Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

07 | seveN

11.5K 616 852
By pilosopotasya

"Hindi mo man lang tatanugin kung may boyfriend ako?" pagtataka ni Rayne.

"Hindi ko nakikita sa mga posts mo online."

"Ah. Iniisip mong pala-post ako? Paano kung tinatago ko lang?"

"I don't know. . ." Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Sa mga posts mo, parang ako lang nakikita ko. Sino nga bang karelasyon mo?" Nagpeke itong ubo, saka nakangiting binulong ang, "Kaye Cal."

Tumawa si Rayne. "Fangirl ako. Don't judge."

Ngumisi si Kaye. "Gawin nating more than?"

"Ano na ako n'yan?" Nanlaki ang mata ni Rayne, mabilis na dinugtong ang, "Fangirler?" para hindi na makasingit si Kaye.

Tumawa siya pero kinakabahan talaga nang nang bongga.

"Ray—"

"Gusto kong maging the one that got away," aniya. "'Yong kwentong ikukwento sa iba. Tipong she who must not be named."

Kumunot ang noo ni Kaye sa narinig mula kay Rayne na para bang nagsalita siya ng alien language.

"Gusto mong maging Voldemort?"

"Babae version. Voldemorta."

Ngumiti si Kaye pero hindi tumawa. "Feel kong ang dami mo na sigurong na-TOTGA-zoned, Voldemorta."

Tumawa si Rayne, sumandal sa upuan. Pababa na ang ferris wheel, nakikisabay sa unti-unting pagbaba ng araw, ang pagdilim ng gabi, ang pagbukas ng mga ilaw.

"Ang ganda lang maging isang kwento."

"O maging kanta?"

Ngumiti si Rayne. "O maging isang kanta na paulit-ulit kakantahin ng musician. Story na paulit-ulit iku-kwento ng writer. Isang lesson learned. Isang unforgettable memory. Ang saya maging gan—"

"Ayokong maging isang kanta ka lang, Rayne."

Ang mga mata nito ay nagniningning gawa ng papalubog na sikat ng araw.

"Eh 'di gawin mong dalawang kanta."

Si Rayne lang ang natawa sa sariling joke.

"Ayaw kong malungkot o maiyak o masaktan habang kinakanta ka."

"Ngiti ka," aniya, nakangiti.

"Ayaw kong maging memorya ka lang sa kanta," ani Kaye. "Gusto kong ikaw kinakantahan ko."

"Pwede naman 'yon, flattering," ani Rayne. "Malaki ang chance na maririnig ko pero baka piliin ko ring hindi pakinggan."

"Gusto kong. . .kantahin ang mga kanta nang magkasama tayo."

"Ah, 'yon lang." Huminga nang malalim si Rayne, natawa. "Hindi naman ako singer."

"Gusto mo rin ba ako?"

Sa dami ng pwedeng pangungusap na may salitang 'gusto', bakit ang pangalawa sa pinaka iniiwasan pa ni Rayne ang sinabi ni Kaye? Pwede namang "Gusto mo ba kumain?" o 'di kaya "Gusto mong ilibre kita?" para madali?

Buti sana kung ang sinabi lang ay gusto kita, walang pressure para sumagot din dahil hindi naman tanong. Statement lang. Tulad ng sinabi sa kanya ng crush niya noon habang nagbabayad sa isang grocery store – gusto kita sabi nito. Napatingin lang siya sa crush niya, pati ata ang cashier noon sa store, napatingin. Pero ang reaction ni Rayne? Napa-oh? saka nag-move on sa payak na buhay. Very unromantic.

Ang kaso, tanong ang kay Kaye, eh.

May question mark sa dulo.

Bakit ba ilan sa pinaka mahihirap sagutin na mga tanong ay simple lang ang sagot na kailangan: yes or no. At bakit sa dami ng tanong, dito hirap na hirap si Rayne sagutan?

(Ang nakakainis pa, may rin sa tanong, indicating na may feelings involved both parties.)

