The Great Disaster

By AshMar_01

210 16 1

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Mortal Enemy? When you hate someone too much to the point that you'll have the... More

The Great Disaster
PROLOGUE
Chapter 2

Chapter 1

52 4 0
By AshMar_01

Special mention kay KhyleEstrella2!!! Wooh ang ganda niyan pramis. Hahaha! Thank you dahil pinromote mo kuwento ko. Lavyah!

********************
Maris Adelfa's POV

"Ang dilim naman dito. Pwede bang buksan ang ilaw? Di ko makita hinahanap ko dito eh." Sabi ko habang naghahalungkat dito.

"Mag isip ka nga Adelfa. At tsaka wag ka ngang maingay baka marinig nila tayo." sabi ni Zeny Owensby.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Ryker Dawson. Naghahanap ng ebidensya. Oo ebidensya kung siya ba talaga ang gumawa nun kay Elora. At ang dilim pa infairness huh? Pwede namang buksan ang ilaw dito kaso pinigilan ako netong si Zeny. Pano namin mahahanap ng madali yung hinahanap namin e ang dilim. Pero sabi niya di daw pwede kasi baka may makakita.

"Maris Adelfa, look at this." Sabi ni Zeny.

Pumunta naman ako sa gawi niya. At may hawak siyang cellphone. Pumunta siya sa messages at may iisang text lang don.

10:18 am. Thursday

( Sumusunod ka naman pala sa usapan.)

From: 09123456789

"Zeny, diba thursay din siya pumunta sa presinto at sumko?" Sabi ko habang nakatingin lamang sa hawak kong cellphone ngayon.

"Basta graduation ng kuya mo yun."
sabi niya.

I check my calendar on my phone at thursday nga nung graduation ni kuya. Wait, parang may mali dito ah.

"Teka, alam mo ba ang eksaktong oras?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko na masyadong maalala pero. Pero mga around 10am sigruo. Kakatapos ko lang kasi sa class nun eh."

Napaisip ako, 10:18 malapit lang sa 10am at exactly Thursday din ang araw nung sumuko siya.

"Zeny, feeling ko na set-up lang siya."

"What do you mean?" Sabi niya na para bang nalilito

"Feeling ko may kinalaman yung text nung lalake sa kaso. Kasi di mo ba napansin? Thursday sumuko si Ryker. Mga 10 siya sumuko then yung nagtext eh 10:18. Posibleng may kinalaman yung sender." Pwede dahil malapit lang sa oras na sumuko si Ryker.

"So ang pinapahiwatig mo na nautusan lang siya?

"Exactly. We need to talk to him." At umalis na kami.

***********************

Nakaupo lang kami dito sa presinto hanang hinihintay si Ryker. Dala ko pa rin yung cellphone na nahanap namin kanina.

Naglalakad na papunta dito sa amin si Ryker. Napatayo ako. Tinignan siya ng seryoso. As in titig na titig lang sa mga mata siya.

"Paki-explain ano meron dito?" Saka ko pinakita sakanya yung cellphone na may message.

Biglang nanlaki ang mata niya. Hmm, i smell bad. Pero ayaw ko siyang pangunahan. Gusto ko sakanya mismo lumabas ang katotohanan.

"Saan niyo nakuha yan?!"

"Di na yon importante, ang importante dito ang katotohanan." Nag iwas siya ng tingin.

Di parin siya nagsasalita. Nakatingin lang ako sakanya.

"Ryk, di mo pwedeng saluhin ang kasalanan ng iba. Kilala kita, di mo magagawa yun. Tutulungan ka namin. Basta sabihin mo lang samin kung ano ang totoong nangyayari." Sabi ko sakanya

"Wala kayong alam. At ayokong madamay kayo dito. Lalo na si Zeny. Alam mo naman na mahal na mahal ko siya----" I cut him off

"So gagawin mo ang lahat para lang di siya masaktan? Sa tingin mo di siya nasasaktan ngayon? Sarkastiko kong saad.

"Wag na kayong makielam dito. Baka may mangyari pang masama sainyo. Sainyo ni Zeny. Kaya pabayaan niyo na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko." Ang tigas ng ulo nitong lalaking 'to.

"F*ck those warnings Ryker Dawson!" sigaw ko. Pati mga tao dito napatingin na din sa amin. Pero wala akong pakielam sakanila. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Ryker.

"Wala akong pakialam kung may mangyaring masama sa amin. Dahil di ako makakapayag dun. Pero Ryker gumising ka! Kailangan mong gumising sa realidad! Ano? Pababayaan mo nalang ang sarili mo dito sa mainit at mabahong kulungan na ito?!" Sigaw ko. Pinagtitignan na kami ng mga tao dito pati ang mga pulis. May lalapit sana saming pulis kaso pinigilan ko.

