Love Songs for No One

Bởi pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... Xem Thêm

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

01 | One

13.3K 714 486
Bởi pilosopotasya

Ilang beses na niyang napapakinggan ang boses ng nag-iisang Acoustic Soul Artist: sa TV, Youtube, Spotify. Ngunit bakit kapag personal na, lagi siyang napapatulala? Mapa-speaking voice man, lalo na kapag kumakanta na. Napapaisip tuloy siya kung paanong nakakasigaw ng we love you, kaye cal! nang paulit-ulit ang mga fangirls habang kumakanta ito – kung ang kaya lang gawin ni Rayne ay tumitig.

Makinig.

Mamangha.

Mahumaling nang paulit-ulit.

(How to be them po?)

"Ikaw rin, eh," bulong sa kanya ng katabing si Xanne.

Nakatingin ang kaibigan – lahat – sa stage ng Music Museum – kung saan nagpe-perform si Kaye Cal para sa first ever major solo concert nito. Nakapwesto sila sa VIP – nasa may gitnang aisle, pangalawa sa pinaka taas sa parteng yon.

Tamang-tamang pwesto para makita ang lahat.

Ngunit hindi tamang pwesto para makita ang pores ni Kaye.

Mabuti na lang din ay may salamin na sa mata si Rayne dahil siguradong hindi niya ito makikita (tulad n'ong birthday concert) kung sakaling aasa lang siya sa malabong mata. At least, kahit papaano, nakikita niya ang pagngiti nito, lalo na kapag naka-zoom in ang phone na hawak kay Kaye.

"Anong ako?" tanong niya.

"Wala."

"Weh? 'Di nga?"

"Ang sabi ko, ang galing din pala kumanta n'ong Phoebe Castor ba 'yon?"

"Castro."

"Yes, 'yon. Phoebe Castro." Tinutukoy nito ang isang special guest sa concert na katatapos lang sa pagkanta dahil kinailangan mag change outfit ni Kaye. "Kaya pala sikat."

Tumango lang si Rayne.

Natahimik sila. Nakinig sa kanta.

"Sayang talaga," bigla na naman nitong sabi.

Napatingin siya sa kaibigang si Xanne. Nakatingin lang ito sa stage kaya ibinaling niya rin ang tingin sa stage. Kay Kaye.

Nakangiting kumakanta. Masaya.

Napangiti rin siya.

"Walang sayang," aniya. "Nandito pa rin naman ako."

"So near yet so far."

"Just the way it should be."

"Talaga ba?" Nilingon siya ni Xanne. "Sure ka na ba d'yan? Final answer na?"

Nagtaasan sila ng kilay ni Xanne, nagsusukatan ng ego. Nanliit ang mata ni Xanne sa kanya at bigla na lang siyang napabulalas (sa pressure? o sa iba pa?)

"Gusto mo bang lumapit ako sa kanya?" tanong ni Rayne.

Nangiti si Xanne. "Game! Uy, Ems." Kinalabit nito ang katabi sa kabila na si MJ, nakikisabay sa kinakanta ni Kaye at nagvi-video. "Mukhang may balak gawin si Rayne, oh."

"Naku siguraduhin niyo lang na importante 'yan, ah. Vini-video-han ko pa si Papa Kaye."

"Lalapit daw siya kay Kaye."

"Woah, teka—" pagprotesta ni Rayne.

"Ows?! Magagawa mo 'yon?" ani MJ.

"Xanne!" Nanlaki ang mata niya.

Ngumisi si Xanne. "Game na, wala namang mawawala."

"Kahihiyan ko?"

"Mayroon ba?" natatawang sabi ni MJ.

"Bigyan niyo nga ako ng self-respect," natatawang aniya pabalik. Sumandal siya sa kinauupuan, tinutok ang tingin sa stage.

"Takot ka lang," ani Xanne. "Chicken. Pssh."

"Takot saan?" tanong ni MJ.

"Hindi ako takot," sagot ni Rayne.

"Bakit ayaw mong lumapit?" paghahamon ni Xanne. "Tingnan mo 'yong mga 'yon, oh. Lumalapit sa stage. Umaakyat. Nagpapa-picture. Yumayakap. Nagki-kiss sa cheeks ni Kaye."

"Gusto mo ring gawin ko 'yon?"

