A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 6

2.9K 40 0
By Ae_december


IRIS

Mabuti nalang talaga at nagkaroon nang mga importanteng lakad ang tatlo at hindi ako kinulit maghapon. Mag-isa tuloy akong uuwi. Ngunit bago ako umuwi, may gagawin muna ako ngayon. Naisipan kong sundan si Hector. Na-iintriga talaga ako sa kanyang pagkatao.

Bakit siya ganon kung makatingin sa akin. Teacher din pala siya, katulad ko. At talagang sinabi pa niya kanina na magkakilala kami. Ang alam tuloy nang lahat ngayon, may kuneksyon kami sa isa't-isa. Na para bang na link ako sa kanya, kasi gwapo siya eh at binata. Alam ng lahat ng mga kapwa guro ko dito sa paaralan, ang tungkol sa nangyaring suicide ni Albert. Kaya yung biglaang pag-sulpot niya rito ang naglagay sa akin sa nakakahiyang sitwasyon.

At speaking of suicide, walang nangyaring burol at libing. Hindi ko nakita ang bangkay ni Albert kahit kailanman, kaya hanggang ngayon, hindi ako naniniwalang nagpakamatay talaga siya. Ang sabi nang mga magulang ko, dinala raw yung bangkay niya sa bahay nang kanyang mga kamag-anak at inilipat kaagad sa Maynila. Yun daw ay matapos makita ang kanyang bangkay.

Ngunit ang kwento naman nila Miranda sa akin, wala nga raw bangkay na nakuha. May mga teacher dito na may kakilala sa munisipyo namin at yun nga ang naging chika nila roon. Naghanap daw ang otoridad nang buong San Francisco ngunit wala silang nakuhang bangkay. At parang pinalabas nalang na mayroon ngang nakuha.

Halos mabaliw ako noon, hindi ko kasi alam kung sino ang aking paniniwalaan. Yun din ang naging dahilan kung bakit nagbago ako sa aking mga magulang. May tinatago kasi sila sa akin at dahil doon nagkaroon ako nang kinikimkim na sama nang loob sa kanila. Mas pinaniniwalaan ko pa ang aking mga kaibigan dahil sila ang madalas na dumadamay sa akin. Kilalang kilala rin nila si Albert. Kung kaya't maski sila, naniniwala ring hindi niya maaaring gawin ang bagay na iyon. Bakit kailangang makipag-sabwatan ang aking pamilya sa kanyang mga kamag-anak. Ulilang lubos na kasi si Albert kung kaya't ang tumatayong guardian niya ay ang kanyang mga tiyahin at tiyuhin nalang. 

Kung alam lang sana nila nanay at tatay na mas lalo lang nilang pinalala yung mga nararanasan kong depresyon. Ako ang kasintahan at higit na mas nakakakilala kay Albert kung kaya't nasasaktan talaga ako nang ipagkait nila sa akin ang mga impormasyon, ukol sa kanyang kamatayan.

Nakita ko mula sa bintana nang aking classroom si Hector na naglalakad patungo nang gate. Alas sais na nang hapon at wala na ang aking mga estudyante, pati na rin sa buong eskwelahan. Nagtungo ako sa aking lamesa at dali-daling sinukbit ang shoulder bag. Palabas na sana ako sa classroom ng makita ko siyang nakatayo nang tuwid sa pasilyo. Palinga-linga siya nang tingin sa paligid. Nagtago muna ako sa pader malapit sa pintuan at sinubukang sumilip. Hindi niya ako dapat mahuli. Ang weird niya talaga, yung mga ikinikilos niya, para bang may masamang binabalak.

Nang masiguro kong naka-labas na siya ng gate, hudyat na para sundan ko siya. Sinundan ko siyang parang isang detective. At paglabas ko nang paaralan, nakita ko siyang nakatayo na parang estatwa sa bangketa. Panay lingon ang kanyang ginagawa kung saan-saan, bakit siya ganon? Alam ko namang bagong salta lang siya rito sa lugar namin ngunit may kakaiba talaga sa kilos niya, hindi normal.

Napalingon siya sa aking kinaroroonan at mabilis akong nagtago sa likod nang nakaparadang traysikel. Sumisilip ako habang pinakikiramdaman ang susunod niya pang gagawin. Nagsimula siyang maglakad palayo ng paaralan. At kailangan ko talaga siyang sundan kung saan man siya pupunta, dito lang ba siya nakatira sa Poblasyon? At tsaka may magara siyang sasakyan, bakit siya naglalakad? Nahihiwagaan na talaga ako.

