Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

04 | fouR

13K 659 765
By pilosopotasya

Ang aga pa, ang unang naisip ni Rayne habang naglalakad sa loob ng MOA. Akala niya ayos na siya, pero ang ma-realize na kasabayan niyang naglalakad si Kaye Cal. . . woah. Hindi siya sanay. Masyado pang maaga, may araw pa - ang liwanag pa sa loob ng mall. Kahiya.

(Talagang naisip pa niyang mahiya matapos ng nangyari sa graduation, CR, hallway at family late lunch in just a few hours. Nakakaloka, ha.)

Inisip tuloy niya kung ganito rin ba naramdaman ni Kaye noong una nilang nagkasama? Ayos na ayos ito habang ang kasama ay casual - pero, gabi naman noon. Halos wala nang tao. Ayos lang noong pangalawang pagsasama dahil parehas silang akala mo ay galing sa kasal. . .na mga bisita.

Ngayon? Siya ang ayos na ayos habang si Kaye, casual. Pero pogi pa rin.

Hihi.

Sanay na siyang pinagtitingnan. Malamang, sa buhok ba naman niyang hindi pang normal, kahit nakapambahay - titingnan siya. At siguro, sa pagkakataong ito, ang weird na naglalakad siya nang ayos na ayos. Ang iba sa pakiramdam na pinagtitinginan siya. . . tapos katabi niya si Kaye na hindi naman malapit at hindi rin malayo.

May proud feeling?

Ngunit may kaba.

Ang gulo?

Finocus niya ang mga mata kay Kaye na ngiting-ngiti na tila may iniisip. Hindi na ito nawala mula paglabas nila ng The Racks. Ngunit nawala nang magkatinginan sila.

"May tanong ako. . ." anito.

"Ano?"

"'Yong sinabi ng Papa mo. . ."

"Alin d'on?" Napakamot sa noo si Rayne. "Sa dami ng sinabi niya, gusto ko na lang mamatay."

Tumawa si Kaye. Nang magsasalita ito, pinigilan ni Rayne.

"At bago mo pa ituloy 'yang sasabihin mo, mapagbiro lang si Papa sa mga bisita at bagong mukha. Baka nilalagyan mo ng malisya mga pinagsasasabi n'on."

"Ay." Sumimangot si Kaye. "Sabi pa naman niya ikaw daw bayad sa ginastos ko?"

"Seryoso ka ba talaga d'yan?"

"Papa mo na nagsabi. Ginagalang ko sinasabi ng mga elderly."

"Ang galang-galang mo nga, eh," natatawang ani Rayne. "Napuno ka ng po at ho kanina. Muntik ka nang maging kapamilya ni Gretchen Ho, Kaye Ho."

"Ano raw? Kaye Ko?"

"Kaye Ho!"

"Mo? Inaangkin mo na ako?"

"Ayoko na nga."

Nag-back fire kay Rayne ang sariling joke. Tumawa si Kaye at pinigilan ni Rayne ang sariling tumitig. Iniwas niya ang tingin, lumiko na sinundan ni Kaye.

Saan nga ba talaga sila pupunta? Bahala na?

"Kailangan kitang bayaran, ha," aniya. "Sa mga ginastos mo. Ayokong nagkakautang."

"Regalo ko sa 'yo 'yon."

"Hindi mo regalo—"

"Napag-usapan natin 'to, 'di ba? Noon?"

Kumunot ang noo ni Rayne. "Ang alin?"

"Magpapakita ako sa pamilya mo, mamamanhikan, bibigyan ng regalo."

"What. Mamamanhikan? Napag-usapan natin 'yon?"

"Nalimutan mo? Ikaw pa nga nag-suggest?"

"Joke lang siguro 'yon!"

"Walang joke-joke!" Ngumiti si Kaye. "Sineryoso ko, ikaw nagsabi, eh."

"Kailangan pa rin kitang bayaran."

"Hindi na." Ngumiti ito. "Ito na lang ang kapalit mo sa akin."

"Anong ito?"

"Presensya mo."

Natigil si Rayne nang maramdaman ang kamay ni Kaye sa balikat niya - at ramdam na ramdam talaga niya ang mainit na palad ni Kaye sa balat dahil sa off-shoulder na suot. Pinisil saglit. Nakaakbay.