"Okay lang kami. Nag-uusap lang kami netong kumag na 'to. There's nothing to worry. Saka ko nalang kayo tatawigin para may role din kayo kung mainit na ang usapan." Sabi ko dun sa pulis na palapit samin. Inaalok ko nga sila nitong dala naming pagkain kaso umiling lang sila. Di ba nila gusto ang cookies and cream flavor ng ice cream?

"Stop being too selfless and at least for once, think of yourself too. Sa mundong ito hindi dapat nagtagumpay ang mga masasama." Sabi ko saka padabog na nag walk-out. Di ko na keri ang presensiya sa loob. Feeling ko sasabog na ako. Kailangan ko ng hangin. Pagkatapos ng 5 mins and 30 secs ay bumalik na ako sa presinto. Naabutan kong nag uusap sila Zeny at Ryker.

"Hindi ko talaga maintindihan yang boyfriend mo Zeny. Siya na nga ang tinutulungan siya pa may ayaw! Kung ayaw niya di wag. Di siya kawalan. Bahala siyang makulong dito habang buhay este ng matagal na panahon." Pagpaparinig ko. "Kasi kung ako? Hindi ako mag-----"

"Fine!" Sabi niya at hinampas ang lamesa.

"Kasi kung ako? Hindi ako magpapakatanga----" pagpapatuloy ko. Naiinis parin ako sakanya.

"Di ka pa ba titigil diyan? Hays oo na! Aamin na ako." sabi niya.

"Aamin ka rin pala eh. So totoo bang na set-up ka lang?" Saka ko binalik ang seryoso kong titig.

"Y-yes." Nauutal niyang sabi. Kinakabahan ba siya? Tsk.

"Ginawa ko lang nanan yun para di na kayo madamay pa." pag eexplain niya.

"Sino yun? Yung nagtext sayo? Siya ba ang mastermind?" sabi naman ni Zeny na kanina pa tahimik. Kala ko naman wala siyang script dito. Meron naman pala.

"Grabe naman yang mastermind Maris." napatawa si Ryker sa sinabi niya.

"Eh ano?" Taka kong tanong.

"Wala, basta siya lang nag utos saken. Pero sa pagkaka alam ko may boss pa siya."

"Eh kung hindi ikaw ang nakasaksak kay Elora........." sabi ni Zeny na nag iisip. Ako din wala akong ideya kung sino ang nasa likod nito. Hindi kaya si kuya? No big no. Eh si tito? Hindi rin. Sinubukan kong naman tumingin sa likod ko baka nandito lang kaso walang tao eh.

"Ayun lang ang di ko alam." pag aamin ni Ryker.

Sa totoo lang naaawa ako kay Ryk. Ang tanga niya kasi eh. Joke.

"Hay nako Ryker! Aakuin mo yung kasalanan nang iba pero di mo kilala kung sino? Incredible!" napasigaw nanaman ako kaya ang mga tingin ng tao nasa amin. Napatawa naman siya.

"Kailangan nating malaman kung sino ang pulot-dulot nang lahat ng ito." malumanay na sabi ni Zeny. Sumubo naman ako ng ice cream.

"Ngayon na ba natin uumpishan ang imbestiga?" Tanong ulit ni Zeny. Tinignan lang nila along dalawa na naghihintay ng isasagot ko.

"Hindi pa." sagot ko.

"Ha kelan? Bat di pa ngayon kung pwede naman?" Naguguluhang tanong ni zeny.

"Nagpa schedule kasi ako ng guitar lesson ngayon kaya siguro bukas nalang." Oo totoo ang narinig niyo mga kapipol. Nagpa schedule ako kasi akala ko free ako ngayon eh. Ayaw ko namang i-cancel kasi gwapo pa naman yung magtuturo sayang naman.

"Huwwwaaaattt?" saby nilang sabi. Napatampal pa sa noo si Zeny. 'Tong magjowa na to oh. Sarap pag umpugin. Kala nila destiny na sila? Ha-ha.

Napatingin ako sa orasan ko. 10 minutes late na pala ako. Lagi nalang akong late. Babaguhin ko nga minsan ang mga routines ko.

"Yeah. Sige mauna na ako ha? Mag taxi nalang ako. Zeny umuwi ka na agad ah? Text moko kung nakauwi ka na. Bye livers este lovers." Sabay halik sa pisngi ni Zeny.
*********************

"Subukan mo naman ang Am7."