Binagtas niya ang bangketa at patungo na siya sa direksyon ng plaza. May pagkakataong tumitigil siya at tumatayo nang tuwid, yung ulo lang niya ang gumagalaw. Na para ba siyang isang robot, may something talaga sa kanya at kailangan ko itong malaman. 

Napapahinto rin ako sa paglalakad kapag tumitigil siya. Alisto akong maghahanap nang mapagtataguan. Hanggang sa may makita akong kariton at nagtago naman doon.

"Ma'am Iris!"

Napatayo ako sa tumawag nang aking pangalan at nauntog ang aking ulo sa hawakan nang kariton. Napa-kapit ako sa aking ulo dahil medyo masakit. Paglingon ko sa aking likod. "Melvin ikaw pala, anong ginagawa mo rito?"

"Tumambay po diyan sa may basketball court, eh kayo po, bakit po kayo nakaupo sa tabi ng kariton?"

Napa-pikit ako nang mata, nakakahiya sa kanya, ano ba naman itong pinag-gagagawa ko. Paglingon ko sa bangketa, wala na si Hector.

"Ah...eh wala, umuwi ka na sa inyo, anong oras na oh! Baka hinihintay ka na nang daddy mo," napa-kamot siya sa ulo.

May nakita akong traysikel at mabilis ko itong pinara. Pinasakay ko si Melvin at tsaka binayaran ang driver. Hindi nalang siya kumibo. At nang mawala na siya sa aking paningin, napa-tapik ako sa aking noo sabay hinga nang malalim.

"Nakita na naman kita,"

Napatalon naman ako sa gulat, sa nagsabi nun. Lumingon ako sa aking likuran. Na bigla nalang nanlaki ang aking mga mata. Yung lalakeng nag-ligtas sa akin kaninang umaga, nakatayo at katabi ang isang kulay pulang Ferrari. Hindi ko maiwasang mapa-nganga sa kanyang kotse, hindi ako makapag-salita. 

"Ihahatid na kita sa inyo," wika niyang muli.

"Teka hindi pa tayo magkakilala," mabilis kong sagot. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya ihahatid na kaagad ako sa amin.

Natawa siya at nabighani ako sa kanyang ngiti. Ang ganda nang ngipin, may dimples din kagaya ni Albert. Napahilamos ako sa mukha dahil ayoko siyang ikumpara sa lalaking ito.

"I'm Crey and you?" bigla akong kinabahan.

Yung english niya fluent, mukhang mapapalaban ata ako nito. At hindi rin ako makapaniwalang nangyayari sa akin ito ngayon. "A – ako si Iris,"

"O ayan magkakilala na tayo, pwede na ba kitang ihatid sa inyo?"

Napa-nganga na naman ako, seryoso ba siya? Para na kasi siyang nanliligaw sa akin. Ganon-ganon na lang ba yun, ngayon ko pa lang siya nakilala at nakita. At dahil sa para na naman akong nahipnotismo nito, sumama talaga ako sa kanya. At isa pa hindi rin kasi ako masyadong kerengkeng.

Ang gentleman niya, binuksan niya pa talaga ang pinto ng kotse para sa akin. Hindi ko maiwasang i-flip ang ga-balikat kong buhok. Para kasing nasa isang pelikula ang nangyayari sa akin sa oras na iyon.

Kinikilig ako, all the way, na to the point, parang nawala na ata si Albert sa aking isipan. Blessing in disguise ba itong maitatawag. Gusto ko na rin kasing maka move-on talaga mula sa kanyang pagkawala.

Umandar ang kotse namin at hindi ko sinasadyang mapatingin sa side view mirror. Nanlaki na naman ang aking mga mata. Nakita ko na naman kasi si Hector na tumatakbo naman ngayon patungo sa amin. Na para pa atang hinahabol kami, bakit? Bigla akong napasandal nang mariin sa upuan dahil tumulin ang takbo nang kotse. Napalingon ako kay Crey, na hindi nagbago ang gwapong ngiti sa akin.

"Mas mabilis tayong makakarating sa inyo," wika niya.

Ngumiti ako pabalik sa kanya kahit na't may halo itong pag-aalala. Hindi ko maiwasang sumilip sa rearview window nang kotse at nakita si Hector na tumigil na sa pagtakbo at parang estatwa nang nakatayo. Pinagmamasdan niya ang pag-layo namin.

***

Bigla akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. At pagbangon ko, nasa ibabaw pala ako nang isang magara at napaka-laking kama. Naka-suot ako nang night gown na lace at puti lahat. Kulay ginto yung tela ng bedsheet at ang lambot parang seda nang haplusin ko. Pinaliligiran ito nang maraming unan na kulay ginto rin.

Nakapaligid sa kama ang maraming gintong telang kurtina kung kaya't hindi ko nakikita ang labas nito. Sinubukan kong hawiin ang nasa tabi ko at tumambad sa akin ang maraming tao. Isa itong formal party at hindi ko lubos maisip kung bakit nandirito ang kamang kinalalagyan ko. Ang una kong napansin ay yung mga tao, ang gaganda nila at ang gwa-gwapo. Mukha silang mga bata at sa tantiya ko, halos kasing edaran ko rin sila siguro. Yung mga babae naka suot nang night gown na iba't ibang kulay samantalang yung mga lalake naka bow and tie. Ang susyal nilang tignan. Ano kayang ginagawa ko rito?

Umalis ako nang kama at nasorpresa nang humawi ang kumpol nang mga tao. May mga hawak pa silang kopita na mayroong red wine at champagne. Nagkaroon tuloy ng daanan sa aking harapan. At sa di-kalayuan nang ginawa nilang daanan, nakita ko si Crey na naka-tayo. Naka-suot siya nang puting bow and tie habang naka-pamulsa. Na bigla nalang akong napa-ngiti at kinilig. Ang gwapo kasi niya kahit nasa malayo. Kulay blonde ang kanyang buhok na malinis na naka brush up.

Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay na tila ba inuutusan akong lumapit sa kanya. Wala sa sarili naman akong sumunod. Kusang humakbang ang aking mga paa at naglakad palapit sa kanya. At ang ikinagulat ko pa, iba na ang aking suot. Naging ball gown na ito at kulay ginto.

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang palad paglapit ko sa kanya. Na ikinataranta ko pa dahil hinatak niya ako patungo sa kanya sabay yakap nang mahigpit. Nakita ko sa kanyang likuran ang magarang ball room na halos kulay puti ang buong paligid. Pinaliligiran ito nang mga naglalakihang bintana na halos tanaw mo na ang kalangitang puno ng mga bituin. Natulala ata ako dahil napaka romantic tignan.

Nagulat nalang ako dahil bigla nalang niya akong isinayaw. At ang mas nakakaloka nito, marunong din akong sumayaw at pang-ballroom pa. Sumayaw kaming dalawa sa saliw nang musika nang isang orchestra na umaalingawngaw sa buong paligid. At nakapaligid sa amin ang maraming tao na halos lahat naka-ngiti. Na feeling ko talaga nasa loob ako nang isang kwentong pang fairy tale, na ako yung prinsesa at siya yung prinsipe.

Natapos ang sayaw namin at nanatili kaming nakatayo sa gitna nang kumikinang na ballroom. Nagulat na naman ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at pinakita sa akin ang isang sing-sing na nakalagay sa maliit na kahon. Halos masilaw ako sa kinang nito. Ang laki at ang kulay niya, rose diamond.

"Marry me Iris," sambit ba naman niya bigla.

Hindi ako makapag-salita, kasi naman agad-agad talaga. "Gagawin kitang reyna sa piling ko," Napa-kagat ako sa labi at kinilig na talaga nang todo, as in reyna talaga, hindi muna dumaan sa pagka-prinsesa.

"O – oo payag ako," bulalas kong walang ka abog-abog.

"Iris," umalingawngaw ang boses na iyon sa buong ballroom.

At bigla akong natahimik. "Iris," tawag nitong muli.

Napalunok ako dahil kabisado ko kung kanino galing ang boses na iyon. Lumingon ako sa aking likuran at hindi ako makapaniwalang naroroon siya sa di-kalayuan. Nakatayo si Albert at abot langit pa ang ngiti. At ang ngiti niyang iyon ang gustong gusto kong makita. Biglang namuo ang luha sa aking mga mata. Para kasing may sumuntok sa aking puso, may kumurot, may sumampal, ang sakit.

"Pitong taon Iris," sambit niya. "Pitong taon,"

Tumahimik ang buong paligid at yung sinabi niya lang ang bukod tanging maririnig nang aking tenga. Pitong taon – tama ka Albert. Bigla nalang dumilat ang aking mga mata. Nagising pala ako mula sa isang panaginip.

Humagulgol ako nang pag-iyak. "Albert, sinayang mo ang pitong taon, ang daya mo,"

Hindi na ako nakatulog pang muli kasi magdamag na akong iyak ng iyak.

