Hi guys.Sorry for the long month non update.I became busy that's why i dont have the time to update the story again.And one more thing,sorry for being jeje sa first and other chapters.4th year highschool pa po kasi nung ginawa ko to medyo childish pa imagination.At first it was a little bit corny,immature,and there is a lot correction for grammars and spellings.Sorry guyth! :) Im only using my phone that's why there are errors for some chapters and im in a hurry that's why the outcome is wrecked.Haha.Okay i just want to thank you all guys for keeping on reading my story.We reached the 8K reads and im so happy!.So yun,i just want to tell you guys that apart from this story i am writing another story entitled "Its started with a Joke" this story is still ongoing and the other one is "He's Gone" it was a short story and it is completed.So please support my another two story like how you support the CANC story.Thankyouuu guys Heart Heart .
--
Hinatid ko na si Kath sa room nya at nagpahatid na kay Manong sa bahay para kumuha ng gamit ko at ng basketball attire.Sandali lang ako sa bahay at dumiretso na sa lugar na pinagusapan namin ni Xian.
Matagal tagal na din akong hindi nakapaglaro ng basketball.At namiss ko tong masyado lalo na ang kalaban ko ay ang mga kababata ko dati.
Pagkadating na pagkadating ko sa lugar kung saan kami naglalaro,nakita ko yung mga kababata ko at laking gulat nila nung nakita ko.Tumatakbo silang sinalubong ako at nagsiyakap sa akin isa isa.
"Tollll!Kamusta na? Ngayon ka na ulit napunta dito!Grabe ang gwapo mo na dati binubully ka pa namin ni Arkin at Xian eh.Ngayon mas matangkad ka pa samin!" galak na galak si Arky kambal ni Arkin.
"Parr namiss ko kayo!" sabi ko sa kanila.Sa loob ng 4 na taon ngayon ko na lang sila ulit nakita.Nung nagumpisa kasi ako magartista hindi na kami nagagawi dito ni Mama.Dito kasi nakatira dati sila Mama.
"Oh tama na emote simulan na natin ang laban!"sigaw ni Xian at nagsimula na kaming maglaro.
"Group Hug!" sigaw ni Arkin.Nag group hug kami at talagang damang dama namin ang pagkamiss sa bawat isa
"Tama na yan!Laro na tayo!" bulyaw ni Xian at ipinasa sa akin ang bolang kanina pa nya dinidribble.Halatang inip na inip at gustong gusto na nyang maglaro.
Kagrupo ko si Arky at ang iba ko pang kababata.Si Xian at Arkin naman ay may sinali pang iba.
"Daniel!Shoot mo na!" ipinasa sa akin ni Bibo yung bola pagkatapos nya itong masteal kay Xian.Maaagaw na sa akin ni Xian yung bola nang bigla akong tumakbo at idinunk ang bola sa ring.
"Wooo!Galing mo par!Walang kupas!"inapiran ako ni Arky at tumakbo na sa kakambal nya para bantayan ito.
"Okay team!Walang papatalo!" sigaw ni Xian.nagsimula na syang magdribble at pinagpatuloy na namin ang game 1.
Natapos ang laro at kami ang nanalo.Si Xian bakas na bakas sa mukha nya ang pagkatalo.Halos nasabunot na nya ang sarili nyang buhok dahil sa offensive foul ni Kirk.Isa sa mga kagrupo nya.
"Hahaha.Pre easy lang ikaw talaga wala kang kasports sports sa katawan.Chill chill lang tayo"pagcomfort ko.Tinawanan lang ako nito at pinunasan nya ang pawis na kanina pa tumatagaktak sa kanyang mukha.
"Mga par!Chix hunt tayo maya sa Bar!"pag aaya nung kambal.
"Tara!Makapagchill man lang.Namiss ko na mangchikababe eh"ani ni Xian.Kahit kailan napaka chickboy neto kaya walang tumatagal na girlfriend eh.
"Ano daniel?Sama ka ba?" tanong ni Arky.Hndi ko alam ang isasagot ko.Namimiss ko na din magbar eh.Pero ano pa bang magagawa ko.
"Mga par,pasensya na ha?May chix na ako eh.Ayokong magalit sya sa akin"pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Wowwwwww."sabi nilang lahat na ikinagulat ko.