Saka ko na pinuwesto ang mga daliri ko sa gitara. Ez naman pala eh, akala ko pa naman mahihirapan ako lalo na kung gwapo ang nagtuturo saken. Siyempre di ako makakapag concentrate pero nakaya ko naman.

"Very good Maris." Pagpuri saken ni Crosby. Ayaw niyang tawagin ko siyang sir. Mukhang matanda daw pakinggan. At tsaka dalawang taon lang naman ang pagitan naming dalawa.

"Ah. Hirap naman nitong F chord. Parang mababali ang mga daliri ko." Ang hirap naman kasi eh.

"Ikaw talaga Maris ha-ha. I pracrice mo lang makukuha mo din ang tamang nota." Sabi niya ng nakangiti. Pancit na malagket! Omy gulay! Ang gwapo niyang ngumiti

Tumingin ako sa parang blackboard para tignan kung ano ang susunod na chords. Pano na nga ba ulit yung C?

"First finger at the second string... in first fret." Panimula niya saka hinwakan ang mga daliri ko para iayos sila. Geez

"Then middle finger at the 4th string in 2nd fret." Ang lapit ng mukha niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ewan ko ba king singkit siya o hindi eh. Kasi pag tatawa siya sumisingkit ang mata niya. Pero minsan naman hindi. Aish.

Ah, "then--"

"Yes sir alam ko na hehe. Thanks." Sabi ko. Di ko na kaya ang lapit ng mukha niya. Crush siguro ako neto. Sa lakas ba naman ng charm ko sino ba naman ang hindi mabibighani saken diba?

"Sir naman? Diba sinabi ko na sayo Crosby nalang." Sabi niya ng nakatingin sa mga mata ko.

"Yes Crosby Durren. Hindi lang ako sanay hehe." Kaloka ka.

"Alam mo Adelfa, hindi ka naman mahirap turuan eh." sabi niya ng nakangiti.

"Of course! Basta gusto mo yung ginagawa mo at may passion ka kaya mo. Kahit gano pa yan kahirap FIGHTING! AJA!" Sabi ko with action pa.

Pagkatapos ko sa guitar lesson ko dumiretso ako sa bahay para ilibot si Milo dito sa park ng subdivision namin. Ang cute talaga nitong aso

"Achuchuchuchu" saka hinimas ang balahibo niya.

"O bakit Milo? Pagod ka na ba? Sige pahinga muna tayo." At ppumunta naman kasi sa may bench. Habang nakaupo ako may nakita akong nagtitinda ng cotton candy.

"Baby Milo dito ka muna ha? Bibili lang ako nun oh" sabay turo sa vendor ng cotton candy. Tinali ko muna siya sa may upuan.

Dali dali akong lumapit. May strawberry at chocolate na flavor. Ano kayang flavor? Uhm.... aha! ^bright idea!^ eh kung pagsamahin ko nalang kaya ang strawberry flavor at chocolate? mukhang masaya yon. Hihihih

"Kuya pabili nga po ng strawberry at chocolate. Ipaghalo niyo ah."

"Huh?" sabi ni kuya. di ba niya naintindihan ang sinabi ko? baka fil-am si kuya?

"Kuya yung imimix mo?" inenglish ko na yan. Malay nyo foreigner.

"Anong trip mo neng?" sabi niya. Nakakunot ang noo niya. Nagtatagalog naman pala.

"Trip ko?" nag isip muna ako. "Ah trip ko sana manuod ng sine ngayon eh, kaso wala naman akong kasama so wag nalang. ang boring din naman kasi kapag ikaw lang mag-isa. Di ko rin pwedeng isama si Milo kasi 'no pets allowed' dun." sabi ko ng nakangiti

"Bakit niyo po natanong kuya? gusto niyo rin po bang manuod ng sine ng kasama ako? Ehem, pero sorry kuya di ako sumasama sa mga kakakilala ko lang." pagtataray ko. Aba siyempre baka pala terorista si kuya di ko alam. Baka balak pasabugin ang buong Pilipinas.

"Ano bang pinagsasabi mo? ang sabi ko anong trip mo ba't ipaghahalo mo ang strawberry at chocolate?" Kumuha siya ng strawberry ay choco flavor at saka pinaghalo na niya.

"Subok lang po hehe." pinagmamasdan ko lang si kuya sa ginagawa niya.

Napatigil ako ng may kamay tumakip sa mga mata ko. Kikidnapin ba ako? Baka si kuyang cotton candy lang 'to?