***

Namumugto pa ang aking mga mata nang pumasok ako nang eskwelahan kinabukasan. Feeling ko pa nga, nagbalik na naman ako sa dati.

Nagulat pa ako pagbaba nang traysikel, naroroon kasi si Crey sa gate na naghihintay sa akin. Kumaway siya ngunit umiwas lang ako nang tingin. Nakakahiya naman kung makita niya ako sa ganitong itsura. Yumuko ako at tuloy-tuloy na naglakad papasok nang gate.

Bigla naman akong nabangga. "Aray ko!"

Si Hector kasi parang estatwang nakaharang sa aking dinaraanan. At sa tangkad niya, para talaga akong nabunggo sa tore. Tapos yung mukha niya nakangiti, nang-aasar ba siya? Huminga ako nang malalim at saka ko siya sinungitan. "Ang lawak nang daanan!"

Nag-iba ako nang direksyon at hindi ko na pinansin pa.

"Teka gusto lang naman kita batiin nang magandang umaga! May masama ba akong ginawa?"

Tumigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya. Kundi lang talaga gwapo ito at kung hindi lang pink ang kulay nang kanyang buhok, makakatikim pa talaga ito nang bagsik ko.

Huminga ako nang malalim. "Okay! Ma – "

"Friendship! Hector!" sulpot nang tatlo sa gate, bigla akong natahimik. Teka bakit sabay-sabay silang pumasok ngayon? Nag usap-usap ba tong mga to.

Nakita kong nataranta si Hector at natawa ako sa naging reaksyon niya sa tatlo. Lalo na nang yumapos sa kanya sina Mira at Florencio. Medyo napa-ngiti ako nang bahagya. Iba talaga kapag ang mga kaibigan ko na ang aking nakikita, therapy ko talaga sila kahit kelan.

"May utang kayong dalawa sa amin!" bulalas ni Florencio. Naka-taas ang kaliwa niyang kilay.

"Ah...Hector ako nga pala si Miranda. Fresh from break up kaya ngayon single na and ready to mingle," singit ni Mira na kinikilig pa ang bruha. Napa-iling ako sa kanya, tuluyang nagbago ang mood ko.

"Forencio is the name, pwede ring Flor for short," lumapit ba naman siya kay Hector at hinawakan ang kanyang mukha. Pag-eemote naman ang drama nitong isa. "Alam mo, kahawig mo siya, na-aalala ko ang mukha niya sa mukha mo,"

Bigla na talaga akong natawa. Hinampas naman ni Miranda ang kanyang kamay. "Ang kamay mo Florencio huwag kang manakot!"

Kumawala si Hector sa dalawa, naglakad ito patungo sana sa akin ngunit hinarangan naman siya ni May. At napa-atras naman ako.

"Ako naman shi May. Galingan mo ang pagtuturo rito Hector. Push your luck! todo mo na to! Wooo!"

Sinaway ko na talaga ang tatlo. "Guys! Tumigil na nga kayo...tinatakot niyo si Hector. Ang aga aga, kerengkeng agad ang inaatupag niyo,"

Na-aaliw ako sa mukha ni Hector para talaga kasing inosenteng bata na takot na takot.

Tinalikuran ko silang lahat at humakbang pasulong. "Tara na! Magsisimula na ang flag ceremony, baka pagalitan tayo ni ma'am Batongbakal,"

Wala ba namang sumagot kaya paglingon ko, ang mga walanghiya naglakad na papuntang quadrangle. Iniwan akong mag-isa, kinaladkad nila si Hector patungo roon. Natawa tuloy akong mag-isa habang umiiling.

Napa-lingon ako sa kalangitan. Namuong muli ang luha ko sa mga mata. Bakit bumabalik pa rin kay Albert ang lahat? Bakit nasasaktan pa rin ako kahit anong pilit kong pag-tawa?

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 94 46
Tunghayan natin ang kwento ng pagkakaibigan, pag-iibigan at pakikipagsapalaran sa isang mundo kung saan payapang namumuhay ang mga tao kasama ang mga...
56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
302K 5.5K 59
She is a princess who once lived in Ice Land, because of war she was lost and lived in the human world. When she turns 16 she found out that she pos...
31.3K 27 1
.....R E V I S I N G..... Highest Rank Achieve: #01 in Mastersâś” Story Started:::::: June 20, 2019 Story Ended:::::::: February 3, 2021 Before you rea...