Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

10 | Ten

15.1K 766 1K
By pilosopotasya

Kung paano napunta mula sa Kaye Cal songs to if you wanna be my lover, you gotta get along with my friends, make it last forever cause friendship never eeenNDDSS!! ang naging soundtrip nila sa kotse ay walang kaide-ideya si Rayne. Basta ang alam lang niya, kumakain sila ng cheese flavored Jollibee fries at umiinom ng coke – kahit bawal kay Kaye ito dahil sa boses.

(Makulit, eh.)

"Hindi ka ba nag-wonder," ani Kaye pagkatapos nguyain ang fries na isinubo ni Rayne. "Paano mo nasiguradong sa lalaki ka pala attracted?"

"Hindi ko super ma-gets," aniya, kumain ng fries.

Kumuha rin siya ng isang piraso at sinubo ulit nang buo kay Kaye na diretso ang tingin sa kalsada.

"Paano mo nalaman na sa lalaki ka pala nagkakagusto at hindi sa babae?" Lumingon si Kaye. Sinubuan muli ng fries. "Tulad mo, curious din ako kung paano niyo nasiguradong normal pala kayo."

"Normal," pagdiin ni Rayne sa salita. "Hindi ka ba normal?"

"Let me rephrase. Paano mo nasiguradong tanggap kayo?"

"Kaye. . ."

Alam ni Rayne na nagjo-joke si Kaye pero naninikip dibdib niya sa mga ganitong self-joke.

"Okay, okay. Paano mo nalamang hindi ka sa babae attracted?"

Tango. Kain fries. Inom coke. Kagat sa straw.

"Nagka-crush ako sa kaklase ko n'ong kinder."

"Kinder? Ang bilis magka-crush?"

"Maagang lumandi, eh," natatawa niyang sagot. "Niligtas niya kasi ako sa sobrang laking ipis sa panaginip ko. Para siyang knight in shining armor. Nakasakay pa siya n'on sa puting kabayo. Next thing I knew, considered na siya bilang crush ko."

"Sure kang lalaki 'yon? Hindi girl?"

"Sure ako," aniya. "Kevin pangalan. Jose Rizal hairstyle. Naaalala ko pa na nagkasalubong kami sa paglalakad, hawak siya ng mama niya tapos hawak ako ng mama ko. Walang slow mo shits pero basta. Alam mo 'yong sa mga movies na kaunti na lang, magkaroon ng voice over ng at siya ang first love ko cue magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. . . pero palitan natin 'yong lyrics ng hawak ng mga mama natin ang ating kamay at walang kamay-malay. . ."

Tawa nang tawa si Kaye doon. Hinintay pa tuloy ni Rayne mahimasmasan.

"Pero ang pinaka naging crush ko talaga na nagpakaba sa akin 'yong kapitbahay namin n'ong grade 4. Wala lang talaga siya sa umpisa, simpleng gwapo lang. Eh, niyakap ako."

"Niyakap ka?"

"Sa isang dare. Ayun, bigla akong naging marupok. Iniinggit ko pa nga 'yong kaibigan kong may crush d'on kay Kenneth. From then on, napapansin ko na talaga mga lalaki at hindi na lang sila basta tao. Lalaki na sila. ito rin 'yong mga times na may nanligaw sa akin."

"Grade 4 pa lang may nanligaw na sa 'yo? Pretty girl."

Tumawa si Rayne. "Sa kabilang section, transfer student. Parang joke time lang talaga. Alam mo 'yong nauso noong lavender na nasa maliit na bote? Binibigyan niya ako n'on every week, iba-iba kulay."

Tumawa si Kaye. "Ganyan din ako n'on. Liliko tayo rito?"

"Yep. D'yan tapos diretso." Tinuro ni Rayne ang ilang direksyon saka nagpatuloy sa kwentuhan. "Nanliligaw ka rin? Gamit 'yong lavender?"

"Nakakahiya man pero oo," natatawa nitong ani. "I mean, isa 'yon sa mga binibigay. Pa-cute ba."

"Eh, nagbibigay ka ba ng half heart sa nililigawan mo tapos na sa 'yo 'yong other half?"

"Binigyan ka ng gan'on?"

"Oo. Sa intermediate paper naka-drawing. Ang liit nga, hindi man lang binuo 'yong half intermediate."

"Literal na half-hearted."

"Ang masama pa nito, may veins pa 'yong drawing na heart! Napaka unromantic, eh."

Nagtawanan muli sila.

"May isang necklace ding binigay sa akin 'yong lalaking 'yon. Sinubukan kong isuot ng isang buong araw at ang masasabi ko lang, hashtag never again magsusuot ng mga binigay ng mga nanliligaw lalo na kung grade 4 lang kayo."

"Bakit naman?"

"Minalas ako buong araw na sinuot ko 'yon. Muntik ko nang sunugin, eh."

"Grabe, huwag naman." Humawak pa sa dibdib si Kaye at nilingon si Rayne. "Parang sinunog mo rin ang mga puso naming nagmamahal."

"Grade 4 kami n'on!" natatawang sabi ni Rayne. "As in, sobrang childish. Nakakaloka."

"First boyfriend?"

"Ay, hindi. Hindi ako into relationships, eh. Graduate first."

"Graduate first. . . no boyfriend since birth?"

"Secret."

"Girlfriend?"

Tumawa si Rayne. "Push mo 'yan."

"'Di nga?"

"Walang girlfriend, beh—" Natigilan si Rayne sa nasambit. Napa-shit. "Walang girlfriend. Boyfriend pero 'di ko super ma-consider."

"Beh. . ." Ngumisi si Kaye. Umiling. "Pinipigilan mong matawag akong beh, right?"

"Ha. What. Ano. No. Ano ka ba Kaye, hindinamankaya."

Tumawa ito. "Cute ng defensive mode?"

"Hindi ako defensive!"

"Right. Tawagin mo akong beh whenever you feel like it."

"Ayoko nga."

"Why? Akala ko ba sanay kang beh ang tawag mo sa lahat?"

"Sinabi ko 'yon?"

"As far as I remember, beh."

Umubo si Rayne at uminom sa coke. "May pangalan ka, dapat tinatawag kita sa pangalan mo."

"Riiight, beh. Riight." Tumikhim si Kaye. "Or baka naman. . ."

