Paper Stars (Self-Published)

Galing kay iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... Higit pa

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 46

1.5K 70 7
Galing kay iamsayaallego

KABANATA 46



Marahas kong binuksan ang isang pinto at agad namang natigilan nang matagpuan ang iilang taong nakaupo sa harapan ng silid. Panandalian silang napatingin sa aking gawi bago muling bumalik sa kani-kanilang ginagawa. I went to a chair in a corner and knelt down. I looked up to His image and all those bottled up feelings came pouring out.

"Papa Jesus, save me. It hurts so much. Why did You have to make me live just to witness my loved ones' demise? Sana pinatay Niyo na lang ako. It would have made everyone's life easier if I hadn't been born at all!"

I cried some more as I bowed my head even lower and my hands clasped tightly together.

"Nakikiusap po ako, Papa Jesus, iligtas Niyo po ang pamilya ni Gene. Huwag Niyo pong hahayaang mawasak ito. Huwag Niyo po silang hayaang masaktan pang lalo. Mahal na mahal po nila ang isa't isa."

I stayed inside the chapel, crying and praying with all my heart, until I finally calmed down. The old ladies inside were kind enough to offer their prayers for me even though they didn't know me or the circumstances that I was in. They comforted me and promised that everything's going to be all right in God's time. And that I should trust Him and His promises of redemption.

It was already late in the afternoon when I got out the adoration chapel. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko matapos kong magsumbong kay Papa at makipag-usap sa mga matatanda.

Naisipan kong dumaan sa may dalampasigan para mapagmasdan ang mga alon. The salty wind could truly give comfort to a troubled heart. Kaya pala maraming tumatakbo sa dagat para magpahinga at makapag-isip nang maayos. Hinihele nito ang nasasaktan mong damdamin.

I was holding my pair of sneakers while enjoying the feel of the fine sands beneath my feet when I noticed a familiar SUV slowing down at a not-so-far distance, its back was on me. Maya't maya pa ay may isang babaeng lumabas dito na sinundan naman ng isang lalaki. He grabbed her waist and pinned her to his body. Nagpupumiglas pa ito noong una pero natigil din naman nang siilin siya ng halik ng may hawak sa kanya.

Ilang sandali pa ay bumunot ang lalaki galing sa bulsa ng kanyang pants at kumuha ng makapal na papel mula sa isang mamahaling pitaka. Agad naman iyong inabot noong babae at itinago sa loob ng dala nitong hand bag. Minsan pang siniil ng halik noong lalaki ang labi ng dalaga bago muling pumasok sa loob ng SUV na kaagad din namang umalis.

Nagsimula ng maglakad iyong babae nang hinabol ko ito.

"Cecilia!"

Namilog ang mga mata nito nang tumambad ako sa kanyang harapan. Her hand moved protectively over her small bag.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo nitong tugon.

"Si Drake ba iyong kasama mo kanina?"

Nawala ang kulay sa mukha nito sa aking tanong.

"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo," sandali pa itong luminga sa paligid bago ako nilagpasan.

Agad ko naman siyang hinabol.

"Bakit kayo magkasama? Dinukot ka ba niya? Sinaktan? May ginawa ba siyang masama sa iyo? Sabihin mo, Cecilia, at igaganti kaagad kita—"

"Pwede ba huwag mo akong sundan?! At bakit ko nanaisin ang tulong mo?! Hindi ko kailangan ang kahit na ano galing sa iyo! Tabi ka nga!" She spatted as she shoved me out of the way.

Kamuntikan na akong maupo sa ginawa nito.

"Sandali, Cecilia," habol ko pa rin dito, "Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit kayo magkasama? Didn't you hate him? Why were you allowing him to hold you like that?"

Bigla na lang itong tumigil sa paglalakad at saka sumigaw nang napakalakas habang tinatakpan ang mga tainga.

"Cecil—"

"Tumahimik ka!" Asik nito, "Ano naman ngayon kung sumama ako sa kanya? Ano naman ngayon kung ipagkanulo ko sa demonyong iyon ang aking kaluluwa kapalit ng ilang salapi? Hindi ko kailangan ng isang ipokritong manlilinlang na katulad mo para mangialam sa buhay ko!"