"Ikaw lang, sapat na."

Tumawa si Rayne. "Ajejeje po, boss Kaye underscore maldita representz!"

Tawanan.

Nang tanggalin ni Kaye ang hawak sa balikat niya, nalumbay ito. (Sad.) Lumiko sila. Naglakad. Saan ba talaga sila pupunta? Walang nakakaalam.

"But, may question ulit ako. . ."

"Kung tungkol na naman 'yan sa sinabi ni Pa—"

"Gusto mo bang magkaanak?"

Naubo si Rayne. "H-Ha?"

"'Yong papa mo. . ."

"Sabi ko sa 'y—"

"But hindi malayo, right?" tanong nito. "You're. . . you're capable."

"Uhm, thanks?" nag-aalinlangang sabi ni Rayne.

"Bakit thanks?" Tumawa si Kaye. "Seriously, Rayne. 'Di ba naghahanap na ng apo 'yong family mo?"

"Joke lang 'yon."

Bumuntonghininga si Kaye ngunit nakangiti pa rin.

"I'm just wondering. . . if."

"Bunso ako, may dalawa pa akong ate. 'Yong isa, may boyfriend. Tsaka. . . ang bata ko pa kaya."

Ngumisi si Kaye. Pumalatak habang umiiling. "Hindi ko pa naman kaya magbigay ng anak."

"Hala?" natatawang ani Rayne. "Parang kaka-graduate ko lang an hour ago ata?"

"Mga two hours naman," natatawa ani Kaye. "Too fast ba?"

"Ewan ko sa 'yo, teka, ang stress."

"Ng anak?! Oo n—"

"Sira!" Tumawa si Rayne. "Change topic! 'Yong paa ko, nai-i-stress na sa mga sinasabi mo."

"Hindi talaga sa heels? Sa mga sinasabi ko talaga?" Tawa. "Gusto mong buhatin kita?"

"Bakit ba ang cliché mo?"

"Pwede mo naman sabihing romantic na lang."

"Gasgas," aniya. "Maupo na lang muna tayo. Gusto mong kumain ng brownies?" Tinuro niya ang Brownies Unlimited.

"Pwede kitang buhatin papunta sa stall."

"Bakit gustong-gusto mo magbuhat? Nagpapa-muscles ka ba?" natatawa niyang tanong, palapit na sila sa bilihan. "Gusto mo ako na lang magbuhat sa 'yo?"

"Sigurado ka? Mabigat 'tong puso ko." Pinatong nito ang palad sa dibdib, pumikit pa. "Nag-o-overflow sa feelings."

Napatingin si Rayne kay ateng ngumiti sa kanila. Mas lumawak ang ngiti nito sa narinig kay Kaye.

"Ang cheesy, nakakainis! 'Di ba, ate? Nakakaasar?" Tumawa lang si ateng nasa counter. "Pabili po isang maliit na box."

Nagkaroon pa ng kaunting aberya nang ibigay ni Kaye ang card kay ate sa counter. Nag-panic pa si Rayne dahil dapat siya ang magbabayad. Buti, kampi niya ang tadhana dahil hindi gumana ang card reader ng Brownies Unlimited.

Si Rayne ang nakapagbayad. (Yes!)

Nakanguso si Kaye hanggang makaupo sila sa nakalaang upuan ng Brownies Unlimited customers. Nakakrus ang braso nito sa harap ng dibdib.

Kumakain si Rayne ng binili, nakataas ang kilay. Nang makalahati na niya ang kinakain at wala pa ring balak gumalaw ni Kaye mula sa pagpapa-cute, nilapit niya ang hawak na brownies sa bibig nito.

"Say ah," natatawang sabi ni Rayne.

Nagkatitigan muna sila, bago bumuka ang bibig ni Kaye.

"Ah."

(Shit na malagkit. Bakit ang cute?!)

Pinigilan ni Rayne ang pagngiti. Uminom sa biniling mineral bottle.

"Bakit ba gustong-gusto mo magbayad?" aniya nang nananahimik pa rin si Kaye.

"Gusto ko."

Naka-pout pa rin.

"Paano 'yan, gusto ko rin?" ani Rayne.

Nawala ang pout ni Kaye.