"Ikaw bahala," nangingiting ani Xanne, umiiling. Nanghahamon. "Kaso baka may malisya." May panunukso ang tono nito. "Parang sa rosas. . ."

"Friendly rose!"

"Push."

"Ako na lang gagawa kung ayaw mo," natatawang sabi ni MJ, nagbabalak tumayo.

"Eh, 'di ikaw na lang," sabi ni Rayne, umusog pa dahil siya ang nakaupo sa may aisle. "Go. Baba ka na, puntahan mo siya."

"Hindi naman maaalala ni Kaye si MJ, eh. Ikaw ang pwede niyang maalala," sabi ni Xanne. "O natatakot kang baka hindi ka na niya naaalala?"

"Sus. Tanggap ko na 'yon."

Sumingit si MJ. "Sa dami ring taong nakakasalamuha niya, no? May chance nga na nakalimutan ka na niya."

"Ay, wow," natatawang sabi ni Rayne. "Thank you sa mga suporta niyo."

"So takot ka nga!"

Sumigaw ang mga tao sa paligid, tila naririnig ng mga ito ang pinag-uusapan nila at sumasali rin sa kantyaw sa kanya.

"Tanggap ko na ngang hindi na niya ako maaalala. Gets ko na 'yon n'ong February pa."

"Napaka pessismistic nito."

"Realistic lang," natatawang ani Rayne at pinanood muli si Kaye na panibagong kanta na ang sinisimulan. Pinipilit niyang makinig ngunit dahil deserve ni Kaye ang mapakinggan sa first major solo concert nito kaso ang utak niya. . . lumilipad sa nakaraan. "Mas ayos nang kumapit na lang sa katotohanan kaysa umasa sa pantasya."

Bumuntonghininga sa tabi niya si Xanne at nagtuloy sa panonood. "Sure. Bahala ka na nga d'yan."

Tumango si Rayne. Para kay Xanne. Para sa sarili.

"6 months ago na 'yon. Nakalimutan na niya ako panigurado."

Ang totoo, nag-text naman sa kanya si Kaye a few minutes nang magkahiwalay sila ng landas n'ong February.

               Nakauwi ka na? :)

Hindi niya pinaalam.

Pagkagising, may text ulit galing dito.

               Good afternoon. :)

Hindi siya nag-greet back.

The next week, nag-text ulit ito.

               Rayne!

Hindi siya nag-reply.

The next month, may text ulit.

               Hi, si Kaye to. Gusto mong sumama sa album
               release ko? Kasama ang Team Kaye Cal ko if you
               want to meet them. :)

Hindi siya nag-reply, hindi rin siya sumama, pero alam niyang nag-sold out ito sa release.

The next week of that month, nag-text ulit.

               Hello. Just want to know if this is Rayne's number?

Nang hindi siya nag-reply, sinubukan siyang tawagan ni Kaye sa phone. Noong una, hinayaan lang niyang mag-ring ito nang mag-ring hanggang magsawa at matapos. Habang pinapatay siya ng lakas ng kabog ng dibdib. Habang pinapatay siya ng isip kung sasagutin ba niya o hayaan na lang.

Hawak niya ang phone, nakatitig sa Kaye is Calling. . . at hinihiling na sana panaginip na lang ito para hindi niya pagsisisihan.

Kinabukasan n'on, tumawag ito ng madaling araw.

Sinagot niya ang tawag, hindi siya nagsalita, pinakinggan lang ang boses sa kabilang linya. Tinititigan ang lantang rosas na nakaipit sa libro.

"Hello?"

Iba talaga minsan kapag naririnig lang ang boses at walang mukhang pwedeng makita. Mas nakakaba. Mas nakakawindang ang malalim nitong boses.

"Rayne?"

Tahimik lang.

"Number po ba 'to ni Rayne?"

May narinig pa siyang boses ng babae na nagsabi ng baka hindi na kanya 'yan. Bago niya narinig ang mahinang, "Hello?" at malalim na buntonghininga.

"Sorry ho sa abala."

Nagsalita ulit ang isa pang boses ng babae na nagsabing, "Mov—" bago na-cut ang tawag.

Simula ng madaling araw na 'yon, hindi na rin nag-text, tumawag o nagparamdam pa si Kaye Cal sa kanya sa phone.

Sino raw ang nakalimot? Ang tanong talaga rito ay bakit napunta sa puntong may limutan? Sinong may kasalanan?

