Feeble. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Stout.” sabi ni Stout kay Feeble.

Si Feeble ay naging bestia. Inaatake niya sina Stout. Hindi niya makilala ang nasa paligid niya.

“Haha. May nabiktima na pala sa Cold Wave na yan.” tawa naman ng isang boses.

Lumingon silang lahat sa nagsalita at nakita nila ang isang lalakeng nakahood.

“Ryeth.” tawag ni Frail.

“Oops. Mali ka. Hindi ako ang hinahanap n'yong iyon. Ako ay isang hamak na tagapaggabay sa inyo.” sabi nung lalake at tinanggal niya ang hood niya.

“RAAAAAAWR!” sigaw ni Feeble.

Itinaas naman nung lalake ang kamay niya at kumuha ng espada at ibinaon ito sa braso ni Feeble. Muli namang sumigaw si Feeble. Si Stout ay agad humarang sa harap ni Feeble.

“Anong ginagawa mo?” tanong nung lalake nung matanggal ang hood niya.

“Faery?” tanong ni Stalwart.

“Hindi ba sinabi ko na magkikita tayong muli.”

“Ikaw si Faery? Pero paanong kasing laki ka ng tao?” tanong ni Frail.

“Gah!!” sigaw ni Stout nung hampasin siya ni Feeble.

“Umalis ka d'yan.” sabi ni Faery.

Humarang naman si Frail sa harap ni Faery nung makita niya si Stout na kukumbinsihin si Feeble.

“Hindi kita hahayaang mangilam dito.”

“Isa lang ang paraan para matapos ito. Patayin siya.” sabi ni Faery.

Lumapit pa lalo si Frail at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg.

“Patayin mo si Feeble o papatayin kita. Alin kaya don ang mauuna?” tanong ni Frail.

“Feeble… Feeble. Gumising ka. Ako ito si Stout.” pagtawag ni Stout kay Feeble.

* * *

“Mahal na Prinsesa. Pinapatawag na po kayo ng Mahal na Haring Quaine.” sabi ng isang katulong sa kanya.

Agad naman siyang tumakbo palabas ng kwarto niya.

“Nakahanda na ba ang pagkain?” tanong niya sa katulong.

“Mahal na Prinsesa, h'wag kayong tumakbo.” galit na sinabi nung katulong sa kanya.

Tumigil naman siya at nalungkot. Pumasok siya ng tahimik sa hapagkainan. Nakahanda na nga ang lahat pati ang mga magulang niya ay tahimik na nakaupo sa kanilang mga upuan.

“Pinagalitan ka na naman ba?” tanong ng Mahal na Reyna sa kanya.

Umiling lang naman siya.

“Feeble, hindi namin malalaman kung hindi mo sasabihin sa amin.” sabi naman ng Hari.

“Kuya. Ah, este Mahal na Hari. Ayos lang po ako. Masungit lang po talaga ang katulong ko.” sabi ni Feeble at tinignan niya ang katulong niya na hindi naman lumilingon sa kanya.

Tok!

Tok!

Tok!

Lumingon si Feeble sa bintana at nakita niya si Stout na kumakatok.

“Feeble, gumising ka.” sabi ni Stout habang galit na kinakalabog ang bintana ng palasyo.

“Stout, anong ginagawa mo? Gising naman ako.”

“Feeble! Nilalamon ka ng kadiliman! Feeble!” sigaw pa niya.

“Hindi kita maintindihan.” sabi ni Feeble at lumapit siya sa may bintana.

“Feeble. Patay na ang Mahal na Hari. Patay na ang pinsan mo. Pinatay siya ni Ryeth sa harap mo. Gumising ka.”

Nagulat si Feeble sa narinig niya. Lumingon siya sa hapagkainan at nakatingin sa kanya ang kuya niya.

“May problema ba?” tanong nito sa kanya.

“Wala po.” sabi ni Feeble at bumalik na siya sa upuan niya.

“FEEBLE!” sigaw ni Stout.

TOK!

TOK!

TOK!

“Tama na, Stout. Hindi ako makikinig sa 'yo. Buhay si Kuya at hindi ko kilala si Ryeth.” sabi ni Feeble.

“Feeble. Nagmamakaawa ako sa iyo. Gumising ka na. Hindi ba sinabi mo sa akin noon na sabay nating babawiin ang sa atin? Ipinangako ko sa 'yo na ipaghihiganti natin ang pagkamatay nila…” lumingon si Feeble sa kanya ulit at nakita niya si Stout na puno ng dugo.

