Play It Right ~ JulNiel Fanfi...

By MissyCharming

69.5K 1.5K 585

Bakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pin... More

Play It Right ~ JulNiel Fanfic
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
continuation of Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 17

1.3K 36 13
By MissyCharming

ATTENTION!!!

Mahal kong readers,

            SORRY ngayon lang nakapag-update TT_TT

First day of school pa lang nga namin ang dami ng pinapaggawa, kaya wala akong time para mag-update. Siningit ko lang talaga 'to kasi super duper major major to the highest level love ko kayo! So expect slower update...

Sorry talaga! I hope you understand. God bless! Lovelots :**

~Mimi

P.S sana madaming magshow ng support para kahit papano may reason ako para mag-update! Hehe ^____________^

VOTE | COMMENT | LIKE | FAN

Chapter 17 - Petroleum DJ

Hinatid niya ako sa bahay nila Ate Coleen, kung saan ako nakikituloy. Ayaw ko nga sana eh kasi malapit ng magdilim tapos magcocommute lang, kaya lang mapilit siya. HHWW (holding hands while walking) ang drama namin ngayon.

“Dito na lang tayo.” tumigil ako sa paglalakad nang medyo malapit na kami sa tapat ng bahay. Halos dalawang bahay na lang at mansyon na ni Ate Coleen.

“Bakit?” nagtataka niyang tanong.

“Huh? Uhm…wa-wala lang.” napayuko ako, “Sorry.”

“Okay lang, kung hindi ka pa handang ipaalam sa kanila ang namamagitan sa atin.” Lumapit siya ng kaunti at hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. “I can wait.”

Para namang nagkaroon ng sunog sa may mukha ko sa sobrang init ng nararamdaman ko. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. “Dry na lips mo oh. Dapat lagi yang linalagyan ng kaunting kaartehan. Gusto mo bigyan kita? Okay na siguro yung petroleum?” anong pinagsasasabi nito? Tsaka anong alam niya sa mga kaartehan na yun?

*mwah*

Pinalo ko siya, “Ano ka ba. Dry na nga hinalikan mo pa.” wiiw. Naiilang na kinikilig ako. Nag-iwas tingin siya ng magtama ang mga mata namin.

“Binigyan lang naman kita ng petroleum eh.” sabay kamot sa ulo.

“Petroleum ka diyan. Eh pagnanakaw yun eh.”

“Tss. Ayaw mo nun mas masarap na petroleum. Bagong labas sa market, petroleum Dj.” nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Kyaaaaaaaaaaaaaah~

“Ewan ko sa’yo. Umuwi ka na nga.” tinulak ko pa siya ng pabiro tapos tumalikod na at naglakad palayo. Ayokong makita niyang namumula at kinikilig ako. Kahit masyado ng obvious.

Hindi pa man ako nakakalayo, naramdaman kong may yumakap sa akin from behind. “I love you. Thanks for making me happy this day.” pabulong na sabi niya enough for me to hear. Kumalas siya at narinig ko na lang ang footsteps niya na palayo sa kinatatayuan ko.

Liningon ko siya at nakitang papalayo na. I just can’t stop smiling.

^__________________________________________^ 

Naglakad na ako ulit papunta sa bahay and still my smile didn’t fade away until I remembered something…

-flashback-

*auction night*

“A-a-aray! Bitawan mo nga ako. Aray. Sino ka ba?” reklamo ko dun sa lalaking humihila sa akin.

“Hindi ka dapat nakikipag-usap sa Enrique na yun.” sabi niya habang patuloy pa din sa paghila sa akin. Tinutukoy ba niya yung lalaking hihila sana sa akin papunta sa table ng mga guest?

“Enrique? Paanong naging si Enrique yun eh nakita ko naman siya kanina iba yung suot. Nakawhite tuxedo kaya si Enrique.” sagot ko naman.

“Tanga ka ba? Syempre nagpalit siya ng damit. Tsaka wag ka ng makipagtalo sa akin dahil nakita ko mismong nagpalit siya ng suot niya.”

“Nakita mong nagbihis siya? *shock. hawak sa bibig.* Bading ka ba?”

*PAK*

“Aruuuuuuuuuuuuy.” batukan ba naman ako?

“Hindi ako bading, natural iisa lang ang dressing room namin.” rason niya. Tinanggal niya ang kanyang maskara…pero kahit na ganun…hindi ko pa din siya kilala =___________=’’

“Sino ka ba kasi?” tanong ko.

“Sa gwapo kong ito, hindi mo ako kilala?” grabe! nagsiliparan na ang mga bagay na nasa paligid namin. Ang tindi ng hangin eh! Inilahad niya ang kanyang kamay, “Sam nga pala. You’re Julia right?”

Tumango ako tapos iniabot ko yung kamay niya at nakipagshake hands, “Mag-iingat ka kay Dj. Warning lang, hangga’t maaari, wag kang maiinlove sa kanya.” then he walked away. Bastusan lang ‘te?

“Problema nun?” eewww. Iniisip ko pa lang na magiging kami nung Freak na yun, kinikilabutan na ako. Gaaaaaah. Bakit naman niya nasabi yun? Duh. Kahit gwapo yun at malakas ang appeal, hinding-hindi ako papatol sa isang playboy at lalaking daig pa ang babaeng may mens kung magsungit!

