Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

119M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 236

774K 27.4K 34.7K
By eatmore2behappy

A/N: Simula ngayon mag-Ud nalang ako kung kelan ko gusto. Nag-aalanganin kasi ako kapag may deadline na sinunod.

Thank you so much for this cover. @EccentesiastMan

Forgiveness

Aries's POV

Kasalukuyan kong pinag-mamasdan ang repleksyon ko sa loob ng elevator. Malaki daw ang pinagbago ko—sabi ni Ella nung huling usap namin.

Maybe because I keep coming back from the hospital. Kakalabas ko lang pero nakabalik na naman ako tapos lalabas na naman. Hinawakan ko ang parte ng tagiliran ko kung nasan ang peklat ko.

She saw my scar.

Pero mukang wala syang clue. Ni walang bahid ng takot o pag-aalala sa mga mata nya. Mukang hindi rin naman sya interesadong alamin pa dahil sa hindi nya pagtatanong.

Maybe she really don't remember or she just don't care at all. It was one of my nightmare that hunt me almost everynight. Ipinikit ko ang mata ko para alisin sa isip ko ang itsura nya.

Ang mga mata nyang walang buhay. Ang kamao nyang dumudugo at isa naman ay nakasuntok sa salaming pader. Pati ang tunog ng mga bumagsak na piraso ng salamin. Kung panu sya pumulot ng malaking piraso ng bubog at gamitin yun panaksak....sakin.

Ang tunog ng bell ng elevator ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Bumukas ang pinto non at agad akong lumabas.

Hindi ko na dapat isipin ang pangyayari na yon. Pero hindi ko mapigilan dahil tuwing nakikita ko si Jay-jay naalala ko kung panu nya idiin ang pagkakasaksak ng bubog sa ilalim ng dibdib ko.

Masakit. Nakakabaliw na sakit.

Dumiretso ako sa pinto ng opisina ni Kuya Angelo. Ang secretary nya ang sumalubong sakin. Nakangiti itong tumingin sakin bago tumayo.

"Si Sir Angelo po ba?" Tanung nya.

Nag-nod ako at pinindot nya ang isa sa buton sa intercom. Sinabi nya kay Kuya na andito ako.

"Let him in." Dinig kong sagot ni Kuya.

Sinenyas sakin ng secretary nya ang pinto ng mismong opisina nya. Nagpasalamat ako bago pumasok sa pinto.

Gabundok na papel ang una ko napansin. Bukod sa executive table nya pati coffee table meron din. Pati mga sofa set meron din.

"Why are you here?" Maotoridad nyang tanung ng hindi tumitingin sakin.

Nag-cross arm ako at bahagyang lumapit sa kanya. Hindi ako pumasok sa panghapong klase ko para lang maka-usap sya. Buti nalang at wala syang meeting.

"I just want to ask you something." Hindi sya kumibo halatang hinihintay ang sasabihin ko. "...About the pictures."

Tumigil ang mga kamay nya sa ginagawa pero nanatili syang hindi nakatingin sakin.

"Bakit nasayo ang mga yon?"

Tinignan nya ko ng walang reaksyon pero bakas pa rin ang tapang sa mga mata nya.

Nakakatakot.

"It's very simple Aries. At alam kong yun din ang gagawin mo." Sagot nya at muling bumalik sa ginagawa.

Tama sya. Haharangin ko din ang mga yon kung makita ko. Malamang nakita ni Kuya ang laman non bago pa makarating kay Jay-jay.

"May ginawa ka na bang aksyon?" Muling tanong ko.

Hininto ulit nya ang ginagawa. He look at me seriously. Malalim ang naging buntong hininga nya bago tumayo at lumapit sa isang table kung saan nakapatong ang gamit nya.

Meron syang kinuha sa loob ng briefcase. Inabot nya sakin yun ng hindi lumalapit kaya napilitan akong kumilos para kuhanin yon.

Manila envelope?

Binuksan ko yun at tinignan ang laman. Mga picture at ilang pirasong papel.

