Mr. Cap
Lunes, araw ng Birthday ko.
"Happy Birthday Mr. Cap!" nakangiting bungad sakin ni Carson pagkapasok ko palang sa gate ng school.
"Ayos ah talagang sinalubong mo pa ako. Oh asan na yung gift ko?" sabi ko sa kanya.
"Ah-eh."
"Okay lang kung wala."
"H-hindi meron talaga akong regalo sayo."
"Asan na?"
"Sa party ko na lang ibibigay para surprise." nakangiting sabi nito.
"May nalalaman ka pang pa-surprise sige na nga."
"Tara!" sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
My heart skipped a beat.
What was that for?
"T-teka san mo ko dadalhin? Kararating ko lang tsaka huyy may klase pa tayo." sabi ko sa kanya nang simulan na niya akong hatakin palabas ng school.
"Basta sumunod ka na lang." sagot nito.
"Sinama mo pa talaga ako para mag-cutting class ano?"
"Hahaha patawa ka talaga kahit kelan Mr. Cap. Alam mo bang last week pa sinabi na walang klase ngayong araw di ka talaga nakikinig e noh?"
"Ano?" nakanganga kong tanong sa kanya.
"Oo halata naman diba walang katao tao rito sa school."
"Bakit di mo sinabi sakin nung weekend?"
"Nakalimutan ko e sorry na. Hahaha." natatawang sabi nito sabay peace sign.
"Eh bakit ka nandito ngayon?"
"Kasi alam kong papasok ka dahil alam kong di mo alam na walang pasok." paliwanag nito.
"Saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko sa kanya nang hilain niya uli ang kamay ko.
Namula naman ang mukha ko pagkahawak nya uli ng kamay ko.
"Basta. Teka bakit namumula yang pisngi mo?"
"Ha? a-eh ano kasi sinusumpong ako ng allergy." natataranta kong sagot.
"Ganun ba ganyan talaga pag kutis mayaman." pang-aasar nito.
"Lagi mo na lang pinagdidiinan na mayaman ako e noh?"
"Totoo naman kasi."
Napabuntong hininga na lang ako.
"San mo ba talaga ako dadalhin?"
"Sa langit." nakangisi nitong sagot.
"Ano?"
"Sa langit." ulit nito.
"Nahihibang ka na ba? Baka naman ipa-salvage mo ako."
"Yun nga kaya nga sa langit punta natin diba? Ano ba sa tingin mong langit ang tinutukoy ko?" makahulugan nitong titig sakin habang naka-ngisi.
"Huyy hindi ko yon iniisip ah." depensa ko.
"Wala pa akong sinasabi."
"Seryoso saan mo ko dadalhin?"
"Basta! Malalaman mo pagdating natin don." he gave me an encouraging smile.
"O-kay."
~*~
"Anong gagawin natin dito sa mall?"
"Maglalaba siguro." sarcastic na sagot nito.
Napaka-pilosopo talaga.
"Pwede ba kahit ngayong araw lang mag-seryoso ka naman." naiinis kong sabi sa kanya.
"Hello? common sense naman kasi ang sagot sa tanong mo. Ano bang ginagawa sa mall?"
"D-date?" alangan kong sagot.
Biglang namula ang mukha niya.
Natawa ako.
"Yuckkk!" sabi nito sabay acting na parang nasusuka.
"Asus aminin mo na Carson gusto mo akong ma-solo ngayong araw." pang-aasar ko sa kanya habang nakangisi.
Lalong namula yung mukha niya pagkasabi ko non.
"Ayun oh. Nagb-blush na siya." asar ko uli sa kanya.
"H-hindi ah." sabi nito sabay talikod at nauna nang naglakad.
"Uyy hintayin mo ko. Inaya aya mo ko tapos iiwan mo lang ako."
Sinundan ko siya sa paglalakad.
Ambilis naman maglakad ng isang 'to.
Tumigil siya sa isang bookshop na ngayon ko lang nakita.
Kabubukas lang siguro nito last week.
Yung ambiance ng bookshop hawig na hawig sa mga bookshop sa ibang bansa.
Pagbukas mo ng pintuan ay sabay na tumutunog ang mga wind chimes na nakasabit sa taas ng pinto.
Pagkapasok ay nilibot agad ng mata ko ang kabuuan ng bookshop.
Sa loob nito ay pinaghalong classic at modern type ang disenyo.
May mga portrait, painting, poems at ibang mga literary art pieces din na nakasabit sa bawat dingding.
Napaka-cozy sa paningin.
Sa isang sulok naman may maliit na platform na nilagyan ng mesa at upuan.
Mapapansin mo agad ang karatulang nakasabit sa gilid nito.
Bibliophile's lane
Ang ganda naman dito.
"Huyy Mr. Cap!"
"Ha?"
"Natulala ka diyan?"
"Ah ang ganda kasi rito."
"Sabi ko na nga ba e magugustuhan mo rito." nakangiting sabi nito.
"Gustong gusto."
"Tara don banda maraming magagandang libro akong nakita don nung isang araw." sabi nito sabay hila sakin sa panghuling shelf.
Ginawa naman akong tuta neto.
~*~
"Mr. Cap bilhan mo ko nito! Inkheart trilogy ni Cornelia Funke!"
"Sino bang may birthday ngayon ikaw o ako?" sabat ko sa kanya.
"I-ikaw ah-eh hehehe sorry." sabi nito sabay balik nung tatlong libro sa shelf.
Napansin kong kinuha nito ang kanyang wallet at binuksan.
Kita ko ang pagkadismaya nito pagkatapos.
50 pesos lang ang laman nito.
Kinuha ko ulit yung tatlong libro sa shelf at binitbit.
