Lisha POV.
Maaga akong nagising dahil gusto kong mag jogging. Naligo na ako at nag bihis ng pang jogging.
Alasingko palang ng umaaga, may isang oras pa ako bago lumubog ang araw.
Pumunta na ako sa large court kung saan ako laging nag ja-jogging. Pagpasok ko ay may nakita akong isang bulto ng half blood.
Sino sya?
Medyo lumapit ako sakanya at narinig kong may sinasabi sya at mukang umiiyak.
"Nakakainis!! Bakit ba ayaw makisama ng katawan ko!! Bakit ba takot na takot ako!! Nakakainis!! Nakakainis talaga!!" Sabi nya at binalibag pa ang sapatos nyang nasa tabi nya.
Teka....
"Luke?" Gulat na tanong ko.
Gulat syang napatingin saakin, pinunasan nya ang luha sakanyang mga mata. Umiwas din sya ng tingin.
Okayyy! Ngayon lang ako naka kita ng lalaking umiiyak at mukang mas malala pa ang itsura nila kumpara sa babaeng umiiyak.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko pero agad kong kinurot ang sarili ko dahil sa nakakatangang tanong ko.
(-_-)
Malamang Lisha! Nakita mong may luha diba? Why so tanga.
"H-Hindi, na-napuwing lang" Sabi nya
"Napuwing? Talaga ba? Yung totoo Luke? Napuwing ka o naiinis ka sa sarili mo?" Tanong ko pero hindi sya sumagot "Luke mas bibigat 'yang dinadala mo kapag hindi mo inilabas yan" Sabi ko
"Wala lang 'to" Sabi nya
"Wala lang pero umiiyak ka"
"Wala nga lang 'to! Bakit ba ang kulit mo!" Inis na sabi nya saakin.
"Ayoko lang makitang nahihirapan ka" Sabi ko
Gulat syang napatingin saakin.
"A-Anong s-sabi m-mo?" Nauutal nyang tanong
Umupo ako sa tabi nya
"Ayokong nakikita kang nahihirapan. Hindi pa kase ako nakakita ng lalaking mabigat ang problema at umiiyak. Nakakapanibago lang na makita ang isang mapang-asar, makulit, at supladong katulad mo na umiiyak at nahihirapan"
"Ganon ba? Akala ko kaya ayaw mo akong nakikitang nahihirapan dahil may gusto ka saakin" Nakangising sabi nya at mukang nang-aasar naaman sya "May gusto ka saakin 'no?" Mapang-asar nyang sabi at tumawa. Tumigil lang sya ng makitang hindi ako naasar.
"Kaya ka ba nang-aasar at nang-iinis ay para maitago ang tunay mong nararamdaman? Yun ba ang dahilan Luke?" Tanong ko na ikina-iwas nya ng tingin "Luke pwede mo bang sabihin saakin kung ano ang problema mo? Baka sakaling makatulong ako" Sabi ko pa
Napabuntong hininga muna sya bago nagsalita.
"Meron akong nakababatang kapatid na babae. Meron syang malalang sakit, bata palang kame simula ng patayin ko sya" Sabi nya habang nakatingin sa kawalan.
"What?! Pinatay mo sya?!" Gulat na tanong ko at tumango naman sya na lalong ikinagulat ko.
What the hell! He killed his own sister?!
"Hindi ko alam na may sakit sya non. Bawal syang lumabas sa kwarto nya dahil kapitan lang sya ng kaunting germs o bacteria ay maari nya na itong ikamatay. Isang araw ay palihim akong pumasok sa kwarto nya pata makalaro ko sya. Tuwang-tuwa sya non, lumapit ako sakanya at hinalik-halikan sya. Miss na miss ko kase non, hindi ko sya nakikita kaya naman tuwang-tuwa ako nung makita at mahawakan ko sya.... Pero ang saya ko ay nawala nung biglang humandusay ang katawan ng kapatid ko sa sahig" Tumulo na ang luha na kanina nya pa pinipigilan "I-I was so shock that time, to the point na hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumakbo ako papunta kina mommy at daddy at sinabi ang nangyari. Agad silang pumunta sa kapatid ko, but it's to late, my sister die because of me. Hindi ko alam na may germs and bacteria pala akong nakuha dahil naglaro ako sa bakuran namin, nailipat ko iyon sakanyan. My mommy and daddy was so angry at me, ilang months akong grounded, hindi nila ako pinapakain. Sinisi rin ako ng mga ibang Nightbloods, sinabi nila na kasalanan ko ang lahat. Tao ang kapatid ko kaya kaylangan ko syang protektahan pero ako pa ang dahilan ng pagkamatay nya. Buong kabataan ko ay sinisisi nila ako, wala na silang ibang sinabi kundi masama akong kuya, pinatay ko ang kapatid ko, kasalanan ko ang lahat. Pati mga magulang ko ay ganon ang sinasabi sakin, laging galit saakin si mommy at hindi naman ako pinapansin ni daddy. Yun ang dahilan kaya takot akong pumatay, natatakot akong sisihin muli" Sabi nya habang umiiyak
Niyakap ko sya.