Nanliit ang mata ni Rayne. "Baka naman ano?"

"Baka. . . but not yet sure."

Patuloy ang panliliit ng mata ni Rayne. Ngunit hindi niya mapigilang mapangiti dahil ang cute ni Kaye mang-asar? Nakapilyang ngiti ito habang nakatingin sa kalsada? Paano na ang puso ni Rayne n'yan?

"Ano?"

"Hindi ko talaga sure ito, ah," ani Kaye. Nakataas ang kilay, painusente (o pa-cute. Hindi na sure si Rayne sa difference.) "Baka ano, baka. . . nagkaka - ehem - malisya."

"Puro ka malisya," natatawang ani Rayne, pabirong umirap at nilingon ang bintana. "Napaka malisyoso mo."

"Wala ba talaga?" pagtatanong ni Kaye, sobrang hopeful.

Tumawa si Rayne. Umiling. May pagbulong siya ng, "slight" na hinihiling niyang sana hindi narinig ni Kaye.

Mukhang hindi nga ito narinig dahil iba ang ni-react. "Bakit ba walang traffic kung kailangan gustong magtagal sa byahe?"

Ngumiti lang si Rayne nang tumingin sa kalsada na tuloy-tuloy lang ang byahe. Walang traffic. Walang kahit anong aberya. Tipong, walang excuse para hindi magtagal.

(EDSA have failed them.)

"Alam mo ba. . ." sabi ni Rayne.

"May malisya na?"

"Ano ba, Kaye! Hindi pa rin maka-move on?"

Tawanan.

"Sorry, sorry. Anong sasabihin mo?"

"Naaalala ko lang noong first year. . ." panimula ni Rayne. "May girl crush ako."

"Girl crush as in. . .?"

"As in, may isang transfer student noong first year highschool na masasabi mong nasa kanya na lahat. Noong una, wala lang. Alam ko lang, lahat ng school body, na maganda siya. Tapos siya 'yong babaeng hindi ako? Active siya, magaslaw, palakaibigan. . gan'on. Hanggang sa one time, kinakabahan ako noong lumapit siya sa amin tapos kinausap niya ako."

Natigilan si Kaye sa narinig. Naging interesado.

"May pagkakataon ding naasar ako sa kaibigan ko noon dahil kalaro pala niya 'yong girl crush kong 'yon noong bata pa sila tapos hindi niya maalala. Binato ko siya ng plastic nang pabiro kasi feeling ko noon, hindi deserve ng girl crush kong makalimutan siya ng kahit na sino."

"Woah, really?" Nilingon siya ni Kaye. "As in?"

"Alam mo 'yong Friendster?"

"Oo naman."

"Hindi kami close n'ong girl crush kong 'yon pero binigyan ko siya ng testimonial." Napangiwi si Rayne sa naalala. "Dinescribe ko siya as maganda, talented, maraming nanliligaw. Oh god, Sticky caps pa ako n'on. Ang jejemon!"

Kumurap si Kaye. "May ganyan ka palang experience. . ."

"Nanligaw rin ako sa text."

Nanlaki ang mata ni Kaye na lumingon kay Rayne. Mukhang hindi na talaga ito makapaniwala sa naririnig. Kulang na lang, may patigil effect ito sa kotse para kunwari, romcom movie.

"Oh?"

"Pero hindi bilang ako tapos hindi ko lang talaga sadya? Kasi may bago akong simcard, first time kong mag globe at naka-unli pa. Nantrip ako ng mga kakilala kong babae na kumakagat naman sa text. As in, hindi ko sadya na dapat magpapakilala naman ako pero bigla nilang sasagutin 'yong lalaki sa text."

"Alam mo bang d'yan din ako nagsimula?"

"Paanong—"

"Panliligaw sa text. Nagpapanggap na lalaki. Kasi 'di ba, anonymous ka sa text. Pwede kang maging kahit ano or sino. Pwedeng maging guy kung gusto mong maging guy ka kahit hindi talaga. Even 'yong unli call hindi naging hadlang sa akin dahil mababa ang voice ko lalo na kapag kumakanta. 'Yon ang favorite ng mga girls bago matulog, 'yong kantahan ko sila."

"Ang tindi po! Mga girls. MGA. Girls. Emphasis naman natin sa mga at girls with s."

"Past naman 'yon," anito. "Selos agad?"

Kumurap si Rayne. Tuloy-tuloy ang pagsubo ng fries kay Kaye hanggang sa maubo na ito kakatawa.

"Tama 'yan," ani Rayne. "Ubuhin ka sa mga sinasabi mo."

Tawanan.

Ngunit dahil totoong nasamid si Kaye at wala na itong coke, uminom ito sa coke ni Rayne. Napatitig si Rayne nang ma-realize niyang sumipsip si Kaye sa straw na kanina pa niya kinakagat at nilalaro sa bibig.

Tumikhim siya. Binalewala at uminom na lang din. Ngunit agad siyang na-conscious nang tumingin si Kaye sa pagkagat niya ng straw kaya unti-unti niyang nilagay sa cup handle 'yong coke.

Napakain at nguya tuloy siya ng fries.

Naramdaman na rin siguro ni Kaye ang awkwardness kaya't tinuloy nito ang kwentuhan. "The thing that scared me the most noon is 'yong kapag gusto nang makipag-meet ng babae."

"Nakikipag-meet ka?"

"One time. Alam niyang lalaki ako kaya pumorma ako ng pinaka lalaking pormang kaya ko. Damit pa ng kuya ko ginamit ko noon. Medyo maikli na rin ang buhok ko, pang emo," natatawa nitong sabi.

"Anong nangyari?"

"Sa kabilang school 'yong babae, hinintay ko uwian nila. Obvious na nagulat siya sa akin pati mga friends niya. Siguro mga 10 minutes lang kaming nagkasama – 3 minutes na usap then mga friends niyang pinakanta ako at marami-raming awkward silence bago sila nagpaalam umalis. Siya, actually. Magbabantay pa raw ng tindahan nila."

"May tindahan ba naman sila?"

"Thankfully, mayroon."

Nagtawanan sila.

"Sabi nila kapag it's a good date, magte-text agad sa 'yo 'yong naka-date mo. Nag-text ba ulit sa 'yo?" tanong ni Rayne.

