Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

010

28.2K 466 4
By Kass-iopeia

Kabanata 10

Naalimpungatan si Katharina nang maramdamang parang nakalutang na siya. Ngunit pag dilat niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Callum na seryosong seryoso. Buhat buhat siya ng binata sa dalawang braso papasok sa isang bahay. Nanlaki ang mga mata ni Katharina nang mapagtanto ang sitwasyon. Buhat buhat siya ng lalaking ayaw na ayaw sa kanya.

Hindi niya mabatid kung bakit siya buhat buhat ng binata kahit na pwede naman siya nitong gisingin na lamang. Di pa din napapansin ng binata ang gising na palang dalaga na ngayon ay di malaman ang gagawin habang nasa bisig ng lalaki. Tuloy tuloy lang si Callum sa pag lalakad.

Dumoble ang bilis ng tibok ng dibdib ni Katharina. Ito nanaman yung kaninang pakiramdam na naramdaman niya nuong nasa kotse sila ni Callum. Hindi niya lubos na maunawaan ang nangyayari sa kanya. Bakit siya nakakadama ng ganitong pakiramdam sa lalaking ayaw na ayaw naman sa kanya. Kahit na guguluhan ay hinayaan na lamang niya ang sariling maramdaman ang kakaibang pakiramdam para sa binata. Hanggang sa makapasok sila sa bahay ay nakatitig pa din siya sa binata pero agad na din niya itong pinikit pag pasok sa loob sa takot na mahuli siya ng binata na gising na at ibaba siya nito.

Hindi niya alam kung bakit parang ayaw niyang ibaba ng binata. Bakit parang ayaw niyang mahiwalay mula sa bisig ng lalaki. Gustong gusto niya ang pakiramdam na nasa mga bisig siya nito. Nababaliw na yata siya dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip niya. Ngayon lamang niya naramdaman ang mga ganito kung kaya ay gulong gulo ang kanyang isipan.

Maya maya ay naramdaman niyang pumasok sila sa isang silid hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malabot na kama. Ibinaba na siya ng binata. Parang gustong mag protesta ng dalaga sa ginawang pag baba sa kanya ng binata. Rinig niya ang mga yabag ng lalaki palayo hanggang sa marinig niya ang pag bukas ng pinto at ang pagsarado nito senyales na nakaalis na ang binata ng kwarto. Agad siyang dumilat at napabangon. Nasapok niya ang sarili dahil sa kabaliwang nararamdaman.

Napahawak siya sa dibdib niyang tuloy tuloy pa din sa pag pintig ng mabilis.

"Ano 'to?" tanong niya sa sarili. Umiling iling siya at pilit na pinalis sa isipan ang binata.

Ilang minuto siyang nag lagi sa kwarto bago siya magpasyang lumabas na lamang.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Malaki ito kompara sa bahay nila dati sa probinsiya pero hindi ito kasing laki ng hacienda. Saktohan lamang ang laki ng bahay na sa tingin niya ay bahay bakasyunan lamang.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkauhaw kaya hinanap niya ang kusina para kumuha ng tubig pero natigilan din siya ng madaanan ng tingin niya ang mga picture frames na nakasabit sa may salas. Agad siyang lumapit duon upang pag masdan ang napaka gandang larawan ng mag anak.

Hindi niya naiwasang mapangiti ng makita ang lumang litrato ni Callum. Sobrang bata niya pa duon at sobra ding payat. Di niya maimagine na payat pala dati ang binata dahil sa ganda ng pangangatawan nito ngayon. Nalipat ang tingin niya sa litrato ng nasirang mag asawa. Totoo nga ang sabi sabi. Napaka ganda nga ng asawa ng don. Parang ang saya saya nila sa litrato di niya maiwasang manghinayang sa nasira nitong relasyon ng mga ito. Mukhang ang saya saya nila dati. Sila yung pamilya na pingarapngarap niya nuon kaya di niya mapigilan talagang manghinayang. Naalala nanaman niya ang ina at bigla bigla na lang tumulo ang mga luha niya nang maalala ang sinapit ng kanilang pamilya.

"Gising ka na pala."

Agad agad na pinahid ni Katharina ang mga mata pagkarinig sa boses ng binata. At ng matiyak na wala ng bakas ng luha duon ay hinarap niya na ito. Sinalubong niya ito ng ngiti.

"Uhm nasan tayo?" nakangiti pa ding tanong ng dalaga. Pero imbis na sagotin siya ng binta ay bigla na lang siya nitong hinila sa kamay at dinala sa kung saan.

Huminto sila ng marating ang maliit na hardin kumpara sa hardin nila sa hacienda. Agad na gumaan ang pakiramdam ng dalaga pagkakita sa hardin. Mahilig kasi talaga siya sa mga bulaklak. Napansin niya din ang nakahandang lamesa sa maliit na hardin na may mga pagkain na din. Nag tatakang lumingon siya sa binata.