"Ano 'yong gusto mo, Rayne? Ako?"

Ngumiti ito.

"Oo, ikaw nga," nangingiting sabi niya.

Natigilan si Kaye. Nanlaki ang mata.

"Gusto kong ilibre ka, gan'on."

Tumawa nang tuluyan si Rayne. Nakisabay si Kaye pero natigil din tsaka umiling.

"Akala ko pa naman. . ."

Kumain na rin si Kaye nang kusa sa brownies na binili ni Rayne.

"'Yong family mo. . ." anito habang kumakain. "Ang. . . bait nila."

"Nilibre mo kasi."

"Bago pa 'yon. . ." anito, kumagat sa brownies. "They have this aura. . . na mafi-feel mong welcome ka sa kanila? 'Yong magaan ang feeling."

"Bakit? Dapat ba mabigat?"

Ngumisi si Kaye. "Sa mga mata nila, eh. May pagtatanong. . .pero walang panghuhusga talaga."

"Talaga? Paano mo naman nasabi? Hindi porke't hindi vino-voice out, wala nang panghuhusgang nagaganap, ah."

"I just sense it," ani Kaye. "Buong buhay kong nararanasan 'yon dahil sa kung ano ako." Maliit ang naging ngisi nito. "Sometimes, people see me as just a lesbian na ito na lang 'yong pagkatao ko as if it's not normal na inaalis na nila sa isip that I'm a musician, I strive to be a composer. . . Na anak din ako, tao. . "

"Alam mo, boses mo pa lang. . .kakaiba na," nakangiti ani Rayne. "Ang gwapong boses, hindi makatarungan?"

Tawanan.

"Tsaka, anong mayroon? Matagal nang tanggap ng lahat na ikaw 'yan. Bakit parang bothered ka sa kung ano man isipinin ng pamilya ko?"

"Ang. . . I don't know. Ang overwhelming, I guess."

"Huy, parang sa akin lang 'yan. Simula nang nagkulay ng buhok, never ko nang naranasan maging normal talaga. Alam mo 'yon, dikit na sa akin na ako si Rayne, may kulay ang buhok."

"Mala-nyebeng buhok," nakangiting ani Kaye. "Bakit ka nga ba nagpuputi ng hair?"

"Para po mapansin niyo po, Karen Jade Cal."

Tumawa si Kaye. "No, seriously."

"Oo nga. Tingnan mo, achievement unlocked. Pwede naman ako magpakulay ng iba pero white pa rin hanggang ngayon para sa 'yo."

Lalong tumawa si Kaye. "Landi aside, Rayne, bakit nga?"

"Landi aside?" Kumunot ang noo ni Rayne. "Paano 'yon?"

"Rayne. . ."

Tumawa si Rayne. "Siguro dahil. . .trip ko lang?"

"Gan'on lang 'yon?"

"Ay, bakit? Gusto mo ng deep? Uhm, kasi po, ano po, eh. Kaya po ako nagpa-white ng buhok kasi po. . ." Hinawi ni Rayne ang buhok palikod ng tainga. "Dahil po gusto ko pong ipakitang kasing puti ng nyebe ang busilak ko pong kalooban po."

Tawanan.

Ngumisi si Kaye. May binulong.

"Parang sa 'yo lang din siguro 'yan," dagdag ni Rayne. "Bakit ka lalaki manamit? Dahil ba. . . babae rin ang gusto mo?"

"No, no. Dito ako comfortable," sagot ni Kaye. "I like the way I look. Ibang usapan 'yong preferences."

"Ayon, same. . . na hindi?" Kumagat si Rayne sa brownies. "Buhok version naman ako. Tulad n'ong sa 'yo, babae ka pero mukhang lalaki, kakaiba. Ako, puti buhok pero hindi naman 80 years old, kakaiba. Intact na sa atin. . . hindi na maaalis."

"Okay lang ba sa parents mong colored ang buhok mo?"

"Hindi." Tumawa si Rayne. "Hindi nila super digs pero hinahayaan lang nila ako. Again, parang sa 'yo rin 'yan. Alam mo bang minsan, sinasabihan akong mukhang adik dahil sa kulay ng buhok ko, tattoo at piercings?"

"Really?"