Bilang sagot, lumingon si Rayne sa bintana.

Tinitigan niya ang papalubog na araw na para bang ito ang makakapagligtas sa kanya sa tanong; na para bang ito ang magiging dahilan para bumilis ang pag-ikot ng ferris wheel at makaalis na sila sa maliit na space na ito.

(Walang kawala, eh.)

"Pwede kang humindi," ani Kaye. "Masasaktan ako but part of the job. Ihahatid pa rin kita sa inyo dahil lagot ako sa Mama mo."

Huminga nang malalim si Rayne.

There's no running anymore, gan'on? Feeling tuloy niya, sinadya ni Kaye na magkaroon sila ng moment na ganito para hindi siya makatakbo (o lakad) papuntang CR (which is hindi rin naman effective dahil nakakapasok si Kaye sa CR ng mga babae.)

(Unfair, pero reality, eh.)

"Hindi sa gan'on," naiilang niyang sagot, halos hindi pa makatingin kay Kaye kaya imbis na sa katabi naka-focus, tumitig siya sa mag-jowang nagmo-moment sa kabilang cabin.

Bakit ang dali-dali para sa iba magkaroon ng lovelife? Fucked up ba talaga siyang tao lalo na't nakahain na sa kanya ngayon, hindi pa niya sunggaban?

"This frustrates me," ani Kaye. "Really, really bad."

"Sorry. . ."

"No, please, don't—agh." Huminga nang malalim si Kaye. Yumuko siya, pinatong ang magkabilang siko sa hita at tinakpan ang mukha. Hinimas nito ang buto sa gitna ng dibdib. "Straight girl ka but I can't. . .help it."

Tumingin lang si Rayne kay Kaye.

"After ng last ex ko, I promised to myself I will never let anyone play with my feelings ever again," anito, nakayuko pa rin. "Kahit na head over heels pa ako sa isang tao, kung ayaw talaga niya akong seryosohin, I won't waste my time and emotions on her."

Kaye. . . ngunit walang lumabas na boses.

"Masasaktan ako for letting her go but I know it would hurt me more if I let her toy with my feelings. I need to let go, love myself more. Pagod na akong masaktan at paglaruan dahil sa ganito ako, na kahit tanggap ako ng iba, hindi pa rin ng lahat. Pahirapan pa rin. Nakakapagod humingi ng atensyon. Kaya kong umalis na lang agad. . . kaya kong mag-move on na. . . I'm living my dreams right now but. . ."

Tumingala si Rayne para hindi tumulo ang nagbabadyang luha. Nag-fail ito, kahit nakatingala na siya, nang hanapin ni Kaye ang kamay niya at hawakan. She intertwined it with hers. Nakayuko pa rin ito. 

Nag-uumapaw ang emosyon sa mga mata niya kaya kinailangan niyang pumikit at huminahon para hindi magpatuloy ang mga luha.

"Ayaw kitang bitawan."

Sobrang hirap si Rayne pigilan ang patuloy na pagtulo. Nahiya siya na baka makita siya ni Kaye nang wasak ang itsura lalo na't naka make up pa siya.

"I've been thinking about this the past few months kung tama bang nararamdaman ko sa 'yo 'to. That maybe, this is a fleeting feeling for me dahil nakasama kita like no other." Pinatong ni Kaye ang dalawang kamay, ang isa ay hawak ang kay Rayne, sa noo. "Maybe you were just the girl in my memory I wanted to store in a little bottle at ipaulit-ulit 'yong mga nangyari sa mind ko. I thought I was driving myself mad for thinking about a girl too much na isang gabi ko lang naman nakasama."

Huminga ito nang malalim. Natawa.

"Is it bad I want you more than anyone kahit pa hindi ka nag-reply sa akin noon? Hinanap kita pagkatapos, and when I found you online, I thought I was mad for always checking on your online presence. Alam mo 'yon, mere crush lang sa umpisa dahil sa isang gabi and then you became my every day."