"Oo. Sabi niya it's not you, it's me."

"Seryoso?"

Tumango si Kaye. "Hindi na siya nag-text pa ulit. Ni hindi na nga rin sinasagot tawag ko kahit dati, siya ang panay tawag sa akin para makausap ako o kantahan ko siya hanggang makatulog."

"What. The. Fuck," ani Rayne. "Nakakainis naman 'yon?"

Ngumisi ito. "Nakakapagbigay ng low esteem lalo na kapag nagsisimula ka palang and nangangapa pa? Broken hearted nga ata ako n'on kahit hindi naging technically kami n'ong girl."

"Dapat pinapaliyab 'yon sa kumukulong mantika."

"Grabe, Rayne! Ganyan ka ka-sadista?!"

"Para sa 'yo, syempre."

Tigil.

"Joke lang. Mabait ako, no. Nakakaasar lang 'yong ginawa niya." Tawa. "Eh, nanligaw ka ba ulit?" 

Isinubo na rin niya kay Kaye ang last few cheesy fries. Bago pa ubusin ni Rayne ang coke, nanghingi si Kaye. No choice kundi ibigay na niya ito.

Napaiwas siya ng tingin nang mapansing kinagat ni Kaye ang straw.

"Kapag pabiro lang o trip, nanliligaw sa text."

"Ha?" pagtataka ni Rayne.

"Uhm, 'yong sagot ko sa question mo?"

(Ay, oo nga pala. Nag-uusap nga pala sila.)

"Ah. Tapos?"

"Mukhang napipilitan kang makinig?"

"Hindi. Hindi. Na-distract lang ako saglit. Game. Kapag pabiro, nanliligaw ka. Kapag hindi. . ."

Pinagmasdan pa muna siya ni Kaye bago ito nagpatuloy sa kwento. "If seryoso dahil sobrang attracted ako sa isang girl, hindi ako sumusubok. Kapag ayaw, lalayo na agad ako para iwas sakit."

"Hinahayaan mo na lang? Akala ko ba marami kang naging girlfriend?"

"Hmm. Researcher."

Tawanan.

"Madalas pa rin akong makipag-textmate and hindi na rin ako nagpapanggap as a guy. Ang hirap din panindigan maging lalaki?"

"Talaga? Minsan nga iniisip ko, mas madaling maging lalaki, eh."

"Mahirap maging babae but being a guy. . ."

"Ayaw mo ba talaga maging lalaki?"

"Hmm, I almost thought I'm a trans man because I really like guy stuff and activities dahil na rin sa influence ng kuya ko and we were together lots of times bago dumating 'yong dalawa pa naming kapatid. . .And kahit mas gusto kong matawag na pogi kaysa ganda, or kahit iyakan ko ang pagsusuot ng palda. . . hindi talaga, eh. Lesbian talaga."

"Totoo?"

"I came to a point and realization that I didn't want to change myself nor my appearance. I want to see myself as is. Nakakapag-damit lalaki naman ako at nagagawa ko mga guy thing without going under hormonal medicines and surgeries just how trans people want," pag-explain ni Kaye. "Isa pa, I don't think I have the guts to be a real man. Being trans, kailangan talaga ng paninindigan d'on and alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. I also don't think I have the. . .may tawag d'on, eh."

"Sa?"

"That uneasy feeling na hindi tama 'yong gender mo sa kung ano ka pinanganak. Gender. . . dysphoria ata?"

"Kapag may gender dysphoria, meaning, transgender ka?" pagtatanong ni Rayne.

"Yeah. Hindi lang naman trip-trip 'yon or idea or just a concept," natatawang ani Kaye. "It is real. The transmen I knew, there's this feeling na ayaw talaga nila ng itsura nila. They really want to change. The looks, the hormones, the voice. May test din muna at need makapasa para makapag-undergo sa surgery. They really want to be a legal men. Sinasabi rin nilang hindi sila 'yong taong nakikita nila sa salamin. May mali talaga. Kahit simpleng pagtawag sa kanila ng she instead of he, or vice versa if transwoman, it doesn't feel right."

"Parang cringe? Tulad ng lodi?" natatawang ani Rayne na napa-cringe din sa sariling sinabi.

"Yes, parang ganyan nga."

Tawanan.

"Tapos hindi mo naramdaman 'yon?"

"Hindi sobra, I guess? Mas cringe pa ang lodi. Huwag mo na ulitin 'yon, please."

Isa pa ulit tawanan.

"Eh, Lodi—"

"Rayne!"

"Lodi?"

"Rayne. . ."

May pagbabanta sa boses ni Kaye. Nanliit ang mata. Tawa naman nang tawa si Rayne.

"Lodi. . ."

"Beh."

Naubo sa pagtawa si Rayne at natigil. Tumikhim.

"Fine, fine. Titigil na," aniya. "Alam mo, feeling ko kaya hindi mo masyadong ramdam 'yong distress dahil masculine ka na at nasa blood at genetics mo na. Siguro may girly side ka nga or nasa androgynous side ka pero alam mo 'yon? Manly, tangkad, boses mo pa. Para kang bukod na pinagpala sa lahat ng babaeng pinagpala."

Tawanan.

"I think may malaki rin talagang involvement ang environment kaya ako masculine sa kilos and interests. I mean, if you think about it - kung nasa feminine environment ako for example. . ." ani Kaye. "I can be as effeminate as I can be. Pwedeng nagme-make up ako, nagde-dress, naghi-heels, flaunting my assets. I can limbo between being masculine or feminine if I want to. And that being said, babae pa rin gusto ko. I just don't want to be a real guy."

"Sobrang. . .wooh. Complicated! Talagang individuality talaga pinaglalaban."

"Yes. Nasa tao talaga and this is just me. But how about the others? Isa pa, i'm not into facial hair unlike how some transmen would like to have," ani Kaye. "Some, ha. Not all. Iniisip ko pa lang na magkaroon ng facial hair. . ."

Napapikit si Rayne at umiling. "Hindi rin kita maisip na may facial hair."

"Rayne naman, don't think about me too much. Nandito na ako sa tabi mo."

"Dyusko po, mahabagin. Ang korni na nga, ang gasgas pa."

Tawanan.

"Lagi mong kinokontra mga linyahan ko." Kaye pouted. "Nakaka-sad na."