"Kuyang cotton candy ikaw ba yan?" Kalmadong tanong ko. Sabi kasi sa akin ni Zenny kapag daw ganito wag daw ako pahahalata na natatakot o kinakabahan kasi daw bibigyan ko ng rason yung kidnapper na mas lalo akong takutin. "Kikidnapin mo ba ako? Hala kidnap for ransom yan no? Naku, wala kaming pangbayad kuya. Ilan hinihingi mo? 100k? 500k? 1Million? Name your price! pero sinasabi ko agad kuya na wala kaming pambayad diyan. Yung nanay ko walang trabaho tapos yung trabaho ng tatay ko.... uhmmm...."

"Barbero oo barbero si tatay kaya sapat lang ang kinikita niya sa aming sampung magkakapatid."

"Pffttt. epic!" Narinig kong sabi nung kidnapper na si kuyang cotton candy. Nanggaling sa likod e.

"Hoy kuyang cotton candy bat ka tumatawa?" Mataray na sabi ko.

"Tss di ako tumatawa lul. Tsaka ba't naman kita kikidnapin? Mukha bang kakidnap kidnap ka? Sus hindi ah." Teka- yung boses na yun parang sa harap nanggaling. So sino itong lalake sa likod ko?

Saka may bumulaslas ng tawa sa likod ko. Saka niya tinanggal ang kamay niya sa mata ko. Nakita ko si kuyang cotton candy na busy sa ginagawa niya. Kaya tumalikod ako para tignan kung sino yung tumakip sa mga mata ko.

Nanlaki ang mata ko nung makita ko ang nasa likod ko.

0____0 0o0 "JON?!!!!########"

"SURPRISE!" sabi niya na parang clown. Na-iimagine nyo yun? Ang panget

"Woah Jon! Welcome home! Ay este welcome park! Yuhooo!" nasa park nga pala kami. Bigla ko tuloy siyang namiss. Ang tagal na kaya naming di nagkikita simula nung bata pa kami. Childhood friend ko si Jon at ngayon lang ulit kami nagkita matapos siyang pumunta sa America para mag aral.

"Ibang klase ka Adelfa, di ka parin nagbabago. You're still the old Adelfa. Kahit 6 years na ang nakalipas" ngiting ngiti tong mokong na 'to. Mukhang ang saya niya. Siyempre sino ba naman ang hindi sasaya kung makita ako?

"Mali ka Jon Louie Medrano. may nagbago saken." Pout. Nanalaki pa ang mga mata niya dahil tinawag ko siya sa buong pangalan niya.

"Itong buhok ko, pinagupitan ko ito last 2 months. tapos pumayat na ako kaya naging mas sexy pa. Kaya may nagbago saken."

"Aish ewan ko sayo." saka siya tumawa ulit. I also see him rolled his eyes. Tss parang babae.
Nababaliw na talaga to. Pumunta lang ng States ganyan na. -_-

Jon's POV

"Ibang klase ka Adelfa, di ka parin nagbabago. You're still the old Adelfa. Kahit 6 years na ang nakalipas." nakangiti kong saad. Kasi kahit ang tagal na naming di nagkikita di parin siya nagbabago. Ang saya lang. Ang saya lang na ang gwapo ko parin.

"Mali ka Jon Louie Medrano." Sabi niya. Eh kung mali ako, ano?

"Itong buhok ko, pinagupitan ko ito last 2 months. tapos pumayat na ako kaya naging mas sexy pa. Kaya may nagbago saken." see? Minsan nga gusto ko na tong bangasan. Grabe ang bilib sa sarili? Tss.

"Aish ewan ko sayo." I just rolled my eyes.

"Wag ka ngang umasa na sexy ka! Kahit nga sa panaginip ko di ko maimagine na---- ARAY!!!" ampucha! The hell?

"HOY! ADELFA!" Kita niyo kung gano kabrutal nitong bruhang 'to? Suntukin ba naman ang tiyan ko? Ang sakit lang shet.

"BUMALIK KA DITO HOY! BAKIT BA BIGLA KA NALANG NANUNUNTOK? AT TSAKA BUTI MAY ABS AKO KUNDI NAKO." 6 packs abs ata 'to? Pero dati yun hehe. 4 nalang.

"Abs? Ha-ha are you kidding me? Malambot nga eh kaya wala kang abs! Tse!" Aba aba? Napailing nalang ako.

Nakita kong sumakay na siya sa bike niya. Takasan ba naman ako?

"Aish! Di pa tayo tapos Adelfa! Makakabawi din ako sayo. Ibibitin kita ng patiwarik!" Sigaw ko hanggang sa makalayo na siya. Narinig niya siguro yung sinabi ko. Sa lakas ba naman? Kahit siguro langgam maririnig eh. Ewan nalang kung bingi siya.