Si Rayne naman ang huminga nang malalim. Sumandal sa salamin.

"Sa bawat posts ko, I was expecting you to like or comment, makita ko lang pangalan mo. Sa bawat shows ko, I was expecting to see you there. May pagkakataon pang gusto kitang i-tag sa post ko para magpapansin. May pagkakataon pang gusto kita puntahan, pero saan? Paano? Kailan?"

Mahina ang pagtawa nila parehas.

"Akala ko nga, ayaw mo na sa akin, nakahanap ka na ng iba. It was an on and off thing. Minsan, nawawala ka talaga sa isip ko lalo na't busy ako sa album at concert. And then there are times you're all I think about. Nakakabaliw," anito. "When I saw you again sa concert ko, I wanted to cry that moment. How can a girl I barely even know have this effect on me? Bakit ko hinahayaang magustuhan ka?"

Huminga sa bibig si Rayne. Pinipilit niyang huwag gumawa ng ingay, pasimpleng sumisinghot para hindi tumulo ang sipon. Ilang beses siyang huminga nang malalim, pinapakalma ang sarili, pinupunasan ang luha.  

"That night. . .changed everything," ani Kaye. "Ginulo mo ang mundo ko, Rayne. I was trying to know if you like me. Just to be sure dahil hindi ko na ata kaya masaktan. But. . .ang hirap mo alamin, kilalanin. You're open but not and I just have this urge. . ." Nilingon siya ni Kaye, nakayuko pa rin. Hinalikan nitong muli ang kamay niyang hawak nito ngunit mas nangibabaw sa paningin ni Rayne ang nangingintab na mga mata ni Kaye. ". . .to see you, hear you and touch you. Again and again. I can't help it."

Umupo ito nang maayos. Tumingala at hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Rayne na pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"You're giving me this light of hope I don't want to feel from a straight girl. But 'yong sobrang liit na liwanag from you. . . Kapit na kapit ako, nagbabaka sakali. Hindi masakit pero nasasaktan ako." Natawa si Kaye. "I want you to. . ." Nawala. "Gusto kong angkinin mo ako, Rayne."

Kinuha ni Rayne ang kamay sa hawak ni Kaye at tumingala, tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Sasabog na siya. Hindi na ata niya kaya.

"It's frustrating that maybe. . .if I'm not in the showbiz world, mas madali? Or maybe nasa showbiz ako but lalaki talaga. . ." anito. "Wala sigurong pumapasok sa isip kong baka hindi mo ako magustuhan dahil hindi ko kaya 'yong hinihingi ng family mo sa 'yo."

"Ang alin?" mahina niyang tanong, garalgal ang boses sa pagpipigil ng luha. Nakatakip pa rin ang mukha.

"Anak."

Umurong ata ang mga luha sa mata ni Rayne at binaling ang tingin kay Kaye. "Ha?"

Ngumiti ito ngunit alam nilang dalawa na hindi ito masaya. "The product of a union. I can't give it to you naturally, normally or even easily like a guy can. And. . . may pangamba pa rin ako that maybe your family. . .my family. . ."

"Hindi ba parang ang aga naman ata n'yan?"

"Gabi na, oh." Tinuro ni Kaye ang madilim na labas.

"Karen Jade?!"

Tumawa si Kaye. "Hindi ko talaga iniisip ang mga 'to but it's just frustrating kapag nabi-bring up especially when it's connected with the girl I like. I also overthink things, unfortunately." Huminga nang malalim at pinalis ang luhang mabilis na tumulo sa mata. "Ahh, the woman in me. I'm sorry."

Dahan-dahang nilapit ni Rayne ang kamay sa balikat ni Kaye at tinapik ito nang ilang beses.

"Kahit naman lalaki, nag-o-overthink. Mga kaibigan ko, gan'on, eh."

Ngumiti ito. "I'm also emotional."

"Lahat naman. May kaibigan din akong lalaking emotional."