Pabirong umirap si Rayne. Kinailangan niyang tumingin sa labas para kunwari, hindi siya affected sa pa-cute nito.

"Kung tutuusin," ani Rayne. "Nasa sa 'yo na lahat ng hinahanap ng mga babae. Dapat siguro kantahan kita ng nasa 'yo na ang lahat, eh."

"Sige nga. Kantahan mo ako."

"Pag singer na ako."

"Tawagan ko na ba si Sir Roxy? Star Music?"

"Never ako magiging singer kaya hindi kita kakantahan n'yan," natatawang ani Rayne. "Huwag mo na ipilit please, hindi talaga ako kakanta."

Paglingon niya kay Kaye, salitan ang tingin nito sa kalsada at sa kanya. Nakasimangot. Sobrang pa-cute, kaunti na lang, hihilahin na ni Rayne ang pang-ibabang labi ni Kaye dahil sobra nitong sinisimangot ang mukha.

Tumikhim si Rayne. "Nasa 'yo na ang lahat. . .Kaye Caaaal—ayun, tapos na. The end."

Tawa nang tawa si Kaye.

Nang matahimik sila saglit, narinig ni Rayne ang pabulong na kanta ni Kaye, Halos mag-hum na ng, "wooh, oh, wooh, oh, oh. . na-nasa 'yo na ang lahat. . ."

Napangiti si Rayne.

"Kaya ka rin siguro panatag sa kung sino ka ngayon kasi babae na lumalapit sa' yo dahil sa pagkanta." Tumango-tango siya sa sariling obserbasyon. "Sabi sa 'yo 'di ba, nakaka-in love mga singer dahil sa boses."

Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Nakaka-in love?"

"Parang sa 'yo nga, nanghaharana. Ang sexy ng boses. Insert more adjectives here na magpapalaki ng ego mo sa araw na 'to."

Tumawa si Kaye. "Gusto ko 'yan."

"At bago mo pa i-push nang i-push 'yang nasa isip mo. . ."

"Ano bang nasa isip ko?!"

"Mga malisya."

Tumawa si Kaye. "Sabi ko nga, eh. Titigil na ako."

Natigil sila sa pag-uusap saglit.

"Naaalala ko dati n'ong bata ako. . ."

"Hm?"

"Lagi akong pinapagupitan ng buhok kaya laging maikli. Tapos naaalala ko n'ong isang Christmas, inggit ako sa pamangkin kong ka-age ko kasi niregaluhan siya ng lutu-lutuan tapos ang regalo sa akin, basketball set."

"What? Seriously?"

"Oo! Akala ata nila, lalaki ako, eh. Pero n'ong first time ko magka-barbie, pinili ko 'yong long hair kasi gustong-gusto ko ngang magkaroon ng long hair at nagpa-long hair na talaga ako pagtapak ko ng high school. Tapos sa paglalaro, may days na pellet gun 'yong nilalaro ko. Tapos mas kumportable rin ako sa mga lalaki kapag kausap pero may close din akong mga babae, although wala akong super girly friends. Feeling ko kaya hindi ako girly dahil d'on, eh. At isa pa, ayaw ko rin mag-skirt noon, ngayon keri na."

"Hmm, pwede. Pwede. You're in between dahil sa environment. Not masculine, not entirely feminine - sa kilos. Physically, you're more leaning as a girl," ani Kaye. "But hindi ka talaga. . .naging curious?"

"Maging lalaki?"

"No, not like that. Curious. . . sa babae?"

"Uhm, hmm. . .mayroon ako—kaming—napag-trip-an na kaklase kong babae noong highschool?"

"Sinong kayo?"

"Mga kaibigan ko. Nantrip lang–tinanong ko siya kung pwede ba manligaw sa harap ng iba ko pang kaklase." Napahawak sa mukha si Rayne at napapikit. "God, kapag naiisip ko 'yon nagki-cringe talaga ako. Hindi ko alam ba't ko 'yon ginawa."

"Ah, so nagki-cringe ka sa amin?"

Nilingon niya si Kaye. "Sira! Nagki-cringe ako sa sarili ko na jino-joke time ko 'yong mga gan'ong klaseng bagay na hindi iniisip na may mga katulad niyong totoo 'yong nararamdaman para sa kapwa babae pero nahihirapan. Habang ako, joke time lang lahat. Cringe talaga—dito, liko ka na sa kanto."

Iniliko ni Kaye ang kotse, bumagal ang andar, hindi dahil delikado. Ito ay dahil sa realization na malapit na nga talagang matapos ito.

"High school dumbness," ani Kaye.

"Agree," ani Rayne.

Natahimik sila.

"Ang weird lang," biglang basag ni Rayne sa usapan nang makapag-isip-isip.

"Ang alin? Katangahan natin n'ong highschool?"

"'Yon. Tsaka. . . iniisip ko talaga kung mayroon ba. Kung napunta ba ako sa point na babae ba 'yong gusto ko." Tumawa si Rayne. "'Eh di ba, 'yong sa girl crush ko. Napapaisip talaga ako kasi napunta rin ako sa point na nagpanggap akong lalaki para i-textmate siya."

"Binalak mo siyang ligawan?" tanong nito, may gulat sa boses at mga mata.

"Hindi ko sure—teka, dito na tayo. D'yan na lang sa gilid."

"Bahay niyo 'to?" Sinilip ni Kaye ang tapat na mala-building kung saan niya tinigil ang kotse. "Akala ko ba hindi mayaman?"

"Doon pa bahay namin sa pababang 'to, maglalakad ak—"

"Huwag na, hatid na kita. Sabi ko sa 'yo hindi ako uuwi hangga't 'di ko nakikitang pumapasok ka sa bahay niyo."

"Blackmailing!"

Tumawa lang si Kaye.

Matapos ng ilang segundo, natahimik silang dalawa. Parehas pa rin silang naka-seatbelt. Walang ibang tunog kundi ang musikang naka-play sa kotse. Nabigla nga rin si Rayne na mayroon pa palang music sa sobrang engrossed niya sa usapan nila.

"About sa girl crush mo. . ."

"Ano?"

"Binalak mo siyang ligawan?"

Tumawa si Rayne. "Talagang ipu-push natin 'yong topic na 'yon?"

Mukhang hopeful naman si Kaye.

Bumuntonghininga si Rayne. "Kung aalalahanin ko, sumagi ata sa isip ko 'yon pero bilang lalaki sa text kaso naging sila n'ong kaklase kong lalaki. Naging sila n'ong binigay ko number."

"Binigay mo 'yong number ng girl crush mo sa kaklase mong lalaki? Bakit mo naman gagawin 'yon?"

"Uhm, kasi. . .close kami n'ong kaklase kong 'yon? Tsaka, trophy girlfriend 'yong girl crush ko kaya trip siya n'ong kaklase ko."

"Akala ko ba gusto mo siya?"

"Gusto agad?" Natahimik. Medyo bumulong. "Girl. . . crush."

"But you wanted to court her, right?"

"Teka. Teka. Teka."

Nabibigla si Rayne sa mga tanong ni Kaye.

"Bakit?"

"Hindi to the point na gan'on ata, Kaye." Nilingon niya ang katabi.

"Ano?"

"Hindi ko siya nakikita bilang girlfriend ko, let alone ako, magkaka-girlfriend," bulalas ni Rayne nang hindi nag-iisip. "Ayos lang ako sa same-sex relationship, as in. Ayos lang din na may mga lesbian na nagkaka-crush sa akin – pero feeling ko hanggang d'on lang? Para sa lovelife ng iba, go lang kung d'on sila magiging masaya. Para sa akin nga lang. . ."

"It won't make you happy?"

Hindi namalayan ni Rayne na nagkatitigan silang dalawa nang sobrang tagal. Hanggang sa tinanggal ni Kaye ang seat belt ni Rayne na kinagulat niya. Muntik niyang ibalik ang seat belt sa sarili pero para saan pa?

"Hindi ka open sa same-sex relationship. . ."

"Open ako!" Hindi napigilan ni Rayne ang halos pasigaw na pagbitaw ng mga salita. As if she needed to defend herself. O may ipaliwanag. Kahit pakiramdam niya, wala na atang ipapaliwanag pa dahil sa nasabi na niya. "Ano lang. . ."

May kung anong tumusok sa puso ni Rayne nang makitang ngumiti si Kaye, tinatanggal ang sariling seat belt.

"Hatid na kita sa inyo?"

Pinatay ni Kaye ang makina ng kotse, nawala ang musika.

Tumahimik.

Lalabas na dapat ito pero hinawakan ni Rayne ang braso ni Kaye, pinigilan. May pagtataka sa mukha nito nang maupo ulit sa driver's seat at nilingon siya pagkasabi ng, "Teka."

"Bakit?" Ngumiti muli ito. (Aray. Bakit ang sakit ng ngiti ni Kaye?) "Nagliliwanag na."

May tumusok sa puso ni Rayne. Hindi suntok na masarap sa feeling. More on, maliliit na karayom. Unti-unti. Dini-drill.

Aray. Aray. Aray.

"Anong mayroon sa singsing?"

"What ring?"

"Your. . .ring."

Tiningnan ni Kaye ang kaliwang kamay kung nasaan ang kumikintab na silver ring.

"Huwag muna tayo lumabas," ani Rayne. Sumandal siya sa sandalan ng shotgun seat, nakatitig sa harapan. "Sa loob muna tayo." Unti-unti, nilingon niya si Kaye na nakatingin lang sa kanya. "Ayos lang?"

Lumunok si Kaye. Yumuko muna ito, pumikit at minasahe ang noo. "Ang gulo," bulong nito. Huminga ito nang malalim saka sumandal sa sandalan ng driver's seat.

Nakalingon lang sila sa isa't isa. Nakatingin sa mga matang may gustong sabihin ngunit walang nagsasalita. Ironic dahil nagkukwentuhan sila.

Tumikhim si Rayne. "'Yong. . . 'yong singsing mo. . . bakit lagi mong suot?"

Binabasag ni Rayne ang katahimikan kahit pakiramdam niya ay siya ang may dahilan ng katahimikan na ito.

"This ring. . .?"

Tumango si Rayne.

Ngumisi si Kaye. "Sobrang korni at cheesy ba kung tinatago ko 'to para sa girl na aalayan ko ng buong buhay ko?"

"Ay, akala ko virginity ring."

Naubo si Kaye sa biglaang tawa.

Napangiti si Rayne nang mapansin ang genuine na ng ngiti sa mga labi nito. Nabasag ang kaninang tensyon. Gumaan na ang atmosphere.

"Mayroon na bang pagkakataong muntik mo nang ibigay 'yong singsing na 'yan sa minamahal mo?"

"I actually gave this already to someone."

May tusok. Imbis na karayom, kutsilyo.

"Bakit. . . ano 'yan? Couple ring. . ."

"No. Binalik niya sa akin. Kung alam mo 'yong sinasabi nilang more than 3 years ko nang love. . ."

"Siya 'yon?"

Tumango si Kaye. "She was and then she chose she wasn't."

Dumiin ang kutsilyo kay Rayne. Aray naman.

"So, that ring belongs to her already," ani Rayne, nakangiti. "May balak ka pa bang ibigay 'yan sa iba?"

"Paanong sa kanya na 'to? Sa akin 't—"

"Sa 'yo 'yan hanggang sa binigay mo na sa kanya. Hindi lang niya tinanggap kaya napunta sa 'yo ulit. Still, it's hers already. Pinili mong mapasakanya."

Tumawa si Kaye at humawak sa dibdib. "Wow, medyo ang sakit n'on, ah."

Tumawa rin si Rayne, napahawak din sa dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso. "Hindi ba parang mas masakit sa susunod na babaeng pagbibigyan mo ng singsing na 'yan dahil hindi pala sa kanya 'yan sa umpisa?"

Napahawak si Kaye sa singsing sa daliri at tiningnan nang taimtim si Rayne.

"Ang romantic nung idea pero naging second choice ang datingan dahil hindi tinanggap n'ong first choice."

"Hindi siya second choice kung sakali—"

"Second choice siya dahil kung tinanggap ng buong-buo n'ong more than 3 years girl 'yong singsing, siguradong wala 'yong second choice."

"Hindi ba't gan'on naman talaga 'yon. We try and try until someone fits inside our heart."

"Siguro. But the ring idea. . ."

"Hindi niya malalaman na second choice siya," ani Kaye, air-quoting the second choice word. "Kung hindi ko sasabihi—"

"Anong point ng buong relationship kung magsisinungaling ka sa kanya?"

"Hindi ako nagsisi—"

"Ang relationship 'di ba dapat open kayo sa isa't isa. Alam kong hindi ako ang best person para sabihin 'to dahil may commitment issues ako pero the moment na ibinigay mo ang singsing na 'yan sa susunod na babaeng mamahalin mo, at sasabihin mong she's the one; mabe-break 'yong purpose na open kayo dahil hindi mo sinabi na ibinigay mo na pala 'yong singsing sa iba noon pa kaso hindi tinanggap at hindi pala siya 'yong unang she's the one."

"Kapag sinabi ko, magagalit siya. . ."

"Oo!" sabi ni Rayne, hindi sinasadyang tumaas ang tono ng pananalita. "Sobra."

"Magagalit ka ba if sa 'yo, if ever?"

"Oo naman. Walang may deserve bilang second best. Sini-symbolize ng singsing na 'yan na pagtapos tanggihan ni more than 3 years girl, every girl after is now a second best."

"Wow." Natulala sandali si Kaye. "Hindi ko naisip 'yon."

"Hay nako, mga lalaki talaga ang insensitive."

Biglang tumawa si Kaye. "Lalaki na ako sa lagay na 'yan?"

"Feeling ko, d'yan ka talaga naging lalaki."

"Ako lang ba? Hindi ba't pang guy rin ang commitment issues?"

Tumawa si Rayne. "Double standards? Bawal magka-commitment issue mga babae? Equality naman."

"Lahat ng tao. . . may issue." Ngumisi si Kaye. "Although, seriously, mayroon ka ngang issue sa commitment?"

"Tingin ko?" Nilingon niya muli si Kaye. Tanging ilaw lang mula sa lamp post sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa kanila sa loob ng kotse. "Pero may chance na feelingera lang ako."

"Bakit? May. . . may nanloko ba sa 'yo—"

"Wala, wala!" natatawang ani Rayne. "Ayaw ko lang siguro ng ideya na may nakakadena sa aking ibang tao? Or nagde-depend ako sa kanya, o siya sa akin – tapos kapag nawala, babagsak kami parehas sa lupa. Hindi ko rin kaya 'yong araw-araw nag-uusap. Siguro sa pagiging introvert ko rin na gusto ko ng mas maraming alone time kaysa may kasama."

Tumaas ang kilay ni Kaye. "Am I lucky na magkasama tayo ngayon at nag-uusap pa rin kahit ilang hours nang nakakalipas?"

"Napipilitan nga ako, eh."

"Uy, grabe 'yon!" Nagpanggap na nasasaktan si Kaye, nakahawak sa dibdib at nakapikit ang isang mata. "Ang sakit naman. . . ouch! Kahit ikaw nagsabing dito muna tayo sa loob ng kotse."

Tumawa si Rayne.

Binuksan ni Kaye ang engine ng kotse at binuksan ang stereo. Nag-connect ito sa phone, mukhang may hinahanap.

Nagulat si Rayne nang lumabas ito ng kotse, natakot. Tapos na ba? Uuwi na ba? Umikot ito sa harap at pumunta sa side niya para pagbuksan siya ng pintuan. Inalok nito ang kamay na ilang beses pang isinigaw ni Rayne sa sariling utak na si Kaye Cal ito at hindi isang prinsipeng sinusundo siya.

"My Lady," nakangiti nitong ani, hinihintay ang kamay niya.

"Anong trip?"

Ngumisi si Kaye. Inuudyok si Rayne na hawakan ang kamay na naghihintay.

Nag-alinlangan si Rayne sa sasabihin. "My. . . Lady, too?"

Natawa si Kaye. Dinantay ni Rayne ang sariling kamay kay Kaye saka lumabas.

"Tama ba? Dapat ba. . . uhm, My Lord?" mas may pag aalinlangan niyang sabi.

Tumawa lalo si Kaye. Mukhang nag-e-enjoy sa awkwardness ni Rayne.

"Okay na ang My Lady," anito. "Galing naman sa 'yo."

Hawak ni Kaye ang kamay ni Rayne, hinihila papunta sa side ng driver's seat, sa may labas. Nanlaki ang mata ni Rayne tumugtog ang stereo ng kotse, rinig ang tugtog dahil sa nakabukas na bintana. May pinindot sa phone na ibinulsa muli.

"Ano to?" pagtataka ni Rayne.

Upbeat na tugtog–ngunit may napansin siya. Walang kumakanta – si Kaye – ito ang kumanta ng lyrics.

"Minsan sabi niya sa akin, sandali na lang."

Hinawakan ni Kaye ang dalawang kamay ni Rayne.

"Akala ko naman ay sigurado na ako. Handa kong tanggapin ang kanyang oo."

Naging malabo kung paanong nakatayo lang sila kanina at kumakanta si Kaye papunta sa pagtalon nila at pagsayaw nang sabay, magkaharap, mula sa ngiti ay tumatawa saka ngingiti ulit. Sumusunod ang bawat kilos nila sa malakas na tugtugan mula sa stereo. Buong-buo ang boses ni Kaye, halos gustong matulala ni Rayne at panoorin na lang kung gaano kasaya si Kaye; ngunit sinasayaw siya nito. Silang dalawa ang masaya. Ang nagsasaya.

Hilahan palapit, aatras palayo, hawak ang dalawang kamay. Nagbubungguang mga balikat, dibdib at binti. Humihigpit ang kapit; sa daliri, kamay; sa puso.

"Bitin na bitin ako~"

Itinaas ni Kaye ang kanang kamay, hawak ang kay Rayne at inikot siya nito. Sumabay sa ihip ng hangin at galaw ang laylayan ng suot na puting bistida.

For a moment, inakala niyang prinsesa nga talaga siya kahit hindi niya ito pinangarap ever since.

Hindi rin niya naisip na ang prinsipe - ay hindi talaga prinsipe.

Hindi rin siya nagpatalo dahil itinaas niya rin ang kamay at pinaikot si Kaye. Natatawa man, sumunod si Kaye- hirap umikot sa haba ng biyas at katawan.

"Hindi ko na alam kung makakaya ko pa. Di bale na lang kaya."

Nakakahiya – maingay – ngunit nawalan ng pakialam si Rayne kahit gulong-gulo siya sa kung anong sagot sa bakit sila sumasayaw sa upbeat na kanta ng Di Bale Na Lang. Buong boses ni Kaye, tawanan nila, ang pagtalon at tugtog ang tanging maririnig; ang bumubulabog sa residential area malapit kanila Rayne.

"Ngunit mahal ko siya~"

Pagod si Rayne nang matapos ang kanta. Akala niya ay tapos na ang pagsasayaw nila ngunit may sumunod na tugtog mula sa stereo ng kotse. 

Mas nagpakaba sa kanya.

Ang upbeat ay napalitan ng slow, mellow beat. More like a love song. No, not like-like. Love song talaga ito.

Para sa kanya? Para kay Kaye? Para sa kanilang dalawa at mumunti nilang araw?

Nang tingnan niya si Kaye, nakangiti itong hinawakan ang kanang kamay niya. Nagwala ang buong kalamnan nang inilapit ni Kaye ang mga daliri niya sa labi nito at pumikit sandali. Isang magaang pagdampi.

Gusto ring pumikit ni Rayne sandali – para madama nang buong-buo ang lahat – ngunit natatakot siyang pagdilat muli ay may magbago sa paningin; na baka hindi na lang si Kaye Cal na idol niya ang makita; na hindi na babae ang tingin niya rito, sa sarili o baka manlabo na ang kasarian at nararamdaman. Na baka nanlalabo at naglalaho na ang guhit.

Pinili niyang dumilat, saksihan ang transisyon ng kamay niya sa pagdantay sa balikat ni Kaye, ang kaliwang kamay ay magkahawak sa ere.

"Para saan naman 'to?" bulong niya nang hawakan ni Kaye ang baywang niya, sa may likod. Halos yumakap, sakop ang kalahati. Ang init ng palad nito ay ramdam na ramdam, pakiramdam niya ay sobrang nipis ng suot niyang bistida.

"Para hindi masayang mga damit nating pang binyag." Nakayuko na si Kaye para mas magtama ang kanilang paningin; ang ilang hibla ng buhok ay tumatama na kay Rayne.

"Or pangkasal," ani Rayne.

Ngumiti si Kaye. "Agad?"

"Sira," natatawang aniya. "Pang damit bisita sa kasal."

"Ahh. . . every Romeo has a Juliet.

Kinilabutan si Rayne sa pagkanta ni Kaye - o pagbulong - kasabay ng mabagal nilang paggalaw. Kanan. . . Kaliwa. . . Kanan. . .

"Liwanagin mo. . . Wishful thinkers have their stars. Akala ko pa naman. . ."

"Masyadong maganda 'yong boses mo." Pwede bang ma-in love?

Mabilis ang tibok ng puso ni Rayne, hindi dahil sa pagod ng pagtalon at energetic nilang pagsayaw kanina – ngunit dahil sa katahimikan. Sa sobrang tahimik ng paligid kahit nag-uumaga na at halos pabulong na kanta ni Kaye – "Hopeless romantics each have a love song played on their guitars" – nagwawala ang puso niya. Nag-iingay. Gustong kumawala.

Pinapakiramdam din ni Rayne ang tibok ng puso ni Kaye saka ngumiti at pumikit. Mabilis din ito, katulad ng kanya.

"Bakit kailangan may ganito pa. . ."

"But you, you're everything this foolish heart could ever define."

Hinaharana siya – hindi ng malamig na boses ni Kaye o ng mga mahihinang tilaok ng manok sa kung saan dahil sa pag-uumaga; kundi, hinaharana si Rayne ng tibok ng puso ni Kaye.

"Every wish, every dream, every prayer come true. I feel so blessed to call you mine."

Hindi na muli nagsalita pa si Rayne. Nakinig lang siya. Pinakiramdaman lang niya ang lahat. Gusto na niyang matapos ito dahil kaunti na lang ay sasabog na siya. Ngunit ayaw niyang matapos ito. . .sana hindi na matapos ito.

Ang gulo, ang contradicting. Ganito ba talaga ang pakiramdam na ito?

Nag-sway sila hanggang sa tumigil sa paggalaw ngunit hindi naglalayo o nag-i-iba ng pwesto. Mas lumalapit nga dahil nararamdaman na ni Rayne ang pisngi ni Kaye sa kanyang sintindo. Halos nakayakap na ito sa kanya.

"You're my you," pakanta nitong bulong, hangin ang narinig sa tainga. Ingat na ingat sa pagsabi. "Even more."

Natapos ang kanta at tugtog nang walang kumikilos o naghihiwalay.

"Nasa plano pa rin ba 'to?" tanong niya, nakadantay ang pisngi sa dibdib nito, hindi na iniinda kung masira ang make up sa mga mukha nila.

"Wala itong lahat sa plano."

"Mmm-hmm."

"Thank you," bulong ni Kaye sa tuktok ng ulo niya. Magaan. Halos hindi ramdam ng pisikal ni Rayne ngunit puso na niya ang nag-react.

Tumitibok-tibok.

Bumitaw si Rayne sa hawak ni Kaye saka ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. Ang dalawang kamay ni Kaye ay nakahawak sa magkabilang baywang ni Rayne. Nagkatinginan silang dalawa. Matagal na titig.

Hinawakan ni Rayne ang pisngi ni Kaye. Hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumatakip sa mukha dahil sa pagyuko para sa kanya. Hinawakan ni Kaye ang kamay at pinaibabaw sa kay Rayne, hindi ito hinayaang umalis sa pisngi. Lumingon ito sa kamay, pumikit, at dinampi ang malambot na labi sa nanlalamig na palad ni Rayne.

Halos mawalan siya ng hininga.

Gusto niyang bawiin ang kamay na hawak nito ngunit mas lalo siyang nanlamig. Kinabahan. Kung hindi siya hawak ni Kaye, baka napaupo o napasandal siya sa panghihina.

"Para saan 'yon?" bulong niya, sobrang hina, na kahit siya, hindi na rin niya narinig dahil sa lakas ng kabog ng dibdib.

"Rayne. . ."

"Dati rosas lang," aniya nang nakangiti. Pinipigilang manginig ang mga labi. "Ngayon, isang buong gabi. . . at pagsikat ng araw binigay mo sa aking remembrance."