"Let's eat." Walang ganang sabi ng lalaki at naupo na sa silyang naruon.

Nag tataka pa din ang dalaga kung bakit siya ipinag handa ng binata ng makakain at bakit parang ang bilis naman yata nitong naihanda ang lahat ng 'to. Kahit nag tataka ay sumunod na lamang siya sa binata at naupo sa katapat na silya nito.

"Yung caretaker ang nag handa nito." Aniya nang mapansin ang pag tataka sa mukha ng dalaga.

Parang nang hinayang ang babae nang marinig iyon sa binata. Akala niya ay inihanda iyon ng binata para sa kanya dahil gusto nitong bumawi sa kanya. Pero bakit nga naman ito babawi sa kanya? Ano ba siya sa buhay nito?

Sinimulan na niyang kainin ang pagkain sa harap habang hindi pa din mapigilan ang mga matang mapatitig sa binata. Pasulyap sulyap siya dito habang kumakain. Wala namang kamalay malay ang binata na palihim na pala siyang tinititigan ng dalaga. Iniisip nito ang business na pinunta niya sa lugar na iyon. Kailangan mabili niya ang lupang sinasakahan ng mga mag sasaka sa lugar na yun para makabalik na agad siya ng maynila. Pero bago mangyari yun ay dapat makasundo na muna niya ang mga tao duon hindi naman iyon magiging mahirap dahil tumira na din naman sila dito nuon kahit sandali lang. Dito sila unang nag-umpisa nuon bago sila lumipat sa hacienda.

Maya maya ay lumingon ito sa dalaga. Kumunot ang nuo nito habang nakatitig sa babae. Nag taka naman ang dalaga sa biglang pag titig ng binata kaya agad niyang iniwas ang tingin dito. Mukhang nahalata ata ng binata ang ginagawa niyang palihim na pagtitig dito. Inabot niya ang baso sa harap at sumimsim dito habang iniiwas pa din ang tingin sa lalaki.

Nagulat siya ng biglang umalingawngaw ang tawa ng lalaki sa harapan niya kaya naman muli na niyang binalik ang tingin dito. Nag tataka siyang tumitig dito.

"Look at your face. Para kang bata kumain." iiling iling na sabi ng binata saka kumuha ng tissue at wala sa sariling pinahiran ang gilid ng labi ng dalaga na ngayon ay takang taka sa kinilos niya. Umawang ng bahagya ang bibig nito dahil sa ginawa niyang yun duon siya lamang bumalik sa kanyang sarili. Agad agad niyang ibinaba ang kamay at parang walang nangyaring ipinag patuloy ang pagkain.

Habang nanatili namang gulat ang reaksyon ni Katharina. Namumula ang mga pisnging nakatitig pa din ito sa binatang ngayon ay hindi na makuhang tumingin ulit sa kanya. Napayuko siya pagkatapos. At palihim na napahawak sa kanyang dibdib taimtim na ipinalangin na sana ay hindi siya traydorin ng sariling nararamdaman. Na sana hindi ito maging rason para muli siyang masaktan. Na sana hindi siya ipahamak ng nararamdaman niyang hindi niya alam kung ano.

Maya maya ay tumayo na ang binata hudyat na tapos na itong kumain. Walang sabisabing umalis ito at hindi na niya alam kung saan pumunta. Napa sapo siya sa kanyang ulo.

"Hindi pwede Katharina.." bulong niya sa sarili.

Ilang sandali lang din ay tumayo na din siya at nilinis na ang pinag kainan. Di naman sobrang laki ng bahay kaya agad niyang nahanap ang kusina sumalubong sa kanya ruon ang isang di katandaang katulong agad agad nitong kinuha mula sa kanya ang mga platong pinag kainan.

"Ako na dyan hija." anito.

Wala na namang nagawa ang dalaga dahil kinuha na nito sa kanya ang mga bitbit. Pero sumunod siya dito sa may lababo.

"Ako ba po ang mag huhugas ng mga pinagkainan." aniya.

"Hindi na hija. Nakakahiya naman sayo. Bisita ka dito at isa pa trabaho ko ito."

"Ayos lang po iyan nanay, ako na po dyan mukhang pagod na po kayo. Maupo na lamang muna po kayo duon." Sabi ng dalaga sabay turo sa mga silyang nanduon.

"Hindi na talaga hija. Baka mapagalitan pa ako ni sir."

"Hindi ka niya pagagalitan pag nakita niya akong nag huhugas ng pinggan. Kaya maupo na po kayo. Kumain na po ba kayo?"

Napangiti ang babae.

"Ang bait mo namang bata. Ano ka nga ba ni sir?"

"Po?"

