ROSALINE (Short Story)

By desteenx

94.1K 4.7K 5K

BTS & BLACKPINK; "My name is Roseanne but they call me Rosaline." More

ROSALINE
01
02
03
04
05
07
08
09
10
ENDING

06

5.5K 360 308
By desteenx

Hindi pa rin ako makapaniwala na hinayaan kong matulog si Jimin sa tabi ko, ang huling beses kaming nagtulog na magkatabi ay isang dekada na yung nakalipas. 8 years old pa ako noon at naulit nalang iyon ngayong 18 years old kami.

Hindi man lang siya nagsorry na nakatulog siya sa tabi ko, actually ay nakangisi pa siya na para bang naisahan niya ako, hindi rin siya nagpaliwanag kay Mommy at Daddy sa halip ay sa amin pa siya nag-agahan.

Pero mabilis yung karma kaya naman bago siya magpaalam sa akin nauuwi na siya, which is sampung hakbang lang ang layo sa amin ay naramdaman ko yung mainit niyang balat. Sinalat ko siya sa noo para makasigurado ako at tama nga ang hinala ko.

Nilalagnat siya.

Sabi ko sa kanya ay wag na niya akong sunduin at matulog na lang siya sa bahay magdamayg pero ayaw niya kaya naman sinumbong ko siya kay Tita, kaya naman badtrip na badtrip sa akin ngayon si Jimin dahil kinulong siya ng mommy niya sa kwarto niya at hindi siya pinayagang pumasok dahil sobrang taas ng lagnat niya.

Pabago-bago kasi yung panahon ngayon kaya hindi ko rin masisi yung katawan niya kung bakit sumama. Minsan uulan, minsan hindi.

Dahil hindi ako makakabay kay Jisoo ay mag-isa nalang akong papasok, hindi naman na ako bata pa para hindi makapasok mag-isa. Nagbus nalang ako mag-isa.

Naupo ako sa may gawing likuran, sa may tabi ng bintana.

Bago pa ako makaupo ng tuluyan at nakita ko si Jungkook at Lisa na kakapasok lang sa bus at naupo sa may gawing unahan. Hindi nila ako napansin.

Wala namang bago, wala namang nakakapansin sa akin dahil isa lang naman akong ordinaryong tao. Pati sila, ordinaryong tao rin pero ang kaibigan lang ay maraming nakakakilala sa kanila at maraming nagmamahal sa kanila.

Habang ako, ang meron lang ako ay si Mommy, Daddy, si Ate Alice at si Jimin.

Gusto ko sanang idagdag si Jisoo, Jennie at Lisa pero hindi ko alam kung hanggang kaylan sila sa tabi ko. Hindi ko rin alam na baka kapag dumating ang panahon ay kaylangan nilang mamili kung si Lisa ba o ako, alam kong mas pipiliin nila si Lisa.

Kaya ayokong dumating sa punto na mangyaring kaylangan nilang mamili sa aming dalawa.

Nang makita ko yung ngiti sa labi nila ay hindi ko magawang alisin yung tingin ko, kahit nararamdaman ko na naman yung paninikip ng dibdib ko, kahit nararamdaman ko na naman yung nagbabadyang luha sa mata ko.

Pero kahit gaano kasakit mas pinili kong manatiling nakatingin sa kanila, mas pinili kong tingnan kung gaano sila kaganda at kung gaano nila napapaganda yung isa't isa kapag magkasama sila. Bagay na bagay sila.

Sabi sa akin ni Jennie one time na kinakahangaan niya yung istorya ni Romeo at Juliet. Wala na daw maikukumpara sa pagmamahalan ng dalawang yun.

Pero kung ako yung tatanungin. Kaya kong ikumpara si Lisa at Jungkook sa sikat na star-crossed lovers na si Romeo at Juliet. Bakit? Kasi kung titingnan mo yung kinang sa mata nilang dalawa kahit magkatinginan lang sila. Ramdam mo na kung gaano kalalim yung pagmamahal nila sa isa't isa.

Lalong lalo na si Jungkook, tuwing hahawakan niya yung Lisa ay para bang babasaging bagay ito na hindi niya hahayaang masira at hindi niya hahayaang bitawan dahil natatakot siya na baka mawala sa kanya, yung kinang sa mata niya, yung malawak na ngiti niya kapag nakikita niya si Lisa at yung sobrang lalim na pagmamahal niya na walang wala kung ikukumpara sa pagmamahal niya sa akin.