Tinignan ko ang wrist watch ko. 5:30. 0o0?????????

I almost forgot. May date pala ako.

Adelfa's POV

Palingon lingon ako sa paligid baka sundan ako nung panget na yun. Mukhang wala naman na siya. Buti naman.

"Milo, ayos ka lang ba? Ayos ka lang? Ah okay. Gutom ka na? Ano gusto mo kainin? Aww ayaw mo ng rice? Oh!? Diet ka ngayon? Abay bakit?" Napataas naman ako ng kilay ko. Anong drama neto aber? Makauwi na nga. Pakainin ko nalang siya ng chocolate. Hahaha joke lang. Masama pala sa mga aso yun no? Ah, milk chocolate nalang pala.

Naabutan kong nasa sala si .
"Asan sila mama?

"Pumunta ng grocery." Sabi niya hanbang tutok na tutuok sa tv. Makatutok naman akala niya nandiyan si G Dragon. Or di kaya si Harry Styles.

"Ah." K.

"Im zoooo exziteddd!" Sabi mung kapatid ko na parang kinikilig ang pwetan.

Pumunta na ako sa kwarto saka bagsak sa kama.

"I miss you my bed!"

Habang nagmumuni ako eh biglang may nag text.

1 message from Zenny

(Bukas ang hiring sa kaso ni Babe. 9am.)

Okay. Sige. Ayos. Yeah.

Mag iisip na ako ng pwede kong sabihin bukas sa korte kung sakaling bobo yung kinuha nilang attorney. Malay ko ba naman di magaling yung attorney edi talo kami.

*****************

Nakaupo na kami dito hinihintay nalang ang judge. Nandito na din sila Elora kasama ang mga magulang niya at ang attorney niya. Alam ko masama ang loob niya kay Ryker. Di ko siya masisisi. Ikaw ba naman ang saksakin di ka ba magagalit? Matutuwa ka pa ba?

Imagination

"Huwaaa! Nasaksak mo ako! Omygod. This is so! Kyaaaahhh! thank you so much! Hahaha pwede bang dalhin moko sa ospital? Mauubos na kasi ang dugo ko. Hahaha pero keri ko pa naman."

Diba ang gross tignan?

"Mag uumpisa na tayo. Una nating papakinggan ang panig nina Ryker Dawson." Sabi ng judge na ikinatahimik ng lahat.

Tumayo na si Mr. Gomez sa kinauupuan niya. Ang attorney ni Ryk.

"I think wala siyang kinalaman dito. I believe na set up lang siya. This," kinuha niya ang cellphone na nahanap namin ni zeny. "Eto ang kasagutan sa lahat. Base dito sa text ng isang unknown number, na sinasabing (sumusunod ka naman pala sa usapan) na recieve niya ito ng 10:18. And, mga around 10 am siya sumuko. So it means planado ang lahat ng 'to. At inutos lang sakanya ang krimen. But on the other hand, masasabi nating di siya ang gumawa pero siya ang sumuko sa mga pulisya. And i think tinakot lang siya para gawin ito." Sabi niya habang palakad lakad. Idagdag na wala siyang expression sa mukha na nagmumukhang magaling siguro itong si attorney Gomez. Go lang attorney! I supporn este i support you pala!

"Im sorry. But that was not a good excuse. bakit niya aakuin ang hindi naman niya kasalanan? I mean, sino ang magiging sunod sunuran?" Sabi naman sa kabilang panig. Ang attorney nila Elora. Di niya alam na boyfriend ni Zeny si Ryker kaya malaya pa kaming makapunta sa ospital. A weeks ago lang namin siya nakilala dahil mahilig kaming magshopping.

"As i said before, baka naman tinakot lang siya? And this message was a big prove dahil magkalapit lang na time nung sumoko siya? You think its possible Mr. Mendez?" Sabi ni Mr. Gomez. I agree. Ayan na din ang naiisip ko nung una palang. Dahil kilala ko si Ryker. isa siyang lasenggero, nananakit, joke joke joke. Kilala ko siya bilang mabait na tao.