"Minsan. Pero minsan lang, tapos wala akong paki sa kanila. Kaya dapat wala ka ring paki sa pamilya ko."

"Kahit na. . . Ah, ewan."

"Bakit? Gusto mo bang pilitin ka ng pamilya kong mag-dress ka dahil sa biologically babae ka? Anong paki mo sa pamilya ko, eh hinahayaan ka nga ng pamilya mo sa trip mo sa buhay?"

Tumawa si Kaye.

"Technically, no—" Natigil si Kaye. "To tell you the truth, kinabahan talaga ako before makarating sa The Racks. I almost wanted to back out but I really wanted to. . .meet them. Your family."

Humugot nang malalim na hininga si Rayne. Kumakain lang naman siya ng brownies, ba't parang hirap na hirap pa siya?

"Ang saya lang talaga siguro para sa akin that they're talking to me like a normal person. Medyo kinabahan lang ako sa papa mo lalo na n'ong nagtaka siya sa Kaye na pangalan."

"Akala mo ba dadakmain ka niya?"

Natawa si Kaye. "Naalala ko dati. . . nabigla kami ng girlfriend ko noon nang umuwi bigla 'yong parents niya. Kinailangan ko pang gumapang palabas ng bahay nila para lang hindi nila ako makita. Para hindi kami mahuli."

Tumawa si Rayne. "Wow, girlfriend. Big word. Ano ba kasing ginagawa niyo't kailangan pang hindi mahuli?"

"Nagtatago ng relasyon."

Tumikhim si Rayne. Bumigat ang atmosphere, kailangan pagaanin.

"Dapat ba gumapang ka rin papasok ng The Racks or something?"

"It just feels. . ." Ngumisi. "Really, really nice, I guess? To be me, then gan'on ang reception."

"Alam mo, lahat naman ng sinasama kong kaibigan sa mga ganyang family lunch o dinner o kahit ano pa na kasama ang pamilya ko, normal lang lahat. Babae. Lalaki. Ikaw. . . come what may lang."

"Ay, kaibigan?"

Nagtaas ng kilay si Rayne. "Ayaw mo ba?"

"Ayaw."

"Bakit, Kaye Cal? Ano bang gusto mo?"

Nagsukatan sila ng tingin. Nanliit. Ngumisi si Kaye.

Nang magsasalita na ito, pinigilan ni Rayne. Hindi ata siya ready sa sasabihin nito.

"Tsaka. . . ano bang inaasahan mo? Bigla ka nilang paalisin dahil sa kung sino ka? Magwala si Papa? Sisigaw ng hindi!!! si Mama? Ngumawa 'yong dalawa kong ate? Pagtulakan ka palayo?"

Tumawa si Kaye. "Papunta na d'on."

"Sa mga palabas lang 'yon, no," natatawang ani Rayne. "O siguro, sa isip lang nila ginagawa pero poker face lang on the outside."

"Ah, may pinagmanahan ka pala kung gan'on?"

"Bakit?"

"Kaya mong kiligin nang naka-poker face, eh."

Kinunot ni Rayne ang noo, pinagdikit ang kilay at sumimangot. "Kailan naman ako kinilig?"

"Ngayon."

"Ha?"

"Gusto kitang i-hug."

Natigilan si Rayne.

Ngumiti nang malawak si Kaye.

"Ayun, oh, ngingiti na 'yan."

Pinigilan ni Rayne, syempre. "Sinong ngumingiti."

"Ayan na, ngingiti na si Rayne. . ."

Napatakip ng mukha si Rayne at hinilamos sa palad. Huminga pa siya nang malalim tsaka tumingin kay Kaye nang bored ang mukha. "Alam mo, kumain ka na lang ng brownies."

"Yiee, kilig na 'yan, oh. Pinipigilan p—"

Walang sabi-sabing isinubo ni Rayne ang brownies na kakakuha lang niya kay Kaye. Thankfully, hindi na naubo si Kaye at para bang in-expect na nito ang gagawin ni Rayne. Walang sabi-sabi rin nitong pinigilan ang paglayo ng kamay ni Rayne at hinalikan ang dulo ng mga daliri niya.

Natigilan muna si Rayne. Napatitig sa malawak na ngiti ni Kaye na puro brown ang ngipin dahil sa kinain saka niya inilabas ang ngipin, ngiting-ngiti siya pero pinipilit niyang magmukhang galit kaya tawa nang tawa si Kaye.