Kapag mag-isa lang ako usually ay nakaearphone ako, pinapanuod ko lang yung dinadaanan ko hanggang sa makababa na ako ng bus, pero ngayon iba yung ginagawa ko. Sa kanilang dalawa lang ako nakatingin, hinahayaan kong masira ulit ng paulit-ulit yung sarili ko, masakit pero hindi ko kayang tigilan.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulala sa kanilang dalawa, binibigay ko yung best ko para hindi ako maiyak, pakiramdam ko mamaya ay pwede ko ng bigyan ng award yung sarili ko bilang 'best actress' at 'most tanga award' dahil hanggang sa makarating kami sa bus stop ay nanatili akong poker face at hindi umiiyak.

Bumaba na rin ako ng bus, mas nauna silang naglalakad sa akin. Hinayaan ko muna silang makalayo ng bahagya sa akin bago ako nagsimulang maglakad na rin.

Nanginginig yung tuhod ko kasabay ng pangingilid ng luha ko. Habang naglalakad ako sa likuran nila, habang nakikita ko yung kamay ni Jungkook sa baywang ni Lisa na dati ay sa akin nakalagay.

Malayo layo pa yung lalakarin papuntang school dahil medyo malayo yung bus stop. Naninikip yung dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila pero wala na akong ibang nararamdaman bukod doon.

Sa totoo lang ay pwede naman akong mauna nalang maglakad sa kanila pero bakit hinahayaan kong magkaganto ako. Kung pupwede naman akong gumawa ng paraan para hindi ako masyadong masaktan.

Natigilan ako sa paglalakad ko ng makita ko kung papaano dumikit yung labi ni Jungkook sa pisngi ni Lisa. Kitang kita ko kung papaano mamula yung pisngi nilang dalawa hanggang sa unti-unti silang napangiti pareho.

Doon ko na narealize na hindi ako magaling magpigil ng luha, unti-unting bumagsak yung luha sa mata ko, medyo nakakalayo na sila ng tuluyan sa akin. Kanina kasi ay ilang hakbang lang ang layo nila pero hindi nila ako napapansin, dahil masyado silang busy sa pagtingin sa isa't isa.

Masyado silang in love sa puntong hindi na nila napapansin ang paligid nila dahil ang tanging nakikita nalang nila ay yung isa't isa.

Alam ko, alam ko yung ganoong pakiramdam kasi minsan ko na rin yung naramdaman. Pero siya kaya? Kahit minsan ba, kahit isang beses lang naramdaman kaya niya sa akin yun?

Akala ko ay magmumukha akong tanga sa harap ng mga tao dahil umiiyak ako sa kalsada ngayon habang pinipilit kong maglakad ng diretso. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako naging thankful sa ulan, ngayon lang ako naging thankful dahil hindi mahahalata ng mga tao na umiiyak ako.

Ngayon nakasunod pa rin ako sa kanilang dalawa, nakapayong sila at para bang naeenjoy pa nila yung malakas na ulan. Pero ako, hindi. Thankful lang ako sa ulan pero hindi ako nag-eenjoy.

Pwede naman akong umurong at tumakbo nalang papalayo pero bakit hindi ko ginagawa, bakit nakasunod pa rin ako sa kanila? Pwede ko naman silang puntahan ngayon at sumbatan sila, sabihin sa kanila lahat ng nararamdaman ko hanggang sa mawalan ako ng boses pero bakit hindi ko ginagawa?

Simple lang, kasi hindi ko kaya.

Hindi ko rin kaya na masaktan sila dahil sa mga bibitawan kong salita sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa akin. At lahat ng taong mahalaga sa'yo ay hindi mo hahayaan na masaktan, hindi kagagawa ng bagay na magiging dahilan para masaktan sila.

Kaya kahit minsan kaya, naging mahalaga rin ako sa kanila?

Napatigil na ako sa paglalakad ko, nanghihina na yung tuhod ko at nanlalabo na yung mata ko. Napahawak ako sa pader malapit sa akin bago pa ako tuluyang mapaupo sa basang kalsada.

Napahagulgol ako ng malakas, wala na akong pakialam kung makita ng mga taong nasasaktan ako, kasi iyon naman talaga yung totoo.

Nasasaktan ako.

Naramdaman kong wala ng ulan na pumapatak sa akin, hindi dahil humupa na yung ulan kundi dahil may taong pumipigil nito para hindi ako maulanan.

Tumingala ako para tingnan kung sino yung taong iyon, siya rin yung taong nasa harapan ko kahapon.

Si Taehyung.

