Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

02 | Two

11.6K 682 254
By pilosopotasya

"White hair!"

Kumabog ang puso ni Rayne sa narinig.

Pero kunwari, hindi niya narinig. Nagpatuloy siya, kasama ang dalawang kaibigan, na nag-selfie sa taas ng stage. Tapos na ang major concert ni Kaye sa Music Museum, wala na rin si Kaye sa paligid. At dahil malakas ang trip ng tatlo, dumiretso sila sa stage at nag-selfie sa kung saan-saang sulok.

Ilang segundo lang, sinundan ng iba pang nasa concert venue ang pagpunta nila sa stage. Dumami na sila. Selfie dito, selfie doon.

Hindi natapos ang trip dahil lumapit pa sila sa banda para makapagpa-picture. Napapatingin talaga siya sa drummer. Paano, ang buhok ng lalaki ay spike hair-do na kulay sunset: nagsama-sama ang red, orange at yellow.

"Picture tayo, Kuya! Idol namin 'yang buhok mo," sabi pa ni MJ.

Tumawa ang drummer nang kantyawan ng mga kasamahan. Nag-pose pa nga silang lahat na nakaturo sa buhok ng drummer. Just because.

"White hair!"

Ayan na naman. May tumatawag na namang boses ng babae. Nilingon ni Rayne ang dalawang kaibigan, mukhang wala namang naririnig at tuloy pa rin sa pakikipag-selfie.

Ang ingay din kasi ng buong lugar sa dami ng tao sa stage, over-sensitive lang ata siya kapag sinisigaw ang white hair.

"Kuya Casey!"

Sabay-sabay lumingon sila Rayne, Xanne at MJ kahit obvious namang hindi sila si Kuya Casey. Eh, kasi, sa may parte nila sumigaw - at biglang napangiti si Rayne dahil nagliliyab na pulang buhok na may streaks na blue ang papalapit sa kanila na babae. Maliit, mga kasing tangkad ni MJ na 4'11.

Bago ito lumapit sa drummer na tinawag na Kuya Casey, nginitian ng babae si Rayne nang masilayan nito ang buhok niya.

(Ganito siguro talaga kapag nagkikita ang mga may colored hair, may silent ngitian, na para bang nagsasabihan ng, uy! parehas tayong weird, nice!)

"You were great!" ani ng babae. The more na tingnan ni Rayne ang dalawa, the more na naiisip niyang magkapatid dahil magkamukha. "Can we go home now?"

"Patience, my dear sister, Renz."

Magkapatid nga. Nalaman na niya ang mumunting impormasyong ito; kumpleto na ang buhay ni Rayne.

"White hair, hello!"

Kaba na naman.

"Girl." Natigil si MJ sa pakikipag-selfie at siniko si Rayne. "Ikaw ata 'yon."

Paglingon ni Rayne, may isa ring matandang puti ang buhok sa may unahan ang tumingin sa sumigaw. 

"Ay, sorry ho, siya ho tinatawag ko," ani ng babae na nasa ibaba ng stage, tinuro si Rayne na naging dahilan para kabahan siya nang bonggang-bongga. Halos atakihin siya sa puso sa hindi malamang kadahilanan. 

(Pero may assume siya. Clue? Nagsisimula sa K.)

"White hair!" sigaw ulit nito, palapit na sa may stage na maraming fangirls, palapit kay Rayne.

"Ako?" turo niya sa sarili.

Malamang.

Siya lang naman ang puti ang buhok na nasa stage. Napa-aray siya dahil sa kurot na nakuha mula kay Xanne habang niyuyugyog naman siya ni MJ sa braso.

Lahat sila nag-a-anticipate sa mangyayari.

Pakiramdam ni Rayne, natatae siya sa kaba.

"Ikaw nga. Actually, kayo. Uuwi na ba kayo?"

Napapatingin si Rayne sa malaking cardboard cutout na ulo ni Kaye, hawak ng isa sa mga kasama ng babaeng tumawag sa kanya. Isang haba ng braso ang laki ng cutout.

Mas lalo niyang gustong himatayin. Dahil ba 'to sa pag-akyat niya ng stage kanina na kinuwento nila Xanne na medyo nagtagal? Kakausapin ba siya? Pagbabawalan? Pagbabantaan?