"Sabi ko ano mo ba si sir Callum?"

Napaisip ang dalaga kung ano nga ba siya ng binata. Pakakasalan siya ng ama nito kaya siguro ang tamang sabihin ay future step mom siya ng binata ngunit parang ayaw tanggapin ng sistema niya iyon kung kaya hindi siya nakapag salita.

"Nanay, halika kayo. Maupo po muna kayo." Iginaya niya na lamang ang babae paupo sa upuang malapit sa pwesto nila.

"Hija, ano nga bang pangalan mo?" tanong nito. Sa hitsura ng babae mukhang kasing tanda lamang ito ng kanyang namayapang ina.

"Ako po si Katharina, nanay."

"Ako naman si Nelya matagal na akong nag sisilbi sa pamilya nila Callum at ngayon lang kita nakita. Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Callum?"

"Naku hindi po nay!" umiling iling na sabi ng dalaga.

Naging maayos naman ang unang araw niya sa bahay hindi pa naman siya nasusungitan ng binata since dumating sila duon. Mukhang busy nga yata ito upang bigyan pa siya ng panahon na sungitan.

Maagang gumising si Katharina upang ipag handa ng almusal ang binata. Madalas din niya itong gawin sa ama nito. Lahat ay gagawin niya makuha lang ang loob ng binata. Ginagawa niya ito para sa don dahil utang niya ang lahat lahat dito. Maya maya lang ay nagising na din ang binata, nakasabay pa nito ang katiwala papuntang kusina kung saan nag luluto kasalukuyan ang babae.

“Ipag hahanda ko na po muna kayo ng pagkain. Ano po bang gusto niyong kainin?” Tanong ng babaeng katiwala.

“Anything will do.” Anito at ngumiti. Natigil sila pareho sa entrada ng kusina ng maabutan ang dalagang sumasayaw sayaw pa habang nag luluto. Sinisway pa nito ang kanyang balakang habang sumasabay pa sa kanta.

Natigilan ang binata sa naabutang hitsura ng dalaga. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot suot na manipis na bestida. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng katawan ng dalaga. Hindi niya maiwasang mapatitig sa katawan nito. Di hamak na mas maganda pa ang katawan nito sa kanyang girlfriend. Hindi niya napigilang mapasinghap sa nakikitang tanawin. Natural na natural ang ganda ng katawan ng dalaga. Napalunok siya at tila biglang nakaramdam ng matinding init.

“Napaka gandang bata.”

Biglang nag salita ang katiwalang nasa tabi lamang. Duon lamang siya natauhan at iniwas ang tingin sa katawan ng dalaga. Umiwas siya ng tingin at pilit na iniiwasan ang mapatingin sa dalaga.

May nakpasak na earphones sa magkabilang tainga ng dalaga kaya hindi niya narinig ang sinabi ng katiwala na halos pabulong lang din naman.

Nag peke ng ubo si Callum at duon lamang napalingon sa gawi nila ang dalaga.

Para itong nakakita ng multo pagkakita kay Callum. Namula ng pisngi nito sa hiya bago muling tumalikod para muling ipokus ang sarili sa niluluto.

"M-Malapit na din maluto ito." Sabi ng dalaga habang namumula pa ang mga pisngi sa hiya. Agad naman siyang dinaluhan ng katiwala upang tulungan habang si Callum naman ay nag dirediretsyo sa banyo.

"Ano ba yang niluluto mo hija at mukhang ganadong ganado ka kanina? Para kanino ba iyan?"

"Po? Ahh sa inyo po ni Callum."

"Naku ako na dapat ang gumagawa niyan. Maupo ka na lamang dyan at ako na ang mag tutuloy niyang niluluto mo."

"Wag na ho nay ako na po. Patapos na din po ito."

"Osige ako na lang ang mag hahanda ng mga gagamiting kasangkapan."

"Salamat po."

Pag tapos makapag handa ng dalawa ay lumabas na din naman ng banyo ang binata na mukhang bagong shower dahil basa pa ang buhok nito. Dirediretsyo itong naupo.

"Sa susunod manang wag niyo ng hahayaang si Katharina ang magluto ng almusal." wika nito ng walang kaemoemosyon ang mukha.

"Ako naman ang may gustong ipag luto ka. Wag mo sana pagalitan si manang." Anang dalaga. Sinamaan siya ng tingin ng binata.

"Sinabi ko bang mag luto ka? Gagawin mo lang kung ano ang sasabihin ko sa susunod nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-okay.."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
134K 3.1K 38
He just want to forget. So he did gave a simple condition to her; to be his temporary girlfriend. Can he resist not to fall for her? Or just fall for...
115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...
91.1K 2.7K 42
Love. Passion. Power. Three different things but when combined together, beyond great power. Like a steel that can't be broken. Platinum that can't b...