"Kinilig."

"Hindi nga."

"Kiss ko pa ulit daliri mo?"

May kumiliti sa puso ni Rayne.

"Tantanan mo nga daliri ko." Binawi ni Rayne ang nakukuryenteng daliri. Kinailangan pa niyang himas-himasin ito. Mukhang pati daliri niya, hindi makakalma. "Kumain ka na lang d'yan."

"Ayaw mo bang kiss ko daliri mo? Iba na lang?"

"Karen Jade Cal, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Jetlag ba 'yan? Naka-shabu ka ba? May something ba sa kinakain nating brownies? Anong ginawa sa 'yo ng ibang bansa?"

"Pina-miss ka," anito. "Nang bongga."

Wala na. Natawa na si Rayne at napahawak sa noo. Nagkamot. Kahit anong pilit niyang pigil, napapangiti talaga siya. Natatawa siya. Hindi niya malaman kung dahil ba sa kilig o sa sinabi na naman nitong bongga.

Sobrang labo na turn on sa kanya nang bongga ang pagpapakita ni Kaye ng girl side sa kanya.

(Kashe nemin, ih.)

"No, seriously, na-miss talaga kita."

Tapos ayan na naman, nagpaka-manly na naman. Ang gulo!

"Parang nailatag na nga ata natin 'yang fact na 'yan kanina," ani Rayne.

"Noong hinug mo ako?"

"Teka lang nga, pagdadasal muna kita't lumalandi ka nang bongga."

Tawanan.

"Ako lang ba?" Bumulong pa si Kaye ng, "Parang sa CR nga. . ." na hindi na pinansin ni Rayne.

Kailangan na niyang ibaon sa limot 'yon. . . kahit ang totoo, paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang adrenaline rush. Ang pagtulak niya kay Kaye. Pag-lock ng pinto. At ano bang pumasok sa isip niyang pinagmukha niyang hinagupit ng kung ano si Kaye Cal?!

Kaloka.

Pumalumbaba si Rayne saka niya tinakpan ang bibig. Tumitig siya kay Kaye na tila nawala ang lahat ng bad vibes sa mundo. Sobrang saya. Nakakatakot 'yong saya.

"Rayne. . ."

Paanong pagbanggit lang ni Kaye sa pangalan niya ay grabe na ang kaba niya?

Ayaw na gusto. (Dyusko, bagay nga ata sa kanya ang kantang The Labo Song composed by Karl Gaurano & Teodoro Katigbak at interpreted by the one and only Kaye Cal for Himig Handog. Haist.)

"B-bakit?"

"Anong favorite number mo sa electric fan?" Labas ngipin itong ngumiti.

"Ha?"

Tumawa lalo si Kaye, nababaliw na ata. "Sorry, sorry. I don't know why I'm in such a happy mood now."

"May tanong din ako," aniya. "Ilang beses kang kumurap sa isang minuto?"

Nagtawanan sila.

Pinagtitinginan na nga rin sila ng ibang nakatambay din sa Brownies Unlimited. Nawawala na sa isip ni Rayne ang bigat ng loob n'ong graduation, ang kahihiyan sa CR, ang PDA sa may hallway ng SMX at ang dagok ng meet the family thing.

Tulad ng mga nakaraan; kapag silang dalawa na lang, silang dalawa na lang talaga.

Ang mumunti nilang bula.

Alam ni Rayne na na-miss niya si Kaye. . .pero tulad ng sinabi nito, hindi rin niya inakalang ganito niya ma-mi-miss kausap ang katapat. 

Akala niya sapat nang makita ito sa TV o sa malayo, ngunit ngayon - parang gusto pa niyang lumapit. Maramdaman ang balat ni Kaye. Hawakan ito sa kahit saang parte ng katawan.

Bumibigat ang loob niya sa kagustuhang mas. . .mas lumapit pa.

Huminga siya ng ubod nang lalim.

"May naisip ako," ani Kaye.

Kumurap si Rayne para matigil ang kahibangan niya.

"Mabubuhay ba ako d'yan sa naiisip mo?"

"Depende sa 'yo."