"Uhm, hindi pa po namin sure, eh."

"Oh, okay. Gusto niyong sumama?"

"Sige po!" biglang sagot ni MJ, walang alinlangan.

Pinanlakihan ni Rayne ng tingin ang kaibigan. Nag-peace sign lang ito.

"Kakain kami, mini celebration." Nakipagkamay ito, nagpakilala. "Sama kayo, ha?"

Gustong humindi ni Rayne pero nauna na sa paglalakad si MJ. Hinatak na lang din siya ni Xanne hanggang sa sumusunod na sila sa grupo. Pakiramdam niya, masyado silang nagtitiwala agad. What if mga kidnapper pala ang mga ito?

(Pero charot lang; kinakabahan lang talaga siya dahil naka Team Kaye Cal shirt ang lahat.)

Sa una, naiilang si Rayne sa malaking cardboard face ni Kaye. Nakangiti ito, labas ngipin. Kahit sa cardboard cutout, nagniningning ang mga mata ni Kaye. Mukhang masaya.

Ang distracting, eh.

Kalaunan, nakikipagtitigan na siya sa cardboard na ito.

Natatawa siya sa sarili kung bakit parang hinihintay niyang kindatan siya ng cardboard. (Parang sira lang.)

"Kasama kaya natin si Kaye?" bulong sa kanya ni Xanne.

"Yes, please! Sana!" sigaw ni MJ na pinatahimik para hindi nakakahiya sa grupong nangunguna. "Magsisimba na ako araw-araw pag nangyari 'yon."

"At ito po ang rason kung bakit hindi nagkaka-lovelife si Maria Jesusa."

Hindi nagsalita si Rayne. Gusto niyang humindi. Sana wala si Kaye dahil ayos naman na siya sa cardboard Kaye. Please? Promise, ayos na ayos na siya sa hindi nagsasalita. . . 

Pero bakit bumubulong din sa utak niyang sana makasama ulit si Kaye, 'yong totoo, gumagalaw, nagsasalita?

(Dyusko, ang hirap talagang umasa.)

Sa isang secluded restaurant sila pumasok, isa ito sa ilang mga resto na bukas pa rin kahit gabi na. Noong una, kanya-kanya pa silang upo – nahihiya – hanggang sa hinawakan ni Xanne ang mukha niya para patigilin sa pagligalig.

"Bakit?"

Nanlalaki ang malaki nang mata ni Xanne kaya natatawa si Rayne. Iginawi ng kaibigan ang buong ulo niya papunta sa kanan. Hindi na kailangan ni Rayne ng tulong para malaman kung ano ang dapat niyang tingnan dahil sa sigawan at palakpakan ng lahat.

In this case, hindi ano. Sino.

In this case also, hindi na kailangan magtanong dahil alam na agad sagot.

Si Kaye Cal.

Naupo ito sa pinakadulong bahagi ng napaka habang lamesa, hindi alam kung saan galing, mukhang CR o kung saan man. Ang itsura ni Kaye ay ang huling get up nito sa concert: Nakabukas na black tux, white polo sleeves sa loob. Black maong pants, paired with dark brown leather boots. Nakatali pa rin ang kalahati ng buhok palikod.

Na-conscious siya bigla. (Sino bang hindi?) Kaya imbis na sa totoong Kaye Cal siya tumingin, doon siya tumitig sa katapat niyang cardboard face ni Kaye habang nagsiupuan na ang mga tao at nagsimulang magsalo-salo sa pagkain.

May mga ingay. May mga tawanan. Nakipagkwentuhan pa nga ang ilan sa kanilang magkakaibigan na sinasabing mga bagong salta ng grupo. Mukhang halos lahat ay nagsasaya habang kumakain. Nag-uusap tungkol sa concert. Kumakanta. Pinipilit nga rin ng mga ito – ang Team Kaye Cal – pakantahin si Kaye.

Na tinugunan nito.

Tumikhim pa lang si Kaye, tumahimik na ang lahat. Nawala ang ingay. Ang chismisan, kwentuhan o kahit kalampag ng kahit ano.

"It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear." 

Nakatulala ang lahat sa boses ni Kaye. Lahat, natigil sa pag kilos at paggalaw, kahit ata paghinga ay tinigil para hindi makagawa ng kahit anong makaka-distract mula sa pagkanta.

Ang lamig ng boses ngunit hindi nakakaginaw. Mas nanghaharana.

"She puts on her make-up and brushes her white blonde hair."

Napahawak si Rayne sa buhok. Niyugyog siya ng katabing si MJ. Kilig na kilig. Tumitig siya sa cardboard na mukha ni Kaye. Nakangiti pa rin ito sa kanya.

Sa sobrang stress sa naririnig na magandang boses, muntik na niyang tanungin ang cardboard face ni Kaye ng, hindi ka ba nangangalay kakangiti diyan? Kainis, ah?

(Nagdidilusyon na ata siya.)

"And then she asks me, 'Do I look all right?'"

Ang layo ng pagitan ng kinauupuan niya sa pwesto ni Kaye sa dulo pero bakit rinig na rinig niya ang boses nito? Na para bang katapat niya ito – na para bang kumakanta ang malaking cardboard ng ulo. Bumubulong sa kanya.

Ganito rin kaya ang naiisip ng lahat ng nakikinig ngayon? 

"And I say, 'Yes, you look wonderful tonight.'"

Kinilabutan siya. Napapikit – huminga nang malalim. Ito ang unang kantang narinig niya mula kay Kaye, PGT days pa lang. Mula sa simpleng black shirt at jeans, naka-tux na itong kinakanta ang Wonderful Tonight. Masyadong espesyal para hindi pansinin. Masyadong nakadikit sa puso niya para hindi pakinggan.

Sa buong pagkanta ni Kaye (thank goodness, hindi nito binuo ang pagkanta, kundi baka ma-dead on the spot na siya), nakatitig si Rayne sa cardboard face ni Kaye para kumalma.

Kaso paano ba kumalma?! 

Gusto na ngang sumibat ni Rayne nang matapos na silang kumain. Part nahihiya kay Kaye, part kahihiyan dahil sa dalawang kasama. Paano, nangunguna ang mga ito sa pakikipag-usap sa Team Kaye Cal na tila BFFs since birth. Nakikipag-usap din naman si Rayne, kaso kashe ih, hiya siya.

Napalingon ang lahat nang bumukas ang pinto at may magandang babaeng pumasok sa restaurant. Matangkad, parang model; mukha itong cut out sa isang fashion magazine dahil sa suot na damit. Diretso ang paglapit nito kay Kaye.

"Karen Jade!"

Pinalo nito si Kaye sa braso. Weird dahil kahit malambing ang boses, namamalo.

"Uy, Belle!" bati ni Kaye, hinihimas ang braso.

Pinigilan ni Rayne ang pagtingin sa interaction at minabuting pagtuunan ng pansin ang garlic bread na hindi pa nauubos. Masarap naman.

"Bakit hindi na lang kaya Kaye ang tawag mo sa akin para mas masaya?"

"Anong masaya d'on? Gusto ko ng Karen Jade! Mas bagay sa 'yo ngayon." Tumawa ang babaeng tinawag na Belle. May kasama itong lalaki, nakasunod. Mukhang boyfriend ng babae. "Sobrang nabigyan mo ng justice ang mga damit ko sa pagkanta mo. Ibang klase talaga."

"Panglalaki mga designs mong sinuot mo sa akin," ani Kaye, pinakita ang suot na tux. Natatawa. "Then Karen Jade tawag mo sa akin? Hustisya naman."

"Ba't ba? Bagay kaya. Saka fashion doesn't have anything to do with name nor appearance. Nasa nagdadala 'yan, 'no," ani Belle. "Fashion is more about the person's spirit and confidence."

"Ay, grabe 'yon, confident na ba ako?" ani Kaye, natatawa. "You'll join us for dinner? Kayo ni Jak?"

"No, no. Nagpunta lang talaga kami here to congratulate you," ani Belle. "Ako pa rin ang magdadamit sa 'yo sa next concert mo, ha?"

"Naku, huwag muna tayo umasa," natatawang ani Kaye.