"Lalo na ngayon," anito.

Natigil si Rayne nang hulihin ito ni Kaye at hinalikan muli. Sa daliri, paakyat sa buto at likod ng palad, saka ito pinagsalikop ulit.

"H-Hindi ka ba nabibilisan?" tanong ni Rayne.

Ngumisi si Kaye. "Falling is fast. Staying is the long and slow process."

"Sa andar ng ferris wheel?!"

"Rayne. . ."

Ngumiti sila parehas. Gumaan ang hangin sa apat na sulok ng cabin. Umayos si Rayne sa pagkakaupo, inayos ang off-shoulder na damit. 

"Baka masyado tayong nabibigla," aniya. "Baka. . .dahil lang 'to sa ferris wheel. Kasi 'di ba, uso magdramahan sa ferris wheel kaya baka nakikigaya lang tayo."

Seryoso ang mukha ni Kaye. Kumunot ang noo.

"Alam mo bang napagtanto kong kaya natin manipulahin ang feelings natin? Parang dati, nayanig ako n'ong after ko mag-overnight sa bahay ng kagrupo ko, biglang lagi ko na siyang naiisip," natatawang ani Rayne. "2 weeks din 'yong kilig na kilig pa ako kapag magkausap kami. Tapos sabi ko sa sarili ko, tigil na, tama na. Hindi na tama 'to. Ayon, nawala din 'yong feelings ko sa kanya as if nothing happened."

Natigilan si Rayne nang lumapit si Kaye sa kanya at pinatong noo sa gilid ng sentido niya. "How I wish I can do that but Rayne. . . sasabog na ata ako, paano ba?"

Pumikit si Rayne, nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata.

"May. . .may lalaking nagsabing in love daw siya sa akin, na lahat ng ginagawa niya para sa akin, never niyang ginawa sa ibang babae. Hindi rin kasi ako 'yong babaeng nakasanayan niyang nagkakandarapa sa kanya. . . na ako daw 'yong babaeng simpleng shirt, jeans at rubber shoes, ayos na. Ginawan pa nga niya ako ng kanta."

"Ang daming kaagaw," ani Kaye, diniinan saglit ang noo sa sentido ni Rayne at inangat ang ulo. "Everyone is smitten by you."

"Grabe! Hindi naman everyone, pero teka, hindi pa tapos 'yong kwento."

Ngumiti si Kaye.

Napangiti rin si Rayne. Huminga nang malalim.

"Hindi siya in love sa akin. In love siya sa idea na ginawa niya tungkol sa akin."

Nanliit ang mata ni Kaye.

"Hindi naman niya ako kilala, eh. Kilala ko siya, pero ako 'yong babaeng misteryo para sa kanya na hindi naman niya gustong kilalanin talaga. Gusto lang niyang titigan, hawakan, ipaulit-ulit sa isip na in love siya sa akin. Sa idea niya tungkol sa akin."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Tinitingnan niya ako na para akong immaculate concepcion. Para akong religion na sinasamba tapos kapag may something na mali o pagbabago, mayayanig mundo niya at biglang mapapa what the fuck. Turn off."

Kumunot ang noo ni Kaye. "Sinong matu-turn off sa 'yo?"

"I know right?!" Tumawa si Rayne. "Ayos lang naman, magkaibigan kami. 'Yong mga sinasabi lang niyang iba raw ako, hindi ako 'yong parang ibang babae, at 'yong mga ginagawa niya para sa akin - sa akin lang daw niya nagagawa. Alam mo ang nakakaasar d'on?"

Nagtaas ng kilay si Kaye.

"Malalaman kong ginagawa rin niya sa ibang babae 'yong ginawa niya sa akin. Ang bullshit, eh. Siguro mas maganda kung 'di nalang siya bitaw nang bitaw ng kung anu-anong makukulay na shit. May problema na nga sa self-worth kahit hindi obvious, mapapa-question pa tuloy sa pinagsasasabi ng mga tao."

