Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

05 | Five

13.6K 714 872
By pilosopotasya

"Ayos lang kaya 'yon. . ." bulong ni Rayne sa sarili.

Kinakabahan siya sa mga babae sa Mcdo. Hindi naman nakahawak sa mga cellphone ang mga ito, pero. . . napadasal na lang siya na sana walang kahit anong remembrance. Sana?

"Ayos lang ang alin?"

"Ah, wala. Wala."

"May binubulong ka na namang kung ano." Pumalatak si Kaye, mapagbirong umiling. "Baka ginagayuma mo na ako n'yan, ah."

"Hala?" Nanlaki ang mata ni Rayne. "Paano mo nalaman?"

"Nafi-feel ko na ata."

Tawanan.

Diretso ang dalawa sa paglalakad, walang patutunguhan, tuloy-tuloy ang paghakbang sa gilid ng kalsada. Sarado na ang ilang establishments na nasa paligid ngunit gising na gising sila. Patuloy si Rayne sa pagkain ng ice cream.

"Sabi ko sa 'yo, fans mo talaga 'yon," sabi ni Kaye, tinutukoy ang mga babae sa Mcdo.

"Sa 'yo kaya," ani Rayne.

"Parehas lang sa atin. Nice, mayroon tayong mutual fans. Kailan kaya 'yong feelings?" Sabay tawa. "Char."

"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ni Rayne "Wala akong fans, readers akin."

"Oo nga pala, readers nga pala sabi sa Facebook."

"Ang stalker mo talaga."

"Nag-research lang," nangingiti nitong ani. "Bakit mas pinipili mong readers instead of fans? 'Di ba parehas lang?"

Kinagat ni Rayne ang maliit na plastic spoon na kakasubo lang dahil sa ice cream. "Bakit ko naman sila tatawaging fans?"

"Dahil hinahangaan ka nila?" may halong pagtatakang sagot ni Kaye. "Ikaw ang idol nila?"

"Hmm." Subo muli ng ice cream. "Siguro dahil manunulat ako at hindi artista? Kaya imbis na fans, readers. Binabasa nila ako, eh—'yong sinusulat ko, 'yong nasa utak ko."

Tumango-tango si Kaye.

"Ikaw din naman, hindi mo tinatawag na fans ang fans mo. Team Kaye Cal ang tawag mo sa kanila."

"Ang weird kung tatawagin ko silang listeners."

Tawanan.

"Mas pamilya din ang dating," nakangiting ani Rayne. "Mas intimate. Sumali nga ako d'on, eh."

"Sa TKC?"

"Oo."

"Uy, bakit?" natatawang ani Kaye. "Gusto mong mas intimate tayo?"

"Muntik nang magkaroon ng malisya 'yan, ah," natatawang sabi ni Rayne.

"Wala ba?" tanong ni Kaye, saka ngumiti.

"Mayroon ba?"

"Kailangan pa bang pag-isipan 'yon?"

"Hay nako, Kaye." Natatawang tinaas ni Rayne ang dalawang kamay. "Give up na ako."

Tumawa ito. "Sorry, balik sa readers mo. Mas intimate ba sa 'yo kapag readers tawag mo?"

"Para sa akin. Pero nahihiya akong inaangkin ko sila?"

"What? Bakit naman? Tingnan mo ako, Team Kaye Cal ko."

"Ang weird naman kung Team Kaye Cal ni Rayne? Syempre 'mo' dapat 'yan."

"Alisin mo na lang kaya 'yong Team? Hindi ba mas okay?"

"Ha?"

Medyo nag-loading ng 0.073 seconds si Rayne bago niya na-realize ang sinabi ni Kaye. Pabirong tinulak niya si Kaye na tawa nang tawa sa sarili.

Kumalma lang ito matapos samaan ng tingin ni Rayne.

"But seriously, you have fans - or readers, hindi mo pa ba sila aangkinin? Na they belong to you?"

"Ang hirap kaya mang-akin," natatawang ani Rayne. "Na kalaunan, pwedeng mawala."

"Mawawala agad?"

"May chance. Kaya hahayaan ko na lang sila."

"But hindi ka sure na mawawala talaga. That's what fans are - nakakapit sa 'yo through thick and thin."