Nag-chant ang mga nasa table ng next concert. next concert. dahilan para matawa si Kaye.

"Ayan, oh, supportive ang TKC mo," ani Belle. 

Sandaling nag-usap nang masinsinan si Kaye at si Belle. Inayos pa ng babae ang pagkakatiklop ng tux ni Kaye at pinlantsado. "You'll do great," anito nang mas malakas sa usapan nila ni Kaye. "See you." Nakipagbeso ulit. "Sa next concert mo."

Naghiyawan ang Team Kaye Cal - natuwa sa narinig.

Sa hindi malamang kadahilanan, kinabahan si Rayne nang dumiretso ang tingin sa kanya ni Belle bago ito lumabas ng restaurant. Ngumiti. Parang may alam pero mukhang palangiti lang din.

(Actually, wini-wish niyang sana palangiti lang talaga ito. Walang hidden agenda.)

Pagkalabas ng pinakilala ni Kaye na designer ng damit nito, nagkaroon ng photo-op session after mahimasmasan sa pagkain ang karamihan. Selfie. Groufie. Hindi nagpatalo si MJ. Panay ang selfie nito sa lahat. Nakisali na lang din si Rayne para hindi masabing KJ o sobrang conscious (kahit gusto na niyang lamunin ng lupa sa hiya, knowing nasa paligid lang si Kaye.)

Hindi na nga gumagawi ang tingin niya sa pwesto ni Kaye kung hindi lang nag-aya ng buong group picture ang isa sa mga admin. Dumiretso sa gilid na likod si Rayne, pinipilit ang sarili malayo kay Kaye na nasa gitna, nakaupo. Ang kaso, panay usog ang nangyari hanggang sa napunta siya sa pwesto na nasa likuran siya mismo ni Kaye.

Hindi tuloy niya magawang mas lumapit para sa compress sa takot. Pakiramdam niya, walang karapatan madampian ng germs niya si Kaye Cal. Ang lakas tuloy ng feeling niyang mukha siyang constipated sa group picture.

Kainis na kahit anong pilit niyang layo, lumalapit pa rin dito.

Ang hirap kayang umasa, so ano ito, universe?

Pagkatapos ng photo op, napansin ni Rayne ang paglingon ni Kaye sa likuran - sa gawi niya. Agad siyang pumikit, napa-monologue bigla sa utak.

Hindi ako ang tiningnan niya.

Hindi ako ang tiningnan niya. . .

Teka, ako kaya ang tiningnan niya?

Gusto ko bang ako ang tiningnan niya?

(Argh! Ang hirap umasa!)

Gusto nang mag-aya ni Rayne umalis kaso nasa photo-op pa rin ang dalawa niyang kaibigan kasama ang iba. Naupo siya sa pwesto, pinagtuunan na naman ang walang kamalay-malay na garlic bread na tinitipid talaga niya. Ayun, masarap naman.

Ilang segundo lang, may naupo sa tabi niya na dapat si Xanne.

Kaso hindi si Xanne.

Malayong-malayo kay Xanne. 

Paano siya nakaka-sure? Well, hindi naman kumakabog ang dibdib niya sa presensya ni Xanne, eh.

"May nakaupo?" anito, mababa ang boses.

Sino pa bang magpapakaba sa kanya nang bongga?

Si Kaye.



Sexual Orientation

● Ito ang nagsasagot sa tanong na "kanino ka attracted?" o "ano ang mga tipo mo?" sexually, romantically, emotionally, aesthetically, physically etc.

● Dito papasok ang pagiging gay, lesbian, queer, bisexual, pansexual etc. Kung ano ang tinitibok ng puso.

● Feelings ng isang tao towards other people.

● Walang kinalaman dito ang gender (identity, expression, body)


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random meme of the chapter ⚢

Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
4.7K 920 19
WATTYS 2021 SHORTLIST UNDER THE YOUNG ADULT CATEGORY! He kept his love in their photograph. *** Tanniah Hazelle Mesina was the usual Grade-12 STEM st...
19.8K 204 27
" 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚐𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 , 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚗𝚞𝚜𝚞𝚋𝚞𝚔𝚊𝚗 "
Diplomat Hotel By briangggg

Mystery / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...