"Sabi ko naman sayo ayaw kitang nakikitang umiiyak diba?" Sabi ko "Luke hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan dahil aksedente ang lahat. Hindi mo kasalanang hindi mo alam na may sakit pala ang kapatid mo. Walang may kasalanan Luke"
"Madali lang para sainyong sabihin yan, maging si ate'tukayo ay ganyan din ang sinabi saakin pero alam ko sa sarili kong kasalanan ko, ako ang may kasalanan!" Sabi nya
Hinarap ko sya "Sige sabihin na nating kasalanan mo nga. Pero Luke hindi mo kaylangang dalhin yang ala-alang yan hanggang ngayon. Move on Luke"
Tinulak nya ako.
"Move on?! Lisha hindi mo alam ang nararamdaman ko tapos sasabihin mo move on?! Bakit ba lahat kayo ay ganyan ang sinasabi!!" Galit na sigaw nya
Tumayo ako at sinampal sya. Kahit kaylan wala pang nagbalak na sigawan ako.
"Yun naman pala eh! Marami na palang nagsasabi sayo!! Bakit hindi yun ang gawin mo?! Yun ang tama Luke!!" Inis na sabi ko pero hindi ako sumigaw
"Kapag ginawa ko yun parang kinalimutan ko narin ang kapatid ko!!"
"Luke hindi mo talaga kakayanin kung ayaw mo. Satingin mo matutuwa ang kapatid mo sa ginagawa mo? Satingin mo matutuwa sya dahil sya ang dahil kung bakit walang lakas ng loob pumatay ang kuya nya! Hindi Luke!! HINDI!!" Medyo tumaas na ang boses ko.
Natigilan sya. Medyo na karamdam ako ng guilt, magsosorry sana ako pero tumakbo na sya palabas ng large court.
What the hell Lisha!! What the hell!
Luke POV.
Nakaainis! Lahat nalang sila sinasabing mag move on ako sa nangyari sa kapatid ko. Hindi ko gagawin yun dahil parang kinalimutan ko narin ang kapatid ko.
Nang nawala na ang sama ng loob ay pumunta na ako sa SHQ. Nakita ko si Lisha na naka upo sa isang sofa, hindi ko sya pinansin at naupo nalang sa isang sofa, yung malayo sakanya!
"Ahh Luke..." Pinutol ko ang kung ano man ang sasabihin nya.
"Kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka nalang" Sabi ko
"I just want to say sorry for what I say" Sabi nya pero hindi ko na sya pinansin.
Hindi na sya nagsalita, ilang minuto ang nakalipas at dumating na si ate'tukayo. Nagtataka naman syang tumingin saamin.
"Ang aga nyo naman" Sabi ni ate'tukayo "I thought tulog pa kayo dahil madaling araw natapos ang laban nyo" Hindi namin sya sinagot "Nag-away nanaman ba kayo?" Tanong ate'tukayo.
"Hindi naman po" Sabi ni Lisha
"Ano? Tampuhan? Napapansin ko lang na kapag nag-aaway kayo ay parang magboyfriend at mag girlfriend kayong dalawa. Kayo ba?" Tanong ni ate Killy na ikinalaki ng mata ko
"WHAATT!!??" Sabay na bulalas namin ni Lisha
"Ate'tukayo kahit kaylan ay hindi ako magkakagusto sa isang baboy! Pumayat lang sya pero baboy parin sya!" Sabi ko
"Wow naman! Talino mo rin 'no?! Kaylan ka nakakita ng sexy na baboy ha?! Pakita mo nga saakin" Sabi naman ni Lisha
"Tingin ka sa salamin makikita mo" Pang-aasar ko
"At least ako nagbago, ikaw walang pinagbago. Ikaw parin si Luke the uglies monkey" Sabi nya na ikina inis ko.
Magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si ate'tukayo.
"Ayan nanaman kayo, hanggang kaylan nyo ba balak mag banggayan? Ha?" Tanong ni ate'tukayo
Masama kaming nagtinginan ni Lisha. Naiinis talaga ako sakanya! Makita ko lang sya sumasama na ang araw ko! Nakakainis talaga!
"Sino ba ang nanalo ate Killy?" Tanong ni Lisha.
"Parehas kayong nanalo" Sabi ni ate'tukayo. Nakahinga naman ako ng maluwag, mas okay narin 'to kaysa naman aki ang matalo. Dahil kung yung laban namin ang pagbabasihan ay talong-talo na ako "Pero hindi ibig sabihin non na makakasali na kaagad kayo sa grupo, sa lagay nyo ngayon at sa kung ano ang kaya nyong gawin, hindi nyo parin kaya ang mga ginagawa namin" Sabi ni ate'tukayo.
"Kaya ko naman!" Sabi ni Lisha
Minsan nagseselos din ako kay Lisha dahil sya ay may lakas ng loob na pumatay habang ako ay hindi ko kaya.
"Hindi mo kaya Lisha, hindi mo pa kayang kotrolen ang pagiging wolf at vampire mo. Sa oras na magalit ka ay nawawala ka sa kontrol" Sabi ni ate'tukayo.
Gulat naman akong napatingin kay Lisha na nakakuyom ang kamao habang nakayuko. Kung ganon ay hindi nya kayang kontrolin ang kakayahan nya bilang bampira at lobo. Kaya siguro muntik nya na akong mapatay nung naglalaban kame.
"Kayong dalawa ay may problema kaya naman kaylangan nyo pa mag-ensayo ng todo. Bibigyan ko kayo ng test para maharap ang problema nyo"-Ate'tukayo
"Anong klaseng test naman ate'tukayo?" Tanong ko
"Hindi ko muna sasabihin kung ano, parang isang surprise test. Kapag nabigo kayo sa test na ito, hindi kayo karapat-dapat na makssali sa grupo"-Ate'tukayo
Kinabahan naman ako, sa tono ng pananalita ni ate'tukayo halatang kahit akong pinsan nya ay hindi nya papalagpasin.
(>_<)
Nakakatakot sya.
Lisha POV.
Umalis na si Luke habang ako naman ay naiwan dito dahil yun ang sabi ni ate Killy. Umalis muna si ate Killy dahil may kukunin daw sya.
Isang minuto ang nakalipas at laking gulat ko ng biglang mag-appear si ate Killy sa harap ko. How did she do that?
"Teleportation" Sabi ni ate Killy, siguro nabasa nya ang nagtataka kong muka "Kumuha lang ako ng gunting sa kwarto ko, napansin ko lang na hindi mo parin naayos ang buhok mo" Sabi ni ate Killy.
Napahawak naman ako sa buhok kong hindi pantay-pantay. Napabuntong hinibga ako dahil sa dismaya. Buong buhay ko alagang-alaga ako sa buhok ko, hindi ko ito pinapahawak kahit kanino tapos ganito lang mangangyayari? Balak ko pa namang baliin ang record ni Rapunzel sa may pinakamahabang buhok pero ngayo mukang sya nanaman ang best dahil maiikli na ang buhok ko. Hayaan ko na nga lang, nangyari na ang nangyari may magagawa pa ba ako?
"Pasensya na sa nangyari sa buhok mo" Sabi ni ate Killy
"O-Okay lang po ate, hindi naman po kayo ang may kasalanan" Sabi ko
Kumuha na sya ng tela at inilagay iyon saakiin. Inumpisahan nya ng pantayin ang buhok ko. Ewan pero parang narararamdaman ko sakanya si ate Lea ko.
"Lisha pwede ko bang ihabilin sayo si Luke?" Biglang tanong ni ate Killy
(O_o)?
Ehhh?
"P-Po? Bakit naman ate?" Tanong ko
"Tungkol ito sa surprise test nyong dalawa, sa ibang lugar kayo mag te-test kaya naman hindi ko mababantayan si Luke, alam mo naman siguro na hindi nya kayang pumatay kaya gusto ko syang ihabilin sayo. Bantayan mo sya at huwag mong iaalis ang paningin mo sakanya, kapag kinakain ng kuryosidad ang batang iyon bigla-bigla nalang nawawala. Dahil kayo lang naman ang magte-test at wala na kayong ibang kasama, ang makakapitan nyo lang sa oras na iyon ay ang isa't isa at ang sarili nyo lamang. Kapag nakabalik kayo sa tamang oras ay magiging official member na kayo ng Spiders"
"Kaylan ba nin gagawin ang surprise test?"