Ngumiti pabalik si Kaye, marahan ang pagtango.

"Paano ako makaka-move on n'yan?" tanong niya, nangingiti.

"Bakit pa kasi kailangan mag-move on?"

"Para makalimot."

"Huwag na." Humigpit ang hawak ni Kaye sa baywang ni Rayne. "Please?"

Ngumiti lang din pabalik si Rayne.

Kumalas siya kay Kaye nang hirap na hirap, para bang nasasaktan siya physically nang mawala ang init ng pakiramdam ni Kaye malapit sa kanya.

"Uuwi na ako." Inangat niya ang tingin sa taas. "Maaraw na."

"Sasamahan kita sa ayaw at sa ayaw mo."

Natawa si Rayne. "Sige."

Ni-lock na muna ni Kaye ang kotse saka sila nagtungo sa street nila Rayne. Naglakad. Mabagal. Tabi ng isa't isa.

Napunta na naman sila sa puntong ayaw na naman nila kumilos. Wala pang isang minuto ang paglalakad na ito; ang layo ng kotse ni Kaye sa pintuan ng bahay nila Rayne. Mabilis, sobra - pero naramdaman ni Rayne ang bagal. Ang pagpigil humakbang pa. Ang tibok ng puso.

Walang nagsasalita o naririnig na huminga man lang sa kanilang dalawa.

Sinong mag-aakalang mahirap palang umuwi ng sariling bahay?

Ilang saglit, may naramdaman si Rayne. Muntik maging kuryente ngunit nawawala rin. Kamay ni Kaye – dumadaplis sa kanan niya.

Humugot siya nang malalim na hininga.

Daplis ulit.

Gustuhin man ng utak niyang ilayo ang kamay, hinayaan ito ng puso.

Ang unti-unting daplis ay nagtagal. Walang galaw, tila nanghihingi ng permiso para mas lumapit, para humawak ang mainit na palad ni Kaye sa kanya. Hinayaan niya, magkadikit na ang mga palad. Kinakabahan. Mainit at nanlalamig. Natatakot na gusto. Kaunti na lang ay mabubuo na ang napaka hirap na puzzle sa kanilang mga kamay.

Ngunit andito na sila.

Dead end.

Tumatama na rin sa kinatatayuan nila ang sinag ng papasikat na araw.

"Dito na ako."

Natigil ang paghawak ni Kaye, lumayo at nawala. May kulang sa pakiramdam ni Rayne.

"Sa pangalawa kami."

Ang daming maliliit na karayom na tumutusok – parehas na masarap at masakit. Naghahalo. Nakakapanghilo.

"Keeping that in mind."

Wala pang isang minuto, kahit gaano pa kabagal ang paglalakad, nakarating sila sa tapat ng maliit na gate tungo sa apartment ng pamilya ni Rayne.

Walang kumikilos para unang lumayo. Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang nagpapakiramdaman? Laging. . . ayaw magkalayo?

"Akyat na ako."

Wala pa ring kumikilos.

"Okay."

Wala pa rin.

Pumikit si Rayne. Dumilat. Tumingin kay Kaye na nakatitig sa kanya. Pumikit siyang muli. Mas matagal, saka dumilat. Nakatitig pa rin si Kaye sa kanya. Sa pangatlong pagkakataon, pumikit siyang muli. Matagal. Hinihintay na mawala sa harap niya si Kaye para hindi mapanood ang pag-alis nito. Pinigilan niyang dumilat nang maramdaman ang paghalik ni Kaye sa kanyang pinsgi at bumulong sa kanyang tainga.

"See you soon, Rayne."

Nakapikit pa rin siyang dahan-dahang tumango, pinapakinggan ang bawat yabag ng sapatos palayo.

Palayo.

Palayo sa kanya.

Dumilat siya nang hindi tinitingnan ang papalayong likod ni Kaye. Dumiretso siya pauwi sa bahay nila; baon ang lahat ng nararamdamang dapat hindi niya dala-dala.


 

END OF PART TWO

Hello!

Natapos na naman ang isang parte ng LS4N1! Maraming salamat sa reads, votes, comments and tweets. Yehey po sa inyo dahil ang cute ng community nitong kwento. Sobrang active at open-minded. Huhu. ♥

Questions ulit! Sana hindi pa kayo sawa magsagot ng mga tanong ko tungkol dito? Hihi. So. . . musta po ang second part ng LS4N1? Maayos pa rin ba ang overall ~plot~ ng part 2 kapag sinama sa part 1? Ito ba ang ine-expect niyong mangyayari sa part 2? Consistent pa rin ba? May feels? Ayos ba lines? Ang characters? Nagingmas ba o naging eh na lang? Ano ang nagustuhan mo sa part 2?

May chemistry pa rin ba si Kaye at Rayne hanggang part 2? Magkakaroon kaya sila ng chemistry hanggang sa next part? Napabilis na ba ang ganap sa kanila? Parang mabagal? O tipong sakto lang ang lahat? Maayos ba ang conversations nila? May cringe, awkwardness o on point naman na para bang nag-uusap sila nang normal? Compared to part 1, are their relationship getting deeper? Maayos ba ang pagiging deep ng connection nila? Nawala ba ang humor o nanatili pa rin? Sakto? May romance na ba? HAHA lol.

Ano ang favorite part(s) / chapter(s) mo sa part 2?

Thank you, again and again.

Part 3 is the last part of the story.

It will be updated soon. Stay tuned!

  

12/11/17 EDIT:

PART 3 (the last part) POSTED!continue to next page.

  

Fluid(ity)

● Dahil ang mundo at tao ay complicated, may mga times na sexuality and gender becomes fluid. Sabi nga nila, the only constant thing in this world is change. So may chance na ikaw ito ngayon, then mag-iiba in the long run. Ito ang gusto mo ngayon, then mag-iiba.

Fluid.

common misconception: confused o phase lang daw kaya nagbabago - but again, people change. Attractions and identity can also. Let's just accept the fact that we all are complicated.

other terms: Gender Fluid, Gender Liquid


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random meme of the chapter ⚢

Continue Reading

You'll Also Like

874 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...
Diplomat Hotel By briangggg

Mystery / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...
778K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
16K 1K 28
Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds crumble down upon meeting Chord, a tortu...