"Ryosuke Sato. Only son of a very well known Yakuza family in Japan. Rival of Yuri." Sabi nya at sumandal sa lamesa habang nakapamulsa.

Tinignan ko ang mga litrato. Hindi ko pa sya nakikita kahit minsan.

"Kung si Yuri ang kaaway nya, bakit si Jay-jay ang pinapadalhan nya ng death threats?"

"Malamang alam nyang mahalaga si Jay-jay kay Yuri."

Kung tutuusin kasalanan pala nya ang bagay na to. Pero walang saysay kung sisihin ko sya. Tinignan ko ang ilang mga papel. Mga information tungkol kay Sato pero hindi ganun kahalaga para makilala sya.

22 years old. May kaso sa Japan kaya nagtago sa Pilipinas. Sangkot sa patong-patong na kaso sa gambling sa ilang illegal casino.

Pero walang nakalagay kung panu nya nakaharap si Yuri. Masyadong kulang ang mga detalye. Kulang na kulang.

"Do you have any plan?" Tanung ko kay Kuya.

"Sinubukan ko syang ipahanap sa mga koneksyon ko pero mautak ang taong yun."

Binalik ko ang mga papel at picture sa brown envelop at pabatong binaba yun sa lamesa. Napahilamos ako sa muka ko. Ang hirap ng ganitong wala kaming maisip gawin.

"Nakausap ko si Yuri." Sabi ko at napatingin sya sakin. "...sinabi ko sa kanya ang nakita ko."

"Anung sabi nya?"

"Matagal na daw nyang alam ang bagay na yon. Sinusubukan nyang bantayan si Jay-jay sa abot ng makakaya nya."

"But he can't be with Jay-jay all the time."

Tama sya. May mga pagkakataon na hindi sila magkakasama. Sa mga pagkakataon na yon pwedeng gumawa ng hakbang si Sato.

Nasabi na rin nya sakin na alam ng buong Section E ang nangyayari kaya tumutulong din sila. Pero hindi sapat yun, hindi sapat ang buong Section nila.

Kainis!

Hindi naman dapat ako na-mo-mroblema ng ganito, bakit kasi hindi ko maiwasan. Malalim na buntong hininga ang binitawan ko.

"You look worried." Kuya Angelo said.

Napatingin ako sa kanya. Kakaiba ang mga tingin nya sakin. Para bang meron syang ino-obserbahan sakin.

"What?!" Inis na tanong ko.

"Your no longer mad at her?"

Napaiwas ako bigla. Alam nyang ayokong pinag-uusapan ang bagay na yan. I cleared my throat few times but I still feel a tension inside me.

Umalis si Kuya sa pagkaka-sandal sa lamesa at naglakad-lakad sa harap ng glass window ng opisina nya.

"You know Aries..." He started. "...I always take cared of you and Jay-jay—like your my own flesh and blood. I try my best to disciplined both of you and give your necessities..." Niluwagan nya ang suot na necktie. "...I try to do many things like a real father will do. Dahil ayokong maranasan nyo yung naramdaman ko—lumaking walang Ama."

Umiling ako. "You never failed."

"I did." Mabilis nyang sagot at ngumiti. "...because if I don't, both of you will still love each other the same way you do before."

"It's a different story."

"Sinubukan ko kayong pag-ayusin pero naging matigas kayo pareho. Tell me Aries...what is the real reason of your hatred with Jay-jay?"

Nagkuyom ang kamao ko. I knew he'll ask about it. I'm not sure if this is the right time but he will never stop asking.

I have to explain everything.

Unti-unti kong binuksan ang polo ko mula sa ibaba. Pagkatapos ay tinaas ko ang pang-loob kong tshirt para ipakita sa kanya ang peklat sa ibaba ng dibdib ko.

"Anung meron sa peklat mo?"

Huminga ako ng malalim. "Sya ang..." Napapikit ako. "...sya ang sumaksak sakin."

Binitiwan ko ang dulo ng damit ko at unti-unting dumilat. Bakas ang pagkabigla sa mga mata ni Kuya.

