**
P.S Votes and Comments are highly appreciated. Thank you
-MissBiqolar
**
CORON is a significant habitat for biodiversity conservation and it empties itself into the open sea. It has a 'mountai-to-sea' ecosystem and is also home to some of the most important forests in Asia.
Zoey's Pov
Mukhang kabisado ni Jax ang history ng Coron. Kahit saang lugar kami mapadpad, palaging may trivia siya o historical information tungkol sa lugar na 'yon.
Napadpad kami sa hilera ng mga souvenir shops. Nakatawag ng pansin ko ang mga colorful native hats. It reminds me of the hats worn by the guest who attended Prince William and Princess Kate's wedding.
"Ang gaganda," super love it, ang ganda talagang tingnan ang mga native hats, para tuloy gusto 'kong bilhin lahat, para sa collection ko. Huhuhu
"Alin diyan gusto mo?" bibilhan tala niya ako?
"Gusto ko nga sanang bumili kahit isang dosena. Maganda sanang pasalubong o collection ito sa mga ka-opisina ko. kaya lang ......."
"Kaya lang ano?" sambit niya
"Kaya lang, hindi ka nakapagdala ng pera," pagtatapos niya sa kanyang sasabihin kanina. "You should have at least one,: pilit nito sakin. "Magandang pananggalang di'yan sa sikat ng araw."
I held two hats in my hands. Kapwa magaganda ang mga ito kaya nahihirapan akong magdesisyon kung alin nito ang pipiliin ko.
NASA GILID YUNG BINILI NIYAAAAAA >>>>>>>>>>>>>>
Iniisip ko din kung tama bang pagbayarin ko si Jax. Kahit kailan, hindi ko pa nasubukang magpabili ng kahit anong bagay sa isang lalaki lalung-lalo na sa katulad ni Jax na kailan ko lang nakilala. Tiyak na kahit bayaran ko ito sa pagbalik namin sa yate, hinding-hindi niya talaga ito tatangggapin. Okay lang tipid yun eh, gora lang Zoey. Ang ganda kaya ng lola niyo.
Nakita ni Jax ang pag-aatubili ko. Kinausap niya ang tindera sa katutubong wika ng mga ito. kaagad namang binalot ng tindera ang dalawang sumbrero. At nagsama pa ito ng sampu pa.
Ni hindi na tinanong ni Jax kung magkano ang mga sumbrero. kaagad na dumukot siya ng pera sa wallet niya at iniabotsa tindera. Hindi na niya kinuha ang sukli, Sa ngiting nakita niya sa mukha ng tindera, nahinuha siguro niyang nakatiba ito.
"Isa na lang sana ang kinuha mo," I protedted. Chos ! *0*
"Di ba, sinabi mo, gusto mong bigyan ng pasalubong ang mga ka-opisina mo?"
"S-salamat," equip killer smile.
"Isuot mo na itong isa. Bahala na si Ka Rudy na bumuhat sa iba. Here." at isinuot niya sa ulo ko. *0* siya ang nagsuot.
Sandali lang 'yon. pero tila tumigil sa pag-inog ng mundo ko. I closed my eyes as I smelled his fresh mint breath. Pinanghinaan ako ng aking tuhod. Pero sinikap 'kong huwag mabuwal.
Nang idilat ko ang aking mga mata, I found him gazing at me. His lips was so close to mine. But I was disspaointed when we didn't up kissing, malapit na sana 'yun ano pabitin? -__-
"bagay sa'yo," comment niya. "You look like a princess." He stroke my face in a gentle caress. Hindi ako makapagsalita, Speechless ang lola niyo. Bigla, para akong nawawalan ng ulirat. Epekto pa ba 'yun ng nearness ko?
"Okay ka lang? parang nanginginig ka," puna niya.
"o-okay lang ako. N-napagod lang siguro ako."
"I'll go buy you a drink," he offered. "Baka naauhaw ka na." I pouted.
"S-salamat. S-saan kaya may telepono rito?" tanong ko. "Naiwan ko sa yate ang cellphone ko."
"Doon yata banda," turo ko sa isang souvenir shop. "bakit?"
"Tatawag lang ako sa kanya."
"Sino ang tatawagan mo?" usisa niya
"Si Vince."
"Vince?" he echoed "Yung boyfriend mong betty boop?" Then he laugh hardly.
"Hoi, hindi bakla si Vince. Gwapo kaya siya," pa depensa 'kong sagot.
Lumapit siya sakin hanggang sa inch nlang ako aabutin para maka-french kiss ko siya, I mean ma-kiss ng smack "Sinong mas gwapo samin?" Then I feel again His mint breath. I'm in heaven
"S-siya," nauutal 'kong sinabi sa kanya. Then----------
o_O
He kissed the tip of my nose. I fell my blood running through my face, Im deadly blushing.
