The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 40: Who and where?

2.2M 54.7K 28.5K
By blue_maiden

Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa bahay, humiga agad ako sa kama ko. Nakaramdam ako ng pagod at takot. Pinagmasdan ko ulit 'yong nameplate na nakita ko kanina.

"-- S&B"

Ano kayang ibig sabihin nito? Initials kaya siya no'ng pangalan ng may-ari? 'Yong may-ari kaya nito 'yong lalaking gustong manakit sa 'kin kanina? S and B? Ibig sabihin ba no'n, pagmamay-ari ito ng dalawang tao? Kung 'yong lalaki na sumunod sa 'kin ang isa roon, sino pa 'yong isa? Sila ba 'yong nakasakay sa motor? Posible, dahil dalawang tao ang nakita kong nakasakay roon. Isang lalaki at isang babae na may mahabang buhok.

Nakakapangilabot talaga 'yong mga pangyayari. Lalo na no'ng nakita kong may hawak na kutsilyo 'yong lalaki. Magnanakaw lang kaya 'yon o talagang matagal na niya akong balak saktan? Nakakapagtaka rin kasi na simula roon sa building, naramdaman ko na 'yong presensya niya. Sandali, 'yong nag-text sa 'kin tungkol kay Jeydon. Sila rin ba 'yong gustong manakit sa 'kin? Bigla na lang akong kinilabutan. Kung kilala niya si Jeydon at alam nila na nawawala siya, ibig sabihin lang, kilala ko 'yong taong 'yon. Kilala ko 'yong taong gustong manakit sa 'kin.

Aish! Hindi ako sigurado sa lahat ng mga naiisip ko. Ang sakit sa ulo.

"Candice, matulog ka na." Nakatayo si Kuya sa pinto ng kwarto ko. Seryosong nakatingin sa 'kin. "May problema ba?" Lumapit siya sa 'kin.

"Kuya, ano kasi... kanina..." Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko, nag-react na agad siya.

"May nanakit ba sa 'yo?! Sabihin mo kung sino!" Nagdalawang-isip akong sabihin 'yong totoo.

"Kuya, wala. Kanina kasi, ang dami kong nakain kaya sumasakit 'yong tyan ko." Biglang huminahon 'yong mukha niya.

"Ayon lang pala. Akala ko naman kung ano na. Ang takaw mo kasi, Manang, e! May dragon ba riyan sa tyan mo ha?"

"Wala 'no! 'Yong tyan ni Jeydon ang meron!" Nagulat ako sa sinabi ko, pati na si Kuya. Bakit ko nabanggit 'yong pangalan niya? Natigilan kaming dalawa ni Kuya nang panandalian. "Sige na, Kuya, matutulog na ako. Matulog ka na rin! Mukha ka nang zombie," pag-iiba ko ng usapan.

"Itong mukhang 'to? Zombie? Aba, ako na 'ata ang pinakagwapong zombie," sabay tawa. Whatever, Kuya Charles. "Uminom ka na ng gamot tapos matulog ka na. Good night, Manang." Pinatay ko na 'yong ilaw no'ng umalis siya.

Mag-aalala nang sobra si Kuya pati sina Mama kapag sinabi ko. Ayoko nang pag-aalalahin pa sila. Isa pa, problemado rin ngayon si Kuya kaya mas mabuti na solohin ko na lang ang problema ko. Kaya ko naman 'to e. Alam kong kaya ko.

Marami na akong napagdaanan. Pati si kamatayan, nalagpasan ko na kaya hindi pwedeng hindi ko makaya kung ano mang panganib ang nagbabanta sa 'kin.

Inalis ko muna kung ano ang mga iniisip ko ngayon. Pagod na ang katawan at isip ko kaya mas mabuti na magpahinga na lang muna ako. Sigurado na sa mga susunod na araw, kakailanganin ko ng lakas sa mga pwedeng mangyari sa 'kin.

***

Minulat ko agad ang mata ko. Maaga pa at wala pang araw. Nag-desisyon na akong bumangon para tumakbo sa labas. Tulog pa silang lahat, pati na rin si Cholo. Kaya nag-decide na lang ako na tumakbo mag-isa. Nag-iwan ako ng note sa ref kung sakaling hanapin nila ako.

Naglibot muna ako sa buong subdivision. Pagkatapos ng kalahating oras, nagpahinga muna ako sa park.

Sa lugar na 'to, palagi kong naaalala si Jeydon. Punung-puno kami ng alaala rito. Naisip ko ulit kung nasaan na siya. Maayos kaya 'yong lagay niya? Hindi naman siguro masama na mag-alala pa rin ako para sa kanya. Naging malaking parte siya ng buhay ko at kung may tao man na makakaintindi sa kanya, ako 'yon dahil pareho kaming niloko ng daddy niya.