Agad naman lumapit si Feeble sa bintana. “Stout, anong nangyayari sa iyo? Ako ba ang may kagagawan nito?” tanong ni Feeble habang nakahawak sa bintana.

“… sinabi ko rin sa iyo na hindi kita pababayaan na bumalik sa nakaraan mo. Ayokong makita kang nagdurusa. Feeble, bumalik ka na. Ka-kailangan kita.” sabi ni Stout.

Nanlaki ang mga mata ni Feeble. Unti-unti niyang binuksan ang bintana at niyakap si Stout.

“Feeble.” tawag sa kanya ni King Rype.

Agad lumingon si Feeble at ngumiti. “Kuya, maraming salamat sa pagkain pero may misyon akong kailangan tapusin.” sabi niya at lumabas na siya ng bintana.

Nakangiti lang naman sa kanya si King Rype at ang asawa niya.

* * *

Dumating si Drown at nakita niya si Feeble na nasa anyong bestia at napaatras siya sa nakita niya. Agad siyang pumunta at binalot niya ng tubig sina Feeble at Stout. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Drown.

“Drown, anong ginagawa mo?” tanong ni Frail habang hawak pa rin si Faery.

“Hindi ko rin alam pero kusang gumalaw ang katawan ko.”

“Feeble, bumalik ka na. Ka-kailangan kita.” sabi ni Stout.

Tumigil sa pagwawala si Feeble at bumalik sa dati. Pumutok ang tubig at nakita nilang yakap ni Feeble si Stout.

“Kailangan din kita Stout.” sabi ni Feeble sa kanyang panaginip.

Agad binalutan ni Stout si Feeble ng tela dahil nawala ang suot ni Feeble na damit. Agad din nawala ang malay ni Feeble. Nanatili sa kanang binti niya ang isang malaking peklat na parang kinalmot ng bestia. Bagay na pinagtataka ni Stout.

Pumunta ang lahat kay Feeble. Binitawan ni Frail si Faery kaya walang nakapansin na umalis na si Faery.

“Anong nangyayari?” tanong ni Seph.

Tumingala si Drown at nakita ang bilog na buwan. Posible kayang Cold Wave ang dahilan kung bakit naging bestia si Feeble? Yang ang tanong sa isip ni Drown.

* * *

Nakaupo ang lahat sa harapan ng toldang kanilang ginawa. Si Stout ay nanatiling nakatayo sa pintuan ng tolda. Lahat ay tahimik hanggang sa magsalita si Drown.

“Hindi lang si Ryeth ang kailangan nating problemahin ngayon.”

Napalingon naman silang lahat sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nakausap ko si Risk at sinabi niya sa akin na may kumakalat na sakit na Cold Wave at galing ito sa puso ng Frozen Time o mas kilala natin sa tawag na Ryeth.”

* * *

“Nagawa mo pang magpakita sa akin pagkatapos mong suwayin ang utos ko?” tanong ni Ryeth sa kanya.

“Pasensya na Ryeth. Gusto ko lang tumulong.” sabi niya.

“Hindi ka nakakatulong. Binabalak mo bang patayin siya kanina?” tanong ni Ryeth.

“Hindi ba dapat ko siyang patayin dahil naapektuhan na siya ng Cold Wave?”

“Cold Wave? Anong pinagsasasabi mo d'yan?”

“Huh?”

“Hindi Cold Wave ang dahilan na iyon.”

“Kung ganon, ano iyon?” tanong niya.

“At bakit ko sasabihin iyon sa katulad mo? Ang umalis dito o ang patayin ko? Mamili ka.” sabi ni Ryeth sa kanya.

“Bakit tila kumakampi ka sa kanila? Hindi ba dapat matuwa ka na malapit sila sa bingit ng kamatayan?” tanong niya kay Ryeth.

“Umalis ka na rito.” sabi ni Ryeth sa kanya.

“Sa susunod na pagkikita natin ay isang malaking supresa ang ihahandog ko sa iyo.” sabi niya at umalis na siya.

Naiwan naman mag-isa si Ryeth sa kwarto niya. Naiwan siyang nag-iisip.

Continue Reading

You'll Also Like

10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
3.5M 98.3K 41
READ AT YOUR OWN RISK PLEASE. - - Academia is a World where magics exist... The Queen of Light Academia born a Child who have a Powerful Magic. She...
71.4K 2.7K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
8.7M 202K 46
WARNING : THIS BOOK IS UNDER MAJOR EDIT! Summer Autumn Park, rich, known and lit, young lady. A know-it-all girl and a mean bitch in the human world...