"Ihanap mo nga Ako?"

By ParengMiss

54 4 1

Bakit kailangang ihanap kita? Hindi mo ba makitang...? . . . . . Nasa harap mo na AKO?! More

"Ihanap mo nga Ako?"

54 4 1
By ParengMiss

"Oyy! Tweety bird, ihanap mo naman ako ng bagong chix?"--

"Oh? Anong nangyare sa inyo ni Jeca?"--

"Ah. Yun tapos agad. Marami din palang boys yun eh!"--

"Yan napapala mo babaero kase! Last na talaga yung si Jeca!"--

"Tweety ko naman, please..."-- With matching puppy eyes pa yun ah. Tong babaerong to talaga. 

"Hayy! Tasmanian DEVIL ka talaga!"--

"I know right! Alam mo na, bigay mo na lang number ko! Basketball muna ako! Bye!"-- Tapos sabay takbo na nya palabas ng room ko! Oo, nasa  room ko sya! Ganyan kami eh parehong feel at home sa bahay ng isa't-isa. 

Bago ko makalimutan hindi po tweety bird ang pangalan ko... Dyeziel Mei Castillo po.  Pero yung babaerong yun pauso, tawagin ba naman akong tweety bird eh lalaki yun di ba? At dahil devil sya, Taz naman tawag ko sa kanya. hahaha. Ohoy, Terrence dela Merced po ang pangalan non.. TD tasmanian devil pa rin.

Bakit kami close? Eh kase we're neighbors since ewan, namulatan na lang namin na nakatira kami sa isang subdivision sa Brgy. Dibinabagyo na magkatabi ang bahay..EPIC di ba? Isama mo pa na classmate, seatmate at yun taga-hanap nya ng chix. Hindi naman sya mahirap ihanap ng chix eh, kase hindi ka nya ipapahiya, unang-una na Gwapo, may utak din naman at heartthrob sa hard court. Minsan nga yung mga babae pa yung nag-papabibigay ng number nila kay Terrence eh. Kadalasan nga lang naaway ako nung mga babae nya lalo na pag pinagsasabay-sabay nya. Hanep kase yang mokong na yan. Ako pa nga ang nag-sosorry para sa kanya eh.. DEVIL as in..

2 Weeks after.. 

Nasa may living room ako namin at merienda time na tsaka The heirs na kaya. Kyaaah. Nang marinig ko ang boses ng gwapong devil.

"Hi Tita! Si Dyeziel po?"-- Haha! Hindi nya ko pedeng tawaging Tweety pag-andyan sina mommy kase para nya kayang iniinsulto yung magandang pangalan na naisip ng parents ko. Hehehe. JK. Ewan ko dyan pag kami lang dalawa tsaka lang nya ko tinatawag na tweety.

"Nasa loob kumakain ng merienda!"---

"Ah! Sige po! Tita, pede pong maki-merienda?"-- Ang kapal talaga ng face! Grrr.

"Sus! Oo naman. Sabihin mo kay dyeziel ipaghanda ka!"--

"Yun naman! Thanks, Tita."--

Nakatingin na ko sa may pinto dahil inaantay ko na sya, balak ko sanang batuhin ng throw pillow ang kapal kasi eh..

Kaya lang... Bakit ang gwapo nya kahit pawis na sya? Parang ang bango pa rin. Mukang kagagaling lang nya sa pag-babasketball. Kaya yun, imbes na batuhin ko sya, napayuko na lang ako at napainom ng coke! Waaah. Nakakauhaw naman tong spag.

"Narinig mo naman siguro?"--- Hindi ko na sya sinagot  at kumuha na lang ako ng pagkain para sa kanya.

"Yan gusto ko sayo eh."--- Sabi nya, pagkabigay ko sa kanya nung pagkain. Ginulo pa nga yung buhok ko eh, parang bata naman ako.

"Ang init naman!"-- Sabi nya, sorry wala kaming aircon hindi katulad nila meron.

"E di, umuwi ka sa inyo! Arte neto"-- Buti na lang hindi ako nautal naghubad kasi ang loko.. Waaah! Parang ang init nga! Wew.

"Kaya naman pala ang init dito, ang init kase ng ulo mo? Meron ka ba?"-- Tamo.. kainis.. Inirapan ko lang sya. Aba tinawan lang ako! Tinuloy ko na lang ang panunuod ko pag-gentong nakakakilig yung palabas eh. Ganun din sya kaya lang naiilang talaga ko kase naman hubad pa kase sya. Di ba nya naisip na may babae dito. Oo nga't lalaki si tweety bird pero ako babaeng tweety nya. Aist. Kaya para matapos na to, for sure may kailangan to kaya sinadya pa ko.