Nanliit ang mata ni Rayne. "Ano 'yon?"

"Nakilala ko na 'yong pamilya mo. . ." ani Kaye. Kinuha ni Kaye ang kamay niya sa lamesa at hinimas ang hinlalaki niya. "Gusto mong magpunta ng Davao?"

Biglang natawa si Rayne. "Ano raw?"

"Davao, ngayon," anito. "Pwede akong magpa-book o gusto mo diretso na sa airport? Halos 2 hours lang ang byahe. I can get you here in Manila before the clock strikes 12, Cinderella—"

"Woah, woah, woah - chill."

Hindi siya nito pinansin. Tuloy lang sa sinasabi. "—gusto kong bukas na lang, overnight doon, but magagalit ata sa akin mama mo kapag hindi kita hinatid. Kailangan kong magpabango," natatawa nitong ani.

"Hindi 'yan, no."

"Ah, gusto mong bukas na lang talaga kita iuwi?"

"May flight ka bukas! Sa ibang bansa!"

"Uy, concern. Gusto ko 'yan."

"Tsaka, hindi mo ako kailangang ihatid kasi kaya ko naman, I'm a big girl na. Graduate na nga ako, oh."

"Kailan hatid? Mamaya or bukas?"

"Ngayon."

"Ay, 'wag naman." Ngumuso ito. "Kung pwede lang kitang iuwi. . ."

May mga pagkakataong gustong patahimikin ni Rayne si Kaye, huwag nang magsalita, huwag nang bumuka ang bibig. Dahil sa bawat salitang sinasabi nito. . . palalim nang palalim.

"Kunwari hindi ko narinig para hindi creepy," aniya, nakangiti.

"Sinasadya ko talagang maging creepy," natatawa nitong sabi. "At saka para fair tayo for meeting our families, right?"

Kumunot ang noo ni Rayne. "Seryoso ka ba?"

Nagkatitigan sila ni Kaye hanggang sa nanlaki ang mata ni Rayne sa napansin kay Kaye.

"Seryoso ka nga! Tigilan mo, wala akong pera!"

"Sabi mo, ililibre mo ako. Ito na kabayaran."

"Ang alin? Pagpunta ng Davao?!"

"Plane ticket."

"Lugi ako! Ang mahal kaya ng plane ticket, tapos balikan pa 'yon! Wala akong pera, please lang."

"Eh 'di, walang balikan."

Natigil si Rayne. Sinamaan ng tingin si Kaye.

Tumawa ito. "Libre ko na 'yong balik."

"Gan'on din 'yon, may utang ulit."

"Kung may pera ka, sasama ka?"

"Hi—" Natigil si Rayne sa sasabihin. Hindi? Hindi siya sasama? Wala namang masama kung pupunta siya ng Davao – she's into ito. 'Yong biglaang desisyon, biglaang lakad. Road trip pero air trip. Kaso. . . ang makilala ang pamilya ni Kaye? Bakit? Para saan?

As friends?

Dapat as friends. . . 'di ba?

Pwede namang as friends silang magpunta, 'di ba?

Bakit ang weird isipin ang as friends kapag iniisip niya ang sarili at si Kaye? Ugh.

Sa haba ng katahimikan, tumawa si Kaye at tinapik ang kamay ni Rayne saka ito binitawan. "Sige, okay lang," anito. "Hindi mo na kailangang mahirapan humindi. I know, masyadong biglaan."

"Sobra!"

"Nabigla rin naman ako sa family mo."

"Graduation ko kaya ngayon," ani Rayne. "Syempre expected na kasama ko sila. Tsaka, ikaw kaya 'yong bigla-biglang nagpapakita sa graduation nang may graduation. At ikaw rin 'yong nagutom, 'di ba?!"

"Okay lang naman, right?"

"May magagawa pa ba ako, nand'yan ka na? Tapos na nga, eh. Nandito na nga tayo, eh."

"Pwede mong sabihing hindi mo ako kilala, huwag pansinin, saktan mo ako nang paulit-ulit. . ."

Nakangiti si Kaye pero alam ni Rayne na tinutukoy nito ang pag-iling niya sa sunflower kanina. Ayaw na niya. Hindi na niya uulitin 'yon kahit kailan.