"Siya pala ha. And by the way, stop blushing. Parang lumipat 'yung sunburn mo sa mukha mo. Ang pula." paliwanag niya.
Sabay hawak ko sa mukha ko, waaaaa ang init. Ang intense. SIling labuyo?
"I'm not blushing, morena lang talaga 'yung beauty ko. Dahil sa sikat ng araw." liar -_-
"Don't make escuses." moodswings?
"diba si yung Vince na 'yun is your photographer?" tanong niya
"Yung photographer namin hindi sakin, ano ako Model? Tsk," I corrected "Taga rito siya sa Coron. Hindi lang ako sigurado kung san ko siya mahahanap dito."
"Then you really must make that call. Baka nga andito siya sa paligid-ligid. Para may kasama kang umuwi ng Puerto Prinsesa." Having said that, iniwanan na niya ako para bumili ng maiinom.
"T-teka," habol ko. Pero di niya ako nilingon. 'Di ba ipinangako niya sakin na sasakay pa kami sa chooper niya pagbalik sa Puerto Prinsesa? Bakit biglang nagbago ngayong nabanggit niya si Vince? Takte, moodwings?
Nag-atubili tuloy ako kung tatawagan ko ba si Vince o hindi na.
Nag-aalangang tinungo ko ang souvenir shop na may phone. Hindi ko alam kung bakit. Pero biglang sumama ang pakiramdam ko. Dahil ba sa nakita kong tila bumalik uli ang pagkaka-disgusto ni Jax sa akin? Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko nabanggit si Vince sa kanya,
Walang sumasagot sa cellphone ni Vince. Lalong tumindi ang nararamdaman 'kong sensasyon na hindi ko mapaliwanag. Pinawisan ako ng malapot.
"Vince, answer the phone." I silently pleaded. Noon nagdilim ang aking paningin. At hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.
Vince's Pov
Nakarating na ako sa Coron at pumapasyal ng mag-isa. Bumisita ako sa bahay pero parang baliwala lang kanila na bumalik ako. Habang nag-lalakad ako patungo sa Souvenir Shop, yung dating binibilhan ko ng mga souvenirs bago ako babalik sa Maynila.
Pero parang may nakita akong babae na likod palang ay alam 'kong sino siya. I can definitely describe Zoey sa mata ko, she's an angel simula no'ong naging partner kami sa mission niya,
"Zoey?" mahina kong sabi. Pero parang may nangyayaring kakaiba sa kanya. And suddenly nawalan siya ng malay.
I ran towards her. And pilit ko siyang buhatin at kinuha 'yung white flower na nasa bag ko. At pilit 'kong tapikin ang mukha niya,
Zoey's Pov
Unti-unti akong binalikan ng malay. "Zoey! Wake up!" a voice was saying.
I wondered where I was. Naramdaman kong nakahiga ako sa isang matigas na kahoy. But it was cool in my back. Nakaramdam ako ng ginhawa.
"Zoey, gumising ka." Muli, ang boses na 'yon. Naramdaman kong tila may ipinahid na kung ano sa aking ilong. It smelled pungent. pero tila bumubuti na aking pakiramdam.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. I was expecting to see Jax. But it was Vince who was hovering over me.
"A-anong nangyari?" usisa ko. Tama nga ang naramdaman ko kanina. Nakahiga ako sa isang papag.
"Nakita kitang nakahandusay sa lupa," He informed me. "Mabuti na lang at nandito ako. Kung hindi, baka kung ano na ang nagyari sa'yo."
Naalala ko na ang lahat. "T-tinawagan kita kanina. P-pero bigla na lang akong nahilo."
Hinanap ng aking mga beautiful eyes si Jax. Pero hindi siya kasali sa mga taong nakapalibot sakin.
"S-si Jax?" tanong ko sa kanya.
"Iniwanan ka na niya," He said disgusted.
"N-no! H-hindi niya ako pwedeng iwan."
"But he did. Umalis na ang yate."
Ito dapat ang nasa tabi ko. Hindi si Vince. Bakit niya ako iniwanan when I needed him most? Pinilit kong bumangon. "K-kailangan kong bumalik sa isla."
"You're not going anywhere," pigil niya sakin.
'Tumawag na ako ng ambulansya. Dadalhin kita sa hospital."
"I'm not sick. Hindi doctor ang kailangan ko. Si Jax. I need to talk to him," giit ko. Please Jax bakit moko iniwan. Sasakay pa ako ng chopper. Huhuhu
"Forget it," he snapped.
"A-at saka, kailangan kong makuha ang mga gamit ko."
"Zoey, nasa akin na ang mga gamit mo. Ibinigay ni Javier bago siya umalis."
Napaawang ang aking mga labi. I thought na kasama pa kita ngayon sa isla, but you just broke your promise na sasama ako sa'yo sa chooper. Damn you ! Jax. Huhuhuhu
**
P.S Votes and Comments are highly appreciated. Thank you
-MissBiqolar