"You have only a proof that i think its useless. But take a time to look up, we have a witness here." Sabi nung attorney nila Elora. Tumayo naman yung sinasabing witness daw. Baka siya pa nga ang sumaksak eh. But don't judge the person ika nga nila. Pero tse! Nagmukha tuloy siyang gold digger dahil sa suot niyang gold necklace na makapal, dangling na hikaw na gold, bracelete na gold. Tss mukhang kinulayan niya lang yan ng yellow tas medyo kiniskis para kumintab. Sshh. Gawain ko rin kaya yan. Bibili ako ng mumurahin tas kukulayan ng yellow para magmukhang gold na tas ireregalo kay mommy. Oh diba kitams. Wais! *wink*

"Witness is always greater than evidence right? At ang sinasabi ng witness na nakita ng dalawa niyang mata kung paano sinaksak ni Mr. Dawson si Elora sa loob ng kanilang bahay. Diyan palang nakikita na kung sino talaga ang may kasalanan." Natahimik yung attorney. Wala na ba siyang masabi? Di na siya magsasalita para makulong na si Ryk? Hahayaan nalang niya ang kliyente niya na makulong?! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Erase that. Di siya nagaling!

"Kaano-ano mo ang biktima miss? Yaya ka ba?" Pagsingit ko. Ako nalang ang kumausap.

"Wala. Because im just a witness here." Mahinahong sabi nung witness na gold digger.

"Really?" Sabi ko. Tumayo ako para mas intense ang linya ko. Aba symepre. "This is so disgusting. You said that the crime happened in their house right?"

"O-oo. Ki-kitang kita ng dalawa-ang mata k-ko." Talaga? Akala ko apat mata niya. Dalawa sa ulo at- wag na ngalang. Baka ma green kayo.

"Then why are you there in their house? Diba sabi di mo siya kamag anak? Then pano ka napunta sa bahay nila? Imposible namang nakita mo sa labas kasi nasa kwarto siya? Isnt it too much?"
Seryoso kong saad. Totoo naman diba? Tss poor gold digger. Ay, pano siya magiging poor kung gold digger nga? Aish. Okay rich gold digger.

"Mr. Dawson is i consider as a guilty."

Nanlaki ang mata ko nung marinig ko yun. Tumingin ako kila Ryker at Zeny na parang sinasabing gumawa ako ng paraan. Aba malay ko? Di naman ako ang Attorney ah. Pinanlakihan ko ng mata si attorney Pepe de Jesus. Charot! Wala tayo sa mundo ng showbiz. At tsaka di to Alyas Robin Hood 'no. At si Attorney na iyan magiging si Dingdong Dantes? I wish. Kumbaga sa panot nitong buhok ano pa ang hawig niya?

"You dont have the right to say that Mr. Mendez unless the judge speaks it up. Di mo pwedeng sabihin yan habang di napapatunayan na siya talaga ang may kasalanan. Napaghahalataan ka tuloy na guilty." Inunahan ko na magsalita si attorney. Kanina wala akong masabi ngayon na meron naman na sasabat siya?

"And who are you to say that to me?" galit na tanong sa akin ni Mr. Mendez

"Oh you did'nt know me? Everybody knows me." At saka ngumisi ako.
"I am Maris Adelfa Anderson anyway." Pagpapakilala ko sa sarili ko. Parang nanonuod lang ng sine itong mga tao dito ah. Ako yung bida at siyempre si Mr. Mendez yung kontabida.

"I see." Sabi naman niya.

"Nakikita mo naman pala eh ba't nagtanong ka pa? Shunga ka rin ba? " Sarkastiko kong sagot.

Nakita kong magsasalita si Mr. Mendez kaso di na niya tinuloy. Tinignan nalang niya ako ng masama. Kasama ba yan sa profession niya?

"Di ka din naman siguro kasabwat Ms.Witness arent you?" Sabi ko. Bwiset na witness 'to.

"What did you just say? Anong tingin mo saken?" Mataray niyang sagot. Di ako palatalo dito

"A girl with too much kolorete?" Sabi sabay taas ng kilay and crossed my arms over my chest. Oh diba pak! Bagay na bagay sa aura ko ngayon. Nakita ng peripheral view ko na medyo na medyo natawa si Zeny.

"Well naiisip ko lang naman. Dont worry. Kasi parang di naman kapani paniwala ang sinasabi mo eh. Isama mo na yang laos mong Attorney. Tss." Pagdugtong ko sa sinabi ko.

"She just see the crime. That's all." Nakikisingit naman agad tong si Mr. Mendez. Akala ko next hiring na ang next dialouge niya?

"Sa pagkakaalam ko dapat lahat ng sinasabi dapat may paliwanag especially in law. Tama ba ako judge?" Tumingin ako kay judge. Pero di man lang siya tumingin saken. Crush siguro ako nito.

"Kaya di mo dapat sabihin na nakita niya lang yun ng walang dahilan. Another question Miss. Anong ginagawa mo sa bahay nila?" Akala niya ha. Di ko siya tantanan.

