ROSALINE (Short Story)

By desteenx

94.1K 4.7K 5K

BTS & BLACKPINK; "My name is Roseanne but they call me Rosaline." More

ROSALINE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10

ENDING

8.8K 490 569
By desteenx

warning: cringy lol

"Gosh Jimin! Linta ka ba?" Iritadong tanong habang tinitingnan ko yung iniwan niyang bakas kagabi sa leeg ko.

Sulok na sulok kami ngayon sa isang noodle restaurant sa tabi ng bintana habang tinitingnan ko sa maliit na salamin ko yung reflection ng leeg ko.

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang niya yung pagkain niya, rinig na rinig ko pa yung tunog ng paghigop niya ng sabaw nito. Kaya naman binalik ko nalang ulit maliit na salamin sa bag ko bago ko siya tiningnan ng masama.

Padabog kong binalik scarf ko sa leeg ko kaya naman napaangat yung tingin niya sa akin.

"Rose, lalamig 'yang pagkain mo." Aniya.

Napahinga nalang ako ng malalim bago ako napairap, kumain nalang ulit ako kasi hindi rin naman niya ako papansinin. Hindi ito yung first time naming lumabas ni Jimin para kumain kaming dalawa pero ito yung first time na inilibre niya ako kaya naman tatandaan ko yung araw na 'to.

Tahimik kaming dalawa, nakakabingi. Hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap o nag-aasaran tuwing lumalabas kaming dalawa.

Pareho kaming may hangover na dalawa, dahil ayokong bumangon at ayaw ko siyang samahan kumain sa labas ay ginamit na niya yung alas niya. Yun ay yung ililibre niya ako, kaya naman biglang pumalakpak yung tenga ko at sumama ako sa kanya.

Pero hindi ibig sabihin noon ay ayos na kaming dalawa.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Out of nowhere niyang tanong.

"Oo." Walang alinlangang tugon ko.

"I'm sorry, okay? Lasing ako, lasing ka rin. Pareho naman tayong may kasalanan kaya bakit sa akin ka lang nagagalit?" Tanong niya.

"Alangan namang magalit ako sa sarili ko?" Sarkastikong tanong ko.

"Rose, wag ka namang umarte na iyan yung unang beses na nangyari sa atin 'yan." Aniya.

Pareho kaming natigilan ng maalala namin yung nangyari nung Junior High School kami, nung Prom Night. Nagkatitigan kaming dalawa bago kami halos sabay na napayuko at nagsimulang kumain ulit ng noodles para iwasan yung topic na yun.

Don't get me wrong, walang nangyari sa aming dalawa ni Jimin kagabi. Halos naulit lang kasi yung nangyari sa amin nung Junior High School kami, ang kaibahan lang ay pareho nalang kaming nagising kaninang umaga sa bath tub ni Jin.

"Fine, lasing lang tayo kagabi at lasing lang tayo noon." Giit ko.

Parang may bumalot na namang katahimikan sa aming dalawa, magkatinginan lang kami at para bang nagtatantyahan kaming dalawa kung magsasalita pa ba kami o wag nalang hanggang sa binasag niya yung katahimikan.

"Hindi ako lasing noon."

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ko yung bibig ko at tinikom ko iyon, pero napansin kong naghihintay siya ng sasabihin ko kaya naman napabuntong hininga nalang ako bago ko inipon lahat ng lakas ng loob ko.

"Alam ko." Tipid na sabi ko.

Nakita ko yung gulat sa mukha niya pero nanatili siyang tahimik. Panibagong katahimikan na naman yung bumalot sa aming dalawa habang magkatinginan kami, napansin kong unti-unting nagkaroon ng pink blush yung pisngi niya bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.

"Alam kong isang beses ka lang uminom noon at hindi mo na sinundan ulit nung makita mong sunod-sunod yung pag-inom ko."

"Syempre, makakagalitan ako ni Tito at Tita kapag nalaman nilang nalasing ka at hindi kita maiuwi ng ayos dahil pareho tayong lasing." Paliwanag niya.

Tumango nalang ako sa kanya bago ko kinuha yung baso sa tabi ko at uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanunuyot ang lalamunan ko.

"I'm sorry Jimin kung hinalikan kita."

"I'm not sorry na hinalikan kita pabalik."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon, two years. Two years mahigit naming hindi pinag-uusapan yung bagay na yun dahil natatakot kaming pareho na malaman yung totoo.

Pero bakit nga ba natatakot kaming malaman yung totoo.

Bakit nga ba pareho naming tinatanggi at nagpapanggap na hindi namin sinasadya yung nangyari noon.

"I'm sorry kung hinalikan kita Jimin pero hindi ibig sabihin noon ay nagsisisi ako."