Bumuntong hininga si Rayne. "Ang hirap magkaroon ng fans dahil nagiging bulag sila madalas sa 'yo. Tapos ang hirap din ng ako, ako, ako ang nakikita nila. 'Yong iaangat ako sa pedestal kahit normal lang ako. Nakakatakot din na baka malulong ako sa atensyon. Kaya siguro mas gusto ko ang readers. . . 'yong casual lang."

"Pwede ba 'yon? Pupuntahan ka nila tapos aalis din?"

"Plus points na lang siguro kapag nagustuhan nila pagkatao ko behind the words? Gusto ko lang talaga ng readers, I guess. Bilang manunulat."

"Sino bang hindi. . ."

"Anong sino bang hindi?"

"Hindi magugustuhan pagkatao mo," anito. "Deserve mo rin ang atensyon. You deserve those readers na mag-stay sa 'yo in the long run. Mahaba pa ang byahe, Rayne."

"'Yon na nga, eh. Sa haba ng byahe ko, lalo na ngayong nahihirapan akong pagbalansehin ang school at pagsusulat - tapos dumagdag pa 'yong pagpunta ko sa concert ng isa d'yan. . ."

Natawang naubo si Kaye.

"Baka hindi ko sila masuklian. Baka lumagapak mula sa pedestal kasi hindi pala ako 'yong iniisip nilang idol."

"Do you have active . . . readers? Paano ba maging active ang readers? Nagtu-tweet sa 'yo? Instagram? Comment sa stories mo? Nakikita ko naman 'yong mga nagko-comment sa posts mo—"

"Wow, wala na talagang taguan sa pagiging stalker?"

Tumawa si Kaye. "May itatago pa ba?"

Lumawak ang ngiti ni Rayne. Sumubo ng ice cream na malapit nang maging cookies and cream soup.

"Siguro sa mga social media, may mga active readers naman. Pero. . . ewan. Marami kasing casual readers na isa lang ang babasahin sa 'yo tapos naka-follow na lang. Hanggang doon na lang."

"I remember n'ong wala pang Team Kaye Cal," ani Kaye, inayos kaunti ang bangs na tumatama sa mukha. "Lagi akong takot mag gig dahil walang constant na sumusuporta sa akin, either they're busy or too far. Lalo na n'ong bumalik sila Jester sa Davao at na-disband 'yong Ezra Band and I stayed sa Manila. Mag-isa lang ako in the big bad world."

"Anong ginawa mo?"

"Syempre, I still continued singing. Kapag may nag-aaya for a gig, mga kantahan, kahit ibang banda. May mga pagkakataong papayag ako na walang bayad for exposure. Tinutulungan ako ni Tying at ilan ko pang kaibigan to shoot and edit song covers. Iba rin talaga ang online presence, eh."

"Iba nga talaga ang online presence. Social Media Generation, eh. Pwedeng mag-viral."

"Yeah, I don't know kung paano at kailan nagsimula. The views just kept on coming. Ang dating 30 likes lang sa Kaye Cal FB Page ko, naging 100 na hanggang sa nag 500 each post. I took care of those active ones, cling onto them. I made them my lifeline."

"Lifeline talaga? Paano kung bumitaw sila tapos—"

"They didn't. Siguro may mga nawala, but may mga kilala ako noon na hanggang ngayon, active pa rin sa akin. Pumupunta pa rin sa mga gigs ko no matter what."

"Wow, matatag kapit."

"Totoo. I wasn't really expecting until nagkaroon ako ng gig na maraming nagpunta para sa akin talaga. Nag-effort talaga. Noong I feel that everything was falling apart, dumating sila. Kumapit ako sa kanila and I kept on making music and they kept on listening to me. They kept on sharing my music to their family and friends, and friends of friends. . . Ang galing, eh. Sila nagpapaalala sa akin that this is what I really want. So I kept on going, more on para sa akin, but para sa kanila rin. Sa Team Kaye Cal ko. They are my family, no one else's. Akin sila."

Natahimik saglit si Rayne. Tumitig sandali kay Kaye.

"Ang haba ng sinabi mo, ah."

Biglang tumawa si Kaye. "Rayne naman! Ang ganda na ng sinabi ko, eh."

"Sorry, sorry. . ." Tumawa si Rayne. "Ano kasi, eh. . .gets ko naman. Sa tingin ko naman, tini-treat ko as family ang readers ko? I think? Pero. . malaya pa rin sila. Dapat? Ata? Uhm, ewan. Ano lang, ang hirap lang. . .kumapit? Nang mahigpit?"

"Hindi mahirap—"

"Paano kung bumitaw nga?"

"Hindi nga sila bibitaw."

"Paano lang kung magsawa sila sa 'yo?"

"They won't if mahal mo sila. Give and take."

"Eh, paano kung hindi ka pala sapat?"

"Kailan ba magiging hindi enough?"

"Kapag sobra binigay sa 'yo? Tapos ikaw. . ."

Tiningnan siya nang taimtim ni Kaye, tila may iniisip, may gustong alamin. "May takot ka bang hindi masuklian 'yong love sa 'yo ng tao?"

Napatayo nang diretso si Rayne, tinapon ang plastic cup ng McFlurry niya sa basurahan.

"Bakit naman tayo napunta d'yan?"

Tumawa si Kaye. "Sagutin mo na lang."

"Teka, aali—"

"Rayne! Umiiwas ka na naman."

"Teka, promise, bibili lang ako ng tubig. Nakakauhaw 'yong ice cream."

Sumimangot si Kaye. Ngumiti lang si Rayne bago siya lumapit sa isang vendor at bumili ng dalawang bote ng tubig para sa kanila ni Kaye. Binigay niya ang isa kay Kaye pagbalik. Ipinilit niyang libre niya ito kaya walang nagawa si Kaye kundi magpasalamat.

"Ano nang answer mo?"

"Saan?"

"Ayan ka na naman, eh."

"Sorry na, ito na." Tumawa si Rayne. "Pero ano nga ulit 'yong tanong? Seryoso. Nalimutan ko na."

Napahawak sa noo si Kaye. "Takot ka bang hindi mo masuklian 'yong love ng iba para sa 'yo? Kaya hirap kang kumapit?"

"Alam mo, ngayon ko lang napagtanto. . ."

"Na?"

"Ang lalim pala ng tanong mo."

Tumawa si Kaye. Hindi expected ang narinig. "Kaya sagutan mo na."

"Takot nga ba ako?" aniya, "Uhm, hindi ko sigurado, eh. Paano ba muna masasabing nagmamahal na?"

"Grabe 'yon," nangingiting anito. "Sinasagot mo rin ako ng mas malalim na question."

Tumawa si Rayne.

Tumawa rin si Kaye.

"Baka magkalunuran na tayo rito," ani Rayne, uminom ng tubig.

Tumango-tango si Kaye, uminom din sa bote ng tubig. Umiwas si Rayne sa pagtitig sa leeg nito.

"Marunong ka bang lumangoy?" tanong nito.

"Hindi," sagot ni Rayne.

"Patay tayo d'yan, hindi rin ata ako."

"Sabay na lang tayong malunod?"

"Gusto mo bang sumabay sa akin? Sure ka na ba? Final answer?" May pilya itong ngiti. Labas ngipin.

"Alam mo," ani Rayne, iniwas ang tingin. "Nililigaw mo na 'yong usapan natin, hindi mo na sinagot 'yong tanong ko."

"Maybe nahahawa na ako sa 'yo? Iniiba lagi ang topic."

"Hooyy!" natatawang ani Rayne. "May point ka."

Tawanan.

"Ako ang unang nag-ask ng question tapos ibabalik mo sa akin. . ."

Tumawa si Rayne. Humakbang lang nang humakbang. "Kailangan kong malaman 'yong sagot mo para masagot ko 'yong tanong mo."

Napahawak si Kaye sa mukha, hinimas ang pisngi – tila nag-iisip. "In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot."

"Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based on experience."

Tumawa si Kaye, hindi um-oo, hindi rin humindi. "Ikaw, ano'ng answer mo?"

"Ano na bang pagmamahal pinag-uusapan natin? Fans, supporters-readers o romantic na ata 'yan?" natatawang aniya. "Hindi ako nag-a-assume kaso 'yang mga hugutang ganyan, eh. . .may mga pinaglalaban."

Tumigil sa paglalakad si Kaye. Nagpamulsa. Ang lawak ng ngiti sa labing may kaunti pang kintab. "Sige, romantic na."

Umiling si Rayne, nangingiti rin. "Bilis ng change topic natin."

"Oo nga, eh. Let's take it slow," anito, may pilyang pagkagat pa ng kaunti sa labi. "Dito muna tayo sa usapang 'to."

Tawanan na naman.

Nang mukhang walang balak sumagot si Rayne, patalikod na naglakad si Kaye, nakapamulsa pa rin, nakatingin kay Rayne. (Ugh, masyadong gwapo.)

"Ba't ka nakaganyan? Kung maglakad ka kaya nang maayos?"

"Gusto kong kaharap ka."

"Tumingin ka sa daanan. Kapag natalisod ka, hindi kita kilala."

"Grabe 'yon!" natatawang ani Kaye, tumayo nang maayos, naglalakad pa rin patalikod. "Feel na feel ko 'yong love d'on, ah?"

"Naku, wala pa 'yan sa one percent ng feelings ko."

Tumawa si Kaye at yumuko kaunti, para halos magkapantay na ang mga mukha nila. "Ano ba 'yang feelings na 'ya—uy!"

"Kaye!" Napahawak si Rayne kay Kaye dahil natalisod na nga ito sa paglalakad patalikod. Buti at naagapan niya, nahawakan agad sa braso nang hindi matumba. "Tingin-tingin ka rin sa dinadaanan."

"Nakita mo 'yon?" sabi nito. "Tumitingin lang ako sa 'yo, natatalisod na ako. Baka mamaya, ah, ma-fall na ako nang tuluyan, buti na lang sinasalo mo ako."

"Wala na bang mas igagasgas d'on sa linyang 'yon?" Tinulak ni Rayne ang pisngi ni Kaye palayo. "No wonder, wala kang girlfriend."

"Anong no wonder?" Nakahawak ito sa pisnging tinulak ni Rayne palayo. Nakasimangot.

Napapikit saglit si Rayne at napadasal saglit. Kaya nga hindi siya masyadong tumitingin kay Kaye dahil ayaw niyang masyadong ma-distract. Tapos ito, nakaharap sa kanyang naglakad.

Nagpapa-cute.

(Dyusko.)

"Ang korni ng mga pick up lines mo, eh. Wala na bang iba?"

Lumakas lalo ang tawa ni Kaye,tinakpan ang bibig. "Dapat ata nasasaktan na ako sa sinasabi mo."

"Pero tumatawa ka, so. . ."

"Bakit, ikaw ba? May maganda ka bang pick up line?"

Sumimangot si Rayne, tumingin sa mga mata ni Kaye. "Wala akong maisip, eh."

"O tap—"

"Ikaw lang."

Natigilan si Kaye. Napakagat pa ito ng pang-ibabang labi, pilit pinipigilan ang sarili ngunit nabigo rin dahil ang lawak na ng ngiti sa labi.

"Ang korni n'on!"

"Ngiting-ngiti ka naman."

"Ang korni, eh!"

"Bakit ka tumatawa!" Natatawa na rin si Rayne. "Ang galing ko, 'di ba?"

"Oo na, sige na. Huwag masyadong ginagalingan, Rayne."

"Ang tagal ko nang ginagamit 'yong pick up line na 'yon, eh. Never failed."

"Ah, hindi mo lang pala sa akin sinabi 'yon?"

(Dyusko, bakit kailangan maging cute? Hinay lang!!!)

Masama bang masyadong maging masaya sa gabing ito kahit napupunta na naman sa pagkakataong parang hindi na naman totoo ang mga nangyayari? Na para bang lahat ng ito ay kathang isip lang niya? Nila?

Tumigil sa paglalakad si Rayne kaya napatigil din si Kaye. Tinitigan niya ito hanggang sa hinawakan niya ang pisngi nito. Solid. Malambot na pisngi. Mukhang totoo talaga.

"Bakit?" pagtataka ni Kaye.

Umiling si Rayne. "May mine-make sure lang ako."

Hinawakan ni Kaye ang kamay ni Rayne. "Bakit nanlalamig kamay mo?"