Seryoso ang mukha ni Kaye, mahinang inuntog ang ulo kay Rayne. Nang magkatinginan sila, ginusto nitong ngumiti pero hindi makangiti.

"Kinu-question mo ba 'yong feelings ko sa 'yo?"

AAAAAaaaahhhh!!!

Sumisigaw na ang utak ni Rayne. Hindi na niya kaya pigilan pa ang sarili. Bahala na. Bahala na talaga!

"Tulad ng iba, tulad ng lahat ng tao – sino bang tatanggaping worth it tayo sa feelings na binibigay sa atin?" natatawang ani Rayne. "Kahit nga atensyon lang, ang hirap na tanggapin. 'Yong sa 'yo pa kaya galing?"

"I'm just a person."Hinawakan ni Kaye ang kamay ni Rayne, mahigpit, madiin. "Falling. . ."

"'Di ba, noong pumunta ako sa stage sa concert mo tapos nag-picture tayo. . . Unang-una, nasa stage ka at isa ako sa maraming fans na nanood sa 'yo," ani Rayne, stating the fact. "Kinakanta mo 'yung Nyebe n'on."

"Kahit kasing pula ng scarlet ang kasalanan natin, ang love Niya, kasing puti ng snow," pabulong na sabi ni Kaye, kumunot ang noo. "Sinasabi mo bang this. . .us. . . is a sin as red as scarlet?"

"Wow, ang deep naman. Medyo hindi ko nga naisip 'yon?" Natawa sila parehas. "Sa buong duration ng 7 seconds na magkasama tayo sa stag—"

"Nabilang mo?"

"Youtube."

"Ah," anito. "Pinanood mo sa youtube?"

"Hinanap ko," natatawang ani Rayne. "Inalam ko 'yong kanta dahil hindi ko na maalala. Nag-mute lahat n'ong time na 'yon, eh."

Ngumiti si Kaye, ngunit natigilan sa sinabi ni Rayne.

"Walang katulad mo sa mundo," bulong niya. "'Yon 'yong lyrics na kinakanta mo habang nagpi-picture tayo. Walang katulad mo sa mundo," nakangiti niyang sabi. "Sobrang gasgas ng linyang 'walang katulad mo sa mundo.'"

"Oo ng—"

"Pero kahit namatay na ata ako sa pagkagasgas, at kahit ang daming nangyari n'ong gabing 'yon, napaka espesyal pa rin n'ong narinig ko 'yon. Weird ba kung sabihin kong 'yon ang alarm ko sa phone? 'Yong pagkanta mong 'yon? Kahit parte lang ng lyrics, iniisip ko—"

"Walang katulad mo sa mundo," bulong ni Kaye.

"Kaye. . ."

"Rayne. . . Totoo. Walang katulad m—"

"May kakambal ako."

Biglang naguluhan si Kaye sa sinabi niya. "Kambal?"

"May katulad ako sa mundo."

"'Di nga? Bakit hindi kasama sa lunch kanina?"

Kaunting katahimikan bago tumawa si Rayne. "Joke!"

Ngumiti si Kaye. "Wala ka talagang katulad, Rayne," seryoso nitong ani na biglang tinawanan ni Rayne. "B-Bakit ka tumatawa?"

Tuloy lang ang pagtawa ni Rayne. Binawi niya ang kamay sa hawak ni Kaye, nagpatuloy sa pagtawa hanggang sa pinupunasan na niya ang pisngi. "Ang sarap marinig," natatawa niyang sabi. "Sa personal, para sa akin, hindi lang coincidence, tapos galing sa 'yo."

Iyak-tawa. Nakakabaliw.

"Walang katulad mo sa mundo, Rayne."

Kiliti sa puso.

"Walang katulad mo sa mundo," ulit ni Kaye. "Kahit ano pang sabihin ng ibang lalaki sa 'yo."

Isa pang kiliti.

"Walang katulad mo sa mundo."

