Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter One

411K 7K 573
By FGirlWriter

CHAPTER ONE

Twenty-five years later...

Year 2013.

NAPASUBSOB SI Lana sa bar table kung saan siya umiinom mag-isa. She can feel that she's already drunk but she can't stop herself from drinking.

Gusto niyang uminom hanggang sa magmanhid ang buong pakiramdam niya. Gusto niyang magmanhid ang lahat ng nararamdaman niya hanggang sa makalimutan niya na ang sakit sa puso niya.

Kahit pala paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na tanggap niya na ang katotohanang kasal na si Reeve sa iba, hindi niya pa rin talaga kaya. She cannot be with her first love anymore. Wala na lahat ng pag-asa na maibalik pa ang mayroon sila ni Reeve noon.

Kasalanan mo naman, Lana. Kasalanan mo! Paninisi niya pa sa sarili.

Malay niya ba kasi? Malay niya bang makakaligtas pa siya sa dati niyang sakit? Malay niya bang gagaling pa pala siya? Malay niya bang may pag-asa pa siyang mabuhay?

Kung alam lang niya lahat iyon, eh di sana, hindi niya tinaboy si Reeve noon... Hindi sana niya ito nasaktan... Hindi sana mawawala ang pag-ibig nito sa kanya...

Nanghihinang inabot niya ang baso niya ng vodka at uminom muli roon.

Kahit pala ipilit niya sa sarili na makuntento na lang dahil natagpuan naman niya ang totoong pamilya niya noon, hindi pa rin. Kulang pa rin talaga. Hindi na sa kanya si Reeve.

Kasal na ito. Kasal na ito sa isang mabuting tao na tinulungan pa sila ng kapatid niyang si Prince para maayos ang gusot nila kay Reeve.

"You're so stupid, Lana," bulong niya sa sarili. "Stupid!"

Maayos na nga sila ni Reeve. Hindi na ito galit dahil alam nito at naintindihan na nito ang lahat nang pinagdaanan niya noon.Nagkalinawan na rin sila pagkatapos ng labing-dalawang taon! Humingi na ito ng closure para sa ikatatahimik nito at para sa kapakanan ng asawa nitong si Agatha.

"And you acted like you're fine with it!" kastigo niya sa sarili. Mukha na siguro siyang baliw sa kakausap sa sarili. Pero totoong nasasaktan siya. Gusto niyang maging masaya dahil masaya na si Reeve sa asawa nito.

Pero, hindi, eh. Masakit pa rin para sa kanya iyon.

Napalagok ulit siya ng alak. Hindi. Hindi siya iiyak! Ayaw niya nang umiyak pa. Siguro, kailangan niya na talagang mag-move on.

Sumakit na ng tuluyan ang ulo ni Lana nang tumunog ng malakas ang musika sa loob ng bar.Nag-uumpisa na ang gabi para sa mga tao doon.

Napasubsob na naman siya sa bar counter. Napaungol siya sa sakit ng ulo. Kailangan niya nang umuwi. O kaya ay magpasundo siguro sa kapatid niyang si Prince. Hindi na niya kakayanin pang magmaneho.

Ngunit... parang ayaw niya pa talaga. Gusto niyang magpatuloy na uminom hanggang sa makalimutan niya si Reeve.

Napabuntong-hininga siya at saka sinubukang tumayo. Pero umikot nang mabilis ang paningin niya. Babagsak sana siya sa lupa kung hindi lang siya mabilis na nasalo ngkung sino.

His strong arms around her waist was firm. Magkadikit ng sobra ang kanilang mga katawanat hindi niya iyon napansin. Nakakaliyo kasi ang pabango nitong hindi matapang ngunit lalaking-lalaki.

Parang si Reeve.

Napaangat siya ng tingin. Ngunit sa pagkadismaya niya ay hindi ito si Reeve. Kahit nanlalabo ang mga mata ay kilalang-kilala niya ang dating nobyo. Pero ang lalaki ay may napakaitim din na mga mata katulad ng huli.

"Are you okay?" nag-aalalang bulong nito. His voice was very masculine and... sexy... Tila kiniliti ang tainga ni Lana nang bumulong ito. Napakainit din ng hininga nito na humihipan sa tainga niya.