"Wag mong sabihing manliligaw ka kaya ka nandito? Anong kailangan mo?"--

Tiningnan muna nya ko tsaka tumawa. Tamo patawa-tawa lang pagkatapos nyang maging-MIA for  two weeks.

"Hahahaha! Galing mo talaga! Bakit mo alam?"---

"Basted ka na!! So, ano nga?"--- Alin ba dun yung tinama ko yung sa panliligaw o yung may kailangan sya? Ayy! Syempre yung may kailangan sya.. Ano pa?

Tumigil naman sya. Nag-iwas sya ng tingin. Ewan ko nga kung bakit eh? Parang na-offend ko sya. Hayy. Baka guni-guni ko lang yun.

"Hoy! ano na nga?"--- Tinapik ko pa sya sa balikat kahit medyo naiilang ako! ang init talaga dito. Medyo nagulat ata sya. Pero nakabawi naman agad at ngumiti na ulit.

"Ah..Alam mo ba? I think nahanap ko na ang The One!"--- Ouch dude. At nung sinabi pa nya yun parang nasa harap nya yung The One nya. Ayy! Feeling ako tuloy ako yung tinutukoy nya. Pero asa naman ako di ba? Ngayon nga lang sya ulit pumunta dito e. Kaya pala, 2 weeks syang MIA kasi na kay Mia Beatriz sya.. Dun ko kasi binigay yung number nya. Girl Bestfriend ko sya nung elementary. Sabagay, maganda, mabait at matalino talaga yun compare mo naman sa kin maganda lang.. Yaan nyo na ko ha. BH eh.Kaya hindi na ko mag-tataka kung sya na ang The One ng Devil na to.

"Talaga? Good for you! Right?"-- Alam kong pilit lang yung ngiti ko. As in super pilit at hindi na ko magtataka kung mahalata nya yun.

"May problema ba, tweety? Masama ba makiramdam mo?"---

"Ha? Oo, alam mo na girl thing?"-- Okay. Liar. Wala naman ako eh. katatapos nga lang eh kaya lang kailangan eh. Iniwan ko na sya dun. Hindi ko na kasi kayang pigilan yung luha ko. Pero bago ako makapasok sa kwarto ko, narinig ko pang sumigaw sya.

"Dyeziel! Pahinga ka ah. Manuod ka mamaya. Pag-wala ka nakakatamad mag-laro"--

Hindi na ko sumagot at pumasok na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kama ko at dun nag-iiyak. 

Gusto ko sya! Sa palagay ko matagal na. Halos di ko na matandaan kug kelan nag-simula. Sa 18 years ko sa earth, sya lang yung lalaki na mahalaga sa akin bukod sa daddy at kuya ko. Ngayon lang ako umiyak ng dahil sa kanya, kahit pa sabihing lagi na lang syang nag-papahanap ng chix nya mas okay sa akin yun kase ibig sabihin nun may chance pa ko pero ngayon na nahanap na nya ang The One nya. Wala na. The end na ng nararamdaman ko para sa kanya. Siguro ayos na rin to kase ibig sabihin hindi ko na kailangang mag-hanap pa ng chix nya at isa pa titino na rin sya. Kahit masakit siguro magiging masaya na lang ako para sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa kakaiyak.

Una kong hinanap ang cellphone ko.Titingnan ko kasi yung oras 7:30 na pala.  May mga text din akong nareceived. Karamihan GM. Pero meron isang text na nakapag-pakirot na naman ng puso ko pero nakapagpakilig pa rin sa akin.

Terrence the Devil

"Tweety ko! Okay ka na ba? :)) Makakanuod ka ba? Sana makanuod ka.. :(("

Hayy! Kung hindi lang talaga kita.... Aist! Okay manunuod na. 8:00pm pa naman start nun e.

Nagpaalam ako na manunuod ako ng basketball kina mommy. Nabanggit ni mommy na dinaanan pala ako ni terrence. Mukang kelangan nya ng back up para kay Mia a. Okay! Kailangan kong maging matatag. Aist! Drama tama na nga yan.

Pagdating ko sa may court nag-sisimula na yung game. Medyo mabagal ako kumilos eh, naligo at kumain pa kase ako.Ang daming tao. Parehas kasing magaling yung team nag-lalaro.  