Mauubos ko na yung kinakain ko pero tahimik pa rin kaming dalawa hanggang sa narinig ko yung mahinang tawa niya kaya naman napatingin ako sa kanya, kitang kita ko yung malawak na ngiti niya na halos mapunit yung labi niya pero pinipigilan niyang ngumiti.

"Damn Rose, hindi ako sure sa gagawin ko at baka magsisise ako bukas kapag pero masaya ako." Aniya kaya naman naguluhan ako. "Rose, naalala mo kinabukasan noon. Valentine's Day, may sasabihin ako sa'yo." Tumango ako.

"Pwede bang sabihin ko sa'yo ngayon yung sasabihin ko dapat noon?"

Mas lalo akong naguluhan, "Hindi ba nasabi mo na sa akin? Sabi mo gusto mo si Jennie? Pero nakita mo siyang may kasamang iba kaya hindi mo nalang tinuloy?" Tanong ko.

Dahan-dahan siyang umiling sa akin. "Nagsinungaling ako, ibang tao yung tinutukoy noon. Pinangunahan lang ako ng takot at selos noon." Napabuntong hininga siya.

Nagsasalita na sana ako pero bigla niyang dinikit yung daliri niya sa bibig ko para pigilan ako sa pagsasalita. "Hayaan mo muna kong magsalita, wag ka munang magsasalita hangga't hindi ko sinasabi." Aniya.

"Alam mo namang magkaibigan kami ni Jungkook di ba? Sinabi niya sa akin yung plano niya, na aamin na siya sa taong gusto niya. Ang sabi niya sa akin matagal na niyang gusto yun pero hindi sila close kaya pipilitin niya lahat para magkaclose sila. Valentine's Day noon, at yun din yung araw na naisipan kong umamin, kaya inipon ko lahat ng lakas ng loob ko noon para umamin Rose." Nakita kong pinaglalaruan niya yung daliri niya na para bang kinakabahan siya.

"Pero nagkataon lang na pareho pala kami ng taong pag-aaminan, at naunahan niya ko."

Parang huminto yung tibok ng puso ko bago iyon nagsimulang tumibok ng mabilis.

"Nakita ko sila na magkasabay pumasok sa school kaya ayun, nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako sa'yo Rose." Napayuko siyang bigla.

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ko yung sarili ko kasi hindi pa niya sinasabi na magsalita ako.

"Tapos bago matapos yung klase, tinanong ako ni Jungkook kung may ideya na ako sa tinutukoy niya kaya naman sabi ko sa kanya na oo. Alam na alam ko na, tinanong niya ako kung papaano ko siya matutulungan kaya binigay ko sa kanya susi ng locker mo."

Muntik na akong mapaface palm pero pinigilan ko yung kamay ko, imbes na sisihin ko siya sa lahat ng nangyari ay parepareho lang naman kaming nagkamali. Tsaka hindi na rin naman ako nagsisisi sa mga nangyari na, wala eh. Nangyari na.

"Pwede na ba kong magsalita?" Tanong ko sa kanya.

"Nagsasalita ka na." Aniya kaya naman napairap ako.

"Papaano ko kung sabihin ko sa'yo na hindi iisa yung taong tinutukoy niyo?" Tanong ko.

"Bakit dalawa ka ba Rose?" Sarkastikong tanong niya kaya naman napaface palm na talaga ako ngayon.

Pero unti-unti akong napangiti habang nakatago yung mukha ko sa kamay ko, naramdaman ko yung unti-unting pangingilid ng luha ko habang nakangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pero sigurado akong hindi ako malungkot ngayon.

Hinarap ko ulit siya at nakita kong namumula pa rin yung pisngi niya hanggang ngayon.

"Hindi para sa akin yun Jimin, lahat ng nangyari sa amin ni Jungkook lahat yun ay dahil binigay mo sa kanya yung susi ng locker ko. Kasi yung totoo niyan para yun sa katabi kong locker, para kay Lisa." Napangiti ako.

Nakita kong naguluhan siya kaya naman bahagya akong lumapit sa akin. "Gusto kong marinig yung sasabihin mo dapat sa akin noon."

Nakita kong mas lalong tumingkad ang pagkapink ng pisngi ni Jimin habang nakatingin ng diretso sa akin, nakita ko kung papaano gumalaw yung adams apple niya dahil sa paglunok niya.

Lumapit din siya ng bahagya sa akin.

"Imagine, Junior High School tayo. Valentine's Day, kakatapos lang ng Prom." Hinawakan niya yung kamay kong nakapatong sa table bago niya pinaglaruan yun.

"Roseanne..." Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bakit mo ko hinalikan kagabi?" Tanong niya, hindi ko tuloy alam kung yung tinutukoy ba niya ay nung Prom Night o yung kagabi talaga mismo. Kaya hindi nalang ako sumagot kahit iisa lang naman yung sagot.