I understand. Wala akong pinag-sabihan ng totoo'ng nangyari noon. Kahit sila Keifer, Yuri at Percy na kaibigan ko pa noon. Ang alam ng lahat nakuha ko to sa pagtangkang tumakas sa lalaki'ng kumidnap samin ni Jay-jay.

From my own father.

"H-how?"

"Wala sya sa sarili. Ilang beses ko syang tinawag at pinaki-usapan pero hindi nya ko naririnig o pina-pakinggan."

Halatang naguluhan sya sa sinabi ko. Puno ng pagtataka at hindi maintindihan ang paliwanag ko.

"I don't get it."

"Wala sya sa sarili. Alam kong alam mo yung pangyayaring yon. Wala syang maalala sa kahit anung ginagawa nya."

He curse and hold the bridge of his nose. Alam kong matagal na nyang problema ang kalagayan ni Jay-jay na yon. Ayaw lang talaga magpadala nung isa sa doctor.

Natatakot daw kasi....baka takot malaman na baliw sya.

"...because of him, marami akong hindi magawa ngayon. Kailangan laging naka-medication muna bago gumawa ng activity." Napabuntong hininga ako. "...dahil sa kanya nagkaroon ako ng sakit."

"You can't blame Jay-jay like that."

"I have lot of reason to hate her."

Napailing sya. "And she have lots of reason to get mad at you."

Natigilan ako. Naging malalim ang tingin sakin ni Kuya. Para bang sinasabi nya na mababaw ang dahilan ko.

"...Ikaw ang Kuya nya, pero dahil sa dahilan mo—you let her feel fvcked! Ilang beses lumapit sakin si Jay-jay noon para itanung ang tungkol sayo pero hindi ko sya masagot..." Nagsimulang magsalubong ang kilay nya. "...Ilang taon mo sya'ng tiniis? She feels alone! And you're not there to comfort her."

Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-yuko. Mali ba ko?! Mali bang makaramdam ng galit sa lahat ng naranasan ko?!

"You let her suffer! Tell me Aries....hindi pa ba sapat na kabayaran yun sa sakit na binigay nya sayo?! Kailangan ka ng kapatid mo."

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas na kahit na anung salita sakin.

"Subukan mong ayusin ulit ang lahat sa inyo....bago mahuli ang lahat." Dagdag nya.

Kaya ko ba? Kaya ko bang ayusin ang meron samin. Buti sana kung ganun lang kadali yun. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nagagalit sa kanya.

Kaya ko bang kalimutan lahat ng galit ko sa kanya?

+++++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Oo! Gumanyan ka! May kalalagyan ka sakin!

Sige lang....wag ka mamansin.

"Hoy! Anu?! Ganyan ka nalang?!" Inis na sabi ko kay Yuri.

Tinignan nya ko sandali at tinalikuran na naman. Gusto'ng-gusto kong kutusan sya ng malakas-lakas. Natapos ang lunch at lahat-lahat hindi pa rin nya ko pinapansin.

Matapos ang unang subject namin sa tanghali ng magkaroon ng emergency meeting ang mga teacher. Nawalan kami ng klase pero isang oras lang.

Bigla nalang naglakad si Yuri papunta sa gilid ng building namin kung saan mapuno. Naupo sya sa bench na inupuan namin dati nung mangyari ang first kiss namin.

Iihhkkk... Memory!

Napailing ako para alisin sa ala-ala ko yun. Ayokong yun ang unang papasok sa isip ko tuwing mapupunta sa bench na to.

Pasipol-sipol akong sumunod sa kanya tapos ay padabog na naupo sa bench. Salubong ang kilay nyang tumingin sakin.

"Kailangan mo?" Walang gana nyang sabi.

"W-wala. Naupo lang. Bakit? Kailangan ng dahilan para maupo at magpahangin."

Napataas ang isang kilay nya. "Talaga lang ah?"

"Bakit? Akala mo nagpa-papansin ako sayo? Hindi no!"

Oo. Sige. Lokohin mo sarili mo Jay.

"Edi hindi." Bulong nya na narinig ko pa din.

"Talagang hindi." Parinig ko.

Hindi na sya nagsalita pa at nanatiling nakaupo don. Narinig ko pa syang nagbuntong hininga bago tumayo at tangkang aalis na naman.

Mabilis kong hinablot ang dulo ng polo nya. "Aano ka na naman?!"

"Lilipat ako ng tambayan. Nakakahiya sayo." Sabay hatak sa polo nya.

Ay wow!

Inis akong napatayo at tinignan sya ng masama.

"Para kang tanga!" Sigaw ko sa kanya.

Huminto sya at dahan-dahang humarap sakin. Salubong ang kilay nya at halatang nainis sa sinabi ko.

"Ako pa ngayon ang parang Tanga?!" Sigaw din nya sakin.

"Hindi ba?! Lapit na ko ng lapit—layo ka naman ng layo!"

"Kasi nga naiinis ako sayo!"

"Yun lang?! Yun lang nainis ka na?! Ilang beses kitang nasuntok dati, ngayon ka lang nainis!"

Nasabunutan nya bigla ang sarili. Napabuntong hininga din sya bago ako sagutin.

"Sinusubukan ko din kung anong gagawin mo! Hinihintay kitang manuyo pero ikaw pa tong ma-pride."

"Edi sorry!"

"Sorry mo pagalit! Ganyan ka ba talaga?! Minsan matuto ka namang magpa-kumbaba!"

Aww...

Nagsalubong ang kilay ko pero hindi dahil galit ako. Hindi ko maiwasan na hindi sumang-ayon sa sinabi nya. Masyado na yatang mataas ang pride ko kaya kahit simpleng sorry na sincere hindi ko mabigay sa kanya.

Napayuko ako. Mabilis naman nyang naramdaman na tinamaan ako sa sinabi nya. Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko.

"S-sorry. I didn't mean—."

"Hindi. Okay lang." Putol ko sa sasabihin nya. "...kung tutuusin tama ka talaga. Masyado ng mataas yung pride ko hindi na nakakatuwa." Hinawi ko ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko. "...babalik na ko sa loob para hindi ka maistorbo."

Naglakad na ko palayo sa kanya. May ilang hakbang palang ang layo ko ng may biglang humawak sa braso ko. Hinawi ko ulit yun pero naging mahigpit ang hawak nya sakin.

"Jay.... S-sorry." Sabi nya habang dahan-dahan akong inihaharap sa kanya. "...Nag-papa-lambing lang talaga ako sayo. Wala akong ibang ibig sabihin don."

Nakayuko at pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko para pagtapatin ang mga mata namin pero naging mailap ako.

"Jay-jay naman."

Dalawang kamay nya ang humawak sa muka ko para pilit iharap sa kanya. Nagtagumpay sya pero ipinikit ko naman ang mga mata ko.

"Open your eyes." Utos nya.

Nanatili akong nakapikit.

"Don't let me count."

Hindi ako nagsalita.

"Jay-jay. Isa."

Sinubukan kong alisin ang mga kanay nya sa muka ko.

"Ayaw mo talaga. Dalawa."

Diniinan ko pa ang pagpikit.

"You'll regret this. Tatlo."

Segundo ang binilang ko bago sya kumilos. Bago nya napabukas ang mga mata ko sa pagkabigla. Pigil ang hininga ko at hindi nakagalaw.

Hinalikan nya ko.

Ayaw pang gumana ng mga kamay ko nung una pero nang tuluyan ng bumalik ang wisyo ko buong lakas ko syang tinulak.

Pareho kaming naghabol ng hangin ng tuluyang magkalayo. Pinunasan ko ang mga labi ko. Hindi ako makapaniwala. Sinamantala nya ang pagkakataon.

"Y-yuri..." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

Gusto ko syang awayin at sumbatan. Mali to! May usapan na kami pero bakit nya ginawa.

"Jay....I'm—."

"Nice. Nawala lang si Keifer duma-moves kana."

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Nakapamulsa ang isang kamay at nakatingin samin ng masama si Edrix.

"E-edrix..." Tawag ko sa kanya.

"Andyan na si Ma'am. Pumasok na kayo." Walang gana nyang sabi at tumalikod na samin.

Shit! Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Sandali kong tinignan si Yuri bago maglakad pabalik. Halos habulin ko si Edrix na nauuna samin pero bago ko pa sya mapigilang makapasok ng room lumingon na sya sakin.

Seryoso syang nakatingin sakin. "Kung ayos lang sana sayo....gusto ding manghingi ng time para ipaliwanag sayo ang side ko."

Napa-tango nalang ako ng di-oras. Tatalikod na sana sya ulit ng hawakan ko sya sa braso.

"E-edrix... Yung s-sa nakita mo kanina—."

"Wag na nating pag-usapan." Sagot nya sakin at tuluyan na syang tumalikod.

Hinayaan ko muna syang makapasok sa room. Nakaramdam ako ng presenya sa likod ko. Alam kong si Yuri yun kaya mabilis ko syang hinarap.

"Bakit mo ginawa yun?!" Inis na tanung ko.

Napayuko sya. "S-sorry. Nadala lang."

Tatalikuran ko na sana sya ng muli syang magsalita.

"...natatakot ka ba?"

Walang kahit na anong emosyon sa tinig nya. Hindi nang-aakusa o nangungutya. Parang seryoso'ng seryoso pero walang galit.

"A-anu—."

"Natatakot ka ba na isumbong ka nya kay Keifer?" Tuloy tuloy na sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

N-natatakot?

Ewan ko pero andun nga yung pakiramdam na takot. Takot saan? Takot nga ba ako na makarating yun sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya. Nalilito ako. "H-hindi ko alam."

Mabilis ang bawat hakbang ko papasok sa room. Naupo ako agad at nakatingin lang naman sakin si Ci.

"Okay ka lang?" Tanung nya.

"H-ha?"

Tinitigan nya ko habang naka-kunot ang noo. Napalunok ako dahil sa tensyon na biglang naramdaman ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko hangang sa biglang.....

'PPPRRRROOOUUUUTTTTTTT'

"ANG BAHO!"

"Hayop! Sinong umutot?!"

"Putcha! Parang one year na hindi tumae ang Gago!"

"Nakaka-suka!"

"Pota! Parang lahat ng sama ng loob nilabas na!"

"I-cancel ang klase!"

"Si Jay-jay po yung umutot!" Sigaw ni Ci habang nakaturo sakin.

Anak ng pota!

"H-hindi po!" Tanggi ko.

"Seryoso? Ang baho! Kelan mo pa dinadala yan?" Tanung ni David.

Mabilis ko syang tinignan ng masama. At naniniwala talaga sya sa sinabi ng Batang Kumag.

"Anu ba yan Jay! Parang hindi ka babae!" Inis na sabi ni Eman.

"Gusto mo na yata kaming mamatay." Dagdag ni Felix.

"Tama na yan. Langhapin nyo nalang para mawala agad." Awat ng teacher namin habang nagpa-paypay.

Bwisit naman!

Ako talaga iniisip nilang nagpakawala ng bomba. Napilitan akong magpaypay sa ere para mawala agad ang amoy. Napatingin kay Ci ng mapansin kong pasimple syang tumatawa.

Binatukan ko sya. "Ikaw ang umutot!"

Himas-himas ang batok nya gamit ang isang kamay habang naka-peace sign naman yung isa. Kainis naman eh!

Hayop makaturo ang Batang Kumag na to. Ang lagay ako pa ang agrabyado sa kalokohan nya. Samantalang muntik na kong malason sa kagagawan nya.

Nakaka-suffocate ang amoy ng utot nya. Parang sinakal yung baga ko sa baho. Feeling ko nanuot ang amoy sa bawat atom sa parte ng katawan ko.

Napatigil ako sa pagpapa-paypay ng pumasok si Yuri sa room. Hindi nya ko tinapunan ng tingin. Tuloy-tuloy lang sya hangang sa maka-upo.

Bumalik na naman sa isip ko yung tanung nya. Natatakot nga ba ako?

Natatakot nga ba ako'ng malaman ni Keifer?





++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

31.7M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
108K 5.5K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...