Pinikit-pikit ni Lana ang mga mata upang luminaw ang paningin. Unti-unti ay nakita niya ang mukha ng lalaki. Hindi napansin ni Lana na napangiti pala siya kaya naman ngumiti rin ang lalaki.

He's handsome, alright! Lalo pang nagbigay ng kaguwapuhan rito ang kakaibang tingin ng mga mata nito. Tila tumatagos iyon sa kalooban ni Lana.

Umangat ang isa nitong kamay sa likod niya. Biglang siyang napatuwid nang tayo. Nakaramdam kasi siya ng kakaibang kilabot nang humaplos ang kamay nito roon.

"Well, I guess you're alright," nakangiti pang sabi nito.

Lumayo siya rito nang mapansing hawak pa rin siya nito sa baywang. "S-Salamat."

"No prob," sagot nito at saka umupo sa katabi niyang high stool. "Going home?" simpleng tanong nito.

His thumb touched his lower lip. Tila nag-iisip ito kung anong iinumin. Bakit ganoon, hindi niya maalis ang tingin rito?

Dahil sa hindi niya pagsagot ay muli siyang nilingon nito. Napapitlag siya nang magsalubong ang mga tingin nila. Ngumisi ito. "Are you staring at me?"

Dahil sa pagkapahiya ay inirapan niya ito. "Hindi," tanggi niya pa. Biglang pumitik ang sentido ni Lana. Napahawak siya sa bar counter.

"Whoa!" tila nagulat ang lalaki dahil sa pagbuway na naman niya. "You better go home. Lasing ka na."

Umupo siya muli sa high stool. "Take me home..." wala sa sariling sabi niya sa guwapong estranghero na ito.

"What?"

"Take me home. Hindi ako makakauwi nang mag-isa," aniya pa. What the hell? Is it the alcohol speaking for her?

"O...kay. Hindi mo 'ko kilala at magpapahatid ka sa'kin?" Ito na ang nagsabi nang sinasabi ng matino pang parte ng isip niya.

"What's your name?"

"Dylan," sagot naman nito.

"Dylan," ulit niya sa pangalan nito. "Now, I know you. Take me home."

He smiled, amusingly.

Si Lana naman ay parang hindi kilala ang sarili. Ano bang pinagsasabi niya? Ganito na ba kalakas ang espiritu ng alak sa loob niya? Sinong matinong babae ang magpapahatid sa lalaking sinalo lang siya dahil muntikan na siyang bumagsak?

"Are you sure?" tanong pa nito.

No. "Yes."

He chuckled. "You're really drunk. I think you should call your boyfriend to pick you up." Tinawag nito ang bartender. "Tequila. Three shots."

Umupo ulit siya sa upuan na katabi nito. "I have no boyfriend," aniya pa.

Napatingin ito sa kanya. "You? No boyfriend? I won't buy it."

"Wala talaga." Hindi naman na kasi siya pumasok pa sa isang relasyon after twelve years. Maliban kasi na hindi niya makalimutan si Reeve, she's busy fighting for her life.

Nagsimula na itong uminom. "You know, lady. You better go home. Huwag kang mag-aaya nang kung sino para ihatid ka pauwi. Lalo na at hindi mo kilala."

Ikiniling niya ang ulo. "Kilala na nga kita, eh. Dylan, right?"

He laughed. And it sound so sexy in Lana's ears.

Hindi mo ba napapansin, Lana? He's giving you time to escape from your craziness! Go Lana! Go!

No! Ayaw niyang umalis. Gusto niya sa tabi ni Dylan...

Hindi ka maka-move on kanina kay Reeve tapos ayaw mong umalis sa tabi ni Dylan ngayon?

Napailing-iling si Lana. Nagtatalo na ang alak at katinuan niya sa loob ng utak.

Dylan had two more shots of tequila.

"Hindi ka nagtse-chaser?" natanong niya rito. Tuluy-tuloy kasi ang pag-inom nito ng tequila. And she knew how bitter that alcoholic drink is.

Pilyong napangiti ito. Tila may naalala. "Actually, I do take some chaser. Pero sanay ako na..." makahulugang tumingin ito sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya. Kumuha ito ng asin at nilagay sa pulsuhan niya.

He took a tequila shot then... he licked the salt in her pulse! She felt his hot tongue slowly touching his skin. Napalunok si Lana.