Napaawang ang bibig ko sa kanyang mga isinawalat. Hindi ko inakalang magagawa niya ang mga sinabi gayong batid ng lahat kung gaano niya kinamumuhian ang taong iyon. For a while, I saw hurt ran across her eyes when she saw my reaction.

She was about to leave when I returned to my senses. I quickly grabbed her wrist before she could get away. Sa ginawa ko, umangat ang suot nitong gintong cuff bracelet, revealing these fading horizontal lines aross her wrist.

"Ano ba?!" She screamed as she harshly pulled her wrist away from me. She held it close to her chest in a protective stance.

"Cecilia..."

"Tumigil ka! Huwag mo akong tignan nang ganyan! Pucha, hindi ko kailangan ng awa ng isang katulad mo!"

I clenched my hand at her words.

"Bakit? Ano bang alam mo sa taong tulad ko? Isa akong sinungaling? Isang manlilinlang? Isang ipokrito? Siguro ganoon nga. Siguro tama ka nga. Pero hanggang doon lang ang alam mo tungkol sa pagkatao ko," matapang kong tugon dito. My heart was starting to rebel in her cage, it hurt my chest.

"Hindi ko na kailangang kilalanin ka pa dahil alam kong pare-pareho lang naman ang tabas ng mga kaluluwa niyong mayayaman! Akala niyo kaya niyong bilhin ang lahat! Akala niyo kayo lang ang may karapatang maging masaya; ang may karapatang mabuhay! Tang-ina niyo! Hindi kami laruan! Hindi ako laruan!"

Parang pinipiga ang puso ko nang lumuhod ito sa buhangin at humagulhol habang yakap-yakap ang sarili. All of a sudden, I saw the eight-year old version of myself in her — cold, unfeeling and disconnected.

I don't want to hurt anymore.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nito at pinakinggan ang kanyang mga paghikbi. Sandali niya akong nilingon pero hindi na siya nagtangkang umalis.

"I hate myself," wala sa sarili kong tugon habang nakatanaw sa malawak na karagatan.

Ramdam ko ang marahang pag-angat ng tingin ng katabi.

"I hate the fact that I was not born a boy. Kung ganoon, hindi na sana nahihirapan ang mga minamahal ko sa buhay. I hate to be this young and helpless. I want to rush time so I could be an adult already. Kapag ganoon, hindi na ako magiging pabigat sa kanila."

"Nagrereklamo ka sa buhay mo? Tingnan mo ang buhay ko? Ginawa lang basahan ng mga taong tulad mo! Dahil mahirap kami, tingin niyo wala na kaming karapatang umaray? Ha? Pucha, tao rin kami!"

"Sa tingin mo ginusto ko rin itong buhay ko?! Kung ako ang papipiliin, Cecilia, sana naging mahirap na lang ako! Sana sa ibang pamilya na lang ako napunta! Iyong tanggap ako. Iyong mahal ako. Iyong hindi ako itatakwil! Hinding-hindi iiwanan!"

Bahagyang napaawang ang bibig ng aking katabi sa aking inutas. But the words flew out of my mouth even before I could stop them. It's like the lid to my feelings was opened and now everything's leaking out.

"For years, I have endured living. I was only existing just so I could wait for my end to come. I was tired of hurting. I was tired of feeling unworthy for the life I was given! I was tired of waiting that someone will come and tell me that I was enough!"

Painful memories ran through my head like everything only happened yesterday. I felt every pain in every stone they threw at me; the sting of their harsh words; the burn of their palms connecting my cheek.

"I was tired of everything! I wanted to die!"

Agad na bumara ang lalamunan ko sa mga naalala. My eyes blurred and my lungs was needing more air.

"I-Ian?!" I heard Cecilia called me in panic.

Natataranta na siya habang naghahanap ng taong tutulong nang hindi umaalis sa tabi ko. Nang walang makita, tatayo na sana siya para maghanap pero agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"I'm fine," sabi ko pa rin kahit nahihirapang huminga.

"Anong pinagsasasabi mo riyan?! Hindi ka na nga halos makahinga! Gaga ka ba?!" She yelled as she moved to get help but I stopped her again, "Ano ba, Ian?! Kailangan mo ng tulong!" She said, her tears were already falling.

"Okay lang talaga ako. Kailangan ko lang ng ilang sandali," agap ko rito bago pinilit na pinakalma ang sarili. Mariin kong ipinikit ang mga mata tsaka humugot nang magkakasunod na malalalim na hininga.

Nang naging maayos na uli ang pagdaloy ng hangin sa aking baga, nag-angat ako ng tingin dito at saka pilit na ngumiti. Isang malutong na mura ang aking natanggap kasunod ang isang malakas na sampal. Bahagya akong natigilan sa natamo at agad na nanigas nang sumunod doon ay isang mainit na yakap galing sa parehong nagbigay ang aking natanggap.

"Huwag mo nang uulitin iyon!" She cried before releasing me and holding my face between her palms.

Both her eyes and nose were stained red from too much crying. May bahid ng magkahalong pagkairita at pag-aalala ang kanyang mga mata. Wala na ang dating pagkamuhi at pagkasuklam dito.

"Asar ako sa iyo pero ayaw kitang mamatay! Pucha! Hindi ba't ipaghihiganti mo pa ako sa demonyong iyon?!" Iyak nito bago muling yumakap sa akin, "Wala akong mapagsumbungan. Wala akong masabihan. Dahil ako mismo ay hindi matanggap na ganito na lang ang buhay ko ngayon. Isang mababang uri ng babae — isang bayarang laruan!" Humagulhol pa ito.

Niyakap ko siyang pabalik at hinagod ang kanyang likod para pakalmahin.

"Hindi ka laruan, Cecilia. Isa kang tao na may karapatang humindi kung ayaw mo," bahagya ko siyang inilayo para matitigan sa mga namamagang mata, "Pinilit ka ba niya?"

Nag-iwas muna ito ng tingin bago marahang umiling.

"Wala akong choice, Yan. Nabaril si Tatay nang maholdap siya ng pasahero niya. In-offer-an niya ako ng halaga kapalit ng..." Hindi niya iyon tinuloy at muli pang tumulo ang kanyang luha, "Ang dumi ko, Yan! Ang dumi-dumi ko! Nandidiri ako sa sarili ko! Pinangako ko noon na hinding-hindi ako luluhod sa tulad ng demonyong iyon. Pero sa huli, doon pa rin pala ang bagsak ko!"

She showed me her wrists. Pinigilan ko ang sariling mapasinghap habang tinatanaw ang bawat linyang nakaguhit sa bawat palapulsuhan nito.

"Ilang beses kong sinubukang magpakamatay para matapos na ang lahat ng paghihirap ko," anito sa gitna ng kanyang pagluha, "Pero sa tuwing naiisip ko sina Tatay, nawawala ang tapang ko. Hindi ko sila magawang iwanan." She covered her mouth and with the back of her hand and sobbed.

Agad ko siyang ikinulong sa aking mga bisig. I gently rocked our bodies back and forth to comfort her.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin? I'm sure Ren and the gang—"

Mabilis nitong hiniwalay ang sarili at inis akong tiningnan.

"Sa tingin mo hindi ko sinubukan? Tingin mo hindi ko alam kung anu-anong pinagsasabi nila sa likod ko? Alam ko! Alam kong pinagtatawanan nila ang naging kahinatnan ng buhay ko! Kaya bakit ko pa sasabihin sa kanila? Bakit pa ako lalapit kung wala pa nga akong sinasabi ay hinuhusgahan na nila ako?" She cried, hurt was evident in her tear-stricken face.

"Cecil—"

"Isa ka pa!" I cringed at her denouncement, "Ang tagal kong naghintay na aminin mo sa akin ang tunay mong pagkatao pero hindi mo ginawa! Pinili mong sarilinin ang katotohanan!"

Nagbaba ako ng tingin nang makaramdam ng pagkapahiya sa sarili.

"Kung sana ay ginawa mo iyon, e, di sana hindi ako masyadong nalungkot. Sana may nakukwentuhan ako ng mga bagay na hindi ko pwedeng ikwento sa mga lalaki. E, di sana may sumbungan ako kapag inaapi ako ng mga matronang bakla sa pinapasukan ko. Sana..."

Hindi ko na siya pinatapos at agad na niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry..." Pabulong kong tugon. Naninikip na naman kasi uli ang lalamunan ko.

"Ang selfish mo kasi, e! Mas nauna ako sa demonyong iyong nalaman na babae ka, pero mas siya pa ang kinaibigan mo!" Marahan pa nitong sinapak ang aking balikat matapos naming pakawalan ang isa't isa.

"H-ha?"

Ngumisi siya habang pinupunasan ang basang pisngi.

"Alam kong babae ka simula pa lang," mariin nitong tugon.

I stared at her, aghast. Marahan pa itong natawa sa aking hitsura.

"Simula pa noong una nating pagkikita."

Panay pa rin ang tawanan namin nang marating namin ang dating pabrika. Nasa isang kumpol sina Jepoy at pinagdidiskitihan na naman ang gitara.

"Yan, buti't napasyal ka! Jamming tayo!" Anyaya nito nang makita ako.

Kaagad namang nagsilingunan ang lahat. Tumayo naman nang tuwid ang lider nilang nasa kalagitnaan pala nang pagsisibak ng kahoy. Katulad ng mga nakagawian, hubad na naman ang pawisan nitong pang-itaas.

Nahuli nito ang aking mga mata at agad na lumiwanag ang kanyang mukha. Ibinaba nito ang hawak na itak at saka kinuha iyong tuwalyang nakasampay sa kalapit na upuan. Mabilis niya itong ipinampunas sa katawan bago kami nilapitan nang hindi tinatanggal ang titig sa akin.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Cecilia sa aking braso. Nilingon ko siya at isang nanunuyang ngiti ang nakaguhit sa maganda nitong mukha. Tinaas-baba pa ang mga kilay bago imuwinestra ang gawi ng kababata gamit ang kanyang nanunuksong mata. Biglang pumasok sa isipan ko iyong huli naming napag-usapan sa may dalampasigan.

"O, huling tanong," sabi nito.

"Ano naman iyon?" Nakangiti kong tanong, masaya na sa wakas ay nakatagpo ako ng isang kaibigang pwede kong sabihan ng kahit na ano.

"May gusto ka ba kay Ren?"

Hindi ako agad nakaimik dahil sa pagkabigla. Agad namang natawa ang kaibigan sa aking naging reaksyon.

"Ang cute mo talaga, Aya!" Sabi nito sabay pisil sa magkabila kong pisngi.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

"H-hindi, a! K-kaibigan ko lang si R-ren..." agap ko nang hindi siya tinitingnan.

"Sus! Okay lang iyan, ano! Normal lang na magkagusto ka sa isang lalaki. At saka, hindi naman kita masisisi. Masyadong gwapo ang isang iyon para hindi magustuhan ng kahit sinong babae," kumindat pa ito sa akin.

Nanlumo ang batang puso ko sa narinig. 'I don't want to be like any of his girls.'

Bahagyang lumapit si Cecilia para bumulong. What she said ignited the fireworks in my chest.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa aking mga pisngi nang muling maalala ang kanyang huling sinabi. Siguradong pulang-pula ang buo kong mukha ngayon.

"O, mabuti naman at nagkabati na pala kayo?" Sabi ng hari nang makalapit na ito.

"A... e..." Hindi ko malaman kung anong isasagot. Bigla na lang nagsitaguan ang mga salita sa isip ko at hindi ko sila mahagilap!

"Bakit? Bati naman talaga kami, a! Hindi ba, Ian ko?"

At nakuha pang manuya ng aking kaibigan gayong hindi na magkandamayaw ang puso ko! Ni hindi ko siya matignan nang diretso!