Ngunit sa dinami-dami ng pwedeng malimutan, hinding-hindi mawawala sa isip ni Rayne ang major solo concert ni Kaye. Syempre, dapat present siya sa Kaye Pop kahit pagpalit pa niya ang isang araw ng internship.

She is, after all, Kaye Cal's fangirl. (Pero lowkey lang, para hindi obvious.)

(Lowkey) Fan girl lang siya. Wala dapat na special treatment. Tama, wala dapat.

At least nakita niya ito muli sa personal.

Narinig muli ang boses na parang para sa kanya lang.

Kahit malayo?

(Dapat lang naman daw talagang malayo lang sila sa isa't isa, base sa logic niya. Hindi pwedeng malapit. Hindi pwedeng close.)

"Rayne!"

Nagulat siya kay Xanne. "Bakit?"

"Bumaba ka na. It's your chance! Kahit selfie lang, dali! Kumakanta lang siya sa gitna, oh. Hinihintay ka n'yan!"

"Sira ka ba—"

"Hayaan mo na kung nakalimot na siya, sayang 'to, oh. Minsan lang! Aalis na 'yan ng ibang bansa! 'Di ba may recording pa siya d'on?!"

Napapikit si Rayne at napaisip. Nag-akyatan sa kaliwa at kanan ang mga gustong kumuha ng litrato kasama ni Kaye. Ngayon, nakatayo ito sa gitna. Kaunting hakbang lang niya pababa ay magkakatapat sila.

Gagawin ba niya?

Nanlamig agad ang mga kamay niya, indikasyong umaakyat na ang adrenaline rush kasabay ng mabilis na pintig ng puso.

Pupuntahan ba niya sa stage si Kaye?

Pupunta?

O pupunta?

Putek, bahala na.

Diretso si Rayne sa pagbaba ng hagdan, palapit kay Kaye. Mukha pa siyang tumatakbo, parang nagmamadali. Nakatingin pa si Kaye sa malayo nang matigil sandali si Rayne. Biglang nahiya. Sure na ba talaga siya? Gagawin ba niya ang ginawa ng iba? Aakyat ba talaga siya sa stage? Sa gitna? Sa spotlight kung nasaan si Kaye? For everyone to fucking see?

Ito na ata ang stunt for a life time niya.

Sa gitna ng hesitation, mula sa malayong tingin, bumaba ang tingin ni Kaye sa kanya. Nagkatinginan. Pamilyar ba? Pamilyar ba siya? Kilala pa ba siya ni Kaye?

Isang segundo. Nanghingi ng permiso si Rayne para umakyat gamit ang mga mata. Dalawang segundo. Nakatingin lang si Kaye, hindi umu-oo, hindi humihindi. Tuloy ang pagkanta. Hinahayaan mag-decide si Rayne on her own. Pangatlo. Titig. Kaba.

Bahala na, isip ni Rayne.

Umakyat siya sa stage. Center of attention. Hindi malaman ni Rayne kung yayakap ba siya muna o mahihimatay na lang sa harap. (Kung sa kahihiyan o sa sobrang kahihiyan, hindi siya sure. Basta sa kahihiyan.)

"Picture po," nasabi na lang niya.

Tiningnan siya ni Kaye habang kumakanta. Tulad noon, matangkad pa rin ito. Yumuko para sa selfie, nakahawak sa mic. Hindi nakaligtas ang suot nitong singsing sa mga mata ni Rayne. Inayos ni Rayne ang phone. Kaye's arm perfectly fits around Rayne's waist.

Isang click.

"S-Salamat," bulong ni Rayne.

Dapat may dagdag pang ". . .dahil nag e-exist ka," kaso totoo palang mai-i-speechless ka na lang talaga. On the spot.

Paalis na si Rayne kaso may ibang balak pa ata si Kaye.

Bumulong si Kaye ng, "wait," saka pinigilan ang pagbaba ni Rayne. Hawak sa pulsuhan, malapit sa kamay.

Kuryente.

"Isa pa ulit, pwede?" ani Kaye, wala sa mic. "Sa phone ko naman."

Nabingi ata sandali si Rayne. Lito. Kaba. Napasabi na lang siya ng, "Ano pa nga ba? May choice pa ba ako?" nang natatawa.