"There," nakangising sabi nito. "I like taking my chaser that way."

Lana bit her lower lip. May naramdaman siyang kakaibang paggapang ng init sa sinabi nitong iyon... Imbes na tumakbo si Lana dahil sa binabadya ng mga tingin nito, she stayed.

"Dylan..."

Napalingon ulit ito sa kanya.

"Take me home."

Nawala ang mga pilyong ngiti nito. Naging seryosona. He rubbed again his finger on his lips.

"I'm not going to take you home, honey," seryosong sabi nito. "Dahil sa ibang bahaykita iuuwi sa oras na lumabas tayo rito," makahulugang dagdag pa nito.

Run, Lana! Lasing ka lang. Pagsisihan mo bukas kapag sumama ka sa kanya ngayong gabi.

"Then what?" matapang pa niyang tanong rito. Hindi pinapansin ang warning voices sa ulo niya. Imbes na matakot sa sinabi nito ay mas gusto niya pang sumama kay Dylan.

Siguro, matutulungan siya nitong kalimutan siReeve kahit sa gabing lang na iyon...

No, Lana!Huwag kang sasama sa kanya.

Tumayo ito at mas lumapit sa kanya. He lowered his face to hers. Bumilis na ang pagtibok ng puso niya.

Tumutok ang mga maiitim nitong mata sa kanya. "I'll drive you crazy all night, honey." Gumapang ang mga kamay nito sa baywang niya pababa sa ibabaw ng kanyang hita. "I'll take you until you cannot scream anymore," he sexily threatened her.

Napalunok siya.May kung anong init siyang naramdaman sa dibdib pababa...

"Now, lady, do you still want me to take you... home?"

Lana, lumayo ka na sa kanya! Hindi ka ganoong klaseng babae!

But Lana playfully smiled. Kinuha niya ang kamay nitong nasa ibabaw ng hita niya. She guided his hand to slide against her inner thigh...

He silently cursed.

"Take me, Dylan," nang-aakit na sabi niya rito, mapungay ang mga mata. "Take me... home."

***

"ANONG pangalan mo?"

"Allana. But people call me 'Lana'."

"I'll call you Allana, then."

Napatingin si Lana kay Dylan. Nasa loob na sila ng kotse nito at nagmamaneho na nga ito papunta sa kung saan ito nakatira. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya. Not because she's nervous, but she's excited! Na-excite pa siya sa kalokohang pinapasok niya.

"You're really drunk, huh? You know I don't want having sex with a drunk lady," diretsang sabi nito.

Natawa siya. "Kung hindi ako lasing, hindi ako sasama sa'yo."

"You have a point. You don't look like a girl who just hooks up."

"Damn right. I look old, am I?" Sabi ng kapatid niyang si Prince, oras na hindi siya mag-asawa, tatanda siyang dalaga.

"How old are you, if you don't mind?"

"Thirty," diretsong sagot niya.

"That's not old. Mas matanda pa nga ako sa'yo. I'm turning thirty-two."

"You're a guy. Ang babae kapag lumagpas na sa kalendaryo, matanda na iyon."

Mabilis itong sumulyap sa kanya. "But you don't look like your age, though."

Nginitian niya ito. "Matanong ko lang. Wala ba kong ibang magiging kasalanan ngayong gabi kundi ang mag-commit ng casual sex outside marriage?"

Natawa ito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala ka bang girlfriend o asawa?" natanong niya. Buti at naisipan mo pang tanungin iyan, Lana!

"Wala akong girlfriend."

"Asawa?"

Napasulyap na naman ito sa kanya at pilyong ngumiti. "Gusto mong maging?"

Natawa siya. "Are you proposing to me?" biro niya.

Nagkibit-balikat ito. "May kakilala akong judge na puwede nating puntahan kahit ganitong oras. Pakasal tayo para hindi ka ma-guilty to have sex outside marriage."

Tumawa siya. "Nakakatawa ka. Well, hindi naman na'ko magi-guilty. I did it once."

"When?" he curiously asked.

"Twelve years ago," simpleng sagot niya. "Sa first boyfriend ko." Naalala na naman niya si Reeve.

Napasipol ito. "Twelve years? That's the last time you had sex?"

She rolled her eyeballs. "That's the first and last time I made love with him. That's the only intimate moment we shared together..." pahina na pahina niyang sabi.