Nakakawala ng hangin.

"Kaye."

"Walang. . . katulad mo. . .sa. . .mundo."

Nasaan ang oxygen? Nauubusan na ba siya?

"Walang katulad mo sa—mhhm!"

Tinakpan ni Rayne ang bibig ni Kaye ng kamay.

"Tama na please," halos hinihingal niyang pagmamakaawa. "Sasabog na puso ko."

Tumango si Kaye. Hinawakan nito ang pulsuhan ni Rayne na nagtatakip sa bibig nito at ibinaba.

"Sa dami ng taong nandito, sa dami ng tao sa Pilipinas, sa dami ng tao sa mundo. . ." ani Rayne. Huminga nang malalim. "Pinipilit kong huwag magpaka-cliché pero itong naiisip ko, ang melodramatic na nga, sobrang gasgas pa."

"Bakit?" anito. "Huwag mo sabihing iniisip mo ang langit ka, lupa ako?"

"Ikaw ang langit, ako ang lupa," natatawang ani Rayne, gusto na lang malusaw para masaya. 

"Paano nangyari 'yon kung magkatabi tayo ngayon?"

"Sabi nila, ang intimidating ko raw pero hindi nila alam, mas intimidating ka."

"You are the intimidating one. Gustong-gusto ko malaman kung anong nasa isip mo. You have this weird thing. . . na ang gaan mo kausap," ani Kaye. "Kayang-kaya mong buksan 'yong dibdib ng tao, hawakan ang heart namin then mapapanatag 'yong feeling ng may-ari; hahayaang hawakan mo lang nang matagal. Habang nagdurugo."

Tumawa si Rayne. "Medyo ang graphic ng pagkaka-describe mo d'on. Pwede ka nang mag-writer. Gore."

Nakitawa rin si Kaye. "Seriously." Dinantay ang palad sa dibdib, sa may puso. May pagbibiro sa labi. "Nakakadugo."

Nagkangitian sila.

Huminga nang malalim si Rayne.

"I have a confession."

Tumutuloy sa pagbaba ang ferris wheel. Sa pagtatapos ng pag-ikot nila.

Naningkit ang mga mata ni Kaye, natigil ang pagtama ng mga tuhod nila "Confession?"

Tumango si Rayne. Dinampi ang daliri sa gilid ng mata, baka masyado nang masira ang siguradong sira na niyang graduation make up.

"May kaibigan ako. Sobrang close namin. Lagpas five years na friendship."

"And?"

Malapit na ang oras nila para bumaba. Madilim na sa labas. May mag-syotang naghihintay na rin para palitan sila sa loob ng cabin.

"Mahal mo siya? Ito ba ang confession mo? Wala na ba akon—"

"She fell in love with me."

Tumigil ang cabin, binuksan ang pinto. Thank you po for riding, sabi ng staff.

"She?"

Hindi napapansin ni Kaye ang iba.

Tumango si Rayne.

"She."



Rainbow Symbol

● Symbolism ng LGBT community para sa diversity. Magkakaiba. Lahat. Walang mapag-iiwanan.

● Most commonly used na nasa taas ang red strips na parang rainbow talaga.

● Sabi din, the colors symbolize: life (red), healing (orange), sunlight (yellow), nature (green), harmony/peace (blue), and spirit (purple/violet).


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random gif of the chapter ⚢

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: peeebsy | twitter

(tho, ang edited ay 'yong gitna. totoo 'yong iba pa.)

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

ay, gusto niyo rin ng mukha? ukie.

WISHCLUSIVE MGA BESHY!!!!! Boto niyo na si Kaye Cal, yesh? :D

www.wish1075.com/wishawards

  

Continue Reading

You'll Also Like

210K 3.9K 21
Dice and Madisson
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
19.8K 204 27
" 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚐𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 , 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚗𝚞𝚜𝚞𝚋𝚞𝚔𝚊𝚗 "
1.8K 192 76
Likha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang...