Risks and Returns

By cuddlylyviel

1.3K 105 27

Love is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risk... More

Risks and Returns
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six A
Chapter Six B
Chapter Seven A
Chapter Seven B
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen

Chapter Eight

59 6 0
By cuddlylyviel

Dumating ako sa school one hour and a half bago ang klase kaya nagpunta nalang muna ako sa courtyard. Tulad ng dati, tahimik parin naman dito. Mukha ngang wala na halos gustong pumunta dito kundi ako.

Gusto ko sana na mag-review ulit para sa first quiz namin sa FinMan kaso sobrang bangag pa ata ako. Pinagpuyatan ko kasi talaga ang pag-aaral sa subject na ito. Siyempre. Dahil yun ang subject na tinuturo ni Kian. 

Ibinaba ko yung gamit ko tapos umubob na ako sa table. Antok na antok na talaga ako. At siguro nga mas mabuting ngayon ako matulog kaysa mamaya habang nagsasagot sa quiz.

*****

*Poke *Poke

Anu ba naman yan. Hindi ba napapansin ng taong ‘to na natutulog ako? Gumalaw ako ng kaunti. Baka sakaling tumigil siya sa kakakulbit.

*Poke *Poke

Hindi ko nalang ulit pinansin. Magsasawa din yan.

“Ayaw mo talagang gumsising? Sige ka. Andun na si Ma’am Tadeo sa room.”

Bigla akong napatayo. Shoot! Nakalimutan ko na nasa school nga pala ako.

 “Edi nagising ka din.”

“Bakit di mo ko kaagad ginising?!!”

Nanlalaki na yung mata ko sa sobrang inis samantalang siya naman nakangiti lang sa akin.

“Kanina pa kita ginigising, Ms. Alonzo. Kaso tulog mantika ka kaya naabutan na tayo ng time.”

Time

Oo nga pala. May klase ako ng 12:00.

Kinuha ko kaagad yung gamit ko tapos tumakbo na papunta ng room. Wala na akong pakialam kung sumunod din ba sa akin si Sean. Bahala na siya sa buhay niya.

Too late. Nasa loob na ng room namin si Ma’am Tadeo. Ibig sabihin lang niyan, bawal nang pumasok. For the first time in my college life nagkaroon ako ng absent sa major subjects ko. Salamat kay Sean na hindi ako kaagad ginisng.

“Pinagod mo lang ang sarili mo alam mo yun?”

Inirapan ko nalang siya. Sabi nga nila, ‘lokohin mo na ang lasing ‘wag lang ang bagong gising’. Magpasalamat nalang talaga ang lalaking ‘to at mabait padin ako sa kanya. Dahil kung sa ibang tao ‘to nangyari, kanina pa siya nasapok.

“Oh para sa’yo.”

Tiningnan ko yung ibinibigay niya sa akin.

“Para saan yan?”

“Ewan. Anu ba sa tingin mo?”

Sinimangutan ko siya. Onti nalang talaga masasapok ko na siya. At sana lang pag ginawa ko yun. Di kami makikita ng kahit na sinong prof.

“Tanggapin mo na. Tutal hindi naman sa akin galing ‘to.”

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Kung hindi galing sa kanya, kanino?

“Nakita ko lang yan sa tabi mo kanina. Looks like you have a secret admirer.”

Secret admirer? As if. Sino naman kayang magkaka-gusto sa isang tulad ko. Hindi ko alam kung nanloloko lang ba ‘tong lalaking ‘to o ano pero kinuha ko na din yung binigay niya.

Isang Nescafé Ready-to-Drink Latte? Sino naman ang magbibigay sa akin ng ganito.

“Oh.”

May inabot siya sa aking note tapos naglakad na papalayo. Tingnan mo yun. Napaka-moody. Kanina lang angsaya-saya pa niya tapos ngayon naman parang naiinis na hindi mo maintindihan.

***Quote***

                “Bawal antukin mamaya.   

*Dug Dug* * Dug Dug*

Napangiti ako ng wala sa oras. 

Si Kian.

Siya lang naman ang kilala ko na mahilig gumawa ng mga ganitong bagay. Pero paano niya nalaman na favorite ko ‘to?

Sa totoo lang, minsan nagtataka na din ako sa kanya. May mga bagay kasi siyang alam na hindi ko naman maalala na sinabi ko sa kanya. Tulad nalang nito. Bukod sa mga barkada ko, wala nang nakakaalam na adik ako dito.

“Pssst! Hintay!”

Siguro sinumpong na din ako kaya naisipan kong sumunod kay Sean. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

“Oh bakit nanaman?”

Ang-moody talaga.

“Wala akong kasama eh.”

Nagpunta kami sa Guidance Office. Meron kasing student lounge doon at isa pa, malamig doon dahil may aircon.

Kung tutuusin, hindi naman niya talaga kasalanan yun diba? Ako ‘tong natulog sa courtyard nang di man lang naisipang mag-alarm ng phone. Pero dahil magaling ako, si Sean padin ang sisisihin ko.

Balik ako sa silent treatment kay Sean at ganun din naman siya. Inilabas ko nalang yung book ko sa FinMan para makapag-review ulit.

“Woah. Angsakit naman ata sa mata niyang libro mo.”

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. At nakikibasa sa libro ko.

“Ang tawag dito nag-aral.”

Punong-puno kasi ng highlight yung libro ko. Binasa ko talaga lahat ng nakasulat dito. Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala akong balak na magkaroon ng mababang grade sa subject ni Kian.

“Wala ka bang balak mag-aral?”

Ngumisi nanaman siya sa akin.

“Para saan pa? Anjan ka naman.”

“Bahala ka. Balita ko mahirap daw ang quiz.”

Mga dalawang oras din kaming nag-stay doon kaya nakapag-aral talaga ulit ako. Hindi ako inistorbo ni Sean at natulog lang ng buong dalawang oras. Sana lang may maisagot siya mamaya sa quiz.

Lumabas na yung prof namin sa room kaya pumasok naman na kami. Bumalik na sa normal ang lahat pero hindi padin ako nakaligtas sa mga mata nina Frances at Faye. Napagdudahan nanaman akong nakipag-date kay Sean.

*****

Nagkakagulo na ang mga classmates ko. Padating na daw kasi si Kian at ngayon lang nila nabalitaan na sobrang hirap daw ng quiz.

“Yow.”

Ngumisi siya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?”

Pinaalis niya yung seatmate ko tapos siya yung umupo doon. 

“Lakihan mo sulat mo ah.”

Tingnan mo nga naman ‘to. Seryoso pala siya sa balak niyang mangopya sa akin. Malas niya. Dahil sa buong student life ko, never kong nagawa ‘yang balak niya.

Inirapan ko lang siya at nag-last minute review.

Maya-maya lang, dumating na si Kian.

Nagsimula na akong kabahan. Alam kong handa naman talaga ako para dito. Pero kinakabahan padin ako. Paano kung may makalimutan ako? Paano kung may hindi pala ako naaral? Pero imposible. Ilang araw ko ding inaral ‘to. Sigurado ako na wala  akong kahit na anong nalagpasan.

Nag-distribute na siya ng papers. At dahil nga alphabetically arranged kami, nasa first row ako.

Huling nabigyan ng papel ang column namin. Akala ko aalis na siya sa tabi ko kaso may sinabi muna siya sa akin.

“Goodluck.”

*Dug Dug* *Dug Dug*

“Thank you. Sir.”

Sa totoo lang, labag din sa kalooban ko na tawagin siyang ‘Sir’. Isang napakalaking dagok yun sa puso ko.

Kalmado lang akong nagsagot. Hindi naman sa nagyayabang pero hindi ako gaanong nahirapan. Tricky lang siguro talaga yung mga tanong.

Maaga akong natapos magsagot. Napansin ko na pagala-gala pala si Kian sa buong room at sinisilip yung mga sagot ng classmates ko.

Hindi ko mapigilan na titigan siya.

Titig. 

Hanggang dito nalang ba kami? Kung hawak ko lang ang oras. Ibabalik at ibabalik ko ang mga panahon na pareho pa kaming estudyante.

Dahil sa mga panahon na ‘yun, wala kaming inaalala kundi ang oras na sana ay iginugugol namin sa pag-aaral. Pero bukod dun, wala na. 

Hindi tulad ngayon.

Nag-panic ako nung malapit na siya sa may pwesto ko. Isang hakbang nalang ni Kian nasa tabi ko na siya.

*Dug Dug* *Dug Dug*

Hindi siya nagsalita pero nagtagpo ang mga mata namin. At sa mga oras na yun, isa lang ang pumasok sa isip ko.

Mahal ko na ata ang lalaking ‘to.

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
601K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
579K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...