Ang sakit-sakit makitang nasasaktan si Kaye.

Tumawa si Rayne. "Feeling ko effective 'to noong una tayong nagkita na nagpanggap akong 'di kita kilala pero kahit noong time na 'yon, hindi ko pa rin mapigilan 'yong kilig, eh."

Biglang natigil si Kaye sa pagkain ng brownies. "Kinilig ka talaga? Sa akin?"

Pabirong umirap si Rayne. "Huwag masyadong kiligin," natatawa niyang ani.

Kinuha ulit ni Kaye ang kamay ni Rayne, nilapat nito ang kamay ni Rayne sa labi. Nangiti. "Hindi ko mapigilang hindi kiligin," anito, dikit pa rin ang labi sa kamay ni Rayne.

Pabirong sinuntok ni Rayne ang pisngi ni Kaye gamit ang kamay na hawak nito. "Umayos ka nga."

"Maayos ako."

"Mukhang hindi."

Binawi ni Rayne ang kamay. Kinuha ang pinaka huling brownies sa box at maliit na kinagat ang dulo.

Ngumuso si Kaye. "Bakit hindi ako naging maayos?"

"Kasi nandito ka."

"Sa MOA?"

"Sa tapat ko."

Inilapit ni Rayne ang hawak na pagkain sa labi ni Kaye. Kumagat si Kaye, ngumiti.

"Wala akong gustong place ngayon kundi dito lang to celebrate a special day of a special person. Actually, gusto ko rin sa tabi mo kaso hindi tayo kasya sa isang upuan."

"Hindi ko maseryoso 'yang sinasabi mo, may brownies ka sa ngipin."

Tawanan.

Pero ang totoo, may kabog ng dibdib kay Rayne. Tibok ng puso. 

May kumakatok, matagal na, mas lumakas ngayon; kailan nga ba papapasukin?

"Tara, lakad tayo."

Tumayo si Rayne para matanggal sa utak ang mga iniisip. Baka kaya lang siya nagkakaganito dahil magkatapat sila ni Kaye. Baka kailangan niyang mahimasmasan para matauhan.

Naglakad silang muli nang walang patutunguhan sa loob ng Mall of Asia. Nakapagpahinga naman kahit papaano ang paa niya mula sa heels, pero ilang hakbang lang, nananakit na ulit.

(Heels pa more.)

Well, on the bright side - ang ganda ng height difference nila ni Kaye dahil sa heels. Hindi na 'cute' dahil hanggang baba lang siya nito. Ngayon, dahil lumagpas na sa may ilong - parang. . .bumagay na? Ata. Ish. Ehem.

"Dapat naglilinis kayo ng recording, 'di ba? Sa ibang bansa?"

"Nanghingi ako ng rest day."

May nakasalubong napatagal ang tingin sa kanila.  

"Kailan ka babalik?"

"Bukas ng hapon."

May nakasalubong na napa-double look.

"Kailan ka dumating dito?"

"Kaninang umaga."

May nakasalubong na sinundan sila ng tingin.

"Dumiretso ka ng SMX. . ." Sumimangot si Rayne. "Paano mo nalaman kung saan at kailan graduation ko?"

Ngumiti si Kaye. "You invited us, remember? Sabi mo sa Instagram, pwedeng magpunta ang kahit na sino para maki-celebrate sa graduation mo. With details pa."

May nakasalubong na tumitig sa kanilang dalawa.

"Dinelete ko kaya agad 'yon."

Nagkibit balikat si Kaye. "Na-screenshot ko agad, eh."

May nakasalubong silang parang nakilala sila. O ang katabing si Kaye Cal dahil mukhang nagkaroon lang ng sandaling loading mode bago nanlaki ang mata ng isang teenager.

"Hindi ka naman naka-follow sa akin, paano mo nakita agad?"

"Sa dami ng followers mo, malalaman mo pa ba kung naka-follow sa 'yo ang kung sino?" ani Kaye.

May nakatambay sa gilid na grupo. . . nakaturo sa kanila.

"Nakikita ko kaya mga fino-follow mo. Wala ako d'on."

Ngumiti si Kaye, hindi na muling sumagot o tinuloy ang topic. "Gustong-gusto talaga kita puntahan. Hindi ako mapakali, then they let me have a free day kaya. . .."