Aalis na sana ako ng may humila na naman ulit sa akin. Waaaaaaah! Parang awa niyo na…ang sakit na ng kamay at paa ko ;>_____<;

-flashback off-

What if tama si Sam? paano kung another game lang naman pala ‘to for Dj? paano kung hindi naman niya talaga ako mahal? sa itsura ko ba namang ‘to may magkakagusto?

Pero kasi, parang sincere naman yung mga pinapakita ni Dj sa akin eh. Ang hirap niyang iresist. Ang hirap niyang tanggihan. But at the same time ang hirap din niyang paniwalaan. But what if masyado ko lang talaga siyang jinudge? What if hindi naman talaga siya ganun na tao?

UGH! Sumasakit ulo ko eh >__<

*BLAAAAAAAAG*

“Ajujuju.” sabay hawak ko sa ulo kong tumama sa poste ng ilaw.Taeng poste! Ang tanga-tanga. Dun ko lang napansin na lumampas na pala ako sa gate ng bahay ni ate Coleen.

Inayos ko na sarili ko at naglakad na ulit papunta sa bahay ni Ate Coleen. Bubuksan ko na sana ang gate nang…

“BWAHAHAHAHAHA.” marinig ko na naman ang tawa ng isang halimaw. Nakasandal siya sa kanyang kotse na nakapark sa tapat ng bahay. “Grabe you always make me laugh. HAHAHA.”

Eh di sino pa? Ang walang hiyang halimaw na tumawa ng tumawa nung panahon na nasukahan ako ni Dj. Grrr. Ipapatapon ko talaga ‘tong Enrique na ‘to sa Bermuda Triangle at ng mabawasan ang mga playboy sa mundo. Masyado na kasing polluted eh.

“Late reaction? Tss.” binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob. At sa hindi malamang kadahilanan…pumasok din siya. “PROBLEMA MO?!”

“Whoooow.” sabay taas ng dalawa niyang kamay na para bang sumusurrender. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglakad papasok. Ba’t parang walang katapusang lakaran ata ang ginagawa ko ngayon? Tsk.

Nang makarating ako sa main door nagulat ako sa biglang paglabas ni Ate Coleen at ni Ms. Bea.

“Oh Julia you’re here na pala. And…magkasama kayo ni Enrique?” tanong ni Ms. Bea sabay turo dun sa halimaw. Pati si Ate Coleen nagulat din sa presence namin.

“Hindi po. Kakarating ko lang po.” sabi ko naman.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ate Coleen na may…pagtataray?

“Si Ate Bea yung pinunta ko dito.” sagot naman nung halimaw.

“Bakit dito ba bahay ni Ate Bea?” mas mataray na tanong ni Ate Coleen. Okay. I can smell something…Hmm.

“Oo nga Quen, sana hinintay mo na lang ako sa bahay.” - Ms. Bea

“I have something to tell you po kasi eh…and it can’t wait.”

“Ganun ba? Oh sige. Coleen, Julia, una na kami ah.” paalam ni Ms. Bea sabay beso sa aming dalawa ni Ate Coleen.

Umalis na sila Ms. Bea at yung halimaw. Naku! Dapat winarningan ko si Ms. Bea na halimaw ang kasama niya. Tsk.

Pumasok na din kami ni Ate Coleen sa loob ng bahay. “Magbihis ka na at kakain na tayo.”

“Opo ate.”

Agad akong nagpunta ng kwarto at nagbihis. Humiga muna ako sa kama ko. Napagod ako sa mga pangyayari kanina. Ikaw ba naman maglakad ng maglakad at tumakbo ng tumakbo sama mo pa ang mga bipolar na bugso na damdamin. Sinong hindi mapapagod?

Nakatingin lang ako sa ceiling. Tulala.

Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na napigilang ngumiti. Muli na naman nagflashback ang mga pangyayari kanina. Kinuha ko ang unan sa tabi ko tapos tinakip sa mukha ko at…

“HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM!” sigaw ko. Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! Kinikilig talaga ako sa nangyari kanina. Wieeeeeeeeeeeeeh **___________**

Pero…

Andyan na naman ang mga ‘PERO’. Pwede bang magpakasaya muna ako kahit ngayon lang? Haist.

Tumayo na ako at tsaka bumaba para sa dinner. Naabutan kong nasa mesa na si Ate Coleen at nagdadasal na para sa pagkain.

“Ate Coleen, ano palang ginagawa dito ni Ms. Bea kanina?” tanong ko habang kumukuha ng kanin.

“Wala may pinag-usapan lang kami.” sagot niya. Hindi na ako umimik. Parang kasi wala siya sa mood makipag-usap eh, parang ang lalim ng iniisip niya.

Kumain na lang kami ng tahimik at mapayapa XD

Bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga, ang sakit ng binti at paa ko. Pinikit ko na mata ko…

After 287664899209188726762342630 years.

Ganito pa din mata ko ------>> O______________________O

I’m still wide awake and unfortunately hindi ako makatulog. Malamang hindi ako makatulog kaya I'm still wide awake. Haruuuu!

Gulong to the left.

Pikit ang mata.

ERROR.

Gulong to the right.

Pikit ang mata.

ERROR.

GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Gusto ko ng matulog! Huhuhuhu ;((

Lumabas na lang ako sa veranda ng kwarto ko. Ang sarap ng simoy ng hangin! Wew.

“Ba’t di ka pa natutulog?”

“AAH!” impit na sigaw ko. Paano ba naman bigla-bigla na lang may sumusulpot na kapre sa puno sa tapat ko.

***

Sino yung kapre sa puno? HAHA XD

VOTE | COMMENT | LIKE | FAN

Continue Reading