"Mr. Cap b-bibilhin mo?" gulat nitong tanong.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Wag akin yan e. Itatago ko muna rito habang pinag-iipunan ko pa."
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa counter.
"Mr. Cap please naman o bumili ka na lang ng ibang libro wag lang yan please." pagmamakaawa nito.
Natawa ako.
Parang batang inagawan ng candy ang mukha niya ngayon.
Hahahahaha.
Nang makapunta ako sa counter ay hindi na siya umimik at nauna nang lumabas ng store.
Sigurado akong kumukulo na dugo non ngayon. Hahaha.
Pagkatapos kong mabayaran ay agad kong hinanap kung saan siya nagpunta.
Nakasandal siya sa may glass wall ng bookshop habang nakahalukipkip ang dalawang kamay nito sa magkabilaan.
Nakabusangot ang mukha nito na parang luging lugi.
Natatawa akong lumapit sa kanya.
Nang mapansin niya ako ay tumaas agad ang kilay nito at mabilis na inalis ang tingin sakin.
Nang makalapit ako ay inirapan lang niya ako.
"Happy?" sabi nito.
Hindi ako umimik at kinuha ko na lang ang kamay nito.
Nagulat siya pagkakuha ko nito.
Magpro-protesta pa sana siya pero nailagay ko na yung paper bag sa kamay niya.
His face lighten up.
"A-akala ko i-ikaw—" nauutal nitong sabi.
"Para sayo yan." pagpuputol ko sa kanya.
"T-thank you!" mangiyak ngiyak nitong sabi.
"So saan na next stop natin?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Saan kaya maganda? hmmm..."
sabi nito habang nag-iisip.
"Alam ko na! tara mag-arcade."
malawak na ngiti nitong sabi.
"What? di na tayo bata Carson." pangongontra ko sa kanya.
"Ahh oo nga pala senior citizen ang kasama ko ngayon saan kaya kita pwedeng iwan." tawang tawa nitong sabi.
"Ha. ha. ha. nakakatawa dami kong tawa." sarcastic kong sabi.
"Yung totoo? nag-arcade ka na ba dati?" tanong nito.
"Uhm I think—hindi pa." nag-aalangan kong sagot.
"Sabi ko na nga ba e hahahaha.
Si Mr. Cap A.KA. rich kid ay hindi pa nag-arcade kahit minsan."
tawang tawa nitong sabi.
"Ha?! Wala akong sinabi na hindi pa ako nag-arcade noh."
"Kakasabi mo lang kaya."
"Hay naku ewan ko sayo."
Ako naman ngayon ang naunang naglakad.
"Teka saglit!"
Muntik na akong matalisod nang hilain niya ako.
"Ano?" inis kong sabi rito.
Unti unting pumorma ang ngisi sa labi nito na halatang nagpipigil lang ng tawa.
Napataas ang isang kilay ko.
"S-sorry hahaha napaka-childish mo kasi hahaha." pigil tawa nitong sabi.
"Ako pa ngayon ang childish e ikaw nga tong nag-aaya na mag-arcade." sagot ko sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi lang pambata ang arcade?"
"Edi hindi kung hindi!" inis kong sabi.
"Tara na kasi andami mo pang drama." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
"Chumachansing ka na naman!" sabi ko rito.
Agad naman niyang binitawan ang kamay ko pagkasabi ko non.
"Asa ka pa hihilain lang naman kita e." sabi nito sabay irap.
"Asus indenial ka pa gusto mo naman." sabi ko.
"Hangkapal."
Natawa ako.
Kinuha ko naman ang kamay nito.
Automatic na namula ang buong mukha nito pagkahawak ko sa kamay niya.
"O yan libre na para di ka na mahirapang chumansing." natatawang sabi ko sa kanya.
Hinila niya pabalik ang kamay nito pero dahil sa higpit ng kapit ko hindi niya 'to maalis.
Natatawa ako sa hitsura nito habang pilit tinatanggal ang kamay nito sa kamay ko.
"Ano ba tanggalin mo nga yang kamay mo sa kamay ko!"
"Wag na gusto mo naman diba?"
"Kadiri ka anong gusto ang pinagsasabi mo? Baka mamaya may bacteria at germs itong kamay mo mahawaan mo pa ako ng sakit."
"Hindi yan. Pinanghawak ko lang naman ng ano ko yan kanina e."
natatawang sagot ko.
"Yuckk! kadiri ka talaga kahit kelan. Tanggalin mo 'to kung hindi uupakan kita!" banta nito.
"Maka-yuck ka naman diyan. Ano bang iniisip mong hinawakan ko kanina? Sabi ko hinawakan ko yung ano ko—yung binti ko. Kala mo siguro yung ano ko noh? Hmmm ang berde talaga ng isip mo Carson."
"H-hindi ah linawin mo kasi!"
mamula mula nitong bulyaw.
Natawa ako.
Anlambot talaga ng kamay niya.
Pinisil ko ang kamay nito.
Napatingin naman agad siya sakin.
"Lamog na yang kamay ko wag mong pisilin taena mo! Magbibilang ako ng tatlo pag hindi mo pa tinanggal yang kamay mo uupakan na kita—Isa."
"A-yo-ko nga."
"Dalawa."
"A-YO-KO."
"Tatlo!"
"Argh! Ouch!"
Napabitaw agad ako sa kanya ng tadyakan niya yung paa ko.
Tawang tawa naman ito nang makita ko siya.
"Ah ganyan pala ang gusto mo. Lagot ka sakin ngayon!" sigaw ko habang tumatayo mula sa pagkakaupo.
Kumaripas siya ng takbo na agad ko namang hinabol pagkatapos.
To be continued...