"Hindi ko rin sure."

Ilang sandali, ginulo niya kaunti ang nakataling buhok ni Kaye. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hinawakan ang dalawang kamay ni Rayne at inilayo.

"Bakit mo—" Mukhang devastated pa ang mukha ni Kaye, na-stressed.

"Masyadong gwapo," nakasimangot na sabi ni Rayne. "Kailangan bawasan."

Mukhang badtrip pa nga ata si Kaye pero natawa na lang ito bigla, binitawan ang kamay ni Rayne. (Salamat naman!) Gumulo ang buhok nito, mukhang hinaginan pero. .. bakit gan'on?

"Hmmm. . ."

Sinubukan ni Rayne sirain ang nag-uumapaw niyang feels. Sumandal siya sandali sa pader sa gilid para hindi gaanong mapansin na nanghihina siya. Napahinga rin siya nang malalim, kailangan niyang umahon, mukhang nalulunod na siya.

Tumaas ang kilay ni Kaye, nakatingin sa kanya. "Anong hmmm 'yan?"

Pumalatak si Rayne. "Mas ano, eh. . .mas gumwapo ka. Kaasar."

"Gusto ko 'yan." Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Pupurihin mo lang ako, kailangan mo pang magmukhang hirap na hirap."

Tumawa si Rayne. (Bakit tama si Kaye na hirap na hirap siya? Pero hindi dahil sa pagpuri – actually, sobrang bilis nga lang magsabi ng papuri kay Kaye dahil deserve nito.)

"Ibang-iba ka na, no?" nakangiting aniya. "Since PGT days."

Tumango si Kaye. "Dugyot pa ako nung PGT days."

"Oo nga," pagtango rin ni Rayne.

"Grabe!" Nanlaki ang mata ni Kaye. Sumandal din sa tabi ni Rayne. "Hindi mo man lang iangat confidence ko?"

Tumawa si Rayne. "Okay lang 'yan, pogi ka naman ngayon."

"Alam mo, Rayne, marupok ako."

Nagulat siya nang umakbay sa kanya si Kaye at inilapit ang katawan niya rito. 

Bumulong ito sa may noo niya. "Huwag sabi masyadong galingan, baka may ma-fall."

Higit pa sa salitang naghuhuremantado ang nararamdaman ni Rayne. Halos gusto na niyang malusaw sa bisig nito. Naghintay siya ng charot o char o joke. Walang dumating.

Ngunit kailangan niyang makasigurado. . .itanong ang nalaman; kahit may tsansa itong putukin ang bulang nakapalibot sa kanila ni Kaye.

"Balita ko may crush ka raw," aniya, nakatingin sa harap. "Taga-Davao?"

Mula sa relaxed na pag-akbay sa kanya ay naging tensed ang katawan nito. Napansin ni Rayne ang pagkuyom ng kamao nito. Mukhang parehas silang hindi handa sa sagot.



Out

● Individual na hindi tinatago ang sexual orientation and / or gender identity sa public, sa work place o kahit saan pa. Sa sobrang obvious hindi na kailangan magtanong.

other terms: openly gay, openly lesbian, openly trans, openly lesbian, openly queer

perfect example: Kaye Cal is an out lesbian singer (accdg to her, she is not a transman. all natural, mga beh.)

another example: Aiza Seguerra is an out transman singer (accdg to him, he is a man, not a lesbian.)

more examples: Jake Zyrus and Bibi Gandanghari are out trans(exual) public personalities

and yet another example: Vice Ganda is an out gay comedian


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random meme of the chapter ⚢

Featured post na nasa Saksi ni Pilosoptasya group cause. . .aw ♥ Thank you. Kaya ang sarap magsulat, eh. TT___TT

Continue Reading

You'll Also Like

8.2M 105K 89
Drandrei Rogatchevski A.K.A Black. She is a Gangster at her young age..after a long year..., at age of 10, his grandfather recruit her in his MAFIA...
Diplomat Hotel By briangggg

Mystery / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...
37K 1.2K 32
Kung nalaman ko lang na s'ya yung magiging fiancé ko, dapat hindi na lang ako sumang-ayon kahit inalok nila ako ng milyon. It's not worth my life. Th...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...