"Dela Merced, technical foul!"---

Anyare. Mukang mapapaaway pa ata. Nakita ko si Mia kaya lumapit agad ako sa kanya at nagtanong.

"Ayun mainit ata ulo ni Terrence. Napatid kase sya nung kalaban muka naman hindi sinasadya e. Nainis. Ayaw ngang paawat gusto gumanti kaya na-technical."--

Problema nung lalaking yun? Hindi naman yan ganyan pag naglalaro kalmado lang yan. Napag-alaman ko rin na 2nd Quarter na pala. Problema kaya talaga nun, ano?

Dumaan sya sa may side namin. Kasunod nya yung isa nyang ka-team mukang inaawat sya, Kaya naman tinawag ko sya.

"dela Merced, problema mo?"--- Napatingin sya sa akin na mukang galit pa rin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Medyo nag-fade na rin yung galit sa muka nya dapat lang. Pinapanuod pa nya ko dito. Arte nya.Hahaha. Pag-tatawanan ako nun mamaya. Hayy.

At yun sa huli nanalo sila buti daw kumalma na si Terrence kung hindi talo pa sila. At bilang Terrence dela Merced sya yun nag-yayabang sa kin tuwing nakaka-puntos ang loko.

Pauwi na ko ng marinig kong tinawag ako ni Terrence.

"Tweety!"--

"Why?"---

"Why ka dyan? problema mo?"--

"Ikaw, sino pa? Tanong ka pa e?"--- 

"Aist! Uwi na nga tayo."--

"Hindi mo hahatid si Mia!"--

Tiningnan nya lang ako at hindi sinagot yung tanong ko at nag-lakad na. Para ngang hindi nya kilala si Mia eh, aist ang babaero talaga.

Nung nasa may tapat na kami ng bahay namin may naalala akong itanong, may cute kase syang kakampe. Ang cute talaga. Hahaha. Hindi to rebound kung iniisip nyo ha, ang cute lang talaga as in. Parang ang sarap nyang maging tropa ganun, feeling mo kase cute ka na rin ganun. Hahaha.

"Pasok na! Good night!"--

"Wait! Oyy! Sino yung number 20, ang cute, ano ngang epilyedo nun?!"--

Ang sama ng tingin nya sa akin. May mali ba kong natanong.

"EWAN, nakalimutan ko. Pumasok ka na nga. Wag ka ng manuod sa susunod ah."-- Tapos tinalikuran na nya ko at pumasok na sa bahay nila. Anyare dun?

Simula nung gabing yun hindi na sya napunta sa bahay, hindi na rin sya nag-tetext. Hindi na nga ako nakakapanuod ng basketball eh. At 2 weeks na ang nakalipas ha. Natiis nya ko. Kainis.

Championship na pala ngayon, sinabi lang ni mommy hindi naman yun mahilig manuod ng basketball kaya hindi ko mayaya. Eh hindi naman ako makapuntang mag-isa baka mabad trip lang yun di ba nga wag na daw akong manuod. 

Binalita nina Tita na champion daw sina Terrence tinatanong nga nina tita kung bakit hindi daw ako nanuod.Sinabi ko na lang na masakit ulo ko. Wala pa si Terrence nag-cecelebrate pa daw kase ang team.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Sa may smalls stairs sa labas ng gate namin. Medyo matagal na din akong nag-hintay nilalamok na nga ako e. Buti nga dala ko phone ko e, may pinagkakalibangan ako. Medyo malalim na ang gabi ng dumating sya. Ano ba dapat kong gawin? Babatiin ko? aist ewan, makapasok na nga lang sa loob mukang galit pa e. Hindi nga ako tiningnan. Pero nagulat ako ng tumabi sya sa kin.

Waaah! Ang bango nya. At yun gwapo pa rin. Hindi naman sya umiimik. Hindi na ko nakatiis.

"Namis mo ko no?"--

Tumawa lang ang lalaksot. Pero sumagot naman sya.

"Bakit lagi mong alam ha? Parehas siguro tayo ng nararamdaman no?"-- Tiningnan nya pa ko. Namis ko talaga sya. 

"So, Namiss mo nga ako?"---

At katulad dati tumawa muna bago sumagot. Bwisit talaga.

"Oo na nga, para sa ikaliligaya mo!"---

Hahaha! Okay! So hindi lang pala ako ang nakamiss.Hahaha. Pagkatapos nun nag-karon ng akward silence ah, nakakainip.