"Nasaan ka na nga kaya, Jeydon?"

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw lahat sa 'kin itong nararamdaman ko. Oo, mahal ko na nga si Lucas. Minahal ko siya sa mga lumipas na panahon pero ayokong magsinungaling sa sarili ko. Mahal ko pa rin si Jeydon. Ang kaso nga lang ay hindi na kami pwede. We've already let each other go. We've already said our goodbyes at napakahirap nang ibalik pa ng dati. What's done is done. Kung magiging kami pa ulit, may mga hahadlang at masasaktan pa. Mas magiging komplikado ang lahat. Mas mabuti nang maglakad paharap at hindi paatras.

"Anong ginagawa mo rito? Maaga pa ha?" Napatingala ako sa babaeng nagsalita. Maganda siya at mahaba ang buhok. Ngayon ko lang siya nakita.

"I'm sorry?" tanong ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Ha? Oo, ayos lang. Sino ka ba?" Natawa siya.

"Pasensya na. Hindi mo pa nga pala ako kilala. Kaibigan ako ni Jayshin, 'yong kapatid ni Jeydon. I'm Menchi pero Chi na lang." Umupo siya sa tabi ko. "Nakwento ka na sa 'kin ni Jayshin. Pati 'yong sa inyo ni Jeydon. Nakakalungkot ang nangyari sa inyo." Tiningnan ko siya at malungkot 'yong mukha niya. Talaga bang nalulungkot siya? Pero bakit? "Sorry ha? Feeling close ako. Ang totoo, pinapunta talaga ako ni Jayshin dito para kumustahin ka. And to be honest, gusto ko rin sana na makilala ka. I hope you don't mind."

"Uhm... bakit hindi?" Ngumiti ako sa kanya at gano'n din siya. Wala naman sigurong masama dahil mukha rin naman siyang mabait. Isa pa, kaibigan naman siya ni Jayshin e.

"Salamat, Candice. 'Wag kang mag-alala. Alam kong hinahanap mo si Jeydon. Tutulong ako sa paghahanap." Tumayo siya at nag-bow sa 'kin. "See you around."

Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong maging kaibigan pero mukha naman siyang mabait. Mabuti na rin siguro na nakilala ko siya. At least ngayon, marami na kaming naghahanap kay Jeydon.

"Sa bulsa ka ba ni Doraemon nagtatago ha, Jeydon?"

Paalis na sana ako pero nakita ko na naman si Lola sa malayo. Akala ko lalapit siya sa 'kin pero pinagmasdan lang niya ako sa malayo. Tumaas 'yong mga balahibo ko kapag naaalala ko 'yong hula niya sa 'kin. Tumakbo na lang ulit ako pabalik sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay, luto na ang lahat ng pagkain. Gising na rin sila lahat maliban kay Kuya.

"Hindi raw papasok si Charles. Mukhang problemado kaya gustong mapag-isa," sabi ni Yaya. Kawawa naman si Kuya. Nagdurusa dahil sa sarili niyang desisyon.

"May problema ba si Charles, anak?" Hindi ko alam kung ako ba dapat ang magsabi nito pero baka mas matulungan siya ni Mama.

"Naghiwalay na sila ni Ate Serina."

"Ha? Wala na sila?" gulat na reaksyon nina Mama at Yaya.

"Mas mabuti siguro kung si Kuya na ang mag-explain no'n. Kailangan ko nang mag-ready for school."

Umakyat ako sa kwarto, naligo, at nag-ayos. Gusto ko sana na kausapin si Kuya pero mukhang gusto niya na mapag-isa.

"Una na po ako." Hindi ko na dinala 'yong susi ng kotse dahil alam ko na susunduin ako ni Lucas.

Hindi naman ako nagkamali kasi nakaabang na siya sa labas ng bahay. Lumapit siya sa 'kin.

"Hindi ka ba nasaktan?" Napataas ako ng kilay sa tanong niya.

"Ha? Bakit ako masasaktan?"

"Nasaktan ka ba no'ng nahulog ka mula sa langit, beautiful angel?" Muntik na akong matawa sa pick-up line niya.

"Last mo na 'yan, please?" Pareho kaming natawa. For the nth time, epic fail ang banat niya. "Oo nga pala. Akala ko ba pupunta ka sa birthday ni Stacey? Bakit wala ka?"

"Ha? Ah kasi... ano.. may pinuntahan lang ako. Tara na, baka ma-late tayo." Ngumiti siya sa 'kin pero parang kinakabahan siya na ewan. Ang weird.