"Ian mo? Kailan mo naman naging pag-aari si Ian?"

May kung ano sa tono nito ang nagpaangat sa akin ng tingin. Ang pawisan nitong mukha ay bahagyang namumula. Nakakuyom ang bagang. At may bahid ng inis ang mga berde nitong matalim na tinititigan ang nakangising kababata.

It's just impossible, right?

"Excuse me, ha? Pero close kami ni Ian ko. Ganito kami ka-close!" Deklara ni Cecilia habang ini-ekis ang dalawang daliri para ipakita ang kanyang punto.

The King scoffed at his childhood friend's claim.

"Paanong nangyari iyon, e, tuwing summer ka lang umuuwi rito? Samantalang kami, halos araw-araw na magkasama!"

"Wala iyon sa distansiya at dalas ng pagkikita nakabase, ano! Kundi sa lalim ng relasyon at pagkakakilala sa isa't isa!" She proudly said.

"Weeeeh!"

"Lalim talaga, Cel?"

"Gaano na ba kalalim ang relasyon niyo ni Ian kung ganoon?"

I was surprised to see the polvoron boys squatting on the side with a cheap popcorn in hand!

"Tumahimik nga kayo! Ano bang ginagawa niyo rito?" Asar na utas ng hari nila at agad silang kumaripas ng takbo papunta sa dating pwesto. Nagtawanan pa ang mga ito ngunit isang matalim na tingin lang galing sa kanilang hari, agad naman silang umayos.

Pagkatapos noon ay muli nitong hinarap ang kababata.

"Malalim din ang pagkakaibigan namin ni Ian. Marami na kaming napagdaan at sigurado akong kung anuman iyong batayan mo para sabihing mas close kayo, hindi iyon aabot sa kalahati sa kung anong mayroon sa amin," mahina pero punong-puno ng diin nitong sabi. Panandalian niya akong sinilip at muli namang natuwa ang aking puso.

Bahagya na namang pinisil ni Cecilia ang aking braso. Alam kong nagpipigil lang itong matawa.

"O? Talaga lang ha? Sige nga. Kung totoong mas close kayo, magsabi ka ng isang sekreto ni Ian na alam mo."

Pinanlamigan ako sa hamon ng kaibigan. I worriedly eyed her sideways. Lumingon ito at agad akong kinindatan.

What is she thinking?

Nang muli kong ibalik ang paningin sa harap, isang madilim na mukha ng hari ang sumalubong sa akin. Seryoso ang mga mata nitong tila nangungusap sa aking mga bughaw.

"Wala kang alam, ano?" Tumawa pa si Cecilia nang hindi ito nakasagot.

Ilang saglit pa bago nito binitawan ang titig para balingan ang kababata.

"Marami akong alam tungkol kay Ian na hindi mo alam."

Kumalabog ang puso ko sa narinig. Tumaas ang isang kilay ni Cecilia habang pilit na pinapanatili ang kanyang ngisi.

"Talaga? Tulad ng..." Hamon nito.

Marahan kong pinisil ang braso nito para sana ay patigilin. Pero nahuli iyon ng kanyang kababata. Bahagyang kumunot ang noo nito sa nakita. Muli akong binalingan nito nang nakataas ang isang kilay.

"Bakit ko naman sasabihin? Kaya nga sekreto kasi bawal sabihin," mariin nitong sabi.

Cecilia opened her mouth for a rebuttal but Reign didn't give her the chance. His piercing emeralds never leaving mine.

"Hindi lang sa dami ng nalalaman mong sekreto nakabase ang lalim ng inyong pagkakaibigan. Kasama na roon ang tiwala na kahit na anong mangyari, alam mong hinding-hindi ka niya iiwanan."

My breath hitched at the meaning of his words as I recalled what Cecilia had said earlier, "Sa tingin ko pareho lang kayo ng nararamdaman."

Imposible.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
139K 4.5K 66
How can I hate it? When all of my family are having fun and love it? First Publish: March 20, 2016 End: July 8, 2016
7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...