Tinginan muli. Kintab sa mga mata. Pati ng mga labi.

Ngitian.

Mabilisan tinawag si Ms. Ad, ang manager ni Kaye, para ibigay ang phone kay Rayne. Nag-pose muli sila para sa selfie habang tinutuloy ni Kaye ang pagkanta.

Isa. . .isa pa.

Dalawa. . .ulit pa.

"Last na to, ah," bulong ni Rayne kay Kaye.

Natatawa.

"Sana hindi," bulong pabalik ni Kaye kay Rayne.

Seryoso.

Naramdaman ni Rayne ang paghigpit ng hawak ni Kaye sa kanyang baywang bago siya pinakawalan nito para makababa na ng stage. Binalik niya ang phone sa manager nang nanginginig ang mga kamay. Nginitian siya nito.

Tuloy lang ang musika, ang tugtugan, pagkanta ni Kaye at pagkahumaling ng mga tao na parang walang nangyari.

Ngunit ang baywang niya, may hang-over pa sa hawak ni Kaye.

At ang puso niya – tumigil ata.

(Hindi pa siya sure kung puso lang ba o buong sistema?)

Bumalik siya sa pwesto nang walang naiintindihan. Basta, alam lang niya ay niyuyogyog na siya ng mga kaibigan, kilig na kilig. (Napaisip din siyang hindi niya nayakap si Kaye kahit sandali lang, sayang.) Napapatingin ang ilang nakaupo malapit sa kanya. Ayaw na niyang malaman kung anong mga nasa isip nito.

Hindi na rin niya maalala ang mga nangyari. Nagtagal ba siya sa stage? Saktuhan lang? Ano ba talagang nangyari?

Nangangatog ang mga tuhod, nanghihina ang buong pagkatao niya. Hindi niya kinakaya. Isang himala na hindi siya lumagapak paakyat sa sobrang kaba, pakiramdam niya, sasabog na siya.

Nagtuloy ang lahat. Ang concert. Ang kantahan. Ang mga we love you, kaye cal! nang may isang pagkakataong tumingin sa gawi niya si Kaye habang kumakanta sa stage.

O sa gawi nila?

Hindi siya sigurado.

Baka coincidence?

Hindi rin niya sigurado.

Pakiramdam niya, nagkatitigan sila panandalian.

O pwede ring umaasa lang talaga siya?



Gender   

● Sa normal na pamumuhay ng masa, ang 'gender' ay babae at lalaki. When you're born as a girl, you're a girl. When you're born as a boy, you're a boy. (see also: cisgender)

● At the age of 4 daw nagsisimulang malaman kung saang gender napapabilang ang isang bata / individual.

● Kung gagawin nating complicated, may tatlong factors na bumubuo sa gender: body, identity at expression.

- Gender Body: ang biological sex ng isang tao. Babaeng sex organs, lalaking sex organs. Dito rin papasok ang intersex kung saan naghahalo ang chromosomes, hormones etc sa genetics.

- Gender Identity: pag-alam kung ano ka sa sarili mo. Babae ka ba? Lalaki ka ba? Wala (non-binary)? Dito pumapasok ang pagkatao ng mga transgenders kung saan ang gender identity nila ay baligtad ng gender body na naka-assign sa kanila in birth.

- Gender Expression: masculinity or femininity; dito rin papasok ang "girly" o "boyish" o "manly" o ang tinatawag na androgynous (mukhang lalaki at babae, medyo hindi mo mawari; sumisikat sa fashion industry).

* Basics lang ang nandito at malawak pa ang ganap na ito so kindly research accordingly na lang din.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random meme of the chapter ⚢


wallpaper edits by @lhenfrost | twitter:  

click external link para mapunta sa tweet na ito to save.

featured edits by @ashiexlee | twitter: 

(na tinatawag kong isang laro na spot the rayne haha)

by @_Nadyacprs@kayels4n1 | twitter: 

(na tinatawag kong alsabalutan series. . .haha!)

Last na dahil nagmumukha na itong photo album imbis na novel, featured tweet by @kayels4n1 dahil ang benta ng coincidence.

You can search the photos sa #LS4N1 hashtag sa twitter.

Thank you sa mga edits / manipulation / graphics! Ang bebenta ng efforts niyo! HAHA.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

874 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...
111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Diplomat Hotel Bởi briangggg

Bí ẩn / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...