"It's a surprise test so the date will be surprise too" Sabi ni ate Killy "Kaylangan handa kayo sa lahat ng oras. Maari kong ibigay ang test sa oras at araw na hindi nyo inaakala" Nakangising sabi ni ate Killy "Tapos na" Tinanggal na ni ate Killy ang tela na nakabalot saakin. Pumunta ako sa harap ng isang half length mirror at tiningnan ang ayos ng buhok ko.
"Wow" Tanging nasabi ko ng makita ko ang aking sarili.
"You look pretty when your hair is long, but you look prettier when your hair is short"
Niyakap ko si ate Killy "Thanks ate Killy your the best" Sabi ko
"You're always welcome Lisha" Aniya
Lamela POV.
Gabi na pero wala parin si Lisha, mukang duon nanaman sya matutulog sa kwarto ng kuya nya.
Pabalik na ako ng kwarto ko ng may naramdaman akong nakasunod saakin. Napatingin ako sa likod pero wala naman akong makita tumingin din ako sa paligid pero wala naman akong makita dahil madilim. Ginabi na kase ako dahil sa ginawa ko sa mentor ko.
Aksidente ko kasing nasaputan ang muka nya kaya ayun pinaglinis nya ako ng room.
Naglakad na ulit ako at naramdaman ko nanaman na may sumusunod saakin. Sinubukan kong basahin ang iniisip ng sumusunod saakin, kapag wala akong nabasa ibig sabihin guni-guni ko lang ang nararamdaman kong sumusunod saakin.
Pero kung minamalas ka nga naman ay may sumusunod nga saakin dahil nabasa ko ang iniisip nya
"Ang suwerte ko naman dahil may nakita pa akong isang magandang dilag. Mukang magiging masaya ang gabi ko"
Nanindig ang balahibo ko, hindi ko alam ang gagawin ko! Binilisan ko ang lakad ko at naramdaman ko ring bumilis ang lakad nung sumusunod saakin. Hanggang sa ang lakad ko ay naging takbo na.
"AHH!! TULONG!!!" Sigaw ko ng mahuli ako ng sumusunod saakin "AHH!!! TULONG!! TULUNGAN NYO AKO!!" Sigaw ko pa
"Wag mo nang sayangin ang lakas mo Miss, sigurado naman akong magugustuhan mo ang gagawin ko sayo" Sabi nung lalaki na may manyak na boses.
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang dibdib ko. Sa sobrang gulat ko ay nasipa ko sya.
"Argh! Napaka-arte mong babae ka!" Galit na sabi nya
Tumakbo ako pero nahuli nya parin ako. Sinampal nya ako kaya naman napahiga ako sa sahig.
Fuck! Asan na ba ang mga guard?!
Dinaganan nya ako at lalo akong natakot nung makita ko ang pula nyang mga mata. Muka syang nakasinghot ng sandamakmak na drugs!
Takot na takot ako at wala na akong ginawa kundi ang sumigaw at humingi ng tulong. Tumulo narin ang luha sa mga mata ko. Naisipan kong gamitin ang sapot ko at sinaputan ang muka nya. Tumayo ako para tumakbo pero nasaputan ko ang sarili kong paa kaya naman natumba ako.
(>_<)
Dapat sa mga ganitong sitwasyon ay nagagamit ko ang kakayahan ko pero bakit parang lalo lang akong pinapahamak?
Nakangising lumapit saakin yung lalaki, napapikit nalang ako at nag-umpisang mag dasal. Ilang minuto na akong nakapikit pero wala akong naramdaman. Pagdilat ko ay nakita ko ang lalaking gustong mang rape saakin na nasa sahig at mukang wala ng malay, sa tabi nya ay may isang lalaking may hawak ng kahoy. Lumapit saakin yung lalaki pero umurong ako patalikod. Napadpad ako sa liblib na gubat dito saakademya kaya naman madilim dito.
Nang maramdaman kong wala na akong maatrasan ay napaluha nalang ako. Lumuhod yung lalaki para pantay kame, natigilan ako ng makita ang muka nya. Gwapo sya at mukang anghel. Nakaramdam ako ng panghihina, unti-unti akong nawalan ng malay pero bago pa ako mawalan ng malay ay sinalo nya na ako.
And then every thing went black.
Itutuloy...