Pagkarating namin sa school, nagpaalam agad si Lucas na may pupuntahan. Nakakapagtaka lang na napapadalas na 'yong pag-alis-alis ni Lucas. Ano kaya 'yong pinagkakaabalahan niya? Importante kaya 'yon? Miss ko na 'yong palagi kaming magkasama.

"Bee!" sigaw ni Stacey pagkatapos ay tumakbo siya papalapit sa 'kin. "Umalis ka na agad kagabi kaya hindi na tayo nakapag-usap. Ano bang nangyari? Bakit nawala ka bigla? Saan ka pumunta?"

"Sumakit 'yong tyan ko e." Mas mabuting hindi na rin niya malaman.

"Ah gano'n ba? Sayang naman. Ang saya pa naman ng dance party sa huli." Mukhang enjoy na enjoy nga siya e.

"Okay lang. Ang mahalaga naman ay masaya ka sa birthday mo."

"Oo naman! Nakakagulat nga lang kasi biglang dumating si Six sa birthday ko kasama si Ginno pagkaalis mo. Mukha na naman siyang mabait e, tsaka mas lalo siyang pumogi! Nakasayaw ko nga siya kagabi e." Parang gusto ko rin tuloy siyang makita. "Mamaya na 'yong announcement ng nga candidate for school president. Excited na akong makita 'yong reaksyon ni Blossom mamaya kapag nalaman niyang ako na ang kalaban niya." Tumawa na naman siya na parang may kung ano siyang plano.

Pagkatapos nga klase ko, hinila agad ako ni Stacey sa field ng university kung saan gaganapin ang announcement.

Nakita agad namin 'yong Powerpuff Girls at full force sila. Kasama pa si Edward.

"Wow, lahat sila nagpagupit nang maikli maliban sa Anne na 'yon. Puro pa rin naman sila retokada." Nakita ko na naman si Anne. Tuwing magtatama 'yong mga mata namin, palagi siyang umiiwas. Alam ko na hindi kami in good terms pero sobra na 'ata 'yong reaksyon niya kapag nakikita ako. May galit ba siya sa 'kin? "Candice, nakikinig ka ba?"

"Ha? Bakit, Stacey?"

"Sabi ko, tara na roon." Hinila na naman niya ako papalapit kina Blossom.

"Oh, look who's here. Ang matinik kong kalaban. Hi, Candice," bungad ni Blossom.

Pumunta naman sa harap ko si Stacey. "Sorry, girl, pero ako na 'yong lalaban instead of Candice. Kaya ako na 'yong makakalaban mo." Natawa naman sila lalo na si Blossom.

"Ikaw? Dapat maganda rin na katulad ko 'yong makakalaban ko. Hindi kagaya mo."

"Maganda ka? Ang pagkakaalam ko, magkaiba ang 'maganda' sa 'nagmamaganda'," mataray na sagot ni Stacey. Queen Bee in the house, yo!

"Boom panes!" pang-aasar ko pa.

"Sorry, pero alam ko sa sarili ko na maganda ako. Right, babe?" tanong ni Blossom kay Edward.

"Yes, babe," tapos hinalikan niya si Blossom.

"Yuck! Muntik na akong masuka. C'mon, Candice, baka masira pa lalo 'yong tyan mo sa dalawang 'yan." Hinila naman niya ako palayo ngayon kina Blossom. "Humanda talaga sa 'kin 'yang Blossom na 'yan."

Mukhang magiging mainit 'yong laban nila. Mabuti na lang at umatras na ako roon. Ayoko na ng gulo pa sa buhay ko.

"Stacey, alam mo bang kamukha ni Anne si Margot?" Bigla siyang natigilan sa paglalakad. "O, bakit? Napansin mo rin ba?"

"Candice, may kailangan kang malaman about kay Margot." Napatingin ako sa kanya. Bigla akong kinabahan at mukhang hindi maganda 'yong sasabihin niya. "Margot is dead."

Napahawak ako sa mga bibig ko sa gulat. Patay na siya? Para akong nanghina. "Paano siya namatay?"

"Nag-suicide daw siya sabi roon sa mental hospital." Mas lalo lang akong nanghina. "'Wag mo nang balakin puntahan 'yong puntod niya kasi ang sabi sa 'min ni Lucas, ginawa raw abo 'yong bangkay niya tapos ay kinuha ng pamilya niya."

"Ah, gano'n ba? Sige mauna ka na. May kukunin lang ako sa locker ko."

Pumunta muna ako sa locker ko para tawagan si Sir Jason dahil alam ko na siya lang naman 'yong makakasagot sa mga tanong ko. Ayoko nang marinig pa ni Stacey 'yong pag-uusapan namin dahil baka mag-alala siya.

"Candice? Kumusta na?"