Ilang sandaling katahimikan pero wala pang nagsasalita. May pagka bingi siguro si ate.

"Can't you answer that? Its just basic. Beacause if you are the witness in this crime you should know all the details. Kahit ano pa yan na nakita mo. But in my simplest question di mo masagot? Incredible! Kahit grade 1 pag tinanong mo alam ang sagot. Iabalik kiya kita sa grade 1 ate?"
Nakakaimbyerna tong si Ate. Ang bobo lang?

"She's there----" pagsingit nanaman ni Mr. Mendez

"Op op op! Ba't ikaw ang sumasagot? I want to hear it to miss witness. At tsaka sa next hiring ka na may eksena. Wala na tuloy lines si judge dahil nakikisingit ka. Baka magalit yan si judge nako." Napailing nalang si Mr. Attorney.

"Isn't too obvious?"i crossed my arm over my chest. Tumingin ulit ako kay judge. Kamukha niya yung principal namin nung high school ah. "Judge if i were in your position i won't let this. Magtatakata na ako." I said. Baka siya yung principal namin nung high school? Hihi rumaraket siguro si Principal

"Hindi porke may ebidensya kayo----." aba sisingit nanaman si Mr. Mendez?

"Please dont make the situation long." I cut him off. Bwahahhaha

"Your evidence is just a small mouse compare to our witness."

Aba? Isaksak ko kaya 'tong phone sa kanya?

"ORDER IN THE COURT!"

"Ryker Dawson is not guilty. See you on the last hiring and we will let the victim Elora Hinderman to speak." Sabi ni judge. Nako baka nagalit dahil wala man siyang dialouge sa eksena? Sabi ko kasi kay Mr. Mendez wag niyang aagawan ng linya si Judge eh.

"Ang galing mo Adelfa ah!" Sabi ni Ryker pagkalabas namin.

"Small thing tss." Sabi ko

"Ba't parang humangin bigla?" Huhu Zeny wala man lang support diyan?

"Wala namamg bagyo ah, baka hanging amihan lang." Sabi ko

"Ang tagal naman bukas na isa pa ang next hiring!" padabog na sabi ni Ryk.

"Excited too much babe?" Eto nanaman si Zeny sa pa babe babe na yan. Di ba niya alam na may twentitri sa kalendaryo? Makasali nga sa Team Twentitri mamaya sa facebook.

*************
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng university. Halos lahat ng madaanan ko mapapatanong kung ano ang nangyare saken.

"Oh Adelfa bakit ganyan itsura mo?" Eh kasi naman eh. Huhuhu Physics pa naman yun favorite subject ko pa.

"Napano ka?" Bigwasin ko kaya yang mukha mo close ba tayo? Di ko nga kilala 'to eh. Makatanong naman si kuya.

"Uy Adelfa ayos ka lang?" Magsisinungaling ako pag sinabi kong im fine.

"Anyare sayo?" Mahabang kwento ate. Baka pag kinuwento ko pa sayo mahihiya ang haba ng traffic sa edsa kung kinuwento ko pa.

"Are you okay?" May ayos ba pag nakabusangot ang mukha?

Pumunta nalang ako dito sa canteen. As usual madaming tao, maingay.

"Yow." Bati ni West at nag-apir.

"Hi Adelfa" Si Saige yan.

"Where's Zeny?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang sila.

Umupo nalang ako sa tabi nila.

"Something's wrong?" Sabi naman ni Cacius. Kumuha ako ng kinakain nyang fries. Siguro di niya mahahalata hihi.

"Sino ba naman ang hindi maiinis nang hindi ka nakapag quiz sa isang sub? At sa physics pa talaga." Pagkalingon ko kay Caxius iba na tingin saken. "Sorry hehe." Saka ko binalik sakanya yung fries.

Itong mga kasama ko are the great cheaters. Sila ay sina Saige Holkins, Khim Blake, Caxius Fowler, Evans Harper at West Cyan Austro. Hindi lang dito sa Wroblewitz University sila sikat kundi sa iba't- ibang universities din. At walang magtatangkang isumbong sila. Di ko nga alam ba't sila takot sa mga ito eh. Konting suntok ko lang siguro tumba na mga ito. Pero sympre joke lang yon. May pagka basagulero kaya mga yan.

"Bakit ba kasi?" Sabi ni Khim. Feeling ko talaga may lahi itong si Khim eh. Pero sabi niya 100% pinoy sya.

"Im late because of that damn traffic!" Saka kuha nung sndwich ni Kim na kadadating lang.