"Kumusta?'-- Tanong ko.

"Eto gwapo pa rin. Hahaha!"-- Nabatukan ko nga ang yabang eh, alam ko namang totoo pero di ba sana maging humble siya minsan.

"Aray naman! Yung totoo, syempre malungkot hindi ka kaya namamansin."--- Aba't?

"So ako pa ngayon, galing mo naman!"--

"Syempre MVP nga oh!"---

"Eh ewan ko sayo! Kayo ni Mia?"--- Mukhang nagulat sya sa tanong ko. 

"Ha? Sinong Mia?"--

"Sira yung "the one" mo"--

"Ah. Kalimutan mo na yon."---

Katahimikan para sa aming dalawa pero sya din naman yung naunang nagsalita. 

"ah tweety may sasa----"

Hindi ko na sya pinatapos mukang alam ko na kasunod nung sasabihin nya.

"oops. Wait pede ako muna? Maiba lang, ihanap mo naman ako ng chix?"--- hehehehe! 

"Okay! Your wish is my command, sweetie."---

Did I heard it right? Sweetie not tweety? Tapos kinuha nya yung phone nya at mukang may itinetext. Nag-vibrate yung phone ko kase may nag-text ang bilis naman ata.

Pero yung nag-text. Unbelievable!

"Oyy sabi ko ihanap mo ko?"--

"yan na nga o! Bakit kailangan pa kitang ihanap? Hindi mo ba makitang nasa harap mo na ako?"-- Eh? Nalilito ata ako. Kase naman po yung nag-text ay sya.

"pero di ba yung the one mo?"---

"Bakit ito hindi mo alam? Gusto kita matagal na, kaya nga tweety e sweetie di ba?"---

Eh talaga? Matagal na e ang dami nga nyang naging chix at sa kin pag nag-papahanap. Ano kayang reason nun?

"Alam mo nakakatuwa ka? Pinagseselosan mo pati sarili mo eh ikaw naman talaga. Tintry kong pagselosin ka kaya laging akong nagpapahanap ng chix sayo hindi ko kase mawari kung may pag-asa ba ko sayo o mababasted mo lang pero dapat pala nag-tapat na lang ako para hindi na kita nasaktan kung meron ka mang nararamdaman para sa kin tsaka pumanget yata image ko sayo naging babaero pero gwapo pa rin naman ako kaya panalo ka na sa kin. Ang nakakainis lang hanap ka naman ng hanap.tss"

 Seryoso ba tong gwapong to?

"Bakit walang paramdam ng two weeks?"--

"Eh kasi po nag-iisip ako kung pano magtatapat sayo kasi pag-iniisip ko pa lang nasasabihin ko sayong gusto kita natataranta na ko lalo pa pag magkasama tayo kaya minsan dinadaan ko na lang sa tawa. tsaka nag-seselos ako dun sa #20 na tinawag mong cute? Kagwapo ko dun."--

 "Talagang wala kang balak sabihin yung pangalan nung cute ah!"--

"Dapat na ba kong ma-threaten! Hindi mo pinansin yung pagdadrama ko! Textback ka na!"--

 "Wala akong load eh!"---

"Aish! Kung di lang kita mahal for the first time makakapagbigay ata ako ng load sa chix, ay tweety pala!"--

"Ewan ko sayo! Text ko na lang sayo! 30 ha para makapag-unli! Nyt!"-- Masyado na kong pinapakilig ng gwapong to. Tumayo na ako papasok na sana ako sa loob ng pinigilan nya ko hinila nya papunta sa kanya kaya napaakap ako sa kanya!

"Tweety ko, I missed you!"-- Eh!? Mas lalo ata akong kinilig! kainis tong lalakeng to. Mukhang di ko na ata maantay yung load!

"Hoyy! Oo na nga!"-- Ganun din naman ending papatagalin ko pa ba?

Hinarap nya ko at napangiti na lang sya! waaah! Sobrang gwapo nya pag ganun yung ngiti niya sa akin!

"I love you!"-- Yan lang nasabi nya! Dun naman ako napangiti ng solid.

Kung ano yung text niya! Eto lang naman!

Terrence the Devil

Hi! Can you be my Girlfriend?

Seriously, Gento ba lagi text niya! Ang bilis lang di ba? Hayys! #GalawangTerrenceTheDevil

END!

THANK YOW! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 53.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
14.5M 393K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
170K 105 9
New One Shot Stories
Wattpad App - Unlock exclusive features