"First love?"

"First everything."

"Anong nangyari?"

"I broke up with him. Personal reasons. Kasal na siya ngayon." Bumaling siya rito at mabilis na iniba ang usapan. Kaya nga siya nagpakalasing ng gabing iyon para makalimutan si Reeve at pagkatapos ay iyon pa ang pag-uusapan nila?

"How about you?" tanong niya naman.

"How about me?"

"Last time you had sex?" tanong niya lang. "Last night?" she joked.

"Five months ago," sagot nito.

Tumangu-tango siya. "With whom?"

"To a lady I dated for... two days?"

Siya naman ang napasipol. "Ang bilis, ah? What happened?"

"It didn't work out."

"So, you're a playboy?"

"Hindi naman."

She rolled her eyes. "Yeah, right," sarkastikong wika niya. "Not a playboy but hooks up."

He chuckled. "I can't believe we're having this conversation. Inaya lang kita magpakasal, napunta na tayo sa ganitong usapan."

Tumawa rin siya. "You're serious about getting married over night? Lasing ka na rin ata, eh!"

"But, why not? Para hindi rin ako makonsensya sa pre-marital sex na 'yan," ani pa nito.

Napaisip si Lana. You're insane, Lana. Inisip mo pang "magpakasal" para lang sa one-night stand?

"So? Will you marry me, Allana?"

Napatingin siya rito. Hindi niya inaasahan na marinig iyon mula rito. Pero bakit parang... natuwa ang puso niya nang narinig ang tanong na iyon?

"What if I said 'yes'?"

Napangiti ito at niliko sa kung saan ang kotse nito. "Then we'll get married."

***

HINDI MAHINTO sa pagtawa sina Dylan at Lana. Halatang parehas na silang lasing na lasing. Kanina, tinawagan nga nito ang isang judge at "nagpakasal" daw sila. Pagkatapos ay uminom pa ulit sila nang sabay para sa "reception".

Ngayon ay paakyat na sila sa condo unit daw nito. Habang naglalakad sila palabas ng elevator ay nagtatawanan pa rin silang dalawa. Ang braso nito ay nakapalibot sa baywang niya. Kanina pa kasi siya natutumba-tumba sa paglalakad.

"Kasal na tayo!" natatawang sabi ni Lana. Inangat niya pa ang kaliwang kamay niya na may singsing na. "And we have a ring! Hindi naman sila masyadong prepared, eh, 'no?"

Natawa rinsi Dylan. Nasa tapat na sila sa isang malaking wooden door. He swiped a card on the handle and the door immediately unlocked.

"Wow. Mayaman pala napakasalan ko," natatawa pa ring wika niya. Napatili siya nang bigla siya nitong pangkuin. Napakapit naman siya nang mahigpit sa leeg nito. Pagkuwa'y naglakad ito papasok sa centralized airconditioned unit nito.

Umiikot na ang paningin niya ngunit patuloy siya sa loka-lokang pagtawa. Wala na yata talaga siya sa katinuan.

Naramdaman niya ang paglapat ng likod sa isang malambot na higaan. Ngunit, hindi niya inalis ang pagkapit sa mga leeg ni Dylan.

He hastily kissed her lips. "Time for a honeymoon, don't you think?" His hands in her waist.

She bit her lower lip while smiling naughtily. "Parang totoo talagang kasal tayo..." Bumaba ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib nito. Sinimulan niyang alisin isa-isa ang pagkakabutones ng suot nitong long-sleeved polo.

Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay pagkatapos lumitaw ang makisig nitong dibdib. Pagkuwa'y dinala nito ang mga iyon sa dibdib nito at marahang pinadulas hanggang sa tiyan nito... tama ba ang nakakapa niya? He has those abs? Nakapa niya rin ang manipis na balahibo na bumabakat pababa ng...

"Feel me, Allana..." Dylan sexily whispered.

She gasped at the effect of his words to her body! Tuluyang nawala si Reeve sa isip niya!

And Lana knew she's never going to turn her back now. They are pretending they just got married and will have a hot and wild honeymoon, right?

She's ready to give in to this sexy play!

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
Complicated By Pat

Teen Fiction

408K 2.6K 8
Prianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet...
840K 28.8K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 183K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."