Isa isa silang nagpalakpakan at nagtatalon pa yung iba.Daig pa nila ang nasa bar na nagpaparty party,kinakantsawan nila ako isa isa dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"May lagnat ka ba tol?"pang aasar ni Arky.Hinipo pa nya ang noo ko para magkunwari na tignan kung maysakit nga ba ako.
"Pre nabarang ka ba?Nakulam?anong nangyayari sayo?"pang aasar ni Xian.
Lumapit sa akin si Arkin naglagay pa sya ng hanky sa noo.Yung tipong datingan ni Dao Ming Zi ang hitsura.Kumuha pa sya ng dahon ng bayabas sa puno na malapit sa court at naglakad na patungo sa pwesto ko
"Kung sino ka man demonyo ka na sumapi sa katawan nang kaibigan ko!Parang awa mo na umalis ka na sa katawan nya!"sigaw nya at pinapalo pa nya yung dahon ng bayabas sa ulo at katawan ko.
"Kuya arky!Yung holy water madali!"utos nya kay Arky.Siya naman bigay ni Arky nang isang bote ng tubig kay Arkin.
"Eto tol.Mga par maghawak hawak tayo ng kamay madali!Para patuloy na mawala ang mga masasamang kaluluwa sa katawan ni Daniel!"sabi nya kela Xian at Bibo pati na rin sa mga kasama nito.Naghawak hawak sila ng kamay at pinaikutan ako.Nasa loob kami ni Arkin at ibinubuhos nya sa akin yung tubig na binigay ni Arky at patuloy na ipinapalo sa akin yung dahon ng bayabas.
"Arky!Ano ba!Hindi ako sinasapian"sigaw ko sa kanya at napatawa sila ng malakas
"Hahahahahahahaha.Himala kasi yung sinasabi mo Daniel!" sabi nila na sabay sabay pa.
"Ano ba kayo,goodboy na to nu.Mga sira talaga kayo.Nabasa pa yung damit ko." Tinanggal ko yung sando na suot ko at shirtless na ako ngayon.Patuloy pa din nila akong pinagtatawanan at nagpunta na sila sa isang cafeteria na malapit dito sa court.
"Tol sunod ka na lang ha!"sigaw ni Xian at Arky.
Nagnod lang ako sa kanila at kinuha ang dala kong bag para kunin ang plain shirt ko.Magbibihis na sana ako nang Laking gulat ko nang pinunasan ng isang babae ang mga pawis sa katawan ko.Nilingon ko sya at minukhaan.
"Bakit ba nagpapatuyo ka ng pawis sa katawan?Magkakasakit ka pa nyan eh."Patuloy pa din nya itong pinupunasan at hindi man lang ako tinitignan.
"Teka?Mimi?Ikaw ba yan Mimi?" hinawakan ko ang baba nya at itiningala ito.
"Mimi ang ganda mo na ah!" bati ko sa kanya at tinignan nya lang ako.
"At ang gwapo at ang macho mo na.Dati isa ka lang stick ng posporo ngayon isa ka nang macho gwapito!"pang aasar nito.Pinunasan pa nya yung pawis sa mukha ko at muntikan nang magkalapit ang aming mga mukha nang tumingkayad sya dahil hindi nya ako maabot.Umiwas ako sa kanya at lumapit na naman sya
"Ah eh,ako na.I can handle this" kukunin ko na sana ang towel na hawak nya ng umilag sya at pinagpatuloy ang pagpunas ng pawis sa mukha ko.
"Let me do this.Namiss ko kasing gawin to sayo"sabi nya at hinalikan ako sa labi.Laking gulat ko nung ginawa nya yun.
"Mimi ano ba!" sabi ko sa kanya at patuloy pa din sya sa ginagawa nya.Natigilan lang sya nung hinawakan ko ang mga braso nya.
"Mauna na ko ha?See you again" sabi nya at nagflying kiss pa.
Yamot na yamot akong inaayos ang mga gamit ko at nagbihis na.Nagpunta na ako sa cafeteria para magpaalam sakanila.
"Oh par!Kain na!"pag aalok sakin ni Arkin at ibinigay sa akin ang upuan na nireserved nya.
"Di.Okay na ako.Mauuna na din ako kailangan ko pang sunduin girlfriend ko eh.Atsaka pasensya na kung hindi ako makakasama ha?Enjoy mga par.Sa susunod ulit" pagpapaalam ko.Nagfist to fist kaming lahat at lumabas na ako ng cafeteria.Sumakay na ako sa kotse at nagpahinga.
#SHORT UPDATE.