Lumiko sila. May narinig si Rayne sa likod ng, parang kilala ko 'yon?

"Tumatama sa career mo. International pa 'yan, ha. Saan nga ulit 'yan?"

"Poplife," anito. "Binibigyan lang ng priority ang bawat araw at pagkakataon."

May narinig siyang muli, ayos na ayos? anmeron? artista ba 'yon?

"Priority mo dapat 'yong international album mo. 'Yong international career mo."

Nakalabas na sila ng mall proper, diretso ang mga paa nila sa seaside. Sabay ang hakbang nila, walang nauuna sa paglalakad. Hinihintay ang isa't isa.Naglalakad sa ilalim ng sinag ng araw. Ang liwanag pa talaga, hindi siya sanay. 

"Marami tayong priorities in life."

"Dapat hindi kasama ang isang wala lang sa priority list na 'yan. Kailangan mo na ata mag-rearrange ng priorities sa buhay."

"Hindi ka sabi wala lang—" 

"OMG!"

Mas naunang tumigil si Rayne sa paglalakad, kinabahan, muntik matapilok dahil sa heels. Natigil din si Kaye sa lakad dahil sa gulat.

Walang ibang sinabi ang babae sa harap ni Kaye. Sumigaw lang ng omg, tinuro si Kaye nang nanlalaki ang mga mata, nakatakip ang bibig. Ilang segundo rin itong nakaganito hanggang sa hinila na ng kasamang kaibigan at humingi ng tawad sa kanila.

Nagkatinginan si Kaye at Rayne nang nagtataka sa nangyari. Nagkibit balikat. Nagkatawanan.

Ngiting-ngiti pa si Rayne nang kuhanin ang phone na nag-vibrate mula sa maliit na bag.

Nawala ang ngiting 'yon dahil sa text ng papa niya.



(LGBT) Pride Month History

● Cine-celebrate ang pride month ng mga nasa LGBT community tuwing June

● Ito ay para i-honor ang 1969 Stonewall riots na nangyari sa Manhattan. 

● Ayon sa google: Umaga ng June 28, 1969, ni-raid ng New York City police ang Stonewall Inn, isang popular gay bar sa Greenwich Village. Pwede naman daw i-raid ang Stonewall dahil nagse-serve ito ng liquior nang walang lisensya at isa pa, hindi na bago ang pag-target ng mga pulis para mag-raid ng gay clubs.

But that day, as the officers forced drag queens into the police van, binato ng crowd ang mga officers. Ang away ay naging gulo hanggang sa nadamay na ang neighboring streets.

Days after the Stonewall Riot, nagpatuloy ang paglaban ng gay, lesbian and bisexual civil rights sa New York.

● Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng Gay Liberation Movement sa United States. Ang simula ng pakikipaglaban para sa homosexual rights ng community.

● Si Pres. Bill Clinton ang unang presidente na nag-acknowledge na June ang pride month, taong 2000.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random photo of the chapter ⚢

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: @XxdaydreamerX  | twitter

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

On going na po ang botohan para sa Wishclusive Ballad Performance of the Year kung saan nominated si Kaye Cal! (Marami pang botohan thingy sa wishclusive pero sa kanya ako focus, syempre. Haha.)

Go to: www.wish1075.com/wishawards or click external link (for web users) to vote.

Please vote for her EVERYDAY until January 15 using your fb and twitter accts. EVERYDAY po ito. Pa-vote na din kamo sa mga friends and friends of friends!! Gamitin niyo na ang lahat ng accounts niyo at ng iba pa~ Mahal niyo naman si Kaye, di ba? Support natin siya sa mga ganap niya sa buhay! Hihi.

3rd as of 9:05pm Dec 15

Knowing that you are voting for her will mean a lot to my fangirl heart and author mission (chos). Salamat sa mga boboto everyday! ♥

I'm also updating the voting percentage on my twitter. Kung gusto mo maging updated. Na-excite ako kapag tumataas, eh. Haha!


Continue Reading

You'll Also Like

623K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
780K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
37K 1.2K 32
Kung nalaman ko lang na s'ya yung magiging fiancé ko, dapat hindi na lang ako sumang-ayon kahit inalok nila ako ng milyon. It's not worth my life. Th...