"Hi, Sir. Okay lang po ako. Ikaw? Miss ko na kayo."

"Okay naman ako. Teacher pa rin ako rito sa Xavier. Bakit ka napatawag?"

"Uhm, may itatanong lang sana ako, Sir. Sina Margot ba at Anne ng Section One ay magkapatid?" Kinakabahan ako sa sagot niya.

"Sa totoo lang, konti lang ang nakakaalam no'n. Oo, magkapatid sila. Sina Margot at Marianne Bernales."

"O-okay po, Sir. Salamat."

Hindi ako makapaniwala. Naitago nila 'yon sa amin noon? Wala rin namang nakakapansin e. Alam kaya nina Blossom at Bubbles 'yon? Ayon kaya 'yong dahilan kaya gano'n 'yong ikinikilos niya sa akin? Galit kaya siya sa 'kin dahil sa nangyari sa amin dati ng kapatid niya? Kinabahan ako bigla sa hindi ko alam na dahilan. Ang daming bagay na napakamisteryoso.

Binuksan ko 'yong locker ko para ilagay 'yong gamit ko. Pagbukas ko pa lang, bumungad na agad sa 'kin 'yong isang sulat.

Your and Jeydon's end is near...

--S&B

Kailangan ko na talagang makita si Jeydon.

JEYDON

"Hindi pa rin ako makapaniwala na isa kayong doktor," sabi ko sa kanya habang naglalagay siya ng gatas sa baso ko. "Ang buong akala ko, simpleng nagtitinda lang kayo ng ice cream. Doktor pala kayo at isa sa mga pinakamayan na doktor dito."

"Alam mo, Jeydon, nagsimula ako sa pagiging sorbetero bago ko nakuha lahat ng tagumpay ko ngayon. Kaya kapag wala akong ginagawa, nagtitinda ako ng sorbetes." Nakakabilib talaga siya. Siya pala 'yong sikat na surgeon na si Mr. George Song.

"Nakatutuwa 'yong kwento niyo, Mr. Song."

"Ahjussi na lang. Marunong ka naman 'ata mag-Korean e? Ituring mo na lang ako na tito mo."

"Sige po. Salamat din po, Ahjussi, sa pagpapatuloy sa 'kin dito sa mansion nang halos isang linggo na. Magtatrabaho ako sa ospital niyo pangbayad sa pagpapatuloy niyo sa akin dito." Tumawa siya.

"You don't have to do that. Welcome ka sa bahay ko. Saksi ako sa pag-iibigan niyo ni Candice at naaalala ko dahil sa inyo 'yong namatay kong asawa. Dahil doon, palagi akong sumasaya. Kaya isipin mo na rin na kabayaran 'yon." Kaya naman pala kilala niya kami kasi tinututukan niya kami. Akala ko dahil lang sa palagi niya kaming nakikita sa park at dahil sa suki niya kami. Nakakalungkot lang na wala na 'yon. Wala na ang Jeydon at Candice love team at tandem.

"Sayang po, Ahjussi, wala na kami." Pinatong niya sa balikat ko 'yong kamay niya. "Isang masayang alaala na lang 'yong sa amin."

"Hindi pa huli ang lahat, Jeydon." Ang sarap paniwalaan 'yong mga sinasabi ni Ahjussi.

"Sana nga po. Kapag bumalik ako sa buhay niya, hindi pa ako huli. Pero ayoko na rin muna umasa. Ang mahalaga, makatayo ako sa sarili ko nang wala si Dad."

"I'm here to help you but, Jeydon, the tumor in your brain, it's a serious thing so you need an operation asap."

"Wala pa po akong pera pang-opera. Kulang na kulang pa 'yong naipon kong pera." Tumawa na naman siya.

"Sige, alam ko naman na ipinaglalaban mo 'yang independence mo kaya here's a deal." Parang bigla akong kinabahan.

"Ano po 'yon?"

"You will work in one of my coffee shops to pay all of your debts. I will assign you as a waiter there for a week tapos gagawin kitang manager. Sounds fair, right? Wala na akong maisip na rason para tumanggi ka." Ngumiti siya sa 'kin.

Sobrang saya 'yong nararamdaman ko ngayon. Sa saya ko, napayakap ako kay Ahjussi. Ang bait niyang tao. Bigla na lang pumasok sa isip ko na ang sarap siguro niyang maging ama. "Salamat, Ahjussi."

"We need to start your operation soon kaya maghanda ka."

"Yes, I will."

Ngayon, makakapagsimula na ulit ako. Lahat ng 'to gagawin ko para ipakita kay Daddy na kaya ko na wala siya at ng yaman niya. I will stand on my own feet now. Para na rin kay...

"Candice..."

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
27M 716K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...