"Tss, parang di ka na nasanay. Don't bother." Sabi Caxius. Etong si Caxius kahawig nya yung gumanap ng spiderman eh. Hehe pang hollywood ang itsura.

"Did you try asking your prof to have a special quiz?" Sabi naman ni Saige. So lahat sila tatanungin ako isa isa?

"I've try but argh!" Ang strikto naman kasi nyang si Professor Pascual. Daig pa ang na menopause.

"Alam ko na sagot dyan!" Biglang nagliwanag ang mundo ko. Waa don't tell me tutulungan nya ako?

"Kakausapin mo si prof?" Excited na tanong ko kay Saige.

"Me? Huh, hell no! Why would i? If there's an easy way." Sabi niya ng naka smirk. At saka kumindat.

"I know what youre thinking Saige." Saad ko sa usapan nila. Anong akala niya magcheat ako? Di ako katulad nila no.

"Kindat pa bro." Sabi ni West. Itong si West siguro pinanganak sa West kaya ayun name nya. Kasi yung kapatid nya East ang pangalan eh kaya for sure sa bandang East sya pinanganak.

"Umamin ka na kasi haha." Evans Harper. Wala naman akong masasabi sakanya kundi sa loverboy. Halos araw araw iba iba ang kasamang babae.

"Torpe nga kasi mga pare, hayaan nyo na." Sabi ni Khim.

"Big no." Sabi ko. Ayoko talaga

"Haha, why dont just try? I'll handle you." May handle you ka pang nalalaman.

"Ayun oh! Level up na pare." Daing naman ni West.

Nagtawanan nalang kai kasi yung itsura ni Saige parang nalugi. Idagdag niyo pa ang pang aasar nila dito.

"Blind date?" Sabay kaming tumigil sa pagtatawanan at lumingon kay Evans.

"Are you serious Harper?" Sabi ni Saige.

"Tss ang corny ng idea mo Evans." Sabi naman ni West Cyan.

"Para naman mawala yang stress sayo Adelfa." Dagdag pa ni Harper nang nakangiti.

"Wala akong time sa mga ganyan Evans Harper." Sabi ko. Like what? Blind date?

Tumungo nalang ako sa mesa. Tinignan ko si Evans na naka pout. So seryoso siya sa blind date na yan?

"Hell yeah okay." Konsensiya ko pa yang si Evans pag di ako pumayag. Wala naman sigurong masama no?

"Ang panget mong mag pout Evans! Nakakasuka." Sabi ni Khim.

"Ayun! Haha papayag ka naman pala. So whats your ideal man?" Ang kaninang malungkot na si Evans ngayon naman daig pa ang nanalo sa lotto.

"Uhm, kahit isang Lee Jung Suk lang okay na ako. Hihihi." Ang swerte ko siguro pag naka date ko ang isang tulad niya.

"Be specific Adelfa. Saan naman ako makakahanap ng katulad nya?"

"Bulag ka ba Evans? Nasa tabi mo na nga eh." Minsan gusto ko ng sampalin tong si Kim para magising sa realidad.

"Krak." Sabi naman ni Caxius.

"Di ako nakikipaglokohan Adelfa." Di rin naman ako nakikipaglokohan ah.

"Seryoso naman ako ah." Pout. Hays sige na nga.

"Simple lang naman, " sabi ko. "Mabait, syempre gwapo, may respeto. Basta mga good quality."

"Easy." Sabi naman ni Evans.

"Konti nalang kaming mga ganyan."

"Libre mangarap pare pero wag naman sobra sobra " sabi ni Saige. At saka nanaman sila nagsimulang magtawanan.

Ano naman kaya ang mangyayari sa blind date na yan? Except sa di ko kilala ang ka date ko ano pa ba?

(To be continued)

Continue Reading

You'll Also Like

28K 2.7K 36
ត្រឹមជាក្មេងប្រុសថ្លង់ស្ដាប់មិនឮម្នាក់ អាចធ្វើឲ្យបុរសមានអំណាចធ្លាក់ចូលក្នុងអន្លង់ស្នេហ៍បានយ៉ាងងាយ... 5.30.24❤️
158K 10.8K 125
Disclaimer: I do not own this story, this is just and heavily edited MTL. Full title: Stockpiling Supplies and Raising a Child in the Post-Apocalypti...
25.5K 148 40
Alex is a football player which is mocked at for never been with a girl. When the opportunity comes he takes it, but next morning everything changes
69.8K 5.6K 16
𝗦𝗵𝗲 𝗜𝘀 𝗧𝗼𝗼 𝗗𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗼𝗿 His 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗿𝗲 "Fuck, whenever you're in my arms, I feel like I might crush you. You're so delicate," he...