Basang basa na rin siya sa ulan ngayon dahil sa akin niya itinapat yung payong na hawak niya, ngumiti siya sa akin bago niya inabot yung kamay niya pero masyado akong wala sa sarili kaya hindi ko nagawang tanggapin iyon.

Pero yumuko siya para abutin yung kamay ko at sapilitan akong itinayo sa pagkakaupo ko. Hanggang sa napatingala siya sa langit bago siya pumikit habang dinadama niya yung pagpatak ng ulan sa mukha niya.

Nang idilat niya yung mata niya ay tumama agad iyon sa akin.

"Wala na rin palang silbi 'tong pareho, pareho na nga pala tayong basa." Nakangising sabi niya bago niya sinarado yung payong niya.

Napansin kong napapatingin sa amin ang ilang mga kapwa estudyante naming naglalakad rin papasok sa school, lahat sila nakapayong.

Kaming dalawa lang ang hindi.

Nagkatitigan lang kaming dalawa, ang pinagkaiba lang ay siya ay nakangiti habang ako ay sinusubukan kong ngumiti.

Nang mapansin niyang hindi lang ulan yung bumabagsak sa mukha ko, kundi may kahalo iyong luha. Doon na unti-unting nawala yung ngiti sa mukha niya.

"G-Gusto mo bang m-mag..." Nakita ko yung pag-aalala sa mukha niya pero pilit syang ngumiti sa akin. "... ice cream?" Dagdag pa niya bago siya ngumiti ulit, pero genuine na.

Napakagat ako sa labi ko bago unti-unti na naman akong napahikbi pero pilit akong ngumiti at tumango sa kanya.

Nababaliw na yata ako, umiiyak ako pero ngayon ay natatawa ako. Natatawa ako dahil sa kabila ng malamig na panahon, ice cream pa yung naisip niyang i-alok.

Napansin niyang tumatawa ako pero umiiyak pa rin ako. Nang makita ko yung awa sa mata niya ay tuluyan ng nawala yung tawa ko. Kasi pinakaayoko sa lahat ay yung kinakaawaan ako ng mga tao.

"Rose..." Tawag niya sa pangalan ko.

Hindi kami magkaibigan ni Taehyung pero hindi rin kami magkagalit, simple lang. Magkaklase lang kaming dalawa at yun lang ang relasyon namin, kaya hindi ko akalain na pinag-aaksayahan niya ako ng oras, na pinag-aaksayahan niya ng oras yung isang taong hindi rin naman makikinig sa kahit anong payo na ibigay sa akin ng mga taong nakapaligid.

"Pwede bang huwag ka ng umiyak?" Mahinang tanong ninya sa akin.

Papaano? Papaano ko hindi iiyak? Kasi sa totoo lang nagsasawa na rin akong umiyak.

"Pwede bang huwag mo na silang tingnan ulit?"

Napakagat ako sa labi ko, hindi ko kaya. Pero hindi ko rin masabi sa kahit kanina na hindi ko kaya.

"Pwede bang huwag ka ng magpakatanga sa kanya?"

Halos hindi ko na makita si Taehyung dahil puro luha nalang yung nasa mata ko, naninikip yung dibdib ko pero parang mas nararamdaman kong nasisira iyon.

"Pwede bang yakapin ki-- no, mali..." Bahagya siyang lumapit sa akin bago niya pinunasan yung luha ko. "Pwede bang yakapin mo ko?" Sincere na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at kung bakit yinakap ko si Taehyung noon habang wala akong kaemo-emosyon sa mukha.

Siguro dahil gusto kong gumaan ulit yung pakiramdam ko, gusto ko ulit maramdaman kung papaano humupa yung lahat ng sakit na nararamdaman ko nung niyakap ko si Jimin kagabi, kasi akala ko yakap lang yung makakapagpawala ng lahat ng sakit.

Pero pagdilat ko ng mata ko tumama yung paningin ko sa isang taong basang-basa rin ng ulan... kahit nakapayong siya.

Nagkatinginan kaming dalawa pero ilang saglit lang ay umalis na rin siya.

At hindi na ulit ako tiningnan ni Jimin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 305 18
BLACKTAN SERIES #1 Park Jimin's Point of View "I knew one day you'd fall for someone new" /This is a Filipino Fanfiction/ /No Plagiarism/ ParkShinDa...
223K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
627 183 16
Awit Series #2 Para kila Paula at Theo, handa nilang talikuran ang lahat para sakanilang pag mamahalan. Ngunit isang hinala ang sumira sa plano nilan...
4.9K 224 74
It was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so...