"Bakit ba tayo naghalikan kagabi? Pareho ba tayo ng dahilan?" Tanong niya ulit, napakagat siya sa labi niya.

"Kasi ako Rose kaya kita hinalikan kasi gusto kita, matagal na pero alam ko namang tatanga-tanga ka kaya naiintindihan ko. Pero gusto talaga kita kahit alam kong hindi ka naniniligo kapag malamig, kahit alam kong minsan nakakalimutan mong magtoothbrush, kahit alam kong ginagamit mo rin sa mukha mo yung sabon na panghugas ng pwet mo."

Pinipigilan kong ngumiti ng malawak pero akala ko ay sa pagpigil lang ng luha ako hindi magaling, pati rin pala sa pagpigil ng ngiti.

"Pero ayos lang, kung hindi ako yung gusto mo wala namang magbabago, kalimutan nalang natin na sinabi ko sa'yo na gusto kita, pero sagutin mo nalang yung tanong ko na bakit mo ko hinalikan kagabi? Dahil ba--"

"Gusto kita." Mahinang sabi ko.

Natigilan siyang bigla sa sinabi ko, hanggang sa nakita ko kung papaano niya tinikom yung bibig niya. Hanggang sa unti-unti siyang napapangiti.

Pinipigilan niya yung pagngiti niya pero kitang kita ko pa rin dahil masyado iyong halata, kagaya ng sabi ko dati. Si Jimin ang pinakakilala kong tao, mas kilala ko pa siya sa kahit na sino.

"Tumayo ka na dyan, Rose." Utos niya sa akin, kaya naman napatingin ako sa kanya bago ako napatingin sa labas.

"Aalis na tayo? Umuulan pa sa labas." Tanong ko.

"Para saan pa yung payong?" Tanong niya sa akin bago niya pinakita yung payong niya at tumayo na siya kaya naman sumunod na ako sa kanya. Paglabas palang namin ay bumungad na agad sa amin yung malamig na simoy ng hangin.

Nakasilong ako sa payong niya habang nakahawak siya sa braso ko para mas maidikit niya ako sa kanya.

"Bakit ba uuwi na agad tayo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko yung malakas na pagpatak ng ulan.

"Uuwi? Hindi pa tayo uuwi." Aniya kaya naman napatingin akong bigla sa kanya.

"Bakit--"

Bago pa ako tuluyang makapagsalita ay naramdaman ko ng may malambot na bagay na dumikit sa labi ko, sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapagreact kaya naman ng magsink in na sa akin ay ipinikit ko na yung mata ko.

Ikinawit ko yung kamay ko sa leeg niya bago ako humalik pabalik sa kanya, habang nakahawak sa likod ko ang isang kamay niya ay nakahawak naman sa payong ang isang kamay niya. Hindi ko maiwasan yung pagngiti ko sa pagitan ng paghalik namin.

Nang bahagya kaming maghiwalay ay nanatili pa rin na magkadikit yung noo naming dalawa. "Naisip ko lang na nakakahiyang halikan ka sa loob mas maraming tao doon." Nakangiting sabi niya bago niya inilapit ulit yung lapit para mahalikan niya akong muli.

Walang nabanggit kung may nakatuluyan ba si Rosaline sa istorya na Romeo and Juliet. Ayos lang, hindi naman sa kanyang istorya iyon.

Pero ako? Natagpuan ko na yung sarili kong Romeo. I mean matagal ko na siyang natagpuan pero hindi ko lang siya pinapansin dahil masyado akong abala sa pagtingin sa ibang tao at sa pagdeny ng nararamdaman ko dahil natatakot akong sumugal.

Pwede naman talaga akong maging si Juliet kung gugustuhin ko pero hindi ko ginawa dahil mas pinili kong magpaka-Rosaline sa istorya ng iba.

But the thing is, hindi kasi ako si Juliet at hindi rin si Jimin si Romeo. May sarili kaming istorya na ngayon palang magsisimula. Who knows kung magiging tragic ba o happy ending ang istorya naming dalawa. Kami lang rin naman ang magsusulat ng sarili naming istorya.

Pero mas lalong hindi ako si Rosaline.

Dahil ako si Roseanne at eto ang aming istorya.

THE END

Continue Reading

You'll Also Like

223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
627 183 16
Awit Series #2 Para kila Paula at Theo, handa nilang talikuran ang lahat para sakanilang pag mamahalan. Ngunit isang hinala ang sumira sa plano nilan...
61.7K 2.5K 73
"I'm Lucky and I'm inlove with my bestfriend" epistolary #1 + kim taehyung × kim jisoo Highest rank: #32 in Short Story Book 1 Date Started: 03182017...
180K 7K 92
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Is it bad that I think I have fallen in love with you?❞ ➳In which Josh Cullen Santos needs to pretend as her boyfriend in or...